3. Hilagang Ruta
Nagsisimula sa Bejing, China, binabagtas ang mga disyerto ng mga Samarkand
at Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at ang Black Sea at nagtatapos sa
lungsod ng Constantinople
4. Panggitnang Ruta
Mula sa India, ang mga kalakal ay dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang Ormuz sa Persian Gulf.
Mula rito ang mga kalakal ay inihahatid sa pamamagitan ng mga kamelyong bumabyahe patungo sa mga
lungsod ng Antioch, Aleppo at Damascus
5. Timog na Ruta
Mula sa India, babagtasin ang Indian Ocean, babaybayin ang
Arabia tuloy sa Red Sea hanggang sa Cairo o Alexandria sa Egypt
6. Anu-ano ang mga Salik na nagbigay-daan sa
pagdating ng mga Kanluranin sa Asya?
Mga Krusda
Paglalakbay ni Marco Polo
Pagbagsak ng Constatantinople
Merkantilismo
7. KRUSADA
Ito ay serye ng mga
kampanya ng mga
Kristiyanong
kabalyero na ang
layunin ay bawiin ang
Jerusalem mula sa
mga Muslim
Ang mga akda na
naglalaman ukol sa
Asya ay nagmula sa
nakilahok sa Krusada
8. Paglalakbay ni Marco Polo
• Tinawid ang Gitnang Asya kasama
ang kanyang tiyuhin hangang sa
makarating sa Tsina
• Matagal siyang nanirahan sa China
at nanungkulan bilang tagapayo ng
emperador ng Dinastiyang Yuan
• Nang bumalik siya sa Italy, isinulat
niya sa isang aklat, The Travels of
Marco Polo ang karangyaan at
kayamanan ng China. Sa tulong ng
kanyang aklat, maraming nabatid
ang mga Kanluranin tungkol sa
Asya.
9. Pagbagsak ng Constantinople
Sa mahabang panahon, ang tatlong rutang
nag-uugnay sa Asya at mga Kanluranin sa
pamamagitan ng kalakalan ay laging bukas.
Ngunit pagsapit ng ika-14 hanggang ika-
15 siglo, ang malakingh bahagi ng
silangang rehiyon ng Mediterranean Sea
ay sinalakay ng mga Seljuk Turk.
Ang matagumpay na pananalakay ay
nagbigay sa mga Seljuk Turk ng
kapangyarihan sa mga rutang
pangkalakalan.
10. Ano ang naging epekto ng pagsasara
ng rutang pangkalakalan?
Dahil sa tanging mga mangangalakal ng
mga lungsod-estado ng Venice, Genoa
at Florence sa Italy ang pinayagan ng
mga Seljuk Turk na mamili sa mga
daungan nila. Ipinagbibili ng mga Italian
ang mga produkto sa mataas na presyo
dahil alam nila na lubos na
kinasasabikan ito ng mga tao.
Nangunguna sa produktong ito ang
mga rekado na mahalaga sa Kanluranin
bilang pampalasa ng pagkain,
pampreserba at gamot.
11. • Nagbigay daan din ito upang maghanap ng bagong ruta.
Higit na naging madali at maginhawa ang paghahanap ng mga bagong ruta
patingo sa Asya dulot ng mga pagbabago sa paglalayag. Dalawang Instrumento
sa paglalayag ang tumulong sa mga manlalayag. Ito ang compass at astolabe
12. Merkantilismo
Noong ika-16 siglo, pinaniniwalaan
ng mga bansa sa Europa na ang
ekonomiya ay maaring maging
instrumento ng pagpapataas ng
pambansang kapangyarihan
Naniniwala sila sa prinsipyong
pangekonomiya na kung tawagin ay
mekantilismo
Naniniwala na ang tunay na
kayamanan ng isang bansa ay ang
kabuuang dami ng ginto at pilak na
mayroon ito.
13. Anu-ano ang dahilan sa paagdating ng mga
kanluranin sa Asya?
Paghanap ng ginto
Palaganapin ang kristiyanismo
Paghanap ng karangalan