Did you ever Like someone?...
Someone..
YOU REALLY DON'T KNOW!


Someone you met...BEFORE...by chances.


Destiny?

Sabi nila makikilala mo daw ang soulmate mo by not knowing na sila yun.
and sometimes.. naniwala ako sa kasabihang yun.

Minsan ko siyang nakilala..


The second time na nameet ko siya.. NAGUSTUHAN KO SIYA.

Grade 6 ako noon nung makabangga ko siya, who have thought that we'll becoming a
school mates.
Palagi ko siyang tinitingnan sa malayo, not realizing na mas nagugustuhan ko
siya..


MAPAPANSIN PA KAYA NIYA AKO?




o




HANGGANG TINGIN NA LANG TALAGA AKO?

1.1

tik.tak.tak.tik.t-


Yun yung una kong narinig nung unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Tunog ng
orasan. Bumangon ako at isinuot yung eyeglasses ko. Letche oh, mahina na ang
paningin ko dahil sa pakikipagchat ko kina Mama at Papa na nasa ibang bansa.
Sandali, anu na bang oras?

"7-WAAAAAHHhh!!!" nagbihis agad ako at nagsipilyo! 7:45 na, konting minuto na
lang at malelate na ako.

Pumunta akong balcony para kunin yung mga sinampay. Sa pagmamadali, biglang
nalaglag yun- sa kabilang bahay.

Napatingin ako dun sa lalaking nandun at dahan dahan pa kamong inalis yung anu s
may ulo niya-

"AAAAAAhhh!! BASTOS! Bigay mo yan sakin!" hiyaw ko. Magkatabi lang kasi ang
balcony naming dalwa dito sa 3rd floor. Halos magkatabi.
Hinampas ko siya ng malakas gamit ang patpat sa may ulonan. Napahawak naman siya
sa ulo niya at inayos ang salamin niya.

"Kasalanan ko bang mahawakan yang bra m-" hinampas ko uli siya. And this time
napaupo na siya. Loko talaga yung Kevin na yun. >:(

Dali-dali akong lumabas ng apartment. Bumaba ng hagdanan at naglakad patungong
school. Napaisip naman ako, magkaklase kami ni Kevin pero bakit di pa siya
umaalis? Late na diba!? Hay.. bahala na.

Pagdating ng gate, nag-ayos ako ng konti. Sa may buhok, nagpabango, tumingin sa
salamin, at inayos ang eyeglasses ko. Hanggang sa..

"DEFENSE!!! Anu ba habulin niyo ang bola! Depensaaaa!.." ang sipag niya talagang
magpraktis. Napangiti ako. Kumpleto na araw ko.

Malimit dun ako dumaan at hindi talaga sa main gate. Kaya wala akong ginreet na
guard. Dumiretso na akong room. Bubuksan ko na ang pinto, nang..

"Goodmorning, Mau!!!" Mau Antonette Padua ang buo kong pangalan. At ang cute na
sexy'ng babaeng nasa harap ko. Ang 3 years friendship ko, si Pauline Brei
Detorres. Pau for short. Bagay kami diba.

"May ass. ka na ba?" nakaupo na kami. Magkatabi pa kami. Tanong niya yun habang
kinukuha niya chem ntbk niya. Napahiga ako sa arm chair ko.

"Wala. Alam mo namang hirap na hirap akong mag-aral sa chem diba. :("
nakasibangot kong sabi. Lumitaw naman ang mga ngiti sa labi ni Pau.

"Heto. :)" abot tenga ko namang inabot yun. Dumating naman si Kevin. Hindi siya
tumingin sakin. Bumalik na muli ako sa ntbk ni Pau nang madatnan ko siyang
nakatitig sakin habang nakahalumbaba.

"Bakit?"

"May napupusuan ka na ba bhestie?" ang tamis ng mga ngiti niya.

Bigla akong namula. Pumasok sa isip ko yung tunog ng bola. Si Andre Dave.
Biglang nag-init yung mukha ko. At nagsimula na akong magsagot.

"Wala pa noh." eksaktong tumunog naman yung bell. Napabuntong hininga ako.
Thanks lord. Sorry Pau, pero di pa ako handang aminin ang totoo, lalo na ang
nararamdaman ko kay AD sa ibang tao..

Nung magrecess, habang naglalakad kami sa corridor ng 4th year, napasok na naman
yung topic ni Pau. Na sino ba daw ang napupusuan ko. Kinabahan akong bigla.
Tumingin ako sa paligid, baka nandyan lang siya. Nakuu.. Kinakabahan ako..
Kailangan ko ng sapat na tapang. Lumapit si Pau sakin at pinoke ang pisngi ko.

"Sino na kasi!?" nangilabot ako sa ginawa niya kaya nag-init ang mga pisngi ko.

"Uyy.. namumula ka na oh." tinakpan ko bibig niya.

"Wag kang maingay, baka may makarinig sa pinag-uusapan nating yan." pagkaalis ko
ng kamay ko, nakasimangot siya. At naglakad palayo sakin. Papunta nga pala
kaming rooftop.. Dapat.

Napabuntong-hininga ako. Aalis na sana ako para iwan siya.. pero di ko rin
natiis eh. Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Ngayon, sasabihin mo na ba?" ang totoo, kahit magbestfriend na kami niyang si
Pau sa loob ng tatlong taon. Ang masasabi ko lang, hindi talaga namin kilala ang
isa't-isa. Hindi kami open-minded sa isa't-isa. Dito lang kami sa school
magbestfriends e..

"Kasi.." ganun pa man. Sobrang bait ni Pau sakin. Ako nga lang ang kaibigan niya
dito at ang kanyang pinakikisamahan. Ewan ko ba. Parang ang laki ng pinagkaiba
namin in other ways.

"Sino?" nangilabot na naman ako sa biglaang paglapit niya sa mukha ko.

Basta na lang ako tumuro sa may unahang kaliwa namin. Tumigil naman siya at ako
naman ay napamulat ng mata.

"Zeji?"

"Huh?" binaba ko na yung kamay ko. Nakatingin parin ako kay Pau.

"Sino siya?" alam kong fake ang mga ngiting pinakita ni Pau nung mga sandaling
yun.

Tumingin ako sa tinuro ko. Ang flirt ng lalaking to! Playboy siguro to.. bakit
ba siya ang naituro ko. Bakit may tao pa kasi sa pinagturuan ko. >:( Senior
naman siya, kaya di rin naman niya ako mapapansin.. ngumiti ako.

"Kaya nga ayaw kong sabihin sayo eh. Kasi di ko kilala ang crush ko." ramdam
kong tumingin sakin si Pau. Nakatingin parin ako sa flirt na lalakin yun..

Lalayo na sana ako ng tingin nang bigla siyang tumingin at..




Kindatan ako!.. Waaaah.. :o


2.1


Nanlaki yung mata ko at hinila ko agad palayo si Pau.

"Nakita mo yun, yung ginawa nun. Nakakakilabot," inayos ko salamin ko. "Ayoko na
sa lalaking yun!" sabi ko at halatang ayoko talaga. >:(

Huminto sa harap ko si Pau. Ganun pa din ang reaction niya, ang lungkot. May
problema ba siya. O medyo napalakas yung pagkakahila ko kanina.

"Sorry, nasaktan ba kita?" huminde naman siya.

"Si Zeji, mabait naman siya." napaewan look ako. Hindi ko kasi maintindihan ang
sinasabi niya. ???

"Sino ba yun?" ang lungkot ng mga mata niya. She try to smile pero nangingibabaw
parin yung lungkot sa mata niya.
Hanggang sa magklase, naging malungkot parin si Pau. Sino ba yung Zeji'ng yun?
Bakit sobrang affected si Pau?

Naglalakad ako pabalik sa room galing faculty. Vacant namin, hindi ko naman
makakasama si Pau dahil busy siya at iniiwasan parin niya ako. Si Kevin naman ay
nasa room at may inaasikaso. At nandito ako mag-isa, umiinom ng juice. May
nakita akong basketball player na pumunta sa gym. Kaya naisip ko na baka maaari
akong manood. Sumilip muna ako kung may nanonood ba, confirmed meron.

Pumunta ako dun sa pinto ng gym, sumilip ako pero wala naman siya dun. Captain
ball pa man din siya. Nasaan kaya yun.

Naglibot-libot uli ako.. Habang naglalakad. Di ko sinasadyang makaencounter ng
dalwang taong nag-uusap. Aalis na sana ako nang masabit yung uniform ko. Yung
palda pa kamo.

"Anu ba..aalis na ako." sabi ko habang pilit inaalis yung palda ko.

"Zeji, gusto kita!" nacurious na lang ako nung marinig ko yun. Titingnan ko sana
kung sino pero hindi ako makaalis. Pinilit ko paring alisin yun.

"Br-*BLAG*" biglang pumatak yung mga bola. Arouch!!! Sa ulo ko pa, ang daming
bolang nalaglag.

"Anu yun?"

"Saka na lang tayo mag-usap. Sige." naalis rin yung sabit pero ang sakit ng ulo
ko ah.

"Waah! Ang palda ko."

"Hoy! Ikaw ba yan Angelo! Sabi ko naman sayo diba na wag kang mangingialam dyan
ng hindi humihingi ng tulong. Lampa ka talagang tabatsoy!" naramdaman ko yung
pag-akyat ng isang tao papalapit sakin. Kailangan ko ng umalis! Anu ba..

"Taba-" napalingon ako. Nagkatinginan kami. Napatingin din kami sa paligid. Ang
dumi. Ang gulo. :o

"HOY IKAW! Anung ginawa mo!? Lagot kami kay captain!" agad siyang lumapit.

"WaaaaHhh!!! WAG KANG LALAPIT!!!" napatigil din naman siya.

"Bakit? Kailangan linisin natin to! Bakit ka ba pumasok dito!" lalapit sana
siyang muli nang humiyaw muli ako.

"Anu bang problema!?"

"Zeji! Magsisimula na ang praktis! Tara na!" walang pagdadalwang isip siyang
lumapit. Sisigaw sana ako pero tinakluban niya agad ang bibig ko gamit ang kamay
niya. At lumapit na sobrang lapit sakin. Napabitiw naman ako sa palda ko at
napahawak sa uniform ng lalaking yun. Itutulak ko sana siya kaso- :o

"Ze-" nung makita ko ang lalaking papalapit.

"Pa-pasenxa! Isipin niyo na lang na wala akong nakita." agad siyang lumabas at
binagsak ang pinto na malakas.

Bumitaw naman ako sa lalakin yun. Lumayo din siya sakin.

"Sige na, tumayo ka na. Kailangan pa nating linisin to bago ako mamura ni Drei!"
nagsimula na siyang mag-linis. Ako naman.. Naramdaman ko naman ang pagpatak ng
luha ko at..
"Waaaaaah. Hu.hu.hu.huhuhu!" tumingin siya sakin ng parang nagulat na
naguguluhan.

"Napag*sob*kamalan.. waaah.. Tayo! Na-na*sob*naaaaaa.. Naghahalikannnnnnnnn!!!"
nasa mata ang mga kamay ko habang pinipigilan lumuha ang mata ko. Ang hirap ng
may salamin.

"Kasalanan ko bang bumagsak yung mga gamit namin. Kung hindi dahil sayo hindi ko
rin naman kailangan na gawin yun diba?"

"huhu..waaaaaaahH!" lumapit siya sakin. At pinilit akong patahanin.

"Tumahan ka na. Hindi naman tayo nakita ni Drei na nag-aanu nga. Di ka naman
niya nakita e." tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sakin. Nasa mata naman
niya na hindi siya nagsisinungalin.

Aalis na sana ako nang..

"WaaaaHHhh!" tumalikod naman agad siya.

"Hindi ko talaga sinasadya yun! Wala akong nakita!" :-[ naiyak na naman ako.

"Gusto mo bang iwanan na lang kita?" hindi ako sumagot. Umiiyak parin ako. Pero
ramdam ko naman ang pagyapak paalis nung lalaking yun.

Pinilit kong gawan ng paraan yung palda ko. Pati yung salamin ko masisira sa
kakapunas ko ng luha sa mata ko.

Mamaya pa't-

"Heto isoot mo!" :-[ hindi siya nakatingin sakin pero nakalahad naman yung mga
jersey niya sa palad niya.

"Para saan yan?" :'(

"Hindi ka naman maaaring umalis ng ganyan. Nasira ng sobra ang palda mo."

"pero-baka-"nagdadalwang isip kong sagot.

"Anu naman kung makita nila yan. May pakelam ka pa ba, basta makaligtas ka lang
ok na. Sige na, isuot mo na yan!" lumabas na siya at sinarado ang pinto.

Tiningnan ko yung jersey. Pinawi ko yung mga luha ko. Natukso naman akong amuyin
yung jersey niya. Ang bango. Ang bango gaya nung naamoy ko gaya niya kanina yung
nung sobrang lapit namin sa isa't-isa. Mabango din ang kamay ng lalaking yun.

At after 15 mins,

"s-Salamat!" nakatungo kong sabi. :-[

"Sige na alis ka na. Ako narin ang bahalang kumausap sa office at advicer niyo."
aalis na sana siya.

"Pero paano ka! Ang jersey mo?" he smirks at me..

"Ok lang." ;) then he winks again. For the 2nd time.


3.1


knock.knock.knock.knock-

"Bakit di sarado ang pinto?" si Kevin pala yung kumakatok. Naku nakalimutan ko
palang ilock yun. Makakalimutin talaga ako.

"Ah..anu, baka kasi dumating ka at dumating ka nga!" ;D nakangiti kong sabi.
Pinat naman niya yung ulo ko at ginulo ang buhok ko. Inayos ko salamin ko.
Nakita kong may nilapag siyang something, tumingin ako sa kanya.

"Masarap yan." kumuha naman ako ng pinggan.

"Nasira ang palda mo?" bumalik ako sa upuan ko at nakita ko siyang tinatahi na
yung palda ko. Kaya kumain na lamang ako.

"Bakit nasira to?" bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa katawan ko. Sa tuwing
naaalala ko yung nangyaring yun kanina.. nakakahiya talaga!Bigla akong naubo.

"Ok ka lang?" tapos na pala siyang magtahi. Ang galing talaga ni Kevin. Palagi
niya akong tinutulungan. :)

Nakatulog na ako pagkatapos naming manood ng tv ni Kevin. Nang magising na lang
ako sa kwarto ko na nakakumot na ako. Si Kevin ang nagdala dun sakin. 6:00 na
rin. Kaya naghanda na ako para sa pagpasok. Binuksan ko yung cabinet ko at
kinuha yung jersey nung lalaking yun. Mabuti na lang at hindi to nakita ni
Kevin, at buti narin at hindi ako naabutan ni Kevin na hindi umattend ng huling
subject kahapon., kundi.. siguradong kung anu-anong isisipin niya, magsusumbong
pa yun sa mga magulang ko.


"Mau!" nilapitan ako ni Pau. Alalang alala siya sakin.

"Wala ka kahapon. Bakit?" napaisip ako. Nagpaalam ako sa principal na umuwi na
lamang muna dahil sa emergency'ng nangyari. Alam ko, nagsinungalin ako. Pero
wala na akong choice. Ayokong makita ng kung sino na suot ko jersey nung
lalaking yun.

Inayos ko salamin ko.

"Nagkaemergency kasi. Wag kang mag-alala, Ok na ako!"

Nagsimula na yung klase kaya nung magkatime naman ako para mag-isa. Pumunta
akong mag-isa dun sa ibaba nung pinaglalagyan nung bola. Ang locker ng
basketball team. Tumigil ako sa locker ni Andrei. Ang sarap titigan ng mga pag-
aari niya. At nilagay ko naman yung paper bag sa harap nung locker ng lalaking
kahapon uli.


"Go.Go.Go! D-R-E-A-D go.go.go Dread TEAM!!!" nasa gym kami. Required kaming
manood ng game ng basketball since malapit na ang tournament nila laban sa ibang
school. Buwan-buwan kasi yun. At gantong event yung pinakagusto ko. Tapik.Tapik.
Gumising ka nga sa katotohanan Mau! Ahehehe..
Nasan ba si Andrei?

"Drei!" yun! :) Ah??? ???

"Iba yung perfume mo ah? Bumili ka ng bago?" magbestfriend sila ng flirt na yun,
I mean nung lalaking yun?

"Hehe. Hiningi ko lang to."

"Pau, pwesto na tayo!" sabay ayos ko ng salamin ko. Umupo kami kung saan malapit
kami at mapapanood talga yung laro.

"Naalala mo ba? Nung first year pa lang tayo."

"Alin, yung pagiging hate ko sa sport na to?"
"Ahaha. Pero nagustuhan mo narin siya diba?" sino bang taong maghehate sa bagay
na sobrang lapit sa taong gusto mo,

"Ikaw? Bakit sobrang gusto mo ng sports na'to?" kay Andrei lang ako nakasteady.

"Basta gusto ko ang sports na'to!" ako din. Gusto ko to! :)

*PrrRRrrrTtt!*

Natapos yung game.

"Tara na Mau!" lumingon ako sa likod ko. Umiinom siya ng tubig. Ang cute niya
talga. Wag kang magpakapagod huh. Ihm. :)

*blag*

"Naku?" agad akong umupo para kunin yung salamin ko. May umupo din para iabot
yun. Nung isuot ko salamin ko at tumingin sa taong yun.

;)

Nanlaki mata ko at nag-init ang buo kong mukha. :-[

"Pa-pasenxa na!" tumungo ako at napatayo.

Inayos ko naman salamin ko habang nakatungo. Dumating naman si titser.

Inayos ko gamit ko, kinapkap ko bulsa ko. :o, kinapkap kong muli, paulit-ulit.

Nung magdismissal, agad akong pumunta sa locker. Hinanap ko yung nawawala kong
gamit. Pero kahit ulit-ulitin ko, hindi ko na ata makikita. Nakuu.. Sana naman
walang nakadampot o nakakita man lang ng picture ni Andrei.. Kundi! Hutay ako!

"Huy!" nataranta akong bigla. Inayos ko salamin ko sa sobrang gulat kahit di
halata.

"Wag ka kasing mailang!"

"Hey! Bye Zeji! See you around tomorrow!" 4 na babae, nde sila nakadouble
uniform. Yung white lang suot nila kaya fit at kitang kita talaga ang
pagkakahubog ng katawan. Tapos tong flirt na to ngiting ngiti naman. Tuwang
tuwa. ::) >:(

Aalis na sana ako,"Onga pala may ibabalik ako sayo kaya ako naparito.-"

"Zeji!" napatingin siya sa mga dumating na grupo ng kalalakihan niya. Napatingin
narin ako, at nung makita ko yung lalaking nakangiti habang may hawak na
envelop, nakaramdam na lang ako ng kuryente sa katawan ko. Nag-iinit na naman
ang paligid ko. Gusto ko ng umalis pero nagpifreeze ako sa kaba. Ayoko mang
tumingin kasi baka mapatingin siya, pero hindi ko mapigilan.

"Mag-iinom kami, sama ka?" ayokong tumingin. Wag kang titingin. Wag Mau!

"Huh. Oo naman." tumingin ako sa lalaking yun, at least sa way na yun, parang
natingnan ko na rin si Andrei. Pero ang hirap parin..

"Hintay niyo na lang ako sa gate. Pangako bibilisan ko dito." feel ko nakatingin
siya. Pero parang hindi rin. 3 taon ko na siyang napapansin, tinitingnan at
nagugustuhan. Pero di gaya ko, kahit na kelan, hinding-hindi ako mapapansin ni
Andrei, ng taong gusto ko, ng Sobra. :(

"Baka matunaw ako sa titig mo." ;) ;D ngumiti na naman siya ng pangflirt.
Napabuntong-hininga ako. Kung friend siya ni Andrei, bakit di kami mapaglapit ng
tadhana.
"Bakit na naman?" kung mapapalapit ako sa isa sa mga lalaki sa mundo maliban sa
ama ko at kay Kevin, pwede bang si Andrei na lang yun.

"Hindi kita kilala. Kaya wag ka ng lalapit pa, please." si Andrei lang ang gusto
ko, ang hinihiling kong mapansin ako.


4.1


"Ate Mau bakit di pa nagkakagf si Kuya Kevin? 16 na siya at 3rd year narin?!
Sasayangin lang niya ang highschool school life niya ng single? Baliw talaga ang
kuya ko." umirap pa si Kerlin. Siya ang kababatang kapatid ni Kevin. 1st year
highschool na siya. Medyo malayo ang room niya sa room namin kaya di kami
masyadong nagbabonding sa school.

Inayos ko ang salamin ko't sumubo na lang.

"Kung kayo na lang kaya?" napatingin lang ako sa kanya.

"Simula pagkabata naman tayo-tayo na ang magkakasama. Nahiwalay lang ako dahil
highschool na kayo nung oras na yun. Atsaka crush mo naman si Kuya nun diba?"

"Si Kevin lang naman po kasi ang kaclose kong lalaki. Pero pasalamat narin kay
god, dahil binigyan na nga niya ako ng nag-iisang lalaking kaclose ko ay gwapo
pa, matalino at masipag. Gentleman at sobrang bait!" kung di siguro nailang
sakin si Kevin nung grade 6 kami. Wala siguro akong kakilalang Andrei sa buhay
ko. Wala naman kasi akong interesado sa lalaki. Pero nakakapagtaka at nagustuhan
ko ng sobra si Andrei nang hindi ko man lang siya nakikilala.

"Ang tanga-tanga naman kasi ni Kuya. Eh cute ka din naman."

"Naku.Naku. Hindi ako cute. Bukod sa may eyeglasses na ako, may bangs pa ako na
medyo di na maaliwalas tingnan mukha ko. Look at me, ni di na nga ako makita sa
sobrang liit ng mukha ko dahil sa bangs na'to. Tapos ang gulo pa ng buhok ko,
tinatamad akong magsuklay." nakahalumbaba lang siyang nakatingin sakin.

"Cute ka talaga Mau. Yan nga assets mo eh. Yang bangs mo. Yang ugali mo. Ang
dami mo kasing personality." namula ako. Kaya kumain na lang ako. Kaso
nakakadistract talaga tong si Kerlin.

"Luto yan ni Kuya Kevin." saka pa ako naubo nung naubos ko yung pagkain.

"Palagi ka pang dinadalaw ni Kuya sa apartment niyo para lang ipagdala ka ng
pagkain o kaya para mag-imis. Tapos si Kuya rin yung nagpapaalala ng mga bagay
na importante na nakakalimutan mo naman. Ang galing noh!" niligpit ko na yung
pinagkainin namin para maghugas. Wala dito si Kevin dahil nasa bahay siya ng isa
sa mga kaklase namin, gagawa sila ng tarpuline para sa cheers namin sa
basketball team. Kaya lagi siyang busy.

"Kung magustuhan ka ni Kuya. Magpapaligaw ka ba?" hindi parin ako tinantanan ni
Kerlin. Ramdam ko talaga ang pag-iinit ng katawan ko sa hiya.

"Anu ba yang sinasabi mo. Haha.. Tingnan mo nga, ako at si Kevin," inayos ko ang
salamin ko. "Mukha kaming Nerd Couple. Haha. Kung magsasama kami, para kaming
weird na parehong malabo ang mata." natawa ako. Ako lang ang natatawa.
Napatingin ako sa kanya ng parang 'Anu'

"Hindi naman talaga malabo mata ni Kuya. Ginagamit niya narin yun pangsuporta.
Kung minsan talaga kailangan niya ng salamin. At ikaw, Ikaw ang talagang malabo
ang mata! Di ka nga pwede sa madilim e." nagpout ako. Tapos nilagyan ko siya ng
bula sa ilong hanggang sa nagkakulitan kami at hanggang sa.. Nakatulog na kami
parehas at sa apartment pa nila Kevin ako nakatulog.
At kinabukasan, nadatnan ko na lang sarili ko na nasa kama ako ni Kerlin.
Magkatabi kami kaso tulog pa siya. Lumabas ako ng kwarto, nakita ko ang lababong
malinis na. Hindi ko kasi yun naayusang hugasan, siguro si Kevin din ang nag-
ayos nito.

Nag-iwan na lang ako ng note sa ref nila at bumalik na ako sa apartment ko. Buti
na lang at sabado ngayon.

"Hi Kevin!" sabi ko nung pagkabukas ko ng pinto ko at eksakto palabas naman siya
ng pinto ng apartment nila.

"Saan ka punta?"

"Sa supermarket. Bibili ako ng makakain natin para mamaya."

"Samahan na kita!" hindi na siya nagtaka dun. Palagi ko naman to ginagawa eh.
Atsaka may dahilan naman talga ako kung bakit ako sumasama sa kanya.


"Salamat nga pala kahapon. Kahit binilin mo na si Kerlin sakin ay ikaw parin ang
gumawa ng paghuhugas. Sori at salamat!"

"Sanay na naman ako. Sige dun muna ako!" nung umalis na siya agad naman akong
pumunta sa pet shop.


"Uy Drei, bakit ba ayaw mo pang iuwi yang si Mori!?" si Andrei. Palagi niyang
binibisita si Mori. :) Ang gwapo niya talaga. Mabuti na lang at malapit lang
tong market sa shop.

"Alam mo namang may nagmamay-ari kay Mori diba?"

"Ah- si Mau. Kilala mo ba siya?" nakaramdam ako ng kaba. Ang lakas at ang bilis
ng heartbeat ko. Tiningnan ko siya. Yakap lang niya si Mori, hindi siya
nagsasalita, hindi niya sinagot. Hanggang sa naisip ko na lang na umalis.

"Nakabili ka ba?"

"Ihm. Heto!" :)


Hindi naman ako umaasa ng mararamdaman niya rin tong nararamdaman ko. Ang gusto
ko lang, kahit papaano tumingin siya, mapansin niya ako at atleast masingit ako
sa puso niya. Kailan ba yun? :( Hanggang ganito na lang ba ako?


5.1

Napatingin ako dun sa mga estudyanteng nag-umpukan sa may bulletin board. Hindi
naman ako makatingin dahil ang daming seniors. Ang tatangkad nila.

Nagbell naman, unti-unting nag-alisan sila. Kaya pati ako wala ng chance para
matingnan kung anu man yung pinagkakaabalahan nila.

"Uhm, punta lang akong guidance huh." sabi ko kay Pau pagkatapos ng dalwang
subject namin.

Nireport ko yung nawawala kong school booklet. At agad naman yung pinayagan ni
teacher. Aalis na sana ako nang mapadaan muli ako dun sa bulletin board. Lumapit
ako.. Naramdaman ko bigla ang heartbeat ko dun sa lalaking nakita ko sa poster.
"Ang gwapo ni Andrei dyan noh?"
"Oo. Bagay talaga sa kanya ang maggitara."

Kasali si Andrei sa Club na'to. Music? Nawala ako sa pagkakatitig sa poster nang
mas dumami pa yung mga babaeng tumitingin. Umalis na lang ako.

Naglakad ako pabalik sa room. Habang iniisip ko na naman yung nangyari kahapon..
kung sinagot ba ni Drei yung tanong nung may-ari, bigla akong nakasagi ng tao at
tumilapon yung mga papel. Agad akong tumulong.

"Ah pasensya na." nung ibibigay ko na yung papel, biglang bumilis tibok ng puso
ko sa isang lalaking kaharap ko.

"An-" inayos ko ang salamin ko. Imposible. "Pasensya ka na." tumayo kami
parehas. At nilagpasan na niya ako. Hindi ako affected. Sinunod lang niya payo
ko. Hindi na lumalapit yung Zeji'ng yun.

"Euclid, the father of modern Geometry--" naglelecture si Sir. Ako naman,
masyadong wala sa sarili. Bakit ba ang haba ng oras kapag nabobored ka? Tanong
ko yan ng paulit ulit habang naghihintay ng bell. Nakakita ako ng drawing sa
table ko. Ang itsura ng.. Math teacher ko ngayon? ;D

"Ms. Padua, what is Phytagorean Theorem?" napatayo agad ako at sinagot si Sir.

Pagkatapos kong sumagot, agad naman akong nagdrawing dun sa table. Dinorowing ko
rin si Sir ng may sungay. At buti na lang nagtime na.

Whew! Nakaalis narin kami sa classroom ng titser na yun.

Gabi na kaming nakauwi dahil sa mga dumagdag na subject na nung mga araw ay
vacant kami. 6:00 na. Ihahatid sana ako ni Pau kaso sabi ko sabay na kami ni
Kevin, e emergency namang may kailangang puntahan si Kerlin at syempre ok na
lang sakin, kaya ko naman.. :)

Kahit hindi.. :(

arf.arf.arf.arf!!!

"Ah!" pagganitong gabi na. Medyo di ko na nga makita ng maayos ang daan tapos
may mga aso pa. Maawa naman sila sakin oh. Nanginginig pa ang paa ko. Ilang
beses ng nagvibrate ang phone ko pero di ko masagot sa sobrang panginginig ko at
takot.

"Huy ineng."

"Waah! Maawa po kayo sakin! Mabait po akong bata! Ayokong mamatay sa takot, awa
naaa.." sabi ko habang nakapanghandang manununtok na position.

"Naku pasensya ka na ineng, akala ko kasi naliligaw ka. Sige huh. Mga kabataan
nga naman ngayon.." nagfreeze ako. Nakakahiya ka Mau.

grrrr..

arf.arf.arf.arf!!!

Agad akong tumakbo ng may narinig akong tahol ng aso, takbo ako ng takbo.
Feeling ko may sumusunod parin saking aso kahit wala na, hanggang..

*Blag*

Nagpatak yung salamin ko nung mapaupo ako dahil sa sobrang lakas na pagkakabump
ko sa taong yun. Tas napahikbi pa ako, umiiyak na pala ako. Napatungo lang ako
kaya di masyadong halatang umiiyak ako.
"Ok ka lang ba miss?"
"Kaparehas natin siya ng uniform. Schoolmate natin siya! Miss?"
"Ang lakas kaya ng pagkakabundol niya sayo. Masakit pwit nan." tumawa pa sila ng
konti.

"Mau?"


"MAU!!!" napatingin ako sa familiar na boses. Agad na lumapit yung tao.. May
nilagay siya sa mukha ko, yung salamin ko pala.

"Text ako ng text, tawag ako ng tawag, anu bang nangyari! Ok ka lang ba?"
nakahawak si Kevin sa both shoulders ko.

"UwaaaAHh! May*sob*Aso!!! Hina*sob*Habol Akooo.." nasa mata ko ang mga kamay ko,
iyak ako ng iyak. Kinuha naman ni Kevin yung bag ko at itinayo ako. :'( :'(

"Sige na, tahan na. Sori. Tara na." i noded. At umalis na kami. Feel ko.. That
time.. may narinig ako.. 'Mau' ang boses ni Andrei. :(


6.1

Hanggang ngayon.. di parin naalis sa isip ko ang familiar na boses na yun. :)

"Mau." ang sarap pakinggan ng sarili mong pangalan kung sasabihin 'to ng special
someone para sayo.

"Bakit mo tinatawag ang pangalan mo?" nagulat ako kay Kerlin. Nasaan ba to
kanina?

"Wala lang. :) Naiimagine ko kasi kung tatawagin ba ako nung taong yun sa
pangalang yun, mas magiging special siguro pangalan ko."

"May kinagugustuhan ka na bang lalaki?" nilamig akong bigla. Nasa balcony kami
pero pinagpapawisan ako ng malamig. Nag-init yung pisngi ko kaya nagkunwari
akong nag-aayos ng salamin.

"Ipakilala mo siya sakin huh-"
"Hoy Kayong Dalwa Kakain na!"
"Nandyan na!~" ipapakilala? Hindi ko nga siya kilala eh. :(


"Sige na! Mau.. sumali ka na rin! Mau~" pamimilit sakin ni Pau. Kanina pa siya
simula nung matapos ang 2 subject namin ngayong umaga. Tama, panibagong araw na
ngayon. At gusto niya rin akong sumali sa Glee Club na exclusives for Music. At
sasali siya.. kasali siya sa choir kaya ayan ata at gusto ring sumali dito..
Pero kung kayo ba ako, sasali kayo lalo na't nandun yung taong pinakagusto mo?
Diba nakakailang yun? :-[

"Tulungan na lang kitang magbigay ng form. O di naman kaya ako na lang
magbibigay, ganun din naman mangyayari e kahit sumali ako."

" :P hehe.. Alam mo namang takot ako sa mga lalaki diba?" sabi niya with
matching nahihiyang action pero ang cute niyang tingnan. Hindi oa.

"Ok! Basta wag mo lang akong pipilitin. :)" ngumiti naman   siya. Kahit di sabihin
ni Pau, alam kong ayaw niya akong sumali, ewan pero di ko   maintindihan ang
nakikita ko sa mata niya. At kahit ayaw niya, ayaw ko rin   naman. May kasabihan
nga, 'Ang tunay na nag-aanyaya, sinasamahan ng hila' tama   ba ako? ;D ;D ;D

Pumunta na ako dun sa may Table nung Club na yun. Nandun nga ang 5 member ng
Dred Team, wala dun si Andrei, alam kong may klase sila, 4th year kasi siya.
Pero, nakita ko na nandun yung flirt na ewan, nagskip siya ng class?
Pipila pa pala. Pero parating palang ako, nagtawanan na sila. Nung una di ko
pinansin, siguro nagkataon lang na kahit eksaktong dating ko sila talaga natawa
pero nakatingin sila sakin. Magpapakatanga ako.. pero.. di na talaga kaya ng
timpi ko.

"Hahaha..malabo kasi mata eh, hehe, bwahahaha!" yung iba nagpipigil lang pero
yung isa, halatang nag-eenjoy sa pagtawa, hindi sana siya mapagod.

"T-tama na nga," bumunot na ako.

"Heto nga." nagpakainosente muna ako. Ayokong magalit.

"Kunin yun!"
"Ayoko nga."
"Ikaw nga."
"Umiyak pa yan eh."

Nag-hihintay parin ako na kukunin nila yung form. Kahit di ako tumingin kay
Zeji, nasisinagan ko parin siya. Halatang ungentleman, nagpapakawalang pake
siya, bakit di na lang siya tumawa! >:(

"Heto oh," sabi kong muli. Pero nagpipigil parin sila   sa pagtawa. Hindi ko man
magets ang dahilan ng pagtawa nila pero isa lang alam   ko, Ako yun! May isang
nagpumilit tumayo kahit nagpipigil sa pagtawa. Kinuha   niya ang form ni Pau nang
basta-basta, ang bastos. Saka ko napansing, pati yung   iba nakakapansin.
Napapahiya na ako dito.

Matagal narin, bago ko to maramdaman.. >:D

"Sandali nga lang, may dumi ba sa mukha ko?" :) naagaw ko ang atensyon ng lahat
kahit mahina lang boses ko. Humarap ako sa limang lalaking yun, and I smirk at
them.

*laughter*

"Ahahaha! Hindi Miss, salamin meron ka! Anu ka ba!" tumawa siya ng tumawa. Yung
iba niyang kasama nanahimik na.

"Paano kaya natin makikita mukha niya e halos matakluban na yun ng bangs niya at
mahaba niyang buhok. Sadakong may salamin, ahahaha!" napangiti yung tatlo.
Bulong yun.

"First time kong makatanggap ng username, you know." tumingin siya sakin. Parang
nakaramdam narin siya. :)

"Pwede ba, wag kang epal. Umalis ka na nga!" >:( argh. epal pa talaga hah!
nakakaasar! nakuuu.. *killer smile*

"Miss.Miss, pwede ba kami naman?"

"hmf!!!" umalis na ako. at nagwalk-out. pero hindi parin ako satisfied kaya
lumingon parin ako.

"Akala ninyo naman kung sino kayo!!! ang papangit ninyo naman!" sinamaan ko sila
ng tingin at agad na tumakbo. pero pagtingin ko sa dinadaanan ko, *BOOM*

Nabangga ako sa malaki at matabang poste. at mukha ko pa talaga ang unang
bumangga. he next thing I know, noo ko pala ang tumama. as in ang sakit.
at...nakakaramdam na ako ng konting dizzy. at parang kahit anong oras na lamang
ay mahihimatay na ako.

"Uy, tanga! anong ginagawa mo." pagkatingin ko sa ilong ko. may naramdaman akong
likidong umaagos sa ilong ko. pula? :o :o :o OH-OH!!!!
*stun*




Hindi ko na alam ang nangyari basta natagpuan ko na lamang yung sarili ko
pagkatapos ng 3 oras sa clinic. unang una ko palang nakikita ay ang orasan na
nasa mataas na parte ng pader. argh! ang sakit ng ulo ko. napahawak naman ako.
OUCH! ang noo ko. pagtingin ko sa salamin.

O_O ?

Oh my~ naaksidente nga pala ako. Toink! ang careless ko talaga, nung isang araw
pa ako ah? (-.-)

Nakalimutan ko rin, na may phobia nga pala ako sa dugo kaya ganon na lamang yung
naging reaction ko. sigurado pinagtatawanan na ako ng mga lalaking yun. hmpf!
nakakainis ... pero... kilala sila ni Andrei diba? paano kung---

"maaari ka ng umalis."
"pagkatapos ko siyang dalhin dito, ganyan ang sasabihin mo." may narinig akong
usapan na mukhang nag-aaway sa labas ng clinic. siguro bukas ang pinto kaya
malakas. may kurtina naman kasi bawat kama. ??? pero sino yun?? ahm.. si kevin
yung isa diba?

"May kasalanan ka din diba?"

"Pinagtitripan namin siya. pake mo?" agad kong binuksan ang kurtina at lumabas
ng clinic.

at tama ang hinala ko. siya nga!!! galit na galit ako!!! trip! ano ako laruan.

"Mau?" lumapit ako sa lalaking yun at...


*SLAP*

"ang kapal mo.."


7.1

"Tsss.. yun na yun. ang galing.. pagkatapos kitang dalhin dito--- ikaw na nga
ang tinulungan! pagkatapos mong mahimatay." pinagtaasan niya ako ng boses. at
mas lalo lang akong nagalit---

*PAKKKK*

nagulat na lang ako nang may biglang lumagutok. :O este, bigla na lang siyang
sinuntok ni Kevin at napaupo naman yung lalaking yun.

"Hindi mo kailangang gawin yun. KASI KAHIT ANONG ORAS, darating ako para kay
mau.!" tumayo naman yung lalaki at sinuntok din si Kevin. O_o

"Ganon." hanggang sa nagkasuntukan na sila.

"sandali. huy! ano... tumigil" suntok dito. suntok doon.

"Kevin. at ikaw... tumigil na sabi..." hindi parin sila tumitigil. nakakatakot..
baka..

"huy!" naisip kong biglang sumingit sa gitna nila. nakakagulat na nga lamang
at.. SUSUNTOK PALA YUNG ISA. o_O Patay ako!!!
Pumikit ako.

"argh! bakit ka ba harang ng harang!" sabi nung lalaki. wala akong naramdaman
sakit. pagmulat ko ng mata ko. halos nasa salamin ko na yung kamao niya.

"wah!" at bigla na lang siyang papalapit nang wala sa oras. parehas kaming
nagulat.

pero mas nakakagulat...



"wag na wag mo yang susubukan." at napaluhod siya sa sahig.

ako naman. kinabahan talaga. muntik na niya talaga akong mayakap. :[

tiningnan lang niya kami, at umalis.


tok.tok.tok.tok.

nagbukas naman kaagad ang pinto. At mabuti na lamang at si Kevin ang nagbukas.
Nakatungo ako at hindi makatingin sa kanya. Medyo nagtataka pa nga sya e.

"May kailangan ka ba Mau?" hindi parin ako makatingin at nililikot ko lang ang
mga daliri ko saking likod.

"Kev..." tinulak ko sya sa loob at napaupo naman sya. Ganon din ako, napaupo at
maiyak iyak na.

Wala akong kwentang kaibigan. Si Kevin na lagi na ngang nandyan ay palagi ko na
lang nabibigyan ng problema. Palagi na lang nya akong tinutulungan. Pero
ako...heto binigyan na naman ng problema. Ni di ko man lamang sya matulungan.

"Mau?.."
"I'm sorry."
"Huh."
"Dahil sakin kaya ka naguidance. I'm sorry. Sorry..." umayos sya ng upo. At saka
ko lang namalayan na umiiyak na pala ako..

"Sorry..." naramdaman ko ang paglapat ng mga balat namin. Niyayakap ako ni
Kevin. ???

"...shh~ alam mo naman na ayaw kong nakikita kang umiiyak ka diba?" naaamoy ko
sya. Ramdam na ramdam ko sya. Ang init ni Kevin. Ang bilis ng tibok ng puso nya.

...

:[ tibok ng puso? ... bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. At nag-init ang
aking mga pisngi.

Hindi parin bumibitaw si Kevin. Napaisip tuloy ako kung ano bang iniisip nya sa
mga oras na'to. Bakit ba nya to ginagawa? Kevin... waaaaah! Gusto ko ng
kumawala. Nag-iinit na talaga ako. :[

"Mau..." lumuwag ang pagkakayakap nya.

nang...




*BLAGGGG*
"*yawn* Kayong dalwa! Kung may binabalak kayo, siguraduhin nyong hindi na ako
tulog huh! Pinaghihintay nyo ako sa wala eh! Kung mambibitin lang kayo ng
eksena, DAPAT DI NYO NA YAN GINAGAWA!" agad kaming lumayo sa isa't isa
pagkarinig ng boses ni Kerlin.

"Aish~ tutulog na talaga ako." ang bilis ng tibok ng puso ko. :[

"Akala ko tulog na sya." bulong lang ata dapat yun ni Kevin pero dinig na dinig
ko parin. Mas lalo lang akong kinabahan. :[

"Sige...Alis na ako Kevin." ang init init ng pakiramdam ko.



"Sige ingat ka."




8.1

"Ms. Padua and Mr. Calizar, please proceed to the Disciplinarian Office."
kalagitnaan ng klase ng mapatawag ako. Inaasahan ko na yun. Naging masyado akong
careless nung araw na yun, kaya dapat managot ako. Ako naman talaga kasi ang
nagsimula nun. Sigh.

"Ms. Padua,"

I bowed, "Goodmorning Miss, sorry po.. Anu po bang-"

"It's ok Mau, everythings alright. Hindi to makakarating kina Mr. and Mrs.
Padua. Just sign it, :)" umupo naman agad ako. Habang pumipirma ako, nakita ko
ang lalaking yun na lumabas na. ???

"Ahm- pwede na po ba akong--"
"You may go. Salamat, :)" hinabol ko siya. Alam ko medyo nakakahiya to pero.

"Sandali!" nakatungo akong hinarangan siya. :[

"Ganyan ka ba humarap sa mga nagawan mo ng problema." inayos ko ang salamin ko
at tumingin sa kanya. Mata sa mata.

"Salamat at Sorry. Pero kung hindi ka naman din-" naglakad siya lagpas sakin.

"Ungentleman ako, alam ko! Yun na ako eh, sino ka ba para respetuhin ko."
nilagpasan niya ako pero rinig ko parin siya.

"Wala akong dahilan para mag-appologize kung bakit ko ginawa yun.. pero.."
naglakad naman din ako palayo. "Ayokong tinitingnan ng mga tao, na mahina ako,
lalo na ng mga lalaki."



Hmm.. nakakabagot din palang mag-aral. Nandito ako ngayon sa rooftop and
actually, vacant time namin. Kaso pagkatapos nito, may exam kami. Naiinis akong
maging top 10, bakit ba naging ganito ako? Sigh.

"Heto." inabutan ako ni Pau ng drinks pati ng lemon bread, favorite ko to. :)

"Ang tapang mo pala noh." naubo ako bigla. :o :[
"Ahaha, akala ko parang nerd ka lang din, pero para ka rin palang si Kevin.
Cool." napatitig ako sa mga mata ni Pau. Bakit siya nagsasalita nun, kilala na
ba niya ako? Ni hindi nga siya nagtatanong ng about sa mga likes and dislikes
ko. Hindi rin niya nilagay sa slum ntbk namin nung 1st year kung sino bestfriend
niya. Minsan naghihinala na ako sa kanya.

Pero, tinuring ko parin siyang kaibigan ko. Kahit hindi real ang friendship na
yun.

"Thanks nga pala sa pag-abot nung form. :)" kahit di niya ipakilala ang tunay na
siya. Sasamahan ko parin siya. Sigh. Pero problema ko, di rin ako makapag-open-
up eh.


"Congrats, Mr. Gil. You got the perfect score!" pumalakpak lahat. Ang galing ni
Kevin.
::))

"And then Ms. Padua, you got 29 over 30!" pumalakpak din sila. Kumaway si Pau at
nginitian ako. At eksakto namang nagtime.


Hila-hila ako ni Pau na pumunta sa Bulletin board. Ang daming mga estudyante at
halos babae ang nagtatakbuhan at sinakop ang buong bulletin board.

Group-group pala yun. Group 1 for Guitar, 2 for piano, 3 for violin, 4 for
drums, 5 for those who apply to sing. Para palang banda..

Makipagsiksikan man si Pau, babalik parin siya sa huli. Kumain na kami ng lunch
pero ganon parin ang dami. Nagpabalik-balik na kami eh. Bakit parang hindi
inaasikaso ng dred team na yun. At para.. may mapala naman ako sa pauli-uli kung
nagbabantay at least si Drei diba, o kaya iannounce nila para marinig ko naman
boses niya. Tama. Tama. Haha.. Toinks!

Ang huling balik na namin eh nung malapit ng mag-uwian. Masayang malaman ni Pau
ang resulta, magaling naman kasi siyang kumanta. At sigurado.. makakasali siya't
makakapasok.

Pero matagal din siyang nakatitig at nakatayo sa bulletin board. Lumapit
ako. ???

"Pauline Brei De torres , nakapasa ka oh." hindi niya ako pinansin at nakatitig
parin riya sa iisang direksyon. Tiningnan ko yung tinitingnan niya, hindi ko pa
nababasa yun nang bigla siyang magsalita.

"Sumali ka ba Mau?" seryoso niyang tanong nang hindi man lang tumitingin.
Titingnan ko ng muli yung tinitingnan niya nang..

"Mau Antonette Padua pala huh.. 8)" napatingin kaming parehas sa likod namin. 4
na lalaki.

"Dito pa lang magsisimula ang paghihigante ko, labo!" lalaking nakalagay ang
kamay sa may pocket. At ang cool, gwapo, at.. mayabang? Kung flirt at di
mayabang, Zeji yun.. Kung ganun,. sino ba to???

Tumawa yung tatlong parang ewan. Yung tabatsoy, tanda ko rin yun. Sino ba
sila ???

"Zeji?"

"Zander Tai, 3rd year highschool, 16 yrs old, at sa section D. Ngayon
nakapagpakilala na ako.. maaari na ba akong lumapit sayo?" ngumiti siya.
Nakakadugo naman ng ilong to. Napapalibutan ako ng mga coolness hot guys. >:(
Pero di ako natutuwa..

"BAKIT NIYO AKO SINALI SA CLUB NINYOooooo!!!.." sigaw ko, at yung limang
lalaking yun ay agad na tumakbo habang nagtatawanan. Nakakaasar,

ANG BASKETBALL TEAM!!! >:(

9.1

Matapos ang nangyari. Hindi na ako mapakali sa mga pinaggagagawa ko at gagawin
ko.. Takot ako sa crowd, ayokong najujudge ako.. pero mga 5 hours something..
Mararanasan ko na ang mga yun. Mag-aaudition ako.. WaaaAHh! Mapapanood ako ng
lahat! Ng maraming tao..


"Katapusan ko na." hindi ba dapat maging masaya ako kung makasali ako sa Club na
yun, hindi lang ako makakapagperform kasama ang Dred Team pero.. Atleast dun..
makakasama ko si Andrei. ::D

:( Pero kailangan ko bang magsakripisyo?

"Hindi ko akalain na hanggang huli.. kakailanganin parin natin magkaganito."
malungkot na sabi ni Pau habang inaabot niya sakin yung fav. drinks ko, lemon
juice.

"Don't worry, sigurado naman ako na makakapasok ka! Kung napili ka nga dahil sa
form na binigay mo.. paano pa kung kakanta ka! Napakagaling mo kayang kumanta!"
hinawakan ko ang kamay niya. Hinawakan niya rin ang kamay ko. :)

"Salamat Mau." napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak. Ang init ng mga
kamay ni Pau.

"Pasensya ka na!" binawi niya ang kamay niya. Ngumiti siya at umalis na lamang.

Gusto kong sabihing matalik na kaibigan ko siya. Na tinuring ko talagang
kaibigan si Brei.. kaso.. Paanong paraan?



Lahat kami ay pumunta sa library. Nakita ko si Pau sa bench, talagang ginagawa
niya ang lahat sa pagkanta. Papasok na kami sa library nang biglang nag-SHH! si
Mrs. Librarian. Grupo ng mga lalaki..

"Uy kayo! Section 4-A, wag nga kayong maingay!" 4-A.??? :o ???

"Kayo naman Mam eh, kami lang nandito at kayo. Diba kayo natatakot na palaging
tahimik.. balita ko pa.--" hinampas ni Mrs. Glorriane yung guy na nagsalita.
Nagtawanan sila. Tinawag naman ako ng mga kaklase ko, nakahanap na sila ng
mauupuan.

"Nandito rin ang 3-A kaya tumahimik na kayo at wag magulo, huh?" napatingin
samin ang 4-A debale dun sa isa. 5 lalaki, yung isa dun.. Taga dread team.
Tumingin siya sakin. Nagfreeze naman ako ng magkaeye-to-eye kami. Inalis na niya
yung tingin sakin. :-[


"Mrs. Glorriane, paresearch din po nito. Kailangan po kasi namin to." tumingin
na ako sa libro ko para hanapin yung topic. Sinulat ko yung mga important
details.


"Mabuti pa si Daison, atleast kailangan talaga ang library."
"Naku! Nagpasama nga po yan eh!"
"5 libro po kailangan namin, Mrs. Glorriane!"
"Uy Andrei, kung di ko pa maaalala, makakalimutan mo pa. Edi nagkataong wala
pareparehas tayong ass."

"Ahahahaha!" napatigil ako. Nandito si Andrei. Ibig sabihin..

"Aba, tahimik sabi."

"Sorry Mrs. Glorriane." ang lalaking di man lang humaharap na yun ay si Drei.
Talagang wala siyang pakealam sa iba.

"Heto na!"

"Salamat po." umalis na silang may tigigisang libro. Napatungo ako nung dumaan
sila sa harap namin at nilingon din naman sila agad. Hindi talaga siya
tumitingin. Isa lang talaga ang prioridad niya. Ganon ba siya kawalang-pakealam
sa babae? :(

Pumunta naman kami sa Geometry's Classroom namin. May sarili kang room sa Math
pag si Sir Oligar ang teacher mo. Umupo na kami pagkatapos naming maggreet.
Kinuha naman namin yung activity sheet. Nung makuha ko yung akin, habang
sinasagutan ko yung sheet ko.. may naaninag akong something. Inurong ko ng konti
yung sheet ko. At nakita ko yung nakasulat. :o :D

Quote

"Inis ka rin kay Sir?"



May nagreply sa drawing ko. :o Naramdaman ko yung heartbeat ko at sobra akong
natuwa. Hindi ko man alam kung sino ang taong nasa likod nito pero..
Nakakaramdam ako ng sobrang tuwa. Ang babaw ko noh, :P

Quote

"Konti. Pero masyado siyang wrong timing magtawag ng studyante pag-recitation."



Nireplayan ko naman siya.

"Ok pass your answer sheet." mabuti na lang at nakaabot ako. Papaalis na kami
nang..

"Uy Drei, turuan mo ko ah."

"Nandito yung mga sagot, pg. 94." sila? Si Andrei.. Kay Sir Oligar na classroom,
ang 4-A din. Ibig sabihin ba nito,.. may posibilidad na.

"Good-afternoon 4-A."

"Good-afternoon Sir!" nagsarado na ang pinto.

Gusto kong malaman.. :-[

"Mau tara na!"

"Oo!" kung saan nakaupo si Andrei. At sino sa 4-A students ang nakaupo sa table
ko? Sino yung taong yun? ??? :(


10/11
"Sa tingin mo makakapasok ka ba sa Club kung nahihiya ka?"

"Anu kasi.. ang gagwapo niyo.." :D kahit sabihin nating bulong yun. At least
naman.. maisip niya na nakamicrophone siya. Buong class 3-F na ay nagsigawan.

"P-pwede bang isa pa?" nagpacute pa yung babae. Nagsalita naman kaagad yung guy
na hindi nakanectie at bukas pa yung black uniform.

"Ang kailangan ng Club ay magaling sa Music. Our school needs it. Sana naman
alam mo yun.. If we give you another chance, ibig sabihin, may chance yung iba
na balewalain lang itong audition kasi may second chance naman, ganun ba yun."
ang taray. Nakakatakot.. :(

"Hindi na--"

"Sorry." ngumiti naman yung isa. Ang mayabang nayun. Hindi man lang siya
marunong makiramdam. :(

"Detorres, Pauline Brei?" ang ganda talagang pakinggan ng pangalan ni Pau. :o
wah. Siya na pala. :D

Sumilip muli ako. Ang dami talagang tao. Pero hindi yun ang napansin ko. Yung
mga 4th year na dread team, ang ganda ng mood nila kay Pau. Dahil ba yun sa
ganda ni Pau? Nag-ayos ako ng salamin. Sakin siguro.. pahihirapan ako nito.
Inayos kong muli yung salamin ko.

Ang Glee Club ay samahan ng mga estudyanteng marunong tumugtog at kumanta, iba
to sa choir, kasi estudyante ang nagpapagalaw at nag-aasikaso dito. At dread
team ang napiling grupo since halos lahat sa kanila ay may banda. Kasali na dun
si Andrei, tumutugtog siya ng gitara, 4th year siya at dapat isa siya sa mga
nakaupo at una mong makikita pag kumanta ka. Pero bakit ba pagchance na niya
akong mapansin, dun pa sa oras na yun siya wala. Ang 15 na kalalakihan na yun
ang mamumuno ng Glee Club. At halos lahat sa kanila hearthrobs. May mga itsura,
malakas ang appeal at may pangalan sa school. Mga gwapo ang mga basketball
player na yun. Sigh.

Sumilip muli ako. Napakaganda ng boses ni Pau.

"Mau?" bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko?

"Mau?" nilingon ko si Pau. Kaso..

"Ah!" nagkasagian kami at parehas na nahulog. Nakita kami ng lahat.
Nakakahiya. :-[

Tumayo si Pau at nilend niya kamay niya. Agad ko naman yung tinanggap at tumayo.
Nakatingin lahat at nagtatawana, nagbubulungan. :-[

"Ms. Padua, ganyan mo ba iwelcome ang sarili mo?" sabi ni yabang. Nakatungo ako.
Umalis na si Pau sa tabi ko.

"Hindi ka man lang ba titingin samin. At ipakita ang itsura mo sa lahat ng
audience?" ang yabang neto, pahihiyain talaga ako. Wag kang magagalit Mau. Just
be yourself.

Inayos ko salamin ko at tiningnan lahat. Nagbubulungan sila. Tatawa at tititigan
ako ng masama. Parang gusto ko ng magwalk-out sa kahihiyan nang iabot nila sakin
yung microphone. Hawak ko na to. Yung mga 4th year na yun.. parang walang buhay
na nanonood. Ineexpect nila sigurong gaya ako ng iba. Pero may iba na..
inaabangan ako.. inaabangan ang kahihiyang magagawa ko. :-[ Nagsimula akong
magsalita. Hindi ba to nakakahiya.. :-[

I'm an angel, I'm a devil I Am sometimes in between
I'm as bad it can get And good as it can be
Sometimes I'm a million colors Sometimes I'm black and white
I am all extremes Try to figure me out you never can
There's so many things I am

I am special I am beautiful I am wonderful
And powerful Unstoppable
Sometimes I'm miserable
Sometimes I'm pitiful
But that's so typical of all the things I am

I'm someone filled with self-belief
And haunted by self-doubt
I've got all the answers I've got nothing figured out
I like to be by myself I hate to be alone
I'm up and I am down But that's part of the thrill
Part of the plan Part of all of the things I am

I am special I am beautiful I am wonderful
And powerful Unstoppable
Sometimes I'm miserable Sometimes I'm pitiful
But that's so typical of all the things I am

I'm a million contradictions
Sometimes I make no sense Sometimes I'm perfect
Sometimes I'm a mess Sometimes I'm not sure who I am

I am special I am beautiful I am wonderful
And powerful Unstoppable
Sometimes I'm miserable Sometimes I'm pitiful
But that's so typical of all the things I am

I am special I am beautiful I am wonderful
And powerful Unstoppable
Sometimes I'm miserable Sometimes I'm pitiful
But that's so typical of all the things I am
Of all the things I am

I am special I am beautiful I am wonderful
And powerful Unstoppable
Sometimes I'm miserable
Sometimes I'm pitiful
But that's so typical of all the things I am
[imaginary voice po ni hilary duff]

"Ah anu.." hanggang ngayon.. Tahimik ang paligid. Kahit yung mga 4th year na yun
nakatulala, may naglakas loob na nagsalita. Ngumiti siya at napakabait niya.

"You passed." napakaangelic ng ngiti niya. Nakita ko naman kung paano mang-irap
ang mayabang na yun.

May biglang pumalakpak, na sana dapat aalis na ako. Hinanap ko yun pero.. lahat
na sila ay pumalakpak.

"We like you, 4eyes!!!" sabi ng lahat. Napatungo ako at ngumiti. First time kong
makaramdam na magustuhan ako ng lahat, sa paraang akala ko mapapahiya ako.

Ngumiti ako sa lahat. At nakita ko sa mukha nila ang pagkagulat.. Ewan ko ba
kung bakit. Pero, hindi ko talaga akalain na ang talentong matagal kong tinago
ay magugustuhan nila. :)


Habang naglalakad ako sa corridor, pathway or kung saang lupalok ng campus..
Bawat estudyante napapatingin sakin. Ngingiti o may magugulat. Ako naman
nakatungo lang at hiyang-hiya.
"Pau?" pero sa kabila nun. May isang umiiwas. Hindi ako kinakausap ni Pau. :(

"Congrats Miss Padua, you got the perfect score." binigay ni Sir Oligar ang
activity sheet ko. Napatingin ako kay Pau. Dapat ngayon ngingiti siya. Pero
hinde eh. May nagawa ba ako? :(

Nagpatuloy ang paglelecture ni Sir. Halos mabaliw na ako sa kakahintay na sana
lumingon si Pau, mabuti na lang naalala ko yung table.

Quote

"Haha.. Uo ganun nga.. Parang siyang ganto."


with matching drawing pa. Ang cute niyang magdrawing.

Quote

"Ang cute mong magdrawing."



Yun ang reply ko.



Nagtime naman. Bumalik na kami sa classroom. Habang kinakap-kap ko yung bag ko..
may something naman na parang nawawala. Kaya nung matapos yung klase, agad kong
chineck ang classroom ni Sir.

Mabuti na lang at umaalis na ang 4-A. Naaninag ko pa si Yabang bago umalis oh,
nasaan ba si Drei? Sigh. Papasok na ako sa room nang..

"Sori nakalimutan ko kasi. :P"
"Ingatan mo kasi gamit mo. Konti na nga lang yung dinadala natin."
"Pasensya naman."

Magkasama sila ni yabang. At..

Step.Step.Step

:o

Quote

"Magaling ka rin."


inarrow niya yung drawing ko. Ang taong nasa likod nito ay..

Quote

"Salamat.."


pero di ko tinapos yun dun.. Nilagyan ko pa ng isang message sa may sulok. Kay
Drei kasi..

Quote

"Babae ako. Ok lang ba yun sayo."
maliit na sulat lang yun.. Siguro di naman nia mapapansin yun. Kay Drei kasi..
parang wala lang ang mga babae. Hindi siya malapit sa babae o lumapit man sa mga
to.. bakit kaya? :(


12.1


"Padua, Mau Antonette. Please proceed to G.C. Office." nagdadaldalan kami ng mga
kaklase ko ng marinig ko yan. About to stand na ako nang..

"BILISAN MO!!!" nanindig mga balahibo ko kaya agad akong tumakbo. Ang mga dred
na yun! >:(


Nilagay na sa bulletin board ang 30 students na nakapasok sa audition. Arte nga
nila, 539 students ang sumali, 300 ang napili nilang form na wala naman ako nun
pero sinali, tapos 50 lang nakapag-audition kasi tinatamad na daw sila then 30
lang makakapasok. >:( 5 for who can play guitar, 5 for piano, violin, and drums
then 5 for girls na magaling kumanta and 5 for boys na magaling at pangrock ang
boses. 45 bale kami, 30 sa audition at 15 sa dred. At yung mga dred na yun na
pinamumunuan ni Daison, Daison anu nga ba yun..


"BAKIT NA NAMAN BA!" gasp.gasp.gasp! Hingal na hingal talaga ako.

"Late ka na naman! 8)" yan na   naman ang seryoso niyang mukha. Anu nga ba
ipilyido nito? ??? T-Tan? Nga   ba yun? Daison Tan? Mayaman din ang lokong to eh..
Half taiwanese, at si Zeji ay   malaysian? Buti pa si Drei, pure pilipino, at
sobrang gwapo. Di hamak na 5X   na gwapo si Drei! :D

"Narinig kong tinawag mo na naman si Mau?" may kumulbit sakin. Nandito na si
Zeji.

"May iaanounce lang ako labo. Diba sabi ko.. di pa ako tapos?" sumide-view yung
yabang. Ang sama ng tawag niya sakin. >:(

Nakaharap ang upuan ni Zeji sakin habang nakahalumbaba siya at nakatingin sakin.

"Di pa ba sapat yung sapilitan mo akong sinali sa Club niyo?"
"Hindi pa." ok honest siya! >:(

"Anu nga uling ginawa niya sakin?"

"SINUNTOK KA NG KAIBIGAN NIYA KAHIT NA TINULUNGAN MO NAMAN SIYA!!! at nasampal
ka pa bwahahahaha!!!" :D :D :D lahat sila tumawa. Ang dialogue nung yabang na
yun.

"Alam mo na naman siguro?" nagsmirk siya sakin kahit nagdodota siya.

"Hi Mau!" inakbayan ako ni Angelo. Dala ako oh. Mataba kasi to.. ang lambot. ::D

"Uy tabatsoy, wag ka ngang magaslaw!"
"Sori naman. Gusto mo Mau?"
"Ok lang ako."

"Masyado kang pacute." sinamaan ko ng tingin yung yabang.

"Anu ba talagang pinunta ko?"

"Magiging Personal Alalay ka ng basketball team." napajaw drop ako.

"Makakasama natin siya, Lagi?!" :o
"Yehey masaya yun."
"Bakit Daison?"

"Kailangan pala natin nun?" ang lalaking to. Gumagawa talaga siya ng mga bagaY
na magpapahirap sakin.

"Uo. Dahil minsan yung captain natin napapagod ng mag-utos at sumigaw. Maawa
naman kayo kay Drei, ang laki ng responsibility niya satin." lahat nagnod. Ganon
pala kasipag at karesponsable si Drei.. Hm :[

"At ngayon ibinibigay na namin sayo ang dapat ginagawa namin!" tinuro pa niya
ako. Parang bata.

"Bakit ka natatawa?"

"Di bagay sa seryoso mong mukha yang ganyang act.. Ahahaha.." natawa silang
lahat at nakaramdam naman ako.

"Sori.." :(

"Kung akala mo madali lang to. Nagkakamali ka, magpasalamat ka na lang sakin
kung tutulungan ka ni Drei dito." umalis na siya. Hindi talaga. Wala nga siya
dito tapos tuwing kukulitin niya ako umiiwas siya. Ni di man lang siya
tumitingin. Ni hindi niya ata ako pinapakinggan pagkumakanta. Napakamanhid.

Umalis na silang lahat.

"Bye Mau." pinat ni Angelo ulo ko.

"Wag kang mag-alala. Kahit seryoso at suplado si Drei, hindi naman yun kagaya ni
Daison na nangdededma. Atsaka parang kaisa ka na rin namin siguro naman as
captain e hindi ganun niya agad iiwan responsibilidad niya. Nandito rin naman
kami." ang sweet ng ngiti ni Zeji.

"Bakit kasi kailangan akong parusahan. :("

"Tara, magbreak na lang tayo." ang bait pala ng chikboy na'to. Uo chikboy siya
pero di siya yung tipong puro hangin o mambobola.

Talagang ganun lang at siya makisama.. kenkoy ba? :)


13.1

Frenchfries, chips, burger, barbecue, at drinks. Ang dami naman niyang
binili. :o

"Dahil masyado kang badshot, dinamihan ko yung mga binili ko." nakakahiya. :-[

"Gusto mo ba dito tayo sa canteen kumain?" nakangiti siya habang nagtatanong.
Napatingin ako.. ang daming tao. May isang grupo ng mga babaeng nakatingin dito.
Masyadong pacute. Ah sila yung mga sexy'ng babae na nakikipaglandian kay Zeji.
Kaya pala ngiting-ngiti to oh. ::(

"Ako na lang magdala ng foods since libre lang naman ako." inayos ko salamin ko
at naunang maglakad.

"Sige sa back building na lang tayo."


Kami lang ang nandun. Kumakain lang siya ng tahimik. Walang nagsasalita nang
biglang tumunog yung phone niya,

"Hello?"
"Zej! Punta ka dito sa gym.. may meeting ang team!" ang boses ni..
"Tapos na kayong kumain?"
"Aba't may pagkain kaya dito!" ang lakas ng boses ni Angelo. Napangiti si Zeji.
Tumayo siya at tumingin sakin. Kumakagat pa ako ng burger.

"Sige andyan na ko." tumayo na din ako.

"Ah.. yung foods, di ubos-" tiningnan lang niya yun.

"Iyo na yan, hintayin mo nga pala kami sa office." tiningnan ko yung plastik.
Ang daming natira.



At sinunod ko naman yung sinabi niya. Mag-isa lang ako. 30 mins. wala akong
ginagawa. Naisip kong kalikutin gamit nila. Yung iba nandito yung locker, pero
kay Andrei nandun sa gym, nung minsang nasira ang palda ko. Tiningnan ko ang
computer, kumpleto sila sa technology ah. Malaya silang mag-announ2e dito,
ipahayag ang lahat ng kalokohan nila at pwede ring.. kumanta dito si Andrei. :D

May nakita akong iba't-ibang documents. May tigigisa silang documents. Ang mga
pangalan, mga kalokohan talaga, may darkdevil, rocknfunk, taz may mga badwords
pa.. May I'm with stupid, o open dis as* at kung anu-ano.. Loko-loko talaga ang
mga to. May nakita akong naiiba.. with matching panbabaeng pangalan,
davetelle??? Dinouble-click ko yun.. At puro isang babae lang nandung picture.
Ang ganda nung babae.. mga kalevel niya si Pau. Ang ganda talaga.. Sino 2? May
mga name pa like.. ganda noh, loves ko yan, mukhang anghel, anghel sa lupa..
Bading ba ang may-ari ng documents na to? Kristelle Hernandez? Ito pala ang
pangalan ng babaeng to. Inayos ko ang salamin ko. Mamaya habang iniscrol ko yung
mouse.. Nakita ko ang pangalan ni Andrei, Andrei Dave Rosales.

Kinabahan ako.. parang alam ko na ibig sabihin. Ang babaeng yun.. 'loves ko yan'
hindi naman totoong hindi siya interesado sa babae, na umiiwas siya. Siguro
ganon lang talaga siya kalayo sakin, hindi ko naman talaga siya kilala eh.
Minsan lang nagkrus yung landas namin, pero walang ibig sabihin yun.. Ang
nangyaring yun samin.. nangyayari naman talaga sa lahat. Imposibleng mapansin
ako ng taong yun kahit gawin ko pa yung best ko. We're not really destined to
each other. :(

Idodouble-click ko na sana yung files kahit nasasaktan ako at kinakabahan..

"Ma-" napatigil ako. Ang files na yun ay kay..


:o


:(


:'(


"Mau nandito ka na pala. Nabored ka ba?" napatayo ako. Sa sobrang gulat bigla
kong naitumba yung upuan at yung mga papel ay nagsilaglagan.

Ang sakit-sakit. Agad akong lumuhod para ayusin yung papel. Agad namang inayos
ni Zeji yung upuan.

"Files pala ni Drei ang tinitingnan mo." napatigil ako.

"Si Telle, alam mo ba na siya yung dating nasa katayuan mo-" tumayo agad ako at
nilagay yung papel sa may lamesa. Aalis na sana ako-

"Nakita mo ba lahat?" hindi ko alam kung anu to. Pero nasasaktan ako. Ngayon
lang ako nalinawagan.. akala ko we make and choose our own destiny, pero.. dahil
ba sa masyado akong nagmove-forward. Akala ko ok lang pero.. dapat pala ginamit
ko yung utak ko. Malabo talaga, malabong mapansin pa niya ako.

"Mau." nakatitig si Zeji sakin. Nag-aalala ang mga mukha niya.


:'(
:'(


*sob*


Saka ko lang napansin na..

*sob*

Umiiyak pala ako.. :'(


14.1

"Ok, see you tomorrow class." nakatulala ako. Ibang araw na naman.. pero parang
bang wala naman akong nakalimutan. Nandito parin hanggang ngayon yung sakit.

"Mau!"

"Uy, tara na." tumayo naman agad ako. Habang naglalakad ako, bigla naman akong
nasagi.

"Mau?" inayos ko agad yung ntbk na nasagi ko. Nakita ko yung pangalan.. kay Pau.

"Salamat." at umalis na agad siya.. Nang di man lang niya ako tinitingnan. Hindi
na kami nag-uusap. Pero para sa iba normal lang yun.. Hindi naman kasi namin
kailanman nabanggit na magbestfriend kami. Pero nakakapagtaka huh.. Bakit ba
siya nagagalit ng ganyan? :(

"You may sit." ilalagay ko pa lang yung ntbk ko nang makita ko na yung reply
niya. Hindi yung isa ang nereplayan niya kundi yung maliit na message sa may
sulok.

Quote

"Ganon ba. Ok lang yun. At least di na ko bored. Kahit medyo nakakapagod, hindi
naman masamang maging babae eh. XD"



reply ni Andrei, atleast dito may connection kami. Pero kahit ganon.. gusto kong
malinawan. :(

Quote

"Dahil ba sa gusto mong babae? Siya ba, napapasaya ka ba niya?"



At di rin nagtagal.. Nagtime na. Nireplayan ko siya.



"Ah nandito na pala kayo." inayos ko yung table at hinanda ko yung makakain
nila. Inayos ko rin salamin ko. "Pasensya na, yan lang budget natin?" napatingin
ako sa lahat, wala na namang Andrei.

"Mabuti naman at alam mo na ang schedule mo Mau." ayoko sa mga lalaki.. pero sa
huli, sa kanila pa ako mas napalapit. Sigh.

"15 drinks pala hinanda mo."
"Ah pasensya na. Hindi ko naman akalain na-"

"Busy'ng tao talaga si Andrei. Palagi pa niyang gustong mag-isa. Nakakain ka na
ba?"

"Ah oo." napatungo ako. Naiilang ako.,

"Sa budget ng Dred ka kukuha ng pambili ng pagkain para sa lahat, including
you." napatingin lahat kay Daison.

"Kaw ba yan tol?" binato niya ng papel si Daison. At nagtawanan sila.


Nung matapos ang araw, bumalik naman akong muli sa office at naglinis. Bawat
sulok nilinis ko yung gamit nila. Nung una kong punta dito.. ang gulo-gulo!
Sobra! Dahil lang ata sakin kaya lumilinis to. Mga lalaki nga naman. Umalis na
ako pagkatapos. Naaninag ko pa ang basketball court, nandun parin yung ibang
players. :)

Papunta na akong locker nang.. ??? :o

Nagkaeye-to-eye kami. Pero syempre dahil gwapo siya dapat nga naman siya ang
unang mang-isnab. Sama talaga nitong makatingin. Nagpalit na ako ng sapatos.
Lumapit naman siya sakin. Akala ko ba malaki talaga galit nito sakin. ???

"May kasabay ka ba?" nagulat ako ng konti nung itanong niya yun. Medyo madilim
na pala?

Napatungo ako at inayos ko salamin ko saka ko siya tiningnang muli.

"Wala." tapos umalis na siya. Medyo nagtaka ako ng konti huh. ???

"Anu ba! Uuwi ka pa ba?!" bigla niyang sigaw. :o ganto naman look ko.

"Huh?"
"Wala naman din akong kasabay kaya sabay na tayo." tapos naglakad na siya. Ako
naman, e baka lumalim galit nito kaya di na ko nagdalwang isip.

"Sori nga pala sa inasta ko nung araw na yun." nasa likod niya ko at halos
walang umimik samin kanina pa.

"Yun. Diba nasampal nga kita at nasuntok ka ng kaibigan ko," nakatungo ako. At
nakakainis isipin na paulit ulit ko tong sinasabi Kaya nasagi ko siya.

"Naku, p-pasensya." lumayo agad ako.

"Pero pinahiya kita. Atsaka tang* ka talaga noh. Paano ka nakakalakad kung
palagi kang nakatungo, yan tuloy mag-aapologize ka ng di mo man lang nalaman na
huminto talaga ako. Tss!" yabang talaga nito.

Naglakad muli siya. Wala na namang patutunguhan ang usapan na ito oh.

"Dito na lang ako at salamat." umalis na ako. Pero di pa ako nakakalayo..

"Sa mga susunod na araw, ayoko ng umuuwi ka ng ganito." nilingon ko siya. ???

"Bakit, dala ka na bang masuntok at masampal?" napangiti ako. Medyo napatakip
siya ng bibig, parang nahiya siya.
"Sinusubukan mo ko! >:( Ganito ka na laging uuwi pagschool-days! Sasabay ka sa
team!" atsaka siya umalis muli. Di ko talaga maintindihan ang mayabang na yun.

???

:o


WAAAAaAhh! Bakit naman ganun kagabi na.. Sigh.




15.1

"DEFENSEEeee!!!"

"Go ANDREI-iii GO DREDdddddd!!!!~" lahat nasa gym. May practice game kasi ang
Dred kaya heto lahat ng hs student narito at nagchicheer, pati mga pep squad
napapatigil sa pagpapractice dahil sa seryosohang laban ng team. 2 weeks na lang
kasi at laban na nila sa ibang school.

"ZejiIií, ang BOLA!" lahat sila alerto. Lahat energetic.

Ganito pala kaseryoso ang isang sport. Lahat sila ganon kaseseryoso. Kahit si
Zeji di na lumitaw ang matamis na ngiti. Bawat team member ata e may cheerer.
Hearthrobs talaga sila, pero si Andrei ang nangunguna. Nakakaenjoy siyang
panoorin. Parang bata lang na seryoso. :)

*PrRRrT!*

Break na nila..

"Ang gwapo talaga ni Andrei."
"Heto o panyo ko, gamitin mo. Ahahaha.." kahit saan pinagbubulungan siya.

"Zeji!" pati tong Zeji'ng to. May karelasyon ba siya sa isa sa apat na yun? ???

"Mau?"
"Ah-Heto!"

"Nakakauhaw."
"Nakakapagod ang sabihin ninyo."
*laughter*

Ang huhusay nila. Ang sarap titigan ng team na'to.

"Ah? Pasensya na." nakatingin silang lahat sakin na parang may inaabangan sila
galing sakin.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" sabi ni Zeji.

"Gaya ng anu?" ang slow mo. Diba dapat icheer mo rin sila.

"Di pa ba sapat yung nagawa namin para di ka namin mapasaya?" nang-aasar ba
siya? ??? Ang slow ko talaga.

"Manager ka namin, bakit wala ka namang masabi?" isa sa mga player ang
nagsalita.

"Manager?!!" medyo nagulat nga ako. :o

"Hindi naman talaga totong P.A. ka namin. Nasaiyo naman kung paano mo kami
aalagaan." sabi ni Angelo habang ngumingiti pa. Ang cute nito. Kaso.. parang
hindi ko pa feel ang maging kaisa nila.

"Anu- Ma-"

"Kung siya si Kristelle, atleast yung mabunganga niyang bibig ay di lang para
magmura. Mas energetic pa siya sa crowd kung icheer tayo."
"Tapos, yung nakakairita niyang bibig, isisigaw yung cheer na yun, kahit baduy."
"Hahampasin pa tayo para lang mabuhay dugo natin."
"Sisigawan niya tayo kapag ang gulo natin sa sarili."
"Ang siga'ng yun."

Lahat sila bukang-bibig ay yung Kristelle, kahit si Andrei napapatingin at
napapangiti. Ganon kaespesyal ang babaeng yun. :(

"Pasensya na sainyo."

Biglang may umakbay sakin. :-[

"Napilitan lang naman kasi si Mau, kaya siguro nahihiya pa siya." napatungo ako.
Nag-iinit ata ako.

"DRED TEAM!!!" pumito na yung referee. Nagsub naman yung iba, kasama si Angelo.
Kumalas na si Angelo at kumain.

"a-Anu!" tumigil sila. Inayos ko salamin ko at tiningnan silang lahat. Nagbow
ako..

"NAPAKAGALING NIYO!" :-[ hindi ko alam ang reaction nila.. Pero may nagpat ng
ulo ko. Tumingin ako.

"Do your best, Manager!" si Zeji. Ngumiti silang lahat at umalis din naman.

Saka ko naramdaman yung warm, ang saya ko. :-[ :)

:) Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Fight! DREDdd!!!" Nginitian ako ni Andrei?!!! :o :-[



Bumalik na ako sa classroom. Nagklase kami. Napag-isip-isip ko na siguro
kailangan ko ding gawin ang best ko para magkaayos na kami ni Pau. Nung mga
walang tao, nilagay ko yung letter na dalwang araw ko ng pinaghahandaang ibigay
sa kanya.

Atsaka kami dumiretso kay Sir Oligar. Naglelesson na si Sir habang tinitingnan
ko si Pau. Sana basahin niya. Sana magkaayos na kami.

Napatingin din ako sa table ako. Nagreply siya.

:o

:)

:(

:'(

"Copy and answer this class."
"Mau, may papel ka ba? Penge naman oh?"
"Sir, lahat po ba ng formula na ating pinag-aralan?"
"Mau?"
"Yes. Then turn to page 109, answer exercise B."
"Mau.."




*teardrops*

Ang sakit. Bakit ako umiiyak.. bakit pumapatak ang mga luha ko? Bakit kahit na
anung pahid ko.. ayaw nilang tumigil.

"Mau, ok ka lang-"

*sob*

Bakit ako umiiyak? Bakit ang sakit-sakit. *sob* bakit..

"Ms. Padua, what's wrong." napatingin ako. Lahat sila sakin nakatingin. Lalapit
si Sir, di niya maaaring makita to.

"Ms. Padua!?" sa sobrang pagpapanic nailaglag ko gamit ko.

"What's this. You're writing on my table! Erase that! Immediately!!!" agad ko
namang binura yun gamit yung eraser ko. Lumuluha parin luha ko.

"Are you ok Ms. Padua?" agad kong kinuha ang ntbk ko at kinupya yung sinasabi ni
Sir. I noded.

"Be sure." pero kahit anung gawin ko.. ang sakit-sakit. Ang mga salitang yun..

Quote

"Wala ka namang pake dun!"


sinabi niya ang mga masasakit na salitang yun.. :'(


16.1

Feeling ko ang sama sama ng pakiramdam ko. Mukhang ayaw ko munang pumunta sa
club. Kung pwede nga lang e. Pero dahil sa manager ako.. hindi rin pwede :-/

"mau okay ka lang ba? ang lungkot mo ah? bakit nag-iisa ka dyan, tara, sumama
tayo sa kanila.. magkwentuhan tayo." sabi ni Pau habang hinihigit pa ang kamay
ko.

"Uhm ano.."

"Masama ba ang pakiramdam mo!?" umupo siya sa harap ko. Tumungo lang ako. Hindi
ko talaga feel ang araw na'to. Nanlalambot ako.

"Halika, dadalhin na lang kita sa clinic." bigla naman niyang hinigit ang kamay
ko.

Wala din naman akong choice. Ayoko talaga gumalaw ngayong araw na'to. Ewan ko
ba..

Mga 2 oras umabot ang tulog ko sa clinic. Mabuti na lamang at naexcuse ako ni
Pau. Napakabait niya talaga. Alam niya agad kung kailan masama ang pakiramdam
ko. Hayy.. buti na lang at nging kaibigan ko siya.

"Mau!?" kababalik ko lang pero mga ngiti na agad niya ang sumalubong sakin.
Alam niya na babalik ako? haha! kaibigan ko talaga siya.

"anong ginawa niyo?"
"Pinagpaalam nga pala kita sa Dred team na hindi ka makakaattend ng club nila.
since masama ang pakiramdam mo.. sa tingin ko naman maiintindihan ka nila." agad
naman akong lumingon sa kanya.

:o :O

"OHMYGOD!!!"



dali dali akong tumakbo papunta sa office. May practice nga pala ang team. HIndi
pwedeng wala ako dun. ARGH! nakapairesponsable ko talaga!


step.step.step.

Ppalapit na ako ng papalapit sa office.. pero.. bigla na namang lumakas ang
tibok ng puso ko. Natatakot ako. Nanghihina ako. Nasasaktan na naman ako. Ang
lugar kasing ito.. ay ang lugar ng taong yun.. ng TAONG GUSTO KO. na kahapon
lamang.. nakatanggap ako ng PINAKAMASAKIT NA SALITA galing sa kanya. :'(

Kapag naiisip ko ang mga salitang yun.. napapaisip ako na, OO nga naman.. wala
akong dapat pakelaman. Wala lang naman ako sa kanya diba? :(


Nakakapagtaka, bakit ba ako nasasaktan ng sobra? Wala naman dapat akong ikaiyak
diba? Wala akong makitang tamang dahilan para umiyak ako. Tanga lang talaga ako.
:'(

"Pasensya na kung late ako." sabi ko, dapat normal lang. Pero nagpahalata parin
ako, hindi ko kaya, hindi ko kayang humarap ng ganito sa harap niya.

"Puro pasensya ka na lang ba?" ginalit ko na naman si Daison. :-[

Pero kahit ganon, nandyan naman si Zeji para saluhin yung kahihiyan ko. Sumunod
yung iba na magpapraktis na. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin kay Andrei.
Hindi ba dapat, huwag akong tumingin sa kanya kasi.. Baka makita niya sa mga
mata ko na umiyak ako.

"Andrei, bakit di ka pa nagpapraktis. Susunod ako."

Ang dami ko talagang saviors sa buhay. Ayokong malaman pa niya yung totoo.
Umalis na si Andrei pero di rin nagtagal si Zeji.

Mag-isa na lang ako. Habang inaayos ko ang makakain nila, ginawa ko talaga ang
lahat para maging busy ako at di na lang maalala yung nangyari.. Pero.. kahit
anung gawin ko. 'Wala ka namang pake dun!' Tama siya.. :'( :'(

Ang kapal ng mukha mo Mau, sinamantala mo na nga ang pagkakataon na makachat
siya pero.. umiral pa ang kasamaan ng ugali mo. Anu bang ginawa ni Andrei.. Anu
bang ginawa niya at gustong-gusto mo siya. Sa totoo lang hindi niya intensyong
saktan ako, malay ba niya. At sino ba ako.. alam ba niya lahat. At pagsinabi ko
ba, sasabihin niyang.. 'Sori, di ko naman alam na gusto mo ako' pero may gusto
siyang iba. *teardrops* Bakit ba ang tanga-tanga ko.. Bakit nagpadala ako sa
emosyon ko.. hindi ko dapat ginusto ang taong kahit na kelan ay di ko naman
talaga nakilala. (.. Ako ang may kasalanan. Hindi ko agad pinigilan ang
nararamdaman ko.. hindi dapat ako umasang mapapansin niya. Oo.. umasa ako.. At
umaasa parin ako.

Kailan.. Hanggang kailang ang feelings na'to. Gusto ko na'tong mawala. Gusto ko
na siyang mabura.. gusto ko ng magmove-on sa lahat. Masyado na akong
nagpapakatanga.. Umaasa.. Humihiling ng sobra-

"Wag.. wag kang umiyak."


17.1

"Wag.. Wag kang umiyak." napatingin ako. Nararamdaman ko ang pagpatak ng luha
ko, ang walang tigil na pagluha nito. Nakatingin lang ako sa kanya, lumapit siya
sakin. Lumuhod siya sa harap ko.. gamit ang panyo niya.. Pinawi niya ang mga
luhang yun. Dun.. mas naramdaman ko ang sakit.. ang sobrang sakit.

Tinakpan ko ang mukha ko. Umiiyak na talaga ako.. hindi ko maalis.. hindi ko
mapigilang umiyak. Ang sakit-sakit.

"*sob*Tama na.. ayoko na.. ayoko na.. waaah.. *sob*" nakakahiya.. dahil kahit
anung gawin ko.. hindi ko na mababago ang nangyari.



"GALINGAN NATIN TEAM!!! 1 week na lang at LABAN NA!"
"WoOOoh!!!"

3 araw na din ang nakakalipas at mas lalong pang lumala ang pag-iiwas ni Andrei.
But for now.. kailangan ko ring umiwas right?

"d-Do your best!" sabi ko habang pinipilit itaas ang kamay ko para icheer-sila.

Nagsmirk si Daison pero nang-isnab parin. Yung iba nag-ok-sign sakin, at ginulo
naman ni Angelo ang buhok ko. Tumawa kaming lahat.

"Nag-iimprove na si Manager!"
*laughter*
"Magcelebrate tayo.. mamaya!" lahat ay sumigaw.

Ngumiti rin si Zeji sakin.

Habang nakatungo akong umiiyak, hinawakan niya ang ulo ko.
"Diba dapat hindi umiiyak ang mga babae. Pero naisip mo ba, yang mga luhang
yan.. deserving pumatak. Mas cute ka pag.. ngumingiti.. kaya maging masaya ka na
lang. :)"

Siya lang yung nandyan para icomfort ako. Ang taong yun..

"Si Zeji?"
"Nakuu.. sigurado di na naman yun dito kakain." pero kahit siya yung taong yun.
Kahit di naman niya sabihin.. halata naman.. na simula din nung araw na yun.. ay
umiwas na siya. Hindi na niya ako kinakausap. :(

"Hindi ba dapat sama-sama tayo?!"
"Bakit pagwala si Drei, hindi mo siya hinahanap?" nangilabot ako. May konting
tuwa pero.. nasasaktan parin ako.

"Eeh.. crush niya si Zej?" nanlaki ang mata ko! Napalingon agad ako kay Drei..
naglalaro siya ng GTA, mabuti naman wala siyang pake.

"Si Daison?"

"Ah.. na.. Nasa.. anu.. Ka-kausap niya si.. b-Brei." Sagot naman ni Angelo.

"Ganun. Hahanapin ko silang dalwa!"

Agad akong tumakbo at hinanap sila.
Nasaan ba sila. Pumunta ako sa canteen, backbuilding, sa court, pero ni isa sa
mga alam kong pwede niyang puntahan ay wala siya. Naglakad-lakad ako sa corridor
ng iba't-ibang level.

"Ahahaha.. ikaw talaga. Sige na.. pupunta na kami. Anu bang oras." mga
naghaharutang babae.

"Mamaya.. Wala naman akong gagawin." napatigil ako sa paglalakad.

"Ikaw talaga.. oo na. Pasasayahin muli kita." sabi nung babae habang
hinahawakang ang mukha ni.. Zeji. Parang nang-aakit. Kulang na lang at
maghalikan sila.

Umalis na ako dun ng walang sinabi. Ayokong maabala ko pa sila. Kahit na aminin
kong ayaw ko sa ganung lalaki.. kay Zeji.. Hindi ko siya magawang i-hate. Baka
nga.. tapos sinabi pa niyang wala siyang gagawin.. wala nga siguro siyang balak
na umattend mamaya sa celebration. :( Hindi ko na alam ngayon ang nangyayari? :(
:-[

"ah!?-"

"So-ri!" tungong-tungo kong sabi. :-[

"Ok ka lang ba?"
"Mau?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. Medyo hindi ako makakibo nung
kausapin niya ako.

"Palagi ka kasing nakatungo." this time, nginitian ako ni Daison. Nandito ang
yabang?

"Pau?" ngumiti si Pau.

"Sorry rin huh. Ok ka lang ba?" napakagentle ng ngiti niya. Napangiti rin ako.

"Oks na!" umalis na sa pagkakaleaned tong si Daison sa pader habang nasa pocket
ang mga kamay niya. Lumapit siya sakin at nginitian ako, sinenyas niya rin akong
umalis na. Kumaway naman si Pau. Aalis na ako..

"Pwede bang.. makipagsaya ka samin mamaya!" tumungo ako at naghintay sa sagot
niya.

"Oo ba." tumingin agad ako.

"Salamat!" ngumiti ako. Masaya ako.. dahil ayos na kami. Hindi na siya galit. :)
Kahit feeling ko may konti pa akong problemang naiwan? :(


18.1

"Ang sarap mo palang magluto!"

Nasa H.E. kami. Nagluluto si Pau. Mabuti na lang at nandito siya, hindi na ako
naoOP, nabigyan ko pa sila ng masarap na handmade food. Hindi yung bili na lang
ako ng bili. Sigh. Paano ko pa mahihigitan yung dati nilang Manager.

"Salamat talaga Pau." inayos ko ang salamin ko. "Don't worry, ako ang maghuhugas
ng lahat ng pinagkainan natin. :)"

"Ok lang ako Mau." nagkangitian kami.

Nagluluto si Pau ng barbecue at yung mga players nagkakaraoke na. Wala dito si
Zeji. Lumapit naman si Daison. Tinulungan niya si Pau, hindi naman ako
makatulong dahil wala naman akong alam sa kusina. Parang nag-iba yung ihip ng
hangin. Di man lang ako pinapansin nung dalwang to. Nakatitig lang ako sa dalwa.

"Ako na dyan."
"Hindi ok lang."

:)

Gentleman pala ang yabang nito. Aba't, ang gwapo palang talaga nito. Lalo na
kapag hindi to seryoso at suplado. Kaya rin pala nitong ngumiti ng matamis..
pero bakit kaya..

"Daison, o may paminta ka sa mukha." inalis yun ni Pau. Bagay sila sa isa't-isa.
Inayos ko salamin ko. Aba perfect couple! 8)

"Saan?" namumula si Daison. Blooming si Pau. Di naman kaya..

"MAU ANTONETTE PADUA!!!" bigla akong nahulog sa upuan.

:o :o

"Aray?!" agad na lumapit si Pau sakin.

"Ok ka lang ba Mau?" inalalayan niya akong tumayo.
Inirapan naman ako ni Daison. Pero imbis na makaramdam ako ng galit..

"Ok lang ako Pau." inayos ko salamin ko. Nginitian ko naman si Daison. Medyo
namula naman siya tapos umiwas ng tingin.

"Manager! Kanta ka naman ng isa dito!" ako naman ay nagulat. :o
"Ganda mo daw kumanta eh!" namula ako. :-[
"KaNTA! KANTA! Kanta! Kanta!!!" sumigaw sila ng paulit-ulit. Napatungo ako.
Dahan-dahan kong tinuro si Pau.

"Ahahaha. Sige na ako muna." pumunta si Pau dun. Natutuwa talaga ako kasi
tinuring ko siyang Bestfriend.

"Isip bata." may biglang nagsalita sa may tenga ko. Napalayo ako ng konting.

"Kitams ang pula-pula mo!" pinat niya ang ilong ko. Nag-iinit nga pakiramdam ko.
Tapos pa tumawa siya, ang.. ganda ng ngiti niya. Ang gwapo niya. :-[

Hinawakan ko kamay niya na nakapat sa ilong ko para ibalik sa kanya at lumayo
ako ng konti sa kanya. Sobrang close namin.

"Hindi dapat ganyan ang inaasta mo." at umalis na ako. Naupo ako malapit sa mga
nagkakaraoke.

"Bakit mo iniwan si Daison?" ang lungkot ni Angelo kahit kumakain pa siya.
Kumuha ako ng drinks para sa kanya.

"Salamat Mau." ngumiti ako at inayos salamin ko.

"Hindi ko naman siya iniwan. Baka si Pau, Bakit ba ang lungkot mo?"
"Walang gusto si Brei kay Daison. Ganun din alam ko kay Daison. Pero di pa siya
nagkakagf ever since."

"Paano mo naman nasisigurado yan." ang lungkot talaga ni Angelo.

"Tingnan mo, ikaw ang tinitingnan ni Daison at hindi si Brei." unti-unti akong
tumingin kay Daison. Nagkaeye-to-eye pa kami. Ako nga ba ang tinitingnan niya.
Inayos ko salamin ko at inalis na tingin sa kanya.

"Si Pau.. si Pau nga sabi gusto.." nakita ko si Andrei. Hindi man lang siya
makihalubilo. Anu na kayang nangyari dun sa table?
Natapos ang kasiyahan. Yung iba umuwi na dahil sa kalasingan. May iba lasing pa,
nakatulog lang. Naghuhugas naman ako ng pinggan. Ang daming huhugasan. Pero
carry ko'to! Binanlawan ko lahat ng hugasin at pinatas. Nilagyan ko naman ng
sabon yung mga baso't kutsara't tinidor. Dahil madali lang mabilis ko naman
nabanlawan yun.. Kaso ang pinggan..

"Mau, kailangan mo ba ng tulong?" si Angelo.

"Ok lang ako. Inaantok ka na pati. Atsaka magpahinga ka na. Maempacho ka pa.
Ahaha.." napangiti si Angelo at nakinig naman siya sakin.

Lalagyan ko na sana ng sabon yung pinggan nang madulas ang kamay ko.

"Whew! Ang dulas naman kasi." binigay niya sakin ang pinggan.

"Salamat-"

"Tutulong na ako." sinuot niya yung apron. Nagsimula na siyang magsabon ng
pinggan. Napapalayo ako ng konti. Nararamdaman ko parin yung sakit. Ang sakit sa
katotohanan na.. wala lang to. Hindi ko dapat nilalagyan ng meaning ang lahat.

"Sabi ko tutulong lang ako. Bakit lumayo ka?" pero ramdam ko parin ang pintig ng
puso ko..

Nasaktan man ako.. pero patuloy ko parin siyang nagugustuhan.

"n-Nandyan na! Sori huh.."


19.1

Quote

"I'm sorry."


Yun ang reply ni Andrei. Kaya pala. Kaya siguro hindi ko siya nakikitang
affected. Kasi hindi naman siya ganon kasuplado eh. Mabait din siya.

"Pau!"
"Oh?"

"Anu.. salamat nung isang araw." hindi siya tumingin sakin ng diretso. Galit na
naman ba siya? :(

"Salamat.. hindi ko alam kung tama ba akong magalit sayo nun. Hindi nga kita
siguro kilala para i-judge kita. Salamat.. dahil naging kaibigan kita." kahit
nakaside-view siya, nakikita ko ang bahaging masaya at malungkot sa mukha ni
Pau.


Naglalaro ako ng mga games sa internet. Like Family Feud. Since kahit papaano,
yung kalahati ng team ay nakukuha ko na ang loob. Hirap kasi ring kausapin nung
mga taga ibang section not like B and A. Yung mga C and the others, minsan
dinededma na ako. Si Angelo at Zeji lang ata ang kaclose ko sa ganung section. A
and B talaga ang pumapansin sakin. Kaya minsan nahihiya ako. Mabuti na lang at
dinownload ako ni Zeji ng sarili kong games. Pero hanggang kahapon ko pa siya di
nakikita? O dahil di narin niya ako pinapansin at si Andrei narin ang nakasteady
sa utak ko..
Biglang nagbukas ang pinto,

"Tapos na-" nagkaeye-to-eye kami. Walang nagsalita o umalis ng tingin. Matagal
din yun.. kung hindi.. :-[

"Nagluto ka na ba ng makakain namin, labo?" biglang may nagsalita sa likod ni
Drei. Si yabang. Wrong timing oh :(

"Anu.. Nakabili..--"

"Di ka nga pala marunong magluto noh." tumuloy naman si Andrei sa sadya niya.

"Geh, una na ako Daison." byebye Drei. :(

"Ah.. Oo-- eh Este--"

"Nasaan ba ang utak mo? Malabo na nga ang mata mo, malabo pa utak mo.

Masakit ang ulo ko.." agad akong lumabas.

"Saan ka pupunta!!!" sigaw niya kaya napatigil ako.

"Bibili ng gamot-"

"Dito ka lang. Kailangan ko ng bantay." agad akong lumapit sa kanya. Hinawakan
ko ang leeg niya. Napatingin siya at biglang namula ng sobra.

"Lumayo ka nga sakin!!!" tumalikod siya ng higa sakin.

"Pa-pasensya ka na talaga!.. Dai-son." bumalik ako sa computer. Kinuha ko cp ko.
Dinial ko number ni Kevin para ibili ako ng gamot. Napatingin ako kay Daison..
akala ko nakatingin siya sakin. Ang init niya. Sigurado ako na hindi lang sakit
ng ulo yun..

Pinatay ko yung aircon. Lumapit ako sa kanya at nilagyan ang noo niya ng basang
tuwalya.

"Dapat.. si Pau ang nasa posisyon ko e. Sorry huh. Ganito kasi yung mga
napapanood kong movie'ng love story, accidentally. Aalagaan ka ng taong gusto
mo.. panigurado gagaling ka!" may kumatok. Agad naman akong tumayo. Inayos ko
salamin ko..

"Hm.. Salamat!" sinarado ko na agad ang pinto. Hindi ko kilala yung lalaking
yun. Pero nagpasalamat naman ako kaya ok narin yun.

Lumapit ako kay Daison. I poke him. Nagising naman siya. Jacket lang niya yung
nagsisilbing kumot.

"Inum ka muna." bumangon naman siya. Binigay ko yung papel.

"Anu yan?" parang rin pala tong bata. Hindi, may pagkaisip-bata talaga. :D

"Durog na gamot." tiningnan niya ako ng suspiscious look. ???

"Isubo mo yung durog na gamot. Nag-iinit ka kasi talaga.. kaya baka, naisip ko
lang, baka mahirapan ka.." agad niyang sinubo yung gamot. Inubo siya.

"Sandali! Tubig. Tubig!" humiga siya.

"Gusto mo bang umuwi na?" umiling siya.

"Magpapahinga muna ako. Dyan ka lang-" at gaya nga ng sinabi niya nagstay lang
ako sa tabi niya.
Pinatay ko na yung computer. Mga 30 mins. after umalis muna ako dun. Mahimbing
naman ang tulog niya kaya pumunta na ako sa gym. Hinanda ko na lamang yung
kakainin nila.



"Si Daison?" napatigil ako sa paglalakad. Eksakto namang nagbreak sila.

"Tulog. May sakit. Sige balik na lang ako mamaya huh.." tumakbo na ako.


Dali dali akong pumunta sa clinic. Halos tinakbo ko na nga e. Nakakatakot na,
baka dun pa yun matuluyan ..sisihin na naman ako. Tapos ano? Magkaatraso na
naman ako. ;D

Walang tao nung dumating na ako. Kaya kinuha ko na lang basta. May tiwala din
naman sakin si Ms. nurse. Pero di kami close. Madalas lang ako dyan dahil
responsibilidad ko rin ang ibang kaklase ko.

Bumalik din naman agad ako sa clinic. Dahil masyado pang tulog si Daison,
pumunta na lang muna ako sa gym. At nagbibreak na pala sila. Lumapit ako.

"Nakakapagod!"
"Nauhaw ako dun ah!"
"Ang sarap talaga ng mga binibiling pagkain mo Mau. Saan mo ba to binibili?"
hehe! nginitian ko sila. Pero di ko sinabi ang sagot. Chikret! kay kevin ko lang
din nalaman yan e :P

Tumingin naman ako kay Zeji na tumabi kay Angelo. Inakbayan niya to.. at aakmang
kukuha ng pagkain sa snack ni Angelo.

"Wag. Bigay to sakin ni Mau eh."

"Damot nito!-" tinago ni Angelo yung potato chips niya na hihingin ni Zeji.
Napatawa ako ng konti.

"Bakit ka nga pala laging may extra food kay Mau!?" nakuu.. mukhang kailangan ko
ng bumalik kay Daison.

"Stretchable ang tyan nito eh!" tumawa yung iba. Nagpout lang si Angelo.

"Uy kayong lima. Kayo naman ang pumasok. Pahinga lang kami." at bumalik na agad
ako sa office.

Pagbukas ko ng pinto. Gising na siya. Agd akong lumapit.

"Gising ka na pala. Heto inumin mo." hinand ko yung gamot sa kanya.

"Saan ka nga pala pumunta?" kinuha niya yung baso. At tumingin sa hawak ko.
Ganito ang look niya ~.^ "Ano yan? Bakit naging pulbura!?" pagtingin ko.

"Ah.. gamot! Isubo mo na lamang basta sa bibig mo. Hindi naman yan lason eh.
atsaka, ginawa ko ng ganyan .. bka kasi mahirapan kang magsubo." sinamaan niya
ako ng tingin at inirapan.

Ang lalaking talagang to.

"Tss. Sige na." tapos humiga na uli siya.

Habang tinitingnan ko siya. Napansin ko ang maganda posture ng katawan ni
Daison. :P ang hot pala niya. Bukod sa pagiging gwapo. Ang suplado lang. XD
Tapos maya maya.. bigla akong nakatulog.



Hindi pa man nagtatagal. Narinig kong nagbukas ang pinto. Pero antok na antok
parin ako.

"Nandito ka pala.."

"Anung balak mo?" medyo naririnig ko yung usapana. Pero parang pagod na pagod
ako para idilat ang mga mata ko.

"Kaming dalwa lang ang nasa kwartong to. Anu kayang gagawin ng isang normal na
lalaki?--



Masakit ang ulo ko. Thanks cuz!" hanggang sa nakatulog na talaga ako ng tuluyan.
(-.-)


20.1

Mga 1 buong araw ding nawala si Daison. Malapit naring magNov..

"Mau, turuan mo nga ako dito sa part na'to." hindi pa nagsisimula ang klase.
Pero ganito na ang malimit namin gawin ni Pau. Nag-aaral kami bago magsimula ng
klase.

May biglang pumasok sa room namin.. nagets naman agad ni Pau yung tinuro ko.
Napatingin ako sa new face..

"Pau.. Sino-" tumingin yung guy sakin. Pati si Pau napatingin. Lumapit pa yung
guy.-

:o

"Yung lunchbox mo nakalimutan mo!" nanlaki ang mata ko. Napatayo ako, inayos ko
salamin ko.

"K-k-k-Kevin?" inayos ko ng paulit-ulit ang salamin ko. Bakit walang suot na
salamin si Kevin?! :o :o

"Oa! Kaya pala nandedma ka pagkatapos mong magpabili ng gamot." tulala parin
ako. Hinila naman ni Pau ang palda ko kaya napaupo ako.

"It's your turn, tuturuan naman kita sa chem." inayos ko salamin ko at sinulyap
muli si Kevin.

Ibang-iba siya sa look niyang yan. :D

"Mas gumwapo si Mr. Gil diba. Mas bagay kay Kevin ang walang salamin. :)"
napatingin din naman ako. Somehow, parang naging Hot si Kevin, ang gwapo nga
niya..



"Mau, 3 huh! Kailangan nasa auditorium ka na huh!" inayos ko salamin ko at
paulit-ulit na tumango.

May yakap-yakap akong libro at ngayon ay patungong rooftop. Naglalakad ako sa
may corridor ng 4th year nang.. may narinig akong nag-istrumming ng gitara. May
nagpapatugtog. Ang ganda ng pagtugtog niya. Ang linis.

Isang lalaking nasa sulok, maputi.. estudyante ng 4-A. Nagsimula na siyang
magpapatugtog ng something.. Ang ganda.. Hindi ko man alam ang kantang yun pero
ramdam ko kung paano niya kantahin.

Napaleaned ako sa pader. Sa kabila ng pader ay siya naman ang nakaleaned. Isang
pader lang ang namamagitan samin kaya rinig na rinig ko yung boses niya.

A A E E
The stars lean down to kiss you
Fm Fm D D
And I lie awake and miss you
A A E E Fm Fm D D
Pour me a heavy dose of atmosphere
A A E E
'Cause I'll doze off safe and soundly
Fm Fm D D
But I'll miss your arms around me
A A E E Fm Fm
I'd send a postcard to you dear
D D (A A E E D D Fm Fm)2x{lead into next verse}
'Cause I wish you were here


A A E E
I'll watch the night turn light blue
Fm Fm D D
But it's not the same without you
A A E E Fm Fm D D
Because it takes two to whisper quietly
A A E E
The silence isn't so bad
Fm Fm D D
Till I look at my hands and feel sad
A A E E
'Cause the spaces between my fingers
Fm Fm D D
Are right where yours fit perfectly
(A A E E Fm Fm D D)2x

A A E E
I'll find repose in new ways
Fm Fm D D
Though I haven't slept in two days
A A E E Fm Fm D D
'Cause cold nostalgia chills me to the bone
A A E E
But drenched in vanilla twilight
Fm Fm D D
I'll sit on the front porch all night
A A E E Fm Fm
Waist-deep in thought because when I think of you
D D A A E E Fm Fm
I don't feel so alone
D D A A E E Fm Fm
I don't feel so alone
D D A A E E Fm Fm D D
I don't feel so alone


A A E E Fm Fm
As many times as I blink
D D A A E E Fm Fm D D A A E E
I'll think of you tonight
Fm Fm D D A A E E Fm Fm D D
I'll think of you tonight

*switching chords*

B B F F
When violet eyes get brighter
Ep Ep F F
And heavy wings grow lighter
B B F F Ep Ep F F
I'll taste the sky and feel alive again
B B F F
And I'll forget the world I knew
Ep Ep F F
But I swear I won't forget you
B B Ep Ep F F
Oh, if my voice could reach back through the past
Ep Ep F F
I'd whisper in your ear,
Ep Ep F B
Oh darling I wish you were here
[/Yung boses nung guy, imaginary voice na kagaya ng owl city]


Napakagaling kumanta. Nararamdaman ko yung emotions niya. Wala namang tao at
bukas yung pinto at ibang bintana, nag-iisa ba siya sa loob.

Natapos siyang magpatugtog nung sumilip ako. Wala akong nakitang tao nang..

:o



Si Andrei!? 8)

Bigla siyang bumulaga sakin na nanggaling sa ilalim. Yumuko ata siya.
Nagkatitigan kami..




walang may ayaw bumawi ng tingin.


21.1

"Mau!" sigaw ni Pau habang kumakaway. Nakatungo ako habang papalapit sa tabing
upuan ni Pau.

"Mabuti naman at nandito na lahat." si Daison ang President ng Club since siya
naman ay maraming experiences sa activity.

Inayos ko ang bangs ko. Ang daming nakapasok. Sigurado ako na mahuhusay sila
since nakikita ko namang magaling pumili tong si Daison, mabuti na lang at
magaling na siya. :)

"Magkakamerond tayo ng iba't-ibang grupo. Nalalapit na ang Halloween,
magkakameron ng Incoming Program ang Club. At lahat tayo magpipresent!"

45 ang members ng club kaya 9 group ang mangyayari.. 5 per group.

"Yung nakaaasign na group parin ang gagawin nyong role! Kung wala kayong singer,
instrument ang gagamitin niyo base kung saang group kayo!
At kung puro singers naman kayo.. mag-isip kayo ng paraan para hindi magmukhang
baduy yung group niyo!" nakatungo ako habang tinitingnan kung anung group ako.

"6?" hinahanap ko ang group 6.

Nakita ko si Angelo kinakawayan ako. Tumingin ako sa paligid para maniguradong
kung ako nga yun. Lumapit ako sa kanya.

"Hi Mau!"

"Group anu 'to?" nakatungo kong tanong kay Angelo.

"Magkakagroup tayo. Ako, ikaw, si Daison, Rhea, at si Andrei." parang
naemphasize yung name ni Andrei sa utak ko.

Pinaupo ako ni Angelo sa tabi niya. Napalingon naman ako kay Andrei. Naggigitara
talaga siya.. ngayon ko lang siya natitigan ng ganong kalapit.


Parang tumigil yung oras namin nung aksidenteng nagkatitigan kami sa may
bintanang yun. Magkatitigan kami na para bang walang may ayaw na pigilan yun.
Umayos na lang kami ng tayo nung maramdamam namin medyo matagal din yung titigan
na yun.

"Yung sintas kasi ng sapatos ko." sabi niya habang inaayos yung buhok niya.

"So-sorry!" tumungo ako.

"Ah?-" napatigil siya. Medyo napatungo siya at may narinig ako..

"Ahahaha.. talaga palang tama si Daison. ahahaha.. puro sorry lang ang alam mong
salita!" tumatawa siya habang nasa noo niya yung kamay niya. Ang cute tingnan ni
Andrei sa pagtawang niyang yun.. ang gwapo niya talaga.. lalo na sa malapitan.

Tumingin siya sakin ng seryoso,

"Hindi.. totoo yun.." sabi ko na parang nangunguso pa.

Pero naghalfsmile naman siya. At tumawa ng konti..


Hindi lang sa tingin si Drei, kung gusto ko talaga siya. Dapat ipaglaban ko siya
diba? At dapat handa akong masaktan para sa kanya.

Bigla siyang tumigil sa pagstrumming. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Pero.. ngumiti siya. :) :o

Medyo nag-init pakiramdam ko pero masaya ako.. sobra!

"Ok dito nagtatapos ang meeting. May 2 araw lang tayo para sa practice. Ang
program kasi ay gaganapin pagkatapos ng monthly tournament namin ng basketball
team. Gabi yun."

"3 araw na lang pala at laban na nila." may humawak sa balikat ko.

"Kaya galingan mo Mau sa pagsuporta samin." nagnod ako. Kita ko si Andrei sa
likod ni Angelo. Ang gwapo niya talaga.


"Hoy labo! Wag ka munang uuwi mamaya. Bukod sa may practice ang team,
magkakameron tayo ng maagang practice para sa Club!" sabi ni Daison habang
papalapit sakin.
Inayos ko salamin ko. "Oo, tutulong ako ng mabuti sa team." tapos umalis na
siya. Dedma ba yun.

"Medyo gumagaan na ang loob sayo ni Fafa Dai." ngumiti ako.

"Andrei!" kinalibutan ako nung biglang isigaw yun ni Angelo. "Tara na!"
naramdaman ko naman ang presence ni Andrei sa likod ko.



Habang nagpapractice yung iba, yung members naman na taga C and F ang mga
kakulitan ko sa bleachers. Iba't-ibang technique daw para macheer ko ang Team
ang tinuturo nila sakin. May nakapamewang na style na galit na expression.
Tatawa sila at magbubulungan.

O di naman kaya itataas ko kamay ko ng paulit-ulit sabay sabi ng 'Mga Kulugo
takbo/Depensa/Rebound' kung anu-ano pa. Kaso masyadong mahina ang boses ko. Pati
yung mga naglalaro naaabala ko na sa mga pinagkikilos ko. Sama nga ng tingin ni
Daison sakin eh. Tatawa naman tapos yung 5, medyo mukha na ata akong tanga.

Naglalakad kaming apat sa diliman papunta kina Daison. Tahimik lang sila. Galit
pa ata..

Tiningnan ko si Andrei. Pati siya nakatingin sa kawalan.. habang nakaheadphone,
nakikinig ng kanta at daladala yung gitara niya habang nasa pocket yung kamay
niya. Ang cool niyang tingnan. Parang rockista, malinis nga lang at maaliwalas
dahil sa maayos niyang uniform. Ang cool.. at ang swerte ng magiging gf niya.

"Kung may nagawa man akong mali, sori na." napatungo ako.

"Bakit mo kasi kailangan pang mag-act ng ganun kung hindi ka naman ganon."
"Gusto ko lang naman kayong i-cheer."

"I-cheer mo kami, sa paraang alam mo." ang cold na talaga niya. Inakbayan naman
ako ni Angelo.

"Yung kung paano ka mag-act kanina. Ganun kasi si Kristelle.. :-[ at hindi
maganda kung ipapaalala mo ang senpai manager namin. Matagal kasi namin siyang
nakasama. Magulo talaga kami nun.. at sigurado kung ikaw nasa pwesto ni Telle
nun, baka sumuko ka na. Halos lahat samin mga tipong gangster." napalingon ako
kay Andrei. Rinig ba niya pinag-uusapan namin?

"Kahit si Drei." singit ni Daison. "May pagkaemo kasi ang lokong yan. Moody pa..
pero hindi siya emo magdala ng damit huh." parang ako ba nun?

"Lagi na lang siyang sinisigawan ni Telle. Hindi naman ganun kagalit galit si
Drei kung iisipin. Siya pa nga ang pinaka matino samin. Pero snob kasi yan e,
seryoso at tahimik. Di gaya ni Daison namamansin pa yan eh at medyo magulo, pero
si Drei nun, snob lang siya kahit kanino. Ni di nga niya kami pinapansin e, wala
siyang trust sa lahat sa di malamang dahilan."



Nasa bahay na kami nina Daison. Nakaupo ako at nakikinig kay Angelo.

"Pero nabago ni Telle ang ugali ni Drei. Dakilang snobhater si Telle kaya ginawa
niya lahat para mapansin siya ng first love niya. At yun nga si Drei."

Pumasok na kami dun sa parang underground nina Daison. Madilim yung place pero
nung binuksan na ni Daison yun ilaw. Yung place na yun pala ay pinagpapraktisan
ng gig nila. Ang ganda. Parang mini stage ng isang band.. Tapos may billiard pa,
video game, at laruan ng dart. Ang ganda..

Napatingin ako kay Andrei, nag-istramming na muli siya.
Si Kristelle, first love pala niya si Andrei simula ng magfirst year tong si
Drei sa school nila. Si Andrei kaya, anu bang tingin niya kay Telle? Naalala ko
tuloy yung sa may documents niya, nasasaktan lang ako pagnaaalala yun.

"Mau!"

"Huh?" nakatingin si Drei sakin. Nagblush ata ako. :-[

"Dito ka sa tabi ko. Magpapractice na daw tayo, kanta ka ako ang maggigitara."
ang gwapo niya para kausapin ako.

Lumapit naman ako kaagad. Nakakausap at nalalapitan ko na si Drei. Tumingin siya
sakin, eye-to-eye at talagang sakin lang siya nakatingin habang inistrumming
niya ang gitara niya, napaiwas naman ako. :-[

"Nandito na ako!"

"Late ka na naman!" Rhea name niya diba?

"Pasensya naman. Ah?- Hi 4eyes!" napatawa ng konti si Drei. Nakakahiya to.. :-[
22.1

Habang kumakanta, sa kanyang mata lang talaga ako nakatingin. Paano, sabi daw ni
Daison kailangan daw na manggagaling sa puso yung kanta. Ang di ko pa alam
vinivideo kami ni Rhea kaya todo kaba ako. Pero wala namang sinabi si Andrei.
Parang wala siyang pake.. yung gitara lang niya ang pinpakelaman niya. :(

"Anu yang pinapanood niyo? Nagpraktice na ba kayo?" may kasama siyang yaya..

"Kainan na ba?!" sabay na sabi nina Rhea at Angelo.

"Drei, Mau! Tara!-" yaya niya samin. Patayo na ako nang tinawag naman ako ni
Daison.

"Halika muna dito. Pagpractisan natin ang boses mo." lumapit naman ako sa kanya.
Napansin kong nakatingin samin ang mga mata ni Andrei.

Medyo kinakabahan ako. Umupo ako sa tabi niya. Pero mas nilapit pa ni Daison
yung upuan. Hindi na nakatingin si Andrei. Nakatingin lang ako sa kanya at di na
siya lumingon. Mabuti pa sina Angelo at Rhea nakatutok sa ginagawa namin ni
Daison.

"Go."

Pumasok sa isip ko ang mga tingin at titigan namin ni Andrei. Mas lalo pa akong
kinakabahan. Feeling ko hindi ako makahinga kanina.

Hindi tumitingin si Daison, nakasteady lang siya sa gitara niya. Ako naman
nagpapatuloy lang sa pagkanta.

At nung matapos.. pinanood namin yung video.


"Wow! Ang ganda talaga ng boses mo Mau. Parang singer ka talaga. Ang sarap ulit-
ulitin."

"Ang ganda ng kuha niyo."

Inulit-ulit ni Angelo yung video. Pati yung video2 e tiningnan nila ng mabuti.
Medyo nagtataka lang ako. ???

"Napansin mo?"
"Oo. Nagbablush si Mau nung video nila ni Daison." nakatitig ako kay Andrei.
Bigla siyang tumigil sa pag-aayos sa gitara niya.

Napatingin naman ako kina Angelo. Tapos medyo nagtataka rin ako kay Drei.

"Pero kung titingnan. Mas nakakakilig ang video nila ni Andrei." medyo naubo ako
sa gulat. Anu bang sinasabi nila. Nag-iinit ang pisngi ko.

Pero paglingon ko kay Andrei. Wala na siya sa pwesto niya. Saan na siya pumunta?
:(

"Mas nakikita ko yung romance sa video nila ni Andrei. Nagtititigan kasi sila.
At parang bang may feelings sila pareho sa isa't-isa." anu daw. :-[

"Anu ba yang sinasabi niyo.."

Pinilit kong agawin ang atensyon nila kaso masyadong nakatutok yung atensyon
nila sa video. Nakakahiya yung mga pinagsasabi nila.

"Pero hindi naman namumula si Mau dun sa video na kasama si Drei. Parang di pa
nga siya mapakali sa pwesto niyang kasama si Daison. Naiilang siya!"

"Pero tingnan mo kaya kay Drei. Nagtititigan sila hanggang end nung kanta. Ang
mga mata nila parang may pinahihiwatig na something."

Something. Mabasa kaya ni Andrei na may gusto ako sa kaniya? Kung ganon.. kaya
ba wala naman akong nakikitang special sa mata niya dahil.. wala siyang pakelam
sakin. Di rin niya ako kilala. Di niya talaga ako napapansin. Ngayon lang dahil
kailangan.

Biglang tumunog ang phone ko. Hindi parin tumitigil ang pag-uusapan nila Angelo.

"Hello?" sina Kevin.
"Ah uo, patapos narin kami." pumasok na si Andrei. Nagkatinginan kami pero
umiwas agad siya. :(

"Hindi pa kasi kami tapos. Mag-iingat ako." masyadong nag-aalala si Kevin.

"Diba tinuruan mo na naman akong magcommute. Kaya wag kang mag-alala. Mag-iingat
ako." sabi ko.

Mawawalan pa kasi na kasama si Kerlin kung mag-aabala siyang sunduin ako dito.
Nagbye na ako. Pagkatingin ko sa kanila. Walang pumansin sakin.. debale sa mga
masasamang tingin ni Daison.


"Sino yun? Yung malaboyfriend mong malabo din ang mata. Ay di na nga pala. Sa
bagay, may itsura naman yun. May gusto ka sa kanya noh?" nakita kong nagbulungan
sina Angelo na para bang kinikilig pa.

"Boyfriend? Gusto? Si Kevin ay-" naagaw naman atensyon ko nung tumayo si Andrei.

"Uwi na ako." tuluyan na siyang lumabas. Nakatingin parin ako sa kanya.

Bakit ba siya ganon. Pagmoment ko.. parati niyang binabalewala. Nagsasalita ako
para mapatunayang wala akong pinag-iinteresang ibang lalaki.. :(

"Sandali lang, sabay-sabay na tayo Drei!"

"Sige na. Baka magalit na naman yung kumag na yun sakin. Piling talaga bf..
tsk!" nang-irap pa siya. Bumulong pa rinig ko naman.

"Tara! Mau!"
Nangungunang maglakad si Andrei. Parang talagang lagi siyang walang pake. Kailan
ba niya ako papansinin?

"Ang lalim ng iniisip natin ah." biglang lapit ni Rhea. Nakatingin parin ako kay
Andrei. Inayos ko salamin ko.

"Matagal ko ng kilala si Daison. Nagseselos yun." medyo muntik pa akong matakid.

"Anu bang sinasabi mo,"

Tumawa siya.
"Siguro nalove at first sight siya dahil sa lovable punch mo."

Nakuu naman.. baka marinig yan ni Drei. Ayokong mag-isip siya ng kung anu-ano.
Bakit ba humantong ako sa ganito. May mga taong napapalapit nga sakin.. pero
bakit may common friends na kami.. hindi parin ako belong sa buhay niya.

"Wag niyo ngang lagyan ng malisya ang mga ginagawa niya. Masyado lang talaga
siyang galit sakin." sana marinig mo Drei..




"Nandito na ako."

Nakauwi na ako matapos namin maghiwa-hiwalay sa lrt. At ngayon nandito na nga
ako.. pero ang likod parin ni Drei ang nakikita ko. Bakit matapos naming kumanta
hindi na niya ako pinansin? Kaya lang ba niya kinausap dahil utos ni Daison.

"Nakakapagod."

Pagdating ko sa salas nadatnan ko si Kevin. Tulog siya. ??? Hinintay ba niya
ako? May biglang pumasok sa utak ko. Hala.. iniwan ko na naman ang pinto kong di
nakalock. Kaya pala siya nakapasok. Lagot ako sa kanya paggising niya.

Pumunta ako sa kwarto.. kinuha ko siya ng kumot. Pagkalatag ko ng kumot sa
katawan niya.. nakita ko ang table na may pagkain. Sinilip ko yun. Mga fav. ko.
Nag-abala pa siya. Napangiti ako. Di lang yun.. nandun din yung pagkaing palagi
kong pinabibili sa kanya para sa team. :-[


Palagi na lang si Kevin andyan..


23.1

"GO DRED TEAMmmmmmmmm~!!!"

Ang sigaw ng ped squad namin. Sa karamihan ng tao, kahit papaano ay nakakahabol
pa ang boses ng mga supporter namin. Pero ang totoo.. mas kinakabahan ako.

"Miss heto na yung mineral." kukunin ko na sana yung 15 minerals na nakabalot..

"Magandang laro panigurado to. Sync Team vs. Dred Team, sino naman kaya sa
kanila ang mananalo? Nung taon Sync ang champion diba?"

Bigla kong nailaglag. Nanlambot kasi ang kamay ko nung marinig ko yung about sa
laro.

"Mau!" hindi na ako lumingon pero dalwang lalaki ang lumapit sakin. Tinulungan
nila ako.

Nasira na yung plastik kaya pareparehas na kaming nagdala. Nararamdaman ko ang
pangangatog ng paa ko. First time kong kasing maging manager ng isang basketball
team at makakasama din nila ako sa loob para subaybayan ang galaw nila. Dapat
talasan ko ang paningin ko kasi baka may mainjured sa kanila, dapat may
confidence ako para makasabay ako kay coach sa pagchicheer sa kanila, at idouble
time ko yung bilis ko at sipag oras na magtime-out. Wah.. sasabog na ang utak ko
sa sobrang takot sa crowd. :-[


"Nandito na kami!" kumuha sila ng isa-isang mineral.
"Kinakabahan ka?" tanong ni Zeji sakin. Nagnod naman ako. Inakbayan ako ni
Angelo.

"Don't worry gagalingan namin." nakakabuti naman yung ngiti nila pambawas ng
kaba. Chilax Mau, chilax! Sigh.

"Galingan natin team!!!"

"WOooooooo~!!!" pinagpatung-patong nila ang kamay nila. Napansin ko rin yung mga
excited at nakangiting labi nila. Mas kinakabahan pa ata ako sa kanila ah-

"Ah?" nakatingin pala silang lahat sakin. :-[

"Tara manager!" nginitian naman ako ni coach. Papalapit na ako nang mapansin ko
si Drei. Nakaakbay sa kanya si Daison.

Nakatingin siya pero agad din namang umiwas nung pumagitna ako sa kanila ni
Daison. :-[ Hindi ko sinadya yun ah. Nilagay ko na yung kamay ko. Nasa ilalim ng
kamay ko ang kamay ni Drei. Parang nahawakan ko narin ang kamay niya.

"GO.GO.GOoooooo~!!!" medyo natuwa ako sa ginawang pagsigaw nila. Tinaas nila ang
mga kamay nila habang sumisigaw. Diko naman alam ang gagawin.. pero nakahawak
ang kamay ni Daison sa kamay ko. Nung binitiwan niya agad ko namang hinawakan
ang kamay ko. :-[ ???

Nag-init ang pakiramdam ko. Tiningnan ko naman si Daison pero kasabay niyang
nagtatawan lahat. Hindi niya siguro sinasadya yun. Napatingin ako kay Drei,
ngiting-ngiti siya. Napatingin naman siya nung nagkabungguan ang mga braso
namin, nahuli niyang nakatingin ako sa kanya, medyo ngumiti siya ng fake at
napatiklop ang mga kamay niya. Ewan ko ba kung naiilang siya.. Pero nginitian
niya rin ako, hindi naman ata. :(

Ang saya. Natuwa narin ako. Saka ko naman napansin si Zeji na nasa harap ko.
Nakatingin siya sa kamay ko. Sa kamay na hinawakan ni Daison. Iniwasan niya ang
tingin ko at tumingin ng masama sa bahaging tabi ko.. kay Daison. Napatingin
naman ako kay Daison.. nag-evil smirk siya kay Zeji.

"Tara na!" anung problema? ???



Nakaupo na ako na meron pang table. Katabi ko si coach na nakacrossed-arms.
Nakaupo narin ang iba. Di lahat nandito, mga sampo lang, mga seniors at si Zeji
at Angelo na 3rd year. Siguro si Zeji ang next kay Andrei as team captain.
Nagwowarm-up naman yung lima. Si Andrei, Daison, Zeji, Angelo at Chad- siya yung
mabait na senior na nginitian ako nung nakapasa ako sa club.

Pumito na ang referee at magsisimula na ang laban.

Nagkamayan ang mga lalaban. Pumwesto na rin sila. Nung pumito muli ang referee
agad na napunta samin ang bola dahil kay Angelo. Di naman kasi siya ganong
kataba na parang ang bigat-bigat. Chubby siya na katenga ni Andrei at Zeji.
Matakaw lang talaga siya kaya tabachoy.

Nakapoint agad kami. Naging mainit ang laban. Hanggang sa natapos ang 1st
quarter. 14 to 9, mas lamang ang kalaban.
Nung mag2nd quarter, nagsimula ng gumalaw-galaw ang team. Di ko masyadong
mapansin si Drei, si Zeji ang napapansin ko. Siya lang kasi ang nakakalay-up ng
paulit-ulit. Nasa kanya pa ang atensyon ng mga babae sa buong gym. Ang lakas ng
appeal niya, paanong hindi may kasamang matatamis na ngiti ang laro niya. Naku
oh.. saka ko palang napansin si Drei. Masyado akong nacarried-away sa hiyawan ng
mga babae dahil kay Zeji.


"DEFENSE! Defense!~"
"GO SYNC/DRED TEAMmmmmmmmm~!!!"

45-44 ang scores, mas lamang parin ang kalaban. Masyadong seryoso sina Andrei at
Daison. Nakakapagslumdunk naman kahit papaano sina Daison at Chad. Ang defense
ay kay Angelo. Ang Lay-up kay Zeji at ang 3-pointer ay si Andrei.

Hindi pinapasok sina Zeji at Andrei sa loob ng game nung 3rd quarter. Binigyan
ko sila ng tuwalya at tubig. Tinitingnan ko si Drei habang seryosong pinapanood
ang team. Ganito pala siya. Ang dami ko pa palang di alam, ngayong medyo malapit
na ba ako sa kanya. Mas makilala ko pa ba siya at malalaman ang lahat ng ugali
niya, ang iba't-ibang mood niya? :)Nagpatime-out siya nung medyo pagod na sina
Daison, Chad, at Angelo. Sinabi niya ang strategy at dapat gawin sa mga pumalit.
Ang first 5 naman ang namamahinga, at maigi nilang pinag-aralan ang galaw ng
kalaban.

55-55, tabla. Pumasok na muli sila nung 4th quarter. Mas nakakatense pala kapag
patapos na, mas umiinit ang laban. Kulang nalang isipin mong magsusuntukan yung
mga players.

*PRTttttt~*

Tapos na. Naghiyawan lahat.

"WOooooo!!~"

65-70 ang scores. At...

Bigla akong niyakap ni Angelo. :-[

"PANALO TAYO Mau!!!" nanalo kami. :-[ :D

"Ahaha.." binitiwan naman niya ako kaagad at nakipag-hi5 sa kasama. Ang saya
nilang tingnang lahat.

Si Drei na muli ang tinitigan ng mga mata ko. Pinat nila ang ulo ni Drei at
nagkaakbayan sila habang tumatawa. Ang cute tingnan ni Andrei.

"Ang galing talaga ng DRED!!!" tawa ng tawa silang lahat. Ang sayang tingnan ni
Drei.

"Hm. :)" tiningnan niya ako. Nahuli na naman niya ako. Nakangiti siya sakin.
Nakatingin at nginingitian ako ni Drei. Anung gagawin ko.. nagpifreeze ako,
waaaah.. nagtititigan kami.

"Masipag talaga ang captain niyo."

Sigh. Naputol ang pagtititigan namin.. may sinabi kasi si coach. Pinat niya ang
ulo ni Drei.

"Congrats senyo!"
"Salamat, Coach!" sabay-sabay nilang sabi.
Napakasaya ng araw na'to. :)
24.1

Masyadong pagod ang lahat sa mga activities and events na nangyari. Lalo na
kami.. ang Dred team. Pagkatapos kasi ng basketball ay yung concert. Tapos
ngayon.. 2 days na lang at Periodical!

Lahat kami todo review, ngayon pa't talagang mahina pa ako sa chem.. pati ata
ang geometry ang hirap eh. Mga problem solving pero formula kakaunti. Paano na
ang pagiging kasali ko sa honors. :(

"Heto Mau, lahat ng librong yan pag-aralan mo huh." 5 libro agad ang binigay ni
Kevin. At lahat ng topic na kelangan namin nakatupi.

"Wow ang sweet ni Kevin."

Inayos ko salamin ko at nilingon ang nagsalita. Si Pau, dala niya ang notes niya
sa chem.

"Heto, papahiramin kita nito. Basta pahiramin mo ko ng lahat ng notes mo."
ngumiti ako.

"Oo."


Tinulungan nila ako. Kahit sa ibang klase, todo aral ako. Ngayon lang ako
nahirapan sa computation dahil sa ibang problem solving na wala namang formulas.
Topnotcher pa man din ako pero ibaba ko pa ngayong 3rd year.
Mabuti na lang kamo at pahinga ang basketball team. Kaya studies na lang sila at
wala munang practice. Minsan kapag vacand kami, paulit-ulit kong tinitingnan
yung mga copies ng examples ni Pau. Buti na lang at nakakatulong yun..
Kung minsan naman, binibigyan ako ni Pau ng chocolate. Mas nagiging matibay na
ang friendship namin at masaya ako..



"It's the ratio of the number of moles of one component of a s-s-solution-"
kumagat ako ng burger, lunch ko na to.. kailangan ko talagang magsaulo. At kahit
papaano eh narerecall ko pa yung mga nasaulo ko kakanina ng walang copies.

"solution.. of the total number of moles.." walang tao ang 4-A. Nasan kaya sila?
At bakit ako nandito? "..of all the.. com..p-ponents."

Napatigil ako. Nakita ko si Drei. Hindi ba siya naglunch at nag-aaral siya?

"Aish! Kaasar naman to oh!-" naagaw ang pansin niya nung nahuli niya akong
nakatingin.

Humigop ako ng juice at iniwasan ang tingin niya. Naglakad ako ng sobrang bagal.
Kinakabahan kasi ako at feeling ko tinitingnan niya ako. Pumapasok sa isip ko
yung ngiti at tingin niya sakin kahapon. Hanggang ngayon.. ramdam ko parin yung
saya.. at ang kilig-

"Mau!" napatigil ako. Muntik pa nga ako maubo.

Dahan-dahan akong lumingon. Tama ang hinala ko, nakatingin nga siya sakin.
Ngumiti siya ng papilit.. pinagpapawisan siya at parang naiilang sa hiya.



"Di ako makapaglunch hangga't hindi ko napapasaya ang cathleya'ng to. Late kasi
ako kanina.. at 10 na ako nakapasok," nakatungo ako habang nakikinig sa kwento
niya.

Nandito ako sa room ng 4-A, ang room ni Andrei. Katabi ko siya, kausap niya ako
at marami na siyang nasasabi, kinukwento niya ang mga nangyari sa kanya.. at
tinawag niya ako.. sa pangalan ko! Ang saya ko!

"Nakakahiya talaga ako. Section A pero di ko kasi talaga maintindihan ang lesson
nila kanina. Yang blackboard lang ang guide ko." tumingin ako sa board.

"Imposible man dahil mas mababa ang year mo sakin.. pero pwede bang.." turuan
kita?

"..dito ka lang."

:o

Napalunok ako ng 10 beses. Akala ko tama ang iniisip ko.. pero ang samahan siya.
Nagfreeze ako.

*thump.thump*

Ang bilis ng heartbeat ko. Pwede na akong mamatay. Di ako pwedeng sumilip sa
mukha niya.. baka makita niyang.. ang saya-saya ko.

"Dito ka lang.. kasi wala akong kasama. Kailangan ko ng tulong.. nahihirapan
kasi ako.." hindi parin ako umiimik. "Manager ka naman namin diba.. kaya.. pwede
kitang kausapin. Tulungan mo naman ako.." kawalan ka Andrei. At mahalaga.. ang
lahat ng ginagawa mo sakin ay binabaon ko bilang magagandang alaala.

"Sige.. dito lang ako." halos magusot ko na ang palda ko sa sobrang kaba.
Naramdaman ko ang pagngiti niya.

"Thanks."

Unti-unti.. sinubukan ko siyang tingnan. Parang may bago.. bakit niya ako
kinakausap? Bakit sa lahat ako pa? Bakit.. gusto niyang samahan ko siya?
Nararamdaman ko yung saya.. ang saya-saya ni Drei.



"Thanks po Miss."

Mabuti naman at nakaabot siya sa pagpasa at 30 mins. Ngumiti pa siya.. parang
may magandang nangyari sa kanya.

"Salamat! Mau.." nag-init ang pisngi ko.

"Tara lunch tayo.. libre kita."

"w-Wag na lang, hindi naman kasi ako nagugutom. Ok lang.."

Tumahimik siya bigla.

"Ang ganda ng araw na'to noh?" sa langit siya nakatingin. Alam kaya ni Andrei
ang nararamdaman ko ngayon. Na sobrang saya ko kasi nakakausap at nakakasama ko
na siya. Pinaparinggan niya kaya ako?

"Para sayo, masaya bang makasama ang taong mahal mo?" tumingin siya sakin.

Bahagya akong napatungo. Nararamdaman ko ang mabilis na kabug ng puso ko.
Kinakabahan ako ng sobra.

"5 months na lang at.. college na ako." pabulong niyang sinabi yun. Napatingin
ako sa kanya. Alam kong di niya sinadyang marinig ko yun.
Anung meron sa college? ???
"Kapag nagcollege ako. Hinding-hindi kita kakalimutan."


25.1

'Pag nagcollege ako, hinding-hindi kita kakalimutan' aalalahanin niya ako. May
lugar na ako sa puso ni Drei. Hindi niya ako kakalimutan.. special ba ako kung
ganon.. masaya ba siyang nakakasama ako. Hihi..hayyy~

"Ah?"

:o

"k-k-Kevin!" tumungo ako at inayos ang salamin ko. Binalikan ko yung reviewers
ko.

"Bukas.. ang, Periodical natin! Matatapos na naman ang isang grading. At
pagkatapos nun.. wala tayong pasok. Halloween na.. pupunta tayo sa sementeryo.
At magiging BUSY tayo! Anu bang iniisip mo Mau!" tungong-tungo ako sa sinabi ni
Kevin. Nakita niya akong nakatulala at parang tanga.

Ayy.. di na bago yun sa kanya. Mukha naman talaga akong tanga lagi-lagi, isip
moron pa. Sigh.

"Pasenxa na Kevin. Nag-aaral naman ako.. pero hindi ko lang maiwasang palaging
may maalala." hindi siya makasagot. Nag-aral na lang muli ako.

"Sa 4th year.. hindi ko na gagawin komplikado lahat. Mas susubaybayan pa kita..
Mau, pasensya ka na." napatingin ako sa sinabi niya.

Kung iisipin nga, parang dito lang kami close ni Kevin. Di niya ako masyadong
pinapansin sa school.

"Ok lang naman tayo diba?"

"Ang 4th year kasi.. ang.. hmm- Basta! Parang ayoko pang magcollege!"

Si Kevin ayaw magcollege.. pero si Andrei sabik na. Anu bang mangyayari
pagnagcollege sila? At feeling ko may kaugnayan yun sakin? Biglang binaba ni
Kevin ang salamin ko.

"Sige na mag-aral ka na!"

Medyo di ako mapakali. Yung heartbeat ko.. parang kinakahan sa mangyayari.



Nagring ang bell at nagsimula na kaming magsagot ng mga testpapers. 3 testpapers
dirediretso atsaka magrerecess. Magkakameron ng 30 mins. breaktime. Then ang
MAPEH. Atsak ang lunch. Tapos the rest subject na muli. Medyo mahirap yung chem
at math pero, naalala ko din yung mga pinag-aralan ko at mga techniques to guess
what formula should I use.

*Din..don..dan..don*

"WOoooooooo!!!~"

Lahat ay nagsigawan. Kahit saang rooms na malapit samin, maririnig mo ang iba't-
ibang hiyawan. Ang saya! ::D


Nagsiuwian naman ang lahat ng estudyante. At medyo kaunti na lang ang natira.
Habang inaannounce naman na mawawalan nga kami ng 1 week class at Nov. na.
Naglakad-lakad ako sa corridor papuntang G.C. Office. Tinext kasi nila ako na
nandun si Pau. Sa miror pa lang ng pinto.. kitang kita na ang saya-saya nilang
tingnan with Pau. Medyo nagtataka na nga rin ako sa closeness ng mga to kay Pau.
Pumasok sa isip ko ang about kay Daison.. you know nandito si Pau.

"Ah!" nilingon ko yung kumulbit sakin.

"Angelo bakit nandito ka sa labas?" sabi ko habang lumilingon sa loob.

"Nahihiya ako." nagbablush siya. Di ko rin to maintindihan kung minsan.

Pumasok na kaming parehas sa loob. Konti sa kanila nakuha namin ang atensyon.
Nginitian ako ni Drei at yun din ang ginawa ko sa kanya. Nakikita ko si Daison.
Masaya silang nakikipagkatuwaan kay Pau kahit di ko naman alam ang pinag-uusapan
nila. Pero mas nakikita ko yung happiness ng love sa pagitan ni Pau at Daison.

"Bagay talaga sila noh?" bulong ko kay Angelo.

"Sa tingin mo? Pero si Daison.. wala naman kasi..-"

"Dapat icheer natin si Daison. Minsan lang yan sa tulad niya. Ahahah!" biglang
tumingin si Daison sakin.

"Kain na tayo."
"Oo."

Umalis na ako kahit nakatingin parin si Daison sakin. Hindi ko talaga mabasa ang
tingin niya pagsakin na.

Kumuha ako ng juice. Uminom ako. May biglang lumapit sakin. Binigyan niya ako ng
cake. Tumingin siya sakin..

"Hmm.. Anu.. Tagal narin ah." nagkamot siya ng ulo. Tiningnan niya ako eye to
eye, walang bawian. "Ka..musta ka? Namiss kita Mau." nung sabihin niya yun.
Naramdaman ko ang heartbeat ko.



Bumalik ang feelings ko nung kinomfort niya ako. Crush ko.. Si Zeji. :-/




26.1

Nagulat ako nung lumapit siya. uhm.. nabigla lang pala. ??? eh kasi.. hindi na
nga pala kami masyadong close? Ewan ko. Pero nung araw na nakita ko siya na
kasama yung babaeng yun. sxy at maganda. Parang bumaba ang tingin ko sa sarili
ko. Parang nawala yung pagkacrush ko kay Zeji. Mabait siya. :[ Pero hindi ang
mga katulad ko ang mga tipo niya sigurong kasama. :(

"Hmm.. Anu.. Tagal narin ah." nagkamot siya ng ulo. Animo'y di mapakali.
Naiilang kaya siya sakin. Siguro hindi niya talaga tipong kasama ang mga katulad
ko.

Pero tiningnan ko parin siya. mata sa mata. Walang bawian. At napansin kong
hindi talaga siya mapakali. Ano ba naman tong ginagawa ko. Mukhang di talaga ako
gusto ni Zeji. "Ka..musta ka? Namiss kita Mau."

Inayos ko ang salamin ko. ;O Hmm.. tiningnan ko siya. Wala naman sigurong ibig
sabihin yung pamumula niya no. Baka di na niya matiis ang kausapin ko. pero
bakit naman niya sinabing namiss niya ako?
e.. in the first place. Siya naman tong umiiwas.

Pero bigla ko na lamang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Feeling ko
nakakailang nga yung mga ganitong sandali. Ang tagal na namin di nag-uusap.
Tapos kung magtinginan pa kaming dalwa sa isa't isa. Parang walang nagpapatalo.

"Uhm. Ayos lang naman." sumubo na lang ako ng cake. Mukhang nahalata na niya
yung pamumula ko e.

Bigla na lang ;o ;o ;o


dug.dug.dug.dug. tumibok ng mabilis yung puso ko. Bigla niya kasing hinwakan
yung pisngi ko. Pagkatingin ko. Pinupunasan pala niya yung icing sa mukha ko.
Wah!!! nakakahiya!! ;[

"Ah-ako na lang!" pero nagpumilit siyang punasan yung bahagi ng labi ko.

Bago ko pa man tuluyang bawiin yun.


*BLAG*


Bigla na lang kaming nakarinig ng nabasag. Parehong nakuha ang atensyon namin.
Si pau? Anong nangyari?

"o-Okay lang ako." agad naman akong lumapit. Baka mataga pa siya ng mga basag na
pinggan na yun.

"Brei ako na." nakita ko naman na lumapit si Zeji. At mukhang tutulungan niya si
Pau.

"Brei, dumudugo yung kamay mo." nagulat ako ng sabihin ni Angelo yun. Kaya hindi
na lamang ako tumingin.

Remeber, takot ako sa dugo. Phobia.

Naligpit na nila ang mga basag na plato. Ginagamot ngayon ni Daison ang kamay ni
Pau.

"Masakit ba?" mahinahon na tanong ni Daison.

"Pau." nag-aalala kong sabi sa kanya.

"Mau, wag kang mag-alala." sabi ni Zeji na habang pinapat ang mga balikat ko.

Tiningnan ko lang siya. Naiilang parin ako sa ginagawa niya. Ano na naman kayang
nasa isip niya. Hindi ba niya talaga ako gusto? o hallucination ko lang?

:o

:o

???

:-

:(


Nagulat na lang ako ng nakatingin pala sakin si Pau. Iimikan ko na sana siya
kaso.
Bigla na lang siyang umiyak. Bigla akong naguilty. Bakit? Bakit sakin siya
nakatingin? Atsaka.. may ginawa ba ako?

"Brei?"

"Uuwi na ako!" tumakbo siya paalis. Lahat sila natigilan dahil sa hindi malamang
dahilan na pag-iyak ni PAu. Ako nga kaya ang may kasalanan. :-/

"Ganon ba kasakit ang sugat niya."

"Susundan ko siya!" pinigilan ako ni Zeji.




"Wag na.. ako na ang maghahatid sa kanya." sabi naman niya sakin. :(


27.1

Naglalakad na ako pauwi kasama ang team. Pero sa isip ko si Pau parin. Bakit
siya umiyak? Imposibleng dahil nasasaktan siya sa sugat niyang natamo. Bakit..
Bakit nung nagkatinginan sila ni Zeji.. nagkaganun na siya. Ganito din ang
nangyari nun. Nung araw na gamitin ko si Zeji na crush ko riya. :( :(


"Uy!" biglang may sumundot sa batok ko. Pagkatingin ko naman sa tabi ko ay si
Andrei. Tapos si Angelo yung sumundot. Nginitian ako ni Drei.

"Wag kang mag-alala, panigurado matatapos na ang problema ni Brei.. dahil..
nandun naman si.. Zeji." naging malungkot si Angelo. Di ko rin siya maintindihan
kung minsan.

"Magkasama.. sa iisang mansion sina Brei at Zeji." biglang sabi ni Andrei. :-[

"Magkasama sila sa iisang bubong kaya di nakakapagtakang inihatid siya ni Zeji."
"Kaya pala. Mabuti nasa mabuting kamay si Pau."


"Nagseselos ka ba Mau!?" biglang hirit ni Angelo. Nag-init ang pisngi ko. Pati
si Drei hinihintay ang sagot ko.

"Anu bang sinasabi mo.. si Zeji. Mabait lang talaga siya sakin." tungong-tungo
talaga ako. Bigla namang..

*blag*

Aray ang ilong ko. Inayos ko bigla ang salamin ko.

"Daison.. anu ka ba naman." sabi ni Angelo. Huminto na naman siya at ako naman
patungotungo.

"Wag ka ng umasa kay Zeji. Kasi di kayo bagay.. Nerd!" sabi niya habang
lumalapit sa mukha ko. Medyo nakakahiya yun.

"Wag ka ngang lumapit ng ganyan Daison." nilayo ni Angelo si Daison sakin. At
nakita ko namang nauna ng maglakad samin si Drei. :( Gusto ko pa naman siyang
makausap ng kagaya dati.
At sa wakas nakauwi narin ako.

Inihiga ko ang buong katawan ko sa kama. Nakakapagod talaga kapag may exam.
Akalain niyo natapos namin ang exams sa isang araw lang. Inayos ko salamin ko at
tiningnan ang orasan. 7 something na pala.

*Krinnnnnnnng*

"Hello?"

"Ate Mau! Halika na dito, nakapagluto na si Kuya!"
"Ah oo Kerlin. Magpapalit lang ako ng damit."


Pagkatapos ko ngang magpalit ng damit. Agad na akong nagpunta sa kapitbahay ko-
kina Kevin. Parang di ko narin nararamdaman ang pagod dahil ang sarap talagana
magluto ni Kevin.

"Anung gagawin mo Ate Mau this week? Wala kasi tayong pasok." tumingin ako kay
Kevin.

"Anu kaya kung magpartime job muna tayo?" tumingin siya sakin.

"Hindi ako pede. Dun muna kasi ako sa mga kaklase ko sasama." tiningnan ng
masama ni Kevin si Kerlin, "Don't worry kuya, nasabi ko na'to kay Mama at Papa,
mayaman ang kaklase kong yun kaya di buong klase ang kasama."

"First year ka palang pero natututo ka ng lumakwatsya!"

"Mag-agree ka na lang kaya kay Ate. Since gusto mo rin namang makabonding si
Mau." biglang nabilaukan s Kevin.

Oonga noh ang tagal narin naming walang scenes ni Kevin. Pag sa school naman
kasi, naaaksaya ko na ang free times ko sa pagiging manager ng basketball tapos
mga 6 something na ako nakakauwi kaya kung minsan di na ako nakakasabay sa
kanila at pinapadalhan na lang nila ako ng pagkain.

"Ah pasenxa kana Kevin huh. Pinag-aalala ba kita?" tumungo si Kevin. Nagtaka
naman ako. ???

"Kung alam mo lang palagi siyang natutulala kapag walang sumasagot ng phone sa
apartment mo. Na which means nga eh wala ka pa.. hohoho!"

"Tumigil ka na Kerlin!" galit siya pero mahinahon parin ang boses. Napaisip ako.

"Edi yun na lang. Magpart time job tayong dalwa since para narin makapag-ipon
tayo para sa costume natin sa halloween party." bumalik na sa normal si Kevin.
Tiningnan naman ako ni Kerlin.

"You mean yung Party for junior and senior! Ang daya niyo talaga!"

Tama.. magkakameron kami ng party. At makikita ko si Drei na nakabihis ng horor
something. Ang sayaa~ o)

"Sa tingin ko may naisip na akong maaari para sating dalwa."


Dinala ako ni Kevin sa isang cafe. Napakaganda nung cafe. At parang pwedeng
pwede naming ipagpartime job :) Kaya naman namin to.

Nung tingnan ako ng manager. At nalaman niyang kasama ko naman si Kevin. Pumayag
agad siya at binigyan kami ng isa isang uniform. Agad naman akong pumunta sa
locker room. Para magbihis. Ang cute nung uniform. Parang yung napapanood mo sa
mga anime. GAnon ang itsura. haha.. babagay naman kaya? Mmaya pa'y dumating si
Kevin.

"Heto nga pala Mau, isoot mo muna tong lense. Baka kasi makasagabal yang glasses
mo sa pagtatrabaho." agad ko namang tinanggap yun. at nginitian siya. :)
maaasahan talaga si Kevin.

Nung natapos na ako. Agad akong lumabas.

"Tapos na ako." tumingin naman siya sakin.

Ako naman, tuwang tuwang hinahawakan yung palda ko. teehee! ang kyut kasi.. feel
na feel ko tuloy! Tumingin uli ako sa kanya. Nakatingin parin siya sakin. Bigla
akong nakaramdam ng disappointment sa mukha niya. Muhang hindi nabagayan si
Kevin sakin.

"Diba bagay sakin." hindi ako nagpakita ng lungkot. Nagtanong lang akong ng
natural.

At bigla namang siyang namula.

"d-dun na tayo!" naglakad siya ng diretso. ??? Pero bakit siya namumula? :-/ Ay
ewan. teehee! ang ganda ganda ng soot ko!!!


"WELCOME MAM AND SIR!" yan ang sinasabi namin sa mga custumer na pumapasok.

Lumapit naman ako dun sa isang table. tatanungan ko na sana sila ng order nila.
Nang makita ko yung dalwang custumer.

"Pau At Zeji.? Wow bakit nandito kayo?

"Uh.. Mau.." nahihiyang sabi ni Pau. Medyo nagtaka tuloy ako. Pero mas
nakakagulat yung snabi niya. "Kami.. magkasama kasi kaming dalwa..



kanina pa." ahhhhhh.

Haha. Ganon pala. I smell fishy.

"So kayong dalwa---"

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Zeji ang balikat ko ??? ;o


28.1

Zeji's P.O.V.


Simula na ng bakasyon. 5 araw na wala kami sa school, sa makatlo ng gabi babalik
kami dun para magcelebrate ng halloween party. Pero feeling ko ang dami kong
problemang naiwan. Inatake pa si Pau ng sakit niya nung biyernes at kasalanan ko
na naman..

"Ze..ji.." dahan-dahan niyang binuksan ang pinto kaya tumayo agad ako at
nilapitan siya.

"Bakit nakabihis ka? Aalis ka ba!?" hawak-hawak ko ang balikat niya.

"Hindi ka pwedeng umalis Brei.. alam mo naman na kailangan mo daw ng pahinga
diba?" bigla niya akong niyakap. Pero hindi ko siya niyakap.

"Sana totoo.. sana laro lang din yung kay Mau." biglang dumating si Liza. Yung
personal maid niya.

"Mr. Tai, kung maaari po samahan niyo si Miss Brei na lumabas. Gusto niya kasi."
nakayakap parin si Brei sakin. Hindi ko alam kung ayos ba to kasi hindi na siya
nalulungkot o masasaktan ako dahil hindi ko to gusto.

"Pero.. kailangan niyan.."

"Ihihm.." ngumingiti si Brei habang niyayakap niya ako.

"Oo. Aalagaan ko muna siya ngayon." tumingin siya sakin at niyakap muli ako.

Sumakay na kami sa kotse at nagpahatid sa park para makapamasyal din kami ni
Brei. Kung titigan siya parang wala lang nangyari.. :(

Magkasama kami ni Brei sa isang mansion. Dapat kapatid ko siya sa papel pero
ayaw niyang magpaampon dahil.. mahal na daw niya ako. Hindi ko maintindihan kung
bakit.. at anung nagawa ko.. kung magpapatuloy to, maaari akong ipakasal kay
Brei. Pero siya naman tong nagpapakaokay lang kahit hindi.

Ginagawa ko na ang lahat para maturn-off siya pero para sa kaniya lahat ng yun
laro. Mabait siya. Mapagbigay.. parang si Mau. Nakikita ko na parang parehas
sila kaya siguro di ako nagtiwala ng nagustuhan ko na si Mau. Pero magkaiba pala
sila.. dahil hindi kayang magbulagbulagan ni Mau kung alam niyang may mali.
Hindi ganon si Brei, hindi siya naniniwalang.. Gusto Ko si Mau. Oo.. gustong-
gusto ko si Mau.

Madali lang mahalin si Brei kung hindi siya nagbubulagbulagan. Kahit na kelan
kasi.. hindi siya nagpakita ng galit kahit alam niyang mali. Mali siya kaya
Ayoko ng Ganun. (



"Nagugutom na ako Zeji." sobrang saya niya. At naiiyamot ako sa mga ngiti niyang
yan.. kasi alam kong nasasaktan siya.

"Dito na lang tayo. Parang maganda naman dito eh." hawak parin niya ang kamay
ko.

Pumasok kami at pumili siya ng table. May lumapit na waitress. Nung ibinigay
niya ang menu..

"Pau.." naagaw agad ng waitress na yun ang atensyon ko. Sa sobrang bigla ko..
tinitigan ko siya. Totoo ba'to?

"Mau? Bakit.." ang ganda ni Mau. Hindi ko agad siya nakilala. Nakacontacts lang
siya at sobrang ganda niya. :-[

"Uy Zeji andito karin!" tinuro niya ako. Nakakatuwa siyang pagmasdan. :-[ :)

"Oo. Mau.. kami ni Zeji ay.. magkasama..




KANINA pa." umemphasize sa utak ko yung word na 'kanina'. Parang natakot ako.

Nagbago ang reaction ng mukha ni Mau. Nakangiti lang si Brei.
"Kung ganon kayo ay.." agad akong tumayo at hinawakan ang braso niya.

Tinitigan yun ni Mau. Parang nagtaka siya na ewan. Nagbago ang reaction ni Brei.

"Zej-"

"Mali ang iniisip mo. Kahit anu.. mali to. Kami ay.. nagsasama lang.. na
parang..




magkapatid." ewan ko kung pagsisisihan ko ba ang sinabi ko. :-


"Anu ba Zeji!" binitiwan ko na si Mau at hinila ang kamay ni Brei palabas.


Ayoko.. ayokong mag-isip ng kung anu si Mau samin. Gusto ko.. gusto ko
napapasaya ko lang siya.

"Uuwi na kami." nakasakay na kami sa kotse.

"Anu bang ginawa mo Zeji!?"
"Wala namang masama kung may isipin si Mau diba. Mahal kita.. hindi ko naman yun
kinahihiya eh.."


Hindi ko parin siya tinitingnan.


"Magiging masaya siya.. para..




sa'tin."

Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangiti lang siya.

"GUSTO KO SI MAU! >:("

Sinigaw ko yun sa harap niya. Nagbago ang reaction ng mukha niya. At..



*SLAPPPPPP*


"Zej- ah-Hm!--- Paandarin mo na manong."

Kahit anung mangyari.. ipaglalaban ko ang nararamdaman ko. :-/


29.1

Hanggang ngayon hindi ko parin malaman ang tunay na dahilan kung anu bang
nangyayari. Bakit kaya ang weird ng pakiramdam ko kanina habang magkakasama
kaming tatlo? Parang hindi Pau at Zeji ang kaharap ko a while ago. Tapos.. ang
mga sinabi ni Zeji? Para saan yun? :-


"Ang lalim ng iniisip natin ah." biglang umimik si Kevin.

Anu ba naman ang ginagawa ko, halos nababalewala ko na siya. :(

"Pasensya ka na Kevin sa mga inaasal ko this past past few days."

"Wala naman tayong problema dun ah." ngumiti siya sakin. Pero nakikita ko parin
ang pagkailang sa mata niya? May nabago ba ako? :-


Tumigil ako bigla sa paglalakad. Lumingon naman siya sakin. Na nasa likod niya.

"Kevin, hindi muna kita masasabayan umuwi. Dadalawin ko kasi sana si Mori,
maaari ba?" hinintay ko ang sagot niya.

Malamig ang pakikitungo ni Kevin sakin kanina pa sa may cafe. Kung mapapansin
ko.. pagkatapos yung nung umalis sina Zeji. Pero kailangan ko talagang dalawin
si Mori.

Medyo napatungo ako.

"Sige. Hihintayin ka namin sa dinner, huh?" tiningnan ko siya.

Ngumiti naman ako. At kumaway paalis. Bago pa man ako tuluyang pumunta sa shop.
Nilingon kong muli si Kevin. Bakit kaya ganyan ang kinikilos niya? Parang ang
lungkot niya..

"Yo! Hehe.. :-[" nahihiya kong bati sa may-ari na halos nagbabantay na kay Mori
araw-araw. Inayos ko ang salamin ko.

"Galing ah. Natututo ka na." agad naman akong lumapit sa kanya.

Inabot ko ang allowance ni Mori na halos ilang buwan ko ng inde nasasamahan ng
matagal. Napapadaan lang kasi ako minsan dito at hindi na halos nakakabonding
tong si Mori.

"Ok na Mau. May nagpapakain dyan sa alaga mo na hinde naman ako." tumingin naman
ako kay Mori na masayang kinakain ang dala kong dog food.

"Pero-"

"Tagabantay na lang ako ni Mori. Ang totoong nag-aalaga sa kanya--"



"SORRY LATE AKO!!!-"

Naputol ang sinasabi ni Kuya Dik na may-ari nga nung shop. Parehas kaming
napalingon sa may pinto. Nakatungong lalaki na nakabend ang knees sa sobrang
hingal. Tumakbo yata sa pagmamadali.

:o :o :o Nagulat nalang ako sa nakita ko..




Kung sino ang lalaking yun.. :o :o
"Mau?" nakatitig parin ako sa kanya. Bakit?.. :o

"Oh Drei, di ka naman late eh. You came in time! You did it! Si Mau narin ang
nagpakain kay Mori. Kaya don't worry." siya? Siya ang tinutukoy ni Kuya Dik na
nag-aasikaso at nag-aalaga kay Mori. Si.. Drei. :-[

"Binibisita mo na pala si Mori?" ang mga tingin niya.. :-[

"Oo. May oras na kasi." naglakad siya palapit sakin.

"Kung ganon dahil ba sa team kaya ka nawawalan ng time kay Mori?" this time na
sa harap ko na siya. He's too close.

"Hmm.. pero okay lang." ang bango niya. :-[

"Kung ganon dapat pala sabay na tayo parating puntahan si Mori." ngumiti siya.
Ang gwapo ni Drei. Matagal ko ng gusto ang ganito. Sana palagi..


"Ahehm!,"

aw.aw.aw.

Napatingin kami kay Kuya Dik at Mori. Lumapit naman si Andrei kay Mori at
hinawakan ang ulo nito. Dinilaan siya ni Mori sa leeg. Ang leeg niya.. ang puti
talaga ni Drei. :-[

"Uy naglalaway ka na dyan eh!" biglang tapik ni Kuya.

"Huh." napatungo naman ako at inayos ang aking salamin.

"Uy Andrei! Akala ko ba hindi ka kilala ni Mau!? Ikaw ah.. close na pala kayo
eh. Di ka man lang nagkukwento!"

Tama ba ang nakikita ko. Naninigas si Drei? Parang nahihiya siya? ::) Tapos..
ang pula pa ng tenga niya.? Oh..

"Anu! Kasi.." bigla siyang humarap samin pero nakaupo parin para mapantayan si
Mori.

Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Napatingin naman siya sakin imbes
na kay Kuya Dik. Nawalan ata ng concentration kaya ayun nagulat dahil nakatingin
ako tapos binaleng uli ang pansin kay Mori.

"Uyy.. nagbablush si Mr. Cool!" napahalf smile naman siya pero biglang natawa
dahil sa kakulitan ni Mori.

"Sala--" sasabihin ko sanang salamat kaso bigla naman siyang nagsalita.

"Manager namin si Mau sa team. Kaya.. okay lang naman diba kung kakausapin kita,
Mau?" nanghihina ako kapag sinasabi niya ang pangalan ko. Ang sarap tuloy
irecord. :D

Isa rin to sa mga pinapangarap ko.

Patuloy naman ang pakikipagkulitan niya kay Mori. Si Kuya naman nakahalumbaba,
parang nanonood ng telenovela sa tv.

"Matagal na kitang napapansin Mau. Tuwing umaga.. sa court. Pag may practice..
sa gym. Sa corridor, mahilig kang mapag-isa at nagbabasa ng kung anung libro.
Pero.. di mo naman ako napapansin eh." tumingin siya sakin. "Pero tama ba ang
hinala ko? Imahinasyon ko lang ba na tinititigan mo ako? O malapit lang ako sa
bagay na gusto mo?" ngumiti siya.

:-[ Napapansin ako ni Drei.

thump.thump.thump. Ang heartbeat ko. :-[ Sasabog na sila sa sobrang bilis.
Tumayo naman siya bigla.

"Gabi na halos." kinagat niya ang labi niya. He's staring at me.

"Ahm.. ihatid na kita? :-[" nagkamot pa siya ng ulo. :-[
Ang saya-saya ko.

"Di lang ako umimik ng konti, gumawa na kayo dyan ng kachizihan. Magkaguyam pa
dito." napatungo tuloy ako. Sobra na ang hiya ko.. but actually, ang saya-saya
ko sa mga nalalaman ko. :) :-[


30.1

"Thank You poh!!!"

Yun na lang ang huli namin nasabi ni Kevin nung nagresign na kami. At ngayon
parehas kaming may 2,000 :P. Kahit di naman talaga yung pera ang kailangan
namin.

"Nov. 1 ngayon, uuwi na lang ba tayo?"

Masyado kaming naging tahimik kanina pa. Siguro gaya ko, iniisip rin niya kung
dadalawin ko ba talaga ang totoo kong ama. Sigh.

"Pwede bang samahan mo akong bumili ng bulaklak Kevin?"

Nagnod na lang siya ng walang imik.

Masyadong madaming tao ngayon sa paligid. Halos karamihan na makikita ko sa
iba't-ibang flower shop ay nakaitim at nakaputi. Bumili kami ni Kevin ng
pinakamahal at pinakamagandang bulaklak.

Last year, nung ganitong event din.. dinala ako nina Mama at Papa sa Hongkong.
Mas mabuti daw kasi yun kesa sa may maalala ako at maapektuhan pa yung sakit ko.

Nakarating na kami sa Cemetery at halos lahat ng puntod may makikita kang mga
magagarang bulaklak, mga magagandang kandila na may iba't-ibang hugis, at parang
kung titingnan mo.. napakapayapa.

Nakita din namin ni Kevin ang puntod.. Nagtirik kami ng kandila at unti-unti
kaming lumuhod at nagdasal. Pagkatapos nilagay ang bulaklak.
"Napatawad ko na siya matagal na.. pero ang batang yun.. Hindi pa. At hanggang
ngayon.. hindi alam kung kaya pang magpatawad. Kung gagaling lang ang trauma
kong yun noh." tumayo kami.

"Siya kaya.. pinatawad na kaya niya ako sa nagawa ko?"

Naging tahimik muli kami ni Kevin.

"Tara na?"

Naglakad na kami palabas ng cemetery at umuwi na rin.


Wala parin si Kerlin at kasama ang mga kaklase niya.. kaya eto.. kami lang lagi
ni Kevin ang magkasama. Nakarating narin kami sa wakas sa apartment. Habang
papalakad kami papasok.. nakita ko si Andrei.
Nakaleaned siya sa isa sa mga poste dun at umayos din naman ng tayo. Aw.Aw.Aw.
Tumahol si Mori.

Naglakad-lakad kami sa tabi ng ilog. Bumaba rin kami para maupo sa bermuda dun.

"Mabuti naman at pumayag kang ipasyal natin si Mori." ang kulit ni Mori.

"Iyo na siya diba.. ok lang ba na kasama pa ako?" dinilaan naman ako ni Mori.
Ang kulit niya. ::D

"Gusto ko kasing tayo ang mag-alaga sa kaniya."

Biglang pumasok sa utak ko yung sinabi ni Arthur kahapon, mama at papa? Parang
bang mga magulang kami ni Mori. :-[ Nakakahiya. Ang dumi ng utak mo Mau.. bakit
mo ba iniisip yun? Anu bang nangyayari sakin.. ang bilis ng heartbeat ko. May
problema na ba ang puso ko?

"Since di mo naman ako pinayagan para bayaran si Mori, ito na lang ang kapalit."
ngumiti siya.

Kung tutuusin pa nga panalo parin ako eh.

Ngayon feeling ko sinasamantala ko na ang   lahat para kay Drei. Sinasamantala ko
ang sandaling makasama siya.. at hanggang   ngayon di ko pa nasasabi ang tungkol
dun sa table. Baka kasi pagnalaman niya..   umiwas siya. At malaman niya na may
nararamdaman ako sa kanya. Ok lang kaya..   hindi kaya siya magagalit? :-/

"Mau, pupunta ka ba sa Party?"

"o-o.." hinahawakan naming parehas si Mori.

"Mabuti naman kung ganon."

Tama ba ang narinig ko.. gusto niyang pumunta ako dun? :-[

"Pwedeng.. favor?"
"huh?"



"Bride ghost ang theme mo pwede?"

"o-Oo ba!"

Bigla siyang humarap sakin at ngumiti. Napangiti rin ako. Ang saya-saya ko nung
mga sandaling yun. Feeling ko.. may mga bulaklak sa paligid namin. At tinigil
talaga ang mundo para samin.. sana si Andrei na talaga.


31.1

"Bakit bride ghost? Pede naman kahit anung nakakatakot diba? Masyadong weird
kung yun. At alam mo ba.. karamihan sa mga tao dun, pagandahan ang ginagawa.
Baka magmukhang ikaw pa ang nakakatakot. Pagtatawanan ka dun Mau."

Nakaharap ako sa salamin habang nakasideward ang mga kamay ko at tinitingnan ang
kabuuan ko. Tiningnan ko si Kevin.. napabuntong hininga ako.

"Hate mo pa naman ang ganyan."

Kanina pa takang-taka si Kevin sa outfit ko. Oonga bakit ganon. Feeling ko pa
naman kapag may contacts akong suot.. kahit papaano gaganda ang image ko. Pero
bakit nakakatakot ata ang itsura ko. Parang talaga ako yung mga nag-aact sa tv.
Scary talaga.
Hinawakan ko ang pisngi ko. Si Kevin.. gwapo parin siya. Halatang nilagyan ng
make-up lang. Pero kahit ata nilagyan ako ng make-up.. nakakatakot parin ako.

"Pangit ba ako Kevin?"

"H-hindi noh!" isinigaw ni Kevin ang sagot niya.

Tiningnan ko naman siya at medyo namula siya. Kaya napangiti ako. Kung sinabi ni
Drei na gawin ko'to.. magtitiwala ako. :)



Umalis na kami ni Kevin ng sabay at nakarating din naman.

Malayo palang pero nakikita ko na yung mga lights na nagbibigay ilaw para sa
party. Kung siguro walang nakakatakot na outfit, iisipin ko may nagaganap na
Party.. like JS. Pero mas nararamdaman ko ang panginginig at kabug ng puso ko..
trauma sa madilim. Nakakatakot. Todo ang pagkapit ko sa costumes ni Kevin..

"Don't worry, di ka mawawala sa paningin ko!" ngumiti naman siya.

Nakawak parin ako sa damit niya. Napansin ko naman na may nakatitig sakin.. kaya
sinilip ko. Medyo nanindig ang mga balahibo ko.. nakaramdam ako ng
pangingilabot. Natatakot ako.. lahat ng bagay nakakatakot.

"m-Ma-MAU?!!" saka lang ako kumalma nung narinig ko ang masayahing boses ni
Angelo.

Napabitiw ako kay Kevin at napangiti sa kumakaway na si Angelo.

"Dun tayo! Kina Angelo!!!" hinawakan ko ang kamay niya papunta dun. Pero huminto
siya. Nung tiningnan ko siya masama ang tingin niya. Tumingin ako sa tinitingnan
niya.. si Daison.

"Sige sasama ako Mau. Para hindi ka mawala sa tabi ko." hinawakan niya ng
mahigpit ang kamay ko at pinuntahan na namin ang pwesto nila Angelo.

"HI ANGELO, HI PAU, at HELLO.. Daison." masama na naman ang tingin niya. Hindi
sakin.. kundi sa magkahawak kamay namin ni Kevin.

"BAKIT HELLO SAKIN SAKANILA HI! >:(" hindi ko alam kung galit ba siya.

"H-"

"Nakakatakot ka!" magha-hi sana ako. Inirapan naman niya ako.

"Mau! Halika! Cr muna tayo.. parang kasing di ako comfortable sa suot ko." bigla
niyang inagaw ang kamay ko kay Kevin.

"Mau!-"

"Don't worry Mr. Gil, ako naman ang kasama niya. I'll take care of her." nag-
aalala na naman si Kevin. :(

"Yun naman pala eh. Wag ka ngang paas-if bf ka niya. >:(" nagkatinginan sila ng
masama.

"Pangako Kevin, ok lang ako."

"Ingat Mau!"


Pumunta na kami ni Pau sa Cr. Todo ayos siya sa sarili. Siya.. si Kevin at
Daison.. parang di sila nagbago. Magaganda at magagwapo parin sila.

"Ang ganda mo Pau." natawa siya bigla sa sinabi ko.

"Mau, halloween to hindi JS."

"Ako ata.. ginawa ko na ang lahat para kahit papaano makmukha parin akong
normal.. pero nakakatakot parin ang mukha ko." nakasideward na naman ako.

"Sige Cr lang ako." pumasok na siya sa girl's restroom.

Naglakad-lakad naman ako para magsalamin nang..

"WAH!-" anu yun? May nakita akong nakaputi..

:o :o :o

Kinabahan ako bigla. Hala natatakot na ako. Nakaupo parin ako at ayaw tumingin
sa salamin.

"Pau?~"

Sigaw ko habang hinahanap ang pinto kung saan maaaring pumasok si Pau. Pero..
walang sumagot. :o Paano na!!?

Tumayo muli ako at.. this time nakataklob ang mukha ko. Pagtingin ko sa
salamin..

"WAAAAH~" napataklob ako ng mukha. Natakot ako.. pero narealize ko..
Ako pala yun. :o :- :-[

"Anu ka ba Mau, bakit mo tinatakot ang sarili mo?!" tinitigan ko ang mukha ko.
"Make-up lang yan."




:o



May narinig akong footstep.. papunta dito. Paglingon ko.

"Pau- WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~~~~!!!" nakabarong!!!


32.1

Papalapit siya ng papalapit sakin. Yung paa lang niya angkita ko dahil
nakataklob ang mukha ko ng kamay ko. Hanggang sa umupo siya sa harap ko at..
napahiyaw na nga ako..

"AAH!~-" may konting luhang lumabas sa mata ko. Hanggang sa napatigil ako dahil
nakahawak na siya sa mga kamay ko.

Napakaaliwalas ng mukha niya. Parang my ghost in shining armor. Ang gwapo niya
talaga.. :-[

"Ok ka lang ba Mau?" itinayo niya ako. Ang outfit niya.

Parang kaming mag-asawang parehas na namatay. I'm the bride ang he's the groom.

"Mabuti naman at yan ang sinoot mo. Bagay sayo. Ang ganda." nakatingin lang siya
sa mga mata ko.

Siya lang ang nagsabi niyan. Mas lumapit pa siya sa mukha ko. He's smiling.

"Would you be my bride, tonight?"

He's too close. Yung mga mata lang niyang nakatingin sakin ang nakikita ko. Ang
mga ngiting.. para lang sakin. Napakasaya ko.. parang wala ng katapusan ang
kaligayahan kapag nandiyan siya sa tabi ko. Gusto ko siya.. gustong gusto.



"HOI!~ Matutunaw na yung iniinom mo dyan ah!" si Angelo. Di ko pa pala naiinom
ang juice na kulay dugo.

"Ahah.. Angelo." hindi maipinta ang kasiyahan ko ngayon.

Inuuga-uga ko ang juice na nasa baso habang pinapanood to.

"Si Andrei.. ganyan na ba talaga siya noon pa."

Naramdaman ko pa ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hanggang ngayon di parin ako
mapalagay.. kinakabahan ako kapag siya ang pinag-uusapan. Kinikilig parin
ako. :-[

"Si Drei-" naputol ang sinasabi ni Angelo nang biglang dating ni Daison.

"Nanligaw pala si Drei kay Kristelle."

Napatigil ako sa paglalaro sa juice ko. Napawi din ang ngiti sa mukha ko. Parang
kinabahan ako sa narinig ko.. natatakot.. nasasaktan. :( :-/

"Daison-"

"Kahit college na si Telle, pinupuntahan parin siya ni Drei sa school nila. Kaya
ata kung minsan nalelate siya eh.."

Bumalik sa utak ko yung sinabi niya nung minsang nalate siya at nagpatulong sa
exercises nila.

"Hindi naman siya ganyan noon eh. Actually.. nagiging good mood lang siya sa
babae.. kapag may nangyari sa kanila ng kanyang babae. Yung babaeng mahal
niya.."

"Daison, tama na.." ang sakit-sakit. :( :(

"Bakit? Gustong malaman ni Mau ang lahat kay Drei diba.. hayaan mong tulungan
natin siya. Anu pa ba.. si Drei, first love siya ni Telle at first love din niya
si Telle. At pagsinagot na siya ni Telle..-" unti-unti tong binulong ni Daison
sa tenga ko, "-they will love each other.. happily ever.. after." gusto ng
pumatak ng luha ko. Namumuo na sila.

"Oh diba Angelo, Fairytale! Happy Ending eh! Hahahah.."

Kaya siguro nilalapitan ako ni Drei. Dahil gusto lang niyang ipakita sa lahat na
masaya siya.. mahal? May minamahal na pala siya. Anu ba 'to. Kinagat ko ang labi
ko para mapigil lang ang mga luhang gustong-gusto ng pumatak.

"Mau.?"

"Huh?" tiningnan ko si Angelo.

".. inaannounce.. na-- nila yung.. the halloween couple.."
Bakit ang lungkot ng mukha ni Angelo? May gusto ba siya kay Telle? Bakit ganon
makatingin si Daison.. siya ba ang lalaki dun sa nasabing couple? :'( Ayoko na
dito.. ang sakit-sakit na..

"Mau! Tara na sa stage!" may humawak ng kamay ko.

Nilingon ko siya at saka ko naramdaman..




*sob*




:o




:'(

Umiiyak na pala ako.. at nasa amin ni Drei ang spotlight. Bakit.. bakit
hinahawakan ni Drei ang kamay ko? Bakit lahat sila nakatingin? Bakit.. ang
lungkot ng mga mata ni Drei?

Bakit ayaw tumigil sa pagluha ng mga mata ko. :'( :'(



Bakit ang sakit sakit ng mga nalalaman ko?

33.1

"Tama yan. Kumain ka lang ng kumain Mau! Sating mga babae.. hindi dapat na
umiyak dahil sa ating mga gustong lalaki."


5 na araw nawala si Kerlin at 2 araw akong di mapalagay at nagmumukmok sa
apartment. Sa kadahilanang hindi ko alam.. :( Masyado ba akong mahina.. ganon ko
ba kagusto si Andrei. :- Sayang.. kung hindi siguro ako umiyak ng gabing yun
parehas kami ni Drei na may remembrance picture ng kami bilang Halloween Couple.

"Salamat Kerlin."

Sigh. Puro buntong hininga nalang ako simula ng matapos ang gabing yun. Tapos
simula din nun.. hindi kami nag-uusap ni Kevin. Masasabi mong iniiwasan niya
ako. :( Di ko naman alam ang dahilan. :- Sigh.

"Gusto mo pala yung Andrei Dave na yun? Alam mo bang crush din siya ng mga
kaklase ko. Maraming nakakakilala sa Dred Team. Halos gwapo naman kasi sila.
Pero si Chad ang Favorite ko.. :("

"Bakit Kerlin?" nadadala ata siya ng pagiging malungkutin ko.

Hanggang ngayon nararamdaman ko ang mata ko. Hindi naman ako yung tipong
hagulhol na umiyak pag nasasaktan.. nangyayari lang yun pagnatatakot ako. Pero
ang iyak ko.. yung luha kong yun.. pumapatak lang sila pagnatutulala ako tapos
bigla nalang akong uub-ob at hihikbi. Hanggang sa maramdaman kong masakit na
pala yung nangyayari.

"Nuon kasi.. pag sinabing crush akala ko automatic na love. Pero.. bakit hindi
si Kuya. Bakit di ka napapaiyak ng ganyan ni Kuya kahit na iniwasan ka niya nung
malaman niyang crush mo siya."

"Crush ko lang kasi ang kuya mo at masyado pa tayong bata nun."

"Anung pinagkaiba ng pagiging bata kesa ngayon. Pareho lang naman silang
nakakaramdam diba?"

"Kerlin.." seryosong malungkot si Kerlin.

"Wala ng puwang ang kuya ko noh. Kasi mahal mo na talaga ang lalaking yun.."
biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Parang nasasaktan ako kapag iniisip ko na mamahalin ko ang isang taong.. hindi
ako pwedeng mahalin.

"Aalis na kami paggumraduate si Kuya. Pupunta kaming Spain para dun mag-aral..
Mau.. ayaw ni Kuyang sumama.. kasi gusto ka niya. Mahal ka ni Kuya Kevin."
tuluyan ko ng nabitiwan ang baso at nabasag yun.

"Naku Mau-"



"Kerlin. Nandito na ako."

Nagbukas ang pinto. Narinig ko ang boses ni Kevin.. nanginginig ako. :o

"MAU!" sabay na sigaw ni Kevin at Kerlin.

Thump.Thump.Thump.Thump

Hawak ni Kevin ang kamay ko. Dumudugo to.. dumudugo ang kamay ko. Tulala ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko.. :(

"Kerlin, kunin mo ang first aid kit."

Umupo kami ni Kevin. Ginamot niya ang nagdurugo kong kamay. Sobrang.. maalaga si
Kevin sakin. :'( "Aalis na kami paggumraduate si Kuya. Pupunta kaming Spain para
dun mag-aral.. Aalis siya. Maiiwan ako.. Iiwan nila ako. Wala nakong mga
kaibigan.. Wala ng mag-aalaga sakin. Wala ng magtatanggol.. Wala na.. mawawala
sina Kerli at .. Kevin sakin. :'( Mau.. ayaw ni Kuyang sumama.. kasi gusto ka
niya. Mahal ka ni Kuya Kevin." Paano. Paano ko masusuklian ang lahat.? Mahal
niya ako.. paano ko mapapasaya si Kevin. :'(

"Mau?"

"Mau, masakit ba?"

Bakit. Bakit masyadong masakit ang mga nangyayari.. bakit parang di ko na kaya
ang sakit. Anu.. anung gagawin ko balang araw?

"Talaga bang.. aalis kayo?"

Walang umimik. Tiningnan ko silang parehas. Hindi sila makatingin parehas.

"Bakit!?" I grab Kevin's T-shirt.

"Wag ka ng umiyak Mau."

"Sinungalin. Sabi niyo! Walang iwanan. Kasi alam niyong di ko kaya.. mga
kaibigan ko kayo diba!?"

"Uuwi naman sina Tito at Tita dito. Alam bang gusto ka na nilang makasama." di
parin makatingin si Kevin.

"O kaya naman.. sumama ka na lang kina Tita. Kina Mr. and Mrs. Padua, sa mga
magulang mo."

"Hindi pwede.." bumitaw ako kay Kevin.

"Bakit.. dahil ba sa mahal mo yung lalaking yun! Mau! Bata ka pa! Masyado ka
namang maaga para dyan!" sinigawan ako ni Kevin.

"Kuya.."

"Umaasa ka!"

Umiiyak na naman ako. At nasasaktan.



"Akala mo ba yun yun." tumayo ako. At umalis sa apartment nila. :'(


34.1

Nandito ako sa market para bumili ng mga snacks na makakain ng team bukas. May
pasok na kami bukas pero di parin kami nag-uusap ni Kevin. Bumili narin ako ng
makakain ko. Naisip ko.. bakit ba yun nasabi ni Kevin? Alam naman niya hindi ako
pedeng umalis dito dahil nandito ang puntod ng ama ko.
Naglakad-lakad na ako pabalik. Napansin ko lang na madaming tao ngayo. Dahil
siguro malapit na matapos ang bakasyon.


"MISS EXCUSEeee!!!-"

May narinig akong sigaw. Hinanap ko naman nang biglang-

*BLAAAAAAAAAAG*

"Aray!!?"

Napaupo kami parehas. Ang sakit ng pagkakabundol niya sakin pero mas nanaig ang
pagkawala ng salamin ko. Nasaan ba yun? ??? Kanina pa ako kapa ng kapa dito.
Nasaan na yun?

"Miss, heto oh. Bwahahahaha!" naisuot ko naman kaagad ang salamin.

Isang babaeng mahabang buhok na nasa side ang hati ng buhok ang nakaupo sa harap
ko na nakangiti. Hindi man matamis ang mga ngiting yun gaya ng kay Pau, pero may
nararamdaman akong iba.

"KRIS..TELLE!!!" Telle? ???

"Naku.!" bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Wag tayo dito!" at tumakbo kami palayo.



At sa isang cafe kami tumigil. Umorder siya ng banana split para saming dalwa at
ice cream din. Inayos ko ang salamin ko at napansin kong kanina pa siya tawa ng
tawa at salita ng salita. Ang energetic niya. :)

"Nakikinig ka ba sakin. Ahahaha! Nakakaasa talaga oh. Buti na lang nakakain
narin ako. Hihi."
"Kumain ka nga!" sabi niya nung napansin niyang nakatunganga lang ako.

Ang dami niyang inorder. Tapos matatamis at malalamig pa. Okay lang ba tratuhin
niya ako ng ganito.. ibig kong sabihin, hindi namin kilala ang isa't-isa. ???

"Ah.. Kristelle Hernandez ang buo kong pangalan. Telle na lang ang itawag mo
sakin."

:o

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Telle.. ang first love ni Andrei. Tinitigan ko
siya at ang babaeng nasa documents at ang babaeng nasa harap ko.. ay iisa.
Napaka.. ganda niya. :-/ Hindi nakakapagtakang nagustuhan siya ni Andrei. Mabait
din siya.. :'(

"Hindi parin.. ok. I'm a freshman college. I'm a nice person ang don't worry..
di ako nangangain ng tao." ngumiti siya.

Bakit nasasaktan ako tuwing nakikita siya? Wala naman siyang ginagawa ah?
Nagmamahalan lang naman sila. At ako.. epal lang ako sa storya nila. :(

"Kumain ka na kasi. :)"

Sinunod ko naman ang gusto niya. Nakakahiya naman kasi kung sasayangin ko lang.

Habang kumakain ako.. kwento lang siya ng kwento. Nakakatuwa siya. Naiimagine ko
si Andrei habang ngumingiting nakatitig sa kaniya. Siguro sobrang saya niya sa
piling ni Telle. Ilang buwan na ba niyang nililigawan si Telle? Sigurado
magiging perfect couple sila. Eh kung sabihin ko kay Telle na sa school din niya
ako nag-aaral nung naghs siya. Sigurado itatanong niya si Drei at maaaring
matulungan ko silang dalwa.

At panigurado.. wala na.. wala na akong pag-asa. Masasaktan na ako. Dapat pala..
magmove-on na ako.

"Ikaw naman, sino ka ba?" naglalakad-lakad na kami.

"Mau Anthonette Padua, 3rd year highschool." hinawakan niya bigla ang kamay ko.

"Mau?" tumigil siya sa paglalakad.

"o..O-" :o

"Ate ang itawag mo sakin pwede ba?" inayos ko ang salamin ko. Ang lapit ng mukha
niya kaya I noded na lang.

"So saan ka nga pala napasok?" lumayo na siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Sa.. m..m..Mori High." tama ba ang ginawa ko? :-

"Mori High?"


"Telle?.." napalingon kaming parehas. "Mau!?"

Si Zeji? Nandito siya? Kasama ba niya si Pau? At oonga pala.. si Telle.

"Oh Hi.. Zander Tai right?" nilagay niya ang mga kamay niya sa likod niya.
Nginitian niya si Zeji.. pero a bit shocked parin si Zeji.

"Ate Telle.. ako nga pala..--"

Nabigla na lang ako nang bigla akong hinigit ni Zeji sa likod niya. Hawak-hawak
niya ang kamay ko. Bakit ganito siya makaasta?
"Close pala kayo Mau, ng dati kong player. How come.. it's coincidence. Mag-anu
ba talaga kayo at ganyan.."

Nakatingin siya sa mga kamay namin ni Zeji na magkahawak. Ang higpit ng
pagkakahawak niya. Hindi ako makapalag. At bakit ba? Anung problema about Telle?
Mabait naman siya eh.




"Girlfriend ko siya, bakit?"
Nalaglag ang panga ko.. kahit ata kay Telle. :o


35.1

"Actually, bagay kayo sa isa't-isa." yun ang huling salita ni Telle bago niya
kami iwan ni Zeji. Hindi talaga ako pinakawalan ni Zeji nung mga oras na yun.
Pero nakakapagtaka kung bakit umasta ng ganon si Zeji? Anu bang dahilan at
kailangan naming magpanggap na ganon sa harap ni Telle? Buti na lamang at sinabi
niya agad kay Telle na hindi. Kundi baka makarating nga yung kay Drei.. :-[

Toink. Anu ba tong iniisip ko. Diba dapat sina Kevin at Kerlin ang inaalala ko.

"Ah-Pau?"

Dahil sa nakasalubong ko narin naman siya, pumunta narin kami sa rooftop.

"Ang ganda ng sikat ng araw noh." sigh. Anu ba tong ginagawa ko. Dapat di ako
nagpapahalatang may problema.

"Mau.."

"Hm." ngumiti ako paglingon sa kanya. :)

Pero.. di effective. Seryoso parin siya. May problema kaya. ???

"Mau, yung.. abt kay Zeji.." nag-iba ang mood ko. Tungkol nga ba kay Zeji?
Naguguluhan ako sa kanya. ??? "Crush mo lang ba siya? O gusto mo siya!?" humarap
siya sakin. Seryoso si Pau dito.

"Tungkol ba to dun sa.. nangyari dun sa cafe?"

Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Hinihintay niya talagang sagutin ko ang
tungkol dito.

"Pau, bakit.. may problema b-" hindi parin siya sumasagot.

"Mabait si Zeji. Alam mo palagi niya akong tinutulungan.." naging malungkot ang
mukha ni Pau. " Gusto ko siya.. dahil kaibigan ko siya. At hanggang dun.."

Medyo nasaktan ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro masyadong
naging malapit sakin si Zeji. At gusto ko talaga siyang kasama.. pagkasama ko
siya feeling ko.. Safe ako.

"Salamat Mau, nagtiwala ka sakin." niyakap ako ni Pau.

Bakit ba ang dami-daming nangyayari ngayon? Na halos di ko na maintindihan. Si
Zeji? Pau? Kevin? at si.. Andrei?? :-/



Nalalapit na nga pala ang Christmas. Magbabakasyon na naman.

"Ok! Lahat tayo! Aattend ng Party! Maliwanag! Gaganapin yun sa gym!!!"

Lahat ng juniors and seniors magkakameron ng night party sa gabi. Habang ang
freshmen and sophomores ay sa umaga. Ang FS sa field with bompfire at ang JS sa
gym. Kaya lahat kami nandun.

Kumuha ng iba't-ibang materials ang iba't-ibang section. Magkakameron ng band
(Glee Club), mga table, at mga materials para sa Big Christmas Tree. At yung
iba.. gaya kong walang ginagawa, tumutulong lang sa paglilinis. Sigh.

"Mau!" may biglang lumapit.

"Masyado mo namang sineryoso ang sinabi ng mga teachers. Wag ka ng maglinis.
Gagawin din naman yan ng mga janitors dito. Hehe." tiningnan ko si Angelo at
wala nga silang dalang cleaning materials. Pero pinagpatuloy ko ang pagpupunas..
I need to maintain my character.

"Tama na yan! Hikain ka pa. Mawalan pa kami ng manager nito eh." inagaw ni
Daison ang basahan ko at basta na lang shinoot kung saang box.

Ako naman dahil wala sa mood. Lumapit dun at hinanap. Pero di yun ang nakita
ko.. ang basahan di ko na makita. Sigh. Tapos ngayon.. si Andrei pa ang nakikita
ko. Nakatingin siya sakin.. ang tagal na pala naming di nag-uusap. Di ko na nga
nakakamusta si Mori. Bigla akong kinabahan.. Thump.Thump. Lalapit si Andrei
sakin.. napahakbang ako paurong.. Natatakot parin ako. Ayoko muna siyang
makausap-

"Dun nga tayo!"

Biglang hinawakan ni Daison ang kamay ko at hinila ako palayo dun.

"Bakit dito tayo sa stage. Diba.. para sa band to." ???

"Dito ka maglinis! At least dito.. nandito kami!" ??? Bakit ba laging mainit ang
ulo ni Daison sakin? ???

"Mau ok ka lang ba? Yung about kay.. anu.. yung sa Halloween Party.. kay.. dun..
Naiintindihan ka namin! Pangako! Ilalayo ka namin kay Andrei!"

Ilalayo? Bakit kailangan nilang gawin yun? Naiintindihan? Anung nangyari at
bakit naiintindihan nila ako? :-/

"Sige kuha lang ako ng cleaning materials para makasama ka namin!" umalis si
Angelo.

Inayos ko ang salamin ko at umupo na. Pero bago ako makaupo.. biglang hinawakan
ni Daison ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya.. pero ang lapit ng mukha niya
sakin.

"Kung manliligaw ba ako sayo! Makakalimutan mo siya!?" bigla ko nalang
naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Nagbablush ako. :-[

Umayos siya ng tayo. Hindi na kami ganong kalapit.

"Ang tanga mo palang pumili noh. Ang pinili mo eh yung gaya nun. Misteryoso yun!
Di siya nababagay sayo!" tumingin siya sakin ng masama.

"Gagraduate na kami. 3 months after. After this party.. walang pasok. Sa party,
gusto kong malaman kung pumapayag ka bang magpaligaw sakin! 3 months! After
vacation.. 3 months kitang liligawan Mau! At kakalimutan mo siya!" umalis na
siya. Dumating naman si Angelo.

"Mau, dun tayo magsimula." hinigit naman niya ako.


Liligawan ako ni Daison? Paano si Pau, sino ba talagang gusto ni Daison? Bakit
kailangan niya akong ligawan? Bakit, gusto ba niya ako? Si Andrei? Si Andrei ba
ang tinutukoy niyang dapat kong kalimutan? Alam na ba nila ang nararamdaman ko
kay Andrei kaya nila ako naiintindihan? Anung isasagot ko bukas? Papayagan ko ba
si Daison dahil di naman kami bagay ni Drei? Pero paano kung.. mahal ko na pala
si Drei.. kaya ako nasasaktan. :-


Quote

1 new message
to: m8-Daison
Pag-isipan mong mabuti. Pag pumayag ka.. hindi kita sasaktan.




Isang gabi lang. Isang gabi lang ang oras ko para sagutin si Daison. Pero
ngayon.. nagdedesisyon na ako. Ayoko. Dahil mahal ko si Andrei at ayaw kong
gawing panakip butas ang kung sino. Yung ang final decision ko.. pero bakit di
parin ako kontento. :'(


36.1

Mabilis dumaan ang araw, At ngayon panibagong taon. Oo na...duwag na ako, takot
ako, natakot ako sa mga maaaring mangyari. Kailan lang ba nagsimula ang
pagkagusto ko ng sobra kay Drei...paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon.

Mahal daw ako ni Kevin, at ngayon...gusto ni Daison na siya ang piliin ko.
Bakit? Kailan ko nagustuhan na maging ganito ang sitwasyon ko? Ang tanging
kagustuhan ko lang naman ay ang mapansin ako ng taong sobra kong
gusto... :'( Pero dun na lamang, hindi na matupad...tapos may ganito pa. Ang
gulo-gulo ko na. Hindi ko na alam kung anu pa bang dapat kong gawin...palagi na
lang akong tumatakas.

"Hello, Honey, natanggap mo na ba ang package? Aw...namimiss ka na namin ni Papa
mo dito. Sana magkakasama tayo noh? Masaya ang White Christmas ko at New Year
dahil nakasama ka namin. Salamat Anak. Alagaan mo ng mabuti sarili mo" message
ni Mama sa phone.

Kababalik ko lang pala galing ibang bansa. Balik school na uli kasi. Kaso...
hanggang ngayon di ko parin naaayos lahat. Sa pagitan namin ni Kevin at Kerlin.
Sa isasagot ko kay Daison, ang kinikilos ni Shaoran, at ang pag-iwas ko kay
Drei. Sana maayos ko agad.

"Ah?" sabay naming labas ni Kevin sa magkaibang pinto ng apartment namin.

Hindi kami magkatinginan. Ang tagal ko na siyang di nakakamusta. Inayos ko
salamin ko at naglakad. Lumabas din naman galing likod niya si Kerlin. Ganito
kami palagi simula nung magkalabuan.

Hanggang sa makarating ng school, walang imikan.

"Hi, Mau!" si Pau. Napangiti ako.
"Ang daming nangyari, alam mo ba yun?" ininom ko juice ko. Recess na namin.

"Nakinig ako sa lahat ng sinabi niya. Nasasakal ko na yata siya. Alam mo ba ang
sama ng taon ko, nasampal ko siya. Umiyak ako sa harap niya, ang sakit sakit na
pala. Pero saka ko lang namalayan." lumeand siya sa wall behind us habang
nakatingin sa langit.

"Mahal ka niya yata talaga..." naubos ko na pala ang juice ko.



Nagsimula naman ang mga bagong lessons namin. Naninibago ako. Sa looks ko, sa
surroundings ko, parang lahat hindi tama, parang lahat ang gulo gulo.
Love?

Talaga bang masarap mainlove.

"Ahm Bye Mau!" palabas na kami ni Pau ng gate. Dali dali naman siyang tumakbo
patungo sa driver niya. Nang mapagtanto kong...nakatitig si Zeji sa Pau na
papaalis habang nakaleaned lang sa gate at pinapanood paalis si Pau.


"Parang ang haba ng bakasyon noh? Wala ka nung x-mas party? Sayang .. kumanta pa
naman ako nun. Hehe!" ???

Naging tahimik kami habang naglalakad patungo sa walang direksyong daan. Gusto
daw niya akong makausap pero ngayong magkasama naman kami, parang wala naman
siyang masabi. ???

"Binago mo hairstyle mo? Ang dami talagang nagbabago." gusto ko sanang magsalita
pero parang di ko oras.

"Mau, magalit ka ba sa mga pinaggagagawa ko?"

"Ha?"

Sa gitna ng daan, parehas kaming napatigil at napatingin sa isa't-isa. Hanggang
sabihin niya ang mga katagang to...




"Kaya mo ba akong mahalin?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pero... mas nakakagulat ang pinahihiwatig ng mga
mata niya.

"Hindi ako natatakot bastedin ka Zeji. hah! " parehas kaming natawa.

Oo tumatawa kami ng walang katapusan. Dahil...ang Zeji'ng nasa harap ko...ay iba
na.

"Desperada kasi bestfriend mo. Ang tagal kong hinintay na makita ang totoong
siya.
Minahal ko na talaga ang bestfriend mong yan." nakahawak siya sa noo habang
sinasabi yan.

"Ipaglaban mo siya." nagulat siya sa sinabi ko at ngumiti din naman. Hanggang sa
magdecide na siyang iwan ako.



"Nagbabago talaga ang mga tao."
"Mau Antonette?" napalingon ako sa familiar na boses.

Dun...muling nagbukas ang puso ko para masaktan. Oo...ang sakit.

Ang sakit na makita sina Telle at Drei na magkasama.

"Hi!" nilink niya ang kamay niya sa mga braso ni Drei.

Ang tagal ko ng di nakita si Andrei. Ang gwapo niya talaga...sobra kong gusto
ang lalaking to sa malayuan. At hiniling ko pa...na sana mapansin niya ako. At
ngayong kilala na namin ang isa't-isa...naramdaman ko ang tinatawag
nilang...masaktan.

"May kasama ka?"

Ang sayang tingnan ni Telle. Anu kayang reaction ni Drei. Ayoko...ayokong
tumingin sa mata niya. Ayokong makita na mahal niya ang babaeng kasama niya.
Simula kasi ng araw na yun...mas pinili ko ng iwasan siya. Natatakot ako sa
kanya...

Napaurong ako na para bang gustong tumakbo.

"Mau-"

May nasagi ako. Lumingon ako... :o

"Naghintay ka ba ng matagal? Patawad."

"Daison." ang lalaking kinaduduwagan ko.

Palagi na lang siyang nandyan. Sinasalo ako. Mabuti na lang..hindi tuluyang
pumatak ang mga luha ko. :-

"Sige maiwan na namin kayo."

Napatungo ako habang hawak niya ang kamay ko at sa pangalwang pagkakataong na
ilayo...kay Andrei. :'( Hinawakan ko ang mata ko, umiiyak na naman ako. Matagal
ko na'tong pinigilan diba? :'(

Kinulong niya ako sa mga bisig niya.

"Tumahan ka na." hindi ko mapigilan. Mas lalo akong nanghihina kapag nakikita ko
siya.

"Tiningnan mo ba siya sa mga mata?" umiling ako.

"Dapat sinubukan mo." umiiyak parin ako. Gusto ko ng tumigil pero ayaw talaga.




"Matagal kitang hinintay. Pero di ka dumating...g'go ka Mau. Hindi ako ang iyong
pinili."

Oo g*go ako! !@#$ ako dahil hanggang ngayon ... minamahal ko parin ang taong
imposibleng mapasaakin. Hinding..hindi ako mapapansin ni drei. Hindi niya ako
mapapansin gaya ng pagpansin ko sa kanya.


37.1

Humiwalay ako sa kanya. Hindi kasi tama na yakap niya ako.
"Aalis na ako." bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ang tagal mong nawala, tapos magpapakita ka sakin ng umiiyak? Tara! Mamasyal
muna tayo.." bigla rin niya akong hinigit. Tapos dinala niya ako sa mall.

Alam ninyo yun, hindi niya binibitawan ang kamay ko. Ang bilis pa niyang
maglakad, hindi ko tuloy maayos ng mabuti ang salamin ko. Hanggang sa...Dalhin
niya ako sa sinehan.

"Daison, bakit-"

"Shh! Late na nga tayo sa movie tapos ang ingay ingay mo pa. Wag kang mag-alala,
ihahatid kita senyo." napatingin ako sa oras. 6 na pala. Eh anung oras kami
matatapos?

Nagsimula na yung movie, Amerikan Movie. Parang...LOVE STORY? Napatingin tuloy
ako kay Daison. Seryoso siyang nanunuod ng movie habang kumakain ng popcorn. For
real ba syang nanonood ng ganito? O ngayon lang? Ang weird ng lalaking to.
Pero... napapangiti ako. Siya ba yan? Back to movie na nga, ang dilim pala dito.
Buti na lang gamit ko ang salamin ko. :)



"Ang ganda ng movie noh?" inayos ko salamin ko at tumingin sa salamin, malapit
ng mag9.

"Naintindihgan mo ba ang kwento?" napatingin ako sa kanya.

"Oo naman."

"Nakakaawa yung lalaki noh? Nakipagrelasyon lang yung babae sa kanya dahil yung
totoong gusto nung babae ay nagkataong kaibigan pala nung lalaki." napatigil ako
sa paglalakad. :-

"Pero alam mo, hindi tama ang ginawa niya. Eh anu kung ginamit siya. Siya parin
naman ang boyfriend diba? Hindi ba dapat..." tumigil din siya at tumingin sakin,
"ang dapat niyang gawin ay ipakita sa gf niya na siya dapat ang mahalin. Ipakita
niya na mahal talaga niya yung babae. Magagawa niyang maghintay sa pag-ibig nung
babae...kung mahal talaga niya yung gf niya. Hindi sya magpapatalo, kahit
na...ang gusto talaga nung gf ay ang bestfriend niya."

Parang ang awkward ng moment na to. Ang sinasabi ni Daison. :-[

"9 na, siguro uwi na--" sumeryoso ang mukha niya. Parang nasasaktan ako sa mga
tingin na yan.

"Kaya ko naman maging panakip butas eh. Ayos lang kahit gamitin mo ako para
makalimutan si Drei. Pasasayahin naman kita, Mau.




Mau...I love you." tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko kayang harapin si Daison kaya tumakbo na ako at iniwan siya. Hindi ko
maintindihan ang nararamdaman ko. Pero...may isa pa pala akong hihilingin. Hindi
ko man kayang balewalain na minahal ko talaga si Drei. Hindi ko man kayang
kalimutan agad si Andrei, hindi ko man kayang hindi umasa.. :'( pero sana
naman...SANA DALWA NA LANG ANG ANDREI.


Malapit na ang Valentines Day, kaya lahat ngayon busy. Hindi kami masyadong
nagkaklase. Gumagawa kasi kami sa ng maraming props...kaya nga busy lahat.
"Mau, anu ba, kanina pa tayo tinatawag ni Sir. Gagawa tayo ng props. Bakit ka ba
nagtatago?"

"Ha?" pagtingin ko kina Pau. Nakatingin sila sakin na nasa likod ng pinto.

"Ahahahah! Hindi ako nagtatago kasi..." naglakad na kami sa corridor at
kinakabahan talaga ako.

"Daison bilisan mo naman!" nagfreeze ako.

"Sige una na ako!" at mabilis na akong tumakbo nung marinig ko ang pangalan ni
Daison. Oo na...umiiwas na ako.



At ang kinalaglag ko, tutulong ako sa mga magpipintura. May mga nakaassign pala
bawat group para sa gagawin nila. Tapos kagroup ko pala sina Pau, na siya tong
tinakbuhan ko. Kaya ngayon sa mga late ako napasali. Sino pa kaya ang kasama
ko...Sigh.

"Mau?" napalingon ako sa familiar na boses. Lumakas ang kabug ng puso ko.
Iniiwasan ko nga siya pero we ended like this. Kami parin ang magsasama.

"Nalate kasi ako. So tayo ang magkatulong...for now." nagiging awkward na naman
ang scene. Di ko na kaya to.

Inayos ko ang salamin ko at nagfocus na lamang sa props na gagawin namin. Kumuha
ako ng lapis at nagguhit guhit. Pero...ang lakas talaga ng kabug ng puso ko.
Si...Daison ang kasama ko. Thump.thump.thump. :-[

"Nakita kitang dumaan sa corridor, tapos...nung mapatingin ako sayo," hinawakan
niya ang noo niya na parang nadidepressed. "Imagination ko lang sana, pero...Mau
iniiwasan mo ba ako?" bigla siyang tumingin sakin.

Ang linaw ng mukha ni Daison. Bakit ngayon...bakit sobrang gwapo niya! :-[

"Ahahah! Hindi noh, tara gawin na lang natin toh." tungong tungo ako habang
nagguguhit. Napakaawkward ng scene. Naiilang ako.

Parang gusto ng lumuha ng mga mata ko sa sobrang sikip na ng nararamdaman ko.
Ang hirap hirap. Hanggang ngayong kasi...nagtataka parin ako kung bakit ako
napapunta sa ganitong sitwasyon. :'(

"Sandali lang huh." I faked a smile without looking at him. Medyo inalis ko ang
salamin ko at pinunasan yung namumuong luha sa mata ko...

thump.thump.thump.thump

Saka ko na lamang napansin, na papalapit ng papalapit ang mukha ni Daison
sakin... :o At...




Hinalkan niya ang noo ko? :o :o :o

Mga 1 inch lang yung layo niya sa mukha ko pagkatapos niyang halkan ang noo ko.
Sa sobrang gulat. Tinulak ko agad siya. At tumakbo agad ako.

:'( Bakit niya ginawa niya yun? Nahihirapan na nga ako eh! Kaasar naman
oh...huhu! :'(

Takbo lang ako ng takbo papuntang walang direksyon. Nakatungo habang umiiyak...




*BLAGGGG*

Medyo tumama ang ulo ko sa dibdib ng isang tao. Lumayo ako at nagsorry.
Pagtingin ko sa taong yun... :o :o :'( :-

Si drei..."MAU!!!"

Nung marinig ko ang boses ni Daison biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi
parin ako makakibo, naistranded ako dahil sa dalwang taong to. :-

"Mau! Magpakita ka na oh, pangako di ko na gagawin yun!" pagkasabi niya nun.
Bigla kong naramdaman na malapit lamang siya sakin.

"Sige...Drei." susubukan ko na sanang tumakbo...Nang...




:o




:-

Nang bigla niyang higitin ang kamay ko at dalhin sa pinakamalapit na room.
Niyakap ako ni Drei. Hindi ko alam kung niyayakap ba niya ko para itago kay
Daison...o ako lang tong gumagawa pa ng ibang reason. Hindi ko namalayan.
Nakatulala na ako sa dibdib niya habang tumutulo ang mga luha ko. :'(



38.1

Nasa office pala kami. Hindi ko agad napansin.

"Mau?!" nung nawala na ang footstep. Lumuwag naman ang yakap niya. Mabuti na
lamang at hindi sumilip sa salamin si Daison.

Pero... :'( Hindi ko parin kayang hindi umiyak. Hindi ko kayang pigilan.
Nasasaktan ako. Ang tagal kong hindi siya nakita. :'( At hanggang ngayon, hindi
parin ako malinawan. Hanggang ngayon...ang sakit-sakit parin. :'(

"Patawad..." bigla namang nagbukas ang pinto. Pero ako pilit paring pinupunasan
ang mga luha ko.

At kahit anung gawin ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak. :'(
"Uy captain! At... manager? Bakit umiiyak si Mau?" tumungo pa ako.

"Ngayon ko lang uli nakitang nagpaiyak si Drei ng babae." tumawa sila.

"Guys-"

"Nagconfess ba si Mau? Haha. At rejected? Haha!" medyo sumeryoso si Andrei.


"Oh JOKE lang.." may kinuha sila sa locker.

"Hindi naman namin alam ang nangyayari eh." bulung bulungan nila.

"Edi wala na ngang gusto si Mau." medyo tumingin ako sa kanila.



"Gusto ko si Andrei!" tumingin silang tatlo.

Ganito reaction nila--> :o :o :o

Mali ba ang ginawa ko? Ayoko lang naman na isipin nila na hindi ko gusto ang
taong totoong gusto ko naman. Medyo nagulat din si Andrei. Ngayon...sobrang
pathetic ko na. Sawing sawi na talaga ako. Sana...biglang may 'Boom' at mawala
na lang akong bigla.

"So confession nga to?"
"Wow pare! First time kong makitang may magconfess kay captain. At first time ko
ring makitang nagpapaiyak talaga siya ng mga babae."
"Ganito pala ang feelings pagheartthrob ka sa babae. Kawawa naman." seryoso
nilang sabi habang parang naaawa pa.

"Ang lakas mo talaga Andrei.--" medyo napatigil sila. Sumama ang tingin sa
kanila ni Drei. >:(


"Mali kayo. Hindi ko binasted si Mau." tumingin siya sakin. Tumutulo parin ang
mga luha ko.




"Kasi Gusto ko rin si Mau." ako naman ang nagulat.




Walang umimik.

Walang nagreact.

Walang nagsalita.




Tapos...naramdaman ko yung sakit. Sakit na magkaiba kami. Nasasaktan ako sa
katotohanan...naiintindihan ko si Drei. Alam ko kung bakit niya to
ginawa. :'( Ayaw lang naman niya akong mapahiya diba? :-
"So...KAYO!?" may isang naglakas ng loob na magsalita. :o



Walang ulina umimik.
Nakatingin lamang si Drei sakin.
Pinilit kong ngumiti kahit umiiyak parin ako...pero...ayoko talaga nito. Ang
sakit sakit na!


"Namisunderstood lang kayo." imahinasyon ko lang ba yun? O totoong nagulat si
Drei sa sinagot ko.

Wala naman talagang dapat siyang ikagulat. Ayokong imisunderstood siya.

"Ang gusto ni Drei at gusto ko ay hindi iisa. Mali ang iniisip niyo...kasi *sob*
magkaiba ang ibig sabihin namin at wala kaming relasyon!" nahihirapan akong
umiyak dahil sa salamin kong suot. Pero mas mahirap dahil nagsisimula na akong
humikbi.


"Sige, una na kami." umalis naman sila. Hindi parin ako tumitingin kay Andrei.


"Salamat! Pero hindi mo naman kailangan pagtakpan ang sinabi k--" bigla niyang
hinawakan ang braso ko at sumigaw ng ganito.. :'(


"Ganyan mo ba talaga kagusto si Daison!" parang galit si Drei, "o si Zeji.
Sigurado gusto ka nun, o si Kevin! Ang dami naman Mau! Hindi ba ako pwedeng
sumali!?" medyo nakagat ko na labi ko sa pagpipigil umiyak. Nakita naman niya
yun...at biglang lumungkot ang mga mata niya. At binitawan na niya ako.


"Siguro si Daison nga. Kaya ba palagi kang dumadaan sa harap ng court para
makita siya. ... Palagi ka kasing nakatingin samin. Sana pala di na lang ako
nagpadala sa mga kateamate ko na ako daw yung tinitingnan mo. Sana di na lang
kita pinansin... Sana di na lang kita nagustuhan." napahawak siya sa batok niya
habang napapatungo.


"Madami na ba sila. Sina Zeji, kevin at Daison...di mo ba magawang paniwalaan
ang confession ko. O tama ka nga... Magkaiba ang gusto mo sa gusto kong
ipahiwatig. Siguro...gusto mo nga ako. Pero iba sa pagkagusto mo kay Daison."
tumalikod siya. Nagpipigil parin akong umiyak.



"Kalimutan mo na lang na may nasabi ako." at umalis na siya.


Hmm! *sob* Ang sakit-sakit pala. Ang sakit sakit pala pag sa kanya ko na narinig
ang katotohanan. :'( Bakit ngayon ko lang napansin...bakit ngayon ko lang
nalaman na kahit na kailan hindi intensyon ni Andrei na saktan ako. Siya... Siya
itong nasasaktan ko... :'(


39.1

Matapos umalis ni Drei. Agad din naman akong lumabas ng Office. At dahil wala pa
mga kaklase ko at busy sa paggawa ng props. Kinuha ko na agad ang bag ko, bag ko
lamang.
Umiiyak akong pumunta sa clinic. Nagsinungalin akong masakit ang mga tyan ko
kaya ako umiiyak. At hindi na rin ako nagpaabalang magpahatid. Agad ko naman
yung pinakita kay guard kaya agad din niya akong pinalabas. Wala naman kasing
nakahalata sakin. Dahil sa tungong tungo ako, natatakluban pa ng buhok ko ang
buong mukha ko.

Kaya pagdating ko sa bahay, hindi agad ako nagdalwang isip na humiga at niyakap
ang mga unan ko. Patuloy parin sa pagluha ng mga mata ko. Talagang nasaktan
ako...ang sakit-sakit. Ang tagal ko ng di umiyak ng gaya nito. Hanggang sa di ko
namalayan na...


dumating si Kevin.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Tahan na."


Dun.. mas lalo ko lang naramdaman ang sakit sa mga pinaramdam niyang yakap. :'(



2 araw na pagkatapos mangyari yun sa pagitan namin ni Andrei. At 2 araw narin at
Valentines na namin. Sigh.

Ayos na kami ni Kevin kahit hindi ko naman maalala kung bakit makita ko na
lamang na nakayakap ako sa kanya habang umiiyak. Dun ko rin napagtanto, na...si
Kevin lang ang nag-iisang tao na lubos na nag-aalaga sakin. Pero, kasalukuyan,
iniiwasan naman ako ni Drei. At si Daison? Imahinasyon ko lang ba o talagang
hindi ko na sya napapansin dahil parati na lamang si Drei ang nasa isip ko.
Sigh. Ang gulo gulo.


"Recess muna tayo?" sabi ni Rica. Sang-ayon naman kami.

Puro junior at senior ang nasa canteen. Madaming tao. Kaya tigigisa kami ng
binili. Drinks ang akin. Masyadong siksik kasi lahat pagod kaya ganyan kadami.
Papalayo na ako para bumili...pero...

"Anu? Lemonade ba? O softdrinks?" ang bitbit ni Drei ay tea? Magkaparehas kami.

Napakagat labi naman ako. Tuwing makikita ko sya. Parang tipong sya lang ang
pinapakita ng mata ko at lahat...blanko. Mahal ko talaga ang taong to. Minahal
ko talaga sya. Pero...naging bulag lang ako all the time.

"Tea? Malamig sya ngayon ah! Okay yan! Ang init naman kasi."
"Hm *nod* dami natin ginagawa."

Wala na naman bisa ang pagiging manager ko sa kanila dahil wala na silang
tournament. Sa next school year na uli. Kung saan 4th year na ako at wala na
sya.

"Uy si Zeji!" pagmagbabanggaan naman ang mga tingin namin, agad naman syang
umiiwas.

Pagmagkakasama naman sila ng team at babatiit ako ng iba. Ang layo naman ng
tingin niya.

Pagnagkakataon na parehas kami ng lugar, umaalis sya. Imahinasyon ko lang ba
yun? Pero pagtinititigan ko sya, parang bumalik lang ako noon. Na tinitingnan
sya sa malayo...pero di naman sya lilingon. Galit talaga sya. :-
"Hm?" may napansin ako. "Nasan si Pau?!" walang kabuhay buhay nila akong
tiningnan.

"Kanina ka pang tulala, kaya hayun di mo nakita na sinundo sya ni Zeji."
"Bagay pala sila noh. :D " ginagawa ni Zeji ang part niya. Ang galing, mabuti
naman at narealize niya, at masaya ako para kay Pau.

"Mau!" napatingin ako sa kaklase kong lalaki. May tinuro naman sya sa may
pintuan. Babaeng iba ang uniform. At... :o

si Telle? :-



Agad akong tumakbo. Hinanap ko si Drei. Kahit saan hinanap ko sya. Pinagtanong
tanong ko sya sa lahat. Alam ko na kasi ang totoo...

'Nung malaman ko ang pangalan mo, natakot ako. Kasi ikaw si Mau,' anu naman kung
ako si Mau. 'Ikaw ang dahilan kaya hindi niya tinuloy ang panliligaw niya sakin.
Hanggang sa tinuring na lang niya akong kaibigan. Special nga ang turing niya
sakin, pero...ikaw ang palagi niyang kinukwento. Gusto ka niya. Nagustuhan ka
niya.' so totoo. Nasan ka Drei! :-

Nakarating ako sa room nila. Hingal na hingal akong sumilip sa salamin. Pero
nung mapansin kong wala naman sya...naglakad na lang ako papuntang rooftop.
Pero... :o habang naglalakad ako. Natagpuan ko yung pinto nila na bukas. May
tao? Pagsilip ko. :) Nandun si Drei.


"ANDREI!" bigla kong sigaw pero nasa labas lang ako. 'Nalaman din kasi niya na
may karelasyon ako habang nanliligaw sya. Pero alam mo...tinanggap parin niya
ako bilang kaibigan. Special parin ako sa kanya. Mabuti ng malaman kong
nagustuhan niya ako kahit sa konting panahon...pero ngayon :'( iba na ang gusto
niya. Ang first love niya' tuwang tuwa ako habang nakikita sya sa loob. Bigla
namang lumuha ang mga mata ko kaya agad ko yung pinunasan.

"Pasensya na. Kung wala kang sasabihin, aalis na lang ako. Ayokong makita tayo-"

"MAARI KA BANG MAKAUSAP!" patuloy parin sa pagluha ang mga mata ko.

"Sige," lalabas sana sya.

"WAG! Wag kang lumabas. Dyan ka lang." mas mabuting nahaharangan kami. Kesa sa
makita niya ang itsura ko. Nahihiya kasi ako.

Tumigil sya at seryosong nakatingin sa kawalan. Iyak parin ako ng iyak. Hindi ko
naman mapunasan ang mga luha ko gawa ng salamin na suot ko. :'( Parang ayoko na.
Natatakot ako. Siya na uli ang Drei na noon. Ang Drei na parang di ko na kayang
maabot...parang natatakot na ako. Parang napapahiya ako. Wala parin akong lakas
ng loob. Baka magalit na naman sya...




"Gusto kita. Gusto kita...gustong gusto." umiiyak parin ako.

Gusto kong maging patas sa pagiging matapang ni Andrei na sabihin ang lahat ng
yun sakin. Gusto ko rin na malaman niya lahat ng nararamdaman ko. GUSTO KO SYANG
MAABOT.

"Mau, diba--"
"Wala akong gusto kahit na kanino, KUNDI IKAW LANG." tuluyan na syang lumingon
sakin. Napatungo ako at umiiyak parin.

"Palagi kitang tinitingnan. Ang lalaking yun." nung first time kitang makita
when I was grade 6. "Ang lalaking naglakas loob na tumulong sakin kahit yung mga
kasama niya pinagtatawanan na ang isang AKO. Akala ko wala lang. Isa ka lang sa
mga simpleng tao. Hanggang sa lumipas ang isang taon. Nakita muli kita...at
HINANGAAN.




Palagi kong hiniling na sana lumingon ka. Lumingon ka at pansinin mo ako." hawak
ko ang dibdib ko habang umiiyak.

"Tapos...isang araw. Pinaglapit tayo ng tadhana. Akala ko with that, mapapansin
mo na ako. At least tumitingin ka na sakin kahit may reason. Ako ang manager
niyo. Pero...marami palang nag-uugnay satin.... ang table, si Mori, at ang team.
Lahat ng yun... kinatuwa ko. At hiniling ko, sana tuluyan na kitang maabot. Sana
maging akin ka!"

Naramdaman kong papalapit sya. Kaya agad akong lumapit sa pinto. At pinigilan
syang buksan to. Kita ko sya sa salamin. Ang taong...MAHAL KO.

"Mas mabuti ang ganito. Dito naman tayo nagsimula eh. Malayo talaga tayo sa
isa't isa. Palagi lang kitang titingnan sa malayo...




MAHAL KITA, ANDREI." pinilit kong ngumiti.




Nang bigla niyang buksan ang pinto at higitin ang kamay ko papasok sa room nila
at niyakap niya ako. NIYAKAP NIYA AKO NG MAHIGPIT.
THE END
4 years ago


Nagsimula lahat sa isang pagtatagpo. Pinagtagpo tayo ng pagkakataon. At muli
pinagtagpo tayo ng tadhana.

Natutunan kitang hangaan. With that, pinanood kita sa malayo. Nagustuhan kita.
Ang lahat sayo... Ay GUSTO KO.

Muli, pinaglaruan tayo ng pagkakataon, ang pangarap ko. Unti unting natupad.
Hanggang sa...
IPAGLAPIT NA TAYO NG TADHANA.




MINAHAL KITA,MINAHAL MO AKO
Nagsimula lang naman to sa munting pansinan, napansin kita, nagkainterest ako
sayo. Sinubaybayan kita, nagustuhan kita. Gusto kita, kaya gusto ko palaging
nandyan ka. Hanggang sa...
TINAMAAN NA AKO NI KUPIDO.


Ang first crush ko, ang kababata ko, si Kevin. Ang una kong kinamuhian, ang
bestfriend mo, si Zeji. Ang taong nakaalitan ko, ang malapit sayo, si Daison.
Minahal nila ako. Pero nung ikaw na...nakilala ko na ang FIRST LOVE KO, ang
taong gusto ko.



Ako si Mau, ito ang love story ko.


THE END:EVER EVER AFTER



"Wooh! Natapos narin! Ready na ako para sa mamayang event!" lahat kami may
maskarang suot.

Pinaglalaruan nga naming magkakaklase. Parang 'bulaga' lang. Valentines na kasi
ngayon. At mamayang mga 5 magsisimula na ang event.

"Pau!" tinawag naman ni Zeji si Pau. Magkatabi lang naman kasi ang rooms namin.

Napasilip ako sa labas habang tinitignan silang paalis. Bakas sa mukha ni Pau
ang kasiyahan, masaya ako para sa kanila. Sobra. Palagi silang magkasama. Lalo
pa ngayon magkakameron ng couple na sayawan. At may bonfire pa. Magiging masaya
to para sa mga couple.

UHM! Bigla ko namang nakita si Daison. Napayuko ako at inayos ang salamin ko at
lumingon muli sa kanya. Matapos ang lahat, si Daison nung mga araw na
yun..kasama niya si Telle. Ewan ko ba kung nagkakataon lang na magkasama sila,
pero..nung malaman niyang naging KAMI ni Drei. Hindi na niya ako masyadong
nilalapitan. Labis kong nasaktan si Daison, dahil sa biglaang nangyari.
At hinayaan ko naman syang lumayo. AH! Tumingin sya sakin. Ang mga nasasaktang
tingin niya. 'Hayaan mong kalimutan kita, my First Love' I tried to smile,
pero...inisnaban niya ako. Sana maging sila na lang ni Telle. Sana makapagmove-
on agad sya. Sana may mahalin din siya gaya ng pagmamahal na pinakita niya
sakin. Naging masama ba ako?


"Mau! Tumulong tayo sa paghahanda ng mga kakainin natin!" yung iba kasi
masyadong walang ginagawa.

"oO!" binaba ko ang maskara ko.

Tatakbo na kami. Unahan pa nga eh. Ako naman...masyadong nahihirapan kasi hawak2
ko ang salamin ko habang tumatakbo. Tama pala si Drei, dapat nagcontact na lang
ako. Mahihirapan akong magsuot ng maskara. And speaking of Drei...

*BLAG*

"Aray?" napaupo ako. At nalaglag ang salamin ko. Agad namang may nag-abot nun
sakin at tinayo ako.

Inayos ko salamin ko at nagpasalamat dun sa taong tumulong sakin na sya ring
dahilan ng pagkaupo ko. Nagbump kasi ang mga katawan namin.
"Sala...mat." napatingin ako paa hanggan mukha...yung mukha. It can't be. Bakit
sya nakasuot ng salamin.

'Ayoko. Ayokong tinitingnan lang ako ng taong gusto ko sa malayuan. Gagawin ko
ang lahat para tanggalin ang harang na namamagitan satin, Mau. Gusto kita. Gusto
ko palagi kang nandyan!'

Bigla akong namula nung ngumiti sya at naalala ko pa ang sinabi niya 2 days ago.

"Kitams. Real couple na tayo. Girlfriend." biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napalingon ako sa paligid. Madaming tao at tinawag niya akong girlfriend
niya...Napangiti ako. Napansin kong si Drei lang pala ang tinitingnan ng mga
mata ko. Wala na akong pake sa sasabihin ng iba.

"Sige! Kita tayo mamaya, iniwan na ako ng mga kasama ko eh!" inayos ko ang
salamin ko. Ang bilis ng heartbeat ko pero gusto ko ang ganitong pakiramdam.

Aalis na sana ako...

"Mau!!!" lumingon naman ako. Ngumiti siya.




"I LOVE YOU!"

Imahinasyon ko lang ba? O totoong sinabi niya yun para sakin para pagsigawan sa
lahat na mahal niya ako. Ilang beses ko bang sasabihin..




MINAHAL KO TALAGA..ANG TAONG TO.

Crazy first love

  • 1.
    Did you everLike someone?... Someone.. YOU REALLY DON'T KNOW! Someone you met...BEFORE...by chances. Destiny? Sabi nila makikilala mo daw ang soulmate mo by not knowing na sila yun. and sometimes.. naniwala ako sa kasabihang yun. Minsan ko siyang nakilala.. The second time na nameet ko siya.. NAGUSTUHAN KO SIYA. Grade 6 ako noon nung makabangga ko siya, who have thought that we'll becoming a school mates. Palagi ko siyang tinitingnan sa malayo, not realizing na mas nagugustuhan ko siya.. MAPAPANSIN PA KAYA NIYA AKO? o HANGGANG TINGIN NA LANG TALAGA AKO? 1.1 tik.tak.tak.tik.t- Yun yung una kong narinig nung unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Tunog ng orasan. Bumangon ako at isinuot yung eyeglasses ko. Letche oh, mahina na ang paningin ko dahil sa pakikipagchat ko kina Mama at Papa na nasa ibang bansa. Sandali, anu na bang oras? "7-WAAAAAHHhh!!!" nagbihis agad ako at nagsipilyo! 7:45 na, konting minuto na lang at malelate na ako. Pumunta akong balcony para kunin yung mga sinampay. Sa pagmamadali, biglang nalaglag yun- sa kabilang bahay. Napatingin ako dun sa lalaking nandun at dahan dahan pa kamong inalis yung anu s may ulo niya- "AAAAAAhhh!! BASTOS! Bigay mo yan sakin!" hiyaw ko. Magkatabi lang kasi ang balcony naming dalwa dito sa 3rd floor. Halos magkatabi.
  • 2.
    Hinampas ko siyang malakas gamit ang patpat sa may ulonan. Napahawak naman siya sa ulo niya at inayos ang salamin niya. "Kasalanan ko bang mahawakan yang bra m-" hinampas ko uli siya. And this time napaupo na siya. Loko talaga yung Kevin na yun. >:( Dali-dali akong lumabas ng apartment. Bumaba ng hagdanan at naglakad patungong school. Napaisip naman ako, magkaklase kami ni Kevin pero bakit di pa siya umaalis? Late na diba!? Hay.. bahala na. Pagdating ng gate, nag-ayos ako ng konti. Sa may buhok, nagpabango, tumingin sa salamin, at inayos ang eyeglasses ko. Hanggang sa.. "DEFENSE!!! Anu ba habulin niyo ang bola! Depensaaaa!.." ang sipag niya talagang magpraktis. Napangiti ako. Kumpleto na araw ko. Malimit dun ako dumaan at hindi talaga sa main gate. Kaya wala akong ginreet na guard. Dumiretso na akong room. Bubuksan ko na ang pinto, nang.. "Goodmorning, Mau!!!" Mau Antonette Padua ang buo kong pangalan. At ang cute na sexy'ng babaeng nasa harap ko. Ang 3 years friendship ko, si Pauline Brei Detorres. Pau for short. Bagay kami diba. "May ass. ka na ba?" nakaupo na kami. Magkatabi pa kami. Tanong niya yun habang kinukuha niya chem ntbk niya. Napahiga ako sa arm chair ko. "Wala. Alam mo namang hirap na hirap akong mag-aral sa chem diba. :(" nakasibangot kong sabi. Lumitaw naman ang mga ngiti sa labi ni Pau. "Heto. :)" abot tenga ko namang inabot yun. Dumating naman si Kevin. Hindi siya tumingin sakin. Bumalik na muli ako sa ntbk ni Pau nang madatnan ko siyang nakatitig sakin habang nakahalumbaba. "Bakit?" "May napupusuan ka na ba bhestie?" ang tamis ng mga ngiti niya. Bigla akong namula. Pumasok sa isip ko yung tunog ng bola. Si Andre Dave. Biglang nag-init yung mukha ko. At nagsimula na akong magsagot. "Wala pa noh." eksaktong tumunog naman yung bell. Napabuntong hininga ako. Thanks lord. Sorry Pau, pero di pa ako handang aminin ang totoo, lalo na ang nararamdaman ko kay AD sa ibang tao.. Nung magrecess, habang naglalakad kami sa corridor ng 4th year, napasok na naman yung topic ni Pau. Na sino ba daw ang napupusuan ko. Kinabahan akong bigla. Tumingin ako sa paligid, baka nandyan lang siya. Nakuu.. Kinakabahan ako.. Kailangan ko ng sapat na tapang. Lumapit si Pau sakin at pinoke ang pisngi ko. "Sino na kasi!?" nangilabot ako sa ginawa niya kaya nag-init ang mga pisngi ko. "Uyy.. namumula ka na oh." tinakpan ko bibig niya. "Wag kang maingay, baka may makarinig sa pinag-uusapan nating yan." pagkaalis ko ng kamay ko, nakasimangot siya. At naglakad palayo sakin. Papunta nga pala kaming rooftop.. Dapat. Napabuntong-hininga ako. Aalis na sana ako para iwan siya.. pero di ko rin natiis eh. Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya. "Ngayon, sasabihin mo na ba?" ang totoo, kahit magbestfriend na kami niyang si Pau sa loob ng tatlong taon. Ang masasabi ko lang, hindi talaga namin kilala ang isa't-isa. Hindi kami open-minded sa isa't-isa. Dito lang kami sa school
  • 3.
    magbestfriends e.. "Kasi.." ganunpa man. Sobrang bait ni Pau sakin. Ako nga lang ang kaibigan niya dito at ang kanyang pinakikisamahan. Ewan ko ba. Parang ang laki ng pinagkaiba namin in other ways. "Sino?" nangilabot na naman ako sa biglaang paglapit niya sa mukha ko. Basta na lang ako tumuro sa may unahang kaliwa namin. Tumigil naman siya at ako naman ay napamulat ng mata. "Zeji?" "Huh?" binaba ko na yung kamay ko. Nakatingin parin ako kay Pau. "Sino siya?" alam kong fake ang mga ngiting pinakita ni Pau nung mga sandaling yun. Tumingin ako sa tinuro ko. Ang flirt ng lalaking to! Playboy siguro to.. bakit ba siya ang naituro ko. Bakit may tao pa kasi sa pinagturuan ko. >:( Senior naman siya, kaya di rin naman niya ako mapapansin.. ngumiti ako. "Kaya nga ayaw kong sabihin sayo eh. Kasi di ko kilala ang crush ko." ramdam kong tumingin sakin si Pau. Nakatingin parin ako sa flirt na lalakin yun.. Lalayo na sana ako ng tingin nang bigla siyang tumingin at.. Kindatan ako!.. Waaaah.. :o 2.1 Nanlaki yung mata ko at hinila ko agad palayo si Pau. "Nakita mo yun, yung ginawa nun. Nakakakilabot," inayos ko salamin ko. "Ayoko na sa lalaking yun!" sabi ko at halatang ayoko talaga. >:( Huminto sa harap ko si Pau. Ganun pa din ang reaction niya, ang lungkot. May problema ba siya. O medyo napalakas yung pagkakahila ko kanina. "Sorry, nasaktan ba kita?" huminde naman siya. "Si Zeji, mabait naman siya." napaewan look ako. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya. ??? "Sino ba yun?" ang lungkot ng mga mata niya. She try to smile pero nangingibabaw parin yung lungkot sa mata niya.
  • 4.
    Hanggang sa magklase,naging malungkot parin si Pau. Sino ba yung Zeji'ng yun? Bakit sobrang affected si Pau? Naglalakad ako pabalik sa room galing faculty. Vacant namin, hindi ko naman makakasama si Pau dahil busy siya at iniiwasan parin niya ako. Si Kevin naman ay nasa room at may inaasikaso. At nandito ako mag-isa, umiinom ng juice. May nakita akong basketball player na pumunta sa gym. Kaya naisip ko na baka maaari akong manood. Sumilip muna ako kung may nanonood ba, confirmed meron. Pumunta ako dun sa pinto ng gym, sumilip ako pero wala naman siya dun. Captain ball pa man din siya. Nasaan kaya yun. Naglibot-libot uli ako.. Habang naglalakad. Di ko sinasadyang makaencounter ng dalwang taong nag-uusap. Aalis na sana ako nang masabit yung uniform ko. Yung palda pa kamo. "Anu ba..aalis na ako." sabi ko habang pilit inaalis yung palda ko. "Zeji, gusto kita!" nacurious na lang ako nung marinig ko yun. Titingnan ko sana kung sino pero hindi ako makaalis. Pinilit ko paring alisin yun. "Br-*BLAG*" biglang pumatak yung mga bola. Arouch!!! Sa ulo ko pa, ang daming bolang nalaglag. "Anu yun?" "Saka na lang tayo mag-usap. Sige." naalis rin yung sabit pero ang sakit ng ulo ko ah. "Waah! Ang palda ko." "Hoy! Ikaw ba yan Angelo! Sabi ko naman sayo diba na wag kang mangingialam dyan ng hindi humihingi ng tulong. Lampa ka talagang tabatsoy!" naramdaman ko yung pag-akyat ng isang tao papalapit sakin. Kailangan ko ng umalis! Anu ba.. "Taba-" napalingon ako. Nagkatinginan kami. Napatingin din kami sa paligid. Ang dumi. Ang gulo. :o "HOY IKAW! Anung ginawa mo!? Lagot kami kay captain!" agad siyang lumapit. "WaaaaHhh!!! WAG KANG LALAPIT!!!" napatigil din naman siya. "Bakit? Kailangan linisin natin to! Bakit ka ba pumasok dito!" lalapit sana siyang muli nang humiyaw muli ako. "Anu bang problema!?" "Zeji! Magsisimula na ang praktis! Tara na!" walang pagdadalwang isip siyang lumapit. Sisigaw sana ako pero tinakluban niya agad ang bibig ko gamit ang kamay niya. At lumapit na sobrang lapit sakin. Napabitiw naman ako sa palda ko at napahawak sa uniform ng lalaking yun. Itutulak ko sana siya kaso- :o "Ze-" nung makita ko ang lalaking papalapit. "Pa-pasenxa! Isipin niyo na lang na wala akong nakita." agad siyang lumabas at binagsak ang pinto na malakas. Bumitaw naman ako sa lalakin yun. Lumayo din siya sakin. "Sige na, tumayo ka na. Kailangan pa nating linisin to bago ako mamura ni Drei!" nagsimula na siyang mag-linis. Ako naman.. Naramdaman ko naman ang pagpatak ng luha ko at..
  • 5.
    "Waaaaaah. Hu.hu.hu.huhuhu!" tuminginsiya sakin ng parang nagulat na naguguluhan. "Napag*sob*kamalan.. waaah.. Tayo! Na-na*sob*naaaaaa.. Naghahalikannnnnnnnn!!!" nasa mata ang mga kamay ko habang pinipigilan lumuha ang mata ko. Ang hirap ng may salamin. "Kasalanan ko bang bumagsak yung mga gamit namin. Kung hindi dahil sayo hindi ko rin naman kailangan na gawin yun diba?" "huhu..waaaaaaahH!" lumapit siya sakin. At pinilit akong patahanin. "Tumahan ka na. Hindi naman tayo nakita ni Drei na nag-aanu nga. Di ka naman niya nakita e." tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sakin. Nasa mata naman niya na hindi siya nagsisinungalin. Aalis na sana ako nang.. "WaaaaHHhh!" tumalikod naman agad siya. "Hindi ko talaga sinasadya yun! Wala akong nakita!" :-[ naiyak na naman ako. "Gusto mo bang iwanan na lang kita?" hindi ako sumagot. Umiiyak parin ako. Pero ramdam ko naman ang pagyapak paalis nung lalaking yun. Pinilit kong gawan ng paraan yung palda ko. Pati yung salamin ko masisira sa kakapunas ko ng luha sa mata ko. Mamaya pa't- "Heto isoot mo!" :-[ hindi siya nakatingin sakin pero nakalahad naman yung mga jersey niya sa palad niya. "Para saan yan?" :'( "Hindi ka naman maaaring umalis ng ganyan. Nasira ng sobra ang palda mo." "pero-baka-"nagdadalwang isip kong sagot. "Anu naman kung makita nila yan. May pakelam ka pa ba, basta makaligtas ka lang ok na. Sige na, isuot mo na yan!" lumabas na siya at sinarado ang pinto. Tiningnan ko yung jersey. Pinawi ko yung mga luha ko. Natukso naman akong amuyin yung jersey niya. Ang bango. Ang bango gaya nung naamoy ko gaya niya kanina yung nung sobrang lapit namin sa isa't-isa. Mabango din ang kamay ng lalaking yun. At after 15 mins, "s-Salamat!" nakatungo kong sabi. :-[ "Sige na alis ka na. Ako narin ang bahalang kumausap sa office at advicer niyo." aalis na sana siya. "Pero paano ka! Ang jersey mo?" he smirks at me.. "Ok lang." ;) then he winks again. For the 2nd time. 3.1 knock.knock.knock.knock- "Bakit di sarado ang pinto?" si Kevin pala yung kumakatok. Naku nakalimutan ko
  • 6.
    palang ilock yun.Makakalimutin talaga ako. "Ah..anu, baka kasi dumating ka at dumating ka nga!" ;D nakangiti kong sabi. Pinat naman niya yung ulo ko at ginulo ang buhok ko. Inayos ko salamin ko. Nakita kong may nilapag siyang something, tumingin ako sa kanya. "Masarap yan." kumuha naman ako ng pinggan. "Nasira ang palda mo?" bumalik ako sa upuan ko at nakita ko siyang tinatahi na yung palda ko. Kaya kumain na lamang ako. "Bakit nasira to?" bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa katawan ko. Sa tuwing naaalala ko yung nangyaring yun kanina.. nakakahiya talaga!Bigla akong naubo. "Ok ka lang?" tapos na pala siyang magtahi. Ang galing talaga ni Kevin. Palagi niya akong tinutulungan. :) Nakatulog na ako pagkatapos naming manood ng tv ni Kevin. Nang magising na lang ako sa kwarto ko na nakakumot na ako. Si Kevin ang nagdala dun sakin. 6:00 na rin. Kaya naghanda na ako para sa pagpasok. Binuksan ko yung cabinet ko at kinuha yung jersey nung lalaking yun. Mabuti na lang at hindi to nakita ni Kevin, at buti narin at hindi ako naabutan ni Kevin na hindi umattend ng huling subject kahapon., kundi.. siguradong kung anu-anong isisipin niya, magsusumbong pa yun sa mga magulang ko. "Mau!" nilapitan ako ni Pau. Alalang alala siya sakin. "Wala ka kahapon. Bakit?" napaisip ako. Nagpaalam ako sa principal na umuwi na lamang muna dahil sa emergency'ng nangyari. Alam ko, nagsinungalin ako. Pero wala na akong choice. Ayokong makita ng kung sino na suot ko jersey nung lalaking yun. Inayos ko salamin ko. "Nagkaemergency kasi. Wag kang mag-alala, Ok na ako!" Nagsimula na yung klase kaya nung magkatime naman ako para mag-isa. Pumunta akong mag-isa dun sa ibaba nung pinaglalagyan nung bola. Ang locker ng basketball team. Tumigil ako sa locker ni Andrei. Ang sarap titigan ng mga pag- aari niya. At nilagay ko naman yung paper bag sa harap nung locker ng lalaking kahapon uli. "Go.Go.Go! D-R-E-A-D go.go.go Dread TEAM!!!" nasa gym kami. Required kaming manood ng game ng basketball since malapit na ang tournament nila laban sa ibang school. Buwan-buwan kasi yun. At gantong event yung pinakagusto ko. Tapik.Tapik. Gumising ka nga sa katotohanan Mau! Ahehehe.. Nasan ba si Andrei? "Drei!" yun! :) Ah??? ??? "Iba yung perfume mo ah? Bumili ka ng bago?" magbestfriend sila ng flirt na yun, I mean nung lalaking yun? "Hehe. Hiningi ko lang to." "Pau, pwesto na tayo!" sabay ayos ko ng salamin ko. Umupo kami kung saan malapit kami at mapapanood talga yung laro. "Naalala mo ba? Nung first year pa lang tayo." "Alin, yung pagiging hate ko sa sport na to?"
  • 7.
    "Ahaha. Pero nagustuhanmo narin siya diba?" sino bang taong maghehate sa bagay na sobrang lapit sa taong gusto mo, "Ikaw? Bakit sobrang gusto mo ng sports na'to?" kay Andrei lang ako nakasteady. "Basta gusto ko ang sports na'to!" ako din. Gusto ko to! :) *PrrRRrrrTtt!* Natapos yung game. "Tara na Mau!" lumingon ako sa likod ko. Umiinom siya ng tubig. Ang cute niya talga. Wag kang magpakapagod huh. Ihm. :) *blag* "Naku?" agad akong umupo para kunin yung salamin ko. May umupo din para iabot yun. Nung isuot ko salamin ko at tumingin sa taong yun. ;) Nanlaki mata ko at nag-init ang buo kong mukha. :-[ "Pa-pasenxa na!" tumungo ako at napatayo. Inayos ko naman salamin ko habang nakatungo. Dumating naman si titser. Inayos ko gamit ko, kinapkap ko bulsa ko. :o, kinapkap kong muli, paulit-ulit. Nung magdismissal, agad akong pumunta sa locker. Hinanap ko yung nawawala kong gamit. Pero kahit ulit-ulitin ko, hindi ko na ata makikita. Nakuu.. Sana naman walang nakadampot o nakakita man lang ng picture ni Andrei.. Kundi! Hutay ako! "Huy!" nataranta akong bigla. Inayos ko salamin ko sa sobrang gulat kahit di halata. "Wag ka kasing mailang!" "Hey! Bye Zeji! See you around tomorrow!" 4 na babae, nde sila nakadouble uniform. Yung white lang suot nila kaya fit at kitang kita talaga ang pagkakahubog ng katawan. Tapos tong flirt na to ngiting ngiti naman. Tuwang tuwa. ::) >:( Aalis na sana ako,"Onga pala may ibabalik ako sayo kaya ako naparito.-" "Zeji!" napatingin siya sa mga dumating na grupo ng kalalakihan niya. Napatingin narin ako, at nung makita ko yung lalaking nakangiti habang may hawak na envelop, nakaramdam na lang ako ng kuryente sa katawan ko. Nag-iinit na naman ang paligid ko. Gusto ko ng umalis pero nagpifreeze ako sa kaba. Ayoko mang tumingin kasi baka mapatingin siya, pero hindi ko mapigilan. "Mag-iinom kami, sama ka?" ayokong tumingin. Wag kang titingin. Wag Mau! "Huh. Oo naman." tumingin ako sa lalaking yun, at least sa way na yun, parang natingnan ko na rin si Andrei. Pero ang hirap parin.. "Hintay niyo na lang ako sa gate. Pangako bibilisan ko dito." feel ko nakatingin siya. Pero parang hindi rin. 3 taon ko na siyang napapansin, tinitingnan at nagugustuhan. Pero di gaya ko, kahit na kelan, hinding-hindi ako mapapansin ni Andrei, ng taong gusto ko, ng Sobra. :( "Baka matunaw ako sa titig mo." ;) ;D ngumiti na naman siya ng pangflirt. Napabuntong-hininga ako. Kung friend siya ni Andrei, bakit di kami mapaglapit ng tadhana.
  • 8.
    "Bakit na naman?"kung mapapalapit ako sa isa sa mga lalaki sa mundo maliban sa ama ko at kay Kevin, pwede bang si Andrei na lang yun. "Hindi kita kilala. Kaya wag ka ng lalapit pa, please." si Andrei lang ang gusto ko, ang hinihiling kong mapansin ako. 4.1 "Ate Mau bakit di pa nagkakagf si Kuya Kevin? 16 na siya at 3rd year narin?! Sasayangin lang niya ang highschool school life niya ng single? Baliw talaga ang kuya ko." umirap pa si Kerlin. Siya ang kababatang kapatid ni Kevin. 1st year highschool na siya. Medyo malayo ang room niya sa room namin kaya di kami masyadong nagbabonding sa school. Inayos ko ang salamin ko't sumubo na lang. "Kung kayo na lang kaya?" napatingin lang ako sa kanya. "Simula pagkabata naman tayo-tayo na ang magkakasama. Nahiwalay lang ako dahil highschool na kayo nung oras na yun. Atsaka crush mo naman si Kuya nun diba?" "Si Kevin lang naman po kasi ang kaclose kong lalaki. Pero pasalamat narin kay god, dahil binigyan na nga niya ako ng nag-iisang lalaking kaclose ko ay gwapo pa, matalino at masipag. Gentleman at sobrang bait!" kung di siguro nailang sakin si Kevin nung grade 6 kami. Wala siguro akong kakilalang Andrei sa buhay ko. Wala naman kasi akong interesado sa lalaki. Pero nakakapagtaka at nagustuhan ko ng sobra si Andrei nang hindi ko man lang siya nakikilala. "Ang tanga-tanga naman kasi ni Kuya. Eh cute ka din naman." "Naku.Naku. Hindi ako cute. Bukod sa may eyeglasses na ako, may bangs pa ako na medyo di na maaliwalas tingnan mukha ko. Look at me, ni di na nga ako makita sa sobrang liit ng mukha ko dahil sa bangs na'to. Tapos ang gulo pa ng buhok ko, tinatamad akong magsuklay." nakahalumbaba lang siyang nakatingin sakin. "Cute ka talaga Mau. Yan nga assets mo eh. Yang bangs mo. Yang ugali mo. Ang dami mo kasing personality." namula ako. Kaya kumain na lang ako. Kaso nakakadistract talaga tong si Kerlin. "Luto yan ni Kuya Kevin." saka pa ako naubo nung naubos ko yung pagkain. "Palagi ka pang dinadalaw ni Kuya sa apartment niyo para lang ipagdala ka ng pagkain o kaya para mag-imis. Tapos si Kuya rin yung nagpapaalala ng mga bagay na importante na nakakalimutan mo naman. Ang galing noh!" niligpit ko na yung pinagkainin namin para maghugas. Wala dito si Kevin dahil nasa bahay siya ng isa sa mga kaklase namin, gagawa sila ng tarpuline para sa cheers namin sa basketball team. Kaya lagi siyang busy. "Kung magustuhan ka ni Kuya. Magpapaligaw ka ba?" hindi parin ako tinantanan ni Kerlin. Ramdam ko talaga ang pag-iinit ng katawan ko sa hiya. "Anu ba yang sinasabi mo. Haha.. Tingnan mo nga, ako at si Kevin," inayos ko ang salamin ko. "Mukha kaming Nerd Couple. Haha. Kung magsasama kami, para kaming weird na parehong malabo ang mata." natawa ako. Ako lang ang natatawa. Napatingin ako sa kanya ng parang 'Anu' "Hindi naman talaga malabo mata ni Kuya. Ginagamit niya narin yun pangsuporta. Kung minsan talaga kailangan niya ng salamin. At ikaw, Ikaw ang talagang malabo ang mata! Di ka nga pwede sa madilim e." nagpout ako. Tapos nilagyan ko siya ng bula sa ilong hanggang sa nagkakulitan kami at hanggang sa.. Nakatulog na kami parehas at sa apartment pa nila Kevin ako nakatulog.
  • 9.
    At kinabukasan, nadatnanko na lang sarili ko na nasa kama ako ni Kerlin. Magkatabi kami kaso tulog pa siya. Lumabas ako ng kwarto, nakita ko ang lababong malinis na. Hindi ko kasi yun naayusang hugasan, siguro si Kevin din ang nag- ayos nito. Nag-iwan na lang ako ng note sa ref nila at bumalik na ako sa apartment ko. Buti na lang at sabado ngayon. "Hi Kevin!" sabi ko nung pagkabukas ko ng pinto ko at eksakto palabas naman siya ng pinto ng apartment nila. "Saan ka punta?" "Sa supermarket. Bibili ako ng makakain natin para mamaya." "Samahan na kita!" hindi na siya nagtaka dun. Palagi ko naman to ginagawa eh. Atsaka may dahilan naman talga ako kung bakit ako sumasama sa kanya. "Salamat nga pala kahapon. Kahit binilin mo na si Kerlin sakin ay ikaw parin ang gumawa ng paghuhugas. Sori at salamat!" "Sanay na naman ako. Sige dun muna ako!" nung umalis na siya agad naman akong pumunta sa pet shop. "Uy Drei, bakit ba ayaw mo pang iuwi yang si Mori!?" si Andrei. Palagi niyang binibisita si Mori. :) Ang gwapo niya talaga. Mabuti na lang at malapit lang tong market sa shop. "Alam mo namang may nagmamay-ari kay Mori diba?" "Ah- si Mau. Kilala mo ba siya?" nakaramdam ako ng kaba. Ang lakas at ang bilis ng heartbeat ko. Tiningnan ko siya. Yakap lang niya si Mori, hindi siya nagsasalita, hindi niya sinagot. Hanggang sa naisip ko na lang na umalis. "Nakabili ka ba?" "Ihm. Heto!" :) Hindi naman ako umaasa ng mararamdaman niya rin tong nararamdaman ko. Ang gusto ko lang, kahit papaano tumingin siya, mapansin niya ako at atleast masingit ako sa puso niya. Kailan ba yun? :( Hanggang ganito na lang ba ako? 5.1 Napatingin ako dun sa mga estudyanteng nag-umpukan sa may bulletin board. Hindi naman ako makatingin dahil ang daming seniors. Ang tatangkad nila. Nagbell naman, unti-unting nag-alisan sila. Kaya pati ako wala ng chance para matingnan kung anu man yung pinagkakaabalahan nila. "Uhm, punta lang akong guidance huh." sabi ko kay Pau pagkatapos ng dalwang subject namin. Nireport ko yung nawawala kong school booklet. At agad naman yung pinayagan ni teacher. Aalis na sana ako nang mapadaan muli ako dun sa bulletin board. Lumapit ako.. Naramdaman ko bigla ang heartbeat ko dun sa lalaking nakita ko sa poster.
  • 10.
    "Ang gwapo niAndrei dyan noh?" "Oo. Bagay talaga sa kanya ang maggitara." Kasali si Andrei sa Club na'to. Music? Nawala ako sa pagkakatitig sa poster nang mas dumami pa yung mga babaeng tumitingin. Umalis na lang ako. Naglakad ako pabalik sa room. Habang iniisip ko na naman yung nangyari kahapon.. kung sinagot ba ni Drei yung tanong nung may-ari, bigla akong nakasagi ng tao at tumilapon yung mga papel. Agad akong tumulong. "Ah pasensya na." nung ibibigay ko na yung papel, biglang bumilis tibok ng puso ko sa isang lalaking kaharap ko. "An-" inayos ko ang salamin ko. Imposible. "Pasensya ka na." tumayo kami parehas. At nilagpasan na niya ako. Hindi ako affected. Sinunod lang niya payo ko. Hindi na lumalapit yung Zeji'ng yun. "Euclid, the father of modern Geometry--" naglelecture si Sir. Ako naman, masyadong wala sa sarili. Bakit ba ang haba ng oras kapag nabobored ka? Tanong ko yan ng paulit ulit habang naghihintay ng bell. Nakakita ako ng drawing sa table ko. Ang itsura ng.. Math teacher ko ngayon? ;D "Ms. Padua, what is Phytagorean Theorem?" napatayo agad ako at sinagot si Sir. Pagkatapos kong sumagot, agad naman akong nagdrawing dun sa table. Dinorowing ko rin si Sir ng may sungay. At buti na lang nagtime na. Whew! Nakaalis narin kami sa classroom ng titser na yun. Gabi na kaming nakauwi dahil sa mga dumagdag na subject na nung mga araw ay vacant kami. 6:00 na. Ihahatid sana ako ni Pau kaso sabi ko sabay na kami ni Kevin, e emergency namang may kailangang puntahan si Kerlin at syempre ok na lang sakin, kaya ko naman.. :) Kahit hindi.. :( arf.arf.arf.arf!!! "Ah!" pagganitong gabi na. Medyo di ko na nga makita ng maayos ang daan tapos may mga aso pa. Maawa naman sila sakin oh. Nanginginig pa ang paa ko. Ilang beses ng nagvibrate ang phone ko pero di ko masagot sa sobrang panginginig ko at takot. "Huy ineng." "Waah! Maawa po kayo sakin! Mabait po akong bata! Ayokong mamatay sa takot, awa naaa.." sabi ko habang nakapanghandang manununtok na position. "Naku pasensya ka na ineng, akala ko kasi naliligaw ka. Sige huh. Mga kabataan nga naman ngayon.." nagfreeze ako. Nakakahiya ka Mau. grrrr.. arf.arf.arf.arf!!! Agad akong tumakbo ng may narinig akong tahol ng aso, takbo ako ng takbo. Feeling ko may sumusunod parin saking aso kahit wala na, hanggang.. *Blag* Nagpatak yung salamin ko nung mapaupo ako dahil sa sobrang lakas na pagkakabump ko sa taong yun. Tas napahikbi pa ako, umiiyak na pala ako. Napatungo lang ako kaya di masyadong halatang umiiyak ako.
  • 11.
    "Ok ka langba miss?" "Kaparehas natin siya ng uniform. Schoolmate natin siya! Miss?" "Ang lakas kaya ng pagkakabundol niya sayo. Masakit pwit nan." tumawa pa sila ng konti. "Mau?" "MAU!!!" napatingin ako sa familiar na boses. Agad na lumapit yung tao.. May nilagay siya sa mukha ko, yung salamin ko pala. "Text ako ng text, tawag ako ng tawag, anu bang nangyari! Ok ka lang ba?" nakahawak si Kevin sa both shoulders ko. "UwaaaAHh! May*sob*Aso!!! Hina*sob*Habol Akooo.." nasa mata ko ang mga kamay ko, iyak ako ng iyak. Kinuha naman ni Kevin yung bag ko at itinayo ako. :'( :'( "Sige na, tahan na. Sori. Tara na." i noded. At umalis na kami. Feel ko.. That time.. may narinig ako.. 'Mau' ang boses ni Andrei. :( 6.1 Hanggang ngayon.. di parin naalis sa isip ko ang familiar na boses na yun. :) "Mau." ang sarap pakinggan ng sarili mong pangalan kung sasabihin 'to ng special someone para sayo. "Bakit mo tinatawag ang pangalan mo?" nagulat ako kay Kerlin. Nasaan ba to kanina? "Wala lang. :) Naiimagine ko kasi kung tatawagin ba ako nung taong yun sa pangalang yun, mas magiging special siguro pangalan ko." "May kinagugustuhan ka na bang lalaki?" nilamig akong bigla. Nasa balcony kami pero pinagpapawisan ako ng malamig. Nag-init yung pisngi ko kaya nagkunwari akong nag-aayos ng salamin. "Ipakilala mo siya sakin huh-" "Hoy Kayong Dalwa Kakain na!" "Nandyan na!~" ipapakilala? Hindi ko nga siya kilala eh. :( "Sige na! Mau.. sumali ka na rin! Mau~" pamimilit sakin ni Pau. Kanina pa siya simula nung matapos ang 2 subject namin ngayong umaga. Tama, panibagong araw na ngayon. At gusto niya rin akong sumali sa Glee Club na exclusives for Music. At sasali siya.. kasali siya sa choir kaya ayan ata at gusto ring sumali dito.. Pero kung kayo ba ako, sasali kayo lalo na't nandun yung taong pinakagusto mo? Diba nakakailang yun? :-[ "Tulungan na lang kitang magbigay ng form. O di naman kaya ako na lang magbibigay, ganun din naman mangyayari e kahit sumali ako." " :P hehe.. Alam mo namang takot ako sa mga lalaki diba?" sabi niya with matching nahihiyang action pero ang cute niyang tingnan. Hindi oa. "Ok! Basta wag mo lang akong pipilitin. :)" ngumiti naman siya. Kahit di sabihin ni Pau, alam kong ayaw niya akong sumali, ewan pero di ko maintindihan ang nakikita ko sa mata niya. At kahit ayaw niya, ayaw ko rin naman. May kasabihan nga, 'Ang tunay na nag-aanyaya, sinasamahan ng hila' tama ba ako? ;D ;D ;D Pumunta na ako dun sa may Table nung Club na yun. Nandun nga ang 5 member ng Dred Team, wala dun si Andrei, alam kong may klase sila, 4th year kasi siya. Pero, nakita ko na nandun yung flirt na ewan, nagskip siya ng class?
  • 12.
    Pipila pa pala.Pero parating palang ako, nagtawanan na sila. Nung una di ko pinansin, siguro nagkataon lang na kahit eksaktong dating ko sila talaga natawa pero nakatingin sila sakin. Magpapakatanga ako.. pero.. di na talaga kaya ng timpi ko. "Hahaha..malabo kasi mata eh, hehe, bwahahaha!" yung iba nagpipigil lang pero yung isa, halatang nag-eenjoy sa pagtawa, hindi sana siya mapagod. "T-tama na nga," bumunot na ako. "Heto nga." nagpakainosente muna ako. Ayokong magalit. "Kunin yun!" "Ayoko nga." "Ikaw nga." "Umiyak pa yan eh." Nag-hihintay parin ako na kukunin nila yung form. Kahit di ako tumingin kay Zeji, nasisinagan ko parin siya. Halatang ungentleman, nagpapakawalang pake siya, bakit di na lang siya tumawa! >:( "Heto oh," sabi kong muli. Pero nagpipigil parin sila sa pagtawa. Hindi ko man magets ang dahilan ng pagtawa nila pero isa lang alam ko, Ako yun! May isang nagpumilit tumayo kahit nagpipigil sa pagtawa. Kinuha niya ang form ni Pau nang basta-basta, ang bastos. Saka ko napansing, pati yung iba nakakapansin. Napapahiya na ako dito. Matagal narin, bago ko to maramdaman.. >:D "Sandali nga lang, may dumi ba sa mukha ko?" :) naagaw ko ang atensyon ng lahat kahit mahina lang boses ko. Humarap ako sa limang lalaking yun, and I smirk at them. *laughter* "Ahahaha! Hindi Miss, salamin meron ka! Anu ka ba!" tumawa siya ng tumawa. Yung iba niyang kasama nanahimik na. "Paano kaya natin makikita mukha niya e halos matakluban na yun ng bangs niya at mahaba niyang buhok. Sadakong may salamin, ahahaha!" napangiti yung tatlo. Bulong yun. "First time kong makatanggap ng username, you know." tumingin siya sakin. Parang nakaramdam narin siya. :) "Pwede ba, wag kang epal. Umalis ka na nga!" >:( argh. epal pa talaga hah! nakakaasar! nakuuu.. *killer smile* "Miss.Miss, pwede ba kami naman?" "hmf!!!" umalis na ako. at nagwalk-out. pero hindi parin ako satisfied kaya lumingon parin ako. "Akala ninyo naman kung sino kayo!!! ang papangit ninyo naman!" sinamaan ko sila ng tingin at agad na tumakbo. pero pagtingin ko sa dinadaanan ko, *BOOM* Nabangga ako sa malaki at matabang poste. at mukha ko pa talaga ang unang bumangga. he next thing I know, noo ko pala ang tumama. as in ang sakit. at...nakakaramdam na ako ng konting dizzy. at parang kahit anong oras na lamang ay mahihimatay na ako. "Uy, tanga! anong ginagawa mo." pagkatingin ko sa ilong ko. may naramdaman akong likidong umaagos sa ilong ko. pula? :o :o :o OH-OH!!!!
  • 13.
    *stun* Hindi ko naalam ang nangyari basta natagpuan ko na lamang yung sarili ko pagkatapos ng 3 oras sa clinic. unang una ko palang nakikita ay ang orasan na nasa mataas na parte ng pader. argh! ang sakit ng ulo ko. napahawak naman ako. OUCH! ang noo ko. pagtingin ko sa salamin. O_O ? Oh my~ naaksidente nga pala ako. Toink! ang careless ko talaga, nung isang araw pa ako ah? (-.-) Nakalimutan ko rin, na may phobia nga pala ako sa dugo kaya ganon na lamang yung naging reaction ko. sigurado pinagtatawanan na ako ng mga lalaking yun. hmpf! nakakainis ... pero... kilala sila ni Andrei diba? paano kung--- "maaari ka ng umalis." "pagkatapos ko siyang dalhin dito, ganyan ang sasabihin mo." may narinig akong usapan na mukhang nag-aaway sa labas ng clinic. siguro bukas ang pinto kaya malakas. may kurtina naman kasi bawat kama. ??? pero sino yun?? ahm.. si kevin yung isa diba? "May kasalanan ka din diba?" "Pinagtitripan namin siya. pake mo?" agad kong binuksan ang kurtina at lumabas ng clinic. at tama ang hinala ko. siya nga!!! galit na galit ako!!! trip! ano ako laruan. "Mau?" lumapit ako sa lalaking yun at... *SLAP* "ang kapal mo.." 7.1 "Tsss.. yun na yun. ang galing.. pagkatapos kitang dalhin dito--- ikaw na nga ang tinulungan! pagkatapos mong mahimatay." pinagtaasan niya ako ng boses. at mas lalo lang akong nagalit--- *PAKKKK* nagulat na lang ako nang may biglang lumagutok. :O este, bigla na lang siyang sinuntok ni Kevin at napaupo naman yung lalaking yun. "Hindi mo kailangang gawin yun. KASI KAHIT ANONG ORAS, darating ako para kay mau.!" tumayo naman yung lalaki at sinuntok din si Kevin. O_o "Ganon." hanggang sa nagkasuntukan na sila. "sandali. huy! ano... tumigil" suntok dito. suntok doon. "Kevin. at ikaw... tumigil na sabi..." hindi parin sila tumitigil. nakakatakot.. baka.. "huy!" naisip kong biglang sumingit sa gitna nila. nakakagulat na nga lamang at.. SUSUNTOK PALA YUNG ISA. o_O Patay ako!!!
  • 14.
    Pumikit ako. "argh! bakitka ba harang ng harang!" sabi nung lalaki. wala akong naramdaman sakit. pagmulat ko ng mata ko. halos nasa salamin ko na yung kamao niya. "wah!" at bigla na lang siyang papalapit nang wala sa oras. parehas kaming nagulat. pero mas nakakagulat... "wag na wag mo yang susubukan." at napaluhod siya sa sahig. ako naman. kinabahan talaga. muntik na niya talaga akong mayakap. :[ tiningnan lang niya kami, at umalis. tok.tok.tok.tok. nagbukas naman kaagad ang pinto. At mabuti na lamang at si Kevin ang nagbukas. Nakatungo ako at hindi makatingin sa kanya. Medyo nagtataka pa nga sya e. "May kailangan ka ba Mau?" hindi parin ako makatingin at nililikot ko lang ang mga daliri ko saking likod. "Kev..." tinulak ko sya sa loob at napaupo naman sya. Ganon din ako, napaupo at maiyak iyak na. Wala akong kwentang kaibigan. Si Kevin na lagi na ngang nandyan ay palagi ko na lang nabibigyan ng problema. Palagi na lang nya akong tinutulungan. Pero ako...heto binigyan na naman ng problema. Ni di ko man lamang sya matulungan. "Mau?.." "I'm sorry." "Huh." "Dahil sakin kaya ka naguidance. I'm sorry. Sorry..." umayos sya ng upo. At saka ko lang namalayan na umiiyak na pala ako.. "Sorry..." naramdaman ko ang paglapat ng mga balat namin. Niyayakap ako ni Kevin. ??? "...shh~ alam mo naman na ayaw kong nakikita kang umiiyak ka diba?" naaamoy ko sya. Ramdam na ramdam ko sya. Ang init ni Kevin. Ang bilis ng tibok ng puso nya. ... :[ tibok ng puso? ... bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. At nag-init ang aking mga pisngi. Hindi parin bumibitaw si Kevin. Napaisip tuloy ako kung ano bang iniisip nya sa mga oras na'to. Bakit ba nya to ginagawa? Kevin... waaaaah! Gusto ko ng kumawala. Nag-iinit na talaga ako. :[ "Mau..." lumuwag ang pagkakayakap nya. nang... *BLAGGGG*
  • 15.
    "*yawn* Kayong dalwa!Kung may binabalak kayo, siguraduhin nyong hindi na ako tulog huh! Pinaghihintay nyo ako sa wala eh! Kung mambibitin lang kayo ng eksena, DAPAT DI NYO NA YAN GINAGAWA!" agad kaming lumayo sa isa't isa pagkarinig ng boses ni Kerlin. "Aish~ tutulog na talaga ako." ang bilis ng tibok ng puso ko. :[ "Akala ko tulog na sya." bulong lang ata dapat yun ni Kevin pero dinig na dinig ko parin. Mas lalo lang akong kinabahan. :[ "Sige...Alis na ako Kevin." ang init init ng pakiramdam ko. "Sige ingat ka." 8.1 "Ms. Padua and Mr. Calizar, please proceed to the Disciplinarian Office." kalagitnaan ng klase ng mapatawag ako. Inaasahan ko na yun. Naging masyado akong careless nung araw na yun, kaya dapat managot ako. Ako naman talaga kasi ang nagsimula nun. Sigh. "Ms. Padua," I bowed, "Goodmorning Miss, sorry po.. Anu po bang-" "It's ok Mau, everythings alright. Hindi to makakarating kina Mr. and Mrs. Padua. Just sign it, :)" umupo naman agad ako. Habang pumipirma ako, nakita ko ang lalaking yun na lumabas na. ??? "Ahm- pwede na po ba akong--" "You may go. Salamat, :)" hinabol ko siya. Alam ko medyo nakakahiya to pero. "Sandali!" nakatungo akong hinarangan siya. :[ "Ganyan ka ba humarap sa mga nagawan mo ng problema." inayos ko ang salamin ko at tumingin sa kanya. Mata sa mata. "Salamat at Sorry. Pero kung hindi ka naman din-" naglakad siya lagpas sakin. "Ungentleman ako, alam ko! Yun na ako eh, sino ka ba para respetuhin ko." nilagpasan niya ako pero rinig ko parin siya. "Wala akong dahilan para mag-appologize kung bakit ko ginawa yun.. pero.." naglakad naman din ako palayo. "Ayokong tinitingnan ng mga tao, na mahina ako, lalo na ng mga lalaki." Hmm.. nakakabagot din palang mag-aral. Nandito ako ngayon sa rooftop and actually, vacant time namin. Kaso pagkatapos nito, may exam kami. Naiinis akong maging top 10, bakit ba naging ganito ako? Sigh. "Heto." inabutan ako ni Pau ng drinks pati ng lemon bread, favorite ko to. :) "Ang tapang mo pala noh." naubo ako bigla. :o :[
  • 16.
    "Ahaha, akala koparang nerd ka lang din, pero para ka rin palang si Kevin. Cool." napatitig ako sa mga mata ni Pau. Bakit siya nagsasalita nun, kilala na ba niya ako? Ni hindi nga siya nagtatanong ng about sa mga likes and dislikes ko. Hindi rin niya nilagay sa slum ntbk namin nung 1st year kung sino bestfriend niya. Minsan naghihinala na ako sa kanya. Pero, tinuring ko parin siyang kaibigan ko. Kahit hindi real ang friendship na yun. "Thanks nga pala sa pag-abot nung form. :)" kahit di niya ipakilala ang tunay na siya. Sasamahan ko parin siya. Sigh. Pero problema ko, di rin ako makapag-open- up eh. "Congrats, Mr. Gil. You got the perfect score!" pumalakpak lahat. Ang galing ni Kevin. ::)) "And then Ms. Padua, you got 29 over 30!" pumalakpak din sila. Kumaway si Pau at nginitian ako. At eksakto namang nagtime. Hila-hila ako ni Pau na pumunta sa Bulletin board. Ang daming mga estudyante at halos babae ang nagtatakbuhan at sinakop ang buong bulletin board. Group-group pala yun. Group 1 for Guitar, 2 for piano, 3 for violin, 4 for drums, 5 for those who apply to sing. Para palang banda.. Makipagsiksikan man si Pau, babalik parin siya sa huli. Kumain na kami ng lunch pero ganon parin ang dami. Nagpabalik-balik na kami eh. Bakit parang hindi inaasikaso ng dred team na yun. At para.. may mapala naman ako sa pauli-uli kung nagbabantay at least si Drei diba, o kaya iannounce nila para marinig ko naman boses niya. Tama. Tama. Haha.. Toinks! Ang huling balik na namin eh nung malapit ng mag-uwian. Masayang malaman ni Pau ang resulta, magaling naman kasi siyang kumanta. At sigurado.. makakasali siya't makakapasok. Pero matagal din siyang nakatitig at nakatayo sa bulletin board. Lumapit ako. ??? "Pauline Brei De torres , nakapasa ka oh." hindi niya ako pinansin at nakatitig parin riya sa iisang direksyon. Tiningnan ko yung tinitingnan niya, hindi ko pa nababasa yun nang bigla siyang magsalita. "Sumali ka ba Mau?" seryoso niyang tanong nang hindi man lang tumitingin. Titingnan ko ng muli yung tinitingnan niya nang.. "Mau Antonette Padua pala huh.. 8)" napatingin kaming parehas sa likod namin. 4 na lalaki. "Dito pa lang magsisimula ang paghihigante ko, labo!" lalaking nakalagay ang kamay sa may pocket. At ang cool, gwapo, at.. mayabang? Kung flirt at di mayabang, Zeji yun.. Kung ganun,. sino ba to??? Tumawa yung tatlong parang ewan. Yung tabatsoy, tanda ko rin yun. Sino ba sila ??? "Zeji?" "Zander Tai, 3rd year highschool, 16 yrs old, at sa section D. Ngayon nakapagpakilala na ako.. maaari na ba akong lumapit sayo?" ngumiti siya. Nakakadugo naman ng ilong to. Napapalibutan ako ng mga coolness hot guys. >:(
  • 17.
    Pero di akonatutuwa.. "BAKIT NIYO AKO SINALI SA CLUB NINYOooooo!!!.." sigaw ko, at yung limang lalaking yun ay agad na tumakbo habang nagtatawanan. Nakakaasar, ANG BASKETBALL TEAM!!! >:( 9.1 Matapos ang nangyari. Hindi na ako mapakali sa mga pinaggagagawa ko at gagawin ko.. Takot ako sa crowd, ayokong najujudge ako.. pero mga 5 hours something.. Mararanasan ko na ang mga yun. Mag-aaudition ako.. WaaaAHh! Mapapanood ako ng lahat! Ng maraming tao.. "Katapusan ko na." hindi ba dapat maging masaya ako kung makasali ako sa Club na yun, hindi lang ako makakapagperform kasama ang Dred Team pero.. Atleast dun.. makakasama ko si Andrei. ::D :( Pero kailangan ko bang magsakripisyo? "Hindi ko akalain na hanggang huli.. kakailanganin parin natin magkaganito." malungkot na sabi ni Pau habang inaabot niya sakin yung fav. drinks ko, lemon juice. "Don't worry, sigurado naman ako na makakapasok ka! Kung napili ka nga dahil sa form na binigay mo.. paano pa kung kakanta ka! Napakagaling mo kayang kumanta!" hinawakan ko ang kamay niya. Hinawakan niya rin ang kamay ko. :) "Salamat Mau." napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak. Ang init ng mga kamay ni Pau. "Pasensya ka na!" binawi niya ang kamay niya. Ngumiti siya at umalis na lamang. Gusto kong sabihing matalik na kaibigan ko siya. Na tinuring ko talagang kaibigan si Brei.. kaso.. Paanong paraan? Lahat kami ay pumunta sa library. Nakita ko si Pau sa bench, talagang ginagawa niya ang lahat sa pagkanta. Papasok na kami sa library nang biglang nag-SHH! si Mrs. Librarian. Grupo ng mga lalaki.. "Uy kayo! Section 4-A, wag nga kayong maingay!" 4-A.??? :o ??? "Kayo naman Mam eh, kami lang nandito at kayo. Diba kayo natatakot na palaging tahimik.. balita ko pa.--" hinampas ni Mrs. Glorriane yung guy na nagsalita. Nagtawanan sila. Tinawag naman ako ng mga kaklase ko, nakahanap na sila ng mauupuan. "Nandito rin ang 3-A kaya tumahimik na kayo at wag magulo, huh?" napatingin samin ang 4-A debale dun sa isa. 5 lalaki, yung isa dun.. Taga dread team. Tumingin siya sakin. Nagfreeze naman ako ng magkaeye-to-eye kami. Inalis na niya yung tingin sakin. :-[ "Mrs. Glorriane, paresearch din po nito. Kailangan po kasi namin to." tumingin na ako sa libro ko para hanapin yung topic. Sinulat ko yung mga important details. "Mabuti pa si Daison, atleast kailangan talaga ang library." "Naku! Nagpasama nga po yan eh!" "5 libro po kailangan namin, Mrs. Glorriane!"
  • 18.
    "Uy Andrei, kungdi ko pa maaalala, makakalimutan mo pa. Edi nagkataong wala pareparehas tayong ass." "Ahahahaha!" napatigil ako. Nandito si Andrei. Ibig sabihin.. "Aba, tahimik sabi." "Sorry Mrs. Glorriane." ang lalaking di man lang humaharap na yun ay si Drei. Talagang wala siyang pakealam sa iba. "Heto na!" "Salamat po." umalis na silang may tigigisang libro. Napatungo ako nung dumaan sila sa harap namin at nilingon din naman sila agad. Hindi talaga siya tumitingin. Isa lang talaga ang prioridad niya. Ganon ba siya kawalang-pakealam sa babae? :( Pumunta naman kami sa Geometry's Classroom namin. May sarili kang room sa Math pag si Sir Oligar ang teacher mo. Umupo na kami pagkatapos naming maggreet. Kinuha naman namin yung activity sheet. Nung makuha ko yung akin, habang sinasagutan ko yung sheet ko.. may naaninag akong something. Inurong ko ng konti yung sheet ko. At nakita ko yung nakasulat. :o :D Quote "Inis ka rin kay Sir?" May nagreply sa drawing ko. :o Naramdaman ko yung heartbeat ko at sobra akong natuwa. Hindi ko man alam kung sino ang taong nasa likod nito pero.. Nakakaramdam ako ng sobrang tuwa. Ang babaw ko noh, :P Quote "Konti. Pero masyado siyang wrong timing magtawag ng studyante pag-recitation." Nireplayan ko naman siya. "Ok pass your answer sheet." mabuti na lang at nakaabot ako. Papaalis na kami nang.. "Uy Drei, turuan mo ko ah." "Nandito yung mga sagot, pg. 94." sila? Si Andrei.. Kay Sir Oligar na classroom, ang 4-A din. Ibig sabihin ba nito,.. may posibilidad na. "Good-afternoon 4-A." "Good-afternoon Sir!" nagsarado na ang pinto. Gusto kong malaman.. :-[ "Mau tara na!" "Oo!" kung saan nakaupo si Andrei. At sino sa 4-A students ang nakaupo sa table ko? Sino yung taong yun? ??? :( 10/11
  • 19.
    "Sa tingin momakakapasok ka ba sa Club kung nahihiya ka?" "Anu kasi.. ang gagwapo niyo.." :D kahit sabihin nating bulong yun. At least naman.. maisip niya na nakamicrophone siya. Buong class 3-F na ay nagsigawan. "P-pwede bang isa pa?" nagpacute pa yung babae. Nagsalita naman kaagad yung guy na hindi nakanectie at bukas pa yung black uniform. "Ang kailangan ng Club ay magaling sa Music. Our school needs it. Sana naman alam mo yun.. If we give you another chance, ibig sabihin, may chance yung iba na balewalain lang itong audition kasi may second chance naman, ganun ba yun." ang taray. Nakakatakot.. :( "Hindi na--" "Sorry." ngumiti naman yung isa. Ang mayabang nayun. Hindi man lang siya marunong makiramdam. :( "Detorres, Pauline Brei?" ang ganda talagang pakinggan ng pangalan ni Pau. :o wah. Siya na pala. :D Sumilip muli ako. Ang dami talagang tao. Pero hindi yun ang napansin ko. Yung mga 4th year na dread team, ang ganda ng mood nila kay Pau. Dahil ba yun sa ganda ni Pau? Nag-ayos ako ng salamin. Sakin siguro.. pahihirapan ako nito. Inayos kong muli yung salamin ko. Ang Glee Club ay samahan ng mga estudyanteng marunong tumugtog at kumanta, iba to sa choir, kasi estudyante ang nagpapagalaw at nag-aasikaso dito. At dread team ang napiling grupo since halos lahat sa kanila ay may banda. Kasali na dun si Andrei, tumutugtog siya ng gitara, 4th year siya at dapat isa siya sa mga nakaupo at una mong makikita pag kumanta ka. Pero bakit ba pagchance na niya akong mapansin, dun pa sa oras na yun siya wala. Ang 15 na kalalakihan na yun ang mamumuno ng Glee Club. At halos lahat sa kanila hearthrobs. May mga itsura, malakas ang appeal at may pangalan sa school. Mga gwapo ang mga basketball player na yun. Sigh. Sumilip muli ako. Napakaganda ng boses ni Pau. "Mau?" bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko? "Mau?" nilingon ko si Pau. Kaso.. "Ah!" nagkasagian kami at parehas na nahulog. Nakita kami ng lahat. Nakakahiya. :-[ Tumayo si Pau at nilend niya kamay niya. Agad ko naman yung tinanggap at tumayo. Nakatingin lahat at nagtatawana, nagbubulungan. :-[ "Ms. Padua, ganyan mo ba iwelcome ang sarili mo?" sabi ni yabang. Nakatungo ako. Umalis na si Pau sa tabi ko. "Hindi ka man lang ba titingin samin. At ipakita ang itsura mo sa lahat ng audience?" ang yabang neto, pahihiyain talaga ako. Wag kang magagalit Mau. Just be yourself. Inayos ko salamin ko at tiningnan lahat. Nagbubulungan sila. Tatawa at tititigan ako ng masama. Parang gusto ko ng magwalk-out sa kahihiyan nang iabot nila sakin yung microphone. Hawak ko na to. Yung mga 4th year na yun.. parang walang buhay na nanonood. Ineexpect nila sigurong gaya ako ng iba. Pero may iba na.. inaabangan ako.. inaabangan ang kahihiyang magagawa ko. :-[ Nagsimula akong magsalita. Hindi ba to nakakahiya.. :-[ I'm an angel, I'm a devil I Am sometimes in between I'm as bad it can get And good as it can be
  • 20.
    Sometimes I'm amillion colors Sometimes I'm black and white I am all extremes Try to figure me out you never can There's so many things I am I am special I am beautiful I am wonderful And powerful Unstoppable Sometimes I'm miserable Sometimes I'm pitiful But that's so typical of all the things I am I'm someone filled with self-belief And haunted by self-doubt I've got all the answers I've got nothing figured out I like to be by myself I hate to be alone I'm up and I am down But that's part of the thrill Part of the plan Part of all of the things I am I am special I am beautiful I am wonderful And powerful Unstoppable Sometimes I'm miserable Sometimes I'm pitiful But that's so typical of all the things I am I'm a million contradictions Sometimes I make no sense Sometimes I'm perfect Sometimes I'm a mess Sometimes I'm not sure who I am I am special I am beautiful I am wonderful And powerful Unstoppable Sometimes I'm miserable Sometimes I'm pitiful But that's so typical of all the things I am I am special I am beautiful I am wonderful And powerful Unstoppable Sometimes I'm miserable Sometimes I'm pitiful But that's so typical of all the things I am Of all the things I am I am special I am beautiful I am wonderful And powerful Unstoppable Sometimes I'm miserable Sometimes I'm pitiful But that's so typical of all the things I am [imaginary voice po ni hilary duff] "Ah anu.." hanggang ngayon.. Tahimik ang paligid. Kahit yung mga 4th year na yun nakatulala, may naglakas loob na nagsalita. Ngumiti siya at napakabait niya. "You passed." napakaangelic ng ngiti niya. Nakita ko naman kung paano mang-irap ang mayabang na yun. May biglang pumalakpak, na sana dapat aalis na ako. Hinanap ko yun pero.. lahat na sila ay pumalakpak. "We like you, 4eyes!!!" sabi ng lahat. Napatungo ako at ngumiti. First time kong makaramdam na magustuhan ako ng lahat, sa paraang akala ko mapapahiya ako. Ngumiti ako sa lahat. At nakita ko sa mukha nila ang pagkagulat.. Ewan ko ba kung bakit. Pero, hindi ko talaga akalain na ang talentong matagal kong tinago ay magugustuhan nila. :) Habang naglalakad ako sa corridor, pathway or kung saang lupalok ng campus.. Bawat estudyante napapatingin sakin. Ngingiti o may magugulat. Ako naman nakatungo lang at hiyang-hiya.
  • 21.
    "Pau?" pero sakabila nun. May isang umiiwas. Hindi ako kinakausap ni Pau. :( "Congrats Miss Padua, you got the perfect score." binigay ni Sir Oligar ang activity sheet ko. Napatingin ako kay Pau. Dapat ngayon ngingiti siya. Pero hinde eh. May nagawa ba ako? :( Nagpatuloy ang paglelecture ni Sir. Halos mabaliw na ako sa kakahintay na sana lumingon si Pau, mabuti na lang naalala ko yung table. Quote "Haha.. Uo ganun nga.. Parang siyang ganto." with matching drawing pa. Ang cute niyang magdrawing. Quote "Ang cute mong magdrawing." Yun ang reply ko. Nagtime naman. Bumalik na kami sa classroom. Habang kinakap-kap ko yung bag ko.. may something naman na parang nawawala. Kaya nung matapos yung klase, agad kong chineck ang classroom ni Sir. Mabuti na lang at umaalis na ang 4-A. Naaninag ko pa si Yabang bago umalis oh, nasaan ba si Drei? Sigh. Papasok na ako sa room nang.. "Sori nakalimutan ko kasi. :P" "Ingatan mo kasi gamit mo. Konti na nga lang yung dinadala natin." "Pasensya naman." Magkasama sila ni yabang. At.. Step.Step.Step :o Quote "Magaling ka rin." inarrow niya yung drawing ko. Ang taong nasa likod nito ay.. Quote "Salamat.." pero di ko tinapos yun dun.. Nilagyan ko pa ng isang message sa may sulok. Kay Drei kasi.. Quote "Babae ako. Ok lang ba yun sayo."
  • 22.
    maliit na sulatlang yun.. Siguro di naman nia mapapansin yun. Kay Drei kasi.. parang wala lang ang mga babae. Hindi siya malapit sa babae o lumapit man sa mga to.. bakit kaya? :( 12.1 "Padua, Mau Antonette. Please proceed to G.C. Office." nagdadaldalan kami ng mga kaklase ko ng marinig ko yan. About to stand na ako nang.. "BILISAN MO!!!" nanindig mga balahibo ko kaya agad akong tumakbo. Ang mga dred na yun! >:( Nilagay na sa bulletin board ang 30 students na nakapasok sa audition. Arte nga nila, 539 students ang sumali, 300 ang napili nilang form na wala naman ako nun pero sinali, tapos 50 lang nakapag-audition kasi tinatamad na daw sila then 30 lang makakapasok. >:( 5 for who can play guitar, 5 for piano, violin, and drums then 5 for girls na magaling kumanta and 5 for boys na magaling at pangrock ang boses. 45 bale kami, 30 sa audition at 15 sa dred. At yung mga dred na yun na pinamumunuan ni Daison, Daison anu nga ba yun.. "BAKIT NA NAMAN BA!" gasp.gasp.gasp! Hingal na hingal talaga ako. "Late ka na naman! 8)" yan na naman ang seryoso niyang mukha. Anu nga ba ipilyido nito? ??? T-Tan? Nga ba yun? Daison Tan? Mayaman din ang lokong to eh.. Half taiwanese, at si Zeji ay malaysian? Buti pa si Drei, pure pilipino, at sobrang gwapo. Di hamak na 5X na gwapo si Drei! :D "Narinig kong tinawag mo na naman si Mau?" may kumulbit sakin. Nandito na si Zeji. "May iaanounce lang ako labo. Diba sabi ko.. di pa ako tapos?" sumide-view yung yabang. Ang sama ng tawag niya sakin. >:( Nakaharap ang upuan ni Zeji sakin habang nakahalumbaba siya at nakatingin sakin. "Di pa ba sapat yung sapilitan mo akong sinali sa Club niyo?" "Hindi pa." ok honest siya! >:( "Anu nga uling ginawa niya sakin?" "SINUNTOK KA NG KAIBIGAN NIYA KAHIT NA TINULUNGAN MO NAMAN SIYA!!! at nasampal ka pa bwahahahaha!!!" :D :D :D lahat sila tumawa. Ang dialogue nung yabang na yun. "Alam mo na naman siguro?" nagsmirk siya sakin kahit nagdodota siya. "Hi Mau!" inakbayan ako ni Angelo. Dala ako oh. Mataba kasi to.. ang lambot. ::D "Uy tabatsoy, wag ka ngang magaslaw!" "Sori naman. Gusto mo Mau?" "Ok lang ako." "Masyado kang pacute." sinamaan ko ng tingin yung yabang. "Anu ba talagang pinunta ko?" "Magiging Personal Alalay ka ng basketball team." napajaw drop ako. "Makakasama natin siya, Lagi?!" :o "Yehey masaya yun."
  • 23.
    "Bakit Daison?" "Kailangan palanatin nun?" ang lalaking to. Gumagawa talaga siya ng mga bagaY na magpapahirap sakin. "Uo. Dahil minsan yung captain natin napapagod ng mag-utos at sumigaw. Maawa naman kayo kay Drei, ang laki ng responsibility niya satin." lahat nagnod. Ganon pala kasipag at karesponsable si Drei.. Hm :[ "At ngayon ibinibigay na namin sayo ang dapat ginagawa namin!" tinuro pa niya ako. Parang bata. "Bakit ka natatawa?" "Di bagay sa seryoso mong mukha yang ganyang act.. Ahahaha.." natawa silang lahat at nakaramdam naman ako. "Sori.." :( "Kung akala mo madali lang to. Nagkakamali ka, magpasalamat ka na lang sakin kung tutulungan ka ni Drei dito." umalis na siya. Hindi talaga. Wala nga siya dito tapos tuwing kukulitin niya ako umiiwas siya. Ni di man lang siya tumitingin. Ni hindi niya ata ako pinapakinggan pagkumakanta. Napakamanhid. Umalis na silang lahat. "Bye Mau." pinat ni Angelo ulo ko. "Wag kang mag-alala. Kahit seryoso at suplado si Drei, hindi naman yun kagaya ni Daison na nangdededma. Atsaka parang kaisa ka na rin namin siguro naman as captain e hindi ganun niya agad iiwan responsibilidad niya. Nandito rin naman kami." ang sweet ng ngiti ni Zeji. "Bakit kasi kailangan akong parusahan. :(" "Tara, magbreak na lang tayo." ang bait pala ng chikboy na'to. Uo chikboy siya pero di siya yung tipong puro hangin o mambobola. Talagang ganun lang at siya makisama.. kenkoy ba? :) 13.1 Frenchfries, chips, burger, barbecue, at drinks. Ang dami naman niyang binili. :o "Dahil masyado kang badshot, dinamihan ko yung mga binili ko." nakakahiya. :-[ "Gusto mo ba dito tayo sa canteen kumain?" nakangiti siya habang nagtatanong. Napatingin ako.. ang daming tao. May isang grupo ng mga babaeng nakatingin dito. Masyadong pacute. Ah sila yung mga sexy'ng babae na nakikipaglandian kay Zeji. Kaya pala ngiting-ngiti to oh. ::( "Ako na lang magdala ng foods since libre lang naman ako." inayos ko salamin ko at naunang maglakad. "Sige sa back building na lang tayo." Kami lang ang nandun. Kumakain lang siya ng tahimik. Walang nagsasalita nang biglang tumunog yung phone niya, "Hello?" "Zej! Punta ka dito sa gym.. may meeting ang team!" ang boses ni..
  • 24.
    "Tapos na kayongkumain?" "Aba't may pagkain kaya dito!" ang lakas ng boses ni Angelo. Napangiti si Zeji. Tumayo siya at tumingin sakin. Kumakagat pa ako ng burger. "Sige andyan na ko." tumayo na din ako. "Ah.. yung foods, di ubos-" tiningnan lang niya yun. "Iyo na yan, hintayin mo nga pala kami sa office." tiningnan ko yung plastik. Ang daming natira. At sinunod ko naman yung sinabi niya. Mag-isa lang ako. 30 mins. wala akong ginagawa. Naisip kong kalikutin gamit nila. Yung iba nandito yung locker, pero kay Andrei nandun sa gym, nung minsang nasira ang palda ko. Tiningnan ko ang computer, kumpleto sila sa technology ah. Malaya silang mag-announ2e dito, ipahayag ang lahat ng kalokohan nila at pwede ring.. kumanta dito si Andrei. :D May nakita akong iba't-ibang documents. May tigigisa silang documents. Ang mga pangalan, mga kalokohan talaga, may darkdevil, rocknfunk, taz may mga badwords pa.. May I'm with stupid, o open dis as* at kung anu-ano.. Loko-loko talaga ang mga to. May nakita akong naiiba.. with matching panbabaeng pangalan, davetelle??? Dinouble-click ko yun.. At puro isang babae lang nandung picture. Ang ganda nung babae.. mga kalevel niya si Pau. Ang ganda talaga.. Sino 2? May mga name pa like.. ganda noh, loves ko yan, mukhang anghel, anghel sa lupa.. Bading ba ang may-ari ng documents na to? Kristelle Hernandez? Ito pala ang pangalan ng babaeng to. Inayos ko ang salamin ko. Mamaya habang iniscrol ko yung mouse.. Nakita ko ang pangalan ni Andrei, Andrei Dave Rosales. Kinabahan ako.. parang alam ko na ibig sabihin. Ang babaeng yun.. 'loves ko yan' hindi naman totoong hindi siya interesado sa babae, na umiiwas siya. Siguro ganon lang talaga siya kalayo sakin, hindi ko naman talaga siya kilala eh. Minsan lang nagkrus yung landas namin, pero walang ibig sabihin yun.. Ang nangyaring yun samin.. nangyayari naman talaga sa lahat. Imposibleng mapansin ako ng taong yun kahit gawin ko pa yung best ko. We're not really destined to each other. :( Idodouble-click ko na sana yung files kahit nasasaktan ako at kinakabahan.. "Ma-" napatigil ako. Ang files na yun ay kay.. :o :( :'( "Mau nandito ka na pala. Nabored ka ba?" napatayo ako. Sa sobrang gulat bigla kong naitumba yung upuan at yung mga papel ay nagsilaglagan. Ang sakit-sakit. Agad akong lumuhod para ayusin yung papel. Agad namang inayos ni Zeji yung upuan. "Files pala ni Drei ang tinitingnan mo." napatigil ako. "Si Telle, alam mo ba na siya yung dating nasa katayuan mo-" tumayo agad ako at nilagay yung papel sa may lamesa. Aalis na sana ako- "Nakita mo ba lahat?" hindi ko alam kung anu to. Pero nasasaktan ako. Ngayon
  • 25.
    lang ako nalinawagan..akala ko we make and choose our own destiny, pero.. dahil ba sa masyado akong nagmove-forward. Akala ko ok lang pero.. dapat pala ginamit ko yung utak ko. Malabo talaga, malabong mapansin pa niya ako. "Mau." nakatitig si Zeji sakin. Nag-aalala ang mga mukha niya. :'( :'( *sob* Saka ko lang napansin na.. *sob* Umiiyak pala ako.. :'( 14.1 "Ok, see you tomorrow class." nakatulala ako. Ibang araw na naman.. pero parang bang wala naman akong nakalimutan. Nandito parin hanggang ngayon yung sakit. "Mau!" "Uy, tara na." tumayo naman agad ako. Habang naglalakad ako, bigla naman akong nasagi. "Mau?" inayos ko agad yung ntbk na nasagi ko. Nakita ko yung pangalan.. kay Pau. "Salamat." at umalis na agad siya.. Nang di man lang niya ako tinitingnan. Hindi na kami nag-uusap. Pero para sa iba normal lang yun.. Hindi naman kasi namin kailanman nabanggit na magbestfriend kami. Pero nakakapagtaka huh.. Bakit ba siya nagagalit ng ganyan? :( "You may sit." ilalagay ko pa lang yung ntbk ko nang makita ko na yung reply niya. Hindi yung isa ang nereplayan niya kundi yung maliit na message sa may sulok. Quote "Ganon ba. Ok lang yun. At least di na ko bored. Kahit medyo nakakapagod, hindi naman masamang maging babae eh. XD" reply ni Andrei, atleast dito may connection kami. Pero kahit ganon.. gusto kong malinawan. :( Quote "Dahil ba sa gusto mong babae? Siya ba, napapasaya ka ba niya?" At di rin nagtagal.. Nagtime na. Nireplayan ko siya. "Ah nandito na pala kayo." inayos ko yung table at hinanda ko yung makakain nila. Inayos ko rin salamin ko. "Pasensya na, yan lang budget natin?" napatingin
  • 26.
    ako sa lahat,wala na namang Andrei. "Mabuti naman at alam mo na ang schedule mo Mau." ayoko sa mga lalaki.. pero sa huli, sa kanila pa ako mas napalapit. Sigh. "15 drinks pala hinanda mo." "Ah pasensya na. Hindi ko naman akalain na-" "Busy'ng tao talaga si Andrei. Palagi pa niyang gustong mag-isa. Nakakain ka na ba?" "Ah oo." napatungo ako. Naiilang ako., "Sa budget ng Dred ka kukuha ng pambili ng pagkain para sa lahat, including you." napatingin lahat kay Daison. "Kaw ba yan tol?" binato niya ng papel si Daison. At nagtawanan sila. Nung matapos ang araw, bumalik naman akong muli sa office at naglinis. Bawat sulok nilinis ko yung gamit nila. Nung una kong punta dito.. ang gulo-gulo! Sobra! Dahil lang ata sakin kaya lumilinis to. Mga lalaki nga naman. Umalis na ako pagkatapos. Naaninag ko pa ang basketball court, nandun parin yung ibang players. :) Papunta na akong locker nang.. ??? :o Nagkaeye-to-eye kami. Pero syempre dahil gwapo siya dapat nga naman siya ang unang mang-isnab. Sama talaga nitong makatingin. Nagpalit na ako ng sapatos. Lumapit naman siya sakin. Akala ko ba malaki talaga galit nito sakin. ??? "May kasabay ka ba?" nagulat ako ng konti nung itanong niya yun. Medyo madilim na pala? Napatungo ako at inayos ko salamin ko saka ko siya tiningnang muli. "Wala." tapos umalis na siya. Medyo nagtaka ako ng konti huh. ??? "Anu ba! Uuwi ka pa ba?!" bigla niyang sigaw. :o ganto naman look ko. "Huh?" "Wala naman din akong kasabay kaya sabay na tayo." tapos naglakad na siya. Ako naman, e baka lumalim galit nito kaya di na ko nagdalwang isip. "Sori nga pala sa inasta ko nung araw na yun." nasa likod niya ko at halos walang umimik samin kanina pa. "Yun. Diba nasampal nga kita at nasuntok ka ng kaibigan ko," nakatungo ako. At nakakainis isipin na paulit ulit ko tong sinasabi Kaya nasagi ko siya. "Naku, p-pasensya." lumayo agad ako. "Pero pinahiya kita. Atsaka tang* ka talaga noh. Paano ka nakakalakad kung palagi kang nakatungo, yan tuloy mag-aapologize ka ng di mo man lang nalaman na huminto talaga ako. Tss!" yabang talaga nito. Naglakad muli siya. Wala na namang patutunguhan ang usapan na ito oh. "Dito na lang ako at salamat." umalis na ako. Pero di pa ako nakakalayo.. "Sa mga susunod na araw, ayoko ng umuuwi ka ng ganito." nilingon ko siya. ??? "Bakit, dala ka na bang masuntok at masampal?" napangiti ako. Medyo napatakip siya ng bibig, parang nahiya siya.
  • 27.
    "Sinusubukan mo ko!>:( Ganito ka na laging uuwi pagschool-days! Sasabay ka sa team!" atsaka siya umalis muli. Di ko talaga maintindihan ang mayabang na yun. ??? :o WAAAAaAhh! Bakit naman ganun kagabi na.. Sigh. 15.1 "DEFENSEEeee!!!" "Go ANDREI-iii GO DREDdddddd!!!!~" lahat nasa gym. May practice game kasi ang Dred kaya heto lahat ng hs student narito at nagchicheer, pati mga pep squad napapatigil sa pagpapractice dahil sa seryosohang laban ng team. 2 weeks na lang kasi at laban na nila sa ibang school. "ZejiIií, ang BOLA!" lahat sila alerto. Lahat energetic. Ganito pala kaseryoso ang isang sport. Lahat sila ganon kaseseryoso. Kahit si Zeji di na lumitaw ang matamis na ngiti. Bawat team member ata e may cheerer. Hearthrobs talaga sila, pero si Andrei ang nangunguna. Nakakaenjoy siyang panoorin. Parang bata lang na seryoso. :) *PrRRrT!* Break na nila.. "Ang gwapo talaga ni Andrei." "Heto o panyo ko, gamitin mo. Ahahaha.." kahit saan pinagbubulungan siya. "Zeji!" pati tong Zeji'ng to. May karelasyon ba siya sa isa sa apat na yun? ??? "Mau?" "Ah-Heto!" "Nakakauhaw." "Nakakapagod ang sabihin ninyo." *laughter* Ang huhusay nila. Ang sarap titigan ng team na'to. "Ah? Pasensya na." nakatingin silang lahat sakin na parang may inaabangan sila galing sakin. "Wala ka man lang bang sasabihin?" sabi ni Zeji. "Gaya ng anu?" ang slow mo. Diba dapat icheer mo rin sila. "Di pa ba sapat yung nagawa namin para di ka namin mapasaya?" nang-aasar ba siya? ??? Ang slow ko talaga. "Manager ka namin, bakit wala ka namang masabi?" isa sa mga player ang nagsalita. "Manager?!!" medyo nagulat nga ako. :o "Hindi naman talaga totong P.A. ka namin. Nasaiyo naman kung paano mo kami
  • 28.
    aalagaan." sabi niAngelo habang ngumingiti pa. Ang cute nito. Kaso.. parang hindi ko pa feel ang maging kaisa nila. "Anu- Ma-" "Kung siya si Kristelle, atleast yung mabunganga niyang bibig ay di lang para magmura. Mas energetic pa siya sa crowd kung icheer tayo." "Tapos, yung nakakairita niyang bibig, isisigaw yung cheer na yun, kahit baduy." "Hahampasin pa tayo para lang mabuhay dugo natin." "Sisigawan niya tayo kapag ang gulo natin sa sarili." "Ang siga'ng yun." Lahat sila bukang-bibig ay yung Kristelle, kahit si Andrei napapatingin at napapangiti. Ganon kaespesyal ang babaeng yun. :( "Pasensya na sainyo." Biglang may umakbay sakin. :-[ "Napilitan lang naman kasi si Mau, kaya siguro nahihiya pa siya." napatungo ako. Nag-iinit ata ako. "DRED TEAM!!!" pumito na yung referee. Nagsub naman yung iba, kasama si Angelo. Kumalas na si Angelo at kumain. "a-Anu!" tumigil sila. Inayos ko salamin ko at tiningnan silang lahat. Nagbow ako.. "NAPAKAGALING NIYO!" :-[ hindi ko alam ang reaction nila.. Pero may nagpat ng ulo ko. Tumingin ako. "Do your best, Manager!" si Zeji. Ngumiti silang lahat at umalis din naman. Saka ko naramdaman yung warm, ang saya ko. :-[ :) :) Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. "Fight! DREDdd!!!" Nginitian ako ni Andrei?!!! :o :-[ Bumalik na ako sa classroom. Nagklase kami. Napag-isip-isip ko na siguro kailangan ko ding gawin ang best ko para magkaayos na kami ni Pau. Nung mga walang tao, nilagay ko yung letter na dalwang araw ko ng pinaghahandaang ibigay sa kanya. Atsaka kami dumiretso kay Sir Oligar. Naglelesson na si Sir habang tinitingnan ko si Pau. Sana basahin niya. Sana magkaayos na kami. Napatingin din ako sa table ako. Nagreply siya. :o :) :( :'( "Copy and answer this class." "Mau, may papel ka ba? Penge naman oh?" "Sir, lahat po ba ng formula na ating pinag-aralan?" "Mau?" "Yes. Then turn to page 109, answer exercise B."
  • 29.
    "Mau.." *teardrops* Ang sakit. Bakitako umiiyak.. bakit pumapatak ang mga luha ko? Bakit kahit na anung pahid ko.. ayaw nilang tumigil. "Mau, ok ka lang-" *sob* Bakit ako umiiyak? Bakit ang sakit-sakit. *sob* bakit.. "Ms. Padua, what's wrong." napatingin ako. Lahat sila sakin nakatingin. Lalapit si Sir, di niya maaaring makita to. "Ms. Padua!?" sa sobrang pagpapanic nailaglag ko gamit ko. "What's this. You're writing on my table! Erase that! Immediately!!!" agad ko namang binura yun gamit yung eraser ko. Lumuluha parin luha ko. "Are you ok Ms. Padua?" agad kong kinuha ang ntbk ko at kinupya yung sinasabi ni Sir. I noded. "Be sure." pero kahit anung gawin ko.. ang sakit-sakit. Ang mga salitang yun.. Quote "Wala ka namang pake dun!" sinabi niya ang mga masasakit na salitang yun.. :'( 16.1 Feeling ko ang sama sama ng pakiramdam ko. Mukhang ayaw ko munang pumunta sa club. Kung pwede nga lang e. Pero dahil sa manager ako.. hindi rin pwede :-/ "mau okay ka lang ba? ang lungkot mo ah? bakit nag-iisa ka dyan, tara, sumama tayo sa kanila.. magkwentuhan tayo." sabi ni Pau habang hinihigit pa ang kamay ko. "Uhm ano.." "Masama ba ang pakiramdam mo!?" umupo siya sa harap ko. Tumungo lang ako. Hindi ko talaga feel ang araw na'to. Nanlalambot ako. "Halika, dadalhin na lang kita sa clinic." bigla naman niyang hinigit ang kamay ko. Wala din naman akong choice. Ayoko talaga gumalaw ngayong araw na'to. Ewan ko ba.. Mga 2 oras umabot ang tulog ko sa clinic. Mabuti na lamang at naexcuse ako ni Pau. Napakabait niya talaga. Alam niya agad kung kailan masama ang pakiramdam ko. Hayy.. buti na lang at nging kaibigan ko siya. "Mau!?" kababalik ko lang pero mga ngiti na agad niya ang sumalubong sakin.
  • 30.
    Alam niya nababalik ako? haha! kaibigan ko talaga siya. "anong ginawa niyo?" "Pinagpaalam nga pala kita sa Dred team na hindi ka makakaattend ng club nila. since masama ang pakiramdam mo.. sa tingin ko naman maiintindihan ka nila." agad naman akong lumingon sa kanya. :o :O "OHMYGOD!!!" dali dali akong tumakbo papunta sa office. May practice nga pala ang team. HIndi pwedeng wala ako dun. ARGH! nakapairesponsable ko talaga! step.step.step. Ppalapit na ako ng papalapit sa office.. pero.. bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako. Nanghihina ako. Nasasaktan na naman ako. Ang lugar kasing ito.. ay ang lugar ng taong yun.. ng TAONG GUSTO KO. na kahapon lamang.. nakatanggap ako ng PINAKAMASAKIT NA SALITA galing sa kanya. :'( Kapag naiisip ko ang mga salitang yun.. napapaisip ako na, OO nga naman.. wala akong dapat pakelaman. Wala lang naman ako sa kanya diba? :( Nakakapagtaka, bakit ba ako nasasaktan ng sobra? Wala naman dapat akong ikaiyak diba? Wala akong makitang tamang dahilan para umiyak ako. Tanga lang talaga ako. :'( "Pasensya na kung late ako." sabi ko, dapat normal lang. Pero nagpahalata parin ako, hindi ko kaya, hindi ko kayang humarap ng ganito sa harap niya. "Puro pasensya ka na lang ba?" ginalit ko na naman si Daison. :-[ Pero kahit ganon, nandyan naman si Zeji para saluhin yung kahihiyan ko. Sumunod yung iba na magpapraktis na. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin kay Andrei. Hindi ba dapat, huwag akong tumingin sa kanya kasi.. Baka makita niya sa mga mata ko na umiyak ako. "Andrei, bakit di ka pa nagpapraktis. Susunod ako." Ang dami ko talagang saviors sa buhay. Ayokong malaman pa niya yung totoo. Umalis na si Andrei pero di rin nagtagal si Zeji. Mag-isa na lang ako. Habang inaayos ko ang makakain nila, ginawa ko talaga ang lahat para maging busy ako at di na lang maalala yung nangyari.. Pero.. kahit anung gawin ko. 'Wala ka namang pake dun!' Tama siya.. :'( :'( Ang kapal ng mukha mo Mau, sinamantala mo na nga ang pagkakataon na makachat siya pero.. umiral pa ang kasamaan ng ugali mo. Anu bang ginawa ni Andrei.. Anu bang ginawa niya at gustong-gusto mo siya. Sa totoo lang hindi niya intensyong saktan ako, malay ba niya. At sino ba ako.. alam ba niya lahat. At pagsinabi ko ba, sasabihin niyang.. 'Sori, di ko naman alam na gusto mo ako' pero may gusto siyang iba. *teardrops* Bakit ba ang tanga-tanga ko.. Bakit nagpadala ako sa emosyon ko.. hindi ko dapat ginusto ang taong kahit na kelan ay di ko naman talaga nakilala. (.. Ako ang may kasalanan. Hindi ko agad pinigilan ang nararamdaman ko.. hindi dapat ako umasang mapapansin niya. Oo.. umasa ako.. At umaasa parin ako. Kailan.. Hanggang kailang ang feelings na'to. Gusto ko na'tong mawala. Gusto ko
  • 31.
    na siyang mabura..gusto ko ng magmove-on sa lahat. Masyado na akong nagpapakatanga.. Umaasa.. Humihiling ng sobra- "Wag.. wag kang umiyak." 17.1 "Wag.. Wag kang umiyak." napatingin ako. Nararamdaman ko ang pagpatak ng luha ko, ang walang tigil na pagluha nito. Nakatingin lang ako sa kanya, lumapit siya sakin. Lumuhod siya sa harap ko.. gamit ang panyo niya.. Pinawi niya ang mga luhang yun. Dun.. mas naramdaman ko ang sakit.. ang sobrang sakit. Tinakpan ko ang mukha ko. Umiiyak na talaga ako.. hindi ko maalis.. hindi ko mapigilang umiyak. Ang sakit-sakit. "*sob*Tama na.. ayoko na.. ayoko na.. waaah.. *sob*" nakakahiya.. dahil kahit anung gawin ko.. hindi ko na mababago ang nangyari. "GALINGAN NATIN TEAM!!! 1 week na lang at LABAN NA!" "WoOOoh!!!" 3 araw na din ang nakakalipas at mas lalong pang lumala ang pag-iiwas ni Andrei. But for now.. kailangan ko ring umiwas right? "d-Do your best!" sabi ko habang pinipilit itaas ang kamay ko para icheer-sila. Nagsmirk si Daison pero nang-isnab parin. Yung iba nag-ok-sign sakin, at ginulo naman ni Angelo ang buhok ko. Tumawa kaming lahat. "Nag-iimprove na si Manager!" *laughter* "Magcelebrate tayo.. mamaya!" lahat ay sumigaw. Ngumiti rin si Zeji sakin. Habang nakatungo akong umiiyak, hinawakan niya ang ulo ko. "Diba dapat hindi umiiyak ang mga babae. Pero naisip mo ba, yang mga luhang yan.. deserving pumatak. Mas cute ka pag.. ngumingiti.. kaya maging masaya ka na lang. :)" Siya lang yung nandyan para icomfort ako. Ang taong yun.. "Si Zeji?" "Nakuu.. sigurado di na naman yun dito kakain." pero kahit siya yung taong yun. Kahit di naman niya sabihin.. halata naman.. na simula din nung araw na yun.. ay umiwas na siya. Hindi na niya ako kinakausap. :( "Hindi ba dapat sama-sama tayo?!" "Bakit pagwala si Drei, hindi mo siya hinahanap?" nangilabot ako. May konting tuwa pero.. nasasaktan parin ako. "Eeh.. crush niya si Zej?" nanlaki ang mata ko! Napalingon agad ako kay Drei.. naglalaro siya ng GTA, mabuti naman wala siyang pake. "Si Daison?" "Ah.. na.. Nasa.. anu.. Ka-kausap niya si.. b-Brei." Sagot naman ni Angelo. "Ganun. Hahanapin ko silang dalwa!" Agad akong tumakbo at hinanap sila.
  • 32.
    Nasaan ba sila.Pumunta ako sa canteen, backbuilding, sa court, pero ni isa sa mga alam kong pwede niyang puntahan ay wala siya. Naglakad-lakad ako sa corridor ng iba't-ibang level. "Ahahaha.. ikaw talaga. Sige na.. pupunta na kami. Anu bang oras." mga naghaharutang babae. "Mamaya.. Wala naman akong gagawin." napatigil ako sa paglalakad. "Ikaw talaga.. oo na. Pasasayahin muli kita." sabi nung babae habang hinahawakang ang mukha ni.. Zeji. Parang nang-aakit. Kulang na lang at maghalikan sila. Umalis na ako dun ng walang sinabi. Ayokong maabala ko pa sila. Kahit na aminin kong ayaw ko sa ganung lalaki.. kay Zeji.. Hindi ko siya magawang i-hate. Baka nga.. tapos sinabi pa niyang wala siyang gagawin.. wala nga siguro siyang balak na umattend mamaya sa celebration. :( Hindi ko na alam ngayon ang nangyayari? :( :-[ "ah!?-" "So-ri!" tungong-tungo kong sabi. :-[ "Ok ka lang ba?" "Mau?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. Medyo hindi ako makakibo nung kausapin niya ako. "Palagi ka kasing nakatungo." this time, nginitian ako ni Daison. Nandito ang yabang? "Pau?" ngumiti si Pau. "Sorry rin huh. Ok ka lang ba?" napakagentle ng ngiti niya. Napangiti rin ako. "Oks na!" umalis na sa pagkakaleaned tong si Daison sa pader habang nasa pocket ang mga kamay niya. Lumapit siya sakin at nginitian ako, sinenyas niya rin akong umalis na. Kumaway naman si Pau. Aalis na ako.. "Pwede bang.. makipagsaya ka samin mamaya!" tumungo ako at naghintay sa sagot niya. "Oo ba." tumingin agad ako. "Salamat!" ngumiti ako. Masaya ako.. dahil ayos na kami. Hindi na siya galit. :) Kahit feeling ko may konti pa akong problemang naiwan? :( 18.1 "Ang sarap mo palang magluto!" Nasa H.E. kami. Nagluluto si Pau. Mabuti na lang at nandito siya, hindi na ako naoOP, nabigyan ko pa sila ng masarap na handmade food. Hindi yung bili na lang ako ng bili. Sigh. Paano ko pa mahihigitan yung dati nilang Manager. "Salamat talaga Pau." inayos ko ang salamin ko. "Don't worry, ako ang maghuhugas ng lahat ng pinagkainan natin. :)" "Ok lang ako Mau." nagkangitian kami. Nagluluto si Pau ng barbecue at yung mga players nagkakaraoke na. Wala dito si Zeji. Lumapit naman si Daison. Tinulungan niya si Pau, hindi naman ako makatulong dahil wala naman akong alam sa kusina. Parang nag-iba yung ihip ng
  • 33.
    hangin. Di manlang ako pinapansin nung dalwang to. Nakatitig lang ako sa dalwa. "Ako na dyan." "Hindi ok lang." :) Gentleman pala ang yabang nito. Aba't, ang gwapo palang talaga nito. Lalo na kapag hindi to seryoso at suplado. Kaya rin pala nitong ngumiti ng matamis.. pero bakit kaya.. "Daison, o may paminta ka sa mukha." inalis yun ni Pau. Bagay sila sa isa't-isa. Inayos ko salamin ko. Aba perfect couple! 8) "Saan?" namumula si Daison. Blooming si Pau. Di naman kaya.. "MAU ANTONETTE PADUA!!!" bigla akong nahulog sa upuan. :o :o "Aray?!" agad na lumapit si Pau sakin. "Ok ka lang ba Mau?" inalalayan niya akong tumayo. Inirapan naman ako ni Daison. Pero imbis na makaramdam ako ng galit.. "Ok lang ako Pau." inayos ko salamin ko. Nginitian ko naman si Daison. Medyo namula naman siya tapos umiwas ng tingin. "Manager! Kanta ka naman ng isa dito!" ako naman ay nagulat. :o "Ganda mo daw kumanta eh!" namula ako. :-[ "KaNTA! KANTA! Kanta! Kanta!!!" sumigaw sila ng paulit-ulit. Napatungo ako. Dahan-dahan kong tinuro si Pau. "Ahahaha. Sige na ako muna." pumunta si Pau dun. Natutuwa talaga ako kasi tinuring ko siyang Bestfriend. "Isip bata." may biglang nagsalita sa may tenga ko. Napalayo ako ng konting. "Kitams ang pula-pula mo!" pinat niya ang ilong ko. Nag-iinit nga pakiramdam ko. Tapos pa tumawa siya, ang.. ganda ng ngiti niya. Ang gwapo niya. :-[ Hinawakan ko kamay niya na nakapat sa ilong ko para ibalik sa kanya at lumayo ako ng konti sa kanya. Sobrang close namin. "Hindi dapat ganyan ang inaasta mo." at umalis na ako. Naupo ako malapit sa mga nagkakaraoke. "Bakit mo iniwan si Daison?" ang lungkot ni Angelo kahit kumakain pa siya. Kumuha ako ng drinks para sa kanya. "Salamat Mau." ngumiti ako at inayos salamin ko. "Hindi ko naman siya iniwan. Baka si Pau, Bakit ba ang lungkot mo?" "Walang gusto si Brei kay Daison. Ganun din alam ko kay Daison. Pero di pa siya nagkakagf ever since." "Paano mo naman nasisigurado yan." ang lungkot talaga ni Angelo. "Tingnan mo, ikaw ang tinitingnan ni Daison at hindi si Brei." unti-unti akong tumingin kay Daison. Nagkaeye-to-eye pa kami. Ako nga ba ang tinitingnan niya. Inayos ko salamin ko at inalis na tingin sa kanya. "Si Pau.. si Pau nga sabi gusto.." nakita ko si Andrei. Hindi man lang siya makihalubilo. Anu na kayang nangyari dun sa table?
  • 34.
    Natapos ang kasiyahan.Yung iba umuwi na dahil sa kalasingan. May iba lasing pa, nakatulog lang. Naghuhugas naman ako ng pinggan. Ang daming huhugasan. Pero carry ko'to! Binanlawan ko lahat ng hugasin at pinatas. Nilagyan ko naman ng sabon yung mga baso't kutsara't tinidor. Dahil madali lang mabilis ko naman nabanlawan yun.. Kaso ang pinggan.. "Mau, kailangan mo ba ng tulong?" si Angelo. "Ok lang ako. Inaantok ka na pati. Atsaka magpahinga ka na. Maempacho ka pa. Ahaha.." napangiti si Angelo at nakinig naman siya sakin. Lalagyan ko na sana ng sabon yung pinggan nang madulas ang kamay ko. "Whew! Ang dulas naman kasi." binigay niya sakin ang pinggan. "Salamat-" "Tutulong na ako." sinuot niya yung apron. Nagsimula na siyang magsabon ng pinggan. Napapalayo ako ng konti. Nararamdaman ko parin yung sakit. Ang sakit sa katotohanan na.. wala lang to. Hindi ko dapat nilalagyan ng meaning ang lahat. "Sabi ko tutulong lang ako. Bakit lumayo ka?" pero ramdam ko parin ang pintig ng puso ko.. Nasaktan man ako.. pero patuloy ko parin siyang nagugustuhan. "n-Nandyan na! Sori huh.." 19.1 Quote "I'm sorry." Yun ang reply ni Andrei. Kaya pala. Kaya siguro hindi ko siya nakikitang affected. Kasi hindi naman siya ganon kasuplado eh. Mabait din siya. "Pau!" "Oh?" "Anu.. salamat nung isang araw." hindi siya tumingin sakin ng diretso. Galit na naman ba siya? :( "Salamat.. hindi ko alam kung tama ba akong magalit sayo nun. Hindi nga kita siguro kilala para i-judge kita. Salamat.. dahil naging kaibigan kita." kahit nakaside-view siya, nakikita ko ang bahaging masaya at malungkot sa mukha ni Pau. Naglalaro ako ng mga games sa internet. Like Family Feud. Since kahit papaano, yung kalahati ng team ay nakukuha ko na ang loob. Hirap kasi ring kausapin nung mga taga ibang section not like B and A. Yung mga C and the others, minsan dinededma na ako. Si Angelo at Zeji lang ata ang kaclose ko sa ganung section. A and B talaga ang pumapansin sakin. Kaya minsan nahihiya ako. Mabuti na lang at dinownload ako ni Zeji ng sarili kong games. Pero hanggang kahapon ko pa siya di nakikita? O dahil di narin niya ako pinapansin at si Andrei narin ang nakasteady sa utak ko..
  • 35.
    Biglang nagbukas angpinto, "Tapos na-" nagkaeye-to-eye kami. Walang nagsalita o umalis ng tingin. Matagal din yun.. kung hindi.. :-[ "Nagluto ka na ba ng makakain namin, labo?" biglang may nagsalita sa likod ni Drei. Si yabang. Wrong timing oh :( "Anu.. Nakabili..--" "Di ka nga pala marunong magluto noh." tumuloy naman si Andrei sa sadya niya. "Geh, una na ako Daison." byebye Drei. :( "Ah.. Oo-- eh Este--" "Nasaan ba ang utak mo? Malabo na nga ang mata mo, malabo pa utak mo. Masakit ang ulo ko.." agad akong lumabas. "Saan ka pupunta!!!" sigaw niya kaya napatigil ako. "Bibili ng gamot-" "Dito ka lang. Kailangan ko ng bantay." agad akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang leeg niya. Napatingin siya at biglang namula ng sobra. "Lumayo ka nga sakin!!!" tumalikod siya ng higa sakin. "Pa-pasensya ka na talaga!.. Dai-son." bumalik ako sa computer. Kinuha ko cp ko. Dinial ko number ni Kevin para ibili ako ng gamot. Napatingin ako kay Daison.. akala ko nakatingin siya sakin. Ang init niya. Sigurado ako na hindi lang sakit ng ulo yun.. Pinatay ko yung aircon. Lumapit ako sa kanya at nilagyan ang noo niya ng basang tuwalya. "Dapat.. si Pau ang nasa posisyon ko e. Sorry huh. Ganito kasi yung mga napapanood kong movie'ng love story, accidentally. Aalagaan ka ng taong gusto mo.. panigurado gagaling ka!" may kumatok. Agad naman akong tumayo. Inayos ko salamin ko.. "Hm.. Salamat!" sinarado ko na agad ang pinto. Hindi ko kilala yung lalaking yun. Pero nagpasalamat naman ako kaya ok narin yun. Lumapit ako kay Daison. I poke him. Nagising naman siya. Jacket lang niya yung nagsisilbing kumot. "Inum ka muna." bumangon naman siya. Binigay ko yung papel. "Anu yan?" parang rin pala tong bata. Hindi, may pagkaisip-bata talaga. :D "Durog na gamot." tiningnan niya ako ng suspiscious look. ??? "Isubo mo yung durog na gamot. Nag-iinit ka kasi talaga.. kaya baka, naisip ko lang, baka mahirapan ka.." agad niyang sinubo yung gamot. Inubo siya. "Sandali! Tubig. Tubig!" humiga siya. "Gusto mo bang umuwi na?" umiling siya. "Magpapahinga muna ako. Dyan ka lang-" at gaya nga ng sinabi niya nagstay lang ako sa tabi niya.
  • 36.
    Pinatay ko nayung computer. Mga 30 mins. after umalis muna ako dun. Mahimbing naman ang tulog niya kaya pumunta na ako sa gym. Hinanda ko na lamang yung kakainin nila. "Si Daison?" napatigil ako sa paglalakad. Eksakto namang nagbreak sila. "Tulog. May sakit. Sige balik na lang ako mamaya huh.." tumakbo na ako. Dali dali akong pumunta sa clinic. Halos tinakbo ko na nga e. Nakakatakot na, baka dun pa yun matuluyan ..sisihin na naman ako. Tapos ano? Magkaatraso na naman ako. ;D Walang tao nung dumating na ako. Kaya kinuha ko na lang basta. May tiwala din naman sakin si Ms. nurse. Pero di kami close. Madalas lang ako dyan dahil responsibilidad ko rin ang ibang kaklase ko. Bumalik din naman agad ako sa clinic. Dahil masyado pang tulog si Daison, pumunta na lang muna ako sa gym. At nagbibreak na pala sila. Lumapit ako. "Nakakapagod!" "Nauhaw ako dun ah!" "Ang sarap talaga ng mga binibiling pagkain mo Mau. Saan mo ba to binibili?" hehe! nginitian ko sila. Pero di ko sinabi ang sagot. Chikret! kay kevin ko lang din nalaman yan e :P Tumingin naman ako kay Zeji na tumabi kay Angelo. Inakbayan niya to.. at aakmang kukuha ng pagkain sa snack ni Angelo. "Wag. Bigay to sakin ni Mau eh." "Damot nito!-" tinago ni Angelo yung potato chips niya na hihingin ni Zeji. Napatawa ako ng konti. "Bakit ka nga pala laging may extra food kay Mau!?" nakuu.. mukhang kailangan ko ng bumalik kay Daison. "Stretchable ang tyan nito eh!" tumawa yung iba. Nagpout lang si Angelo. "Uy kayong lima. Kayo naman ang pumasok. Pahinga lang kami." at bumalik na agad ako sa office. Pagbukas ko ng pinto. Gising na siya. Agd akong lumapit. "Gising ka na pala. Heto inumin mo." hinand ko yung gamot sa kanya. "Saan ka nga pala pumunta?" kinuha niya yung baso. At tumingin sa hawak ko. Ganito ang look niya ~.^ "Ano yan? Bakit naging pulbura!?" pagtingin ko. "Ah.. gamot! Isubo mo na lamang basta sa bibig mo. Hindi naman yan lason eh. atsaka, ginawa ko ng ganyan .. bka kasi mahirapan kang magsubo." sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Ang lalaking talagang to. "Tss. Sige na." tapos humiga na uli siya. Habang tinitingnan ko siya. Napansin ko ang maganda posture ng katawan ni Daison. :P ang hot pala niya. Bukod sa pagiging gwapo. Ang suplado lang. XD
  • 37.
    Tapos maya maya..bigla akong nakatulog. Hindi pa man nagtatagal. Narinig kong nagbukas ang pinto. Pero antok na antok parin ako. "Nandito ka pala.." "Anung balak mo?" medyo naririnig ko yung usapana. Pero parang pagod na pagod ako para idilat ang mga mata ko. "Kaming dalwa lang ang nasa kwartong to. Anu kayang gagawin ng isang normal na lalaki?-- Masakit ang ulo ko. Thanks cuz!" hanggang sa nakatulog na talaga ako ng tuluyan. (-.-) 20.1 Mga 1 buong araw ding nawala si Daison. Malapit naring magNov.. "Mau, turuan mo nga ako dito sa part na'to." hindi pa nagsisimula ang klase. Pero ganito na ang malimit namin gawin ni Pau. Nag-aaral kami bago magsimula ng klase. May biglang pumasok sa room namin.. nagets naman agad ni Pau yung tinuro ko. Napatingin ako sa new face.. "Pau.. Sino-" tumingin yung guy sakin. Pati si Pau napatingin. Lumapit pa yung guy.- :o "Yung lunchbox mo nakalimutan mo!" nanlaki ang mata ko. Napatayo ako, inayos ko salamin ko. "K-k-k-Kevin?" inayos ko ng paulit-ulit ang salamin ko. Bakit walang suot na salamin si Kevin?! :o :o "Oa! Kaya pala nandedma ka pagkatapos mong magpabili ng gamot." tulala parin ako. Hinila naman ni Pau ang palda ko kaya napaupo ako. "It's your turn, tuturuan naman kita sa chem." inayos ko salamin ko at sinulyap muli si Kevin. Ibang-iba siya sa look niyang yan. :D "Mas gumwapo si Mr. Gil diba. Mas bagay kay Kevin ang walang salamin. :)" napatingin din naman ako. Somehow, parang naging Hot si Kevin, ang gwapo nga niya.. "Mau, 3 huh! Kailangan nasa auditorium ka na huh!" inayos ko salamin ko at paulit-ulit na tumango. May yakap-yakap akong libro at ngayon ay patungong rooftop. Naglalakad ako sa may corridor ng 4th year nang.. may narinig akong nag-istrumming ng gitara. May
  • 38.
    nagpapatugtog. Ang gandang pagtugtog niya. Ang linis. Isang lalaking nasa sulok, maputi.. estudyante ng 4-A. Nagsimula na siyang magpapatugtog ng something.. Ang ganda.. Hindi ko man alam ang kantang yun pero ramdam ko kung paano niya kantahin. Napaleaned ako sa pader. Sa kabila ng pader ay siya naman ang nakaleaned. Isang pader lang ang namamagitan samin kaya rinig na rinig ko yung boses niya. A A E E The stars lean down to kiss you Fm Fm D D And I lie awake and miss you A A E E Fm Fm D D Pour me a heavy dose of atmosphere A A E E 'Cause I'll doze off safe and soundly Fm Fm D D But I'll miss your arms around me A A E E Fm Fm I'd send a postcard to you dear D D (A A E E D D Fm Fm)2x{lead into next verse} 'Cause I wish you were here A A E E I'll watch the night turn light blue Fm Fm D D But it's not the same without you A A E E Fm Fm D D Because it takes two to whisper quietly A A E E The silence isn't so bad Fm Fm D D Till I look at my hands and feel sad A A E E 'Cause the spaces between my fingers Fm Fm D D Are right where yours fit perfectly (A A E E Fm Fm D D)2x A A E E I'll find repose in new ways Fm Fm D D Though I haven't slept in two days A A E E Fm Fm D D 'Cause cold nostalgia chills me to the bone A A E E But drenched in vanilla twilight Fm Fm D D I'll sit on the front porch all night A A E E Fm Fm Waist-deep in thought because when I think of you D D A A E E Fm Fm I don't feel so alone D D A A E E Fm Fm I don't feel so alone D D A A E E Fm Fm D D I don't feel so alone A A E E Fm Fm As many times as I blink D D A A E E Fm Fm D D A A E E
  • 39.
    I'll think ofyou tonight Fm Fm D D A A E E Fm Fm D D I'll think of you tonight *switching chords* B B F F When violet eyes get brighter Ep Ep F F And heavy wings grow lighter B B F F Ep Ep F F I'll taste the sky and feel alive again B B F F And I'll forget the world I knew Ep Ep F F But I swear I won't forget you B B Ep Ep F F Oh, if my voice could reach back through the past Ep Ep F F I'd whisper in your ear, Ep Ep F B Oh darling I wish you were here [/Yung boses nung guy, imaginary voice na kagaya ng owl city] Napakagaling kumanta. Nararamdaman ko yung emotions niya. Wala namang tao at bukas yung pinto at ibang bintana, nag-iisa ba siya sa loob. Natapos siyang magpatugtog nung sumilip ako. Wala akong nakitang tao nang.. :o Si Andrei!? 8) Bigla siyang bumulaga sakin na nanggaling sa ilalim. Yumuko ata siya. Nagkatitigan kami.. walang may ayaw bumawi ng tingin. 21.1 "Mau!" sigaw ni Pau habang kumakaway. Nakatungo ako habang papalapit sa tabing upuan ni Pau. "Mabuti naman at nandito na lahat." si Daison ang President ng Club since siya naman ay maraming experiences sa activity. Inayos ko ang bangs ko. Ang daming nakapasok. Sigurado ako na mahuhusay sila since nakikita ko namang magaling pumili tong si Daison, mabuti na lang at magaling na siya. :) "Magkakamerond tayo ng iba't-ibang grupo. Nalalapit na ang Halloween, magkakameron ng Incoming Program ang Club. At lahat tayo magpipresent!" 45 ang members ng club kaya 9 group ang mangyayari.. 5 per group. "Yung nakaaasign na group parin ang gagawin nyong role! Kung wala kayong singer,
  • 40.
    instrument ang gagamitinniyo base kung saang group kayo! At kung puro singers naman kayo.. mag-isip kayo ng paraan para hindi magmukhang baduy yung group niyo!" nakatungo ako habang tinitingnan kung anung group ako. "6?" hinahanap ko ang group 6. Nakita ko si Angelo kinakawayan ako. Tumingin ako sa paligid para maniguradong kung ako nga yun. Lumapit ako sa kanya. "Hi Mau!" "Group anu 'to?" nakatungo kong tanong kay Angelo. "Magkakagroup tayo. Ako, ikaw, si Daison, Rhea, at si Andrei." parang naemphasize yung name ni Andrei sa utak ko. Pinaupo ako ni Angelo sa tabi niya. Napalingon naman ako kay Andrei. Naggigitara talaga siya.. ngayon ko lang siya natitigan ng ganong kalapit. Parang tumigil yung oras namin nung aksidenteng nagkatitigan kami sa may bintanang yun. Magkatitigan kami na para bang walang may ayaw na pigilan yun. Umayos na lang kami ng tayo nung maramdamam namin medyo matagal din yung titigan na yun. "Yung sintas kasi ng sapatos ko." sabi niya habang inaayos yung buhok niya. "So-sorry!" tumungo ako. "Ah?-" napatigil siya. Medyo napatungo siya at may narinig ako.. "Ahahaha.. talaga palang tama si Daison. ahahaha.. puro sorry lang ang alam mong salita!" tumatawa siya habang nasa noo niya yung kamay niya. Ang cute tingnan ni Andrei sa pagtawang niyang yun.. ang gwapo niya talaga.. lalo na sa malapitan. Tumingin siya sakin ng seryoso, "Hindi.. totoo yun.." sabi ko na parang nangunguso pa. Pero naghalfsmile naman siya. At tumawa ng konti.. Hindi lang sa tingin si Drei, kung gusto ko talaga siya. Dapat ipaglaban ko siya diba? At dapat handa akong masaktan para sa kanya. Bigla siyang tumigil sa pagstrumming. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Pero.. ngumiti siya. :) :o Medyo nag-init pakiramdam ko pero masaya ako.. sobra! "Ok dito nagtatapos ang meeting. May 2 araw lang tayo para sa practice. Ang program kasi ay gaganapin pagkatapos ng monthly tournament namin ng basketball team. Gabi yun." "3 araw na lang pala at laban na nila." may humawak sa balikat ko. "Kaya galingan mo Mau sa pagsuporta samin." nagnod ako. Kita ko si Andrei sa likod ni Angelo. Ang gwapo niya talaga. "Hoy labo! Wag ka munang uuwi mamaya. Bukod sa may practice ang team, magkakameron tayo ng maagang practice para sa Club!" sabi ni Daison habang papalapit sakin.
  • 41.
    Inayos ko salaminko. "Oo, tutulong ako ng mabuti sa team." tapos umalis na siya. Dedma ba yun. "Medyo gumagaan na ang loob sayo ni Fafa Dai." ngumiti ako. "Andrei!" kinalibutan ako nung biglang isigaw yun ni Angelo. "Tara na!" naramdaman ko naman ang presence ni Andrei sa likod ko. Habang nagpapractice yung iba, yung members naman na taga C and F ang mga kakulitan ko sa bleachers. Iba't-ibang technique daw para macheer ko ang Team ang tinuturo nila sakin. May nakapamewang na style na galit na expression. Tatawa sila at magbubulungan. O di naman kaya itataas ko kamay ko ng paulit-ulit sabay sabi ng 'Mga Kulugo takbo/Depensa/Rebound' kung anu-ano pa. Kaso masyadong mahina ang boses ko. Pati yung mga naglalaro naaabala ko na sa mga pinagkikilos ko. Sama nga ng tingin ni Daison sakin eh. Tatawa naman tapos yung 5, medyo mukha na ata akong tanga. Naglalakad kaming apat sa diliman papunta kina Daison. Tahimik lang sila. Galit pa ata.. Tiningnan ko si Andrei. Pati siya nakatingin sa kawalan.. habang nakaheadphone, nakikinig ng kanta at daladala yung gitara niya habang nasa pocket yung kamay niya. Ang cool niyang tingnan. Parang rockista, malinis nga lang at maaliwalas dahil sa maayos niyang uniform. Ang cool.. at ang swerte ng magiging gf niya. "Kung may nagawa man akong mali, sori na." napatungo ako. "Bakit mo kasi kailangan pang mag-act ng ganun kung hindi ka naman ganon." "Gusto ko lang naman kayong i-cheer." "I-cheer mo kami, sa paraang alam mo." ang cold na talaga niya. Inakbayan naman ako ni Angelo. "Yung kung paano ka mag-act kanina. Ganun kasi si Kristelle.. :-[ at hindi maganda kung ipapaalala mo ang senpai manager namin. Matagal kasi namin siyang nakasama. Magulo talaga kami nun.. at sigurado kung ikaw nasa pwesto ni Telle nun, baka sumuko ka na. Halos lahat samin mga tipong gangster." napalingon ako kay Andrei. Rinig ba niya pinag-uusapan namin? "Kahit si Drei." singit ni Daison. "May pagkaemo kasi ang lokong yan. Moody pa.. pero hindi siya emo magdala ng damit huh." parang ako ba nun? "Lagi na lang siyang sinisigawan ni Telle. Hindi naman ganun kagalit galit si Drei kung iisipin. Siya pa nga ang pinaka matino samin. Pero snob kasi yan e, seryoso at tahimik. Di gaya ni Daison namamansin pa yan eh at medyo magulo, pero si Drei nun, snob lang siya kahit kanino. Ni di nga niya kami pinapansin e, wala siyang trust sa lahat sa di malamang dahilan." Nasa bahay na kami nina Daison. Nakaupo ako at nakikinig kay Angelo. "Pero nabago ni Telle ang ugali ni Drei. Dakilang snobhater si Telle kaya ginawa niya lahat para mapansin siya ng first love niya. At yun nga si Drei." Pumasok na kami dun sa parang underground nina Daison. Madilim yung place pero nung binuksan na ni Daison yun ilaw. Yung place na yun pala ay pinagpapraktisan ng gig nila. Ang ganda. Parang mini stage ng isang band.. Tapos may billiard pa, video game, at laruan ng dart. Ang ganda.. Napatingin ako kay Andrei, nag-istramming na muli siya.
  • 42.
    Si Kristelle, firstlove pala niya si Andrei simula ng magfirst year tong si Drei sa school nila. Si Andrei kaya, anu bang tingin niya kay Telle? Naalala ko tuloy yung sa may documents niya, nasasaktan lang ako pagnaaalala yun. "Mau!" "Huh?" nakatingin si Drei sakin. Nagblush ata ako. :-[ "Dito ka sa tabi ko. Magpapractice na daw tayo, kanta ka ako ang maggigitara." ang gwapo niya para kausapin ako. Lumapit naman ako kaagad. Nakakausap at nalalapitan ko na si Drei. Tumingin siya sakin, eye-to-eye at talagang sakin lang siya nakatingin habang inistrumming niya ang gitara niya, napaiwas naman ako. :-[ "Nandito na ako!" "Late ka na naman!" Rhea name niya diba? "Pasensya naman. Ah?- Hi 4eyes!" napatawa ng konti si Drei. Nakakahiya to.. :-[ 22.1 Habang kumakanta, sa kanyang mata lang talaga ako nakatingin. Paano, sabi daw ni Daison kailangan daw na manggagaling sa puso yung kanta. Ang di ko pa alam vinivideo kami ni Rhea kaya todo kaba ako. Pero wala namang sinabi si Andrei. Parang wala siyang pake.. yung gitara lang niya ang pinpakelaman niya. :( "Anu yang pinapanood niyo? Nagpraktice na ba kayo?" may kasama siyang yaya.. "Kainan na ba?!" sabay na sabi nina Rhea at Angelo. "Drei, Mau! Tara!-" yaya niya samin. Patayo na ako nang tinawag naman ako ni Daison. "Halika muna dito. Pagpractisan natin ang boses mo." lumapit naman ako sa kanya. Napansin kong nakatingin samin ang mga mata ni Andrei. Medyo kinakabahan ako. Umupo ako sa tabi niya. Pero mas nilapit pa ni Daison yung upuan. Hindi na nakatingin si Andrei. Nakatingin lang ako sa kanya at di na siya lumingon. Mabuti pa sina Angelo at Rhea nakatutok sa ginagawa namin ni Daison. "Go." Pumasok sa isip ko ang mga tingin at titigan namin ni Andrei. Mas lalo pa akong kinakabahan. Feeling ko hindi ako makahinga kanina. Hindi tumitingin si Daison, nakasteady lang siya sa gitara niya. Ako naman nagpapatuloy lang sa pagkanta. At nung matapos.. pinanood namin yung video. "Wow! Ang ganda talaga ng boses mo Mau. Parang singer ka talaga. Ang sarap ulit- ulitin." "Ang ganda ng kuha niyo." Inulit-ulit ni Angelo yung video. Pati yung video2 e tiningnan nila ng mabuti. Medyo nagtataka lang ako. ??? "Napansin mo?" "Oo. Nagbablush si Mau nung video nila ni Daison." nakatitig ako kay Andrei.
  • 43.
    Bigla siyang tumigilsa pag-aayos sa gitara niya. Napatingin naman ako kina Angelo. Tapos medyo nagtataka rin ako kay Drei. "Pero kung titingnan. Mas nakakakilig ang video nila ni Andrei." medyo naubo ako sa gulat. Anu bang sinasabi nila. Nag-iinit ang pisngi ko. Pero paglingon ko kay Andrei. Wala na siya sa pwesto niya. Saan na siya pumunta? :( "Mas nakikita ko yung romance sa video nila ni Andrei. Nagtititigan kasi sila. At parang bang may feelings sila pareho sa isa't-isa." anu daw. :-[ "Anu ba yang sinasabi niyo.." Pinilit kong agawin ang atensyon nila kaso masyadong nakatutok yung atensyon nila sa video. Nakakahiya yung mga pinagsasabi nila. "Pero hindi naman namumula si Mau dun sa video na kasama si Drei. Parang di pa nga siya mapakali sa pwesto niyang kasama si Daison. Naiilang siya!" "Pero tingnan mo kaya kay Drei. Nagtititigan sila hanggang end nung kanta. Ang mga mata nila parang may pinahihiwatig na something." Something. Mabasa kaya ni Andrei na may gusto ako sa kaniya? Kung ganon.. kaya ba wala naman akong nakikitang special sa mata niya dahil.. wala siyang pakelam sakin. Di rin niya ako kilala. Di niya talaga ako napapansin. Ngayon lang dahil kailangan. Biglang tumunog ang phone ko. Hindi parin tumitigil ang pag-uusapan nila Angelo. "Hello?" sina Kevin. "Ah uo, patapos narin kami." pumasok na si Andrei. Nagkatinginan kami pero umiwas agad siya. :( "Hindi pa kasi kami tapos. Mag-iingat ako." masyadong nag-aalala si Kevin. "Diba tinuruan mo na naman akong magcommute. Kaya wag kang mag-alala. Mag-iingat ako." sabi ko. Mawawalan pa kasi na kasama si Kerlin kung mag-aabala siyang sunduin ako dito. Nagbye na ako. Pagkatingin ko sa kanila. Walang pumansin sakin.. debale sa mga masasamang tingin ni Daison. "Sino yun? Yung malaboyfriend mong malabo din ang mata. Ay di na nga pala. Sa bagay, may itsura naman yun. May gusto ka sa kanya noh?" nakita kong nagbulungan sina Angelo na para bang kinikilig pa. "Boyfriend? Gusto? Si Kevin ay-" naagaw naman atensyon ko nung tumayo si Andrei. "Uwi na ako." tuluyan na siyang lumabas. Nakatingin parin ako sa kanya. Bakit ba siya ganon. Pagmoment ko.. parati niyang binabalewala. Nagsasalita ako para mapatunayang wala akong pinag-iinteresang ibang lalaki.. :( "Sandali lang, sabay-sabay na tayo Drei!" "Sige na. Baka magalit na naman yung kumag na yun sakin. Piling talaga bf.. tsk!" nang-irap pa siya. Bumulong pa rinig ko naman. "Tara! Mau!"
  • 44.
    Nangungunang maglakad siAndrei. Parang talagang lagi siyang walang pake. Kailan ba niya ako papansinin? "Ang lalim ng iniisip natin ah." biglang lapit ni Rhea. Nakatingin parin ako kay Andrei. Inayos ko salamin ko. "Matagal ko ng kilala si Daison. Nagseselos yun." medyo muntik pa akong matakid. "Anu bang sinasabi mo," Tumawa siya. "Siguro nalove at first sight siya dahil sa lovable punch mo." Nakuu naman.. baka marinig yan ni Drei. Ayokong mag-isip siya ng kung anu-ano. Bakit ba humantong ako sa ganito. May mga taong napapalapit nga sakin.. pero bakit may common friends na kami.. hindi parin ako belong sa buhay niya. "Wag niyo ngang lagyan ng malisya ang mga ginagawa niya. Masyado lang talaga siyang galit sakin." sana marinig mo Drei.. "Nandito na ako." Nakauwi na ako matapos namin maghiwa-hiwalay sa lrt. At ngayon nandito na nga ako.. pero ang likod parin ni Drei ang nakikita ko. Bakit matapos naming kumanta hindi na niya ako pinansin? Kaya lang ba niya kinausap dahil utos ni Daison. "Nakakapagod." Pagdating ko sa salas nadatnan ko si Kevin. Tulog siya. ??? Hinintay ba niya ako? May biglang pumasok sa utak ko. Hala.. iniwan ko na naman ang pinto kong di nakalock. Kaya pala siya nakapasok. Lagot ako sa kanya paggising niya. Pumunta ako sa kwarto.. kinuha ko siya ng kumot. Pagkalatag ko ng kumot sa katawan niya.. nakita ko ang table na may pagkain. Sinilip ko yun. Mga fav. ko. Nag-abala pa siya. Napangiti ako. Di lang yun.. nandun din yung pagkaing palagi kong pinabibili sa kanya para sa team. :-[ Palagi na lang si Kevin andyan.. 23.1 "GO DRED TEAMmmmmmmmm~!!!" Ang sigaw ng ped squad namin. Sa karamihan ng tao, kahit papaano ay nakakahabol pa ang boses ng mga supporter namin. Pero ang totoo.. mas kinakabahan ako. "Miss heto na yung mineral." kukunin ko na sana yung 15 minerals na nakabalot.. "Magandang laro panigurado to. Sync Team vs. Dred Team, sino naman kaya sa kanila ang mananalo? Nung taon Sync ang champion diba?" Bigla kong nailaglag. Nanlambot kasi ang kamay ko nung marinig ko yung about sa laro. "Mau!" hindi na ako lumingon pero dalwang lalaki ang lumapit sakin. Tinulungan nila ako. Nasira na yung plastik kaya pareparehas na kaming nagdala. Nararamdaman ko ang pangangatog ng paa ko. First time kong kasing maging manager ng isang basketball
  • 45.
    team at makakasamadin nila ako sa loob para subaybayan ang galaw nila. Dapat talasan ko ang paningin ko kasi baka may mainjured sa kanila, dapat may confidence ako para makasabay ako kay coach sa pagchicheer sa kanila, at idouble time ko yung bilis ko at sipag oras na magtime-out. Wah.. sasabog na ang utak ko sa sobrang takot sa crowd. :-[ "Nandito na kami!" kumuha sila ng isa-isang mineral. "Kinakabahan ka?" tanong ni Zeji sakin. Nagnod naman ako. Inakbayan ako ni Angelo. "Don't worry gagalingan namin." nakakabuti naman yung ngiti nila pambawas ng kaba. Chilax Mau, chilax! Sigh. "Galingan natin team!!!" "WOooooooo~!!!" pinagpatung-patong nila ang kamay nila. Napansin ko rin yung mga excited at nakangiting labi nila. Mas kinakabahan pa ata ako sa kanila ah- "Ah?" nakatingin pala silang lahat sakin. :-[ "Tara manager!" nginitian naman ako ni coach. Papalapit na ako nang mapansin ko si Drei. Nakaakbay sa kanya si Daison. Nakatingin siya pero agad din namang umiwas nung pumagitna ako sa kanila ni Daison. :-[ Hindi ko sinadya yun ah. Nilagay ko na yung kamay ko. Nasa ilalim ng kamay ko ang kamay ni Drei. Parang nahawakan ko narin ang kamay niya. "GO.GO.GOoooooo~!!!" medyo natuwa ako sa ginawang pagsigaw nila. Tinaas nila ang mga kamay nila habang sumisigaw. Diko naman alam ang gagawin.. pero nakahawak ang kamay ni Daison sa kamay ko. Nung binitiwan niya agad ko namang hinawakan ang kamay ko. :-[ ??? Nag-init ang pakiramdam ko. Tiningnan ko naman si Daison pero kasabay niyang nagtatawan lahat. Hindi niya siguro sinasadya yun. Napatingin ako kay Drei, ngiting-ngiti siya. Napatingin naman siya nung nagkabungguan ang mga braso namin, nahuli niyang nakatingin ako sa kanya, medyo ngumiti siya ng fake at napatiklop ang mga kamay niya. Ewan ko ba kung naiilang siya.. Pero nginitian niya rin ako, hindi naman ata. :( Ang saya. Natuwa narin ako. Saka ko naman napansin si Zeji na nasa harap ko. Nakatingin siya sa kamay ko. Sa kamay na hinawakan ni Daison. Iniwasan niya ang tingin ko at tumingin ng masama sa bahaging tabi ko.. kay Daison. Napatingin naman ako kay Daison.. nag-evil smirk siya kay Zeji. "Tara na!" anung problema? ??? Nakaupo na ako na meron pang table. Katabi ko si coach na nakacrossed-arms. Nakaupo narin ang iba. Di lahat nandito, mga sampo lang, mga seniors at si Zeji at Angelo na 3rd year. Siguro si Zeji ang next kay Andrei as team captain. Nagwowarm-up naman yung lima. Si Andrei, Daison, Zeji, Angelo at Chad- siya yung mabait na senior na nginitian ako nung nakapasa ako sa club. Pumito na ang referee at magsisimula na ang laban. Nagkamayan ang mga lalaban. Pumwesto na rin sila. Nung pumito muli ang referee agad na napunta samin ang bola dahil kay Angelo. Di naman kasi siya ganong kataba na parang ang bigat-bigat. Chubby siya na katenga ni Andrei at Zeji. Matakaw lang talaga siya kaya tabachoy. Nakapoint agad kami. Naging mainit ang laban. Hanggang sa natapos ang 1st quarter. 14 to 9, mas lamang ang kalaban.
  • 46.
    Nung mag2nd quarter,nagsimula ng gumalaw-galaw ang team. Di ko masyadong mapansin si Drei, si Zeji ang napapansin ko. Siya lang kasi ang nakakalay-up ng paulit-ulit. Nasa kanya pa ang atensyon ng mga babae sa buong gym. Ang lakas ng appeal niya, paanong hindi may kasamang matatamis na ngiti ang laro niya. Naku oh.. saka ko palang napansin si Drei. Masyado akong nacarried-away sa hiyawan ng mga babae dahil kay Zeji. "DEFENSE! Defense!~" "GO SYNC/DRED TEAMmmmmmmmm~!!!" 45-44 ang scores, mas lamang parin ang kalaban. Masyadong seryoso sina Andrei at Daison. Nakakapagslumdunk naman kahit papaano sina Daison at Chad. Ang defense ay kay Angelo. Ang Lay-up kay Zeji at ang 3-pointer ay si Andrei. Hindi pinapasok sina Zeji at Andrei sa loob ng game nung 3rd quarter. Binigyan ko sila ng tuwalya at tubig. Tinitingnan ko si Drei habang seryosong pinapanood ang team. Ganito pala siya. Ang dami ko pa palang di alam, ngayong medyo malapit na ba ako sa kanya. Mas makilala ko pa ba siya at malalaman ang lahat ng ugali niya, ang iba't-ibang mood niya? :)Nagpatime-out siya nung medyo pagod na sina Daison, Chad, at Angelo. Sinabi niya ang strategy at dapat gawin sa mga pumalit. Ang first 5 naman ang namamahinga, at maigi nilang pinag-aralan ang galaw ng kalaban. 55-55, tabla. Pumasok na muli sila nung 4th quarter. Mas nakakatense pala kapag patapos na, mas umiinit ang laban. Kulang nalang isipin mong magsusuntukan yung mga players. *PRTttttt~* Tapos na. Naghiyawan lahat. "WOooooo!!~" 65-70 ang scores. At... Bigla akong niyakap ni Angelo. :-[ "PANALO TAYO Mau!!!" nanalo kami. :-[ :D "Ahaha.." binitiwan naman niya ako kaagad at nakipag-hi5 sa kasama. Ang saya nilang tingnang lahat. Si Drei na muli ang tinitigan ng mga mata ko. Pinat nila ang ulo ni Drei at nagkaakbayan sila habang tumatawa. Ang cute tingnan ni Andrei. "Ang galing talaga ng DRED!!!" tawa ng tawa silang lahat. Ang sayang tingnan ni Drei. "Hm. :)" tiningnan niya ako. Nahuli na naman niya ako. Nakangiti siya sakin. Nakatingin at nginingitian ako ni Drei. Anung gagawin ko.. nagpifreeze ako, waaaah.. nagtititigan kami. "Masipag talaga ang captain niyo." Sigh. Naputol ang pagtititigan namin.. may sinabi kasi si coach. Pinat niya ang ulo ni Drei. "Congrats senyo!" "Salamat, Coach!" sabay-sabay nilang sabi. Napakasaya ng araw na'to. :)
  • 47.
    24.1 Masyadong pagod anglahat sa mga activities and events na nangyari. Lalo na kami.. ang Dred team. Pagkatapos kasi ng basketball ay yung concert. Tapos ngayon.. 2 days na lang at Periodical! Lahat kami todo review, ngayon pa't talagang mahina pa ako sa chem.. pati ata ang geometry ang hirap eh. Mga problem solving pero formula kakaunti. Paano na ang pagiging kasali ko sa honors. :( "Heto Mau, lahat ng librong yan pag-aralan mo huh." 5 libro agad ang binigay ni Kevin. At lahat ng topic na kelangan namin nakatupi. "Wow ang sweet ni Kevin." Inayos ko salamin ko at nilingon ang nagsalita. Si Pau, dala niya ang notes niya sa chem. "Heto, papahiramin kita nito. Basta pahiramin mo ko ng lahat ng notes mo." ngumiti ako. "Oo." Tinulungan nila ako. Kahit sa ibang klase, todo aral ako. Ngayon lang ako nahirapan sa computation dahil sa ibang problem solving na wala namang formulas. Topnotcher pa man din ako pero ibaba ko pa ngayong 3rd year. Mabuti na lang kamo at pahinga ang basketball team. Kaya studies na lang sila at wala munang practice. Minsan kapag vacand kami, paulit-ulit kong tinitingnan yung mga copies ng examples ni Pau. Buti na lang at nakakatulong yun.. Kung minsan naman, binibigyan ako ni Pau ng chocolate. Mas nagiging matibay na ang friendship namin at masaya ako.. "It's the ratio of the number of moles of one component of a s-s-solution-" kumagat ako ng burger, lunch ko na to.. kailangan ko talagang magsaulo. At kahit papaano eh narerecall ko pa yung mga nasaulo ko kakanina ng walang copies. "solution.. of the total number of moles.." walang tao ang 4-A. Nasan kaya sila? At bakit ako nandito? "..of all the.. com..p-ponents." Napatigil ako. Nakita ko si Drei. Hindi ba siya naglunch at nag-aaral siya? "Aish! Kaasar naman to oh!-" naagaw ang pansin niya nung nahuli niya akong nakatingin. Humigop ako ng juice at iniwasan ang tingin niya. Naglakad ako ng sobrang bagal. Kinakabahan kasi ako at feeling ko tinitingnan niya ako. Pumapasok sa isip ko yung ngiti at tingin niya sakin kahapon. Hanggang ngayon.. ramdam ko parin yung saya.. at ang kilig- "Mau!" napatigil ako. Muntik pa nga ako maubo. Dahan-dahan akong lumingon. Tama ang hinala ko, nakatingin nga siya sakin. Ngumiti siya ng papilit.. pinagpapawisan siya at parang naiilang sa hiya. "Di ako makapaglunch hangga't hindi ko napapasaya ang cathleya'ng to. Late kasi ako kanina.. at 10 na ako nakapasok," nakatungo ako habang nakikinig sa kwento niya. Nandito ako sa room ng 4-A, ang room ni Andrei. Katabi ko siya, kausap niya ako
  • 48.
    at marami nasiyang nasasabi, kinukwento niya ang mga nangyari sa kanya.. at tinawag niya ako.. sa pangalan ko! Ang saya ko! "Nakakahiya talaga ako. Section A pero di ko kasi talaga maintindihan ang lesson nila kanina. Yang blackboard lang ang guide ko." tumingin ako sa board. "Imposible man dahil mas mababa ang year mo sakin.. pero pwede bang.." turuan kita? "..dito ka lang." :o Napalunok ako ng 10 beses. Akala ko tama ang iniisip ko.. pero ang samahan siya. Nagfreeze ako. *thump.thump* Ang bilis ng heartbeat ko. Pwede na akong mamatay. Di ako pwedeng sumilip sa mukha niya.. baka makita niyang.. ang saya-saya ko. "Dito ka lang.. kasi wala akong kasama. Kailangan ko ng tulong.. nahihirapan kasi ako.." hindi parin ako umiimik. "Manager ka naman namin diba.. kaya.. pwede kitang kausapin. Tulungan mo naman ako.." kawalan ka Andrei. At mahalaga.. ang lahat ng ginagawa mo sakin ay binabaon ko bilang magagandang alaala. "Sige.. dito lang ako." halos magusot ko na ang palda ko sa sobrang kaba. Naramdaman ko ang pagngiti niya. "Thanks." Unti-unti.. sinubukan ko siyang tingnan. Parang may bago.. bakit niya ako kinakausap? Bakit sa lahat ako pa? Bakit.. gusto niyang samahan ko siya? Nararamdaman ko yung saya.. ang saya-saya ni Drei. "Thanks po Miss." Mabuti naman at nakaabot siya sa pagpasa at 30 mins. Ngumiti pa siya.. parang may magandang nangyari sa kanya. "Salamat! Mau.." nag-init ang pisngi ko. "Tara lunch tayo.. libre kita." "w-Wag na lang, hindi naman kasi ako nagugutom. Ok lang.." Tumahimik siya bigla. "Ang ganda ng araw na'to noh?" sa langit siya nakatingin. Alam kaya ni Andrei ang nararamdaman ko ngayon. Na sobrang saya ko kasi nakakausap at nakakasama ko na siya. Pinaparinggan niya kaya ako? "Para sayo, masaya bang makasama ang taong mahal mo?" tumingin siya sakin. Bahagya akong napatungo. Nararamdaman ko ang mabilis na kabug ng puso ko. Kinakabahan ako ng sobra. "5 months na lang at.. college na ako." pabulong niyang sinabi yun. Napatingin ako sa kanya. Alam kong di niya sinadyang marinig ko yun. Anung meron sa college? ???
  • 49.
    "Kapag nagcollege ako.Hinding-hindi kita kakalimutan." 25.1 'Pag nagcollege ako, hinding-hindi kita kakalimutan' aalalahanin niya ako. May lugar na ako sa puso ni Drei. Hindi niya ako kakalimutan.. special ba ako kung ganon.. masaya ba siyang nakakasama ako. Hihi..hayyy~ "Ah?" :o "k-k-Kevin!" tumungo ako at inayos ang salamin ko. Binalikan ko yung reviewers ko. "Bukas.. ang, Periodical natin! Matatapos na naman ang isang grading. At pagkatapos nun.. wala tayong pasok. Halloween na.. pupunta tayo sa sementeryo. At magiging BUSY tayo! Anu bang iniisip mo Mau!" tungong-tungo ako sa sinabi ni Kevin. Nakita niya akong nakatulala at parang tanga. Ayy.. di na bago yun sa kanya. Mukha naman talaga akong tanga lagi-lagi, isip moron pa. Sigh. "Pasenxa na Kevin. Nag-aaral naman ako.. pero hindi ko lang maiwasang palaging may maalala." hindi siya makasagot. Nag-aral na lang muli ako. "Sa 4th year.. hindi ko na gagawin komplikado lahat. Mas susubaybayan pa kita.. Mau, pasensya ka na." napatingin ako sa sinabi niya. Kung iisipin nga, parang dito lang kami close ni Kevin. Di niya ako masyadong pinapansin sa school. "Ok lang naman tayo diba?" "Ang 4th year kasi.. ang.. hmm- Basta! Parang ayoko pang magcollege!" Si Kevin ayaw magcollege.. pero si Andrei sabik na. Anu bang mangyayari pagnagcollege sila? At feeling ko may kaugnayan yun sakin? Biglang binaba ni Kevin ang salamin ko. "Sige na mag-aral ka na!" Medyo di ako mapakali. Yung heartbeat ko.. parang kinakahan sa mangyayari. Nagring ang bell at nagsimula na kaming magsagot ng mga testpapers. 3 testpapers dirediretso atsaka magrerecess. Magkakameron ng 30 mins. breaktime. Then ang MAPEH. Atsak ang lunch. Tapos the rest subject na muli. Medyo mahirap yung chem at math pero, naalala ko din yung mga pinag-aralan ko at mga techniques to guess what formula should I use. *Din..don..dan..don* "WOoooooooo!!!~" Lahat ay nagsigawan. Kahit saang rooms na malapit samin, maririnig mo ang iba't- ibang hiyawan. Ang saya! ::D Nagsiuwian naman ang lahat ng estudyante. At medyo kaunti na lang ang natira.
  • 50.
    Habang inaannounce namanna mawawalan nga kami ng 1 week class at Nov. na. Naglakad-lakad ako sa corridor papuntang G.C. Office. Tinext kasi nila ako na nandun si Pau. Sa miror pa lang ng pinto.. kitang kita na ang saya-saya nilang tingnan with Pau. Medyo nagtataka na nga rin ako sa closeness ng mga to kay Pau. Pumasok sa isip ko ang about kay Daison.. you know nandito si Pau. "Ah!" nilingon ko yung kumulbit sakin. "Angelo bakit nandito ka sa labas?" sabi ko habang lumilingon sa loob. "Nahihiya ako." nagbablush siya. Di ko rin to maintindihan kung minsan. Pumasok na kaming parehas sa loob. Konti sa kanila nakuha namin ang atensyon. Nginitian ako ni Drei at yun din ang ginawa ko sa kanya. Nakikita ko si Daison. Masaya silang nakikipagkatuwaan kay Pau kahit di ko naman alam ang pinag-uusapan nila. Pero mas nakikita ko yung happiness ng love sa pagitan ni Pau at Daison. "Bagay talaga sila noh?" bulong ko kay Angelo. "Sa tingin mo? Pero si Daison.. wala naman kasi..-" "Dapat icheer natin si Daison. Minsan lang yan sa tulad niya. Ahahah!" biglang tumingin si Daison sakin. "Kain na tayo." "Oo." Umalis na ako kahit nakatingin parin si Daison sakin. Hindi ko talaga mabasa ang tingin niya pagsakin na. Kumuha ako ng juice. Uminom ako. May biglang lumapit sakin. Binigyan niya ako ng cake. Tumingin siya sakin.. "Hmm.. Anu.. Tagal narin ah." nagkamot siya ng ulo. Tiningnan niya ako eye to eye, walang bawian. "Ka..musta ka? Namiss kita Mau." nung sabihin niya yun. Naramdaman ko ang heartbeat ko. Bumalik ang feelings ko nung kinomfort niya ako. Crush ko.. Si Zeji. :-/ 26.1 Nagulat ako nung lumapit siya. uhm.. nabigla lang pala. ??? eh kasi.. hindi na nga pala kami masyadong close? Ewan ko. Pero nung araw na nakita ko siya na kasama yung babaeng yun. sxy at maganda. Parang bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Parang nawala yung pagkacrush ko kay Zeji. Mabait siya. :[ Pero hindi ang mga katulad ko ang mga tipo niya sigurong kasama. :( "Hmm.. Anu.. Tagal narin ah." nagkamot siya ng ulo. Animo'y di mapakali. Naiilang kaya siya sakin. Siguro hindi niya talaga tipong kasama ang mga katulad ko. Pero tiningnan ko parin siya. mata sa mata. Walang bawian. At napansin kong hindi talaga siya mapakali. Ano ba naman tong ginagawa ko. Mukhang di talaga ako gusto ni Zeji. "Ka..musta ka? Namiss kita Mau." Inayos ko ang salamin ko. ;O Hmm.. tiningnan ko siya. Wala naman sigurong ibig sabihin yung pamumula niya no. Baka di na niya matiis ang kausapin ko. pero bakit naman niya sinabing namiss niya ako?
  • 51.
    e.. in thefirst place. Siya naman tong umiiwas. Pero bigla ko na lamang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Feeling ko nakakailang nga yung mga ganitong sandali. Ang tagal na namin di nag-uusap. Tapos kung magtinginan pa kaming dalwa sa isa't isa. Parang walang nagpapatalo. "Uhm. Ayos lang naman." sumubo na lang ako ng cake. Mukhang nahalata na niya yung pamumula ko e. Bigla na lang ;o ;o ;o dug.dug.dug.dug. tumibok ng mabilis yung puso ko. Bigla niya kasing hinwakan yung pisngi ko. Pagkatingin ko. Pinupunasan pala niya yung icing sa mukha ko. Wah!!! nakakahiya!! ;[ "Ah-ako na lang!" pero nagpumilit siyang punasan yung bahagi ng labi ko. Bago ko pa man tuluyang bawiin yun. *BLAG* Bigla na lang kaming nakarinig ng nabasag. Parehong nakuha ang atensyon namin. Si pau? Anong nangyari? "o-Okay lang ako." agad naman akong lumapit. Baka mataga pa siya ng mga basag na pinggan na yun. "Brei ako na." nakita ko naman na lumapit si Zeji. At mukhang tutulungan niya si Pau. "Brei, dumudugo yung kamay mo." nagulat ako ng sabihin ni Angelo yun. Kaya hindi na lamang ako tumingin. Remeber, takot ako sa dugo. Phobia. Naligpit na nila ang mga basag na plato. Ginagamot ngayon ni Daison ang kamay ni Pau. "Masakit ba?" mahinahon na tanong ni Daison. "Pau." nag-aalala kong sabi sa kanya. "Mau, wag kang mag-alala." sabi ni Zeji na habang pinapat ang mga balikat ko. Tiningnan ko lang siya. Naiilang parin ako sa ginagawa niya. Ano na naman kayang nasa isip niya. Hindi ba niya talaga ako gusto? o hallucination ko lang? :o :o ??? :- :( Nagulat na lang ako ng nakatingin pala sakin si Pau. Iimikan ko na sana siya kaso.
  • 52.
    Bigla na langsiyang umiyak. Bigla akong naguilty. Bakit? Bakit sakin siya nakatingin? Atsaka.. may ginawa ba ako? "Brei?" "Uuwi na ako!" tumakbo siya paalis. Lahat sila natigilan dahil sa hindi malamang dahilan na pag-iyak ni PAu. Ako nga kaya ang may kasalanan. :-/ "Ganon ba kasakit ang sugat niya." "Susundan ko siya!" pinigilan ako ni Zeji. "Wag na.. ako na ang maghahatid sa kanya." sabi naman niya sakin. :( 27.1 Naglalakad na ako pauwi kasama ang team. Pero sa isip ko si Pau parin. Bakit siya umiyak? Imposibleng dahil nasasaktan siya sa sugat niyang natamo. Bakit.. Bakit nung nagkatinginan sila ni Zeji.. nagkaganun na siya. Ganito din ang nangyari nun. Nung araw na gamitin ko si Zeji na crush ko riya. :( :( "Uy!" biglang may sumundot sa batok ko. Pagkatingin ko naman sa tabi ko ay si Andrei. Tapos si Angelo yung sumundot. Nginitian ako ni Drei. "Wag kang mag-alala, panigurado matatapos na ang problema ni Brei.. dahil.. nandun naman si.. Zeji." naging malungkot si Angelo. Di ko rin siya maintindihan kung minsan. "Magkasama.. sa iisang mansion sina Brei at Zeji." biglang sabi ni Andrei. :-[ "Magkasama sila sa iisang bubong kaya di nakakapagtakang inihatid siya ni Zeji." "Kaya pala. Mabuti nasa mabuting kamay si Pau." "Nagseselos ka ba Mau!?" biglang hirit ni Angelo. Nag-init ang pisngi ko. Pati si Drei hinihintay ang sagot ko. "Anu bang sinasabi mo.. si Zeji. Mabait lang talaga siya sakin." tungong-tungo talaga ako. Bigla namang.. *blag* Aray ang ilong ko. Inayos ko bigla ang salamin ko. "Daison.. anu ka ba naman." sabi ni Angelo. Huminto na naman siya at ako naman patungotungo. "Wag ka ng umasa kay Zeji. Kasi di kayo bagay.. Nerd!" sabi niya habang lumalapit sa mukha ko. Medyo nakakahiya yun. "Wag ka ngang lumapit ng ganyan Daison." nilayo ni Angelo si Daison sakin. At nakita ko namang nauna ng maglakad samin si Drei. :( Gusto ko pa naman siyang makausap ng kagaya dati.
  • 53.
    At sa wakasnakauwi narin ako. Inihiga ko ang buong katawan ko sa kama. Nakakapagod talaga kapag may exam. Akalain niyo natapos namin ang exams sa isang araw lang. Inayos ko salamin ko at tiningnan ang orasan. 7 something na pala. *Krinnnnnnnng* "Hello?" "Ate Mau! Halika na dito, nakapagluto na si Kuya!" "Ah oo Kerlin. Magpapalit lang ako ng damit." Pagkatapos ko ngang magpalit ng damit. Agad na akong nagpunta sa kapitbahay ko- kina Kevin. Parang di ko narin nararamdaman ang pagod dahil ang sarap talagana magluto ni Kevin. "Anung gagawin mo Ate Mau this week? Wala kasi tayong pasok." tumingin ako kay Kevin. "Anu kaya kung magpartime job muna tayo?" tumingin siya sakin. "Hindi ako pede. Dun muna kasi ako sa mga kaklase ko sasama." tiningnan ng masama ni Kevin si Kerlin, "Don't worry kuya, nasabi ko na'to kay Mama at Papa, mayaman ang kaklase kong yun kaya di buong klase ang kasama." "First year ka palang pero natututo ka ng lumakwatsya!" "Mag-agree ka na lang kaya kay Ate. Since gusto mo rin namang makabonding si Mau." biglang nabilaukan s Kevin. Oonga noh ang tagal narin naming walang scenes ni Kevin. Pag sa school naman kasi, naaaksaya ko na ang free times ko sa pagiging manager ng basketball tapos mga 6 something na ako nakakauwi kaya kung minsan di na ako nakakasabay sa kanila at pinapadalhan na lang nila ako ng pagkain. "Ah pasenxa kana Kevin huh. Pinag-aalala ba kita?" tumungo si Kevin. Nagtaka naman ako. ??? "Kung alam mo lang palagi siyang natutulala kapag walang sumasagot ng phone sa apartment mo. Na which means nga eh wala ka pa.. hohoho!" "Tumigil ka na Kerlin!" galit siya pero mahinahon parin ang boses. Napaisip ako. "Edi yun na lang. Magpart time job tayong dalwa since para narin makapag-ipon tayo para sa costume natin sa halloween party." bumalik na sa normal si Kevin. Tiningnan naman ako ni Kerlin. "You mean yung Party for junior and senior! Ang daya niyo talaga!" Tama.. magkakameron kami ng party. At makikita ko si Drei na nakabihis ng horor something. Ang sayaa~ o) "Sa tingin ko may naisip na akong maaari para sating dalwa." Dinala ako ni Kevin sa isang cafe. Napakaganda nung cafe. At parang pwedeng pwede naming ipagpartime job :) Kaya naman namin to. Nung tingnan ako ng manager. At nalaman niyang kasama ko naman si Kevin. Pumayag
  • 54.
    agad siya atbinigyan kami ng isa isang uniform. Agad naman akong pumunta sa locker room. Para magbihis. Ang cute nung uniform. Parang yung napapanood mo sa mga anime. GAnon ang itsura. haha.. babagay naman kaya? Mmaya pa'y dumating si Kevin. "Heto nga pala Mau, isoot mo muna tong lense. Baka kasi makasagabal yang glasses mo sa pagtatrabaho." agad ko namang tinanggap yun. at nginitian siya. :) maaasahan talaga si Kevin. Nung natapos na ako. Agad akong lumabas. "Tapos na ako." tumingin naman siya sakin. Ako naman, tuwang tuwang hinahawakan yung palda ko. teehee! ang kyut kasi.. feel na feel ko tuloy! Tumingin uli ako sa kanya. Nakatingin parin siya sakin. Bigla akong nakaramdam ng disappointment sa mukha niya. Muhang hindi nabagayan si Kevin sakin. "Diba bagay sakin." hindi ako nagpakita ng lungkot. Nagtanong lang akong ng natural. At bigla namang siyang namula. "d-dun na tayo!" naglakad siya ng diretso. ??? Pero bakit siya namumula? :-/ Ay ewan. teehee! ang ganda ganda ng soot ko!!! "WELCOME MAM AND SIR!" yan ang sinasabi namin sa mga custumer na pumapasok. Lumapit naman ako dun sa isang table. tatanungan ko na sana sila ng order nila. Nang makita ko yung dalwang custumer. "Pau At Zeji.? Wow bakit nandito kayo? "Uh.. Mau.." nahihiyang sabi ni Pau. Medyo nagtaka tuloy ako. Pero mas nakakagulat yung snabi niya. "Kami.. magkasama kasi kaming dalwa.. kanina pa." ahhhhhh. Haha. Ganon pala. I smell fishy. "So kayong dalwa---" Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Zeji ang balikat ko ??? ;o 28.1 Zeji's P.O.V. Simula na ng bakasyon. 5 araw na wala kami sa school, sa makatlo ng gabi babalik kami dun para magcelebrate ng halloween party. Pero feeling ko ang dami kong problemang naiwan. Inatake pa si Pau ng sakit niya nung biyernes at kasalanan ko na naman.. "Ze..ji.." dahan-dahan niyang binuksan ang pinto kaya tumayo agad ako at nilapitan siya. "Bakit nakabihis ka? Aalis ka ba!?" hawak-hawak ko ang balikat niya. "Hindi ka pwedeng umalis Brei.. alam mo naman na kailangan mo daw ng pahinga
  • 55.
    diba?" bigla niyaakong niyakap. Pero hindi ko siya niyakap. "Sana totoo.. sana laro lang din yung kay Mau." biglang dumating si Liza. Yung personal maid niya. "Mr. Tai, kung maaari po samahan niyo si Miss Brei na lumabas. Gusto niya kasi." nakayakap parin si Brei sakin. Hindi ko alam kung ayos ba to kasi hindi na siya nalulungkot o masasaktan ako dahil hindi ko to gusto. "Pero.. kailangan niyan.." "Ihihm.." ngumingiti si Brei habang niyayakap niya ako. "Oo. Aalagaan ko muna siya ngayon." tumingin siya sakin at niyakap muli ako. Sumakay na kami sa kotse at nagpahatid sa park para makapamasyal din kami ni Brei. Kung titigan siya parang wala lang nangyari.. :( Magkasama kami ni Brei sa isang mansion. Dapat kapatid ko siya sa papel pero ayaw niyang magpaampon dahil.. mahal na daw niya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit.. at anung nagawa ko.. kung magpapatuloy to, maaari akong ipakasal kay Brei. Pero siya naman tong nagpapakaokay lang kahit hindi. Ginagawa ko na ang lahat para maturn-off siya pero para sa kaniya lahat ng yun laro. Mabait siya. Mapagbigay.. parang si Mau. Nakikita ko na parang parehas sila kaya siguro di ako nagtiwala ng nagustuhan ko na si Mau. Pero magkaiba pala sila.. dahil hindi kayang magbulagbulagan ni Mau kung alam niyang may mali. Hindi ganon si Brei, hindi siya naniniwalang.. Gusto Ko si Mau. Oo.. gustong- gusto ko si Mau. Madali lang mahalin si Brei kung hindi siya nagbubulagbulagan. Kahit na kelan kasi.. hindi siya nagpakita ng galit kahit alam niyang mali. Mali siya kaya Ayoko ng Ganun. ( "Nagugutom na ako Zeji." sobrang saya niya. At naiiyamot ako sa mga ngiti niyang yan.. kasi alam kong nasasaktan siya. "Dito na lang tayo. Parang maganda naman dito eh." hawak parin niya ang kamay ko. Pumasok kami at pumili siya ng table. May lumapit na waitress. Nung ibinigay niya ang menu.. "Pau.." naagaw agad ng waitress na yun ang atensyon ko. Sa sobrang bigla ko.. tinitigan ko siya. Totoo ba'to? "Mau? Bakit.." ang ganda ni Mau. Hindi ko agad siya nakilala. Nakacontacts lang siya at sobrang ganda niya. :-[ "Uy Zeji andito karin!" tinuro niya ako. Nakakatuwa siyang pagmasdan. :-[ :) "Oo. Mau.. kami ni Zeji ay.. magkasama.. KANINA pa." umemphasize sa utak ko yung word na 'kanina'. Parang natakot ako. Nagbago ang reaction ng mukha ni Mau. Nakangiti lang si Brei.
  • 56.
    "Kung ganon kayoay.." agad akong tumayo at hinawakan ang braso niya. Tinitigan yun ni Mau. Parang nagtaka siya na ewan. Nagbago ang reaction ni Brei. "Zej-" "Mali ang iniisip mo. Kahit anu.. mali to. Kami ay.. nagsasama lang.. na parang.. magkapatid." ewan ko kung pagsisisihan ko ba ang sinabi ko. :- "Anu ba Zeji!" binitiwan ko na si Mau at hinila ang kamay ni Brei palabas. Ayoko.. ayokong mag-isip ng kung anu si Mau samin. Gusto ko.. gusto ko napapasaya ko lang siya. "Uuwi na kami." nakasakay na kami sa kotse. "Anu bang ginawa mo Zeji!?" "Wala namang masama kung may isipin si Mau diba. Mahal kita.. hindi ko naman yun kinahihiya eh.." Hindi ko parin siya tinitingnan. "Magiging masaya siya.. para.. sa'tin." Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangiti lang siya. "GUSTO KO SI MAU! >:(" Sinigaw ko yun sa harap niya. Nagbago ang reaction ng mukha niya. At.. *SLAPPPPPP* "Zej- ah-Hm!--- Paandarin mo na manong." Kahit anung mangyari.. ipaglalaban ko ang nararamdaman ko. :-/ 29.1 Hanggang ngayon hindi ko parin malaman ang tunay na dahilan kung anu bang
  • 57.
    nangyayari. Bakit kayaang weird ng pakiramdam ko kanina habang magkakasama kaming tatlo? Parang hindi Pau at Zeji ang kaharap ko a while ago. Tapos.. ang mga sinabi ni Zeji? Para saan yun? :- "Ang lalim ng iniisip natin ah." biglang umimik si Kevin. Anu ba naman ang ginagawa ko, halos nababalewala ko na siya. :( "Pasensya ka na Kevin sa mga inaasal ko this past past few days." "Wala naman tayong problema dun ah." ngumiti siya sakin. Pero nakikita ko parin ang pagkailang sa mata niya? May nabago ba ako? :- Tumigil ako bigla sa paglalakad. Lumingon naman siya sakin. Na nasa likod niya. "Kevin, hindi muna kita masasabayan umuwi. Dadalawin ko kasi sana si Mori, maaari ba?" hinintay ko ang sagot niya. Malamig ang pakikitungo ni Kevin sakin kanina pa sa may cafe. Kung mapapansin ko.. pagkatapos yung nung umalis sina Zeji. Pero kailangan ko talagang dalawin si Mori. Medyo napatungo ako. "Sige. Hihintayin ka namin sa dinner, huh?" tiningnan ko siya. Ngumiti naman ako. At kumaway paalis. Bago pa man ako tuluyang pumunta sa shop. Nilingon kong muli si Kevin. Bakit kaya ganyan ang kinikilos niya? Parang ang lungkot niya.. "Yo! Hehe.. :-[" nahihiya kong bati sa may-ari na halos nagbabantay na kay Mori araw-araw. Inayos ko ang salamin ko. "Galing ah. Natututo ka na." agad naman akong lumapit sa kanya. Inabot ko ang allowance ni Mori na halos ilang buwan ko ng inde nasasamahan ng matagal. Napapadaan lang kasi ako minsan dito at hindi na halos nakakabonding tong si Mori. "Ok na Mau. May nagpapakain dyan sa alaga mo na hinde naman ako." tumingin naman ako kay Mori na masayang kinakain ang dala kong dog food. "Pero-" "Tagabantay na lang ako ni Mori. Ang totoong nag-aalaga sa kanya--" "SORRY LATE AKO!!!-" Naputol ang sinasabi ni Kuya Dik na may-ari nga nung shop. Parehas kaming napalingon sa may pinto. Nakatungong lalaki na nakabend ang knees sa sobrang hingal. Tumakbo yata sa pagmamadali. :o :o :o Nagulat nalang ako sa nakita ko.. Kung sino ang lalaking yun.. :o :o
  • 58.
    "Mau?" nakatitig parinako sa kanya. Bakit?.. :o "Oh Drei, di ka naman late eh. You came in time! You did it! Si Mau narin ang nagpakain kay Mori. Kaya don't worry." siya? Siya ang tinutukoy ni Kuya Dik na nag-aasikaso at nag-aalaga kay Mori. Si.. Drei. :-[ "Binibisita mo na pala si Mori?" ang mga tingin niya.. :-[ "Oo. May oras na kasi." naglakad siya palapit sakin. "Kung ganon dahil ba sa team kaya ka nawawalan ng time kay Mori?" this time na sa harap ko na siya. He's too close. "Hmm.. pero okay lang." ang bango niya. :-[ "Kung ganon dapat pala sabay na tayo parating puntahan si Mori." ngumiti siya. Ang gwapo ni Drei. Matagal ko ng gusto ang ganito. Sana palagi.. "Ahehm!," aw.aw.aw. Napatingin kami kay Kuya Dik at Mori. Lumapit naman si Andrei kay Mori at hinawakan ang ulo nito. Dinilaan siya ni Mori sa leeg. Ang leeg niya.. ang puti talaga ni Drei. :-[ "Uy naglalaway ka na dyan eh!" biglang tapik ni Kuya. "Huh." napatungo naman ako at inayos ang aking salamin. "Uy Andrei! Akala ko ba hindi ka kilala ni Mau!? Ikaw ah.. close na pala kayo eh. Di ka man lang nagkukwento!" Tama ba ang nakikita ko. Naninigas si Drei? Parang nahihiya siya? ::) Tapos.. ang pula pa ng tenga niya.? Oh.. "Anu! Kasi.." bigla siyang humarap samin pero nakaupo parin para mapantayan si Mori. Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Napatingin naman siya sakin imbes na kay Kuya Dik. Nawalan ata ng concentration kaya ayun nagulat dahil nakatingin ako tapos binaleng uli ang pansin kay Mori. "Uyy.. nagbablush si Mr. Cool!" napahalf smile naman siya pero biglang natawa dahil sa kakulitan ni Mori. "Sala--" sasabihin ko sanang salamat kaso bigla naman siyang nagsalita. "Manager namin si Mau sa team. Kaya.. okay lang naman diba kung kakausapin kita, Mau?" nanghihina ako kapag sinasabi niya ang pangalan ko. Ang sarap tuloy irecord. :D Isa rin to sa mga pinapangarap ko. Patuloy naman ang pakikipagkulitan niya kay Mori. Si Kuya naman nakahalumbaba, parang nanonood ng telenovela sa tv. "Matagal na kitang napapansin Mau. Tuwing umaga.. sa court. Pag may practice.. sa gym. Sa corridor, mahilig kang mapag-isa at nagbabasa ng kung anung libro. Pero.. di mo naman ako napapansin eh." tumingin siya sakin. "Pero tama ba ang hinala ko? Imahinasyon ko lang ba na tinititigan mo ako? O malapit lang ako sa
  • 59.
    bagay na gustomo?" ngumiti siya. :-[ Napapansin ako ni Drei. thump.thump.thump. Ang heartbeat ko. :-[ Sasabog na sila sa sobrang bilis. Tumayo naman siya bigla. "Gabi na halos." kinagat niya ang labi niya. He's staring at me. "Ahm.. ihatid na kita? :-[" nagkamot pa siya ng ulo. :-[ Ang saya-saya ko. "Di lang ako umimik ng konti, gumawa na kayo dyan ng kachizihan. Magkaguyam pa dito." napatungo tuloy ako. Sobra na ang hiya ko.. but actually, ang saya-saya ko sa mga nalalaman ko. :) :-[ 30.1 "Thank You poh!!!" Yun na lang ang huli namin nasabi ni Kevin nung nagresign na kami. At ngayon parehas kaming may 2,000 :P. Kahit di naman talaga yung pera ang kailangan namin. "Nov. 1 ngayon, uuwi na lang ba tayo?" Masyado kaming naging tahimik kanina pa. Siguro gaya ko, iniisip rin niya kung dadalawin ko ba talaga ang totoo kong ama. Sigh. "Pwede bang samahan mo akong bumili ng bulaklak Kevin?" Nagnod na lang siya ng walang imik. Masyadong madaming tao ngayon sa paligid. Halos karamihan na makikita ko sa iba't-ibang flower shop ay nakaitim at nakaputi. Bumili kami ni Kevin ng pinakamahal at pinakamagandang bulaklak. Last year, nung ganitong event din.. dinala ako nina Mama at Papa sa Hongkong. Mas mabuti daw kasi yun kesa sa may maalala ako at maapektuhan pa yung sakit ko. Nakarating na kami sa Cemetery at halos lahat ng puntod may makikita kang mga magagarang bulaklak, mga magagandang kandila na may iba't-ibang hugis, at parang kung titingnan mo.. napakapayapa. Nakita din namin ni Kevin ang puntod.. Nagtirik kami ng kandila at unti-unti kaming lumuhod at nagdasal. Pagkatapos nilagay ang bulaklak. "Napatawad ko na siya matagal na.. pero ang batang yun.. Hindi pa. At hanggang ngayon.. hindi alam kung kaya pang magpatawad. Kung gagaling lang ang trauma kong yun noh." tumayo kami. "Siya kaya.. pinatawad na kaya niya ako sa nagawa ko?" Naging tahimik muli kami ni Kevin. "Tara na?" Naglakad na kami palabas ng cemetery at umuwi na rin. Wala parin si Kerlin at kasama ang mga kaklase niya.. kaya eto.. kami lang lagi ni Kevin ang magkasama. Nakarating narin kami sa wakas sa apartment. Habang papalakad kami papasok.. nakita ko si Andrei.
  • 60.
    Nakaleaned siya saisa sa mga poste dun at umayos din naman ng tayo. Aw.Aw.Aw. Tumahol si Mori. Naglakad-lakad kami sa tabi ng ilog. Bumaba rin kami para maupo sa bermuda dun. "Mabuti naman at pumayag kang ipasyal natin si Mori." ang kulit ni Mori. "Iyo na siya diba.. ok lang ba na kasama pa ako?" dinilaan naman ako ni Mori. Ang kulit niya. ::D "Gusto ko kasing tayo ang mag-alaga sa kaniya." Biglang pumasok sa utak ko yung sinabi ni Arthur kahapon, mama at papa? Parang bang mga magulang kami ni Mori. :-[ Nakakahiya. Ang dumi ng utak mo Mau.. bakit mo ba iniisip yun? Anu bang nangyayari sakin.. ang bilis ng heartbeat ko. May problema na ba ang puso ko? "Since di mo naman ako pinayagan para bayaran si Mori, ito na lang ang kapalit." ngumiti siya. Kung tutuusin pa nga panalo parin ako eh. Ngayon feeling ko sinasamantala ko na ang lahat para kay Drei. Sinasamantala ko ang sandaling makasama siya.. at hanggang ngayon di ko pa nasasabi ang tungkol dun sa table. Baka kasi pagnalaman niya.. umiwas siya. At malaman niya na may nararamdaman ako sa kanya. Ok lang kaya.. hindi kaya siya magagalit? :-/ "Mau, pupunta ka ba sa Party?" "o-o.." hinahawakan naming parehas si Mori. "Mabuti naman kung ganon." Tama ba ang narinig ko.. gusto niyang pumunta ako dun? :-[ "Pwedeng.. favor?" "huh?" "Bride ghost ang theme mo pwede?" "o-Oo ba!" Bigla siyang humarap sakin at ngumiti. Napangiti rin ako. Ang saya-saya ko nung mga sandaling yun. Feeling ko.. may mga bulaklak sa paligid namin. At tinigil talaga ang mundo para samin.. sana si Andrei na talaga. 31.1 "Bakit bride ghost? Pede naman kahit anung nakakatakot diba? Masyadong weird kung yun. At alam mo ba.. karamihan sa mga tao dun, pagandahan ang ginagawa. Baka magmukhang ikaw pa ang nakakatakot. Pagtatawanan ka dun Mau." Nakaharap ako sa salamin habang nakasideward ang mga kamay ko at tinitingnan ang kabuuan ko. Tiningnan ko si Kevin.. napabuntong hininga ako. "Hate mo pa naman ang ganyan." Kanina pa takang-taka si Kevin sa outfit ko. Oonga bakit ganon. Feeling ko pa naman kapag may contacts akong suot.. kahit papaano gaganda ang image ko. Pero bakit nakakatakot ata ang itsura ko. Parang talaga ako yung mga nag-aact sa tv. Scary talaga.
  • 61.
    Hinawakan ko angpisngi ko. Si Kevin.. gwapo parin siya. Halatang nilagyan ng make-up lang. Pero kahit ata nilagyan ako ng make-up.. nakakatakot parin ako. "Pangit ba ako Kevin?" "H-hindi noh!" isinigaw ni Kevin ang sagot niya. Tiningnan ko naman siya at medyo namula siya. Kaya napangiti ako. Kung sinabi ni Drei na gawin ko'to.. magtitiwala ako. :) Umalis na kami ni Kevin ng sabay at nakarating din naman. Malayo palang pero nakikita ko na yung mga lights na nagbibigay ilaw para sa party. Kung siguro walang nakakatakot na outfit, iisipin ko may nagaganap na Party.. like JS. Pero mas nararamdaman ko ang panginginig at kabug ng puso ko.. trauma sa madilim. Nakakatakot. Todo ang pagkapit ko sa costumes ni Kevin.. "Don't worry, di ka mawawala sa paningin ko!" ngumiti naman siya. Nakawak parin ako sa damit niya. Napansin ko naman na may nakatitig sakin.. kaya sinilip ko. Medyo nanindig ang mga balahibo ko.. nakaramdam ako ng pangingilabot. Natatakot ako.. lahat ng bagay nakakatakot. "m-Ma-MAU?!!" saka lang ako kumalma nung narinig ko ang masayahing boses ni Angelo. Napabitiw ako kay Kevin at napangiti sa kumakaway na si Angelo. "Dun tayo! Kina Angelo!!!" hinawakan ko ang kamay niya papunta dun. Pero huminto siya. Nung tiningnan ko siya masama ang tingin niya. Tumingin ako sa tinitingnan niya.. si Daison. "Sige sasama ako Mau. Para hindi ka mawala sa tabi ko." hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pinuntahan na namin ang pwesto nila Angelo. "HI ANGELO, HI PAU, at HELLO.. Daison." masama na naman ang tingin niya. Hindi sakin.. kundi sa magkahawak kamay namin ni Kevin. "BAKIT HELLO SAKIN SAKANILA HI! >:(" hindi ko alam kung galit ba siya. "H-" "Nakakatakot ka!" magha-hi sana ako. Inirapan naman niya ako. "Mau! Halika! Cr muna tayo.. parang kasing di ako comfortable sa suot ko." bigla niyang inagaw ang kamay ko kay Kevin. "Mau!-" "Don't worry Mr. Gil, ako naman ang kasama niya. I'll take care of her." nag- aalala na naman si Kevin. :( "Yun naman pala eh. Wag ka ngang paas-if bf ka niya. >:(" nagkatinginan sila ng masama. "Pangako Kevin, ok lang ako." "Ingat Mau!" Pumunta na kami ni Pau sa Cr. Todo ayos siya sa sarili. Siya.. si Kevin at
  • 62.
    Daison.. parang disila nagbago. Magaganda at magagwapo parin sila. "Ang ganda mo Pau." natawa siya bigla sa sinabi ko. "Mau, halloween to hindi JS." "Ako ata.. ginawa ko na ang lahat para kahit papaano makmukha parin akong normal.. pero nakakatakot parin ang mukha ko." nakasideward na naman ako. "Sige Cr lang ako." pumasok na siya sa girl's restroom. Naglakad-lakad naman ako para magsalamin nang.. "WAH!-" anu yun? May nakita akong nakaputi.. :o :o :o Kinabahan ako bigla. Hala natatakot na ako. Nakaupo parin ako at ayaw tumingin sa salamin. "Pau?~" Sigaw ko habang hinahanap ang pinto kung saan maaaring pumasok si Pau. Pero.. walang sumagot. :o Paano na!!? Tumayo muli ako at.. this time nakataklob ang mukha ko. Pagtingin ko sa salamin.. "WAAAAH~" napataklob ako ng mukha. Natakot ako.. pero narealize ko.. Ako pala yun. :o :- :-[ "Anu ka ba Mau, bakit mo tinatakot ang sarili mo?!" tinitigan ko ang mukha ko. "Make-up lang yan." :o May narinig akong footstep.. papunta dito. Paglingon ko. "Pau- WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~~~~!!!" nakabarong!!! 32.1 Papalapit siya ng papalapit sakin. Yung paa lang niya angkita ko dahil nakataklob ang mukha ko ng kamay ko. Hanggang sa umupo siya sa harap ko at.. napahiyaw na nga ako.. "AAH!~-" may konting luhang lumabas sa mata ko. Hanggang sa napatigil ako dahil nakahawak na siya sa mga kamay ko. Napakaaliwalas ng mukha niya. Parang my ghost in shining armor. Ang gwapo niya talaga.. :-[ "Ok ka lang ba Mau?" itinayo niya ako. Ang outfit niya. Parang kaming mag-asawang parehas na namatay. I'm the bride ang he's the groom. "Mabuti naman at yan ang sinoot mo. Bagay sayo. Ang ganda." nakatingin lang siya
  • 63.
    sa mga matako. Siya lang ang nagsabi niyan. Mas lumapit pa siya sa mukha ko. He's smiling. "Would you be my bride, tonight?" He's too close. Yung mga mata lang niyang nakatingin sakin ang nakikita ko. Ang mga ngiting.. para lang sakin. Napakasaya ko.. parang wala ng katapusan ang kaligayahan kapag nandiyan siya sa tabi ko. Gusto ko siya.. gustong gusto. "HOI!~ Matutunaw na yung iniinom mo dyan ah!" si Angelo. Di ko pa pala naiinom ang juice na kulay dugo. "Ahah.. Angelo." hindi maipinta ang kasiyahan ko ngayon. Inuuga-uga ko ang juice na nasa baso habang pinapanood to. "Si Andrei.. ganyan na ba talaga siya noon pa." Naramdaman ko pa ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hanggang ngayon di parin ako mapalagay.. kinakabahan ako kapag siya ang pinag-uusapan. Kinikilig parin ako. :-[ "Si Drei-" naputol ang sinasabi ni Angelo nang biglang dating ni Daison. "Nanligaw pala si Drei kay Kristelle." Napatigil ako sa paglalaro sa juice ko. Napawi din ang ngiti sa mukha ko. Parang kinabahan ako sa narinig ko.. natatakot.. nasasaktan. :( :-/ "Daison-" "Kahit college na si Telle, pinupuntahan parin siya ni Drei sa school nila. Kaya ata kung minsan nalelate siya eh.." Bumalik sa utak ko yung sinabi niya nung minsang nalate siya at nagpatulong sa exercises nila. "Hindi naman siya ganyan noon eh. Actually.. nagiging good mood lang siya sa babae.. kapag may nangyari sa kanila ng kanyang babae. Yung babaeng mahal niya.." "Daison, tama na.." ang sakit-sakit. :( :( "Bakit? Gustong malaman ni Mau ang lahat kay Drei diba.. hayaan mong tulungan natin siya. Anu pa ba.. si Drei, first love siya ni Telle at first love din niya si Telle. At pagsinagot na siya ni Telle..-" unti-unti tong binulong ni Daison sa tenga ko, "-they will love each other.. happily ever.. after." gusto ng pumatak ng luha ko. Namumuo na sila. "Oh diba Angelo, Fairytale! Happy Ending eh! Hahahah.." Kaya siguro nilalapitan ako ni Drei. Dahil gusto lang niyang ipakita sa lahat na masaya siya.. mahal? May minamahal na pala siya. Anu ba 'to. Kinagat ko ang labi ko para mapigil lang ang mga luhang gustong-gusto ng pumatak. "Mau.?" "Huh?" tiningnan ko si Angelo. ".. inaannounce.. na-- nila yung.. the halloween couple.."
  • 64.
    Bakit ang lungkotng mukha ni Angelo? May gusto ba siya kay Telle? Bakit ganon makatingin si Daison.. siya ba ang lalaki dun sa nasabing couple? :'( Ayoko na dito.. ang sakit-sakit na.. "Mau! Tara na sa stage!" may humawak ng kamay ko. Nilingon ko siya at saka ko naramdaman.. *sob* :o :'( Umiiyak na pala ako.. at nasa amin ni Drei ang spotlight. Bakit.. bakit hinahawakan ni Drei ang kamay ko? Bakit lahat sila nakatingin? Bakit.. ang lungkot ng mga mata ni Drei? Bakit ayaw tumigil sa pagluha ng mga mata ko. :'( :'( Bakit ang sakit sakit ng mga nalalaman ko? 33.1 "Tama yan. Kumain ka lang ng kumain Mau! Sating mga babae.. hindi dapat na umiyak dahil sa ating mga gustong lalaki." 5 na araw nawala si Kerlin at 2 araw akong di mapalagay at nagmumukmok sa apartment. Sa kadahilanang hindi ko alam.. :( Masyado ba akong mahina.. ganon ko ba kagusto si Andrei. :- Sayang.. kung hindi siguro ako umiyak ng gabing yun parehas kami ni Drei na may remembrance picture ng kami bilang Halloween Couple. "Salamat Kerlin." Sigh. Puro buntong hininga nalang ako simula ng matapos ang gabing yun. Tapos simula din nun.. hindi kami nag-uusap ni Kevin. Masasabi mong iniiwasan niya ako. :( Di ko naman alam ang dahilan. :- Sigh. "Gusto mo pala yung Andrei Dave na yun? Alam mo bang crush din siya ng mga kaklase ko. Maraming nakakakilala sa Dred Team. Halos gwapo naman kasi sila. Pero si Chad ang Favorite ko.. :(" "Bakit Kerlin?" nadadala ata siya ng pagiging malungkutin ko. Hanggang ngayon nararamdaman ko ang mata ko. Hindi naman ako yung tipong hagulhol na umiyak pag nasasaktan.. nangyayari lang yun pagnatatakot ako. Pero ang iyak ko.. yung luha kong yun.. pumapatak lang sila pagnatutulala ako tapos bigla nalang akong uub-ob at hihikbi. Hanggang sa maramdaman kong masakit na pala yung nangyayari. "Nuon kasi.. pag sinabing crush akala ko automatic na love. Pero.. bakit hindi
  • 65.
    si Kuya. Bakitdi ka napapaiyak ng ganyan ni Kuya kahit na iniwasan ka niya nung malaman niyang crush mo siya." "Crush ko lang kasi ang kuya mo at masyado pa tayong bata nun." "Anung pinagkaiba ng pagiging bata kesa ngayon. Pareho lang naman silang nakakaramdam diba?" "Kerlin.." seryosong malungkot si Kerlin. "Wala ng puwang ang kuya ko noh. Kasi mahal mo na talaga ang lalaking yun.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nasasaktan ako kapag iniisip ko na mamahalin ko ang isang taong.. hindi ako pwedeng mahalin. "Aalis na kami paggumraduate si Kuya. Pupunta kaming Spain para dun mag-aral.. Mau.. ayaw ni Kuyang sumama.. kasi gusto ka niya. Mahal ka ni Kuya Kevin." tuluyan ko ng nabitiwan ang baso at nabasag yun. "Naku Mau-" "Kerlin. Nandito na ako." Nagbukas ang pinto. Narinig ko ang boses ni Kevin.. nanginginig ako. :o "MAU!" sabay na sigaw ni Kevin at Kerlin. Thump.Thump.Thump.Thump Hawak ni Kevin ang kamay ko. Dumudugo to.. dumudugo ang kamay ko. Tulala ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.. :( "Kerlin, kunin mo ang first aid kit." Umupo kami ni Kevin. Ginamot niya ang nagdurugo kong kamay. Sobrang.. maalaga si Kevin sakin. :'( "Aalis na kami paggumraduate si Kuya. Pupunta kaming Spain para dun mag-aral.. Aalis siya. Maiiwan ako.. Iiwan nila ako. Wala nakong mga kaibigan.. Wala ng mag-aalaga sakin. Wala ng magtatanggol.. Wala na.. mawawala sina Kerli at .. Kevin sakin. :'( Mau.. ayaw ni Kuyang sumama.. kasi gusto ka niya. Mahal ka ni Kuya Kevin." Paano. Paano ko masusuklian ang lahat.? Mahal niya ako.. paano ko mapapasaya si Kevin. :'( "Mau?" "Mau, masakit ba?" Bakit. Bakit masyadong masakit ang mga nangyayari.. bakit parang di ko na kaya ang sakit. Anu.. anung gagawin ko balang araw? "Talaga bang.. aalis kayo?" Walang umimik. Tiningnan ko silang parehas. Hindi sila makatingin parehas. "Bakit!?" I grab Kevin's T-shirt. "Wag ka ng umiyak Mau." "Sinungalin. Sabi niyo! Walang iwanan. Kasi alam niyong di ko kaya.. mga kaibigan ko kayo diba!?" "Uuwi naman sina Tito at Tita dito. Alam bang gusto ka na nilang makasama." di
  • 66.
    parin makatingin siKevin. "O kaya naman.. sumama ka na lang kina Tita. Kina Mr. and Mrs. Padua, sa mga magulang mo." "Hindi pwede.." bumitaw ako kay Kevin. "Bakit.. dahil ba sa mahal mo yung lalaking yun! Mau! Bata ka pa! Masyado ka namang maaga para dyan!" sinigawan ako ni Kevin. "Kuya.." "Umaasa ka!" Umiiyak na naman ako. At nasasaktan. "Akala mo ba yun yun." tumayo ako. At umalis sa apartment nila. :'( 34.1 Nandito ako sa market para bumili ng mga snacks na makakain ng team bukas. May pasok na kami bukas pero di parin kami nag-uusap ni Kevin. Bumili narin ako ng makakain ko. Naisip ko.. bakit ba yun nasabi ni Kevin? Alam naman niya hindi ako pedeng umalis dito dahil nandito ang puntod ng ama ko. Naglakad-lakad na ako pabalik. Napansin ko lang na madaming tao ngayo. Dahil siguro malapit na matapos ang bakasyon. "MISS EXCUSEeee!!!-" May narinig akong sigaw. Hinanap ko naman nang biglang- *BLAAAAAAAAAAG* "Aray!!?" Napaupo kami parehas. Ang sakit ng pagkakabundol niya sakin pero mas nanaig ang pagkawala ng salamin ko. Nasaan ba yun? ??? Kanina pa ako kapa ng kapa dito. Nasaan na yun? "Miss, heto oh. Bwahahahaha!" naisuot ko naman kaagad ang salamin. Isang babaeng mahabang buhok na nasa side ang hati ng buhok ang nakaupo sa harap ko na nakangiti. Hindi man matamis ang mga ngiting yun gaya ng kay Pau, pero may nararamdaman akong iba. "KRIS..TELLE!!!" Telle? ??? "Naku.!" bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Wag tayo dito!" at tumakbo kami palayo. At sa isang cafe kami tumigil. Umorder siya ng banana split para saming dalwa at ice cream din. Inayos ko ang salamin ko at napansin kong kanina pa siya tawa ng tawa at salita ng salita. Ang energetic niya. :) "Nakikinig ka ba sakin. Ahahaha! Nakakaasa talaga oh. Buti na lang nakakain narin ako. Hihi."
  • 67.
    "Kumain ka nga!"sabi niya nung napansin niyang nakatunganga lang ako. Ang dami niyang inorder. Tapos matatamis at malalamig pa. Okay lang ba tratuhin niya ako ng ganito.. ibig kong sabihin, hindi namin kilala ang isa't-isa. ??? "Ah.. Kristelle Hernandez ang buo kong pangalan. Telle na lang ang itawag mo sakin." :o Nalaglag ang panga ko sa narinig. Telle.. ang first love ni Andrei. Tinitigan ko siya at ang babaeng nasa documents at ang babaeng nasa harap ko.. ay iisa. Napaka.. ganda niya. :-/ Hindi nakakapagtakang nagustuhan siya ni Andrei. Mabait din siya.. :'( "Hindi parin.. ok. I'm a freshman college. I'm a nice person ang don't worry.. di ako nangangain ng tao." ngumiti siya. Bakit nasasaktan ako tuwing nakikita siya? Wala naman siyang ginagawa ah? Nagmamahalan lang naman sila. At ako.. epal lang ako sa storya nila. :( "Kumain ka na kasi. :)" Sinunod ko naman ang gusto niya. Nakakahiya naman kasi kung sasayangin ko lang. Habang kumakain ako.. kwento lang siya ng kwento. Nakakatuwa siya. Naiimagine ko si Andrei habang ngumingiting nakatitig sa kaniya. Siguro sobrang saya niya sa piling ni Telle. Ilang buwan na ba niyang nililigawan si Telle? Sigurado magiging perfect couple sila. Eh kung sabihin ko kay Telle na sa school din niya ako nag-aaral nung naghs siya. Sigurado itatanong niya si Drei at maaaring matulungan ko silang dalwa. At panigurado.. wala na.. wala na akong pag-asa. Masasaktan na ako. Dapat pala.. magmove-on na ako. "Ikaw naman, sino ka ba?" naglalakad-lakad na kami. "Mau Anthonette Padua, 3rd year highschool." hinawakan niya bigla ang kamay ko. "Mau?" tumigil siya sa paglalakad. "o..O-" :o "Ate ang itawag mo sakin pwede ba?" inayos ko ang salamin ko. Ang lapit ng mukha niya kaya I noded na lang. "So saan ka nga pala napasok?" lumayo na siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Sa.. m..m..Mori High." tama ba ang ginawa ko? :- "Mori High?" "Telle?.." napalingon kaming parehas. "Mau!?" Si Zeji? Nandito siya? Kasama ba niya si Pau? At oonga pala.. si Telle. "Oh Hi.. Zander Tai right?" nilagay niya ang mga kamay niya sa likod niya. Nginitian niya si Zeji.. pero a bit shocked parin si Zeji. "Ate Telle.. ako nga pala..--" Nabigla na lang ako nang bigla akong hinigit ni Zeji sa likod niya. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Bakit ganito siya makaasta?
  • 68.
    "Close pala kayoMau, ng dati kong player. How come.. it's coincidence. Mag-anu ba talaga kayo at ganyan.." Nakatingin siya sa mga kamay namin ni Zeji na magkahawak. Ang higpit ng pagkakahawak niya. Hindi ako makapalag. At bakit ba? Anung problema about Telle? Mabait naman siya eh. "Girlfriend ko siya, bakit?" Nalaglag ang panga ko.. kahit ata kay Telle. :o 35.1 "Actually, bagay kayo sa isa't-isa." yun ang huling salita ni Telle bago niya kami iwan ni Zeji. Hindi talaga ako pinakawalan ni Zeji nung mga oras na yun. Pero nakakapagtaka kung bakit umasta ng ganon si Zeji? Anu bang dahilan at kailangan naming magpanggap na ganon sa harap ni Telle? Buti na lamang at sinabi niya agad kay Telle na hindi. Kundi baka makarating nga yung kay Drei.. :-[ Toink. Anu ba tong iniisip ko. Diba dapat sina Kevin at Kerlin ang inaalala ko. "Ah-Pau?" Dahil sa nakasalubong ko narin naman siya, pumunta narin kami sa rooftop. "Ang ganda ng sikat ng araw noh." sigh. Anu ba tong ginagawa ko. Dapat di ako nagpapahalatang may problema. "Mau.." "Hm." ngumiti ako paglingon sa kanya. :) Pero.. di effective. Seryoso parin siya. May problema kaya. ??? "Mau, yung.. abt kay Zeji.." nag-iba ang mood ko. Tungkol nga ba kay Zeji? Naguguluhan ako sa kanya. ??? "Crush mo lang ba siya? O gusto mo siya!?" humarap siya sakin. Seryoso si Pau dito. "Tungkol ba to dun sa.. nangyari dun sa cafe?" Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Hinihintay niya talagang sagutin ko ang tungkol dito. "Pau, bakit.. may problema b-" hindi parin siya sumasagot. "Mabait si Zeji. Alam mo palagi niya akong tinutulungan.." naging malungkot ang mukha ni Pau. " Gusto ko siya.. dahil kaibigan ko siya. At hanggang dun.." Medyo nasaktan ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro masyadong naging malapit sakin si Zeji. At gusto ko talaga siyang kasama.. pagkasama ko siya feeling ko.. Safe ako. "Salamat Mau, nagtiwala ka sakin." niyakap ako ni Pau. Bakit ba ang dami-daming nangyayari ngayon? Na halos di ko na maintindihan. Si
  • 69.
    Zeji? Pau? Kevin?at si.. Andrei?? :-/ Nalalapit na nga pala ang Christmas. Magbabakasyon na naman. "Ok! Lahat tayo! Aattend ng Party! Maliwanag! Gaganapin yun sa gym!!!" Lahat ng juniors and seniors magkakameron ng night party sa gabi. Habang ang freshmen and sophomores ay sa umaga. Ang FS sa field with bompfire at ang JS sa gym. Kaya lahat kami nandun. Kumuha ng iba't-ibang materials ang iba't-ibang section. Magkakameron ng band (Glee Club), mga table, at mga materials para sa Big Christmas Tree. At yung iba.. gaya kong walang ginagawa, tumutulong lang sa paglilinis. Sigh. "Mau!" may biglang lumapit. "Masyado mo namang sineryoso ang sinabi ng mga teachers. Wag ka ng maglinis. Gagawin din naman yan ng mga janitors dito. Hehe." tiningnan ko si Angelo at wala nga silang dalang cleaning materials. Pero pinagpatuloy ko ang pagpupunas.. I need to maintain my character. "Tama na yan! Hikain ka pa. Mawalan pa kami ng manager nito eh." inagaw ni Daison ang basahan ko at basta na lang shinoot kung saang box. Ako naman dahil wala sa mood. Lumapit dun at hinanap. Pero di yun ang nakita ko.. ang basahan di ko na makita. Sigh. Tapos ngayon.. si Andrei pa ang nakikita ko. Nakatingin siya sakin.. ang tagal na pala naming di nag-uusap. Di ko na nga nakakamusta si Mori. Bigla akong kinabahan.. Thump.Thump. Lalapit si Andrei sakin.. napahakbang ako paurong.. Natatakot parin ako. Ayoko muna siyang makausap- "Dun nga tayo!" Biglang hinawakan ni Daison ang kamay ko at hinila ako palayo dun. "Bakit dito tayo sa stage. Diba.. para sa band to." ??? "Dito ka maglinis! At least dito.. nandito kami!" ??? Bakit ba laging mainit ang ulo ni Daison sakin? ??? "Mau ok ka lang ba? Yung about kay.. anu.. yung sa Halloween Party.. kay.. dun.. Naiintindihan ka namin! Pangako! Ilalayo ka namin kay Andrei!" Ilalayo? Bakit kailangan nilang gawin yun? Naiintindihan? Anung nangyari at bakit naiintindihan nila ako? :-/ "Sige kuha lang ako ng cleaning materials para makasama ka namin!" umalis si Angelo. Inayos ko ang salamin ko at umupo na. Pero bago ako makaupo.. biglang hinawakan ni Daison ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya.. pero ang lapit ng mukha niya sakin. "Kung manliligaw ba ako sayo! Makakalimutan mo siya!?" bigla ko nalang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Nagbablush ako. :-[ Umayos siya ng tayo. Hindi na kami ganong kalapit. "Ang tanga mo palang pumili noh. Ang pinili mo eh yung gaya nun. Misteryoso yun! Di siya nababagay sayo!" tumingin siya sakin ng masama. "Gagraduate na kami. 3 months after. After this party.. walang pasok. Sa party,
  • 70.
    gusto kong malamankung pumapayag ka bang magpaligaw sakin! 3 months! After vacation.. 3 months kitang liligawan Mau! At kakalimutan mo siya!" umalis na siya. Dumating naman si Angelo. "Mau, dun tayo magsimula." hinigit naman niya ako. Liligawan ako ni Daison? Paano si Pau, sino ba talagang gusto ni Daison? Bakit kailangan niya akong ligawan? Bakit, gusto ba niya ako? Si Andrei? Si Andrei ba ang tinutukoy niyang dapat kong kalimutan? Alam na ba nila ang nararamdaman ko kay Andrei kaya nila ako naiintindihan? Anung isasagot ko bukas? Papayagan ko ba si Daison dahil di naman kami bagay ni Drei? Pero paano kung.. mahal ko na pala si Drei.. kaya ako nasasaktan. :- Quote 1 new message to: m8-Daison Pag-isipan mong mabuti. Pag pumayag ka.. hindi kita sasaktan. Isang gabi lang. Isang gabi lang ang oras ko para sagutin si Daison. Pero ngayon.. nagdedesisyon na ako. Ayoko. Dahil mahal ko si Andrei at ayaw kong gawing panakip butas ang kung sino. Yung ang final decision ko.. pero bakit di parin ako kontento. :'( 36.1 Mabilis dumaan ang araw, At ngayon panibagong taon. Oo na...duwag na ako, takot ako, natakot ako sa mga maaaring mangyari. Kailan lang ba nagsimula ang pagkagusto ko ng sobra kay Drei...paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon. Mahal daw ako ni Kevin, at ngayon...gusto ni Daison na siya ang piliin ko. Bakit? Kailan ko nagustuhan na maging ganito ang sitwasyon ko? Ang tanging kagustuhan ko lang naman ay ang mapansin ako ng taong sobra kong gusto... :'( Pero dun na lamang, hindi na matupad...tapos may ganito pa. Ang gulo-gulo ko na. Hindi ko na alam kung anu pa bang dapat kong gawin...palagi na lang akong tumatakas. "Hello, Honey, natanggap mo na ba ang package? Aw...namimiss ka na namin ni Papa mo dito. Sana magkakasama tayo noh? Masaya ang White Christmas ko at New Year dahil nakasama ka namin. Salamat Anak. Alagaan mo ng mabuti sarili mo" message ni Mama sa phone. Kababalik ko lang pala galing ibang bansa. Balik school na uli kasi. Kaso... hanggang ngayon di ko parin naaayos lahat. Sa pagitan namin ni Kevin at Kerlin. Sa isasagot ko kay Daison, ang kinikilos ni Shaoran, at ang pag-iwas ko kay Drei. Sana maayos ko agad. "Ah?" sabay naming labas ni Kevin sa magkaibang pinto ng apartment namin. Hindi kami magkatinginan. Ang tagal ko na siyang di nakakamusta. Inayos ko salamin ko at naglakad. Lumabas din naman galing likod niya si Kerlin. Ganito kami palagi simula nung magkalabuan. Hanggang sa makarating ng school, walang imikan. "Hi, Mau!" si Pau. Napangiti ako.
  • 71.
    "Ang daming nangyari,alam mo ba yun?" ininom ko juice ko. Recess na namin. "Nakinig ako sa lahat ng sinabi niya. Nasasakal ko na yata siya. Alam mo ba ang sama ng taon ko, nasampal ko siya. Umiyak ako sa harap niya, ang sakit sakit na pala. Pero saka ko lang namalayan." lumeand siya sa wall behind us habang nakatingin sa langit. "Mahal ka niya yata talaga..." naubos ko na pala ang juice ko. Nagsimula naman ang mga bagong lessons namin. Naninibago ako. Sa looks ko, sa surroundings ko, parang lahat hindi tama, parang lahat ang gulo gulo. Love? Talaga bang masarap mainlove. "Ahm Bye Mau!" palabas na kami ni Pau ng gate. Dali dali naman siyang tumakbo patungo sa driver niya. Nang mapagtanto kong...nakatitig si Zeji sa Pau na papaalis habang nakaleaned lang sa gate at pinapanood paalis si Pau. "Parang ang haba ng bakasyon noh? Wala ka nung x-mas party? Sayang .. kumanta pa naman ako nun. Hehe!" ??? Naging tahimik kami habang naglalakad patungo sa walang direksyong daan. Gusto daw niya akong makausap pero ngayong magkasama naman kami, parang wala naman siyang masabi. ??? "Binago mo hairstyle mo? Ang dami talagang nagbabago." gusto ko sanang magsalita pero parang di ko oras. "Mau, magalit ka ba sa mga pinaggagagawa ko?" "Ha?" Sa gitna ng daan, parehas kaming napatigil at napatingin sa isa't-isa. Hanggang sabihin niya ang mga katagang to... "Kaya mo ba akong mahalin?" Nagulat ako sa sinabi niya. Pero... mas nakakagulat ang pinahihiwatig ng mga mata niya. "Hindi ako natatakot bastedin ka Zeji. hah! " parehas kaming natawa. Oo tumatawa kami ng walang katapusan. Dahil...ang Zeji'ng nasa harap ko...ay iba na. "Desperada kasi bestfriend mo. Ang tagal kong hinintay na makita ang totoong siya. Minahal ko na talaga ang bestfriend mong yan." nakahawak siya sa noo habang sinasabi yan. "Ipaglaban mo siya." nagulat siya sa sinabi ko at ngumiti din naman. Hanggang sa magdecide na siyang iwan ako. "Nagbabago talaga ang mga tao."
  • 72.
    "Mau Antonette?" napalingonako sa familiar na boses. Dun...muling nagbukas ang puso ko para masaktan. Oo...ang sakit. Ang sakit na makita sina Telle at Drei na magkasama. "Hi!" nilink niya ang kamay niya sa mga braso ni Drei. Ang tagal ko ng di nakita si Andrei. Ang gwapo niya talaga...sobra kong gusto ang lalaking to sa malayuan. At hiniling ko pa...na sana mapansin niya ako. At ngayong kilala na namin ang isa't-isa...naramdaman ko ang tinatawag nilang...masaktan. "May kasama ka?" Ang sayang tingnan ni Telle. Anu kayang reaction ni Drei. Ayoko...ayokong tumingin sa mata niya. Ayokong makita na mahal niya ang babaeng kasama niya. Simula kasi ng araw na yun...mas pinili ko ng iwasan siya. Natatakot ako sa kanya... Napaurong ako na para bang gustong tumakbo. "Mau-" May nasagi ako. Lumingon ako... :o "Naghintay ka ba ng matagal? Patawad." "Daison." ang lalaking kinaduduwagan ko. Palagi na lang siyang nandyan. Sinasalo ako. Mabuti na lang..hindi tuluyang pumatak ang mga luha ko. :- "Sige maiwan na namin kayo." Napatungo ako habang hawak niya ang kamay ko at sa pangalwang pagkakataong na ilayo...kay Andrei. :'( Hinawakan ko ang mata ko, umiiyak na naman ako. Matagal ko na'tong pinigilan diba? :'( Kinulong niya ako sa mga bisig niya. "Tumahan ka na." hindi ko mapigilan. Mas lalo akong nanghihina kapag nakikita ko siya. "Tiningnan mo ba siya sa mga mata?" umiling ako. "Dapat sinubukan mo." umiiyak parin ako. Gusto ko ng tumigil pero ayaw talaga. "Matagal kitang hinintay. Pero di ka dumating...g'go ka Mau. Hindi ako ang iyong pinili." Oo g*go ako! !@#$ ako dahil hanggang ngayon ... minamahal ko parin ang taong imposibleng mapasaakin. Hinding..hindi ako mapapansin ni drei. Hindi niya ako mapapansin gaya ng pagpansin ko sa kanya. 37.1 Humiwalay ako sa kanya. Hindi kasi tama na yakap niya ako.
  • 73.
    "Aalis na ako."bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Ang tagal mong nawala, tapos magpapakita ka sakin ng umiiyak? Tara! Mamasyal muna tayo.." bigla rin niya akong hinigit. Tapos dinala niya ako sa mall. Alam ninyo yun, hindi niya binibitawan ang kamay ko. Ang bilis pa niyang maglakad, hindi ko tuloy maayos ng mabuti ang salamin ko. Hanggang sa...Dalhin niya ako sa sinehan. "Daison, bakit-" "Shh! Late na nga tayo sa movie tapos ang ingay ingay mo pa. Wag kang mag-alala, ihahatid kita senyo." napatingin ako sa oras. 6 na pala. Eh anung oras kami matatapos? Nagsimula na yung movie, Amerikan Movie. Parang...LOVE STORY? Napatingin tuloy ako kay Daison. Seryoso siyang nanunuod ng movie habang kumakain ng popcorn. For real ba syang nanonood ng ganito? O ngayon lang? Ang weird ng lalaking to. Pero... napapangiti ako. Siya ba yan? Back to movie na nga, ang dilim pala dito. Buti na lang gamit ko ang salamin ko. :) "Ang ganda ng movie noh?" inayos ko salamin ko at tumingin sa salamin, malapit ng mag9. "Naintindihgan mo ba ang kwento?" napatingin ako sa kanya. "Oo naman." "Nakakaawa yung lalaki noh? Nakipagrelasyon lang yung babae sa kanya dahil yung totoong gusto nung babae ay nagkataong kaibigan pala nung lalaki." napatigil ako sa paglalakad. :- "Pero alam mo, hindi tama ang ginawa niya. Eh anu kung ginamit siya. Siya parin naman ang boyfriend diba? Hindi ba dapat..." tumigil din siya at tumingin sakin, "ang dapat niyang gawin ay ipakita sa gf niya na siya dapat ang mahalin. Ipakita niya na mahal talaga niya yung babae. Magagawa niyang maghintay sa pag-ibig nung babae...kung mahal talaga niya yung gf niya. Hindi sya magpapatalo, kahit na...ang gusto talaga nung gf ay ang bestfriend niya." Parang ang awkward ng moment na to. Ang sinasabi ni Daison. :-[ "9 na, siguro uwi na--" sumeryoso ang mukha niya. Parang nasasaktan ako sa mga tingin na yan. "Kaya ko naman maging panakip butas eh. Ayos lang kahit gamitin mo ako para makalimutan si Drei. Pasasayahin naman kita, Mau. Mau...I love you." tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Hindi ko kayang harapin si Daison kaya tumakbo na ako at iniwan siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pero...may isa pa pala akong hihilingin. Hindi ko man kayang balewalain na minahal ko talaga si Drei. Hindi ko man kayang kalimutan agad si Andrei, hindi ko man kayang hindi umasa.. :'( pero sana naman...SANA DALWA NA LANG ANG ANDREI. Malapit na ang Valentines Day, kaya lahat ngayon busy. Hindi kami masyadong nagkaklase. Gumagawa kasi kami sa ng maraming props...kaya nga busy lahat.
  • 74.
    "Mau, anu ba,kanina pa tayo tinatawag ni Sir. Gagawa tayo ng props. Bakit ka ba nagtatago?" "Ha?" pagtingin ko kina Pau. Nakatingin sila sakin na nasa likod ng pinto. "Ahahahah! Hindi ako nagtatago kasi..." naglakad na kami sa corridor at kinakabahan talaga ako. "Daison bilisan mo naman!" nagfreeze ako. "Sige una na ako!" at mabilis na akong tumakbo nung marinig ko ang pangalan ni Daison. Oo na...umiiwas na ako. At ang kinalaglag ko, tutulong ako sa mga magpipintura. May mga nakaassign pala bawat group para sa gagawin nila. Tapos kagroup ko pala sina Pau, na siya tong tinakbuhan ko. Kaya ngayon sa mga late ako napasali. Sino pa kaya ang kasama ko...Sigh. "Mau?" napalingon ako sa familiar na boses. Lumakas ang kabug ng puso ko. Iniiwasan ko nga siya pero we ended like this. Kami parin ang magsasama. "Nalate kasi ako. So tayo ang magkatulong...for now." nagiging awkward na naman ang scene. Di ko na kaya to. Inayos ko ang salamin ko at nagfocus na lamang sa props na gagawin namin. Kumuha ako ng lapis at nagguhit guhit. Pero...ang lakas talaga ng kabug ng puso ko. Si...Daison ang kasama ko. Thump.thump.thump. :-[ "Nakita kitang dumaan sa corridor, tapos...nung mapatingin ako sayo," hinawakan niya ang noo niya na parang nadidepressed. "Imagination ko lang sana, pero...Mau iniiwasan mo ba ako?" bigla siyang tumingin sakin. Ang linaw ng mukha ni Daison. Bakit ngayon...bakit sobrang gwapo niya! :-[ "Ahahah! Hindi noh, tara gawin na lang natin toh." tungong tungo ako habang nagguguhit. Napakaawkward ng scene. Naiilang ako. Parang gusto ng lumuha ng mga mata ko sa sobrang sikip na ng nararamdaman ko. Ang hirap hirap. Hanggang ngayong kasi...nagtataka parin ako kung bakit ako napapunta sa ganitong sitwasyon. :'( "Sandali lang huh." I faked a smile without looking at him. Medyo inalis ko ang salamin ko at pinunasan yung namumuong luha sa mata ko... thump.thump.thump.thump Saka ko na lamang napansin, na papalapit ng papalapit ang mukha ni Daison sakin... :o At... Hinalkan niya ang noo ko? :o :o :o Mga 1 inch lang yung layo niya sa mukha ko pagkatapos niyang halkan ang noo ko. Sa sobrang gulat. Tinulak ko agad siya. At tumakbo agad ako. :'( Bakit niya ginawa niya yun? Nahihirapan na nga ako eh! Kaasar naman
  • 75.
    oh...huhu! :'( Takbo langako ng takbo papuntang walang direksyon. Nakatungo habang umiiyak... *BLAGGGG* Medyo tumama ang ulo ko sa dibdib ng isang tao. Lumayo ako at nagsorry. Pagtingin ko sa taong yun... :o :o :'( :- Si drei..."MAU!!!" Nung marinig ko ang boses ni Daison biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi parin ako makakibo, naistranded ako dahil sa dalwang taong to. :- "Mau! Magpakita ka na oh, pangako di ko na gagawin yun!" pagkasabi niya nun. Bigla kong naramdaman na malapit lamang siya sakin. "Sige...Drei." susubukan ko na sanang tumakbo...Nang... :o :- Nang bigla niyang higitin ang kamay ko at dalhin sa pinakamalapit na room. Niyakap ako ni Drei. Hindi ko alam kung niyayakap ba niya ko para itago kay Daison...o ako lang tong gumagawa pa ng ibang reason. Hindi ko namalayan. Nakatulala na ako sa dibdib niya habang tumutulo ang mga luha ko. :'( 38.1 Nasa office pala kami. Hindi ko agad napansin. "Mau?!" nung nawala na ang footstep. Lumuwag naman ang yakap niya. Mabuti na lamang at hindi sumilip sa salamin si Daison. Pero... :'( Hindi ko parin kayang hindi umiyak. Hindi ko kayang pigilan. Nasasaktan ako. Ang tagal kong hindi siya nakita. :'( At hanggang ngayon, hindi parin ako malinawan. Hanggang ngayon...ang sakit-sakit parin. :'( "Patawad..." bigla namang nagbukas ang pinto. Pero ako pilit paring pinupunasan ang mga luha ko. At kahit anung gawin ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak. :'(
  • 76.
    "Uy captain! At...manager? Bakit umiiyak si Mau?" tumungo pa ako. "Ngayon ko lang uli nakitang nagpaiyak si Drei ng babae." tumawa sila. "Guys-" "Nagconfess ba si Mau? Haha. At rejected? Haha!" medyo sumeryoso si Andrei. "Oh JOKE lang.." may kinuha sila sa locker. "Hindi naman namin alam ang nangyayari eh." bulung bulungan nila. "Edi wala na ngang gusto si Mau." medyo tumingin ako sa kanila. "Gusto ko si Andrei!" tumingin silang tatlo. Ganito reaction nila--> :o :o :o Mali ba ang ginawa ko? Ayoko lang naman na isipin nila na hindi ko gusto ang taong totoong gusto ko naman. Medyo nagulat din si Andrei. Ngayon...sobrang pathetic ko na. Sawing sawi na talaga ako. Sana...biglang may 'Boom' at mawala na lang akong bigla. "So confession nga to?" "Wow pare! First time kong makitang may magconfess kay captain. At first time ko ring makitang nagpapaiyak talaga siya ng mga babae." "Ganito pala ang feelings pagheartthrob ka sa babae. Kawawa naman." seryoso nilang sabi habang parang naaawa pa. "Ang lakas mo talaga Andrei.--" medyo napatigil sila. Sumama ang tingin sa kanila ni Drei. >:( "Mali kayo. Hindi ko binasted si Mau." tumingin siya sakin. Tumutulo parin ang mga luha ko. "Kasi Gusto ko rin si Mau." ako naman ang nagulat. Walang umimik. Walang nagreact. Walang nagsalita. Tapos...naramdaman ko yung sakit. Sakit na magkaiba kami. Nasasaktan ako sa katotohanan...naiintindihan ko si Drei. Alam ko kung bakit niya to ginawa. :'( Ayaw lang naman niya akong mapahiya diba? :-
  • 77.
    "So...KAYO!?" may isangnaglakas ng loob na magsalita. :o Walang ulina umimik. Nakatingin lamang si Drei sakin. Pinilit kong ngumiti kahit umiiyak parin ako...pero...ayoko talaga nito. Ang sakit sakit na! "Namisunderstood lang kayo." imahinasyon ko lang ba yun? O totoong nagulat si Drei sa sinagot ko. Wala naman talagang dapat siyang ikagulat. Ayokong imisunderstood siya. "Ang gusto ni Drei at gusto ko ay hindi iisa. Mali ang iniisip niyo...kasi *sob* magkaiba ang ibig sabihin namin at wala kaming relasyon!" nahihirapan akong umiyak dahil sa salamin kong suot. Pero mas mahirap dahil nagsisimula na akong humikbi. "Sige, una na kami." umalis naman sila. Hindi parin ako tumitingin kay Andrei. "Salamat! Pero hindi mo naman kailangan pagtakpan ang sinabi k--" bigla niyang hinawakan ang braso ko at sumigaw ng ganito.. :'( "Ganyan mo ba talaga kagusto si Daison!" parang galit si Drei, "o si Zeji. Sigurado gusto ka nun, o si Kevin! Ang dami naman Mau! Hindi ba ako pwedeng sumali!?" medyo nakagat ko na labi ko sa pagpipigil umiyak. Nakita naman niya yun...at biglang lumungkot ang mga mata niya. At binitawan na niya ako. "Siguro si Daison nga. Kaya ba palagi kang dumadaan sa harap ng court para makita siya. ... Palagi ka kasing nakatingin samin. Sana pala di na lang ako nagpadala sa mga kateamate ko na ako daw yung tinitingnan mo. Sana di na lang kita pinansin... Sana di na lang kita nagustuhan." napahawak siya sa batok niya habang napapatungo. "Madami na ba sila. Sina Zeji, kevin at Daison...di mo ba magawang paniwalaan ang confession ko. O tama ka nga... Magkaiba ang gusto mo sa gusto kong ipahiwatig. Siguro...gusto mo nga ako. Pero iba sa pagkagusto mo kay Daison." tumalikod siya. Nagpipigil parin akong umiyak. "Kalimutan mo na lang na may nasabi ako." at umalis na siya. Hmm! *sob* Ang sakit-sakit pala. Ang sakit sakit pala pag sa kanya ko na narinig ang katotohanan. :'( Bakit ngayon ko lang napansin...bakit ngayon ko lang nalaman na kahit na kailan hindi intensyon ni Andrei na saktan ako. Siya... Siya itong nasasaktan ko... :'( 39.1 Matapos umalis ni Drei. Agad din naman akong lumabas ng Office. At dahil wala pa mga kaklase ko at busy sa paggawa ng props. Kinuha ko na agad ang bag ko, bag ko lamang.
  • 78.
    Umiiyak akong pumuntasa clinic. Nagsinungalin akong masakit ang mga tyan ko kaya ako umiiyak. At hindi na rin ako nagpaabalang magpahatid. Agad ko naman yung pinakita kay guard kaya agad din niya akong pinalabas. Wala naman kasing nakahalata sakin. Dahil sa tungong tungo ako, natatakluban pa ng buhok ko ang buong mukha ko. Kaya pagdating ko sa bahay, hindi agad ako nagdalwang isip na humiga at niyakap ang mga unan ko. Patuloy parin sa pagluha ng mga mata ko. Talagang nasaktan ako...ang sakit-sakit. Ang tagal ko ng di umiyak ng gaya nito. Hanggang sa di ko namalayan na... dumating si Kevin. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Tahan na." Dun.. mas lalo ko lang naramdaman ang sakit sa mga pinaramdam niyang yakap. :'( 2 araw na pagkatapos mangyari yun sa pagitan namin ni Andrei. At 2 araw narin at Valentines na namin. Sigh. Ayos na kami ni Kevin kahit hindi ko naman maalala kung bakit makita ko na lamang na nakayakap ako sa kanya habang umiiyak. Dun ko rin napagtanto, na...si Kevin lang ang nag-iisang tao na lubos na nag-aalaga sakin. Pero, kasalukuyan, iniiwasan naman ako ni Drei. At si Daison? Imahinasyon ko lang ba o talagang hindi ko na sya napapansin dahil parati na lamang si Drei ang nasa isip ko. Sigh. Ang gulo gulo. "Recess muna tayo?" sabi ni Rica. Sang-ayon naman kami. Puro junior at senior ang nasa canteen. Madaming tao. Kaya tigigisa kami ng binili. Drinks ang akin. Masyadong siksik kasi lahat pagod kaya ganyan kadami. Papalayo na ako para bumili...pero... "Anu? Lemonade ba? O softdrinks?" ang bitbit ni Drei ay tea? Magkaparehas kami. Napakagat labi naman ako. Tuwing makikita ko sya. Parang tipong sya lang ang pinapakita ng mata ko at lahat...blanko. Mahal ko talaga ang taong to. Minahal ko talaga sya. Pero...naging bulag lang ako all the time. "Tea? Malamig sya ngayon ah! Okay yan! Ang init naman kasi." "Hm *nod* dami natin ginagawa." Wala na naman bisa ang pagiging manager ko sa kanila dahil wala na silang tournament. Sa next school year na uli. Kung saan 4th year na ako at wala na sya. "Uy si Zeji!" pagmagbabanggaan naman ang mga tingin namin, agad naman syang umiiwas. Pagmagkakasama naman sila ng team at babatiit ako ng iba. Ang layo naman ng tingin niya. Pagnagkakataon na parehas kami ng lugar, umaalis sya. Imahinasyon ko lang ba yun? Pero pagtinititigan ko sya, parang bumalik lang ako noon. Na tinitingnan sya sa malayo...pero di naman sya lilingon. Galit talaga sya. :-
  • 79.
    "Hm?" may napansinako. "Nasan si Pau?!" walang kabuhay buhay nila akong tiningnan. "Kanina ka pang tulala, kaya hayun di mo nakita na sinundo sya ni Zeji." "Bagay pala sila noh. :D " ginagawa ni Zeji ang part niya. Ang galing, mabuti naman at narealize niya, at masaya ako para kay Pau. "Mau!" napatingin ako sa kaklase kong lalaki. May tinuro naman sya sa may pintuan. Babaeng iba ang uniform. At... :o si Telle? :- Agad akong tumakbo. Hinanap ko si Drei. Kahit saan hinanap ko sya. Pinagtanong tanong ko sya sa lahat. Alam ko na kasi ang totoo... 'Nung malaman ko ang pangalan mo, natakot ako. Kasi ikaw si Mau,' anu naman kung ako si Mau. 'Ikaw ang dahilan kaya hindi niya tinuloy ang panliligaw niya sakin. Hanggang sa tinuring na lang niya akong kaibigan. Special nga ang turing niya sakin, pero...ikaw ang palagi niyang kinukwento. Gusto ka niya. Nagustuhan ka niya.' so totoo. Nasan ka Drei! :- Nakarating ako sa room nila. Hingal na hingal akong sumilip sa salamin. Pero nung mapansin kong wala naman sya...naglakad na lang ako papuntang rooftop. Pero... :o habang naglalakad ako. Natagpuan ko yung pinto nila na bukas. May tao? Pagsilip ko. :) Nandun si Drei. "ANDREI!" bigla kong sigaw pero nasa labas lang ako. 'Nalaman din kasi niya na may karelasyon ako habang nanliligaw sya. Pero alam mo...tinanggap parin niya ako bilang kaibigan. Special parin ako sa kanya. Mabuti ng malaman kong nagustuhan niya ako kahit sa konting panahon...pero ngayon :'( iba na ang gusto niya. Ang first love niya' tuwang tuwa ako habang nakikita sya sa loob. Bigla namang lumuha ang mga mata ko kaya agad ko yung pinunasan. "Pasensya na. Kung wala kang sasabihin, aalis na lang ako. Ayokong makita tayo-" "MAARI KA BANG MAKAUSAP!" patuloy parin sa pagluha ang mga mata ko. "Sige," lalabas sana sya. "WAG! Wag kang lumabas. Dyan ka lang." mas mabuting nahaharangan kami. Kesa sa makita niya ang itsura ko. Nahihiya kasi ako. Tumigil sya at seryosong nakatingin sa kawalan. Iyak parin ako ng iyak. Hindi ko naman mapunasan ang mga luha ko gawa ng salamin na suot ko. :'( Parang ayoko na. Natatakot ako. Siya na uli ang Drei na noon. Ang Drei na parang di ko na kayang maabot...parang natatakot na ako. Parang napapahiya ako. Wala parin akong lakas ng loob. Baka magalit na naman sya... "Gusto kita. Gusto kita...gustong gusto." umiiyak parin ako. Gusto kong maging patas sa pagiging matapang ni Andrei na sabihin ang lahat ng yun sakin. Gusto ko rin na malaman niya lahat ng nararamdaman ko. GUSTO KO SYANG MAABOT. "Mau, diba--"
  • 80.
    "Wala akong gustokahit na kanino, KUNDI IKAW LANG." tuluyan na syang lumingon sakin. Napatungo ako at umiiyak parin. "Palagi kitang tinitingnan. Ang lalaking yun." nung first time kitang makita when I was grade 6. "Ang lalaking naglakas loob na tumulong sakin kahit yung mga kasama niya pinagtatawanan na ang isang AKO. Akala ko wala lang. Isa ka lang sa mga simpleng tao. Hanggang sa lumipas ang isang taon. Nakita muli kita...at HINANGAAN. Palagi kong hiniling na sana lumingon ka. Lumingon ka at pansinin mo ako." hawak ko ang dibdib ko habang umiiyak. "Tapos...isang araw. Pinaglapit tayo ng tadhana. Akala ko with that, mapapansin mo na ako. At least tumitingin ka na sakin kahit may reason. Ako ang manager niyo. Pero...marami palang nag-uugnay satin.... ang table, si Mori, at ang team. Lahat ng yun... kinatuwa ko. At hiniling ko, sana tuluyan na kitang maabot. Sana maging akin ka!" Naramdaman kong papalapit sya. Kaya agad akong lumapit sa pinto. At pinigilan syang buksan to. Kita ko sya sa salamin. Ang taong...MAHAL KO. "Mas mabuti ang ganito. Dito naman tayo nagsimula eh. Malayo talaga tayo sa isa't isa. Palagi lang kitang titingnan sa malayo... MAHAL KITA, ANDREI." pinilit kong ngumiti. Nang bigla niyang buksan ang pinto at higitin ang kamay ko papasok sa room nila at niyakap niya ako. NIYAKAP NIYA AKO NG MAHIGPIT. THE END 4 years ago Nagsimula lahat sa isang pagtatagpo. Pinagtagpo tayo ng pagkakataon. At muli pinagtagpo tayo ng tadhana. Natutunan kitang hangaan. With that, pinanood kita sa malayo. Nagustuhan kita. Ang lahat sayo... Ay GUSTO KO. Muli, pinaglaruan tayo ng pagkakataon, ang pangarap ko. Unti unting natupad. Hanggang sa... IPAGLAPIT NA TAYO NG TADHANA. MINAHAL KITA,MINAHAL MO AKO
  • 81.
    Nagsimula lang namanto sa munting pansinan, napansin kita, nagkainterest ako sayo. Sinubaybayan kita, nagustuhan kita. Gusto kita, kaya gusto ko palaging nandyan ka. Hanggang sa... TINAMAAN NA AKO NI KUPIDO. Ang first crush ko, ang kababata ko, si Kevin. Ang una kong kinamuhian, ang bestfriend mo, si Zeji. Ang taong nakaalitan ko, ang malapit sayo, si Daison. Minahal nila ako. Pero nung ikaw na...nakilala ko na ang FIRST LOVE KO, ang taong gusto ko. Ako si Mau, ito ang love story ko. THE END:EVER EVER AFTER "Wooh! Natapos narin! Ready na ako para sa mamayang event!" lahat kami may maskarang suot. Pinaglalaruan nga naming magkakaklase. Parang 'bulaga' lang. Valentines na kasi ngayon. At mamayang mga 5 magsisimula na ang event. "Pau!" tinawag naman ni Zeji si Pau. Magkatabi lang naman kasi ang rooms namin. Napasilip ako sa labas habang tinitignan silang paalis. Bakas sa mukha ni Pau ang kasiyahan, masaya ako para sa kanila. Sobra. Palagi silang magkasama. Lalo pa ngayon magkakameron ng couple na sayawan. At may bonfire pa. Magiging masaya to para sa mga couple. UHM! Bigla ko namang nakita si Daison. Napayuko ako at inayos ang salamin ko at lumingon muli sa kanya. Matapos ang lahat, si Daison nung mga araw na yun..kasama niya si Telle. Ewan ko ba kung nagkakataon lang na magkasama sila, pero..nung malaman niyang naging KAMI ni Drei. Hindi na niya ako masyadong nilalapitan. Labis kong nasaktan si Daison, dahil sa biglaang nangyari. At hinayaan ko naman syang lumayo. AH! Tumingin sya sakin. Ang mga nasasaktang tingin niya. 'Hayaan mong kalimutan kita, my First Love' I tried to smile, pero...inisnaban niya ako. Sana maging sila na lang ni Telle. Sana makapagmove- on agad sya. Sana may mahalin din siya gaya ng pagmamahal na pinakita niya sakin. Naging masama ba ako? "Mau! Tumulong tayo sa paghahanda ng mga kakainin natin!" yung iba kasi masyadong walang ginagawa. "oO!" binaba ko ang maskara ko. Tatakbo na kami. Unahan pa nga eh. Ako naman...masyadong nahihirapan kasi hawak2 ko ang salamin ko habang tumatakbo. Tama pala si Drei, dapat nagcontact na lang ako. Mahihirapan akong magsuot ng maskara. And speaking of Drei... *BLAG* "Aray?" napaupo ako. At nalaglag ang salamin ko. Agad namang may nag-abot nun sakin at tinayo ako. Inayos ko salamin ko at nagpasalamat dun sa taong tumulong sakin na sya ring dahilan ng pagkaupo ko. Nagbump kasi ang mga katawan namin.
  • 82.
    "Sala...mat." napatingin akopaa hanggan mukha...yung mukha. It can't be. Bakit sya nakasuot ng salamin. 'Ayoko. Ayokong tinitingnan lang ako ng taong gusto ko sa malayuan. Gagawin ko ang lahat para tanggalin ang harang na namamagitan satin, Mau. Gusto kita. Gusto ko palagi kang nandyan!' Bigla akong namula nung ngumiti sya at naalala ko pa ang sinabi niya 2 days ago. "Kitams. Real couple na tayo. Girlfriend." biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalingon ako sa paligid. Madaming tao at tinawag niya akong girlfriend niya...Napangiti ako. Napansin kong si Drei lang pala ang tinitingnan ng mga mata ko. Wala na akong pake sa sasabihin ng iba. "Sige! Kita tayo mamaya, iniwan na ako ng mga kasama ko eh!" inayos ko ang salamin ko. Ang bilis ng heartbeat ko pero gusto ko ang ganitong pakiramdam. Aalis na sana ako... "Mau!!!" lumingon naman ako. Ngumiti siya. "I LOVE YOU!" Imahinasyon ko lang ba? O totoong sinabi niya yun para sakin para pagsigawan sa lahat na mahal niya ako. Ilang beses ko bang sasabihin.. MINAHAL KO TALAGA..ANG TAONG TO.