Your SlideShare is downloading. ×
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Mga Teoryang Pampanitikan

22,461

Published on

LIKE AND DOWNLOADS :) THIS POWER POINT IS REALLY NICE AND PRESENTED! …

LIKE AND DOWNLOADS :) THIS POWER POINT IS REALLY NICE AND PRESENTED!

I HOPE YOUR HAPPY TO HAVE THIS!
DONT FORGET TO FOLLOW ME :)


THANKS GUYS!

Published in: Education
0 Comments
8 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
22,461
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
454
Comments
0
Likes
8
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
  • 2. Teoryang Imahismo Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
  • 3. HALIMBAWA NG TEORYANG IMAHISMO PANAMBITAN ni Myrna Prado
  • 4. Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan. Mga mahirap lalong nasasadlak Mga mayayaman lalong umuunlad Maykapangyarihan, hindi sumusulyap Mga utnag na loob mula sa mahirap. Kung may mga taong sadyang nadarapaSa halip tulungan, tinutulak pa nga; Buong lakas silang dinudusta-dusta Upang itong hapdi’y lalong managana. Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo Tao’y pantay-pantay sa bala ng mundo? Kaming mga api ngayo’y naririto Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.
  • 5. Teoryang Feminismo Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
  • 6. HALIMBAWA NG TEORYANG FEMINISMO Paalam sa Pagkabata ni Nazareno D Bas
  • 7. • Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim - iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko. Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin ko'y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang ako'y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga. Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito'y ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito'y tinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan.
  • 8. • "Hanggang ngayon ba'y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?" Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon. Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buongbuo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong malaman.
  • 9. • Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha. "Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo." Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi sa aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit? "Ano pa ang hinihintay mo, Celso?" Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Mayamaya'y tumakbo na ako ng matulin. Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan.
  • 10. • Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gutara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At mula na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko. "Naririyan na naman siya." "Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam." Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahaypawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa.
  • 11. • Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayo'y gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang kanyang mga mata. Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako. Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos. "Dalawin mo ako palagi, ha?"
  • 12. • Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi - lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay. Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako. "Lapit rito, Celso!" Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal. "Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin." Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?
  • 13. • Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang gawain. Matapos makapananghalian siya'y matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay. Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko sa Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao. Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ang katarungan ang aking kalagayan.
  • 14. • Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat. "Huwag, Celso!" saway ni Nanay na nanginginig ang boses. "Huwag!" Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang ito'y magkagutaygutay na at nagkalat sa aking paanan. "Celso!" Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pangunawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat. Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita akong anino - si Tatay na sumusurot kay Nanay. "Ngunit, Tomas," nagmamakaawa si Nanay. "Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya." "Pumanhik ka, Isidra!" singhal ni Tatay. "Pumanhik ka na habang ako'y nakapagpipigil pa."
  • 15. • Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at ako'y gumagapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi. Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihina'y umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan. Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso.
  • 16. Teoryang Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
  • 17. HALIMBAWA NG TEORYANG MORALISTI KO Ibig kong Makita ni Benigno Ramos
  • 18. • Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni Rizal, ang baying may budhi at di natatakot sa dayuhan Ibig kong Makita ang isang lalaki sa panunungkulan na nagkakasya na sa sweldong sa kanya'y kalood ng bayan Ibig kong Makita ang isang pinunong maalam dumamay , katoto ng lahat at walang higanti sa kaaway Ibig kong Makita ang isang lalaki kung pulitiko man ay matuto sanang tumupad sa kanyang pangako't parangal Ibig kong makita ang isang pangkating hindi manlilinlang at di uunahin ang sariling buti kahit magbulaan Ibig kong makita ang pamahalaang hindi nagbibigay ng puesto kung hindi sa matatanda na at may kasanayan Ibig kong makitang mawala na rito ang Pulitikahan at nang hindi tayo laging nababagabag hanggang magpatayan Ibig kong makita ang unibersidad na tinuturuan ang magugulang na at di mga batang halos walang malay Ibig kong makita ang isang medikong kung nakararaan ng isang maysakit, kahit di tawagin, ay kusang aalay Ibig kong makita'y isang abogadong magiging tanggulan at di babaluktot dahil sa salapi at santong katwiran
  • 19. • Ibig kong makita'y isang botikaryong hindi magpapalabnaw ng timpla ng gamut at di magdaraya sa hangad na yumaman Ibig kong makita ang kadalagahang mahinhin, marangal, mapuri, marunong at sa wika natin ay sanay na sanay Ibig kong makita ang kabinataang malakas, matapang, malaya, bihasa, at sasama agad kung maghimagsikan Ibig kong makita ang isang simbahang di mangangalakal sa ngalan ng Diyos at di sumisingil sa gawaing banal Ibig kong makita ang pagkakaroon ng gawaan ng awto at damit, baso at bubog, ng papel at pinggan Ibig kong makitang tayo ay marunong gumawa ng tanang kailangan natin at di tulad ngayong tagabili lamang Ibig kong makita'y mga Obreristang hindi salanggapang na kunwa ay lider ng mga Obrero bago'y taga sakal Ibig kong makita ang mga Obero ay matututo lamang kilanlin ang tigre at saka ang tupa sa mga balangay Ibig kong makitang bawat mahirap ay may pahayagan at nang hind bawat mandaraya'y pinaniniwalaan Ibig kong ating eskwela publika ay maging aralan ng pagkamagiting at huwag lagi nang sayaw nang sayaw
  • 20. • Ibig kong an gating nayo't bukid ay may paaralan na wala nang bayad at wala pang gugol sa mga … ambagan Ibig kong an gating matatanda'y matutong magdasal sa sariling wika at nang matatalos ang ibig isaysay Ibig kong ang isang makata ay siyang maunang maunang gumalang ng kanyang salita at mga bisyo sana ay ilagan Ibig kong ang isang dalagang maganda'y ingatang nagpasyal sa awto ng isang lalaki at baka sa dulo ay kulungan Ibig kong ang isang tao ay umibig ng di lalakipan ng masamang hangad na masamantala ang kasuyong hirang Ibig kong makita ang mga binatang hindi nanliligaw dahil lang sa pilak ng isang babae na tinatapatan Ibig kong makita ang isang puis na hindi si Batay-Salakay at ang mga titik na hindi pasusuhol at di magnanakaw Ibig kong makita ang pamahayagang hindi nasisilaw sa mga anuns'yo at sa mga Apong makapangyarihan Ibig kong makita ang hukom na walang tanging kinikilingan kundi ang matuwid at lahat lahat sa kanya ay pantay Ibig kong makita, sa isang salita, ang Pangasiwaang hindi pankumpare, hindi pampartido't di pangkaibigan Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni Rizal, ang baying may budhi at di natatakot sa dayuhan
  • 21. Teoryang Humanismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. ..
  • 22. HALIMBAWA NG TEORYANG HUMANISMO Titser ni Liwayway Arceo?
  • 23. • Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng magasawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan. Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng magasawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.
  • 24. • Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
  • 25. • Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya. Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
  • 26. • Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. Malinaw na ipinakita ng nobela ang agam-agam na kinakaharap ng bawat guro. Ano ang dapat piliin, ang makapaglingkod sa pamayanan kapalit ng isang kahig, isang tukang pamumuhay, o ang makatikim ng karangyaan kapalit ng pagtalikod sa propesyong nais na tahakin? Ang karakter ni Aling Rosa ang nagsilbing tagapag-tibay sa agam-agam na ito. Siya ang nagpamukha kay Amelita at Mauro ng magiging kapalit ng pagiging ideal ng mag-asawa: ang paghihikahos sa aspetong pinansyal, ang pagiging "Sampu, sampera." Ang nobela ni Arceo, bagama't halos animnapung taon na ang nakaraan mula sa pagkakalathala nito, ay maliwanag pa ring sumasalamin sa kalagayan ng mga titser sa kasalukuyang panahon. Sila ang nagsisilbing tagapaghubog ng kaisipan ng susunod na henerasyon, ngunit sila'y binibigyan lamang na maliit na pahalaga. Isang patunay nito ang laganap pa ring paggigiit ng mga guro para sa mas mataas na sahod, na kung pagbigyan man ng pansin ng gobyerno'y di pa rin sapat para sa trabahong kanilang ginagawa.
  • 27. • Marahil luma na sa atin ang kasabihang, "kung ayaw mong maghirap, huwag kang magtitser." At ang kalumaan nito siguro ang naging dahilan kung bakit tinatanggap na lamang natin itong isang masakit na katotohanan na walang solusyon. "Ang pagtuturo'y isang bokasyon, hindi propesyon," wika nga. Ang kaisipang ito na rin marahil ang dahilan kung bakit pinipili ng ibang mga guro sa kasalukuyan ang magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan: una'y nagagawa nila ang gusto nilang gawin, at ikalawa'y nagagawa nila ito ng may natatanggap na pagpapahalaga at pribilehiyo. Sa lipunang ito,marahil kailangan na nating buwagin ang kaisipang kailangang magsakripisyo ng mga guro. Marahil kailangan na nating bigyan ng mataas na pagtingin at kabayaran ang pagsisilbing ginagawa ng mga titser ng lipunan. Sila ang tagapaghulma ng mga susunod na "tituladong" mamamayang tinitingala ni Aling Rosa. Sila ang gagawa ng mga bagong "Dr.", "Atty.", "Engr.", "PhD" at iba pa. Bakit kailangan nilang maghirap pinansyal?
  • 28. Teoryang Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng mayakda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
  • 29. BY: SITTI AIZA BUNDING REGINE BIGUEJA JONALYN ESPIDIDO MELAIZA ISANAN CLAIRE COCHING

×