SlideShare a Scribd company logo
1 of 10
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
Pangalan: _____________________________________________ Iskor: ________
Baitang at Pangkat: ___________________________ Petsa : _______
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. ILAGAY sa PATLANG ang
TITIK ng pinakatamang sagot.
1. Ang mundo ay binubuo ng pitong (7) kontinente. Ang pinakamalaking
kontinente ay ang______?
a. Asya c. Rusia
b. China d. North America
2. Ang Kontinente ng Asya ang pinakamalaking kontinente ng daigdig.
Ito ay binubuo ng ilang rehiyon?
a. 8 c. 7
b. 5 d. 20
3. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng lokasyon katangiang pisikal ng
isang lugar,tao, kultura ng tao, pamamaraan at kalagayan ng
kanilang pamumuhay at interaksyon sa lipunan.
a. Kasaysayan c. Heograpiya
b. Kultura d. Sibika
4. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay nahahati
sa limang rehiyon na binubuo ng
______________________________________________.
a. Hilaga, Kanluran, Silangan, Timog at Timog- Kanluran
b. Hilaga, Kanluran, Silangan, Timog at Timog- Silangan
c. Hilagang-Silangan, Kanluran, Silangan, Timog at Timog-
Kanluran
d. Hilagang-Kanluran, Silangan, Timog- Silangan, Timog at Timog-
Kanluran
5. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Timog Asya?
a. Mongolia at Uzbekistan c. Afghanistan at Pakistan
b. Lebanon at Jordan d. Myanmar at Thailand
6. Sa Asya matatagpuan ang pinakamataas na bundok na may taas na
8,850 na metro. Ito ay ang bundok___________________.
a. K2 c. Everest
b. Pinatubo d. Fuji
7. Ang Timog-Silangang Asya ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire. Ito ay
sa kadahilanang maraming aktibong bulkan ang nakapaligid ditto.
Ang bulkang Mayon na isa sa pinaka-aktibong bulkan ay
matatagpuan sa_______________?
a. China c. Indonesia
b. Pilipinas d. Japan
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
8. Pinakamalaking desyerto sa Asya at pang-apat sa buong mundo na
may lawak na 1,295,000 kilometro kwadrado.
a. Desyerto ng Gobi c. Ilog Tigris
b. Huang Ho d. desyerto ng Mongoli
9. Ang bansang ito ay itinuturing na pinakamalaking archipelagic state
sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang 13,000 kapuluan.
Ito ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Pilipinas.
a. Russia c. Indonesia
b. China d. India
10. Ang Pilipinas binubuo ng mahigit 7, 107 na kapuluan kaya
masasabing ang Pilipinas ay isang anyong lupa na tinatawag
na_______________.
a. Tangway c. pulo
b. Archipelago d. dagat
11. Ang mga baybay-ilog na matatagpuan sa Kanlurang Asya ay
nagsilbing lundayan ng sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya
kundi sa buong daigdig.
a. Ilog Tigris at Euphrates c. Red Sea
b. Ilog Huang Ho d. Black Sea
12. Ito tumutukoy sa uri ng anyong lupa na nakausli sa dagat.
Isang halimbawa nito ay ang bansang Hilaga at Timog Korea.
a. Kapuluan c. Tangway
b. Talampas d. bundok
13. Ang bansang ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng
Indonesia at Borneo. Nasa hilagang bahagi nito ang Taiwan at nasa
silangan nito karagatang Pasipiko. Ito ay ang bansang________.
a. Pilipinas c. Saudi Arabia
b. Korea d. Bahrain
14. Ang Mt. PINATUBO, Mt. TAAL at Mt. MAYON ay ang mga
bulkang matatagpuan sa_______.
a. Pilipinas c. Saudi Arabia
b. Korea d. Bahrain
15. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakalatag sa isang
malawak na sona na tinatawag na Ring of Fire, o Circum- Pacific
Seismic Belt. Ang Pacific Ring of Fire ay ang lugar na ito ay
nagtataglay ng maraming hanay ng mga_____________________.
a. Bundok c. bagyo
b. Bulkan d. tao
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
16. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig na may
ibat-ibang kaanyuang pisikal tulad ng mga hangganang mga bundok
at kapatagan. Ano ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga tao?
a. Industriyalisasyon
b. Pagtatrabaho sa pabrika
c. Natutunan ng mga tao ang komersyal na pagtotroso.
d. Pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang pangunahing
kabuhayan ng mga tao.
17. Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa
kanlurang Asya. Ano ang pangunahing yamanag mineral ng rehiyong
ito?
a. Ginto at tanso c. Tingga at Bakal
b. Phosphate rock d. Langis at petrolyo
18. Karamihan sa mga bansang Asyano ay Agrikultural na bansa.
Anong konklusyon ang iyong mabubuo kaugnay nito?
a. Maliit na bahagi ng lupain
b. Karamihan sa mga Asyano ay minero
c. Industriya ang pangunahing hanapbuhay ng mga Asyano
d. Ang mga Asyano ay mga magsasaka
19. Ang pagkakaroon ng Asya ng iba’t-ibang kapaligirang pisikal ay
may malaking implikasyo sa pamumuhay ng mga tao. Aling sa mga
sumusunod ang HIGIT na pinipili ng tao upang tirahan?
a. Malapit sa kanilang kabuhayan c. Malapit sa bayan
b. Mataong lugar d. Madali ang
transportasyon
20. Mayaman ang Asya sa ibat-ibang anyong tubig tulad ng
karagatan, lawa at mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay
ng tao. Ang mga ilog Tigres at Euphrates sa Iraq, Indus sa India, at
Huang-ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na may malaking
bahagi sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang ginampanan
nito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng
kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig
b. Maraming mahalagang panngyayayri sa kasaysayan ng
rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at sa pagkasawi
ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing na may naganap na
pagbaha
d. Ang mga ilog na ito ay nagsilbing daanan ng mga barko
paluob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa
kalakalan.
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
II. Enumerasyon
A. Mga Rehiyon sa Asya
1.________________________
2.________________________
3.________________________
4.________________________
5.________________________
III. Panuto: Basahing mabuti ang texto sa ibaba at sagutan ang mga
tanong.
MGA ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG SA ASYA
May iba’t ibang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa
iba’t ibang bansa sa ibang Asya.
Anyong Lupa
Ang biyayang hatid ng mga anyong lupa sa tao ay nakapagdudulot ng
malaking impluwensiya sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga
bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar
at proteksiyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga
disyerto, baybay-gilid, at kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay
nagtataglay ng samu’t saring yamang mineral na metal, di-metal at gas.
Sa mga bundok at gubat nakukuha ang mga bungang-kahoy, mga
herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga
hayop, lalong lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka, at nililinang ng tao
ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim. Ang mga
damuhan at mga burol naman ay ginagawang pastulan.
Ang mga anyong lupa ay may kaugnayan sa mga uri ng pamumuhay,
pang-araw-araw na gawain, at kabuhayan ng mga mamamayan ng Asya.
Pag-aralan natin ang mga anyong lupa na matatagpuan sa Asya.
Bundok. Ang pinakamataas na bundok sa mundo ay ang Mt. Everest
na nasa hanay ng Kabundukan ng Himalayas. Ang taluktok nito ay may
taas na 8848 metro (29,028 talampakan) mula sa sea level. Nasa gitna ng
Asya ang Himalayas na may habang 2400 kilometro. Nasa hilaga ito ng
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
Nepal at India at karugtong ang Talampas ng Tibet. Hinahati ng Himalayas
ang Asya sa hilaga at timog, at Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya.
Nasa Asya rin ang mga Kabundukan ng Hindu Kush at Caucasus. Ang
pinakamataas na taluktok ng Kabundukan na nakahanay sa dulong timog
ng Dagat Caspian patungong baybayin ng Lake Baikal ay ang Pamir. Ang
Pamir ang pinakasentro ng mga hanay ng Kabundukang Himalaya, Tien
Shan, at Hindu Kush. Humigit-kumulang sa 4,000 metro ang taas ng pook
kaya binansagan itong “bubungan ng daigdig”.
Bulkan. May 165 bulkan sa Japan at 54 nito ang aktibo. Ang Mount
Fuji ang pinakatanyag sa mga ito. Ipinagmamalaki naman ng Pilipinas ang
Mayon, ang hugis konong bulkan at ang Taal. Nakilala naman ang bulkan
ng Krakatoa sa Indonesia sa buong mundo dahil sa lakas ng pagsabog nito
noong Agosto 1883. Nadama ang lakas ng pagsabog hindi lamang sa pulo
ng Krakatoa kung hindi hanggang sa Sumatra at Java, at kahit sa Inglatera.
Talampas. Ang Tibet ang pinakamalaking talampas sa daigdig. May
taas itong 4,545 metro at sukat na 1,040,00 kilometro kwadrado. Kilala rin
ang Talampas ng Deccan sa India.
Lambak. Ang mga lambak ng Huang Ho, Ilog Yangtze, at Ilog Amur sa
Tsina ay may haba na 2,880 kilometro. Malalawak din ang mga lambak ng
Ilog Mekong sa Indotsina, Ilog Chao Phraya sa Thailand, at Ilog Irrawaddy at
Ilog Salween sa Myanmar.
Disyerto. Nasa Tsina ang 1,440 kilometrong disyerto ng Taklamakan
at disyerto ng Gobi. May disyerto rin sa Arabia, Iran, Iraq at India.
Kapuluan. Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig
na binubuo ng 13,000 na mga pulo. Pangalawa ang kapuluan ng Pilipinas
na kasalukuyang binubuo ng 7,641 na mga pulo ayon sa bagong tala ng
National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
Tangway. Ang tangway ay bahagi ng kapuluang nakausli sa
karagatan. Halimbawa nito ang mga tangway ng India, Indotsina, Saudi
Arabia, at Malaysia. Dahil sa laki, itinuturing ng ibang manunulat na isang
sub-kontinente ang India.
Mga Anyong Tubig
Ang mga anyong tubig ang siyang pinagkukunan ng inumin at gamit
sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng
irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan ng mga transportasyong
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
pangtubig, at pinagkukunan ng mga pagkain at mga palamuti. Malapit rin
sa mga katubigan, tulad ng pangpang ng mga ilog at dalampasigan
nagaganap ang palitan ng mga produkto noong unang panahon at kahit sa
mga piling lugar sa kasalukuyan. Ito ay nagsilbi ring likas na depensa at
pinagkukunan ng iba’t ibang yamang tubig at yamang mineral. Ang mga
anyong tubig ay may mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano.
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng anyong tubig na makikita sa Asya.
Karagatan. May mga karagatang nakapalibot sa Asya. Ang mga ito ay
ang Karagatang Pasipiko sa silangan, Karagatang Indian sa timog, at
Karagatang Arktiko sa hilaga. Maliban sa tatlong ito, nandiyan din ang
Karatagatang Atlantiko at Southern Ocean.
Dagat. Ang South China Sea ay ang pinakamalaking dagat sa Asya.
Ilan sa mga bansang nakapalibot dito ay ang China, Taiwan, Vietnam,
Malaysia, Indonesia, at Pilipinas. Ang Mediterranean Sea naman ang
pumapangalawa rito na makikita sa pagitan ng Asya, Africa, at Europa.
Dagdag din dito ang Dagat Bering na nasa pagitan ng Asya at Hilagang
Amerika at ang Dagat Okhotsk na nasa hilaga ng Hapon at silangan ng
Russia. Mayroon ding Black Sea na nasa pagitan ng Turkey at Russia at
Red Sea na nasa pagitan ng Saudi Arabia at baybayin ng Africa.
Ilog. Ang mga Ilog Lena at Ilog Ob ay nagsisimula sa mga
kabundukan na umaagos sa Russia sa Hilagang Asya at tumutuloy sa
Karagatang Arktiko. Ang Ilog Indus, Ilog Ganges, at Ilog Brahmaputra ay
dumadaloy sa India, Pakistan, at Bangladesh. Ang Huang Ho o Yellow River,
Ilog Yangtze, at Ilog Amur ang malalaking ilog sa Tsina. Ang Ilog Yangtze
ang pinakamahaba sa Asya at na umaabot sa 5,590 kilometro. Ang Ilog
Mekong na may habang 4,166 kilometro ay dumadaloy sa tangway ng
Indotsina hanggang Timog Tsina. Ang Ilog Chao Phraya sa Thailand, at mga
Ilog Irrawaddy at Ilog Salween sa Myanmar ay tumutuloy sa Dagat
Andaman. Ang Ilog Cagayan sa Luzon ang pinakamalaki sa Pilipinas.
Pinakamalaki naman ang Ilog Yalu sa Korea. Ang Ilog Tigris at Euphrates, at
Ilog Jordan naman ang mga ilog sa Kanlurang Asya.
Lawa. Pinakamalaki ang Lawa ng Aral sa Hilagang Asya na may sukat
na 64,740 kilometro kwadrado. Ang mga lawa sa Gitnang Asya ay ang
Balkash at Baikal. Ang Lawa Van sa Turkey ay tinaguriang “Lawang Asin”
dahil sa tindi ng alat ng tubig. Ang pampang ng lawa ay pinagkukunan ng
asin. Ang Laguna de Bay naman sa Pilipinas ay malaking anyo ng tubig-
tabang.
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
Golpo. Mahalagang golpo sa Asya ang Golpo ng Persia dahil
dinaraanan ito ng mga tanker ng langis. Malaki rin ang Golpo ng Siam at
Golpo ng Tonkin. Sa Pilipinas makikita ang Golpo ng Lingayen at Golpo ng
Davao, ang pinakamalaking golpo sa bansa.
Look. Ang Look ng Bengal ang pinakamalaki sa rehiyon. Ang Look ng
Maynila sa Pilipinas ay isang likas na daungan.
Klima at Panahon sa Asya
Ang katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Asya at ang iba’t ibang
klimang taglay nito ang dahilan kung kaya maraming pananim at likas na
yaman ang matatagpuan sa kontinentengito. Ang mga tao noon ay umaasa
lamang sa kapaligiran at dito nakasalalay ang kanilang kabuhayan. Ang
klima ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng
mahabang panahon. Ang panahon ay tumutukoy sa kondisyon ng
atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras.
Klima sa Mababang Latitud
Equatorial o Tropical. Makikita rito ang makapal na tubo ng mga
punong may malalapad at malalaking dahon. Patuloy ang paglago ng mga
berdeng dahon sa buong taon. Palagiang may ulap ang langit at
mahalumigmig ang hangin sa lugar na ito.
Savanna. Nakararanas ng matinding ulan sa loob ng kalahating taon
at kaunting pag-ulan sa nalalabi pang kalahating taon ang mga pook sa
rehiyong ito. Ang mga hayop tulad ng elepante, giraffe, antelope, at leon ang
karaniwang makikita sa mga lugar na nasasakupan nito.
Disyerto. Ito ay isang pook na nagkakaroon ng bibihirang pag-ulan
kung kaya iilang uri ng halaman lamang ang tumutubo rito. Tigang at
mabato ang lupa rito. Tanging cactus lamang ang maaaring tumubo sa
ganitong lugar. Makikita ito sa mababa at gitnang latitud.
Klima sa Gitnang Latitud
Mediterranean. Mararanasan ang klimang ito sa mga bansang
nakapaligid sa Dagat Mediterranean tulad ng Turkey, Syria, Lebanon, at
Israel. Kaaya-aya at maaraw ang panahon ng mga pook dito. Mainit at
walang ulan kung tag-araw at malamig at maulan naman kung taglamig.
Humid Sub-Tropical. Mararanasan ang klimang ito sa silangang
baybayin ng mga kontinente na nasa 35 ̊hilaga o timog ng ekwador.
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
Nagtataglay ng klimang sub-tropical ang timog-silangang baybayin ng
Hapon at Tsina. Dumadaloy ang mainit na tubig na nagmumula sa
karagatan sa mga lugar na nasasakupan nito.
Kanlurang Baybayin o Marine. Ang klimang ito ay makikita sa pagitan
ng 30 ̊ at 60 ̊latitud sa dakong kanlurang baybayin ng mga kontinente.
Humid Continental. Ang klimang ito ay mararanasan sa pagitan ng
40 ̊at 60 ̊ latitud hilaga ng ekwador. Ito ang klima ng apat na panahon -
taglagas, taglamig, tagsibol, at tag-araw. Ang klimang ito ay higit na
naapektuhan ng mga hanging umiihip sa karagatan.
Continental Desert o Disyertong Kontinental. Laging tag-init sa mga
lugar na matatagpuan dito at parating malakas ang hangin. Katangian nito
ang pagkawala ng tubig kung kaya walang nabubuhay na halaman dito.
Katabi ng continental steppe ang sonang pangklimang ito. Ang Timog-
Kanlurang Gobi ay may ganitong uri ng klima.
Klima sa Mataas na Latitud
Tundra. Isa ito sa dalawang klimang nabibilang sa pinakamataas na
latitud. Ito ay salitang Russian na nangangahulugang tuyo na kapatagan.
Ang klima sa mga lugar na ito ay malamig at mahangin na may maikling
panahon ng paglago. Ang lugar na ito ay hindi tinutubuan ng punongkahoy.
Mararanasan ang klimang ito sa Russia.
Klimang Vertical. Ito ang klimang matatagpuan sa matataas na mga
bundok. Ang taluktok ng bundok ay nagtataglay ng klimang kabilang sa
mataas na latitud.
III. Panuto: Sa ibaba ay mga paglalarawan. Piliin ang tamang sagot sa mga
paglalarawang ito sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.
1. hugis konong bulkan -________________________
2. pinakamalaking dagat sa Asya -___________________________
3. pinakatanyag na bulkan sa Japan -___________________________
4. pinakamataas na bundok sa mundo -______________________________
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022
5. pinakamalaking talampas sa daigdig -_____________________________
6. tinaguriang “Lawang Asin” dahil sa tindi ng alat ng tubig -______________________
7. pook sa gitnang latitud na nagkakaranasng bibihirang pag-ulan -______________
8-10. Isulat ang mga karagatan sa daigdig na nakapalibot sa Asya-
_______________________,_________________________,__________________________.
V. PERFORMANCE TASK
Panuto: Basahing mabuti ang texto at sagutan ang tanong sa ibaba.
Ang likas na yaman ay mga bagay na makukuha sa kapaligiran na
ginagamit ng mga tao. Nahahati sa tatlo ang likas na yaman: yamang
lupa, yamang tubig, at yamang mineral.
Dahil sa lawak ng Asya, nagtataglay ito ng iba’t ibang likas na yaman.
Ang bawat rehiyon ng Asya ay nagtataglay ng tatlong uri ng likas na
yaman. Malaki ang pakinabang ng mga Asyano sa mga likas na
yaman. Tumutustos ito sa pangangailangan nila upang mabuhay at
nagbibigay ng pagkakakitaan. Nakatutulong ito upang mapaunlad ng
tao ang kanyang kabuhayan.
 TANONG:
Bakit mahalaga ang mga likasna yaman sa buhay ng mga
Asyano. Paano ito nakatutulong sa pag- unlad ng kanilang buhay?
Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
DepartmentofEducation
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL
Mostro, Anilao, Iloilo
SUMMATIVE EXAMINATION
Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6)
S.Y. 2021 - 2022

More Related Content

Similar to AP 7 Summative Exam (W1-3).docx

Katangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaKatangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaiyoalbarracin
 
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lm
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lmGr 8 araling_panlipunan_q1_lm
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lmKim Jhon Simon
 
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxAralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxMaryJoyTolentino8
 
IMs_G7Q1_MELC WEEK 2 DAY 1.pdf
IMs_G7Q1_MELC WEEK 2 DAY 1.pdfIMs_G7Q1_MELC WEEK 2 DAY 1.pdf
IMs_G7Q1_MELC WEEK 2 DAY 1.pdfMack943419
 
2. Limang Tema ng Heograpiya.pptx
2. Limang Tema ng Heograpiya.pptx2. Limang Tema ng Heograpiya.pptx
2. Limang Tema ng Heograpiya.pptxcarlisa maninang
 
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asyaAnyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asyaRelmaBasco
 
Ap lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
Ap   lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modulesAp   lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
Ap lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modulesApHUB2013
 
AP7_Q1_Module_1_KatangiangPisikalngAsya_v2.pdf
AP7_Q1_Module_1_KatangiangPisikalngAsya_v2.pdfAP7_Q1_Module_1_KatangiangPisikalngAsya_v2.pdf
AP7_Q1_Module_1_KatangiangPisikalngAsya_v2.pdfRoselynAnnPineda
 
Ap7 q1 module_1_katangiang_pisikalngasya_v2
Ap7 q1 module_1_katangiang_pisikalngasya_v2Ap7 q1 module_1_katangiang_pisikalngasya_v2
Ap7 q1 module_1_katangiang_pisikalngasya_v2MarahCedillo
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) finalNoel Tan
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) finalNoel Tan
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) finalZandy Bonel
 
K-12 Grade 8 AP Q1
K-12 Grade 8 AP Q1K-12 Grade 8 AP Q1
K-12 Grade 8 AP Q1Noel Tan
 
AP 7 Q1-W2--rehiyon NG ASYA.pptx
AP 7 Q1-W2--rehiyon NG ASYA.pptxAP 7 Q1-W2--rehiyon NG ASYA.pptx
AP 7 Q1-W2--rehiyon NG ASYA.pptxANDREWADALID3
 

Similar to AP 7 Summative Exam (W1-3).docx (20)

Katangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaKatangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asya
 
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lm
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lmGr 8 araling_panlipunan_q1_lm
Gr 8 araling_panlipunan_q1_lm
 
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxAralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
 
Ap 1 st grading
Ap 1 st gradingAp 1 st grading
Ap 1 st grading
 
IMs_G7Q1_MELC WEEK 2 DAY 1.pdf
IMs_G7Q1_MELC WEEK 2 DAY 1.pdfIMs_G7Q1_MELC WEEK 2 DAY 1.pdf
IMs_G7Q1_MELC WEEK 2 DAY 1.pdf
 
Katangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaKatangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asya
 
June 22 25
June 22 25June 22 25
June 22 25
 
2. Limang Tema ng Heograpiya.pptx
2. Limang Tema ng Heograpiya.pptx2. Limang Tema ng Heograpiya.pptx
2. Limang Tema ng Heograpiya.pptx
 
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asyaAnyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
Anyong lupa at_anyong_tubig_ng_asya
 
AP-7-edited.docx
AP-7-edited.docxAP-7-edited.docx
AP-7-edited.docx
 
AP-7-edited.docx
AP-7-edited.docxAP-7-edited.docx
AP-7-edited.docx
 
Ap lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
Ap   lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modulesAp   lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
Ap lmg8 q1. (1) final - grade 8 learning modules
 
AP7_Q1_Module_1_KatangiangPisikalngAsya_v2.pdf
AP7_Q1_Module_1_KatangiangPisikalngAsya_v2.pdfAP7_Q1_Module_1_KatangiangPisikalngAsya_v2.pdf
AP7_Q1_Module_1_KatangiangPisikalngAsya_v2.pdf
 
Ap7 q1 module_1_katangiang_pisikalngasya_v2
Ap7 q1 module_1_katangiang_pisikalngasya_v2Ap7 q1 module_1_katangiang_pisikalngasya_v2
Ap7 q1 module_1_katangiang_pisikalngasya_v2
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) final
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) final
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 
Ap lmg8 q1. (1) final
Ap   lmg8 q1. (1) finalAp   lmg8 q1. (1) final
Ap lmg8 q1. (1) final
 
K-12 Grade 8 AP Q1
K-12 Grade 8 AP Q1K-12 Grade 8 AP Q1
K-12 Grade 8 AP Q1
 
AP 7 Q1-W2--rehiyon NG ASYA.pptx
AP 7 Q1-W2--rehiyon NG ASYA.pptxAP 7 Q1-W2--rehiyon NG ASYA.pptx
AP 7 Q1-W2--rehiyon NG ASYA.pptx
 

Recently uploaded

ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.RoseRhoms1
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxPaulineMae5
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTrojelbartolome23
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptxLEVIEJANESENO1
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoMichelleAlonso14
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolPerpetzJurial1
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 

Recently uploaded (7)

ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 

AP 7 Summative Exam (W1-3).docx

  • 1. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 Pangalan: _____________________________________________ Iskor: ________ Baitang at Pangkat: ___________________________ Petsa : _______ I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. ILAGAY sa PATLANG ang TITIK ng pinakatamang sagot. 1. Ang mundo ay binubuo ng pitong (7) kontinente. Ang pinakamalaking kontinente ay ang______? a. Asya c. Rusia b. China d. North America 2. Ang Kontinente ng Asya ang pinakamalaking kontinente ng daigdig. Ito ay binubuo ng ilang rehiyon? a. 8 c. 7 b. 5 d. 20 3. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng lokasyon katangiang pisikal ng isang lugar,tao, kultura ng tao, pamamaraan at kalagayan ng kanilang pamumuhay at interaksyon sa lipunan. a. Kasaysayan c. Heograpiya b. Kultura d. Sibika 4. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay nahahati sa limang rehiyon na binubuo ng ______________________________________________. a. Hilaga, Kanluran, Silangan, Timog at Timog- Kanluran b. Hilaga, Kanluran, Silangan, Timog at Timog- Silangan c. Hilagang-Silangan, Kanluran, Silangan, Timog at Timog- Kanluran d. Hilagang-Kanluran, Silangan, Timog- Silangan, Timog at Timog- Kanluran 5. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Timog Asya? a. Mongolia at Uzbekistan c. Afghanistan at Pakistan b. Lebanon at Jordan d. Myanmar at Thailand 6. Sa Asya matatagpuan ang pinakamataas na bundok na may taas na 8,850 na metro. Ito ay ang bundok___________________. a. K2 c. Everest b. Pinatubo d. Fuji 7. Ang Timog-Silangang Asya ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire. Ito ay sa kadahilanang maraming aktibong bulkan ang nakapaligid ditto. Ang bulkang Mayon na isa sa pinaka-aktibong bulkan ay matatagpuan sa_______________? a. China c. Indonesia b. Pilipinas d. Japan
  • 2. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 8. Pinakamalaking desyerto sa Asya at pang-apat sa buong mundo na may lawak na 1,295,000 kilometro kwadrado. a. Desyerto ng Gobi c. Ilog Tigris b. Huang Ho d. desyerto ng Mongoli 9. Ang bansang ito ay itinuturing na pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang 13,000 kapuluan. Ito ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Pilipinas. a. Russia c. Indonesia b. China d. India 10. Ang Pilipinas binubuo ng mahigit 7, 107 na kapuluan kaya masasabing ang Pilipinas ay isang anyong lupa na tinatawag na_______________. a. Tangway c. pulo b. Archipelago d. dagat 11. Ang mga baybay-ilog na matatagpuan sa Kanlurang Asya ay nagsilbing lundayan ng sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig. a. Ilog Tigris at Euphrates c. Red Sea b. Ilog Huang Ho d. Black Sea 12. Ito tumutukoy sa uri ng anyong lupa na nakausli sa dagat. Isang halimbawa nito ay ang bansang Hilaga at Timog Korea. a. Kapuluan c. Tangway b. Talampas d. bundok 13. Ang bansang ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Indonesia at Borneo. Nasa hilagang bahagi nito ang Taiwan at nasa silangan nito karagatang Pasipiko. Ito ay ang bansang________. a. Pilipinas c. Saudi Arabia b. Korea d. Bahrain 14. Ang Mt. PINATUBO, Mt. TAAL at Mt. MAYON ay ang mga bulkang matatagpuan sa_______. a. Pilipinas c. Saudi Arabia b. Korea d. Bahrain 15. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakalatag sa isang malawak na sona na tinatawag na Ring of Fire, o Circum- Pacific Seismic Belt. Ang Pacific Ring of Fire ay ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga_____________________. a. Bundok c. bagyo b. Bulkan d. tao
  • 3. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 16. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig na may ibat-ibang kaanyuang pisikal tulad ng mga hangganang mga bundok at kapatagan. Ano ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga tao? a. Industriyalisasyon b. Pagtatrabaho sa pabrika c. Natutunan ng mga tao ang komersyal na pagtotroso. d. Pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang pangunahing kabuhayan ng mga tao. 17. Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa kanlurang Asya. Ano ang pangunahing yamanag mineral ng rehiyong ito? a. Ginto at tanso c. Tingga at Bakal b. Phosphate rock d. Langis at petrolyo 18. Karamihan sa mga bansang Asyano ay Agrikultural na bansa. Anong konklusyon ang iyong mabubuo kaugnay nito? a. Maliit na bahagi ng lupain b. Karamihan sa mga Asyano ay minero c. Industriya ang pangunahing hanapbuhay ng mga Asyano d. Ang mga Asyano ay mga magsasaka 19. Ang pagkakaroon ng Asya ng iba’t-ibang kapaligirang pisikal ay may malaking implikasyo sa pamumuhay ng mga tao. Aling sa mga sumusunod ang HIGIT na pinipili ng tao upang tirahan? a. Malapit sa kanilang kabuhayan c. Malapit sa bayan b. Mataong lugar d. Madali ang transportasyon 20. Mayaman ang Asya sa ibat-ibang anyong tubig tulad ng karagatan, lawa at mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog Tigres at Euphrates sa Iraq, Indus sa India, at Huang-ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na may malaking bahagi sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang ginampanan nito? a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig b. Maraming mahalagang panngyayayri sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at sa pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing na may naganap na pagbaha d. Ang mga ilog na ito ay nagsilbing daanan ng mga barko paluob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.
  • 4. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 II. Enumerasyon A. Mga Rehiyon sa Asya 1.________________________ 2.________________________ 3.________________________ 4.________________________ 5.________________________ III. Panuto: Basahing mabuti ang texto sa ibaba at sagutan ang mga tanong. MGA ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG SA ASYA May iba’t ibang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa iba’t ibang bansa sa ibang Asya. Anyong Lupa Ang biyayang hatid ng mga anyong lupa sa tao ay nakapagdudulot ng malaking impluwensiya sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar at proteksiyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t saring yamang mineral na metal, di-metal at gas. Sa mga bundok at gubat nakukuha ang mga bungang-kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalong lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka, at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim. Ang mga damuhan at mga burol naman ay ginagawang pastulan. Ang mga anyong lupa ay may kaugnayan sa mga uri ng pamumuhay, pang-araw-araw na gawain, at kabuhayan ng mga mamamayan ng Asya. Pag-aralan natin ang mga anyong lupa na matatagpuan sa Asya. Bundok. Ang pinakamataas na bundok sa mundo ay ang Mt. Everest na nasa hanay ng Kabundukan ng Himalayas. Ang taluktok nito ay may taas na 8848 metro (29,028 talampakan) mula sa sea level. Nasa gitna ng Asya ang Himalayas na may habang 2400 kilometro. Nasa hilaga ito ng
  • 5. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 Nepal at India at karugtong ang Talampas ng Tibet. Hinahati ng Himalayas ang Asya sa hilaga at timog, at Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Nasa Asya rin ang mga Kabundukan ng Hindu Kush at Caucasus. Ang pinakamataas na taluktok ng Kabundukan na nakahanay sa dulong timog ng Dagat Caspian patungong baybayin ng Lake Baikal ay ang Pamir. Ang Pamir ang pinakasentro ng mga hanay ng Kabundukang Himalaya, Tien Shan, at Hindu Kush. Humigit-kumulang sa 4,000 metro ang taas ng pook kaya binansagan itong “bubungan ng daigdig”. Bulkan. May 165 bulkan sa Japan at 54 nito ang aktibo. Ang Mount Fuji ang pinakatanyag sa mga ito. Ipinagmamalaki naman ng Pilipinas ang Mayon, ang hugis konong bulkan at ang Taal. Nakilala naman ang bulkan ng Krakatoa sa Indonesia sa buong mundo dahil sa lakas ng pagsabog nito noong Agosto 1883. Nadama ang lakas ng pagsabog hindi lamang sa pulo ng Krakatoa kung hindi hanggang sa Sumatra at Java, at kahit sa Inglatera. Talampas. Ang Tibet ang pinakamalaking talampas sa daigdig. May taas itong 4,545 metro at sukat na 1,040,00 kilometro kwadrado. Kilala rin ang Talampas ng Deccan sa India. Lambak. Ang mga lambak ng Huang Ho, Ilog Yangtze, at Ilog Amur sa Tsina ay may haba na 2,880 kilometro. Malalawak din ang mga lambak ng Ilog Mekong sa Indotsina, Ilog Chao Phraya sa Thailand, at Ilog Irrawaddy at Ilog Salween sa Myanmar. Disyerto. Nasa Tsina ang 1,440 kilometrong disyerto ng Taklamakan at disyerto ng Gobi. May disyerto rin sa Arabia, Iran, Iraq at India. Kapuluan. Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig na binubuo ng 13,000 na mga pulo. Pangalawa ang kapuluan ng Pilipinas na kasalukuyang binubuo ng 7,641 na mga pulo ayon sa bagong tala ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA). Tangway. Ang tangway ay bahagi ng kapuluang nakausli sa karagatan. Halimbawa nito ang mga tangway ng India, Indotsina, Saudi Arabia, at Malaysia. Dahil sa laki, itinuturing ng ibang manunulat na isang sub-kontinente ang India. Mga Anyong Tubig Ang mga anyong tubig ang siyang pinagkukunan ng inumin at gamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan ng mga transportasyong
  • 6. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 pangtubig, at pinagkukunan ng mga pagkain at mga palamuti. Malapit rin sa mga katubigan, tulad ng pangpang ng mga ilog at dalampasigan nagaganap ang palitan ng mga produkto noong unang panahon at kahit sa mga piling lugar sa kasalukuyan. Ito ay nagsilbi ring likas na depensa at pinagkukunan ng iba’t ibang yamang tubig at yamang mineral. Ang mga anyong tubig ay may mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng anyong tubig na makikita sa Asya. Karagatan. May mga karagatang nakapalibot sa Asya. Ang mga ito ay ang Karagatang Pasipiko sa silangan, Karagatang Indian sa timog, at Karagatang Arktiko sa hilaga. Maliban sa tatlong ito, nandiyan din ang Karatagatang Atlantiko at Southern Ocean. Dagat. Ang South China Sea ay ang pinakamalaking dagat sa Asya. Ilan sa mga bansang nakapalibot dito ay ang China, Taiwan, Vietnam, Malaysia, Indonesia, at Pilipinas. Ang Mediterranean Sea naman ang pumapangalawa rito na makikita sa pagitan ng Asya, Africa, at Europa. Dagdag din dito ang Dagat Bering na nasa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika at ang Dagat Okhotsk na nasa hilaga ng Hapon at silangan ng Russia. Mayroon ding Black Sea na nasa pagitan ng Turkey at Russia at Red Sea na nasa pagitan ng Saudi Arabia at baybayin ng Africa. Ilog. Ang mga Ilog Lena at Ilog Ob ay nagsisimula sa mga kabundukan na umaagos sa Russia sa Hilagang Asya at tumutuloy sa Karagatang Arktiko. Ang Ilog Indus, Ilog Ganges, at Ilog Brahmaputra ay dumadaloy sa India, Pakistan, at Bangladesh. Ang Huang Ho o Yellow River, Ilog Yangtze, at Ilog Amur ang malalaking ilog sa Tsina. Ang Ilog Yangtze ang pinakamahaba sa Asya at na umaabot sa 5,590 kilometro. Ang Ilog Mekong na may habang 4,166 kilometro ay dumadaloy sa tangway ng Indotsina hanggang Timog Tsina. Ang Ilog Chao Phraya sa Thailand, at mga Ilog Irrawaddy at Ilog Salween sa Myanmar ay tumutuloy sa Dagat Andaman. Ang Ilog Cagayan sa Luzon ang pinakamalaki sa Pilipinas. Pinakamalaki naman ang Ilog Yalu sa Korea. Ang Ilog Tigris at Euphrates, at Ilog Jordan naman ang mga ilog sa Kanlurang Asya. Lawa. Pinakamalaki ang Lawa ng Aral sa Hilagang Asya na may sukat na 64,740 kilometro kwadrado. Ang mga lawa sa Gitnang Asya ay ang Balkash at Baikal. Ang Lawa Van sa Turkey ay tinaguriang “Lawang Asin” dahil sa tindi ng alat ng tubig. Ang pampang ng lawa ay pinagkukunan ng asin. Ang Laguna de Bay naman sa Pilipinas ay malaking anyo ng tubig- tabang.
  • 7. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 Golpo. Mahalagang golpo sa Asya ang Golpo ng Persia dahil dinaraanan ito ng mga tanker ng langis. Malaki rin ang Golpo ng Siam at Golpo ng Tonkin. Sa Pilipinas makikita ang Golpo ng Lingayen at Golpo ng Davao, ang pinakamalaking golpo sa bansa. Look. Ang Look ng Bengal ang pinakamalaki sa rehiyon. Ang Look ng Maynila sa Pilipinas ay isang likas na daungan. Klima at Panahon sa Asya Ang katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Asya at ang iba’t ibang klimang taglay nito ang dahilan kung kaya maraming pananim at likas na yaman ang matatagpuan sa kontinentengito. Ang mga tao noon ay umaasa lamang sa kapaligiran at dito nakasalalay ang kanilang kabuhayan. Ang klima ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon. Ang panahon ay tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras. Klima sa Mababang Latitud Equatorial o Tropical. Makikita rito ang makapal na tubo ng mga punong may malalapad at malalaking dahon. Patuloy ang paglago ng mga berdeng dahon sa buong taon. Palagiang may ulap ang langit at mahalumigmig ang hangin sa lugar na ito. Savanna. Nakararanas ng matinding ulan sa loob ng kalahating taon at kaunting pag-ulan sa nalalabi pang kalahating taon ang mga pook sa rehiyong ito. Ang mga hayop tulad ng elepante, giraffe, antelope, at leon ang karaniwang makikita sa mga lugar na nasasakupan nito. Disyerto. Ito ay isang pook na nagkakaroon ng bibihirang pag-ulan kung kaya iilang uri ng halaman lamang ang tumutubo rito. Tigang at mabato ang lupa rito. Tanging cactus lamang ang maaaring tumubo sa ganitong lugar. Makikita ito sa mababa at gitnang latitud. Klima sa Gitnang Latitud Mediterranean. Mararanasan ang klimang ito sa mga bansang nakapaligid sa Dagat Mediterranean tulad ng Turkey, Syria, Lebanon, at Israel. Kaaya-aya at maaraw ang panahon ng mga pook dito. Mainit at walang ulan kung tag-araw at malamig at maulan naman kung taglamig. Humid Sub-Tropical. Mararanasan ang klimang ito sa silangang baybayin ng mga kontinente na nasa 35 ̊hilaga o timog ng ekwador.
  • 8. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 Nagtataglay ng klimang sub-tropical ang timog-silangang baybayin ng Hapon at Tsina. Dumadaloy ang mainit na tubig na nagmumula sa karagatan sa mga lugar na nasasakupan nito. Kanlurang Baybayin o Marine. Ang klimang ito ay makikita sa pagitan ng 30 ̊ at 60 ̊latitud sa dakong kanlurang baybayin ng mga kontinente. Humid Continental. Ang klimang ito ay mararanasan sa pagitan ng 40 ̊at 60 ̊ latitud hilaga ng ekwador. Ito ang klima ng apat na panahon - taglagas, taglamig, tagsibol, at tag-araw. Ang klimang ito ay higit na naapektuhan ng mga hanging umiihip sa karagatan. Continental Desert o Disyertong Kontinental. Laging tag-init sa mga lugar na matatagpuan dito at parating malakas ang hangin. Katangian nito ang pagkawala ng tubig kung kaya walang nabubuhay na halaman dito. Katabi ng continental steppe ang sonang pangklimang ito. Ang Timog- Kanlurang Gobi ay may ganitong uri ng klima. Klima sa Mataas na Latitud Tundra. Isa ito sa dalawang klimang nabibilang sa pinakamataas na latitud. Ito ay salitang Russian na nangangahulugang tuyo na kapatagan. Ang klima sa mga lugar na ito ay malamig at mahangin na may maikling panahon ng paglago. Ang lugar na ito ay hindi tinutubuan ng punongkahoy. Mararanasan ang klimang ito sa Russia. Klimang Vertical. Ito ang klimang matatagpuan sa matataas na mga bundok. Ang taluktok ng bundok ay nagtataglay ng klimang kabilang sa mataas na latitud. III. Panuto: Sa ibaba ay mga paglalarawan. Piliin ang tamang sagot sa mga paglalarawang ito sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. 1. hugis konong bulkan -________________________ 2. pinakamalaking dagat sa Asya -___________________________ 3. pinakatanyag na bulkan sa Japan -___________________________ 4. pinakamataas na bundok sa mundo -______________________________
  • 9. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022 5. pinakamalaking talampas sa daigdig -_____________________________ 6. tinaguriang “Lawang Asin” dahil sa tindi ng alat ng tubig -______________________ 7. pook sa gitnang latitud na nagkakaranasng bibihirang pag-ulan -______________ 8-10. Isulat ang mga karagatan sa daigdig na nakapalibot sa Asya- _______________________,_________________________,__________________________. V. PERFORMANCE TASK Panuto: Basahing mabuti ang texto at sagutan ang tanong sa ibaba. Ang likas na yaman ay mga bagay na makukuha sa kapaligiran na ginagamit ng mga tao. Nahahati sa tatlo ang likas na yaman: yamang lupa, yamang tubig, at yamang mineral. Dahil sa lawak ng Asya, nagtataglay ito ng iba’t ibang likas na yaman. Ang bawat rehiyon ng Asya ay nagtataglay ng tatlong uri ng likas na yaman. Malaki ang pakinabang ng mga Asyano sa mga likas na yaman. Tumutustos ito sa pangangailangan nila upang mabuhay at nagbibigay ng pagkakakitaan. Nakatutulong ito upang mapaunlad ng tao ang kanyang kabuhayan.  TANONG: Bakit mahalaga ang mga likasna yaman sa buhay ng mga Asyano. Paano ito nakatutulong sa pag- unlad ng kanilang buhay? Ipaliwanag ang sagot. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
  • 10. Republic of the Philippines DepartmentofEducation Region VI – Western Visayas Schools Division of Iloilo MOSTRO NATIONAL HIGH SCHOOL Mostro, Anilao, Iloilo SUMMATIVE EXAMINATION Araling Panlipunan 7 (Q1, Module 4,5 & 6) S.Y. 2021 - 2022