Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan grade 4
1. Holy Infant Academy, Diocese of San Carlos Inc.
Cadiz City, Negros Occidental
UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA AP 4
Pangalan:__________________________________________Baitang & Seksyon:__________
Paaralan:_______________________________________________Iskor:_________________
I. Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
______1. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi?
A. teritoryo B. bansa C. lalawigan
______2. Ano ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa
itaas nito?
A. teritoryo B. bansa C. lalawigan
______3. Ano ang samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan?
A. pamahalaan B. departamento C. organisasyon
______4. Alin ang tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialaman ng
bansa?
A. soberanya B. tao C. pamahalaan
______5. Sino ang mga grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon
ng bansa?
A. pamahalaan B. tao C. soberanya
______6. Anu-ano ang mga salik ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
A. may tao, teritoryo at pamahalaan B. may tao at teritoryo
C. may tao, teritoryo, pamahalaan, at soberanya
II. Basahin ng mabuti ang ipinapahayag ng bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
________1. Patag at nakaguhit na representasyon ng isang lugar.
A. mapa B. globo C. simbolo
_______2. Tawag sa taong gumuguhit ng mapa.
A. Kartograpiko B. Kartograpo C. Kartopoliko
_______3. Dito makikita ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa mapa.
A. Pamagat B. Pananda C. Legend
_______4. Makikita dito kung anu-anong bagay ang matatagpuan sa isang lugar
A Pamagat B. Pananda C. Legend
_______5. Makikita dito ang titulo kung ang mapang hawak mo ay mapa ng inyong lugar, mapa ng pilipinas o
mapa ng daigdig.
A Pamagat B. Pananda C. Legend
_______6. Naglalarawan ng ibat-ibang etniko o katutubo na matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
A. mapang etniko B. mapang politikal C. mapang pisikal
_______7. uri ng mapang nagpapakita ng iba’t- ibang anyong lupa at anyong tubig sa isang lugar.
A. mapang etniko B. mapang politikal C. mapang pisikal
______8. Uri ng mapang nagpapakita ng mga nasasakupan ng isang lugar.
A. mapang etniko B. mapang politikal C. mapang pisikal
2. ______9. Uri ng mapang nagpapakita ng kapal ng populasyon.
A. mapang politikal
_____10. Makikita sa mapang ito ang uri ng klimang nararanasan ng mga lugar sa bansa.
A. mapang pisikal B. mapa ng populasyon C. mapang pangklima
III.Hanpin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A. Ekwador B. Eskala C. Grid D. Prime Meridian
D. Legend E. Relatibong Lokasyon
________1. Hinahati ang mundo sa kanluran at silangang hemisphere.
________2. Kilala bilang malaking bilog na humahati sa mundo sa timog at hilagang hemisphere.
________3. Lokasyon ng lugar na ibinabatay sa nakapaligid na hanggahan.
________4. Nagpapaliwanag sa iba’t-ibang simbolo o palatandaan na ginagamit sa isang mapa.
________5. Pinagsamang guhit latitud at longhitud.
________6. Pinaliit na sukat at distansiya ng isang aktuwal na lugar na makikita sa mapa.
IV. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod sa ibaba.
A. Ibigay ang 4 na pangunahing direksyon.
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________
4. ________________________________________
B. Ibigay ang 4 na pangalawang direksyon.
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________
4. ________________________________________
Prepared by: Ms. Arianne Olaera Noted by: Sr. Elaine L. Bael, FAS