SlideShare a Scribd company logo
1 of 26
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas 9
Guro JEANEBIL S. NAMOC Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras September 4 - 8 , 2023
7:45-8:45 Gemelina
10:00-11:00 Lawaan
Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat).
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat
ang code ng bawat kasanayan a. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat. EsP9PLIa-1.1
b. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan.
c. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng pagguhit.
II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan-Kabutihang Panlahat
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 1-4
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 1-5
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
B. Iba pang Kagamitang Panturo Lyric Video ng awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon
https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78
Panturong Biswal: LCD projector, laptop, speaker, Manila paper, marker at bondpaper
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at
pagsisimula ng bagong aralin.
4. Habang pinatutugtog ang isang instrumental music, magkaroon ng pagbabalik gunita habang nakapikit ang
mga mag-aaral. Isa-isahin ang mga pananagutan sa sarili at sa kapwa. Ipaalala ring mahalagang mamulat
ang bawat mag-aaral sa lipunang kanilang ginagalawan upang makamit ang kabutihang panlahat.
Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga realisasyon. (Gawin sa loob ng 3
minuto) (Reflective Approach)
5. Pasagutan sa notbuk ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 7
minuto) (Reflective Approach)
PAUNANG PAGTATAYA
Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
6. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil
matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
7. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang
lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
8. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao
dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
9. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
10.Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga
kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang
nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang
nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay
mas maliit na pamahalaan.
11. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
12. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
13. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga
katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas
c. John F. Kennedy d. Bill Clinton
14. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. kapayapaan b. kabutihang panlahat
c. katiwasayan d. kasaganaan
15. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
16.Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin
17.Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas
c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay- pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat
4. Pagkatapos, iwasto ang kanilang sagot. Gamiting gabay ang resulta ng pagsusulit upang mataya ang mga konseptong nangangailangan ng mas malalim na
pagtalakay.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
2. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan.
3. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng pagguhit.
Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan?
2. Ano-ano ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan?
3. Paano ito nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng
Gamit ang Powerpoint Presentation, talakayin ng guro ang mga sitwasyon sa bansa kung saan kapansin-pansin ang hindi
pagkakasundo o pag-aalitan ng mga tao, kaguluhan sa pulitika at
bagong kasanayan #1 opisyal ng gobyerno, negosyo, kahirapan, gutom, sakuna at mga isyung nagpapakita sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan at
sagutin ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Pangatuwiranan.
2. Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming tao ay marami rin ang nangangarap ng matiwasay na lipunan at marahil ay isa
ka sa mga ito. Paano nga kaya magkakaroon ng katiwasayan sa lipunan? Magbigay ng halimbawa.
3. Ano kaya ang maipapayo mo? Bakit?
B.Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang ipinakikitang sitwasyon ng lipunan sa kasalukuyan. Ipalarawan ang opinyon
ng mga mag-aaral ukol dito. Tumawag ng dalawa hanggang tatlong mag-aaral na magbabahagi. (Gawin sa loob ng
5 minuto) (Integrative Approach)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa
sa bagong aralin Pakinggan at panoorin ang awiting isinulat at inawit ni Noel Cabangon na may pamagat na “Ako’y Isang Mabuting
Pilipino”. https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78. Tumawag ng mga mag-aaral na magsasagot ng mga
katanungan na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative and Reflective Approach)
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ng Manila paper at marker ang bawat isang grupo. Gumawa ng isang recipe
para sa Matiwasay na Lipunan. Sundin ang gabay na direksyon sa ibaba. Pumili ng isang miyembrong magbabahagi ng natapos
na gawain. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at
ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para
sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit? Gagawin mo iyan sa gawaing ito: Recipe
para sa Matiwasay na Lipunan. Ang magiging nilalaman nito ay ang sumusunod:
 Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan
 Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo, at iba pa.
 Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal. Ilagay ang katarungan sa isang malaking
lalagyan at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong mapagsama-sama ay budburan ito ng bukas na komunikasyon)
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa Formative
Assessment)
Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. Ibahagi ang kasagutan sa klase:
1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?
2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.
3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.
G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-
araw na buhay
Itala sa notbuk ang mga pansariling pamamaraan upang makamit ang kabutihang panlahat.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________
H. Paglalahat sa aralin Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha sapagkat binubuo ang
tao ng lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na
nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito at ito ang tunay na kahulugan ng kabutihang panlahat.
I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Gumawa ng drawing
nito sa isang bondpaper. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon. (Gawin sa loob ng
10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Pagiging malikhain 40%
b. Kaangkupan sa Paksa 30%
c. Pagkakatugma sa ninanais na paglalarawan 20%
d. Kalinisan 10%
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation
A. Magsagawa ng pananaliksik sa alinmang sumusunod na pamamaraan: maaaring sa silidaklatan, internet o interview tungkol
sa mga kasalukuyang kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na institusyong panlipunan:  Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Negosyo
 Pamahalaan
B. Pagkatapos nito, gumawa ng isang komprehensibong ulat tungkol dito o isang dokumentaryo o pagsasadula ang bawat
pangkat.
C. Maghanda para sa presentasyon ng ginawang pananaliksik.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng magaaral na
nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na Tala sa
Pagtuturo
Paaralan DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/ Antas 9
Guro ERMA G. JALEM Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras August 29, to September 1, 2023
10:00 – 11:00 AM
Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito-ang kabutihang panlahat.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
a. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan.
EsP9PLIa-1.2
b. Nakabubuo ng komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula tungkol sa ginagawa ng 5 institusyong panlipunan upang
makamit ang kabutihang panlahat (paaralan, simbahan, pamilya, negosyo, pamahalaan).
c. Napahahalagahan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hadlang at mga kondisyon sa pagkamit
ng layunin ng lipunan.
II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 5-16
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Isang sanaysay mula sa Internet
http://sanaysaynigorio.blogspot.com/2009/02/walang-nagbago-kahit-maraming-pagbabago.html Panturong Biswal: LCD projector,
laptop,colored papers, marker
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Gamit ang Powerpoint Presentation, pasagutan ang mga tanong sa ibaba bilang pagbabalik-aral sa mga pagkatuto tungkol sa kanilang
pananaw sa matiwasay na lipunan at sa mga sangkap o elementong kailangan upang makamit ang isang matiwasay na lipunan.
Tumawag ng ilang magaaral upang makakuha ng mga sagot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano-ano ang
mga katangian na dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan?
2. Ano-ano ang ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan?
3. Paano ito nakatulong sa pagkamit ng isang matiwasay na lipunan?
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o
lipunan.
2. Nakabubuo ng komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula tungkol sa ginagawa ng 5 institusyong panlipunan upang
makamit ang kabutihang panlahat (paaralan, simbahan, pamilya, negosyo, pamahalaan).
3. Napahahalagahan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hadlang at mga kondisyon sa
pagkamit ng layunin ng lipunan.
B. Isagawa ang larong charade, pagbalik-aralan ang iba’t ibang institusyong panlipunan na nakasulat sa colored paper. Hatiin sa
dalawang grupo ang buong klase, kababaihan at kalalakihan, para sa paglalaro. Ilalarawan ang bawat institusyong nakuha sa
pamamagitan ng paggalaw lamang ng katawan at pagpapakita ng iba’t ibang simbolo na nagpapahiwatig ng nais tukuying
institusyon. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist/Collaborative Approach)
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Mula sa isinagawang paglalaro, itala sa bawat kolum ang ilang mga detalye na naglalarawan sa mga institusyong panlipunan.
Pasagutan ang mga tanong sa ibaba. Ibahagi ng lider ng dalawang grupo ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative/Constructivist Approach)
Paaralan Simbahan Negosyo Pamilya Pamahalaan
1. Ano-ano ang mga katangian ng mga institusyong nabanggit?
2. Ano-ano ang tunguhin at layunin ng bawat sektor na naglalarawan ng pagkamit ng kabutihang panlahat?
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Basahin ang sanaysay na ipapakita mula sa isang Powerpoint Presentation. Sagutan sa notbuk ang mga tanong. (Gawin sa loob ng
10 minuto) (Reflective Approach)
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Hatiin ang klase sa 5 pangkat na tutukoy sa limang institusyong panlipunan. Mula sa naging resulta ng pananaliksik, ang bawat pangkat
ay magsasagawa ng isang komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula. Ipakita sa kabuuang paglalahad ang mga sagot sa
mga tanong sa itaas. Gamitin ang kraytirya na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative
Approach)
Unang Pangkat: Paaralan
Pangalawang Pangkat: Simbahan
Ikatlong Pangkat: Pamilya
Ikaapat na Pangkat: Negosyo
Ikalimang Pangkat: Pamahalaan Kraytirya:
a. Malinaw na layunin ng institusyon na napili - 40%
b. May angkop at makabuluhang kaalaman tungkol sa institusyon na napili - 30%
c. May hindi pangkaraniwang nilalaman na nakapupukaw ng interes at nakadaragdag sa kabuluhan ng dokumentaryo -
20%
d.May kawili-wiling simula, lohikal at malaman na pagtalakay ng nilalaman – 10%
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Suriin ang kasalukuyang kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na institusyong panlipunan at sumulat ng
maikling paglalarawan sa bawat isang institusyon o sector ng lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
• Paaralan
• Simbahan
• Pamilya
• Negosyo
• Pamahalaan
G. Paglalapat sa aralin sa pang-
araw-araw na buhay
Pasagutan ang tanong. Isulat sa notbuk ang sagot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Kung gusto mong matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon sa hamon ng kabutihang panlahat?
H. Paglalahat sa aralin Ang tunay na paggalang sa dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit sa kabutihang panlahat. Ganap lamang na
masasabing tunay na kinikilala ang dignidad ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat. Ang lahat ng
tao ay nararapat na magmalasakit upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin ang kalagayan ng buhay
ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan. Mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit lahat ng bagay,
gaano man ito kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi nga, “Kung gusto, may paraan; kung ayaw, palaging may dahilan.”
I. Pagtataya ng Aralin Sagutan ang sumusunod na tanong. 2 puntos bawat tanong (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang layunin ng bawat sektor ng lipunan?
2. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
3. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?
4. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo sa pagkamit ng kanilang layunin? Mayroon
ba itong nagiging impluwensiya sa mga mamamayan at naiambag na tulong sa pag-unlad ng lipunan?
5. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Magsulat ng komprehensibong paliwanag.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at
Basahin ang bahaging Pagpapalalim sa LM pahina 6-15.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng magaaral
na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking punong-
guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na Tala sa
Pagtuturo
Paaralan DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas 9
Guro JEANEBIL S. NAMOC Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras August 29, to September 1, 2023
10:00 – 11:00 AM
Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat).
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
a. Napangangatuwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan. EsP9PLIb-1.3
b. Nakabubuo ng Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer.
c. Nakapagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsagot sa mga mahahalagang tanong na may
kinalaman sa paksa.
II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5-8
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-
aaral
Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 6-16
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Mga larawan ng mga kilalang personalidad sa telebisyon mula sa mga magazines Video Clip mula sa internet -
“Huwag Maliitin ang Maliit sa Ating Lipunan” https://www.youtube.com/watch?v=a8PN54yIB20
Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Sa pagbabalik-aral sa nakalipas na talakayan, magbibigay ang guro ng iba’t ibang palatandaang naglalarawan sa iba’t ibang
institusyong panlipunang tinalakay sa nakalipas na araw, unahan sa pagsagot ang bawat mag-aaral sa institusyong tinutukoy nito.
Ang bawat tamang sagot ay may kapalit na sampung puntos para sa performance task. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative Approach)
1. Dito tayo unang natuto. Publiko man o pribado. Nahahasa rin ang ating talino. Kaya dapat pangalagaan ito. Nagsisilbing
pangalawang tahanan ko. – Paaralan
2. Ang kabuuan ng mga Kristiyano. Binubuo ito ng mga taong kasal o binyagan na may konkretong paniniwala sa Kristong
pinagmulan – Simbahan
3. Ang kailangan para sa ikabubuti ng mamamayan. Ito ay mahalaga para na rin sa kapakanan ng taong bayan – Pamahalaan
4. Ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang
kumita at mapalago ang perang pinagsikapan mo – Negosyo
5. Ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Dito, maaari ring mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno – Pamilya
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Napangangatuwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.
2. Nakabubuo ng Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer.
3. Nakapagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsagot sa mga tanong.
B. Mula sa mga inihanda ng guro na fashion magazines, ipakita ang mga larawan ng kinikilalang personalidad katulad nina:
Kris Aquino, Coco Martin, tambalang JaDine at KathNiel at marami pang iba. Tumawag ng mag-aaral upang sagutin ang
sumusunod na katanungan. Ibigay ng guro ang tunay na kahulugan ng pagiging sosyal para sa pagsisimula ng isasagawang
pagtalakay.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Paano ninyo mailalarawan ang taong sosyal? Patunayan.
2. Sa mga larawang ipinakita, masasabi mo bang sila ay sosyal?
3. Ano-ano ang kanilang mga katangian kung bakit sila ay tinuring mong sosyal?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Panoorin ang videoclip mula sa YouTube ”Huwag Maliitin ang Maliit sa Ating Lipunan” Video Clip mula sa internet :
https://www.youtube.com/watch?v=a8PN54yIB20 Sagutin ang sumusunod na katanungan: (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Tungkol saan ang napanood mong video?
2. Anong mahalagang aral ang napulot ninyo na may kaugnayan sa ating aralin?
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Hatiin ang klase sa lima. Basahin at talakayin ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga sanaysay at sagutan ang mga tanong
sa Manila paper. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Pangkat 1- Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Sagutin ang mga tanong:
1. Anong lipunan ang iyong kinabibilangan?
2. Ano ang inyong nagkakaisang layunin?
3. Sino sa iyong kasama sa lipunan ang bahagi rin ng iyong komunidad?
4. Naranasan mo na ba ang tumulong sa iyong kapwa – tulad ng pagbabahagi ng iyong baon para sa isang matandang
nagugutom o pagbibigay ng iyong mga damit para sa mga nasalanta ng kalamidad?
5. Sa ganitong pagkakataon, nakaakit ka ba ng kapwa mo mag-aaral na tumulong?
Nakaramdam ka ba ng galak dahil sa iyong ginawa?
6. Ano ang magandang maidudulot ng iyong ginawa para sa lipunan?
Pangkat 2-Kabutihang Panlahat
Kabutihang Panlahat
Pangkat 5-Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
Sagutin ang katanungan:
1. Kung gusto mong matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon sa hamon ng kabutihang panlahat?
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Isagawa ang pangkatang pag-uulat ukol sa mahahalagang konsepto mula sa binasang sanaysay at pagbabahagi ng sagot sa mga
tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Collaborative
Approach)
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Sagutan sa notbuk ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng lipunan?
2. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito ang kanilang mga tungkulin sa lipunan?
3. Paano matitiyak na makatutulong ang lahat ng sektor na ito upang gawing matiwasay ang lipunan?
4. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ano kaya ang layunin na ito?
5. Paano makatutulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng iyong pagkatao?
G. Paglalapat sa aralin sa pang-
araw-araw na buhay
Tukuyin at itala ang mga paraan kung paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat. Ipaliwanag kung bakit mahalagang
ito ay makamit at mapanatili. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
H. Paglalahat sa aralin Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.
I. Pagtataya ng Aralin Punan ng mahahalagang salita ang patlang upang mabuo ang Batayang Konsepto. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)
Batayang Konsepto:
Ang pagsisikap na _________________________at __________________________ ang
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation
1. Magsagawa ng isang survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan kasama ang mga miyembro ng
dating pangkat. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan o pang-edukasyon. Maaaring may
iba pang makita sa proseso ng pagsasagawa nito. Maghanda para sa pagbabahagi ng resulta ng survey.
2. Magdala rin ng sumusunod: sinulid, karayom, telang may sukat na 1 x 1 na talampakan -
sa
pamamagitan
ng…
ng
ay mga puwersang
magpapatatag ng
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking punong-
guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na Tala sa
Pagtuturo
Paaralan DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas 9
Guro JEANEBIL S. NAMOC Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras August 29, to September 1, 2023
10:00 – 11:00 AM
Markahan Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat).
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
a. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural at pangkapayapaan. EsP9PLIb-1.4
b. Nakapagbabahagi ng isinagawang survey tungkol sa mga pangunahing suliraning
kinakaharap ng sariling pamayanan.
c. Nakagagawa ng quilt na naglalaman ng mga simbolo at sangkap para sa isang matiwasay na lipunan na nagtataguyod ng
kabutihang panlahat
d. Nakapagsasagawa ng isang proyekto batay sa pangangailangan ng pamayanan.
e. Nakapagsusuri ng mga pagkakataong nangibabaw ang kabutihang panlahat at kabutihang pansarili o kabutihan ng
nakararami.
II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 8-12
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 16-20
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Panturong Biswal: laptop, LCD projector, Manila paper, marker
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
1. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga naging sagot sa journal na sumasagot sa tanong na: Ano
ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Matapos ang pagtawag sa ilang mag-aaral, bigyang diin ng guro na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili
ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural, at pangkapayapaan.
2. Nakapagsasagawa ng survey ng mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sariling pamayanan.
3. Nakagagawa ng quilt na naglalaman ng mga simbolo at sangkap para sa isang matiwasay na lipunan na nagtataguyod ng
kabutihang panlahat
4. Nakapagsasagawa ng isang proyekto batay sa pangangailangan ng pamayanan.
5. Nakapagsusuri ng mga pagkakataong nangibabaw ang kabutihang panlahat at kabutihang pansarili o
kabutihan ng nakararami.
B. Hatiin ang klase sa limang pangkat, ang bawat pangkat ay magsasama-sama upang bumuo ng isang human chair kung saan
ang bawat miyembro ng pangkat ay magsisimula sa pagtayo sa pabilog na linya hanggang wala ng espasyo na naghihiwalay sa
isa’t isa. Dahan-dahan silang uupo hanggang sa maramdaman ng bawat isa na komportable na sila sa pagkakaupo sa tao sa
kanilang likuran: Gabay ang mga ipag-uutos ng guro tulad ng sabay-sabay na paghakbang sa kaliwa at sa kanan, hanggang sila
ay mabuo ng umiikot habang nakaupo sa isa’t isa. Sagutin ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective/Collaborative Approach)
1. Ano ang naramdaman mo matapos ang gawain?
2. Ano-anong mga realisasyon ang nabuo sa inyong isipan matapos ang isinagawang gawain na maaaring ihalintulad sa
pagbuo ng isang matiwasay na lipunan?
3. Ano-anong mga suliranin kung mayroon man ang inyong kinaharap sa pagsasagawa ng gawain at paano ninyo ito
naresolba?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
A. Sa isinagawang pangkatang gawain na human chair, iproseso ng guro ang mga ibinigay na kasagutan ng mag-aaral upang mabuo
ang konseptong:
Ang ginawang human chair ay maihahalintulad sa lipunang binubuo ng iba’t ibang uri ng tao. May kanya-kanyang
kontribusyon upang maisagawa ang mga mithiin na magdudulot ng katiwasayan ng lipunan.
B. Gumawa ng pangkalahatang ulat sa naging resulta ng survey na ibinigay bilang takdang aralin tungkol sa mga suliraning kinaharap
ng komunidad o pamayanan. Pumili ng tatlong suliranin sa mga nakalap at iranggo ang mga ito batay sa kahalagahan. Tawagin
ang lider ng bawat pangkat at iulat sa klase ang kinalabasan ng survey. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Gamit ang dating pangkat, magsagawa ng pagsusuri sa mga pagkakataon sa iyong buhay bilang isang mag-aaral at kabataan kung
saan napangibabaw mo ang kabutihang panlahat at mas napangibabaw mo ang kabutihan ng iyong sarili o ng iilan kaysa sa
kabutihang panlahat. Maglaan ng panahon upang mag-usap para sa pagbabahagi ng mga karanasan. Magpasya kung sino ang
makapagbahagi ng karanasang tunay na tutugon sa hinihingi ng gawain. Ilista ang mga ito gamit ang pormat sa ibaba. (Gawin sa
loob ng 10 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach)
Pagkakataong Nangibabaw ang Naging Bunga Paraan kung paano ito mas
Kabutihang Panlahat mapagyayaman
1.
2.
3.
Pagkakataong Nangibabaw ang
Kabutihang Pansarili o Kabutihan ng
Nakararami
Naging Bunga Nararapat gawin upang mas
mapanaig ang kabutihang
panlahat
1.
2.
3.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Bumuo ng isang quilt. Ito ay pinagsama-samang piraso ng mga tela na pinagdugtong-dugtong sa pamamagitan ng pagtatahi. Ang
bawat isang kasapi ng pangkat ay kailangang magbahagi ng mahalagang sangkap na kinakailangan upang matiyak na makakamit
ang tunay na layunin ng lipunan - halimbawa, paggalang sa karapatang pantao. Matapos makapagbahagi ang lahat ay kailangang
ilagay ang mga sangkap na naibahagi sa isang piraso ng telang may sukat na 1 x 1 na talampakan. Maaaring gumamit ng kahit na
anong klase ng tela o kung anomang kulay. Mahalagang makaisip ng isang simbolo na kakatawan dito upang may maiguhit ding
larawan sa telang gagamitin. Maaaring gumamit ng pintura upang maipinta ang simbolo at ang sangkap na napili. Maaari rin
namang gumamit din ng mga pinagdugtong-dugtong na retaso ng tela. Maaaring gamiting gabay ang halimbawa sa kanan: Ang
tema ng quilt na ito ay para sa kapayapaan. Matapos ang pagdidisenyo sa mga piraso ng tela ay pagdugtong-dugtungin upang
mabuo ang quilt. Matapos ito ay ilagay o isabit sa isang bahagi ng silid-aralan o sa labas ng silid upang maipakita sa lahat ang
mahalagang mensaheng ipinapakita nito. (Gawin sa loob ng 15 minuto)
(Constructivist Approach)
F. Paglinang sa
Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
5 minuto) (Reflective Approach)
Ano-ano ang konsepto at kaalamang
pumukaw sa akin?
Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa
Ano ang aking pagkaunawa at
reyalisasyon sa bawat konsepto
at kaalamang ito?
journal. (Gawin sa loob ng
Ano-anong hakbang ang aking
gagawin upang
mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito sa
aking buhay?
G. Paglalapat sa aralin sa pang-
araw-araw na buhay
Isulat sa notbuk ang sagot. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Ipaliwanag ang bawat isa.
H. Paglalahat sa aralin Ang lahat ng tao ay nararapat na magmalasakit upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin ang
kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan. Marahil bilang isang mag-aaral, iniisip mong masyado pang
maaga para masubok kung kaya mo nang pairalin ang kabutihan sa iyong lipunang ginagalawan sa kasalukuyan. Ngunit
mahalagang maunawaan mong bawat tao sa lipunan, anuman ang kaniyang katayuan sa buhay at edad ay mayroong
pagkakataong magbahagi ng kaniyang magagawa upang matiyak na makakamit ang kabutihang panlahat.
I. Pagtataya ng Aralin Kompletuhin ang pahayag. Isulat sa sagutang papel. Isang puntos sa bawat konseptong may kaugnayan sa isinagawang talakayan.
Limang puntos ang pinakamataas. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Isang mahalagang sangkap na kinakailangan upang matiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan ay ang…
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation
Batay sa naging resulta ng survey na ibinahagi ng bawat pangkat, bumuo ng plano para sa pagsasakatuparan ng isang proyektong
tutugon sa pinakaunang suliraning naitala. Gamitin ang
sumusunod na pormat: (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach) Isaalalng-alang ang sumusunod:
1. Ano ang pangkalahatan at tiyak na layunin sa pagsasagawa ng proyekto?
2. Tunay bang may pangangailangan ang sektor na iyong mapipili?
3. Tugma ba ang isasagawang gawain para sa pangangailangan? Ano ang mga kagamitang kakailanganin upang maisagawa
anag proyekto? Kakayanin ba ito ng mga mag-aaral na katulad ninyo?
4. May ibang tao bang makatutulong sa pagsasakatuparan ng inyong proyekto?
5. Sino-sino ito at paano makikipag-ugnayan sa kanila?
Isagawa ang proyekto ayon sa plano. Tiyaking maidodokumento ang lahat ng mga pangyayari sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Pangalan ng Proyektong Pampamayanan: ____________________________________________ Mga Layunin (Batay sa uri ng
proyekto – pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan, o pang-edukasyon):
_______________________________________________________________
Gawain Panahong Ilalaan Mga Taong
Sangkot o Kasali
Inaasahang Output Mga Puna (Remarks)
Humanda para sa pagbabahagi ng isinagawang proyekto.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliraninang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Prepared: Checked: Reviewed:
JEANEBIL S. NAMOC ROLLAN C. URSUNAL GENALYN G. OCTAVIANO
ESP Teacher ESP Corrdinator Department Head
Approved:
JOSEPH M. BELOY, ED.D
Secondary School Principal II
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx

More Related Content

Similar to EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx

Grade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
Grade 9 Edukasyon Sa PagpapakataoGrade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
Grade 9 Edukasyon Sa PagpapakataoJhanine Cordova
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)LiGhT ArOhL
 
EsP9_Lesson Plan_Week1_Q1.docx
EsP9_Lesson Plan_Week1_Q1.docxEsP9_Lesson Plan_Week1_Q1.docx
EsP9_Lesson Plan_Week1_Q1.docxJulieAnnOrandoy
 
dll periodical.docxftejmSBXJmhDMb cVvcmxmvC
dll periodical.docxftejmSBXJmhDMb cVvcmxmvCdll periodical.docxftejmSBXJmhDMb cVvcmxmvC
dll periodical.docxftejmSBXJmhDMb cVvcmxmvCPantzPastor
 
EsP DLL 9 Mod 2-NAMOC.docx
EsP DLL 9 Mod 2-NAMOC.docxEsP DLL 9 Mod 2-NAMOC.docx
EsP DLL 9 Mod 2-NAMOC.docxErmaJalem1
 
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docxESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docxHersalFaePrado
 
ESP 9 Module 1 (session 2)
ESP 9 Module 1 (session 2)ESP 9 Module 1 (session 2)
ESP 9 Module 1 (session 2)andrelyn diaz
 
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docxESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docxjeffrielbuan3
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfMaryGraceSepida1
 
EsP-DLL-9-q2Mod8.docx
EsP-DLL-9-q2Mod8.docxEsP-DLL-9-q2Mod8.docx
EsP-DLL-9-q2Mod8.docxarmialozaga1
 
EsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docxEsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docxJuliusBayaga
 

Similar to EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx (20)

Grade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
Grade 9 Edukasyon Sa PagpapakataoGrade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
Grade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
 
Esp 9
Esp 9Esp 9
Esp 9
 
Esp 9 lm
Esp 9 lmEsp 9 lm
Esp 9 lm
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
 
Esp leaners module 9
Esp leaners module 9Esp leaners module 9
Esp leaners module 9
 
EsP9_Lesson Plan_Week1_Q1.docx
EsP9_Lesson Plan_Week1_Q1.docxEsP9_Lesson Plan_Week1_Q1.docx
EsP9_Lesson Plan_Week1_Q1.docx
 
dll periodical.docxftejmSBXJmhDMb cVvcmxmvC
dll periodical.docxftejmSBXJmhDMb cVvcmxmvCdll periodical.docxftejmSBXJmhDMb cVvcmxmvC
dll periodical.docxftejmSBXJmhDMb cVvcmxmvC
 
EsP DLL 9 Mod 2-NAMOC.docx
EsP DLL 9 Mod 2-NAMOC.docxEsP DLL 9 Mod 2-NAMOC.docx
EsP DLL 9 Mod 2-NAMOC.docx
 
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docxESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
 
ESP 9 Module 1 (session 2)
ESP 9 Module 1 (session 2)ESP 9 Module 1 (session 2)
ESP 9 Module 1 (session 2)
 
ESP9-Q3-DLL.pdf
ESP9-Q3-DLL.pdfESP9-Q3-DLL.pdf
ESP9-Q3-DLL.pdf
 
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docxESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
ESP9-DLL fin.docx-pdf2.0.docx
 
EsP-DLL-9-Mod8.docx
EsP-DLL-9-Mod8.docxEsP-DLL-9-Mod8.docx
EsP-DLL-9-Mod8.docx
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
 
EsP-DLL-9-q2Mod8.docx
EsP-DLL-9-q2Mod8.docxEsP-DLL-9-q2Mod8.docx
EsP-DLL-9-q2Mod8.docx
 
ESP 9 Module 1
ESP 9 Module 1ESP 9 Module 1
ESP 9 Module 1
 
EsP-DLL-9-Mod5.pdf
EsP-DLL-9-Mod5.pdfEsP-DLL-9-Mod5.pdf
EsP-DLL-9-Mod5.pdf
 
Es p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarterEs p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarter
 
Grade 9 ESP MODULE 1
Grade 9 ESP MODULE 1Grade 9 ESP MODULE 1
Grade 9 ESP MODULE 1
 
EsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docxEsP-DLL-9-Mod7.docx
EsP-DLL-9-Mod7.docx
 

Recently uploaded

FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 

Recently uploaded (20)

FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 

EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx

  • 1. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas 9 Guro JEANEBIL S. NAMOC Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras September 4 - 8 , 2023 7:45-8:45 Gemelina 10:00-11:00 Lawaan Markahan Una UNANG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat). B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan a. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat. EsP9PLIa-1.1 b. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan. c. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng pagguhit. II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan-Kabutihang Panlahat A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 1-4 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- aaral Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 1-5 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883 B. Iba pang Kagamitang Panturo Lyric Video ng awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78 Panturong Biswal: LCD projector, laptop, speaker, Manila paper, marker at bondpaper III. Pamamaraan
  • 2. A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. 4. Habang pinatutugtog ang isang instrumental music, magkaroon ng pagbabalik gunita habang nakapikit ang mga mag-aaral. Isa-isahin ang mga pananagutan sa sarili at sa kapwa. Ipaalala ring mahalagang mamulat ang bawat mag-aaral sa lipunang kanilang ginagalawan upang makamit ang kabutihang panlahat. Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga realisasyon. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach) 5. Pasagutan sa notbuk ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 7 minuto) (Reflective Approach) PAUNANG PAGTATAYA Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel. 6. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito. 7. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao. 8. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao. 9. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa: a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan. 10.Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad? a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito. b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito. c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mithiin. d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan. 11. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay: a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan 12. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa: a. Kapayapaan
  • 3. b. Katiwasayan c. Paggalang sa indibidwal na tao d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat 13. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni: a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Bill Clinton 14. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? a. kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan 15. Ano ang kabutihang panlahat? a. Kabutihan ng lahat ng tao b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito 16.Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay: a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin 17.Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay: a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay- pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat 4. Pagkatapos, iwasto ang kanilang sagot. Gamiting gabay ang resulta ng pagsusulit upang mataya ang mga konseptong nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay. B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat. 2. Nakabubuo ng isang recipe para sa isang matiwasay na lipunan. 3. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng pagguhit.
  • 4. Tanong: 1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan? 2. Ano-ano ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan? 3. Paano ito nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good? D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Gamit ang Powerpoint Presentation, talakayin ng guro ang mga sitwasyon sa bansa kung saan kapansin-pansin ang hindi pagkakasundo o pag-aalitan ng mga tao, kaguluhan sa pulitika at bagong kasanayan #1 opisyal ng gobyerno, negosyo, kahirapan, gutom, sakuna at mga isyung nagpapakita sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan at sagutin ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach) 1. Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Pangatuwiranan. 2. Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming tao ay marami rin ang nangangarap ng matiwasay na lipunan at marahil ay isa ka sa mga ito. Paano nga kaya magkakaroon ng katiwasayan sa lipunan? Magbigay ng halimbawa. 3. Ano kaya ang maipapayo mo? Bakit? B.Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang ipinakikitang sitwasyon ng lipunan sa kasalukuyan. Ipalarawan ang opinyon ng mga mag-aaral ukol dito. Tumawag ng dalawa hanggang tatlong mag-aaral na magbabahagi. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach) C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Pakinggan at panoorin ang awiting isinulat at inawit ni Noel Cabangon na may pamagat na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”. https://www.youtube.com/watch?v=hkfOuCzJl78. Tumawag ng mga mag-aaral na magsasagot ng mga katanungan na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Integrative and Reflective Approach)
  • 5. E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pangkatin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ng Manila paper at marker ang bawat isang grupo. Gumawa ng isang recipe para sa Matiwasay na Lipunan. Sundin ang gabay na direksyon sa ibaba. Pumili ng isang miyembrong magbabahagi ng natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit? Gagawin mo iyan sa gawaing ito: Recipe para sa Matiwasay na Lipunan. Ang magiging nilalaman nito ay ang sumusunod:  Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan  Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo, at iba pa.  Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal. Ilagay ang katarungan sa isang malaking lalagyan at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong mapagsama-sama ay budburan ito ng bukas na komunikasyon) F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Sagutin ang sumusunod na tanong sa notbuk. Ibahagi ang kasagutan sa klase: 1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain? 2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag. 3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag. G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw- araw na buhay Itala sa notbuk ang mga pansariling pamamaraan upang makamit ang kabutihang panlahat. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach) 1. ________________________________ 2. ________________________________ 3. ________________________________ 4. ________________________________ 5. ________________________________ H. Paglalahat sa aralin Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha sapagkat binubuo ang tao ng lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito at ito ang tunay na kahulugan ng kabutihang panlahat.
  • 6. I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Gumawa ng drawing nito sa isang bondpaper. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang representasyon. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach) Kraytirya: a. Pagiging malikhain 40% b. Kaangkupan sa Paksa 30% c. Pagkakatugma sa ninanais na paglalarawan 20% d. Kalinisan 10% J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation A. Magsagawa ng pananaliksik sa alinmang sumusunod na pamamaraan: maaaring sa silidaklatan, internet o interview tungkol sa mga kasalukuyang kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na institusyong panlipunan:  Paaralan  Simbahan  Pamilya  Negosyo  Pamahalaan B. Pagkatapos nito, gumawa ng isang komprehensibong ulat tungkol dito o isang dokumentaryo o pagsasadula ang bawat pangkat. C. Maghanda para sa presentasyon ng ginawang pananaliksik. IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
  • 7. aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punongguro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
  • 8. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo Paaralan DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/ Antas 9 Guro ERMA G. JALEM Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras August 29, to September 1, 2023 10:00 – 11:00 AM Markahan Una IKALAWANG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito-ang kabutihang panlahat. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan a. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. EsP9PLIa-1.2 b. Nakabubuo ng komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula tungkol sa ginagawa ng 5 institusyong panlipunan upang makamit ang kabutihang panlahat (paaralan, simbahan, pamilya, negosyo, pamahalaan). c. Napahahalagahan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hadlang at mga kondisyon sa pagkamit ng layunin ng lipunan. II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 5-16 aaral 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
  • 9. B. Iba pang Kagamitang Panturo Isang sanaysay mula sa Internet http://sanaysaynigorio.blogspot.com/2009/02/walang-nagbago-kahit-maraming-pagbabago.html Panturong Biswal: LCD projector, laptop,colored papers, marker III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. Gamit ang Powerpoint Presentation, pasagutan ang mga tanong sa ibaba bilang pagbabalik-aral sa mga pagkatuto tungkol sa kanilang pananaw sa matiwasay na lipunan at sa mga sangkap o elementong kailangan upang makamit ang isang matiwasay na lipunan. Tumawag ng ilang magaaral upang makakuha ng mga sagot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan? 2. Ano-ano ang ang mga pananagutan ng isang indibidwal sa ating lipunan? 3. Paano ito nakatulong sa pagkamit ng isang matiwasay na lipunan? B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. 2. Nakabubuo ng komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula tungkol sa ginagawa ng 5 institusyong panlipunan upang makamit ang kabutihang panlahat (paaralan, simbahan, pamilya, negosyo, pamahalaan). 3. Napahahalagahan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hadlang at mga kondisyon sa pagkamit ng layunin ng lipunan. B. Isagawa ang larong charade, pagbalik-aralan ang iba’t ibang institusyong panlipunan na nakasulat sa colored paper. Hatiin sa dalawang grupo ang buong klase, kababaihan at kalalakihan, para sa paglalaro. Ilalarawan ang bawat institusyong nakuha sa pamamagitan ng paggalaw lamang ng katawan at pagpapakita ng iba’t ibang simbolo na nagpapahiwatig ng nais tukuying institusyon. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist/Collaborative Approach) C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Mula sa isinagawang paglalaro, itala sa bawat kolum ang ilang mga detalye na naglalarawan sa mga institusyong panlipunan. Pasagutan ang mga tanong sa ibaba. Ibahagi ng lider ng dalawang grupo ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach) Paaralan Simbahan Negosyo Pamilya Pamahalaan
  • 10. 1. Ano-ano ang mga katangian ng mga institusyong nabanggit? 2. Ano-ano ang tunguhin at layunin ng bawat sektor na naglalarawan ng pagkamit ng kabutihang panlahat? D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Basahin ang sanaysay na ipapakita mula sa isang Powerpoint Presentation. Sagutan sa notbuk ang mga tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Hatiin ang klase sa 5 pangkat na tutukoy sa limang institusyong panlipunan. Mula sa naging resulta ng pananaliksik, ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang komprehensibong ulat o dokumentaryo o pagsasadula. Ipakita sa kabuuang paglalahad ang mga sagot sa mga tanong sa itaas. Gamitin ang kraytirya na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach) Unang Pangkat: Paaralan Pangalawang Pangkat: Simbahan Ikatlong Pangkat: Pamilya Ikaapat na Pangkat: Negosyo Ikalimang Pangkat: Pamahalaan Kraytirya: a. Malinaw na layunin ng institusyon na napili - 40% b. May angkop at makabuluhang kaalaman tungkol sa institusyon na napili - 30% c. May hindi pangkaraniwang nilalaman na nakapupukaw ng interes at nakadaragdag sa kabuluhan ng dokumentaryo - 20% d.May kawili-wiling simula, lohikal at malaman na pagtalakay ng nilalaman – 10% F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Suriin ang kasalukuyang kalagayan, katangian, kontribusyon at layunin ng sumusunod na institusyong panlipunan at sumulat ng maikling paglalarawan sa bawat isang institusyon o sector ng lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) • Paaralan • Simbahan • Pamilya • Negosyo • Pamahalaan G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw-araw na buhay Pasagutan ang tanong. Isulat sa notbuk ang sagot. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Kung gusto mong matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon sa hamon ng kabutihang panlahat?
  • 11. H. Paglalahat sa aralin Ang tunay na paggalang sa dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit sa kabutihang panlahat. Ganap lamang na masasabing tunay na kinikilala ang dignidad ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat. Ang lahat ng tao ay nararapat na magmalasakit upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin ang kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan. Mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit lahat ng bagay, gaano man ito kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi nga, “Kung gusto, may paraan; kung ayaw, palaging may dahilan.” I. Pagtataya ng Aralin Sagutan ang sumusunod na tanong. 2 puntos bawat tanong (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano ang layunin ng bawat sektor ng lipunan? 2. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan? 3. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan? 4. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo sa pagkamit ng kanilang layunin? Mayroon ba itong nagiging impluwensiya sa mga mamamayan at naiambag na tulong sa pag-unlad ng lipunan? 5. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Magsulat ng komprehensibong paliwanag. J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at Basahin ang bahaging Pagpapalalim sa LM pahina 6-15. remediation IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin?
  • 12. D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punong- guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
  • 13. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo Paaralan DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas 9 Guro JEANEBIL S. NAMOC Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras August 29, to September 1, 2023 10:00 – 11:00 AM Markahan Una IKATLONG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat). B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan a. Napangangatuwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan. EsP9PLIb-1.3 b. Nakabubuo ng Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer. c. Nakapagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsagot sa mga mahahalagang tanong na may kinalaman sa paksa. II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 5-8 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- aaral Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 6-16 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883
  • 14. B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan ng mga kilalang personalidad sa telebisyon mula sa mga magazines Video Clip mula sa internet - “Huwag Maliitin ang Maliit sa Ating Lipunan” https://www.youtube.com/watch?v=a8PN54yIB20 Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper III.Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. Sa pagbabalik-aral sa nakalipas na talakayan, magbibigay ang guro ng iba’t ibang palatandaang naglalarawan sa iba’t ibang institusyong panlipunang tinalakay sa nakalipas na araw, unahan sa pagsagot ang bawat mag-aaral sa institusyong tinutukoy nito. Ang bawat tamang sagot ay may kapalit na sampung puntos para sa performance task. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach) 1. Dito tayo unang natuto. Publiko man o pribado. Nahahasa rin ang ating talino. Kaya dapat pangalagaan ito. Nagsisilbing pangalawang tahanan ko. – Paaralan 2. Ang kabuuan ng mga Kristiyano. Binubuo ito ng mga taong kasal o binyagan na may konkretong paniniwala sa Kristong pinagmulan – Simbahan 3. Ang kailangan para sa ikabubuti ng mamamayan. Ito ay mahalaga para na rin sa kapakanan ng taong bayan – Pamahalaan 4. Ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita at mapalago ang perang pinagsikapan mo – Negosyo 5. Ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Dito, maaari ring mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno – Pamilya B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Napangangatuwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan. 2. Nakabubuo ng Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer. 3. Nakapagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsagot sa mga tanong. B. Mula sa mga inihanda ng guro na fashion magazines, ipakita ang mga larawan ng kinikilalang personalidad katulad nina: Kris Aquino, Coco Martin, tambalang JaDine at KathNiel at marami pang iba. Tumawag ng mag-aaral upang sagutin ang sumusunod na katanungan. Ibigay ng guro ang tunay na kahulugan ng pagiging sosyal para sa pagsisimula ng isasagawang pagtalakay. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Paano ninyo mailalarawan ang taong sosyal? Patunayan. 2. Sa mga larawang ipinakita, masasabi mo bang sila ay sosyal? 3. Ano-ano ang kanilang mga katangian kung bakit sila ay tinuring mong sosyal?
  • 15. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Panoorin ang videoclip mula sa YouTube ”Huwag Maliitin ang Maliit sa Ating Lipunan” Video Clip mula sa internet : https://www.youtube.com/watch?v=a8PN54yIB20 Sagutin ang sumusunod na katanungan: (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Tungkol saan ang napanood mong video? 2. Anong mahalagang aral ang napulot ninyo na may kaugnayan sa ating aralin? D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Hatiin ang klase sa lima. Basahin at talakayin ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga sanaysay at sagutan ang mga tanong sa Manila paper. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach) Pangkat 1- Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat Sagutin ang mga tanong: 1. Anong lipunan ang iyong kinabibilangan? 2. Ano ang inyong nagkakaisang layunin? 3. Sino sa iyong kasama sa lipunan ang bahagi rin ng iyong komunidad? 4. Naranasan mo na ba ang tumulong sa iyong kapwa – tulad ng pagbabahagi ng iyong baon para sa isang matandang nagugutom o pagbibigay ng iyong mga damit para sa mga nasalanta ng kalamidad? 5. Sa ganitong pagkakataon, nakaakit ka ba ng kapwa mo mag-aaral na tumulong? Nakaramdam ka ba ng galak dahil sa iyong ginawa? 6. Ano ang magandang maidudulot ng iyong ginawa para sa lipunan? Pangkat 2-Kabutihang Panlahat Kabutihang Panlahat Pangkat 5-Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
  • 16. Sagutin ang katanungan: 1. Kung gusto mong matanggap ang kabutihan mula sa lipunan, paano ka naman tutugon sa hamon ng kabutihang panlahat? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Isagawa ang pangkatang pag-uulat ukol sa mahahalagang konsepto mula sa binasang sanaysay at pagbabahagi ng sagot sa mga tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Collaborative Approach) F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Sagutan sa notbuk ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng lipunan? 2. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito ang kanilang mga tungkulin sa lipunan? 3. Paano matitiyak na makatutulong ang lahat ng sektor na ito upang gawing matiwasay ang lipunan? 4. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ano kaya ang layunin na ito? 5. Paano makatutulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng iyong pagkatao? G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw-araw na buhay Tukuyin at itala ang mga paraan kung paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat. Ipaliwanag kung bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) H. Paglalahat sa aralin Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan. I. Pagtataya ng Aralin Punan ng mahahalagang salita ang patlang upang mabuo ang Batayang Konsepto. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach) Batayang Konsepto: Ang pagsisikap na _________________________at __________________________ ang J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation 1. Magsagawa ng isang survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan kasama ang mga miyembro ng dating pangkat. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan o pang-edukasyon. Maaaring may iba pang makita sa proseso ng pagsasagawa nito. Maghanda para sa pagbabahagi ng resulta ng survey. 2. Magdala rin ng sumusunod: sinulid, karayom, telang may sukat na 1 x 1 na talampakan - sa pamamagitan ng… ng ay mga puwersang magpapatatag ng
  • 17. IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punong- guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
  • 18. DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo Paaralan DUMINGAG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas 9 Guro JEANEBIL S. NAMOC Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras August 29, to September 1, 2023 10:00 – 11:00 AM Markahan Una IKAAPAT ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito (ang kabutihang panlahat). B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan a. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan. EsP9PLIb-1.4 b. Nakapagbabahagi ng isinagawang survey tungkol sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sariling pamayanan. c. Nakagagawa ng quilt na naglalaman ng mga simbolo at sangkap para sa isang matiwasay na lipunan na nagtataguyod ng kabutihang panlahat d. Nakapagsasagawa ng isang proyekto batay sa pangangailangan ng pamayanan. e. Nakapagsusuri ng mga pagkakataong nangibabaw ang kabutihang panlahat at kabutihang pansarili o kabutihan ng nakararami. II. Nilalaman Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 TG p. 8-12 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 LM p. 16-20
  • 19. 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883 B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: laptop, LCD projector, Manila paper, marker III.Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. 1. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga naging sagot sa journal na sumasagot sa tanong na: Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Matapos ang pagtawag sa ilang mag-aaral, bigyang diin ng guro na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan. 2. Nakapagsasagawa ng survey ng mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sariling pamayanan. 3. Nakagagawa ng quilt na naglalaman ng mga simbolo at sangkap para sa isang matiwasay na lipunan na nagtataguyod ng kabutihang panlahat
  • 20. 4. Nakapagsasagawa ng isang proyekto batay sa pangangailangan ng pamayanan. 5. Nakapagsusuri ng mga pagkakataong nangibabaw ang kabutihang panlahat at kabutihang pansarili o kabutihan ng nakararami. B. Hatiin ang klase sa limang pangkat, ang bawat pangkat ay magsasama-sama upang bumuo ng isang human chair kung saan ang bawat miyembro ng pangkat ay magsisimula sa pagtayo sa pabilog na linya hanggang wala ng espasyo na naghihiwalay sa isa’t isa. Dahan-dahan silang uupo hanggang sa maramdaman ng bawat isa na komportable na sila sa pagkakaupo sa tao sa kanilang likuran: Gabay ang mga ipag-uutos ng guro tulad ng sabay-sabay na paghakbang sa kaliwa at sa kanan, hanggang sila ay mabuo ng umiikot habang nakaupo sa isa’t isa. Sagutin ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Collaborative Approach) 1. Ano ang naramdaman mo matapos ang gawain? 2. Ano-anong mga realisasyon ang nabuo sa inyong isipan matapos ang isinagawang gawain na maaaring ihalintulad sa pagbuo ng isang matiwasay na lipunan? 3. Ano-anong mga suliranin kung mayroon man ang inyong kinaharap sa pagsasagawa ng gawain at paano ninyo ito naresolba? C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin A. Sa isinagawang pangkatang gawain na human chair, iproseso ng guro ang mga ibinigay na kasagutan ng mag-aaral upang mabuo ang konseptong: Ang ginawang human chair ay maihahalintulad sa lipunang binubuo ng iba’t ibang uri ng tao. May kanya-kanyang kontribusyon upang maisagawa ang mga mithiin na magdudulot ng katiwasayan ng lipunan.
  • 21. B. Gumawa ng pangkalahatang ulat sa naging resulta ng survey na ibinigay bilang takdang aralin tungkol sa mga suliraning kinaharap ng komunidad o pamayanan. Pumili ng tatlong suliranin sa mga nakalap at iranggo ang mga ito batay sa kahalagahan. Tawagin ang lider ng bawat pangkat at iulat sa klase ang kinalabasan ng survey. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Gamit ang dating pangkat, magsagawa ng pagsusuri sa mga pagkakataon sa iyong buhay bilang isang mag-aaral at kabataan kung saan napangibabaw mo ang kabutihang panlahat at mas napangibabaw mo ang kabutihan ng iyong sarili o ng iilan kaysa sa kabutihang panlahat. Maglaan ng panahon upang mag-usap para sa pagbabahagi ng mga karanasan. Magpasya kung sino ang makapagbahagi ng karanasang tunay na tutugon sa hinihingi ng gawain. Ilista ang mga ito gamit ang pormat sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/Constructivist Approach) Pagkakataong Nangibabaw ang Naging Bunga Paraan kung paano ito mas Kabutihang Panlahat mapagyayaman 1. 2. 3. Pagkakataong Nangibabaw ang Kabutihang Pansarili o Kabutihan ng Nakararami Naging Bunga Nararapat gawin upang mas mapanaig ang kabutihang panlahat 1. 2. 3. E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Bumuo ng isang quilt. Ito ay pinagsama-samang piraso ng mga tela na pinagdugtong-dugtong sa pamamagitan ng pagtatahi. Ang bawat isang kasapi ng pangkat ay kailangang magbahagi ng mahalagang sangkap na kinakailangan upang matiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan - halimbawa, paggalang sa karapatang pantao. Matapos makapagbahagi ang lahat ay kailangang ilagay ang mga sangkap na naibahagi sa isang piraso ng telang may sukat na 1 x 1 na talampakan. Maaaring gumamit ng kahit na anong klase ng tela o kung anomang kulay. Mahalagang makaisip ng isang simbolo na kakatawan dito upang may maiguhit ding larawan sa telang gagamitin. Maaaring gumamit ng pintura upang maipinta ang simbolo at ang sangkap na napili. Maaari rin namang gumamit din ng mga pinagdugtong-dugtong na retaso ng tela. Maaaring gamiting gabay ang halimbawa sa kanan: Ang tema ng quilt na ito ay para sa kapayapaan. Matapos ang pagdidisenyo sa mga piraso ng tela ay pagdugtong-dugtungin upang mabuo ang quilt. Matapos ito ay ilagay o isabit sa isang bahagi ng silid-aralan o sa labas ng silid upang maipakita sa lahat ang mahalagang mensaheng ipinapakita nito. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Constructivist Approach)
  • 22. F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) 5 minuto) (Reflective Approach) Ano-ano ang konsepto at kaalamang pumukaw sa akin? Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa Ano ang aking pagkaunawa at reyalisasyon sa bawat konsepto at kaalamang ito? journal. (Gawin sa loob ng Ano-anong hakbang ang aking gagawin upang mailapat ang mga pang- unawa at reyalisasyong ito sa aking buhay? G. Paglalapat sa aralin sa pang- araw-araw na buhay Isulat sa notbuk ang sagot. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Ipaliwanag ang bawat isa. H. Paglalahat sa aralin Ang lahat ng tao ay nararapat na magmalasakit upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin ang kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan. Marahil bilang isang mag-aaral, iniisip mong masyado pang maaga para masubok kung kaya mo nang pairalin ang kabutihan sa iyong lipunang ginagalawan sa kasalukuyan. Ngunit mahalagang maunawaan mong bawat tao sa lipunan, anuman ang kaniyang katayuan sa buhay at edad ay mayroong pagkakataong magbahagi ng kaniyang magagawa upang matiyak na makakamit ang kabutihang panlahat. I. Pagtataya ng Aralin Kompletuhin ang pahayag. Isulat sa sagutang papel. Isang puntos sa bawat konseptong may kaugnayan sa isinagawang talakayan. Limang puntos ang pinakamataas. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Isang mahalagang sangkap na kinakailangan upang matiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan ay ang… _______________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________. J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation Batay sa naging resulta ng survey na ibinahagi ng bawat pangkat, bumuo ng plano para sa pagsasakatuparan ng isang proyektong tutugon sa pinakaunang suliraning naitala. Gamitin ang sumusunod na pormat: (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach) Isaalalng-alang ang sumusunod: 1. Ano ang pangkalahatan at tiyak na layunin sa pagsasagawa ng proyekto?
  • 23. 2. Tunay bang may pangangailangan ang sektor na iyong mapipili? 3. Tugma ba ang isasagawang gawain para sa pangangailangan? Ano ang mga kagamitang kakailanganin upang maisagawa anag proyekto? Kakayanin ba ito ng mga mag-aaral na katulad ninyo? 4. May ibang tao bang makatutulong sa pagsasakatuparan ng inyong proyekto? 5. Sino-sino ito at paano makikipag-ugnayan sa kanila? Isagawa ang proyekto ayon sa plano. Tiyaking maidodokumento ang lahat ng mga pangyayari sa pagsasakatuparan ng proyekto. Pangalan ng Proyektong Pampamayanan: ____________________________________________ Mga Layunin (Batay sa uri ng proyekto – pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan, o pang-edukasyon): _______________________________________________________________ Gawain Panahong Ilalaan Mga Taong Sangkot o Kasali Inaasahang Output Mga Puna (Remarks) Humanda para sa pagbabahagi ng isinagawang proyekto. IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
  • 24. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliraninang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punong-guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
  • 25. Prepared: Checked: Reviewed: JEANEBIL S. NAMOC ROLLAN C. URSUNAL GENALYN G. OCTAVIANO ESP Teacher ESP Corrdinator Department Head Approved: JOSEPH M. BELOY, ED.D Secondary School Principal II