2. Pitong libo isandaang munting mga pulo
Sa bahaging Pilipinas ang siyang bumuo
Sa mapa ng mundo man di'y watak-watak
Ngunit binuklod sa isang diwa at pangarap.
3. Sa katapusan nitong kapuluan
Marikit na Luzon, Visayas, Mindanao
Labing-anim itong mayayamang rehiyon
Makilala mo sa taglay na dunong.
4. Dumanas ng lupit sukdang kaapihan
Sa mga dayuhang nanlupig sa bayan
Palibhasa'y handang magbuwis ng buhay
Lipi ng Malayo'y nagbangon, lumaban
Hanggang sa paglaya'y makamit ang
dangal.
5. Kay tamis bigkasin Wikang Filipino
Himig Ilokano,Bikol at Pampango
Pangasinan, Waray,Tagalog , Cebuano
Tausug,Hiligayno't wikain ng mundo.
6. Kay ringal awitin ng Lupang Hinirang
Kung titik at himig ay mararamdaman
Pag-ibig sa bayan lubos na itanghal
Sa ating watawat, pagbibigay pugay.
7. Kay ringal awitin ng Lupang Hinirang
Kung titik at himig ay mararamdaman
Pag-ibig sa bayan lubos na itanghal
Sa ating watawat, pagbibigay pugay.