2. BARAYTI NG WIKA
• Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay
ipinaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na
pinagbatayan ng ideya ng pagiging
heterogeneous ng wika.
• Sa kasalukuyang panahon ay pinag- aaralan
ang isang wika sa loob ng kapaligiran at
karanasan ng mga nagsasalita nito.
• Ito ang nabubunga ng sitwasyon at mga
pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na
divergence, ang dahilan kung bakit nagkaroon
ng baraytin ng wika.
3. Heterogeneous at
Homogeneous na Wika
Homogeneous- tumutukoy na ang wikang
“pormal” ay iba sa mga naimbentong wika’ t
mga salita. Ang mga homogeneous na wika sa
katunayan ay nabuo at patuloy na nabubuo’t
ginagamit ng mga tao sa pangkasalukuyan.
Heterogeneous- nagmula sa salitang “hetero”
o marami at “genos” o uri. Ang wika mula sa
iba- ibang lugar, grupo at pangangailangan ng
paggamit nito. Nagkakaroon ng baryasyon ang
wika.
4. DAYALEK
• Ito ang barayti ng wikang ginagamit
ng partikular na pangkat ng mga tao
mula a isang partikular na lugar tulad
ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
• Ang barayti ng wikang nalilikha ng
dimensyong heograpiko.
7. IDYOLEK
• Kahit na iisa ang wika ay may
natatanging paraan ng pagsasalita
ang bawat isa.
• Ang bawat indibidwal ay may kani-
kanilang paraan ng paggamit ng
wika.
9. SOSYOLEK
• Ito ang barayting nabubuo sa
demensyong sosyal o
panlipunan.
• Nababatay ito sa pangkat na
kinabibilangan.
10. • Ayon kay Rubrico (2009), ang
sosyolek ay isang mahusay na
palatandaan ng intratipikasyon ng
isang lipunan, na siyang nagsasaad
ng pagkakaiba ng paggamit ng wika
ng mga tao na nakapaloob dito batay
sa kani-kanilang katayuan sa lipunan
at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan.
13. JARGON
Ito ang tawag sa mga
natatanging bokabularyo ng isang
particular na gawain o propesyon.
14. HALIMBAWA NG JARGON
Ace(puntos)
Fault(pagpatak sa linya sa
pagservice)
Love(pagkakaroon ng score na 0)
Slice(kung paano pinatamaan ng
reketa ang bola)
15. ETNOLEK
• Barayti ng wika mula sa mga
etnolongguwistang grupo.
• Ang salitang etnolek ay nagmula sa salitang
etniko at dialek.
• Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi
na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-
etniko.
17. REGISTER
• Naiaangkop ng nagsasalita ang
uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap.
• Napapaloob dito ang tono ng
pagsasalita, ang pormal at di-
pormal depende sa iyong kausap
o a iyong kapaligiran.
18. Tatlong Uri ng Dimensyon
1. Larangan- ang layunin at paksa nito ay
naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
2. Mode/modo- paraan kung paano
isinagawa ang uri ng komunikasyon.
3. Tenor- ito ay naayon sa relasyon ng mga
nag- uusap.
19. PIDGIN
• Ito ay tinatawag sa Ingles na
“nobody’s native language.” o
katutubong wikang di pag- aari ng
ninuman.
• Ang leksyon ng usapan ay hango sa
isang wika, at ng istruktura naman ay
mula sa isa pang wika.
20. HALIMBAWA
Suki ikaw bili tikoy. Sarap, mura.
Ikaw wag upo dyan. Para di ako luge.
21. CREOLE
• Ito ay isang wika na unang naging pidgin
ngunit kalaunan ay nagging likas na
wika(nativized.)
22. HALIMBAWA
Mi nombre- Ang pangalan ko
Di donde lugar to?- Taga- saan
ka?
Buenas dias- Magandang umaga
Buenas tardes- Magandang
hapon
Buenas Noches- Magandang gabi