Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
E-MODULE.docx
1. BSED-FILIPINO 2A
INTODUKSIYON SA PAGSASALIN
MODULE 9
Tungkulin ng Taga Salin
Pahayag Hinggil sa mga Karapatan
at mga Tungkulin ng Taga Salin
Sa nakaraang talakayan pinag aralan natin ang tungkol sa
Kasaysayn ng Pagsasalin sa ating bansa. Tayo ay gumawa ng mga
pagsasanay pa tungkol sa ating mga natutunan sa naturang paksa.
2. Ngayon ay ating aalamin sa modyul na ito ang mga Tungkulin ng
isang Taga Salin at kung ano ang mga nais ipahayag hinggil sa mga
karapatan at mga tungkulin ng taga salin.
Malaman ang mga Tungkulin ng isang Taga Salin.
Tuklasin ang mga Pahayag Hinggil sa Karapatan at
Tungkuling ng Taga Salin.
Nabibigyang halaga ang mga nais ipabatid sa nasabing
paksa.
Ang Pagsasaling wika ay matagal nang isinasagawa sa bansa simula
pa sa ating mga ninuno. Ngunit mas nabigyang tuonang pagsasalin
nang dumating ang iba’t ibang mananakop sa ating bansa, lalo nilang
binigyang tuon ang pagsasaling wika,kabilang na rito ang iba’t ibang
akdang pampanitikan.
Sa pagdaan ng maraming taon, ang pagsasaling wika ay higit na
nagkakaraoon ng puwang sa larangan ng pagsulat.Maraming mga
manunulat ang tumugon sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan.
Dahil dito unti-unti nagkaroon ngliwanag ang pagsasalin.
3. Nagkakaroon din ng ugnayan ang dalawang bansa kung saan nagmula
ang mga akdang isinasalin.
Ang taga salin ang pangunahing tagapag ugnay ng orihinal na
akda at ng mga mambabasa nito sa ibang wika.
Ang pagkilala sa pagsasalin bilang isang gawaing pampanitikan
ay kailangang maging saligan sa anumang kasunduan ng taga
salin at ng tagapag lathala.
Dapat ituring na awtor ang isang taga salin, at dapat tumanggap
ng karampatang mga karapatan pang kontrata, kasama na ang
karapatang ari bilang isang awtor.
Kailangang nakalimbag sa angkop na laki ang mga pangalan ng
taga salin sa dyaket, pabalat at mga pahinang pampamagat ng
mga aklat, gayundin sa materyales pampublisidad at mga
listahang pang aklatan.
4. Kailangang igalang ang patuloy na karapatan sa royalty ng
tagasalin at ibigay ang kaukulang bayad, may kontrata man o
wala.
Ang salin ng mga trabahong may karapatang ari ay hindi dapat
ilathala ng walang pahintulot mula sa mga orihinal na awtor o
mga kinatawan nila, maliban kung hindi sila mahingan ng
pahintulot dahil sa mga pangyayaring labas sa kapangyarihan ng
mga tagapag lathala.
5. Kailangang igalang ng mga taga salin ang orihinal at iwasan ang
mga pagputol o pagbabago maliban kung ang mga naturang
pagpapalit ay may pahintulot ng mga sumulat o ng kanilang
awtorisadong mga kinatawan. Dapat igalang ng taga salin ang
mga teksto. Maliban sa maipaliliwanag ng mga pagkakataon,
kailangang may pahintulot o pag sang ayon ng tagasalin ang
anumang pagbabagong editoryal.
6.
7. TUMPAK
NATURAL
DAAN SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON
PANUTO:
Gumawa ng isang sanaysay na naglalaman ng mga Tungkulin ng isang
Taga Salin. Kinakailangang binubuo ito ng 400-500 na bilang ng mga
salita.
PAMANTAYAN:
Nilalaman 30 puntos
Kaangkupan sa teksto 20 puntos
Gramatika 20 puntos
Wastong pag gamit ng mga bantas 30 puntos
KABUUAN 100puntos
https://quizlet.com/490356215/pahayag-hingil-sa-mga-
karapatan-at-tungkulin-ng-mga-tagasalin-flash-cards/