Alam mo bangmagkaugnay ang panitikan at
kasaysayan?
Isinasaad ng kasaysayan ang mga naganap
na pangyayari at tinutukoy ang tiyak na panahon.
Inilalarawan naman ng panitikan ang kultura,
pamumuhay, hanapbuhay, paniniwala, kaugalian
at karanasan ng mga tao.
Ipinahahayag ng panitikan ang iba’t ibang
mukha ng buhay at damdamin ng bawat nilalang
katulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,
tagumpay, kabiguan, poot at iba pang
damdaming naipahahayag sa pamamagitan ng
panitik.
3.
Ang mga sumusunodang mga
pangkat ng mga taong dumating sa
Pilipinas bago dumating ang mga
Kastila.
4.
ANG MGA ITAO MGA NEGRITO
Ayon sa kasaysayan, sila ang mga
unang nanirahan sa Pilipinas.
Tinatawag silang Negrito, Ita, Aetas o
Baluga.
Wala silang sariling kultura at wala rin
silang nalalaman sa agham, sining,
paghahanapbuhay, pagsulat at
pamumuhay.
Sila'y walang palagiang tirahan.
May 25,000 taon na ang nakalilipas,
sila'y nakarating sa mga pulong sakop
ng Pilipinas dahil sa ugali nilang
maglakbay.
Sinasabi sa kasaysayan na ang mga
pulo sa Pilipinas at ang mga pulo sa
5.
ANG MGA INDONESYO
Nakaratingsa Pilipinas ang mga
Indonesyo may 8,000 na ang
nakaraan.
May sarili na silang sistema ng
pamahalaan.
Nagsusuot ng damit.
Marunong gumawa ng apoy sa
pamamagitan ng pagkikiskis ng
dalawang patpat ng tuyong kahoy.
May mga alamat, pamahiin at mga
epiko.
May higit silang kabihasnan kaysa
mga Ita.
6.
ANG MGA MALAY
Tatlongpangkat ng mga Malay ang dumayo sa Pilipinas.
Ang unang pangkat ang mga Anuno ng lahing Igorot,
Tinggiyanes at Bontoc.
Ang ikalawang pangkat ay ang mga ninuno ng mga
Tagalog, Kapampangan, Bicolano, Bisaya, Ilokano,
Pangasinense, Ibanag at iba pa. May dala silang
alpabeto na nakilala sa tawag na Alibata, mga
karunungang bayan, alamat at kuwentong bayan.
Nagdala sila sa Plipinas ng sistema ng pamahalaan na
tinawag na Balangay na hinango sa sinakyan nilang
balsa.
7.
ANG MGA INSTIKNA MANGGUGUSI
Nakarating dito ang mga
Intsik mula sa taong 30 o
hanggang 800 A.D.
Tinawag silang manggugusi
sapagkat inilalagay nila sa gusi
ang namatay na kaanak at
ibinabaon sa kanilang
bakuran.
Nanggaling sa kanila ang
mga salitang gusi, susi, kawali,
talyasi, kawa, kuya, diko,
sangko, ate, ditse at iba pa.
8.
ANG MGA BUMBAY
Nakaratingsa Pilipinas ang
unang pangkat ng mga
Bumbay noong mga
ikalabindalawang dantaon,
A.D. Sila'y may
pananampalatayang Beda at
sinasamba nila ang Araw at
ang Kalikasan.
Ang ikalawang pangkat ay
dumating noong
ikalabintatlong dantaon. Sila'y
may pananamnpalatayang
9.
ANG MGA ARABEAT PERSIYANO
Sila'y mga biyaherong dumayo at
nanirahan sa katimugan ng
Pilipinas mula nang taong 890
A.D. hanggang ikalabindalawang
dantaon.
Ang mga misyonerong Arabe at
Persiyanong nagsiparito upang
ikalat ang Mahometanismo sa
Malaysia at Pilipinas.
Nandayuhan noong
ikalabinlimang dantaon na.
Sa Mindanao at Sulu sila
nagsipanirahan
11.
Mga Salawikain
Ang mgasalawikain ay mga butil ng
karunungang hango sa karanasan ng
matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo
tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala
tungkol sa batas ng mga kaugalian.
Patalinghaga ang mga nilalaman ng mga ito
at pasalinsalin sa bibig ng tao.
12.
HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
IlokanoSalin
Habang basit iti kumot Agururay mga
agbaluktot.
Habang maigsi ang kumot,
Magtiis kang mamaluktot.
13.
Iba Pang MgaSalawikian Sa Katagalugan
1.Naghahangad ng kagitna, Isang salop ang
Nawala.
2.Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay
hindi makararating sa paroroonan.
3.Ang magtanim ng hangin, Bagyo ang
aanihin.
4.Ang walang hirap magtipon, walang
hinayang magtapon.
5.Kung ano ang lakad ng alimangong matanda
ay siyang lakad ng alimangong bata.
Ilokano Salin
Nakadumdumog itireyna, Nakayukong-yuko ang reyna,
Saan matitir mag iti korona. Di nalalaglag ang korona.
(bayabas)
Bikolano Salin
Igwang bitis daw makalakaw, May paa’y hindi makalakad,
Igwang pakpak dae makalayog. May pakpak, di makalipad.
(aparador)
Kapampangan Salin
Ene man hari, ene man pari, hindi hari, hindi pari,
Magmalan yang sarisari. Nagdadamit ng sarisari. (sampayan)
Cebuano Salin
Gilubag ang walang sala, Pinipilit ang walang sala,
Nagpatulo ng daghang luha. Tumulo ang maraming luha. (damit na
16.
1. Binaltak koang
bagting,
2. Ang manok kong
pula
nagkakarang ang
matsing.
umakyat sa puno ng
sampaka,
Sagot: Kampana nang umuwi ay
gabi na.
Sagot: araw
18.
Napaligaw sa Pilipinasang pangkat ni Magallanes noong
1521. Isang kamaliang maituturing ang pag-aangkin ng mga
Kastila na sila ang nakatuklas sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay
sinakop ng mga Kastila sa pamamagitan ng sandata at
relihiyon. Humigit-kumulang sa apatnapu’t apat na taon ang
nakaraan nang mapaligaw sa ating bansa ang pangkat ni
Magallanes bago opisyal na naitatag ni Legaspi ang
kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noon 1565. Tatlong
ekspedisyon ang ipinadalang Espanya sa Pilipinas bago ang
ekspedisyon ni Legaspi ngunit ang mga naturang
ekspedisyon na pinamumunuan ng mga sumusunod: Laoisa
(1525), Saavedra (1527) at Villalobos (1542) ay hindi
nakarating ng Pilipinas sapagkat sinalakay sila ng mga
Olandes na noong panahong iyon ay nasa Indonesya.
19.
Nagkaroon ng pagbabagosa pamumuhay
ng mga Pilipino gayundin sa kanilang
panitikan. Ang mga layunin ng Espanya sa
pananakop ay ang mga sumusunod:
a)magpalaganap ng Kristiyanismo
b)magpayaman at
c)magpalawak at magpalakas ng
kapangyarihan.
20.
Naging makapangyarihan atmayamang bansa
ang Espanya noong ika-15 at ika-16 na daang taon.
Halos nasakop ang buong Amerika. Nasakop ng
Espanya ang Timog Amerika liban sa Brazil. Ang
Califomia at ang gitnang Amerika ay nasakop din
nito. Naghari rin ang Espanya sa karagatan ngunit
tinalo ito ng Inglatera.
Mahigit sa tatlong daang taong lumaganap ang
impluwensya ng mga Kastila sa panitikan ng mga
Pilipino. Karaniwan nang mga Kastila ang sumulat ng
mga akda, na ang karamihan ay mga prayle.
22.
Doctrina Cristiana (1593)
Itoang kauna-unahang aklat na
panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas.
Ang mga sumulat ay sina Padre Juan de
Plasencia at Padre Domingo de Nieva.
Ito'y nasulat sa Tagalog at Kastila.
23.
Nuestra Señora delRosario
Ang aklat na ito ang ikalawang nalimbag sa
Pilipinas. Sinulat ito ni Padre Blanca de San
Jose at tinulungan siya ni Juan de Vera, isang
mestisong intsik sa pagpapalimbag ng aklat.
Nilimbag ang aklat sa Limbagan ng
Pamantasan ng Santo Tomas.
24.
Barlaan at Josaphat
Ito’yisang salaysay sa Bibliya na
isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio
de Borja mula sa Griyego.
25.
Pasyon
Ang awit naito ay tungkol sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang
pagpaparangal na ito ay ginaganap kung Mahal na Araw.
Apat ang nagsisulat ng pasyon:
1. Padre GasparAquino de Belen (1704),
2. Don Luis Guian (1750),
3. Padre Mariano Pilapil (1814) at
4. Padre Aniceto dela Merced (1856).
Ang lalong naging malaganap ay ang pasyong Pilapil na may walong
pantig sa bawat taludtod at limang taludtod sa bawat saknong. Ang pasyon ay
isinalin sa lahat ng malalaganap na wika sa Pilipinas gaya ng Ilokano, Bisaya,
at Bikolano.
27.
Mga Dalit KayMaria
Si Padre Mariano Sevilla, isang paring Pilipino
ay sumulat ng mga dalit noong 1865. Humalaw
siya sa mga awit na “Mese de Maggio” o buwan
ng Mayo.
Ang paksa ng mga awit ay pagpaparangal at
pagpapapuri sa Mahal na Birhen.
28.
Mga Awit atKurido
Ang mga awit at kurido ay mga salaysay tungkol sa
kagitingan at pakikipagsapalaran ng mga hari, reyna,
prinsepe’t prinsesa na ang layunin ay mapalaganap ang
Kristiyanismo.
Ang salitang “Kurido” ay nanggaling sa Mehikanong
“corrido” na ang kahulugan ay kasalukuyang pangyayari
(current event). Nanggaling naman ang Mehikanong
“corrido” sa Kastilang “occurido”.
29.
Pagkakatulad ng awitat kurido
1.Kapwa nagsisimula sa panalangin
2.Magkatulad ng paksa
3.Kapwa batay sa “Metrical Tales” ng Europa
4.Ang mga buod ay naaayon sa kakayahan at pananaw ng
nagsisulat
Pagkakaiba ng awit at kurido:
5.Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa bawat
taludtod, ang kurido ay binubuo ng walong pantig sa bawat
taludtod.
6.Kung aawitin ang awit ay mabagal, ang kurido ay mabilis.
32.
MGA DULA AngKaragatan
Ang larong ito'y ipinalalabas bilang pang-aliw sa mga
naulila. Ginaganap ito sa ika-30 araw na pagkamatay at
unang taon ng kamatayan. Maaari rin itong ganapin sa
buong panahon ng pagdarasal para sa kaluluwa ng
namatay, mula sa una hanggang ika-9 na araw at sa unang
taon ng kamatayan. Patula kung bigkasin ang mga
pananalita.
33.
Ang Duplo
Katulad ngkaragatan, ang duplo ay isang larong
may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at
ang layunin ay aliwin ang mga naulila. Ginaganap
ito sa ika-9 ng gabi. Patula ang mga pananalita
ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at
tugma.
34.
Ang Panunuluyan oPananapatan
Ang panunuluyan o pananapatan ay
local na bersyon ng paghahanap ng
matutuluyan ng mag-asawang San
Jose at Birheng Maria sa bisperas ng
Pasko.
35.
Ang Tibag
Ang layuninng pagpapalabas ng Tibag ay malinang ang debosyon sa
krus na kinamamatayan ni Hesus. Ito’y hinahanap nina Reyna Elena at
Prinsipe Constantino kasama ang mga kawal. Ginaganap ang pagtatanghal
na ito kung buwan ng Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija,
Bataan at Rizal.
Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino kasama ang mga sundalong
Kristiyano ay magsisimulang humanap sa krus sa ganap na ika-3 ng hapon
sa bisperas ng pista. Ang prusisyon ay karaniwang nagsisimula sa bahay
ng gaganap na Reyna Elena at tutuloy-tuloy sa mga bunduk-bundukan. Ang
mga tauhan sa dula ay magsisipaghukay pagsapit sa bawat bundok. Sa
ikatlong bundok matatagpuan ang krus ni Kristo. Kapag nakuha na ang
krus, ang mga gumaganap sa pagtatanghal pati ang mga nanonood ay
magsisipagbunyi.
36.
Ang Karilyo
Ang dula-dulaangito’y ginagamitan ng mga kartong
ginupit katulad ng “puppet show”. Ang mga ito’y
pinakikilos sa pamamagitan ng alambre, panali at iba
upang mapalabas na katawa-tawa at nakalilibang sa
mga manonood. May mga pangyayaring ang tauhan
ay may dayalogong binibigkas. Ang mga bumibigkas
ay mga taong nasa likuran ng tanghalan.
37.
Ang Senakulo
Ang senakuloay pandulaang bersyon ng pasyon. Ito’y
ipinalalabas kung Mahal na Araw. Ang paksa ay buhay ng
Panginoong Hesukristo mula sa kanyang pagsilang hanggang
sa pagkabuhay na mag-uli. Itinatanghal sa entablado at may
Korong umaawit sa pagbasa ng pasyon. Ang mga tauhan ay
nagsusuot ng angkop na damit at ang mga kilos ng mga
tauhan ay ibinibigay sa papel na kanilang ginagampanan.
Dalawang uri ng senakulo:
1.Cantada (inaawit)
2.Hablada (sinasalita)
38.
Ang Moro-moro oKomedya
Ang panimula ng moro-moro o komedya sa Pilipinas ay utang sa isang paring
Kastila na nagngangalang Juan de Salazar. Diumano, ang pagbalik ni Heneral
Corcuera noong kalagitnaan ng Hulyo 1637, mula sa isang matagumpay na
pakikipaglaban sa mga moro sa Jolo ay nagbigay ng inspirasyon upang sumulat
ng isang pagtatanghal na naiiba.
Ang pagdaong ng pangkat ni Corcuera sa Cavite ay nasaksihan ng maraming
tao. Sabihin pa, ang mga kabataang taga-Cavite ay naakit sa magilas na kasuotan
at pagmamartsa ng mapanagumoay na mga kawal Kristiyano. At sa kanilang
katuwaan ay naglaro ng dula-dulaang nagpakita ng kunwa’y paglusob ng mga
sundalong Kastila at Tagalog sa isang kuta ng mga di-banyagan. Ang laro ay
naging makatotohanan sapagkat labis na dinibdib ng mga kabataang
“magkakalaban” ang kanikanilang papel. Ang gumanap na heneral ng mga moro
ay nasaktan nang malubha. Napanood ni Padre Salazar ang dula-dulaan at
kanyang natimbang ang kahalagahan ng pagtatanghal na ito na mabisang
kasangkapan sa paghahasik ng diwa ng Kristiyanismo.
39.
Ang Sarswela
Ang sarswelaay masayang dula. Ito’y tigib ng tugtugin at
awitin. Kung minsa’y may kalangkap ding sayaw, may lakip na
pampatawa at may kaunting aksyon o tunggalian ang dulang ito
na ipinalalabas sa tanghalan.
Ang salitaan ay sa paraang tuluyan, patula o paawit. Ang
pag-awit naman, maging pang-isahan, pandalawahan o
pangmaramihan ay sinasaliwan ng rondalya o orchestra. Lahat
ay pinapaksa ng mga manunulat ng dulang ito: pangkaugalian,
panunudyo, pambayan, pangangalakal, pangkabuhayan at iba
pa.
40.
Isang halimbawa ngsarswela ay ang “Walang
Sugat” ni Severino Reyes, ang dula ay
naglalarawan ng kalupitan ng mga Kastila sa
pagpaparusa sa mga mamamayang wala
namang pagkakasala. Ipinakilala rin sa dula ang
kagitingan ng mga kawal-Pilipino. Sa
pamumukadkad at pagtaas ng popularidad ng
sarswela ay unti-unti namang naglaho ang
pagkahilig ng mga Pilipino sa moromoro.
42.
Nagising ang damdamingMakabayan ng mga Pilipino noong
1872. Naunawaan nila ang aping kalagayan sa ilalim ng mga
Kastila. lumaganap ang damdaming Makabayan dahil sa pang-
aalipin at paniniil ng mga dayuhan, labis na paghamak sa mga
Pilipino na tinawag nilang mga Indiyo, suliranin sa sekulasyon
at pagmamalabis ng mga taong umuugit sa pamahalaan.
Nadagdag pa sa mga ito ang mga sumusunod na pangyayari:
ang pagbubukas ng Suez Kanal, pagpasok ng diwang liberal
ba Gobernador Heneral Carlos Ma. De la Torre, pag-aalsa sa
arsenal Cavite, ang pagkakabuo ng gitnang uri (middle class)
at ang pagkakagarote sa tatlong paring martir na sina Padre
Gomez, Burgos at Zamora.
44.
Ang mga sumusunodang mga hangarin ng kilusang
Propaganda na ang tanging layunin ay mga pagbabago sa
mga batas at reporma. Hindi nilayon ng kilusan na
humiwalay sa Espanya ni lumaban sa mga
makapangyarihan.
1.Pagiging pantay ng mga Kastila at Pilipino sa harap ng
batas.
2.Papanumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang
Pilipino sa Kortes ng Espanya.
3.Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
4.Maging mga Pilipino ang mga kura paroko.
5.Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahyag, pagtitipon at
pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang karaingan.
45.
Kumita ngunang liwanag sa Calamba, Laguna noong Hunyo
19, 1861 ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal.
Siya'y isang manggagamot, siyentipiko, makata,
nobelista ,pintor, eskultor, dalubwika, pilosopo, mananaliksik
at mananalaysay. Sa kabuuan, siya'y isang henyo.
Sa kabataan pa lamang ay kinamalasan na si Rizal ng
katalinuhan.
Ang kanyang ina ang kanyang unang guro.
Sa gulang na tatlong taon ay natutuhan na niya ang alpabeto
at sa gulang na limang taon ay marunong nang magsalita ng
Kastila.
Nakapagsasalita siya ng dalawamput dalawang wika.
Gumamit siya ng mga sagisag na Laong Laan at Dimasalang.
Ang kanyang malaking pagmamahal sa inang bayan ang
nagbigay wakas sa kanyang buhay.
Binaril siya sa Bagumbayan (Luneta) noong Disyembre 30,
1896 sa paratang na paghihimagsik laban sa mga Kastila.
Si Rizal ay namatay upang mabuhay sa puso’t diwa ng mga
Pilipino.
Dr. Jose Rizal
46.
Ang Ilan samga akda ni Dr. Jose Rizal
__________________________________
1. MI Ultimo Adios (Ang Huling Paalam)
Itinuturing na ito ang kanyang obra maestra. Kahuli-
hulihang tulang sinulat niya na may salin sa iba't ibang wika
sa daigdig, sa Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso,
Bahasa at iba pa. Ang kauna-unahang salin nito sa Tagalog
ay sinulat ni Andres Bonifacio.
47.
2. Noli MeTangere (Berlin, 1887)
Ang nobelang ito'y nangangahulugang "Huwag Mo
Akong Salangin'". Inihandog niya ito sa Inang Bayan.
Tinalakay rito ang mga kabulukan sa lipunan, Ang
orihinal na manuskrito nito ay ipinagkaloob niya kay
Maximo Viola na tumulong sa kanya sa pagtutustos
ng salapi upang maipalimbag ang nobela.
48.
3. El Flibusterismo(Ghent, 1891)
Ang nobelang ito'y nangangahulugan ng "Ang
Pagsusuwail". Ito'y karugtong ng "Noli Me Tangere".
Labing-isang taon pa lamang si Rizal nang patayin sa
pamamagitan ng garote ang tatlong paring martir na
sina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Ang alaala ng
tatlong pari ay hindi niya nalimot kailanman.
Inihandog niya ang nobelang ito sa tatlong paring
martir. Ang orihinal na manuskrito ay ipinagkaloob
niya kay Valentin Ventura na siyang gumugol upang
maipalimbag ang nobela.
49.
4. Brindis
Ito'y isangtalumpating inihandog niya sa dalawang
nanalong pintor na Pilipino sa Madrid. Binigkas niya
ang talumpati sa isang tagayang ginanap na handog
kina Juan Luna (Ang ipinanalo niya ay ang ipininta
niyang "Spolarium) at Felix Resurreccion Hidalgo
(Ang ipininta niya ay may pamagat na "Mga
Dalagang Kristiyanang Itinambad sa Nagkakagulong
mga Tao".)
50.
5. Awit niMaria Clara
Ito'y buhat sa isang kabanata ng "Noli Me
Tangere" na may pamagat na "Ang
Pangingisda". Nagsisiwalat ito ng kanyang
damdamin ng pagmamahal sa sariling bayan,
ang pangungulila ng isang taong malayo sa
sariling bayan.
51.
6. Sa Akingmga Kabata
Sinulat niya ang tulang ito sa gulang na walong taong gulang.
Ipinakilala niya rito ang kanyang pagpapahalaga sa sariling
wika.
7. Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino
Napalathala ang sanaysay na ito sa "La Solidaridad" ang opisyal
na pahayagan ng Propaganda. Ipinagtanggol ni Rizal ang mga
Pilipino sa paninirang-puri ng mga Kastila na sila ay mga tamad.
Hindi niya itinatwa na may mga Pilipinong tamad ngunit ibinigay
niya ang mga kadahilanang pinagmumulan ng sinasabing
katamaran ng mga Pilipino.
52.
8. Sa MgaKababaihang Taga- Malolos - Isang liham ito ni Rizal sa mga
kababaihang taga-Malolos na bumabati sa kanila dahil sa paninindigan nilang
matuto.
9. Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon- Ito'y isang sanaysay na panghuhula sa
maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng sandaang taon.
10. A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino) - Sinulat niya ito noong 1879
nang siya ay labingwalong taong gulang at nag-aaral pa siya sa U.S.T. Ang tulang ito
ay nagtamo ng unang gantimpala sa isang timpalak panitikan.
11. El Consejo de los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala) - Ito'y isangg
dulang patalinghaga na sinulat niya noong 1880. Ang nasabing dula ay
patalinghagang pagpapahayag niya ng paghanga kay Cervantes.
12. Kundiman - Ito'y isang tulang nagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas sa
darating na panahon dumanak man ang dugo.
53.
Itinuturing na "Predikadorng Masa" na
kilala sa mga sagisag na Plaridel,
Dolores Manapat, Piping Dilat at
Pupdoh.
Isinilang sa nayon ng
Cupang, San Nicolas, Bulacan, noong
Agosto 1850.
Nagaral siya sa Colegio de San Jose at
nagtapos ng deretso sa Unibersidad ng
Santo Tomas.
Ang kanyang ama ay tatlong ulit na
naging gobemadorsilyo ng Bulacan
kaya kilala ang kanilang angkan.
Marcelo H. Del Pilar
/ w ik i
/
P i l
54.
Itinatag niya angpahayagang "Diariong
Tagalog" noong 1882 na pinaglathalaan niya at ng
kanyang mga kamanunulat ng mga karaingan ng
mga naaapi at paghingi ng reporma sa
pamahalaang Kastila. Siya'y naglakbay sa Espanya
noong 1888 upang maiwasan ang mga paguusig sa
kanya at upang makatulong sa mga propagandista.
Sa Espanya ay hinalinhan niya si Graciano Lopez
Jaena bilang patnugotng pahayagang "La
Solidaridad". Namatay siya sa Espanya sa sakit na
tuberkulosis.
55.
Ang Ilan samga akda ni DeL PILAR
__________________________________
1. Caiigat Cayo - libritong nagtatanggol sa Noli Me Tangere" ni Rizal sa
ginawang pagtuligsa rito ni Padre Jose Rodriguez.
2. Dasalan at Tocsohan - gumagagad sa mga nilalaman ng aklat
dasalan sa paraang mapanudyo.
3. Ang Cadaquilaan nang Dios - isang sanaysay na tumutuligsa sa mga
prayle at nagpapakilala ng matibay na pananalig ni Marcelo H. del Pilar
sa Diyos, sa Kanyang kadakilaan dahil sa mga biyayang dulot ng
kalikasan na ipinagkaloob Niya sa atin. Si Marcelo H. del Pilar ay isang
Katoliko ngunit hindi panatiko.
56.
4. Sagot ngEspaña sa Hibik nang Plipinas - tulang sagot sa tula ng
kanyang dating gurong si Heminigildo Flores na may pamagat na "Hibik ng
Pilipinas sa Inang España". Binubuo ito ng 82 taludtod, naglalayong
humingi ng mga pagbabago sa Espanya ngunit ipinahayag na walang ano
mang tulong na maipagkakaloob ito.
5. Isang Tula sa Bayan
6. Pasiong Dapat Ipag-alab Nang Puso Nang Taong Babasa
7. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa - salin ito sa Tagalog ng "Amor Patrio" ni
Rizal na nalathala sa "Diariong Tagalog" at "La Solidaridad".
8. Ang Kalayaan - bahagi ng kabanata ng aklat na hinangad niyang
sulatin na sana'y magiging huli niyang habilin ngunit hindi na niya natapos
sapagkat siya'y sumakabilang buhay na.
57.
Graciano Lopez
Jaena
(1856-1896)
Kumita ngunang liwanag sa Jaro, Iloilo
noong ika-17 ng Disyembre, 1856, siya'y
isa mga kilalang manunulat at
mananalum pati sa "Gintong Panahon ng
Panitikan at Pananalumpati" sa Pilipinas.
Ang dakilang orador ay nakagawa ng
isandaang (100) talumpati. May malaki
siyang pagnmanais na maging lalawigan
ng Espanya ang Pilipinas at hindi
kolonya.
Itinatag niya roon ang pahayagang "La
Solidaridad" na naging opisyal na pahayagan ng
"Asociacion HispanoFilipino", isang samahang
binubuo ng mga Kastila at Pilipino na lumalakad
ng mga pagbabago at reporma sa Plipinas.
Siya'y nanindigan sa paghihiwalay ng simbahan
at pamahalaan.
58.
Katulad nina FelipeCalderon, Antonio Maria Regidor at Tomas G. del
Rosario, kinatigan din niya ang walang bayad na pag-aaral, mabuting
pamamalakad ng edukasyon at pagtatatag ng malaya at nagsasariling
pamantasan.
Sa pagkakahidwaang naganap kina Jose Rizal at Marcelo H. del
Pilar tungkol sa kung sino ang mamumuno sa "Asociacion
HispanoFilipino" sa Madrid, pinanigan ni Graciano Lopez Jaena si Rizal.
Ipinagbili niya kay Marcelo H. del Pilar ang "La Solidaridad" at bumalik
na siya sa Pilipinas upang manghingi ng abuloy para matustusan ang
bago niyang pahayagang "El Latigo Nacional" (Pambansang Latigo).
Nagkasakit siya ng tuberkulosis dahil sa kakulangan sa pamamahinga
at masusustansiyang pagkain. Binawian siya ng buhay sa isang ospital
na walang bayad sa Barcelona noong Enero 20, 1896.
59.
Ang Ilan samga akda ni JAENA
__________________________________
1.Fray Botod - inihalintulad ang mga prayle sa mga payat na
lamok na nang dumaung sa Pilipinas ay tumaba sa kakakain
ng mga papaya't saging. Ang akdang ito ay isang satire na
tumutuligsa sa moralidad, kamangmangan, kayabangan at
pagmamalabis ng mga prayle
2.El Bandolerismo en Filipinas - binigyang-diin sa akdang ito
na ang mga bandido sa Pilipinas sa panahong iyon ay ang
mga prayle at ang mgataong nasa pamahalaan.
3. La Hija del Fraile - isang akdang nang-uuyam sa masasama
at mahahalay na mga gawain ng mga prayle.
60.
4. Mga Kahirapansa Pilipinas - tinutuligsa
ang maling pamamalakad gayundin ang
edukasyon sa Pilipinas.
5. Sa mga Pilipino - isang talumpating ang
layunin ay mapabuti ang kalagayan ng
kanyang mga kababayan.
62.
ANTONIO LUNA (1868-
1899)
Isang parmasiyutikong higit na kilala bilang
heneral ng hukbo noong himagsikan laban
sa mga Amenkano.
Siya’y kapatid ng tanyag na pintor na si
Juan Luna.
Gumamit siya ng sagisag na Taga-ilog.
Marami siyang naiambag na sinulat sa
pahayagang La Solidaridad".
Ang kanyang kamatayan sa Cabanatuan ay
kagagawan daw ng mga naging kawal
niyang hindi nakasunod sa mahigpit niyang
disiplina kaya't pinatay siya nang pataksil.
Ang hiwaga ng kanyang kamatayan ay
kailangang tuklasin pa hanggang sa
ngayon ng mga manunulat ng kasaysayan.
63.
Ang Ilan samga akda ni LUNA
__________________________________
1. Impresiones - inilalarawan dito ang labis na kahirapang dinaranas ng
isang pamilyang naulila sa ama na isang kawal. Gumamit siya ng
sagisag na Taga-ilog sa akdang lo.
2. La Maestra de mi Pueblo - pinipintasan ang sistema ng edukasyon
ng mga kababaihan.
3. Noche Buena - paglalarawan ng aktwal na buhay ng mga Pilipino.
4. La Tertulia Pilipinas - (Ang Piging na Pilipino) - isinasaad nito na
higit na mabuti ang mga kaugaliang Pilipino kaysa Kastila.
Todo Por El Estomago - tinutuligsa nito ang mga patakaran sa
pagbubuwis ng pamahalaang Kastila.
64.
MARIANO PONCE
(1863-1918)
TubongBaliwag, Bulacan
Isang matibay na haligi ng Kilusang
Propaganda.
Gumamit siya ng mga sagisag na
Tikbalang, Kalipulako at Naning.
Binigyang diin niya sa kanyang mga
sanaysay ang kahalagahan ng
edukasyon;
Ipinagtanggol niya ang mga Pilipino
sa paghamak ng mga Kastila at
inilahad niya ang mga hinaing ng
bayan.
65.
Ang Ilan samga akda ni PO NCE
__________________________________
1.Ang Pagpugot kay Longhino - Ang dulang ito ay
itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulacan.
2.Mga Alamat ng Bulakan - Ito'y katipunan ng mga
alamat ng lalawigang kanyang sinilangan.
3.The Literature of the Propaganda Movement -
(Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda).
4. Ang mga Pilipino sa Indo Tsina
66.
PASCUAL POBLETE Naging kasamahan siya ni Marcelo H. del Pilar sa
pahayagang "Diariong Tagalog"
Itinatag at pinamagatan niya ang pahayagang EI
Kesumen nang sila ni Marcelo H. del Pilar ay
maghiwalay na sa pagsusulat sa "
Diariong Tagalog".
Mapanuligsa ang kanyang panulat na naging dahilan ng
pagpapatapon sa kanya sa Africa noong 1882 at
panahon na ng mga Amerikano
nang makabalik siya sa Pilipinas.
Itinatag niya ang
pahayagang El Grito del Pueblo" na may pangalang
Tagalog na "Ang Tinig ng Bayan".
Siya'y tinaguriang "Ama ng Pahayagan".
Siya ang kaunaunahang nagsalin ng Tagalog ng "Noli
Me Tangere" ni Jose P. Rizal.
https://en.wikipedia.or g/w i k
i
/Pascual_H._P ob l e t
e
67.
Ang Ilan samga akda ni POBLETE
__________________________________
1.Salin ng nobelang "Ang Konde ng Monte
Kristo" ni Alexander Dumas
2.Salin ng "Buhay ni San Isidro Labrador" ni
Francisco Butina
3.Mga manunulat sa Wikang Tagalog
68.
JOSE MA. PANGANIBAN
(1865-1895)
Gumamitng sagisag na Jomapa
Nag-ambag ng mga sanaysay at lathalain sa
pahayagan ng propaganda.
Siya'y tubong Camarines Sur.
Nagtapos siya ng Batsilyer ng Siyensya sa
Colegio de San Juan de Letran at nag-aral
ng tatlong taon sa Unibersidad ng Santo
Tomas sa kursong Medisina.
Katulong siya ni Marcelo del Pilar sa
pahayagang "La Solidaridad".
Siya'y magaling na mamamahayag at
mananalumpati.
Humanga maging si Rizal sa pagkakaroon
niya ng "Memoria fotografica.
69.
Ang Ilan samga akda ni PANGANIBAN
__________________________________
1.Noche de Mambulao
2.A Nuestro Obispo
3.Lupang Tinubuan
4.El Pensamiento
5.La Universidad de Manila
70.
PEDRO PATERNO
(1857-1911)
Isang tunayna manunulat, makata,
nobelista at dramaturgo.
Isang masigasig na
tagapaglaganap ng damdaming
makabayan at pagbabagong-isip ng
mga Pilipino.
Mga paksang panrelihiyon at
panlipunan ang mga tinalakay niya sa
kanyang mga akda.
Siya ang kauna-unahang manunulat na
nakalaya sa sensura sa panitikan sa
panahon ng mga Kastila.
https://en.wikipedia.org/ w ik i /
P
edro_Pate r n
o
71.
Ang Ilan samga akda ni PATERNO
__________________________________
1. Ninay - nobelang nagpatanyag kay Pedro Paterno at sinasabing
kaunaunahang nobelang panlipunan sa Kastila na sinulat ng isang
Pilipino.
2. El Cristianismo y La Antigua Civilization Tagala - sinulat niya noong
1892, naglalaman ng isang pag-aaral sa bisa ng Kristiyanismo.
3. Sampaguita y Poesias Varias - isang katipunan ng mga tulang
kanyang nasulat.
4. A mi Madre (Sa Aking Ina) - ipinahahayag nito ang kanyang
pangungulila kung wala ang kanyang ina.
5. La Civilization Tagala
6. El Alma Filipino
7. Los Itas
Ang huling tatlong akda ay nagpapaliwanag
na ang mga Pilipino ay may katutubong
kultura.
72.
ISABELO DELOS
REYES
Napabilang satatlong panahon ng
panitikang Pilipino: Panahon ng
Propaganda, Panahon ng
Himagsikan at Panahon ng
Amerikano.
Siya'y isang manananggol,
manunulat, mamamahayag at lider
manggagawa.
Itinatag niya ang "Iglesia Filipina
Independiente".
73.
Ang Ilan samga akda ni DELOS REYES
__________________________________
1.El Folklore Filipino - nagtamo ito ng
gantimpala sa Eksposisyon sa Madrid,
2.Las Islas Visayas en la Epoca de la Conquista
3. Historia de Ilocos
4. La Sensacional Memoria Sobre La
Revolucion Filipina
74.
PEDRO SERRANO
LAKTAW
Itinatag niyaang "Lohiyang Nilad" na
kaugnay ng Kilusang Propaganda na
may layuning magkaroon ng mga
sumusunod: Pilipinong kinatawan sa
Korte ng Espaya, demokratikong
pamunuan, kalayaan at karapatan ng
bawat tao, magkaroon ng mga
pagbabago at reporma at maging
lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
Isa siya sa mga pangunahing mason
na kasamang umuwi sa Pilipinas ni
Antonio Luna na may layuning bumuo
ng Masonarya.
75.
Ang Ilan samga akda ni LAKTAW
__________________________________
1.Diccionario-Hispano Tagalo -
nalathala ito noong 1889
2.Sobre La Lengua Tagala
3.Estudios Gramaticales
Ay mga akda ni Pedro
Serrano Laktaw na
pinagbatayan ni Lope K.
Santos ng Balarila ng
Wikang Pambansa.