3. ANO ANG KOMPETISYON
• Isang uri ng pamilihan kung saan ang mga presyo ng bawat produkto ay
itinakda ng ekilibriyo
4. 3 pangunahing katangian ng kompetisyon
1. Marami ang nagtitinda at mamimili
2. Magkakauri ang mga produkto. ( homogeneous and standardized product.)
3. Malaya ang pagpasok at at paglabas ng mga prodyuser sa pamilihan
5. ANO ANG MONOPOLYO
• Nanggaling sa salitang Griyego na monos na ibig sabihin isa at polein na ibig
sabihin pagbebenta
• Kaya ang ibig sabihin ng monopoly ay isang estruktura ng pamilihan kung
saan may isa lamang na nagbebenta o nagsusuplay ng isang particular na
produkto o serbisyo.
• Walang kompetisyon ang prodyuser ng produkto
6. Iba pang katangian ng monopolyo
1. May hadlang sa pagpasok ng produkto mula sa ibang prodyuser sa
pamilihan
2. Walang ibang prodyuser na nagbebenta ng kapalit o kahawig na produkto
3. May kakayahan ang prodyuser na magtakda ng presyo
7. ANO ANG OLIGOPOLYO
• Nagmula sa salitang Griyego na oligo o kaunti at polein o pagbebenta
• Estruktura ng pamilihan kung saan limitado ang kompitasyon at iilan lamang
ang mga prodyuser na maaaring magbenta ng produkto o serbisyo
8. Mga katangian ng oligopolyo
1. Kaunti lamang ang nagbebenta ng produkto
2. Mayroong magkakaparehong produkto
3. Nangingibabaw ang malalaking kompanya sa pamilihan
4. May sabwatan o lolusyon ng mga kompanya
9. ANO ANG MONOPOLISTIKONG
KOMPETISYON
• Ang pamilihan na mayroong katangian ng parehong kompetisyon at
monopoly
• Sa ganitong pamilihan. Malayang nakapagbebenta ang mga prodyuser ng
kanilang produkto, ngunit mayroong mahigit na kompitesyon sa katulad na
produkto
10. 3 pangunahing katangian ng monopolistikong
kompitesyon.
1. Marami ang mamimili at nagbebenta
2. Iba-iba ngunit mag pagkakapareho ang mga produkto
3. Malaya ang pagpasok at paglabas ng mga prodyuser sa pamilihan
11. INTERBENSIYON NG PAMAHALAAN SA
PAMILIHAN
• Ang RA No. 7581 o ang Price Act of the Philippines
• Nagbibigay karapatan sa pamahalaan na mamagitan sa prodyuser at mamimili
sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto.
• Ngunit ang batas na ito ay naipapatupad lamang sa mga kondisyon tulad ng
panahon ng kalamidad, sakuna at state of emergency
12. • RA No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines
• Nagbibigay proteksiyon sa intellectual property ng indibiduwal at mga
kompanya.
• Nabibigyan-proteksiyon ng batas na ito ang monopoly at monoplistikong
kompetisyon ng mga kompanya
13. RA No. 9653 o Rent Code Act of 2009
• Ang batas na ito ay naglilimita sa biglaang pagtaas ng renta o upa sa mga
bahay o lupa.
• Layunin ng batas na ito na protektahan ang mga uupa ng lupa laban sa
mapang-abusing may-ari
14. • RA No. 10667 o ang Philippine Competition Act of 2015
• Ang batas na ito, isinusulong ng pamahalaan ang pagtatayo ng pamilihan na
mag masiglang kompetisyon upang mabigyan ng mas maraming pagpipiliang
produkto at serbisyo ang mga mamimili.