2. Bago pa man nabulgar ang “P10 Billion Pork Barrel Scam” na
kinasasangkutan ni Janet Lim-Napoles at ilang mga opisyal ng gobyerno (hindi
lamang kongresista’t senador kundi maging mga kawani sa DBM at COA),
alam na ng taumbayan ang ligal at iligal na paggamit ng mga pulitiko sa pondo
ng gobyerno.
Subalit ang problema – marami ang nanahahimik, maging ang mga
ordinaryong mamamayang nagrereklamo sa buwis at korapsyon. Sila rin kasi
ay natatalamsikan ng mantika ng “pork barrel” na tipak-tipak namang
sinasagpang ng mga pulitiko. Ito ay mamamayang tinutulak ng desperasyon
na pumila para sa mas mura o libreng gamot, pagpapagamot, pagpapaospital,
iskolarship, at iba pang mga proyektong tinutustusan ng “pork barrel”.
Sa Pilipinas, ang pork barrel ang nakalaang malaking halaga ng
pambansang taunang badyet ng pamahalaan para sa mga mambabatas ng
bansa. Ang bawat senador ay pinaglalaanan ng 200 milyong piso at ang bawat
kongresistaay pinaglalaanan ng 70 milyong piso sa programang tinatawag
na Priority Development Assistance Fund.
Pero – sa diksyunaryong Oxford at Miriam-Webster – ang “pork barrel” ay
mas malawak na ibig sabihin. Pumapatungkol sa paggamit ng mga pondo at sa
mga proyekto na naglalayong kunin ang boto ng mga botante/mambabatas at
isulong ang pampulitika’t kareristang interes ng mga halal na opisyal ng
gobyerno
Kinalaunan, mas ginagamit ang salitang “pork barrel” sa negatibong
konteksto. Binigyang deskripsyon nito ang pagpopondo sa mga proyektong
nakakonsentra sa piling mga lugar lang para makuha ng isang pulitiko o
partido ang boto, tiwala’t suporta ng mga benepisyaryo ng pinondohang
proyekto. Pinupuna rin nito ang inhustisya sa pondong mula sa pasaning
buwis ng buong mamamayan ngunit napakinabangan lamang sa isang erya o
teritoryo.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang isang kurakot na mambabatas ay
maaaring makakuha ng hindi bababa sa 20 porsiyentong komisyon sa
paggamit ng kaniyang taunang itinalagangpork barrel para sa inprastraktura at
iba pang mga proyekto. Ayon din kay Lacson, ito'y nangangahulugang ang
isang kurakot na senador ay maaaring makapagbulsa ng 40 milyong piso kada
taon, 240 milyong piso sa anim na taon at 480 milyon sa 12 taon.
Ang taunang 25 bilyong pisong alokasyon sa PDAF ay katumbas ng
pabahay para sa 62,500 pamilyang informal settler (P400,000 bawat isa).
Halos 30 porsyento ng 92 milyong Pilipino ay informal settler. Tatlong taon
nang naghihintay ang 104,000 pamilyang mahihirap na nakatira sa mga
peligrosong lugar sa Metro Manila para sa katuparan ng P50 bilyong pabahay.
3. Pautang pa ito ni PNoy samantalang ang PDAF ay libreng ipinamimigay! Sa 25
bilyong piso, halos 14 milyong Pilipino na ang libreng maisasali sa programa
ng PhilHealth gaano man kakapos ang serbisyong ibinibigay nito. Kahit
paano’y maiibsan sana ang mahigit 50 porsyentong gastusin sa serbisyong
pangkalusugan na direktang nanggagaling sa bulsa ng mamamamayan
(Philippine National Health Accounts 2011). Marami pang katumbas ang
perang ito. Labas pa ito sa pondong nakalaan para sa mga programang
nakatakda na sa ilalim ng mga ahensya ng pamahalaan at sa mismong pork
barrel ng presidente.
Napakalaki ng pondong nakokolekta mula sa buwis na pasan ng
taumbayan. Ngunit imbes na paglaanan ang isang pangmatagalan,
komprehensibo at makatuwirang plano tungo sa progresong panlipunan, ito ay
nagsisilbi sa panandalian, makitid at makasariling interes ng iilang pulitiko. Sa
paglipas ng mga taon, nawawaldas ang pondo ng gobyerno dahil sa “pork
barrel”. Hindi ito nailalaan sa pagpupundar ng mga sangkap para sa isang
masiglang ekonomiya: ang modernisasyon ng agrikultura at
industriyalisasyon. Mas maliit din kumpara sa naibabayad sa utang-panlabas
– ang pondo para sa iba’t ibang pangangailangan ng taumbayan: kalusugan,
edukasyon, pabahay, atbp.
Tama at napapanahon na alisin na ang pork barrel. Tama at makatwiran
na imbestigahan si Janet Lim-Napoles upang mapalutang ang mga senador at
konggresistang kasabwat nito sa karumaldumal na krimen sa taumbayan.
Ngunit, mas makakamit ang tunay na hustisya kung ang PDAF ay direktang
pakikinabangan ng mga mamamayan.
“Pork barrel” ang dahilan ng paghahangad ng mga pulitiko na
makapwesto sa gobyerno. Hindi nakapagtatakang nakapabilis magpalit ng
kulay ang mga pulitiko. Bumabalimbing at tumatalon sa naghaharing partido
ng administrasyon. Hindi nag-uusap ng prinsipyo, programa o plataporma.
Hindi inaalam ng mga namumuno kung saang direksyon dadalhin ang bansa.
Kaya ang ating bayan ay maihahambing sa barkong hindi alam kung saan
tutungo.