Sistemang Polo y
Servicio
Araling Panlipunan 5 – 4th Quarte |Topic 3
Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
Solo yServicio
Isa sa mga patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa
Pilipinas ay ang polo y servicio o prestacion personal. Ito ay
nangangahulugang “sapilitang paggawa”. Ito ay hango sa sistemang
Repartimiento de Labor na ipinatupad sa Mehiko na kolonya rin ng
Espanya. Ang patakarang ito ay ang sapilitang pagpapatrabaho sa mga
kalalakihang Pilipino at mestizong Tsino, o mga katutubong kasal sa
mgaTsino na nasa edad labing-anim hanggang animnapu.
Solo yServicio
Ang bawat kasama rito na tinatawag na polista ay may obligasyon
na magtrabaho sa loob ng apatnapung araw sa bawat taon. Ang mga
ito ay mga gawaing pang-impraestruktura at konstruksiyon tulad ng
pagpapatayo ng mga gusali, tulay, simbahan, tahanang bato ng mga
opisyal ng pamahalaan; pagsasaayos ng mga kalsada; at pagpuputol at
pagbubuhat ng malalaking puno mula sa kagubatan. Ang
naglalakihang mga torso ay kanila ring ginagamit sa pagbuo ng mga
galyon na mahalaga para sa kalakalan at paglalakbay.
Solo yServicio
Ang mga pangkat ng mga Pilipinong kabilang sa angkan ng mga
Principalia ay hindi kabilang sa mga nakatakdang maging polista, pati
na rin ang iba pang mayayamang tao, mga guro, at lahat ng mga
opisyal ng pamahalaan na katutubo. Isa sa naging mga hangarin ng
maraming magulang na Pilipino ang mapag-aral at mapagtapos ang
kanilang mga anak upang makaligtas sa patakarang polo y servicio.
Solo yServicio
Binibigyang din ng pagkakataon ang iba pa na makaligtas dito sa
pamamagitan ng pagbabayad ng palya (falla). Ito ay katumbas na
pang-araw-araw na sahod ng mga polista. Nagkakahalaga ito ng isa at
kalahating reales sa bawat araw o limampu’t anim na reales sa loob ng
apatnapung araw.
Solo yServicio
Para sa mga walang kakayahang magbayad ng palya, tinitiis na
lamang nila ang lahat ng kahirapan at pang-aabuso sa kamay ng
malulupit na opisyal. Sa kabila ng kanilang pagtitiis, hanggad pa rin nila
ang makaligtas at mabuhay upang muling makabalik sa kanilang
mahal sa buhay.
Salamat sa
Pagsubaybay

Sistemang Polo y Servicio

  • 1.
    Sistemang Polo y Servicio AralingPanlipunan 5 – 4th Quarte |Topic 3 Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
  • 2.
    Solo yServicio Isa samga patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas ay ang polo y servicio o prestacion personal. Ito ay nangangahulugang “sapilitang paggawa”. Ito ay hango sa sistemang Repartimiento de Labor na ipinatupad sa Mehiko na kolonya rin ng Espanya. Ang patakarang ito ay ang sapilitang pagpapatrabaho sa mga kalalakihang Pilipino at mestizong Tsino, o mga katutubong kasal sa mgaTsino na nasa edad labing-anim hanggang animnapu.
  • 3.
    Solo yServicio Ang bawatkasama rito na tinatawag na polista ay may obligasyon na magtrabaho sa loob ng apatnapung araw sa bawat taon. Ang mga ito ay mga gawaing pang-impraestruktura at konstruksiyon tulad ng pagpapatayo ng mga gusali, tulay, simbahan, tahanang bato ng mga opisyal ng pamahalaan; pagsasaayos ng mga kalsada; at pagpuputol at pagbubuhat ng malalaking puno mula sa kagubatan. Ang naglalakihang mga torso ay kanila ring ginagamit sa pagbuo ng mga galyon na mahalaga para sa kalakalan at paglalakbay.
  • 4.
    Solo yServicio Ang mgapangkat ng mga Pilipinong kabilang sa angkan ng mga Principalia ay hindi kabilang sa mga nakatakdang maging polista, pati na rin ang iba pang mayayamang tao, mga guro, at lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na katutubo. Isa sa naging mga hangarin ng maraming magulang na Pilipino ang mapag-aral at mapagtapos ang kanilang mga anak upang makaligtas sa patakarang polo y servicio.
  • 5.
    Solo yServicio Binibigyang dinng pagkakataon ang iba pa na makaligtas dito sa pamamagitan ng pagbabayad ng palya (falla). Ito ay katumbas na pang-araw-araw na sahod ng mga polista. Nagkakahalaga ito ng isa at kalahating reales sa bawat araw o limampu’t anim na reales sa loob ng apatnapung araw.
  • 6.
    Solo yServicio Para samga walang kakayahang magbayad ng palya, tinitiis na lamang nila ang lahat ng kahirapan at pang-aabuso sa kamay ng malulupit na opisyal. Sa kabila ng kanilang pagtitiis, hanggad pa rin nila ang makaligtas at mabuhay upang muling makabalik sa kanilang mahal sa buhay.
  • 7.