SlideShare a Scribd company logo
Na na na na na na....

All day I settle on just thinking about your smile
I see you in my dreams
How you complete me
Flowers you left me here
Still wilt on the shelf by the phone
You took a part of me
All the tears I've cried for you
It's day by day for me
The only way I get by
I keep talking in my sleep
As if you were still right by my side baby

How could you leave I need you with me
all of the precious memories
just left me behind
and how my heart cries
without you I'm so lost baby
I still can't believe that
you could just leave
me standing alone in misery
just left me behind
please come back baby

I pray I call your name
still wishing that you would come home
nothing comforts me
but if you could hold me
my world will start to turn
for a moment that things would be right
can you hear me
baby don't you need me too
are you afraid of me
please tell me how love passed us by
right now i'll do anything
just to have you right back in my life baby

How could you leave need you with me
all of the precious memories
just left me behind
and how my heart cries
without you I'm so lost baby
I still can't believe that
you could just leave
me standing alone in misery
just left me behind
please come back baby
right now I'd do anything
just to have you right back
in my life, baby

all of the pain and the hurt
trapped inside keeps pulling me down
and God knows how i try
so hard when you love someone
the way that i loved you
please come back
we can talk it all out
time and space my love away
for you hooh... lalalalalalala...

It's day by day for me
the only way i get by
i keep talking in my sleep
as if you were here by my side
baby

How could you leave need you with me
all of the precious memories
just left me behind
and how my heart cries
without you I'm so lost baby
I still can't believe that
you could just leave
me standing alone in misery
just left me behind
please come back baby




Walang kabalak-balak si Regine Velasquez na ipaki-pagsapalaran pa
ang kanyang singing career sa Amerika.

Ito ang sagot ni Regine sa mga nagtatanong sa kanya na kung
nagkataong may Youtube umano noon ay siguradong siya at hindi
si Charice Pempengco ang rumaratsada ngayon sa internationalmusic
scene.

Ayon kay Regine, nasa right timing umano ang dating ni Charice kaya’t
ito ang nabigyan ng pagkakataon, at masaya umano siya para dito.

Inamin naman ni Regine na nabigyan din siya ng pagkakataon sa
Amerika, ngunit siya na raw ang tumanggi dahil established na raw ang
kanyang singing career dito sa Pilipinas.

Idinagdag pa nito na ang tanging pangarap niya lamang ay matulungan
ang kanyang mga kapatid na mapagtapos sa kanilang pag-aaral at
matulungan ang kanyang pamilya na maiahon sa kahirapan at nagawa
niya umano ang mga iyon.

Very happy si Regine Velasquez na hanggang ngayon ay maganda
pa rin ang takbo ng career niya at patuloy siyang binibigyan ng
magagandang projects ng GMA-7. Gaya na lang ng bago niyang
talent show na Are You The Next Big Star?, na mapapanood
simula sa Sabado (May 16), kung saan first time din siyang
magkakaroon ng ibang co-host other than her boyfriend Ogie
Alcasid, sa katauhan ni Keempee de Leon.

"It's exciting to host this kind of talent show," simula niya. "Hindi
ko maiwasan na maging close sa mga contenders kasi nakikita mo
yung struggles nila. Yung kagustuhan nilang mag-succeed.
Nararamdaman ko yun kasi pinagdaanan ko yun e. Kung pwede
mo nga
lang silang lahat panalunin, e, pero isa lang talaga ang pwedeng
manalo.

"Ang maganda dito sa Are You The Next Big Star?, dalawa ang
mananalo—isang babae at isang lalaki," pahayag ni Regine nang
ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba
pang entertainment press sa presscon ng Are You The Next Big
Star? last Saturday, May 9, sa Technowave Bar & Restaurant sa Il
Terrazo Bldg. sa Tomas Morato Extension, Quezon City.

Bukod sa Are You The Next Big Star?, napapanood din si Regine
sa SOP every Sunday at gabi-gabi sa GMA Telebabad via Totoy
Bato bilang leading lady ni Robin Padilla. Kaya simula next week
ay araw-araw nang mapapanood ang Asia's Songbird sa
telebisyon.

"I'm really very thankful na after three decades ay bisi-busy-han
pa rin ang lola n'yo, di ba? Natutuwa naman ako na nandiyan pa
rin ang tiwala ng network sa akin, giving me good projects. And
I'm still able to... Yun na nga, magampanan ang dapat kong
magampanan as a host, as Robin's leading lady, yung mga ganun
ba. Pero itong lahat ng ito, trabaho ito," saad niya.

RELATIONSHIP WITH OGIE. Pero sa kabila ng kanyang pagiging
busy sa kanyang showbiz career, pinipilit naman ni Regine na
mabigyan ng oras at atensyon ang kanyang mahal na boyfriend na
si Ogie.
"Siyempre, inaalala ko pa rin yung relationship ko with Ogie. Kasi
nga busy-bisihan ako, I'm not able to cook for him. So, kagabi
[May 8], late na late na akong natapos ng special na ginawa ng
GMA for me, I went to his taping kasi naglambing siya. So,
nagpunta ako sa Hole In The Wall kahit three o'clock na ng
madaling-araw. Nanood ako ng isang episode, happy na siya
doon. Ganun lang kasi yun maglambing, e," kuwento ni Regine.

Kung siya ay pumupunta sa taping ni Ogie, ano naman ang
ginagawa ni Ogie bilang pambawi naman sa kanya?

"Ganundin, dinadalaw din ako nun kapag magte-taping ako. Kasi
minsan-minsan lang 'yan naglalambing na dalawin ko siya. At saka
pupunta 'yan sa bahay, paggising ko, may breakfast na."

Sweet na sweet daw si Ogie sa kanya. At alam nito ang kanyang
mga gusto kaya naman tuwang-tuwa siya sa regalong Chanel bag
ni Ogie para sa kanyang birthday last April 22.

"Binigay niya yung bag bago pa ako mag-birthday. Kasi may
sumpong ako ng araw na yun, e. Sabi niya, 'Sige na nga, para
hindi ka sumpungin,'" nakangiting sabi ni Regine.

Nagtatalon nga raw siya, ayon kay Ogie, nung matanggap niya
yung Chanel bag?

"Oo, siyempre mahal yun, e!" bulalas ni Regine.

SLEEPY BIRTHDAY. Ano naman ang ginawa niya during her
birthday mismo?

"Natulog ako!" tawa ni Regine. "Galit na galit sa akin si Ogie kasi
nagpunta kami sa La Union, kina Joy Ortega [kaibigan nina
Regine at Ogie]. They were so nice. Kasi nga, nagpunta kami ng
La Union with my family, kasama si Ogie noong mismong week ng
birthday ko. We were there for four days.

"Yung birthday ko mismo, pinaghanda ako ng family ni Joy
Ortega. Nandun kami sa house nina Joy mismo, with the father,
the mother, the family... Governor yung father niya [Joy]. It was
so nice, talagang pinaghandaan niya yung buong pamilya namin.
Fiesta ito. Ang bait-bait nila.

"Tapos, nagagalit sila sa akin kasi nakapag-golf na si Ogie,
nakapag-basketball na, nakapag-swimming na yung mga bata...
Ako, tulog pa rin ako! Kasi antok na antok ako. So, sa birthday ko
talaga tulog ako!" natatawang kuwento ni Regine.

Paano naman siya bumawi kay Ogie after niyang matulog?

"Natulog pa rin ako!" sabay tawa nang malakas ni Regine.

Biro namin, mabuti at hindi nag-tantrums si Angelina (ang spoiled
brat character na ginagampanan ni Ogie sa Bubble Gang at Hole
In The Wall)?

"Hindi naman. Naintindihan naman niya. Tapos niloloko niya ako,
'Hoy, mag-sleeping pills ka para makatulog ka. Baka kulang ka pa
sa tulog.' Sabi ko, 'Salbahe ka, nakakainis ka!' Sabi niya, 'O sige
na nga, matulog ka na ulit.'

"Actually, yung pamilya ko, sanay sa ganun. Nung nag-Boracay
kami, lahat sila nagsu-swimming and all. Ako, tulog ako! Actually,
nung Holy Week sa Batangas with Ogie, tulog din ako! Kasi parang
nung galing ako ng States, parang pagod na pagod talaga ako. Ito
rin nung last birthday ko, actually last minute yun, e, na
nagpunta kami sa La Union. I feel so tired, kaya tulog ako.

"E, nakalimutan ko na first time na kasama namin si Ogie sa out
of town. E, yung family ko, they already knew me, na pag nag-
vacation ako matutulog lang talaga. Pero may dalawang araw
naman akong nasa ulirat! Mga lunch time, nakikipaglaro ako sa
mga pamangkin ko, tapos picture-picture, chika-chika, poker,
whatever. Pero yung most of the time sa buong araw, wala ako sa
conciousness ko, tulog ako!" salaysay ni Regine na hindi mapigil
na matawa habang nagsasalita.

Bukod kay Ogie, sino pa from showbiz ang unang bumati sa kanya
sa birthday niya?

"Ang dami, e. Kasi nga, since out of town kami, hindi nila alam
kung saan ako hahagilapin. Kung meron bang party... E, gusto ko
ngang manahimik, gusto ko ngang matulog. Ang dami kong text!
Tapos lahat sila tine-text si Ogie, mga 150 yata yung text, na kay
Ogie lahat! Kasi nga hindi nga nila alam kung nasaan ako!"

Bumati rin ba ang ex-wife ni Ogie at kaibigan niya na si Michelle
Van Eimeren?

"Oo, lagi naman, e. Tatawag pa 'yon or magme-message."

Nagkakatampuhan pa ba sila ni Ogie, kasi parang lagi silang
nakikitang masaya?

"Pag nag-away kami, parang comedy pa rin. Kasi we don't... At
least sa akin, sa parte ko, pareho kami, e. We don't like to put
too much pressure on each other. Lalo na yung pareho kaming
busy. Ang hirap, e, alam mong may iniisip yung tao, tapos
kukulitin mo pa. So, kami, inaano ko na busy na lang ako.
Bumabawi na lang ako. And he does that to me also. So, wala,
hindi kami nagka-clash.

"Kasi nga our job is already stressful enough, that's why you have
your partner. You have somebody you can complain to. Hindi
yung magko-complain ka na, 'Honey, why are you not here?' Iko-
complain mo na lang na, 'Honey, I'm tired.' Yung ganun, mas
maganda yun."

HATE TO BE SAPARATED. Dahil mahal na mahal nga nila ang isa't
isa ay ayaw na nilang mahiwalay ng matagal lalo na kapag nagtu-
tour sa abroad ang bawat isa sa kanila. Sa nauna ngang interview
ng PEP kay Ogie, sinabi nito na ayaw na niyang magkahiwalay sila
ng matagal.

"Ayaw na niya akong mag-tour," pagkumpirma ni Regine.
"Actually, pact namin talagang dalawa yun. Kasi kahit ako, I really
didn't want to tour anymore. Kaya nga three weeks-three weeks
lang, e. Dati, a month and a half kung mawala ako, two months...
Ganyan ako kung mawala dati, di ba? Ngayon, three weeks na
yung pinakamatagal kasi nga parang ni-limit na namin. Siyempre,
ang hirap, e."

Nag-iyakan pa raw sila nung magkita sa airport dahil sa sobrang
miss nila ang isa't isa after ng three weeks tour ni Regine para sa
Divas For Divas; kasama sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, at
Pops Fernandez. Gusto raw ni Ogie kapag mag-a-out of the
country ay sila raw dapat dalawa ang magkasama.

"Oo nga, e. Ako rin, hindi ko makaya na magkalayo kami ng
matagal. Kaya lang, parang sayang naman yung opportunity, yung
work. Tapos ang hirap ng buhay ngayon. Nag-iipon pa kaming
pareho."

Sa dami ng projects nilang dalawa, wala pa ba silang ipon?

"Hindi pa enough. Kanya-kanyang ipon for our future. Yung
iniipon ko, para sa sarili ko! Yung pera ko, pera ko! Yung pera
niya, pera namin!" biro ni Regine.

Ano yung nami-miss niya kay Ogie kapag nasa abroad siya?

"Siya," sagot ng Asia's Songbird. "Yung pagkatao niya. Kasi
nakakatawa talaga siya, e. Minsan uuwi yun, naka-Angelina.
Tapos ang weird, kasi, di ba, malambing ako? Nilalambing ko siya,
ang weird kasi naka-ponytail, tapos hinahalikan ko siya. Kering-
carry niya yung Angelina talaga.

"Actually, kahit yung nandito ako, tapos I'm working, I miss him.
Yung hindi pa ako umaalis, nami-miss ko na siya. Kaya we make it
a point to see each other. Pag Saturday, tapos wala kaming
parehong ginagawa, magde-date kami."

So, talagang mali ang hula sa kanila na maghihiwalay sila this
year?

"Bakit naman kami maghihiwalay? Kinontra ko na! Nagpunta na
nga ako kay Joy Lim. Ang mga anting-anting ko, nandiyan lang!"
biro pa ni Regine.

NO WEDDING YET. Since present silang dalawa ni Ogie sa silent
wedding nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos noong April 28,
naitanong tuloy ng PEP kung gusto rin ba niya ng silent wedding
katulad kina Ryan at Juday, just in case na ikasal na sila ni Ogie?

"Just in case? Kasi nga eskandalosa ako, parang hindi masyadong
bagay sa akin! Tapos, iimbitahan ko lahat ng press, may sariling
party ang press people," lambing ni Regine sa PEP at sa mga nag-
i-interview sa kanyang press.

So, hindi na out of town ang wedding nila, kasi baka makatulog
siya?

"Baka!" tawa niya. "So, huwag na nating gawin yun. Kasi baka
wedding ko na, natutulog pa ako! 'Hoy, kasal mo na! Ha, ngayon
ba yun?' Kasi nga pag out of town, natutulog talaga ako. Ewan ko
ba pag sinabing vacation, ang idea ko matutulog ako!"

Hindi ba siya nainggit kina Ryan at Juday?

"Hindi na, may papa na ako, e. Kung wala akong papa, e, di
maiinggit ako. Kasi alam ko naman sa dulo, dun din ang punta
noon."

Ano ang feeling nila ni Ogie habang naglalakad sa aisle si Juday?

"We're very happy. Kasi sa wedding, ang pinakaaabangan yung
walk down the aisle ng bride. Lagi kong inaabangan yun at saka
yung kiss. But unfortunately, I missed that, yung 'You may kiss
the bride.' Kasi nga, ihing-ihi na ako! Kaya inis na inis ako. Nung
umalis ako ako, akala ko hindi pa matatapos, kasi nagpipirmahan
pa lang sila. Akala ko meron pa. Sabi ni Ogie, 'You missed it.'
Nainis nga ako!" nakaakaaliw na kuwento ni Regine.

Nakasama pa rin ba siya sa reception after ng wedding?
"Hindi na nga ako nakasama sa reception, naiwan na si Ogie. Kasi
may taping ako that day [ng Totoy Bato]. Actually, galing din ako
ng taping ko noon, e. I just tried my best talaga. I made it a point
to be there talaga sa church. Tapos after, dumiretso na ako sa
taping."

Sino ang gusto niyang kumanta sa wedding nila ni Ogie?

"Pwede kayang kami-kami na lang?" sambit niya. "Pero hindi ko
pa talaga alam. Siguro pag na-settle na. Ang hirap kasing
magplano nang hindi ka pa sigurado, di ba? As far as my
relationship with him is concerned, sigurado ako doon. As far as
the wedding is concerned, hindi pa talaga natin alam kung ano
ang kahihinatnan. Siyempre, nagpe-pray kami pareho, hopefully.
But I don't want to plan anything yet."

Regine Velasquez anim na taon nang
simulang tulungan ang pamilya
(Pilipino Star Ngayon) Updated January 25, 2010 12:00 AM Comments
(0)




MANILA, Philippines - Bilang isang bata na lumaki sa Tondo, nakita at
naranasan mismo ni Regine Velasquez kung paano mamuhay sa hirap.

Ang ama na si Mang Gerry ang nagtaguyod sa pamilya nila kahit may
scoliosis pa ito.

“I felt really bad when I saw that. Gusto kong mabawasan ang burden niya
nang makita ko ang hirap niya para sa amin,” sabi ni Regine.

Kaya sa murang edad na anim, tumulong na si Regine sa mga magulang
niyang sina Gerry at Teresa, sa pamamagitan ng pagsali sa mga maliliit na
singing contests.
May 67 sa loob ng 200 kompetisyong sinalihan ang napagwagian ni Regine,
mula Tondo hanggang Leyte, bago pumirmi sa Bulacan.

Kahit hirap na hirap, sinabi ni Regine na hindi nakompromiso ang nutrisyon
nilang magkakapatid. Sa katunayan, nakasanayan pa nila ang pag-inom ng
gatas.

“Mapilit ang nanay ko na uminom ng gatas. Tuwing umaga, hindi kami
pinaaalis sa mesa hangga’t hindi nauubos ang gatas namin sa baso. Ang
habit na iyon ay tumagal hanggang maka-graduate kami sa high school,”
sabi ni Regine na siya namang endorser ngayon ng Laki sa Gatas advocacy
ng Bear Brand. “Pinapakain din kami lagi ng mga gulay at dapat kumpleto
ang tulog.”

Dahil sa pagpapahalaga sa health and nutrition, bihira silang magkasakit na
magkakapatid.

At kapag kailangan ng pang-extra na lakas, dala-dala rin ang gatas sa mga
kumpetisyon.

“Para raw malakas ako kahit hanggang gabi,” nakangiting kuwento ng Asia’s
Songbird.

Alam na ng lahat ang success story ni Regine matapos mabigyan ng break sa
recording, television, at movie industry.

Kaya ang gusto niyang i-share ngayon sa mga kabataan, huwag ding
pabayaan ang kalusugan at siguraduhing uminom lagi ng gatas.


Ilang araw nang pinoproblema ni Regine Velasquez ang nakabiting
desisyon niya kung lilipat ba siya sa ABS-CBN o mananatili bilang
isang Kapuso sa GMA-7. Naisulat na namin dito sa PEP (Philippine
Entertainment Portal) na kung hindi mapipigilan, puwedeng
masungkit na nang tuluyan ng ABS-CBN si Regine.

Nakahanda na ang lahat sa paglipat ng Asia's Songbird. Isang pirma
na lang ang kailangan para tuluyan siyang maging Kapamilya.
Hanggang sa huling sandali, ayon sa isang source na malapit kay
Regine, masakit sa loob ni Regine ang paglipat sa ABS-CBN. Pero
wala na siyang choice at that time kung hindi ang lumipat.

But PEP has the inside story on how this ABS-CBN deal with Regine
has been thwarted again. Kampante ang GMA-7 na kahit kumakalat
ang balitang kinu-consider ni Regine ang paglipat sa Dos noon, iniisip
nilang hindi ito basta magagawa ng Asia's Songbird.

For a time, parang binabalewala ng Kapuso network ito. Ayon sa
source, nanliit si Regine nang alukin diumano siya ng Kapuso
network ng isang bagong show na bahagi ng Dramarama sa Hapon.

Mahirap tapatan ng GMA-7 ang offer ng ABS-CBN, kasama ang
multimedia deal sa recording at pelikula. Kung natuloy si Regine sa
ABS-CBN, magkakaroon siya ng sariling musical-variety show, bukod
sa planado ang lahat ng gagawin niya sa recording at pelikula.

In fairness sa GMA-7, inalok nila kay Regine ang hosting job para
sa Pinoy Idol nang mag-fold up angPinoy Pop Superstar.

FremantleMedia approved Regine as the show's host, kahit nga
overage na ang singer-actress. Pero ang naging problema roon, hindi
kakayanin ni Regine ang rigid schedule kaugnay ng reality TV singing
contest. Kalahati lang daw ng schedule na naibigay ang pupuwedeng
sang-ayunan ni Regine kaya nag-decide ang GMA-7 at
FremantleMedia na si Raymond Gutierrez na ang gawing host
ngPinoy Idol.

Hindi hawak ng GMA-7 ang kabuuan ng schedule ni Regine kaya
tiyak na magkaka-conflict. Ito rin ang naging problema nang
nagtangkang gumawa ng isang soap opera si Regine sa GMA-7
noon, ang Forever In My Heart, na hindi nagtagal sa ere dahil sa
erratic na schedule ni Regine.

As of 10:30 a.m. of February 18, dumating si Regine sa tanggapan ni
Atty. Felipe Gozon, ang top honcho ng GMA-7, para ayusin kung
anuman ang problema.

Obviously, ang pan-de-deadma ng GMA-7 for the past few days sa
kaso ni Regine ay nagkaroon ng drastic move and decision dahil nga
sa nakakaalarma ang pag-iyak ni Regine sa SOP kahapon.
Ayon sa source, walang alam na ibang dahilan ang marami sa
emotional outburst ni Regine sa nabanggit na show, pero malinaw sa
malalapit sa Songbird na 'yon ay luha ng pamamaalam sa Siete at sa
show na talagang minahal ni Regine.

Nasa SOP din kasi ang kanyang boyfriend na si Ogie Alcasid ang
mga malalapit niyang kaibigan na sina Jaya at Janno Gibbs. Bukod
pa sa napalapit na rin sa kanya ang karamihan sa mga young
performers dito, gaya nina Jolina Magdangal, Kyla, Karylle, Dingdong
Dantes, at iba pa.

"Masakit sa loob ni Regine ang ginagawang trato ng GMA-7 sa
kanya. Parang ang feeling niya, ito ba ang kapalit ng pagiging
loyalistang Kapuso niya?" pahayag ng aming source.

Nagkaayos sa masinsinang usapan sina Regine at mga GMA-7
bosses. Ang immediate plan ay ang pagsisimula ng isang soap opera
na pagbibidahan ni Regine, at hindi ito daytime show gaya sa
ikinabuwisit ng Asia's Songbird noong una, kung hindi pang-
primetime na.

Isa pang bigwig ng GMA-7, si Ms. Wilma Galvante, ay talagang nag-
dialogue daw ng, "Hinding-hindi ko matatanggap na mawala si
Regine sa GMA!" Ito ang na-realize nila nang mapag-alaman nilang
isang serious matter pala ang paglipat sa Dos na kinu-consider na
talaga ng kampo ni Regine.

Ayon sa aming source, "Hindi magiging maligaya si Regine sa
paglipat sa Dos dahil makakaapekto ito sa showbiz status niya kung
sakali. Walang katiyakan kung mas gaganda ba ang takbo ng lahat
sa career niya despite the big offer from ABS-CBN. Pero kung
ginawa niya siguro 'yon, 'yon ay dahil sa wala na rin siyang ibang
pupuntahan at ang pangde-deadma ng Siete sa mga naiparating
niyang kahilingan ay talagang hindi rin niya matanggap."

Naramdaman ni Regine sa biglang pagtawag ng emergency meeting
with some GMA-7 bosses na malaking artista pa rin pala siya sa
Kapuso network na ipaglalaban ng mga ito.
Kaya, at press time, mananatiling Kapuso si Regine. Tingnan na rin
lang natin kung hanggang kailan mapagbibigyan si Regine sa mga
gusto niyang mangyari sa kanyang career, at kung kakayanin pa rin
ng GMA-7 ang liberty and freedom na tinatamasa ng isang malaking
artistang gaya ni Regine sa nabanggit na network. - Philippine
Entertainment Portal

Muling magsasama si Aga Muhlach at Regine Velasquez sa isang pelikula na
halos tatlong taong nakabinbin. Pinamagatang Of All The Things ang bagong
proyekto nina Aga at Regine kung saan marami sa mga eksena ay kinunan sa
Bicol. Ngayon ay tatakbo bilang kongresista ng ika-apat na distrito ng Camarines
Sur na isang bayan sa Bicol Region si Aga Muhlach. Iginiit naman ng aktor na
nagkataon lamang ang pelikula nila ni Regine Velasquez sa kaniyang pagtakbo
at nabanggit na hindi niya kailangan ang proyekto para lamang manalo sa
kaniyang pagiging congressman.
Pinagtanggol naman ng Asia’s Songbird ang planong pagtakbo ng kaniyang
leading man. Aniya, hindi naman daw basehan ang pelikula nila ni Aga dahil
hindi naman daw boboto ang mga tao sa pelikula na gagawin nila. Maging ang
istorya ng pelikula nina Regine Velasquez at Aga Muhlach ay tumatalakay sa
pulitika na nagkataon lamang daw sa kasalukuyang sitwasyon ng aktor. Ito raw
ang naging dahilan kung bakit kinilabutan ang dalawa sa pangyayari. Ito na ang
pangatlong pelikula nina Aga at Regine na halos tatlong taong nakabinbin. Ayon
kay Direk Joyce Bernal, matagal na umano ang script at ito ay ginawa pa bago
magdesisyon si Aga Muhlach na tumakbo bilang kongresista.

Lalo pa umanong lumakas ang loob ni Aga dahil na rin sa pagkakataon na ito.
Naniniwala umano ang aktor sa destiny kung kaya kahit pa nagka-aberya ang
proyekto nila ni Regine ay naniniwala siya na ito na ang tamang pagkakataon
para gawin ang pelikula. Hindi rin naman daw nila desisyon ang oras ng
paggawa nito dahil ang Viva umano ang nagsabing oras na ito para gawin nila.
Pabor naman daw si Regine Velasquez sa pagpasok sa pulitika ni Aga Muhlach
dahil may nakikita raw siyang katangian ng aktor na gustong makatulong sa mga
tao.

Nagpaabot na rin si Regine ng suporta kay Aga at sinabing kung kinakailangan
siya ng kaibigan ay taos-puso siyang tutulong dito. Nakikita naman daw ni
Regine Velasquez na masaya si Aga Muhlach sa kaniyang desisyon sa pagtakbo
kung kaya ibinibigay niya ang 100 pursyentong suporta sa kaibigan. Marami
naman ang excited sa muling pagtatambal ng dalawa dahil na rin sa magandang
chemistry na nabuo nila sa pelikula. Napaamin naman si Aga na pinormahan
niya raw noon si Regine ngunit hindi ito umubra.
Inamin din ni Aga Muhlach na dumating ang
panahon noon na madalas siya tawagan si Regine Velasquez ngunit hindi siya
umano sinasagot ng dalaga. Ayon kay Aga hindi raw ito ni Regine dahil ang
madalas niyang kausap noon ay ang direktor na si Joyce. Naikuwento rin ng
Songbird na si Regine Velasquez na madalas siyang maasar noon kay Aga
Muhlach dahil madalas itong late sa kanilang shooting. Ngayon ay ginagawa na
lamang daw biro ng magkaibigan ang kanilang nakaraan at sinasabing ito rin ang
naging dahilan kung bakit naging magkasundo sila.

More Related Content

What's hot

Detiny's choice ii 001 001
Detiny's choice ii 001 001Detiny's choice ii 001 001
Detiny's choice ii 001 001khim_catibog
 
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
University Student Council-Molave
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
Suarez Geryll
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer class
mayorlim
 

What's hot (11)

The Realization
The RealizationThe Realization
The Realization
 
Detiny's choice ii 001 001
Detiny's choice ii 001 001Detiny's choice ii 001 001
Detiny's choice ii 001 001
 
sky files
sky filessky files
sky files
 
Disconnection notice
Disconnection noticeDisconnection notice
Disconnection notice
 
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
 
I am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdoI am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdo
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer class
 
Chapter 21-40
Chapter  21-40Chapter  21-40
Chapter 21-40
 
Bok tayong dalawa
Bok tayong dalawaBok tayong dalawa
Bok tayong dalawa
 
Rr project
Rr projectRr project
Rr project
 

Viewers also liked

algo de sedimentologia en tacna
algo de sedimentologia en tacnaalgo de sedimentologia en tacna
algo de sedimentologia en tacna
Carlos Alberto Paxi Mamani
 
4 in balans sen congres
 4 in balans sen congres 4 in balans sen congres
4 in balans sen congres
Kennisnet
 
Cultural forum art-entertainment-doha_qatar_jul13
Cultural forum art-entertainment-doha_qatar_jul13Cultural forum art-entertainment-doha_qatar_jul13
Cultural forum art-entertainment-doha_qatar_jul13
Pinnacle Infotech
 
MA Thesis_Manyakin_K
MA Thesis_Manyakin_KMA Thesis_Manyakin_K
MA Thesis_Manyakin_K
Konstantin Manyakin
 
Поморская модель
Поморская модельПоморская модель
Поморская модель
apnd29
 
Илюшина В.В.
Илюшина В.В.Илюшина В.В.
Илюшина В.В.
apnd29
 
Monografía la venganza de zulma pinares de cirilo d. lópez salvatierra
Monografía la venganza de zulma pinares de cirilo d. lópez salvatierraMonografía la venganza de zulma pinares de cirilo d. lópez salvatierra
Monografía la venganza de zulma pinares de cirilo d. lópez salvatierra
Leteliex H.
 
Phần mềm gửi tin nhắn hàng loạt miễn phí
Phần mềm gửi tin nhắn hàng loạt miễn phíPhần mềm gửi tin nhắn hàng loạt miễn phí
Phần mềm gửi tin nhắn hàng loạt miễn phí
Tuyến Tuyến
 
Just give me a reason 1 docx
Just give me a reason 1 docxJust give me a reason 1 docx
Just give me a reason 1 docx
Germie Mijares
 
Song Lyrics
Song LyricsSong Lyrics
Song Lyrics
zyraespera
 
Trabajo hemorragia
Trabajo hemorragiaTrabajo hemorragia
Trabajo hemorragia
Kathe Perez
 
Protocolo Pediatrico Dirigido A Escolares: ATENCION DE ENFERMERÌA EN QUEMADU...
Protocolo Pediatrico Dirigido A  Escolares: ATENCION DE ENFERMERÌA EN QUEMADU...Protocolo Pediatrico Dirigido A  Escolares: ATENCION DE ENFERMERÌA EN QUEMADU...
Protocolo Pediatrico Dirigido A Escolares: ATENCION DE ENFERMERÌA EN QUEMADU...
DANTX
 
Buko chords
Buko chordsBuko chords
Buko chords
Bhoxz JoYrel
 
Cuidados post mortem
Cuidados post mortemCuidados post mortem
Cuidados post mortem
zlanda
 
Slide tctt tham khao
Slide tctt tham khaoSlide tctt tham khao
Slide tctt tham khao
Ngô Đức Cường
 
Creutzfeld jakob
Creutzfeld jakobCreutzfeld jakob
Creutzfeld jakob
Eduardo Loya Zamarrón
 

Viewers also liked (16)

algo de sedimentologia en tacna
algo de sedimentologia en tacnaalgo de sedimentologia en tacna
algo de sedimentologia en tacna
 
4 in balans sen congres
 4 in balans sen congres 4 in balans sen congres
4 in balans sen congres
 
Cultural forum art-entertainment-doha_qatar_jul13
Cultural forum art-entertainment-doha_qatar_jul13Cultural forum art-entertainment-doha_qatar_jul13
Cultural forum art-entertainment-doha_qatar_jul13
 
MA Thesis_Manyakin_K
MA Thesis_Manyakin_KMA Thesis_Manyakin_K
MA Thesis_Manyakin_K
 
Поморская модель
Поморская модельПоморская модель
Поморская модель
 
Илюшина В.В.
Илюшина В.В.Илюшина В.В.
Илюшина В.В.
 
Monografía la venganza de zulma pinares de cirilo d. lópez salvatierra
Monografía la venganza de zulma pinares de cirilo d. lópez salvatierraMonografía la venganza de zulma pinares de cirilo d. lópez salvatierra
Monografía la venganza de zulma pinares de cirilo d. lópez salvatierra
 
Phần mềm gửi tin nhắn hàng loạt miễn phí
Phần mềm gửi tin nhắn hàng loạt miễn phíPhần mềm gửi tin nhắn hàng loạt miễn phí
Phần mềm gửi tin nhắn hàng loạt miễn phí
 
Just give me a reason 1 docx
Just give me a reason 1 docxJust give me a reason 1 docx
Just give me a reason 1 docx
 
Song Lyrics
Song LyricsSong Lyrics
Song Lyrics
 
Trabajo hemorragia
Trabajo hemorragiaTrabajo hemorragia
Trabajo hemorragia
 
Protocolo Pediatrico Dirigido A Escolares: ATENCION DE ENFERMERÌA EN QUEMADU...
Protocolo Pediatrico Dirigido A  Escolares: ATENCION DE ENFERMERÌA EN QUEMADU...Protocolo Pediatrico Dirigido A  Escolares: ATENCION DE ENFERMERÌA EN QUEMADU...
Protocolo Pediatrico Dirigido A Escolares: ATENCION DE ENFERMERÌA EN QUEMADU...
 
Buko chords
Buko chordsBuko chords
Buko chords
 
Cuidados post mortem
Cuidados post mortemCuidados post mortem
Cuidados post mortem
 
Slide tctt tham khao
Slide tctt tham khaoSlide tctt tham khao
Slide tctt tham khao
 
Creutzfeld jakob
Creutzfeld jakobCreutzfeld jakob
Creutzfeld jakob
 

Similar to REGINE VELASQUEZ

Story ko
Story koStory ko
Story ko
Jupo Perez
 
MIL.docx
MIL.docxMIL.docx
MIL.docx
HannahCajes
 
P e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyP e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyKp Ahdhik
 
RODJEN: ISANG TAON ANG NAKALIPAS
RODJEN: ISANG TAON ANG NAKALIPASRODJEN: ISANG TAON ANG NAKALIPAS
RODJEN: ISANG TAON ANG NAKALIPASrodelalba
 

Similar to REGINE VELASQUEZ (6)

Diary ng ambisyosa
Diary ng ambisyosaDiary ng ambisyosa
Diary ng ambisyosa
 
Red rose
Red roseRed rose
Red rose
 
Story ko
Story koStory ko
Story ko
 
MIL.docx
MIL.docxMIL.docx
MIL.docx
 
P e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyP e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copy
 
RODJEN: ISANG TAON ANG NAKALIPAS
RODJEN: ISANG TAON ANG NAKALIPASRODJEN: ISANG TAON ANG NAKALIPAS
RODJEN: ISANG TAON ANG NAKALIPAS
 

REGINE VELASQUEZ

  • 1. Na na na na na na.... All day I settle on just thinking about your smile I see you in my dreams How you complete me Flowers you left me here Still wilt on the shelf by the phone You took a part of me All the tears I've cried for you It's day by day for me The only way I get by I keep talking in my sleep As if you were still right by my side baby How could you leave I need you with me all of the precious memories just left me behind and how my heart cries without you I'm so lost baby I still can't believe that you could just leave me standing alone in misery just left me behind please come back baby I pray I call your name still wishing that you would come home nothing comforts me but if you could hold me my world will start to turn for a moment that things would be right can you hear me baby don't you need me too are you afraid of me please tell me how love passed us by
  • 2. right now i'll do anything just to have you right back in my life baby How could you leave need you with me all of the precious memories just left me behind and how my heart cries without you I'm so lost baby I still can't believe that you could just leave me standing alone in misery just left me behind please come back baby right now I'd do anything just to have you right back in my life, baby all of the pain and the hurt trapped inside keeps pulling me down and God knows how i try so hard when you love someone the way that i loved you please come back we can talk it all out time and space my love away for you hooh... lalalalalalala... It's day by day for me the only way i get by i keep talking in my sleep as if you were here by my side baby How could you leave need you with me all of the precious memories
  • 3. just left me behind and how my heart cries without you I'm so lost baby I still can't believe that you could just leave me standing alone in misery just left me behind please come back baby Walang kabalak-balak si Regine Velasquez na ipaki-pagsapalaran pa ang kanyang singing career sa Amerika. Ito ang sagot ni Regine sa mga nagtatanong sa kanya na kung nagkataong may Youtube umano noon ay siguradong siya at hindi si Charice Pempengco ang rumaratsada ngayon sa internationalmusic scene. Ayon kay Regine, nasa right timing umano ang dating ni Charice kaya’t ito ang nabigyan ng pagkakataon, at masaya umano siya para dito. Inamin naman ni Regine na nabigyan din siya ng pagkakataon sa Amerika, ngunit siya na raw ang tumanggi dahil established na raw ang kanyang singing career dito sa Pilipinas. Idinagdag pa nito na ang tanging pangarap niya lamang ay matulungan ang kanyang mga kapatid na mapagtapos sa kanilang pag-aaral at matulungan ang kanyang pamilya na maiahon sa kahirapan at nagawa niya umano ang mga iyon. Very happy si Regine Velasquez na hanggang ngayon ay maganda pa rin ang takbo ng career niya at patuloy siyang binibigyan ng
  • 4. magagandang projects ng GMA-7. Gaya na lang ng bago niyang talent show na Are You The Next Big Star?, na mapapanood simula sa Sabado (May 16), kung saan first time din siyang magkakaroon ng ibang co-host other than her boyfriend Ogie Alcasid, sa katauhan ni Keempee de Leon. "It's exciting to host this kind of talent show," simula niya. "Hindi ko maiwasan na maging close sa mga contenders kasi nakikita mo yung struggles nila. Yung kagustuhan nilang mag-succeed. Nararamdaman ko yun kasi pinagdaanan ko yun e. Kung pwede mo nga lang silang lahat panalunin, e, pero isa lang talaga ang pwedeng manalo. "Ang maganda dito sa Are You The Next Big Star?, dalawa ang mananalo—isang babae at isang lalaki," pahayag ni Regine nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng Are You The Next Big Star? last Saturday, May 9, sa Technowave Bar & Restaurant sa Il Terrazo Bldg. sa Tomas Morato Extension, Quezon City. Bukod sa Are You The Next Big Star?, napapanood din si Regine sa SOP every Sunday at gabi-gabi sa GMA Telebabad via Totoy Bato bilang leading lady ni Robin Padilla. Kaya simula next week ay araw-araw nang mapapanood ang Asia's Songbird sa telebisyon. "I'm really very thankful na after three decades ay bisi-busy-han pa rin ang lola n'yo, di ba? Natutuwa naman ako na nandiyan pa rin ang tiwala ng network sa akin, giving me good projects. And I'm still able to... Yun na nga, magampanan ang dapat kong magampanan as a host, as Robin's leading lady, yung mga ganun ba. Pero itong lahat ng ito, trabaho ito," saad niya. RELATIONSHIP WITH OGIE. Pero sa kabila ng kanyang pagiging busy sa kanyang showbiz career, pinipilit naman ni Regine na mabigyan ng oras at atensyon ang kanyang mahal na boyfriend na si Ogie.
  • 5. "Siyempre, inaalala ko pa rin yung relationship ko with Ogie. Kasi nga busy-bisihan ako, I'm not able to cook for him. So, kagabi [May 8], late na late na akong natapos ng special na ginawa ng GMA for me, I went to his taping kasi naglambing siya. So, nagpunta ako sa Hole In The Wall kahit three o'clock na ng madaling-araw. Nanood ako ng isang episode, happy na siya doon. Ganun lang kasi yun maglambing, e," kuwento ni Regine. Kung siya ay pumupunta sa taping ni Ogie, ano naman ang ginagawa ni Ogie bilang pambawi naman sa kanya? "Ganundin, dinadalaw din ako nun kapag magte-taping ako. Kasi minsan-minsan lang 'yan naglalambing na dalawin ko siya. At saka pupunta 'yan sa bahay, paggising ko, may breakfast na." Sweet na sweet daw si Ogie sa kanya. At alam nito ang kanyang mga gusto kaya naman tuwang-tuwa siya sa regalong Chanel bag ni Ogie para sa kanyang birthday last April 22. "Binigay niya yung bag bago pa ako mag-birthday. Kasi may sumpong ako ng araw na yun, e. Sabi niya, 'Sige na nga, para hindi ka sumpungin,'" nakangiting sabi ni Regine. Nagtatalon nga raw siya, ayon kay Ogie, nung matanggap niya yung Chanel bag? "Oo, siyempre mahal yun, e!" bulalas ni Regine. SLEEPY BIRTHDAY. Ano naman ang ginawa niya during her birthday mismo? "Natulog ako!" tawa ni Regine. "Galit na galit sa akin si Ogie kasi nagpunta kami sa La Union, kina Joy Ortega [kaibigan nina Regine at Ogie]. They were so nice. Kasi nga, nagpunta kami ng La Union with my family, kasama si Ogie noong mismong week ng birthday ko. We were there for four days. "Yung birthday ko mismo, pinaghanda ako ng family ni Joy Ortega. Nandun kami sa house nina Joy mismo, with the father,
  • 6. the mother, the family... Governor yung father niya [Joy]. It was so nice, talagang pinaghandaan niya yung buong pamilya namin. Fiesta ito. Ang bait-bait nila. "Tapos, nagagalit sila sa akin kasi nakapag-golf na si Ogie, nakapag-basketball na, nakapag-swimming na yung mga bata... Ako, tulog pa rin ako! Kasi antok na antok ako. So, sa birthday ko talaga tulog ako!" natatawang kuwento ni Regine. Paano naman siya bumawi kay Ogie after niyang matulog? "Natulog pa rin ako!" sabay tawa nang malakas ni Regine. Biro namin, mabuti at hindi nag-tantrums si Angelina (ang spoiled brat character na ginagampanan ni Ogie sa Bubble Gang at Hole In The Wall)? "Hindi naman. Naintindihan naman niya. Tapos niloloko niya ako, 'Hoy, mag-sleeping pills ka para makatulog ka. Baka kulang ka pa sa tulog.' Sabi ko, 'Salbahe ka, nakakainis ka!' Sabi niya, 'O sige na nga, matulog ka na ulit.' "Actually, yung pamilya ko, sanay sa ganun. Nung nag-Boracay kami, lahat sila nagsu-swimming and all. Ako, tulog ako! Actually, nung Holy Week sa Batangas with Ogie, tulog din ako! Kasi parang nung galing ako ng States, parang pagod na pagod talaga ako. Ito rin nung last birthday ko, actually last minute yun, e, na nagpunta kami sa La Union. I feel so tired, kaya tulog ako. "E, nakalimutan ko na first time na kasama namin si Ogie sa out of town. E, yung family ko, they already knew me, na pag nag- vacation ako matutulog lang talaga. Pero may dalawang araw naman akong nasa ulirat! Mga lunch time, nakikipaglaro ako sa mga pamangkin ko, tapos picture-picture, chika-chika, poker, whatever. Pero yung most of the time sa buong araw, wala ako sa conciousness ko, tulog ako!" salaysay ni Regine na hindi mapigil na matawa habang nagsasalita. Bukod kay Ogie, sino pa from showbiz ang unang bumati sa kanya
  • 7. sa birthday niya? "Ang dami, e. Kasi nga, since out of town kami, hindi nila alam kung saan ako hahagilapin. Kung meron bang party... E, gusto ko ngang manahimik, gusto ko ngang matulog. Ang dami kong text! Tapos lahat sila tine-text si Ogie, mga 150 yata yung text, na kay Ogie lahat! Kasi nga hindi nga nila alam kung nasaan ako!" Bumati rin ba ang ex-wife ni Ogie at kaibigan niya na si Michelle Van Eimeren? "Oo, lagi naman, e. Tatawag pa 'yon or magme-message." Nagkakatampuhan pa ba sila ni Ogie, kasi parang lagi silang nakikitang masaya? "Pag nag-away kami, parang comedy pa rin. Kasi we don't... At least sa akin, sa parte ko, pareho kami, e. We don't like to put too much pressure on each other. Lalo na yung pareho kaming busy. Ang hirap, e, alam mong may iniisip yung tao, tapos kukulitin mo pa. So, kami, inaano ko na busy na lang ako. Bumabawi na lang ako. And he does that to me also. So, wala, hindi kami nagka-clash. "Kasi nga our job is already stressful enough, that's why you have your partner. You have somebody you can complain to. Hindi yung magko-complain ka na, 'Honey, why are you not here?' Iko- complain mo na lang na, 'Honey, I'm tired.' Yung ganun, mas maganda yun." HATE TO BE SAPARATED. Dahil mahal na mahal nga nila ang isa't isa ay ayaw na nilang mahiwalay ng matagal lalo na kapag nagtu- tour sa abroad ang bawat isa sa kanila. Sa nauna ngang interview ng PEP kay Ogie, sinabi nito na ayaw na niyang magkahiwalay sila ng matagal. "Ayaw na niya akong mag-tour," pagkumpirma ni Regine. "Actually, pact namin talagang dalawa yun. Kasi kahit ako, I really didn't want to tour anymore. Kaya nga three weeks-three weeks
  • 8. lang, e. Dati, a month and a half kung mawala ako, two months... Ganyan ako kung mawala dati, di ba? Ngayon, three weeks na yung pinakamatagal kasi nga parang ni-limit na namin. Siyempre, ang hirap, e." Nag-iyakan pa raw sila nung magkita sa airport dahil sa sobrang miss nila ang isa't isa after ng three weeks tour ni Regine para sa Divas For Divas; kasama sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, at Pops Fernandez. Gusto raw ni Ogie kapag mag-a-out of the country ay sila raw dapat dalawa ang magkasama. "Oo nga, e. Ako rin, hindi ko makaya na magkalayo kami ng matagal. Kaya lang, parang sayang naman yung opportunity, yung work. Tapos ang hirap ng buhay ngayon. Nag-iipon pa kaming pareho." Sa dami ng projects nilang dalawa, wala pa ba silang ipon? "Hindi pa enough. Kanya-kanyang ipon for our future. Yung iniipon ko, para sa sarili ko! Yung pera ko, pera ko! Yung pera niya, pera namin!" biro ni Regine. Ano yung nami-miss niya kay Ogie kapag nasa abroad siya? "Siya," sagot ng Asia's Songbird. "Yung pagkatao niya. Kasi nakakatawa talaga siya, e. Minsan uuwi yun, naka-Angelina. Tapos ang weird, kasi, di ba, malambing ako? Nilalambing ko siya, ang weird kasi naka-ponytail, tapos hinahalikan ko siya. Kering- carry niya yung Angelina talaga. "Actually, kahit yung nandito ako, tapos I'm working, I miss him. Yung hindi pa ako umaalis, nami-miss ko na siya. Kaya we make it a point to see each other. Pag Saturday, tapos wala kaming parehong ginagawa, magde-date kami." So, talagang mali ang hula sa kanila na maghihiwalay sila this year? "Bakit naman kami maghihiwalay? Kinontra ko na! Nagpunta na
  • 9. nga ako kay Joy Lim. Ang mga anting-anting ko, nandiyan lang!" biro pa ni Regine. NO WEDDING YET. Since present silang dalawa ni Ogie sa silent wedding nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos noong April 28, naitanong tuloy ng PEP kung gusto rin ba niya ng silent wedding katulad kina Ryan at Juday, just in case na ikasal na sila ni Ogie? "Just in case? Kasi nga eskandalosa ako, parang hindi masyadong bagay sa akin! Tapos, iimbitahan ko lahat ng press, may sariling party ang press people," lambing ni Regine sa PEP at sa mga nag- i-interview sa kanyang press. So, hindi na out of town ang wedding nila, kasi baka makatulog siya? "Baka!" tawa niya. "So, huwag na nating gawin yun. Kasi baka wedding ko na, natutulog pa ako! 'Hoy, kasal mo na! Ha, ngayon ba yun?' Kasi nga pag out of town, natutulog talaga ako. Ewan ko ba pag sinabing vacation, ang idea ko matutulog ako!" Hindi ba siya nainggit kina Ryan at Juday? "Hindi na, may papa na ako, e. Kung wala akong papa, e, di maiinggit ako. Kasi alam ko naman sa dulo, dun din ang punta noon." Ano ang feeling nila ni Ogie habang naglalakad sa aisle si Juday? "We're very happy. Kasi sa wedding, ang pinakaaabangan yung walk down the aisle ng bride. Lagi kong inaabangan yun at saka yung kiss. But unfortunately, I missed that, yung 'You may kiss the bride.' Kasi nga, ihing-ihi na ako! Kaya inis na inis ako. Nung umalis ako ako, akala ko hindi pa matatapos, kasi nagpipirmahan pa lang sila. Akala ko meron pa. Sabi ni Ogie, 'You missed it.' Nainis nga ako!" nakaakaaliw na kuwento ni Regine. Nakasama pa rin ba siya sa reception after ng wedding?
  • 10. "Hindi na nga ako nakasama sa reception, naiwan na si Ogie. Kasi may taping ako that day [ng Totoy Bato]. Actually, galing din ako ng taping ko noon, e. I just tried my best talaga. I made it a point to be there talaga sa church. Tapos after, dumiretso na ako sa taping." Sino ang gusto niyang kumanta sa wedding nila ni Ogie? "Pwede kayang kami-kami na lang?" sambit niya. "Pero hindi ko pa talaga alam. Siguro pag na-settle na. Ang hirap kasing magplano nang hindi ka pa sigurado, di ba? As far as my relationship with him is concerned, sigurado ako doon. As far as the wedding is concerned, hindi pa talaga natin alam kung ano ang kahihinatnan. Siyempre, nagpe-pray kami pareho, hopefully. But I don't want to plan anything yet." Regine Velasquez anim na taon nang simulang tulungan ang pamilya (Pilipino Star Ngayon) Updated January 25, 2010 12:00 AM Comments (0) MANILA, Philippines - Bilang isang bata na lumaki sa Tondo, nakita at naranasan mismo ni Regine Velasquez kung paano mamuhay sa hirap. Ang ama na si Mang Gerry ang nagtaguyod sa pamilya nila kahit may scoliosis pa ito. “I felt really bad when I saw that. Gusto kong mabawasan ang burden niya nang makita ko ang hirap niya para sa amin,” sabi ni Regine. Kaya sa murang edad na anim, tumulong na si Regine sa mga magulang niyang sina Gerry at Teresa, sa pamamagitan ng pagsali sa mga maliliit na singing contests.
  • 11. May 67 sa loob ng 200 kompetisyong sinalihan ang napagwagian ni Regine, mula Tondo hanggang Leyte, bago pumirmi sa Bulacan. Kahit hirap na hirap, sinabi ni Regine na hindi nakompromiso ang nutrisyon nilang magkakapatid. Sa katunayan, nakasanayan pa nila ang pag-inom ng gatas. “Mapilit ang nanay ko na uminom ng gatas. Tuwing umaga, hindi kami pinaaalis sa mesa hangga’t hindi nauubos ang gatas namin sa baso. Ang habit na iyon ay tumagal hanggang maka-graduate kami sa high school,” sabi ni Regine na siya namang endorser ngayon ng Laki sa Gatas advocacy ng Bear Brand. “Pinapakain din kami lagi ng mga gulay at dapat kumpleto ang tulog.” Dahil sa pagpapahalaga sa health and nutrition, bihira silang magkasakit na magkakapatid. At kapag kailangan ng pang-extra na lakas, dala-dala rin ang gatas sa mga kumpetisyon. “Para raw malakas ako kahit hanggang gabi,” nakangiting kuwento ng Asia’s Songbird. Alam na ng lahat ang success story ni Regine matapos mabigyan ng break sa recording, television, at movie industry. Kaya ang gusto niyang i-share ngayon sa mga kabataan, huwag ding pabayaan ang kalusugan at siguraduhing uminom lagi ng gatas. Ilang araw nang pinoproblema ni Regine Velasquez ang nakabiting desisyon niya kung lilipat ba siya sa ABS-CBN o mananatili bilang isang Kapuso sa GMA-7. Naisulat na namin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung hindi mapipigilan, puwedeng masungkit na nang tuluyan ng ABS-CBN si Regine. Nakahanda na ang lahat sa paglipat ng Asia's Songbird. Isang pirma na lang ang kailangan para tuluyan siyang maging Kapamilya. Hanggang sa huling sandali, ayon sa isang source na malapit kay Regine, masakit sa loob ni Regine ang paglipat sa ABS-CBN. Pero
  • 12. wala na siyang choice at that time kung hindi ang lumipat. But PEP has the inside story on how this ABS-CBN deal with Regine has been thwarted again. Kampante ang GMA-7 na kahit kumakalat ang balitang kinu-consider ni Regine ang paglipat sa Dos noon, iniisip nilang hindi ito basta magagawa ng Asia's Songbird. For a time, parang binabalewala ng Kapuso network ito. Ayon sa source, nanliit si Regine nang alukin diumano siya ng Kapuso network ng isang bagong show na bahagi ng Dramarama sa Hapon. Mahirap tapatan ng GMA-7 ang offer ng ABS-CBN, kasama ang multimedia deal sa recording at pelikula. Kung natuloy si Regine sa ABS-CBN, magkakaroon siya ng sariling musical-variety show, bukod sa planado ang lahat ng gagawin niya sa recording at pelikula. In fairness sa GMA-7, inalok nila kay Regine ang hosting job para sa Pinoy Idol nang mag-fold up angPinoy Pop Superstar. FremantleMedia approved Regine as the show's host, kahit nga overage na ang singer-actress. Pero ang naging problema roon, hindi kakayanin ni Regine ang rigid schedule kaugnay ng reality TV singing contest. Kalahati lang daw ng schedule na naibigay ang pupuwedeng sang-ayunan ni Regine kaya nag-decide ang GMA-7 at FremantleMedia na si Raymond Gutierrez na ang gawing host ngPinoy Idol. Hindi hawak ng GMA-7 ang kabuuan ng schedule ni Regine kaya tiyak na magkaka-conflict. Ito rin ang naging problema nang nagtangkang gumawa ng isang soap opera si Regine sa GMA-7 noon, ang Forever In My Heart, na hindi nagtagal sa ere dahil sa erratic na schedule ni Regine. As of 10:30 a.m. of February 18, dumating si Regine sa tanggapan ni Atty. Felipe Gozon, ang top honcho ng GMA-7, para ayusin kung anuman ang problema. Obviously, ang pan-de-deadma ng GMA-7 for the past few days sa kaso ni Regine ay nagkaroon ng drastic move and decision dahil nga sa nakakaalarma ang pag-iyak ni Regine sa SOP kahapon.
  • 13. Ayon sa source, walang alam na ibang dahilan ang marami sa emotional outburst ni Regine sa nabanggit na show, pero malinaw sa malalapit sa Songbird na 'yon ay luha ng pamamaalam sa Siete at sa show na talagang minahal ni Regine. Nasa SOP din kasi ang kanyang boyfriend na si Ogie Alcasid ang mga malalapit niyang kaibigan na sina Jaya at Janno Gibbs. Bukod pa sa napalapit na rin sa kanya ang karamihan sa mga young performers dito, gaya nina Jolina Magdangal, Kyla, Karylle, Dingdong Dantes, at iba pa. "Masakit sa loob ni Regine ang ginagawang trato ng GMA-7 sa kanya. Parang ang feeling niya, ito ba ang kapalit ng pagiging loyalistang Kapuso niya?" pahayag ng aming source. Nagkaayos sa masinsinang usapan sina Regine at mga GMA-7 bosses. Ang immediate plan ay ang pagsisimula ng isang soap opera na pagbibidahan ni Regine, at hindi ito daytime show gaya sa ikinabuwisit ng Asia's Songbird noong una, kung hindi pang- primetime na. Isa pang bigwig ng GMA-7, si Ms. Wilma Galvante, ay talagang nag- dialogue daw ng, "Hinding-hindi ko matatanggap na mawala si Regine sa GMA!" Ito ang na-realize nila nang mapag-alaman nilang isang serious matter pala ang paglipat sa Dos na kinu-consider na talaga ng kampo ni Regine. Ayon sa aming source, "Hindi magiging maligaya si Regine sa paglipat sa Dos dahil makakaapekto ito sa showbiz status niya kung sakali. Walang katiyakan kung mas gaganda ba ang takbo ng lahat sa career niya despite the big offer from ABS-CBN. Pero kung ginawa niya siguro 'yon, 'yon ay dahil sa wala na rin siyang ibang pupuntahan at ang pangde-deadma ng Siete sa mga naiparating niyang kahilingan ay talagang hindi rin niya matanggap." Naramdaman ni Regine sa biglang pagtawag ng emergency meeting with some GMA-7 bosses na malaking artista pa rin pala siya sa Kapuso network na ipaglalaban ng mga ito.
  • 14. Kaya, at press time, mananatiling Kapuso si Regine. Tingnan na rin lang natin kung hanggang kailan mapagbibigyan si Regine sa mga gusto niyang mangyari sa kanyang career, at kung kakayanin pa rin ng GMA-7 ang liberty and freedom na tinatamasa ng isang malaking artistang gaya ni Regine sa nabanggit na network. - Philippine Entertainment Portal Muling magsasama si Aga Muhlach at Regine Velasquez sa isang pelikula na halos tatlong taong nakabinbin. Pinamagatang Of All The Things ang bagong proyekto nina Aga at Regine kung saan marami sa mga eksena ay kinunan sa Bicol. Ngayon ay tatakbo bilang kongresista ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur na isang bayan sa Bicol Region si Aga Muhlach. Iginiit naman ng aktor na nagkataon lamang ang pelikula nila ni Regine Velasquez sa kaniyang pagtakbo at nabanggit na hindi niya kailangan ang proyekto para lamang manalo sa kaniyang pagiging congressman. Pinagtanggol naman ng Asia’s Songbird ang planong pagtakbo ng kaniyang leading man. Aniya, hindi naman daw basehan ang pelikula nila ni Aga dahil hindi naman daw boboto ang mga tao sa pelikula na gagawin nila. Maging ang istorya ng pelikula nina Regine Velasquez at Aga Muhlach ay tumatalakay sa pulitika na nagkataon lamang daw sa kasalukuyang sitwasyon ng aktor. Ito raw ang naging dahilan kung bakit kinilabutan ang dalawa sa pangyayari. Ito na ang pangatlong pelikula nina Aga at Regine na halos tatlong taong nakabinbin. Ayon kay Direk Joyce Bernal, matagal na umano ang script at ito ay ginawa pa bago magdesisyon si Aga Muhlach na tumakbo bilang kongresista. Lalo pa umanong lumakas ang loob ni Aga dahil na rin sa pagkakataon na ito. Naniniwala umano ang aktor sa destiny kung kaya kahit pa nagka-aberya ang proyekto nila ni Regine ay naniniwala siya na ito na ang tamang pagkakataon para gawin ang pelikula. Hindi rin naman daw nila desisyon ang oras ng paggawa nito dahil ang Viva umano ang nagsabing oras na ito para gawin nila. Pabor naman daw si Regine Velasquez sa pagpasok sa pulitika ni Aga Muhlach dahil may nakikita raw siyang katangian ng aktor na gustong makatulong sa mga tao. Nagpaabot na rin si Regine ng suporta kay Aga at sinabing kung kinakailangan siya ng kaibigan ay taos-puso siyang tutulong dito. Nakikita naman daw ni Regine Velasquez na masaya si Aga Muhlach sa kaniyang desisyon sa pagtakbo kung kaya ibinibigay niya ang 100 pursyentong suporta sa kaibigan. Marami naman ang excited sa muling pagtatambal ng dalawa dahil na rin sa magandang chemistry na nabuo nila sa pelikula. Napaamin naman si Aga na pinormahan niya raw noon si Regine ngunit hindi ito umubra.
  • 15. Inamin din ni Aga Muhlach na dumating ang panahon noon na madalas siya tawagan si Regine Velasquez ngunit hindi siya umano sinasagot ng dalaga. Ayon kay Aga hindi raw ito ni Regine dahil ang madalas niyang kausap noon ay ang direktor na si Joyce. Naikuwento rin ng Songbird na si Regine Velasquez na madalas siyang maasar noon kay Aga Muhlach dahil madalas itong late sa kanilang shooting. Ngayon ay ginagawa na lamang daw biro ng magkaibigan ang kanilang nakaraan at sinasabing ito rin ang naging dahilan kung bakit naging magkasundo sila.