4. Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para
sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at
mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina
Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa
dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang
pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at
ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa
pamumuno ni Don Filipo.
5. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa
gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na
iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista,
at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng
mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang
makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga
pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na
nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo
na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng
mga gastos.
6. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa
at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng
isang linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din
ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang pista. Hindi
naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi.
Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing
marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring
paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal
na taga San Diego.
7. Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga sariling
ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang
inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat
nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga
gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong
misa mayor at isang komedya.