2. Ang araling ito ay tumatalakay sa paikot na daloy ng
ekonomiya. May dalawang aktor sa Pambansang
Pamilihan, ang Sambahayan at ang Bahay-kalakal. Sila
ang pangunahing rason kung bakit may nagaganap na
pagpapalitan sa ating pamilihan. Habang nagkakaroon
ng sistema ang ating ekonomiya ay may naidadagdag na
sektor at pamilihan na kung saan mayroon din mga
mahahalagang papel na ginagampanan. Makikita natin
sa ibaba kung paano ang interaksiyon nila sa isa’t-isa at
ang papel na ginagampanan sa ating ekonomiya