3. Mahilig siya maglaro. Magaling siyang humabol ng bola, tumalon
ng mataas at tumakbo na mabilis pa sa aso.
Araw-gabi ay paglalaro lang ang kanyang nasa isip.
4. Sabi nya sa kanyang sarili, "Ang saya-saya maglaro!"
5. Dahil sa paglalaro ay hindi maiiwasang madumihan si Muning.
Ngunit ayaw niyang maligo.
6. Kapag naririnig na niya ang tinig ng kanyang ina ay lagi
siyang nagtatago.
"Muning, pasok na sa bahay! Maligo ka na ang dumi-dumi mo
na!", ang sabi ng kanyang nanay.
7. "Ayoko po maligo, Nay!", ang sagot ni Muning sabay tago sa
may damuhan.
8. Biglang may diwata na lumitaw mula sa kawalan. "Muning,
dahil ayaw mong maglinis ng katawan gagawin kitang ipis!"
9. At naging ipis nga si Muning. Nagsimula siya gumapang, at
namalayan niya na lang na nasa madilim, mabaho at
maduming lugar na siya.
10. Dito kanyang napagtanto na gusto na niyang maligo. Gusto
niyang umiyak, at kanyang sinabi, "Ayoko na sa madilim,
mabaho at maduming lugar! Ayoko ng maging mabaho at
madumi!"
11. Kanyang kinausap ang diwatang hindi nakikita, "Diwata,
ayoko ng maging ipis. Ibalik mo na ko sa pagiging kuting.
Gusto ko ng maligo! Pangako, maliligo na ko araw-araw!"
12. At sa oras na iyon, bigla na lang siyang nagising. Nakatulog
pala siya sa damuhan na kanyang pinagtaguan. Laking tuwa
niya na panaginip lang lahat ng iyon.
13. Dali-dali siyang bumalik sa kanilang bahay upang maligo. Niyakap
niya ang kanyang ina sa sobrang tuwa at nangako na maliligo na
siya araw-araw.