Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×

Pagtatalumpati

Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Upcoming SlideShare
Talumpati
Talumpati
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 13 Ad

More Related Content

Slideshows for you (20)

Advertisement

Similar to Pagtatalumpati (20)

Pagtatalumpati

  1. 1. Pagtatalumpati
  2. 2. a. Kahulugan Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Kakaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw – araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang talumpati ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May iba’t-ibang uri ng talumpati kaya nagkakaiba rin ang paraan ng paghahanda.
  3. 3. b. Layunin Ang layunin nito ay makahikayat at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw at maayos na paglalahad ng pangangatwiran.
  4. 4. c. Uri ng Pagbigkas Malumay - may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. Maaring magtapos sa patinig o katinig. Banayad at walang antala ang pagbigkas sa huling pantig, walang kuglit. Malumi - may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. May impit mula sa huling pantig. Nagtatapos sa patinig lamang. () Paiwa ang tuldok na ginagamit.
  5. 5. Mabilis - binibigkas ng tuloy-tuloy. Walang diin at antala hanggang sa huling pantig. Maaring magtapos sa patinig o katinig. Maragsa - Binigkas ng tuloy-tuloy, may impiyt sa huling pantig. nagtatapos sa huling pantig lamang. Nilalagyan ng tuldok na pakopya.
  6. 6. d. Dapat isaalang-alang sa Entablado Ang Mananalumpati – dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanood ng mga tao.
  7. 7. Ang Talumpati – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig.
  8. 8. Ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig upang makapagisip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila.
  9. 9. e. Uri ng Talumpati Talumpating Nagbibigay-aliw– isinasagawa sa mga handaan, pagtitipon o salu-salo Talumpating Nagdaragdag – kaalaman – madalas isinasagawa sa mga lektyur at paguulat.
  10. 10. Talumpating Nanghihikayat – ginagamit upang mapakilos, mag-impluwensya sa tagapikinig. Talumpating Nagbibigay-galang – ginagamit sa pagtanggap sa bagong kasapi o bagong dating. Talumpating Nagbibigay-papuri – ginagamit sa pagbibigay ng pagkilala sa mga pumanaw.
  11. 11. f. Dapat Iwasan sa Pagtatalumpati Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang maging kaiga-igaya sa mga nakikinig. Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot. Iwasang manalumpati ng hindi nagsasanay, dapat laging handa.
  12. 12. Huminto kung tapos na. Huwag nang dagdagan nang dagdagan pa upang hindi lumabo at maging paligoy-ligoy Kung maganap ang ppuwang o sandaling mga pagtigil, huwag matakot at mangamba.
  13. 13. Iwasang maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng katawan Huwag mangamba o kabahan, maging tuwid at payak lang sa pakikipag-usap na tila ba ay ginagampanan lamang ng isang kaswal na pakikipagkomunikasyon Iwasang mautal para malinaw na maintindihan ng mga tagapakinig ang ninanais mong ipabatid sa kanila.

×