2. Noong unang panahon, ang
digmaan ay hindi maiwasan ng
mga lipi, lahi at mga bansa.
3. Ang Diyos ng digmaan
na si Sidapa ay nagging abala
dahil sa sunud-sunod na mga
suliranin na idinudulog sa
kanya dahil sa sigalutan ng
iba’t ibang lahi
4. Isang gabi, nagsadya sa kanya ang
mga sugo ng iba’t ibang lahi upang
solusyunan ang kinakaharap nilang
suliranin kaya minarapat niyang kausapin
ang mga ito ng isa-isa. Inatasan niya ang
isa niyang kawal na gisingin siya sa
madaling araw upang maaga siyang
makaalis
5. Ang kawal na inutusan niya ay
pupunta na sa kanyang silid subalit
nakasalubong niya ang mga sugong
naghihintay kaya siya ay nakipag-usap sa
mga ito upang alamin ang suliranin ng
bawat isa sa kanila.
6. Nawili siya sa pakikipag-usap sa
mga ito at isiniwalat din niya ang mga
lihim ng kaharian. Nakatulog siya ng
mahimbing at nalimutan niya ang bilin ng
Diyos ng Digmaan na gisingin ito ng
maaga.
7. Nagalit si Sidapa sa kawal at sinabi
niya na hindi ito karapat- dapat na maging
kawal ng kaharian. Humingi naman ng
kapatawaran ang kawal subalit sa galit ni
Sidapa ay hindi niya ito pinakinggan dahil
sa pagiging suwail nito sa kanya .
8. Sinabi ni Sidapa sa kawal na inilagay
siya nito sa kumpurmiso dahil sa pagiging
tamad nito. Dahil dito, pinarusahan niya ang
kawal. Sa kapangyarihang taglay ni Sidapa,
sinabi niyang kailanman ay hindi na
makakapagsalita ang kawal, tutubuan din ito
ng mga balahibo at pakpak at liliit ang
katawan .
9. Sinabi din niya na bago
magbukang- liwayway, gigising siya at
titilaok na gaya ng isang hayop na wala
pang pangalan.
10. Sa pagkakasabi ni Sidapa ay hindi na
nga nakapagsalita ang kawal at unti unti na
itong lumiit. Tinubuan na din ito ng
balahibo at ang dalawang kamay ay
nagging pakpak. Ang bibig niya ay
nagging maliit na tuka na lamang.
11. Dahil sa takot at kahihiyan ay umalis
ng palasyo ang kawal. Magbuhat noon ang
kawal na naging hayop ay tinawag na
tandang. Sa tuwing nagmamadaling-araw
ay gumigising at tumitilaok upang
ipagunita sa mga natutulog na siya ang
kauna-unahang nagigising sa lahat ng
hayop.
12. Ito ang alamat kung bakit
tumitilaok ang manok sa
madaling- araw.