1. Training of Trainers on
Gender Seminar for Men
[for Men Peer Educators]
Mayon Integrated Development
Alternatives and Services Inc.
2. ToT Objectives:
Men Peer Educators acquire knowledge,
skills and values needed to be able to
facilitate Gender Seminar for Men [GSM].
3. GSM Rollout Objectives:
Participants are able to:
1. Understand of the concepts of sex and gender, and become aware of gender issues.
[Naunawaan ang mga konsepto ng kasarian at pangkasarian, at ng
mga isyung pangkasarian.]
2. Understand the socio-cultural context of gender bias and gender inequality in
society.
[Naunawaan ang sosyo-kultural na dahilan ng diskriminasyon,
paglabag sa karapatan at hindi pagkakapatas pangkasarian.]
3. Identify alternative measures for male involvement in achieving gender equality.
[Natukoy ang mga pamamaraan upang makatulong ang mga
kalalakihan sa pagkamit ng pagkakapatas pangkasarian.]
4. Input 1. Balangkas ng Seminar [10 minutes]
INPUT ACTIVITY Duration
1. Balangkas ng Seminar 10 minutes
1. Sex and Gender [Kasarian; Pangkasarian] 30 minutes
2. “Magpaka-Lalaki Ka!” 30 minutes
3. Sino ang Nagdedesisyon sa Loob ng Pamilya? 30 minutes
4. Video Analysis: The Impossible Dream 30 minutes
2. Mga Porma ng Diskriminasyon sa
Kababaihan at Iba Pang Pangkasarian
30 minutes
3. Mga Pamamaraan Upang Makatulong
ang mga Kalalakihan na Tugunan ang mga
Diskriminasyon na Ito
15 minutes
5. Magpaka-Lalaki Ka, Now Na! 25 minutes
6. Pagtatapos at Training Assessment 10 minutes
Total 210 minutes
or 3.5 hours
Layunin ng Sesyon: Maunawaan ng PEs ang tatakbuhin ng buong Seminar at ang mga
partikular na paksa at aktibidad sa loob nito.
5. Paglilinaw:
1. Hindi ito labanan ng kasarian (Lalaki vs. Babae + iba pang
Pangkasarian)
2. Hindi ito kontra-Lalaki
3. Parehong biktima ang Lalaki at Babae....ngunit higit na
dehado ang Babae at iba pang Pangkasarian
4. Mahalaga ang papel ng Babae at ng Lalaki sa pagtamo ng
pangkasariang pagkakapantay-pantay (gender equality).
6. Activity 1. SEX at GENDER, Ano Ito?[30 minutes]
Pitik Palak: (SLE) Free Association Game
1. Bumuo ng bilog at ituro ang aksyon at tamang pasunod-sunod.
2. Magpraktis tayo: Ano ang unang naiisip mo kapag narinig ang salitang ….
FIESTA?
3. First Round: Ano ang unang naiisip mo kapag narinig ang salitang LALAKI?
4. Second Round: Ano ang unang naiisip mo kapag narinig ang salitang BABAE?
Layunin ng Aktibidad: Maunawaan at magkaroon ng kakayahang ipaliwanag kung ano ang
SEX at ano ang GENDER sa pamamagitan ng konkretong mga halimbawa na nagmula
sa mga participants mismo.
7. Output Template
Mga UNANG
NAIISIP
Sa mga naisip ninyo alin ang mga
KATANGIANG SEX
[KASARIAN]?
Alin ang
KATANGIANG GENDER
[PANGKASARIAN]?
MALE
[LALAKI]
FEMALE
[BABAE]
MASCULINE
[PANLALAKI]
FEMININE
[PAMBABAE]
LALAKI
-
-
-
-
-
-
add rows if needed
8. Output Template
Mga UNANG
NAIISIP
Sa mga naisip ninyo alin ang mga
KATANGIANG SEX
[KASARIAN]?
Alin ang
KATANGIANG GENDER
[PANGKASARIAN]?
MALE
[LALAKI]
FEMALE
[BABAE]
MASCULINE
[PANLALAKI]
FEMININE
[PAMBABAE]
BABAE
-
-
-
-
-
-
add rows if needed
9. Buod:
ANO ANG SEX [KASARIAN]?
Tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang tao:
LALAKI/BABAE
Biologically determined – bigay ng Dios at ng kalikasan
Nakakabit na nang ipanganak
Hindi mababago at hindi mapapalitan
May kinalaman sa REPRODUKSYON
10. SEX – may kinalaman sa REPRODUKSYON
BABAE
vagina, uterus, ovary
Itlog o egg cells
estrogen, progesteron
breast
xx chromosomes
LALAKI
penis, scrotum
punlay o sperm cells
androgen, testosterone
adam’s apple
xy chromosomes
11. ANO ANG GENDER [PANGKASARIAN]?
Pangkasarian (Feminine/Masculine)
Katangiang ikinakabit sa bawat kasarian (gender
characteristics)
Mga katangiang itinuturo o hinuhubog ng kultura o
lipunan
Pinagbatayan ng mga pag-uugali at kilos na likha ng
kaisipan at paniniwala
12. GENDER- Magkaibang tungkulin, katangian, kakayahan, pag-
uugali, kaisipan, kilos at pangdama ng Babae at Lalaki na itinatalaga
ng lipunan at ipinagpapatuloy ng kultura.
13. The PROBLEM is…..
Gender linked characterization or definition dictates or influences what the
women or man should do and what the woman or man can be…
It therefore dictates or influences men’s and women’s development and that
of society…
Ang mga katangiang pangkasarian na ito ay nagtatalaga at
nagdidikta kung ano ang dapat isipin, sabihin, ikilos at gawin ng
isang lalaki o babae, at kung ano ang kanilang maaaring abutin,
makamit at kahinatnan sa pamilya, komunidad at lipunan.
Samakatwid ito ay nagdidikta, nag-iimpluwensya at naglilimita rin
ng maaaring marating sa buhay o pag-unlad ng isang babae o
lalaki. At madalas, MENOS at DEHADO ang mga KABABAIHAN.
14. Activity 2. “Magpaka-LALAKI ka!”[30 minutes]
Napag-alaman natin mula sa Activity 1 na ang Gender Characteristics/ KATANGIANG
PANGKASARIAN ay itinatalaga ng LIPUNAN at ipinagpapatuloy ng KULTURA, na siyang
pinagbabatayan ng PAG-UUGALI at KILOS natin – ng mga lalaki at babae at iba pang
pangkasarian.
Ang LIPUNAN ay pamayanan ng mga taong merong nagkakaparehong mga tradisyon,
gawi, adhikain at institusyon . Ang PAMILYA ay basic unit ng LIPUNAN. [Ano pa ang
ibang bahagi ng LIPUNAN?]
Ang KULTURA ay binubuo ng mga paniniwala, tradisyon, gawi at values. Ang KULTURA
ay nagiging bahagi ng pagkatao natin.
Layunin ng Aktibidad:
Bakasin at patunayan mula sa sarili nating karanasan kung papaano ang
KATANGIANG PANGKASARIAN nating mga lalaki ay tumagos at naging bahagi
ng ating kaisipan, pag-uugali at kilos mula sa sarili nating pamilya,
eskwelahan, komunidad, mga institusyon, at media.
15. Hatiin ang participants sa Tatlong (3) grupo.
Tanong: Ano ang inyong sariling karanasan tungkol sa
katagang “Magpaka-Lalaki ka!”?
Group 1: Mula sa inyong karanasan noong bata pa sa inyong sariling pamilya.
Group 2: Mula sa inyong karanasan bilang estudyante sa elementarya at high school na
kumaharap ng impluwensya at pressure mula sa mga kapwa estudyante.
Group 3: Mula sa inyong karanasan bilang kabataang nagbibinata na kumaharap ng
impluwensya at pressure mula sa mga nakatatanda.
Common sa 3 Grupo: Mga katangian at kilos ng isang lalaki mula sa mga napanood sa
pelikula at television na naka-impluwensya o ginaya ninyo.
Bawat grupo ay pipili ng isang Facilitator at isang Tagapagsulat ng talakayan.
Isagawa ang talakayan.
Hayaan ang Facilitator o ang Tagapagsulat ng bawat grupo na magreport sa plenary ng
kanilang napag-usapan.
16. Buod:
Ang inyong mga sariling karanasan tungkol sa katagang “Magpaka-Lalaki ka!” ang nagpapatunay na ang
kaisipan, pag-uugali, gawi at iba pang katangiang pangkasarian ng mga Lalaki ay hinuhubog mula sa pagkabata
sa sariling pamilya, sa eskwelahan, sa komunidad, sa mga institusyon [simbahan, gobyerno, trabaho], at sa
media. Na ang mga kaisipan, pag-uugali at gawi na ito ay ITINATALAGA NG LIPUNAN AT IPINAGPAPATULOY NG
KULTURA.
Mabuti kung positibo ang mga kaisipan, pag-uugali at gawi na ito, katulad ng paggalang at pagmamalasakit sa
kapwa, at pagiging tapat, patas at makatarungan.
Ngunit maraming hindi mabuting katangian ang nagiging bahagi ng pagkatao ng mga bata at kabataang lalaki
na inaakala nilang natural at normal lamang na katangian ng mga Lalaki. Halimbawa nito:
pagiging matigas at walang emosyon kahit nasasaktan
pagiging dominante, bully at marahas
pagiging feeling entitled sa pagsilbi ng Babae
pagtingin na ang gawaing bahay ay para lamang sa mga Babae
na ang Lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming karelasyon at ang Babae ay sa asawa lang, atbp.
At madalas, ang hindi mabuting katangiang ito ay nagiging bahagi na ng pag-uugali at gawing PANLALAKI na
naglalagay naman sa mga BABAE sa MENOS at DEHADONG kalagayan.
17. Activity 3. Sino ang Nagdedesisyon sa Loob ng Pamilya?[30 min]
Nakita natin sa nakaraang aktibidad na maaaring magkaroon ng negatibong epekto ang
simpleng pagkakaiba at pagkakahati ng mga KATANGIANG PANGKASARIAN, PANLALAKI
o PAMBABAE. Akala natin ang mga negatibong epektong ito ay natural at normal
lamang.
Ang pagkakahating ito ay nagsisimula, nagkakaroon ng ugat at namamantine sa LOOB
ng ating mga PAMILYA, mula sa hatian ng mga gawain hanggang sa paggawa ng mga
mahahalagang desisyon sa kabuhayan at pamamahala ng pamilya.
Layunin ng Aktibidad:
Bakasin at alamin kung paano at gaano tumatagos sa PAMILYA [sa usapin ng paggampan
sa responsibilidad at pagdedesisyon] ang PAGKAKAHATING PANGKASARIAN [GENDER
DIVISION].
Patas at makatarungan ba ang pagkakahating ito?
Ano ang mabuting gawin kaugnay nito?
18. Hatiin ang mga kalahok sa apat (4) na grupo at pagusapan ng bawat grupo ang tanong.
Bawat grupo ay pipili ng isang Facilitator at isang Tagapagsulat ng talakayan.
Tanong: Sino ang nagdedesisyon sa loob ng Pamilya?
Isagawa ang talakayan.
Hayaan ang Facilitator o ang Tagapagsulat ng bawat grupo na magreport sa plenary ng
kanilang napag-usapan.
Usaping Dinidesisyunan
Sino ang nagdedesisyon?
( Lalaki, Babae o Pareho )
Kapag walang
kaisahan ano ang
nangyayari/ sino ang
nagdedesisyon sa huli?
Group 1 A. Pangkabuhayan
B. Pagdisiplina ng anak
Group 2 A. Hatian ng gawain sa bahay
B. Pagpapaaral sa anak
Group 3 A. Pagbili ng ari-arian
B. Iboboto sa eleksyon
Group 4 A. Pagbabadyet ng pera ng pamilya
B. Pagpaplano ng pamilya
19. Buod:
Batay sa inyong mga report ang mga desisyon na pinaguusapan at ginagawa
magkasama ng MAG-ASAWA [Babae at Lalaki] ay ang sumusunod:
.
.
.
.
Ang mga desisyon at gawain naman na ang mga LALAKI ang kadalasang gumagawa
ay ang sumusunod:
.
.
.
.
20. Ang mga desisyon na ang mga BABAE ang kadalasang gumagawa ay ang sumusunod:
.
.
.
Kapag walang kaisahan:
Ito ang nangyayari: __________________________________________________
Ang nagdedesisyon sa bandang huli ay ang mga _____________
21. Tanungin ang mga kalahok:
Patas at makatarungan ba ang hatian sa pagdedesisyon at gawain ng MAG-
ASAWA [Lalaki at Babae]? Bakit OO? Bakit HINDI?
Ano ang mabuti nating gawin sa mga desisyon at responsibilidad na
ginagawang magkasama ng MAG-ASAWA [Lalaki at Babae]?
Ano naman ang mabuti nating gawin o ayusin pa sa mga desisyon at
responsibilidad na ginagawa lang ng mga LALAKI?
Sino ang madalas gumagawa ng desisyon sa mga usaping pangkabuhayan?
Ano naman ang mabuti nating gawin o ayusin pa sa mga desisyon at
responsibilidad na ginagawa lang ng mga BABAE?
Kapag walang kaisahan sa mga desisyon, ano ang mabuting gawin ng mag-
asawa?
22. Productive Work o
Gawaing Produksyon
Reproductive Work o
Reproduksyon
May PESO value
May benefits
May limit ang oras
May promotion at overtime
May pag-unlad
Nililikha : PRODUKTO
MAHALAGA
Para sa Kalalakihan
Walang PESO value
Walang benefits
Walang limit ang oras
Walang promotion at overtime
Walang pag-unlad
Nililikha: BUHAY
DI MAHALAGA
Para sa Kababaihan
Pagpapalalim sa hindi patas na GENDER DIVISION sa karapatang pangkabuhayan:
23. Activity 4. Video Analysis: The IMPOSSIBLE DREAM[30 mins]
Panoorin natin ang video: The Impossible Dream_ a United
Nations (UN) video.mp4
Gabay na tanong:
Ano ang iyong naramdaman habang pinapanood ang
video?
Anong parte ng palabas ang may kahalintulad sa ating
pang-araw-araw na buhay?
Patas at makatarungan ba ang RELASYONG PANGKASARIAN
NG MAG-ASAWA? NG DALAWANG ANAK? NG IBA PANG
KARAKTER SA VIDEO?
24. M
VAWC
Personal
EPEKTO SA
PAGKATAO
Input 2. Mga Porma ng Diskriminasyon sa Kababaihan
at Iba Pang Pangkasarian (Gender)[30 minutes]
Layunin ng Sesyon: Mapalalim
ang pag-unawa sa iba’t-ibang
porma ng paglabag sa
karapatang pantao at
pangkasarian ng mga
Kababaihan at iba pang
Pangk.asarian
25. Paano ko
pagkakasyahin
ang pera….
Bakit wala
akong say???
Hindi pwede
dahil ako ay
babae???
Pagod na pagod
na pagod na
ako…
Hangang kelan
ko titiisin ang
ganitong
pananakit???
Babae ako, wala
akong kwentang
tao…
27. Di binibigyan halaga ang trabaho ng mga babae; pansuporta o
pantulong lang.
Employed: M-64%; F-50%, Self-employed: M-67%, F-33%,
Unpaid domestic work: F- 17%. (LFS, NSO)
Mababa ang labor participation rate (LPR) ng kababaihan
(50%) kumpara sa kalalakihan (80%) simula ng 1995 hanggang
2004. (LFS,NSO)
PAGSASANTABI
28. MARGINALIZATION/PAGSASANTABI
Di pagbibigay ng sapat na pagpapahalaga sa kontribusyon ng
kababaihan sa ekonomiya
Huling natatanggap sa trabaho,
unang sinisisante.
Mas mababang pasahod sa babae
kumpara sa katumbas na trabaho ng
lalaki.
30. Kadalasan lalaki ang may hawak ng mataas na posisyon sa
mga organisasyon o mga sentro ng kapangyarihan.
(EconomicPolitical Power).
Sa lipunan, mas mataas ang pagtingin at pagpapahalaga na
iniuukol sa mga lalaki.
Ang mga mahahalagang pagpapasya ay nasa kamay ng
kalalakihan.
PAGMAMALIIT
32. MARAMING PASANIN
Nangyayari sa manggagawang babae na nagpasyang lumahok sa
gawaing produksiyon dahil sa kahirapan o para mapaunlad ang
sarili.
Naiiwan pa rin sa babae ang bulto ng mga gawaing bahay.
Mas malaking responsibilidad sa pag-aalaga ng mga anak
(parenting) ay sa babae pa rin.
33. PATONG-PATONG NA PASANIN PARA SA KABABAIHAN
Sa isang pag-aaral, napag-alaman na ang mga babaeng manggagawa
sa kalunsuran ay nagtratrabaho ng 16 – 18 oras bawat araw;
mga babaeng manggagawa sa kanayunan naman ay 18 – 20 oras
bawat araw
Mr. at Mrs. sa trabaho Mr. at Mrs. sa bahay
35. Pagkakahon
(Gender Stereotyping)
• Pag-aalaga at pagpapalaki ng anak
• Relihiyon o pananampalataya
• Trabaho (occupation)
• Edukasyon – kurso para sa lalaki at para sa babae
• Lenggwahe o salita
• Ugali at pagkilos
• Mga programa ng pamahalaan – dressmaking, pagluluto
• Media
36. Babae ako, wala
akong kwentang
tao…
5. KARAHASAN LABAN SA
KABABAIHAN
(Violence Against Women)
37. Karahasan Laban sa Kababaihan
(Violence Against Women)
Tatlong elemento ng VAW – lakas, lupit, sakit
Karahasan ay maaaring verbal, physical, sexual at
emosyonal o psychological
Anyo o porma ng karahasan sa kababaihan:
biro, pagsipol, paninilip, panghihipo, sexual passes
karahasang sexual
karahasan sa bahay
prostitusyon
38. VIOLENCE AGAINST WOMEN (VAW)/
KARAHASAN LABAN SA KABABAIHAN
Sexual Harassment
Domestic Violence / VAWC
Rape
Prostitution
39. Babae ako, wala
akong kwentang
tao…
6. EPEKTO SA PAGKATAO NG
BABAE
Mababa ang pagtitiwala sa sariling
kakayahan at talino
Pagtanggap na ito ang guhit ng
tadhana para sa kanila
Walang positibong pagtingin sa
kinabukasan
Hindi yumayabong ang potensyal
bilang isang tao
40. Input 3. Mga Pamamaraan Upang
Makatulong ang mga
Kalalakihan na Tugunan ang
mga Diskriminasyon na Ito[15 mins]
Shared Parenting
Shared Bread-winning
Shared Housekeeping
41. Activity 5. Magpaka-LALAKI Ka, Now Na![25 minutes]
Gabay na tanong: Matapos ang mahaba nating talakayan sa kalagayan ng KABABAIHAN
at IBA PANG PANGKASARIAN kayo ngayon ang magpasya:
1. Sang-ayon ka ba sa statement na: “ANG TUNAY NA LALAKI AY IYONG PATAS,
MAKATARUNGAN AT KUMIKILOS PARA SA KAPAKANAN NG MGA
NADEDEHADONG TAO, KABABAIHAN AT IBA PANG PANGKASARIAN”?. [OO o
HINDI]. Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Kung meron kang mga MABUTING GINAGAWA NA PARA SA KAPAKANAN NG
KABABAIHAN AT IBA PANG PANGKASARIAN na GUSTO MONG IPAGPATULOY,
ano ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Kung meron kang UGALI, GAWAIN o PAGKUKULANG NA GUSTO MONG
BAGUHIN O AYUSIN KAUGNAY SA KABABAIHAN AT IBA PANG PANGKASARIAN,
ano ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Layunin ng Aktibidad: Tulungan ang mga kalahok na isalin ang nadagdag na kaalaman, kakayahan at
pagpapahalaga tungo sa konkretong aksyon bilang mga kalalakihang tagapagtaguyod ng pagkakapatas
pantao at pangkasarian.
42. Activity 6. Training Assessment[10 minutes]
SINUSURING ASPETO NG TRAINING
1
Lowest
2 3 4 5
Highest
1. LAYUNIN NG TRAINING:
Maunawaan ang mga konsepto ng kasarian at
pangkasarian, at mga isyung pangkasarian
Maunawaan ang sosyo-kultural na dahilan ng
diskriminasyon at hindi pagkakapatas pangkasarian
Matukoy ang mga pamamaraan upang makatulong ang
mga kalalakihan sa pagkamit ng pagkakapatas
pangkasarian
2. FACILITATOR
3. CO-PARTICIPANTS
4. PANGKALAHATANG PAMAMAHALA NG TRAINING
Lagyan ng tsek ang angkop na Rating sa bawat sinusuring aspeto ng training.