3. Binubuo ang pamahalaang lokal ng
mga lalawigan, bayan at barangay.
Ang lalawigan ay pinamumunuan ng gobernador.
Ang lungsod at Bayan ay pinamumunuan naman
ng alkalde, kapitan naman ang namumuno sa
barangay. Tinitiyak din ng gobernador kung
tumutupad sa tungkulin ang mga alkalde ng
bayan o ng lungsod. Ang pangasiwaan naman ng
barangay sa pamumuno ng kapitan ay nasa
Ano ang Pamahalaang Lokal?
4. Ano ang Pamahalaang Lokal?
ilalim ng alkalde ng bayan o lungsod.
Ang mga karaingan at suliranin ng mga
mamamayan sa lokal na nasasakupan ay
ipinararating ng mga pinuno ng pamahalaang
lokal sa pambansang pamahalaan. Samantala,
ipinararating naman ng pamahalaang lokal sa
mga mamamayang nasasakupan nito ang mga
programa, patakaran at mga batas na dapat
sundin na ipinatutupad ng pambansang
pamahalaan.
6. Kodigo ng Lokal na
PamahalaanRepublic Act No. 7160
Republic Act No. 7160
7. Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal ay naisabatas
noong ika-21 ng Hunyo, 1991.
Sa batas na ito, ang mga pamahalaang lokal ay
pinapayagang mamahala, gumawa ng mga
alituntunin o pang-lokal na mga ordinansa, at
ipatupad ito, at pamahalaan ang kanyang lugar
ng sakop. Sila ay maaaring pumasok sa mga
pribadong transaksiyon at negosyo sa
Republic Act No. 7160
8. pamamagitan ng paghalal at
pagtalaga ng mga opisyal at lokal na bubuwisan.
Sila ay inaatasang ipatupad ang mga batas,
mapa-lokal man ito o pambansa. Ang
Pambansang Pamahalaan ay umaalalay,
nagbabantay at nagsisiguro na ang mga lokal na
pamahalaan ay hindi lumalabag sa batas
pambansa.
Republic Act No. 7160
9. Ito ay mahalaga dahil sa kabilang din sa mahahalagang
aspekto ng batas ang
sumusunod: Una, binibigyan ng
kapangyarihan ang mga sangay ng
pamahalaang lokal na magkusa at magsagawa ng
pagbawi ng kapangyarihan sa mga halal na opisyal at
magsulong ng referendum. Ikalawa, inaatasan ang mga
pambansang ahensiya na makipag-ugnayan muna sa
pamahalaang lokal bago magsagawa ng anumang
proyekto o programa na maaaring makaapekto sa mga
tao o pook nito. Ikatlo, binibigyan ng kapangyarihan ang
bawat sangay ng pamahalaan na umiral na lawas na
pampolitika at pangkorporasyon upang
Bakit ito mahalaga?
10. maisulong ang kagalingan ng lahat.
May mga probisyon ang Kodigo na
nag-aatas sa pamahalaang lokal na
pagyamanin nito ang kultura ng bayan;
itaguyod ang kalusugan at seguridad ng mga
mamamayan; linangin ang kakayahang siyentipiko o
teknolohiko ng mga tao; isulong ang kabuhayan at
katarungang panlipunan; at palakasin ang pambansang
moralidad. Bukod dito, isinaad sa Kodigo ang mga tiyak
na alituntunin sa pangangalap ng buwis at paglikha ng
pagkakakitaan ng mga sangay ng lokal na pamahalaan.
Bakit ito mahalaga?