1. Sigaw
ni GAY C. TELLO
Malamig noon ang gabi ng masayang nag-iinuman at nag
kukuwentohan ang magkakaibigang Jepoy,Marjun at Ronald. Sila ay nag-
iinuman malapit sa bintana ng hallway. Pinag-usapan nila ang trahedyang
sunog na nangyari sa simbahan na kanilang tinitirhan. Ikinuwento ni Jepoy
na ang dahilan ng sunog ay ang hindi pagsunod ng kasamahan nila na
tanggalin ang mga saksakan kapag ito ay aalis.
Tinanong ni Ronald si Jepoyat Marjun kung ano ang kanilang
mga nararamdaman at kung ano ang mga pangyayaring hindi kanais-nais
sa loob ng simbahan. Kaya niya ito tinatanong dahil sa unang pagtira ni
Ronald ay pinaramdam siya habang siya ay natutulog. Hinablot raw ang
kanyang paa habang siya ay nakapikit at hindi lang iyon siya ay maka ulit
pang nanaginip ng hindi maganda tungkol sa mga ibang naninirahan dito o
sa mga ingkanto.
Habang sinasabi ni Ronald ang mga pangyayaring iyon ay
mayroon siyang narinig na kalabog sa loob ng kanyang kwarto, agad
niyang tinanong ang dalawang kaibigan. “Jepoy, Marjun narinig ba ninyo
ang kalabog?” Ngunit ang sagot ng dalawa ay wala. kinikilabutan na sila
dahil doon. Si jepoy naman ang nagkwento ng kanyang karanasan sa loob
ng kanyang kwarto. Noong nag-iisa daw siya ay biglang bumukas ang
pintuan ng stock-room.Dahil sa nakabukas ito ay kanyang isinirado pero
ng siya ay nakatalikod ay bigla itong bumukas uli. Magkahalong takot at
kaba ang kanyang nararamdaman sa panahong iyon nangangatog at
nanginginig ang kanyang mga tuhod.
Nang may biglang kalabog na parang tadyak ng isang paa sa
itaas ng kisame sa itaas mismo ng kanilang inu-upuan. Sabi ni jepoy, “Uy
ano ‘yon?” Nang biglang sumigaw ang malakas na hiyaw ng pusang galit
2. na galit. Si Marjun ay dali-daling dumukit kay Ronald at sinabing,
“Natatakot ako, ano ‘yon?” habang nag sa-sign of the cross.
Dahil sa pangyayaring iyon ay sinabi ni Ronald na, “Bat tayo
matatakot eh bahay ito ng panginoon dapat sila ang matakot.” Pero hindi
naniwala si Marjun at nagyayang kumain ng balot para maka-alis sila sa
kanilang inu-upuan para mawala ang kaba. Sinabi ni jepoy na paano kaya
nagkaroon ng pusa doon na semento ang ding-ding at walang ibang
daanan papunta sa taas. Sila ay tumungo na sa tindahan ng balotan at
kumain. Nang sila ay pauwi na galing sa pagkain ng balot ay nagkasundo
silang tabi silang tatlo na matulog para walang takot na mararamdaman.
Sila ay sabaysabay na natulog sa kwarto ni jepoy na magkakasama. Buhat
noon ay nagkasundo na silang sa labas na mag-iinuman at umiwas sa
pagkukuwento tungkol sa mga katatakutan.