2. Sa isang maunlad na bayan ng Villa Carlotha,
naninirahan ang pamilya ng magkaibigang Tipaklong at
Lalapindigowa-i. Kapwa masisipag at matatalino ang
magkaibigan subalit magkaiba sila ng katangian.
Si Tipaklong ay palakaibigan at
maraming kapitbahay na natutulungan
samantalang si Lalapindigowa-I ay hindi
man lang malapitan. Masungit at hindi
inaalintana ang mga kasamahan pati ng
kaniyang mga kamag-anakan kapag may
pangangailangan.
3. Sa paghahangad na maging maalwan
ang pamumuhay ng pamilya, nagsisikap
sila sa pagtatrabaho. Sa sobrang dami ng
kanilang trabaho, halos hindi na sila
nagkikita at wala silang alam sa nagiging
takbo ng buhay ng bawat isa. Subsob na
subsod ang dalawa sa trabaho para
lamang maka-ipon at maibigay ang
pangangailangan ng malaking pamilya.
4. Tapos na ang panahon ng tag-init
ngunit minsan ay nararanasan pa rin
ng magkaibigan ang nakapapasong
sikat ng araw sa kani-kanilang sakahan.
Isang araw habang nagsasaka ang
magkaibigan,biglang bumuhos ang
malakas na ulan pagkatapos nilang
mabilad sa araw. Dahil sa nangyari,
nagkasakit silang pareho nang hindi
man lang magawang maipagamot ng
kani-kanilang pamilya.
5. Ngunit isang araw, sa di malamang
dahilan ay narinig nilang binawian ng
buhay si Tipaklong. Nagulat ang lahat
dahil sa pagkakaalam na wala nang
iniinda ang kanilang kaibigan. Labis ang
pagdadalamhati ng mga naiwang
pamilya ni Tipaklong. Marami ang
nakiramay sa sinapit na kawalan ng
pamilya. Marami ang dumalo sa huling
lamay at gabi na masisilayan siya ng mga
nagmamahal.
6. Ilang buwan pa lamang ang
lumipas, nagkasakit muli si
Lalapindigowa-i. Sa pagkakataong
ito’y hindi na nakayanan ng kanyang
pangangatawan ang pinsalang dulot
ng kanyang sakit sa bato. Namatay
siya at naulila ang kanyang pamilya na
siya lamang ang tanging inaasahan.
Habang nakaburol ang kanyang labi,
wala man lang dumamay sa
kapighatian ng pamilya.
7. “Hindi isang kawalan ang pagkawala
niya sa ating pamayanan,” ang sabi ng isa
sa kanyang kapitbahay. Masakit man sa
damdamin ng pamilya, wala silang
nagawa kundi tanggapin na hindi
mapipilit ang mga kapitbahay nila na
sumalo sa kanilang kalungkutan. Tama
nga ang pahayag sa palasak na
kasabihang, “mas mabuti pang
manirahan sa maliit na dampa basta ang
kasama mo ay tao kaysa manirahan sa
mala-palasyong bahay na kuwago naman
ang kasama mo.”
8. Ang mabuting pakikisama sa kapwa ay
magdudulot ng maayos na ugnayan ng bawat isa.
Dagdag pa ang angkop na moralidad at wastong
pamumuhay ay magbubunga ng walang kapantay
na seguridad sa pamumuhay.
Wakas!