3. Pagkatapos manood ng limang minutong
bidyo, uunwain ng mga mag-aaral ang
iba't-ibang paraan ng pagkukuwenta ng
GDP at GNP. Pagkatapos, ipapaskil ng
guro ang mga naka scramble na pormula
at ito ay isasaayos ng mga mag-aaral.
4.
5. Maghahati ang klase sa tatlong grupo, at
bawat grupo ay pipili ng lider, tagasulat, at
tagaulat. Bubunutin nila sa harapan ang
paksa o paraan ng pagkukuwenta na
kailangan nilang bigyang pokus. Gamit ang
mga libro sa Araling Panlipunan (pahina
242-245).
6. Ito ang magiging batayan ng klase para
matukoy ang mga iba't ibang salik na
kailangan sa pagkwenta ng mga paraan
(approaches) na kanilang napili o nabunot
at bigyan ng maikling kahulugan ang bawat
salik (1 hanggang 2 pangungusap). Mayroon
lamang 5 minuto para sa paggawa at tig-3
minuto para sa pag-uulat.
7.
8.
9. Ano kaya ang mangyayari kapag
nagkaroon ng pinsalang malala sa
isang lugar o sa ating bansa kung
saan nakadepende ang malaking
parte ng ating agrikultural na
sektor? Ano kaya ang mangyayari
sa ating GNP/GNI o GDP?
10. Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung
bakit kailangan din natin na malaman
o makita ang nagagastos ng isang bansa
sa isang takdang panahon? Ano kaya
ang magiging indikasyon nito sa
sitwasyon ng isang bansa?
11. Ang kita ng mga salik ng bansa sa
serbisyo at produkto ay nasusukat sa
approach na ito. Ano sa palagay
ninyo ang implikasyon kapag malaki
ang halaga ng kit ana natatanggap
ng kada salik?
12. Ang larong ito ay tatawagin na "Two Minutes to Solve It".
Mahahati ang klase sa pareho nilang grupo. Pipili ang
bawat grupo ng isang kinatawan na maglalahad ng
kanilang ginawa sa gitna, pero ang buong aktibidad ay
gagawin ng buong grupo. Nakalagay sa loob ng brown
envelope ang mga tanong na kailangang sagutin at i-
kuwenta. Pagkatapos nito, ipapaliwanag sa harap ang
sagot sa tanong na nakalakip sa brown envelope.