Filipino sa Piling
Larangan
Posisyong Papel
Welmar T. Arangues
Victorias National High School
Yap Quiña Street, Victorias City,
Negros Occidental
October 16, 2018
Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak
na paninindigan ng isang indibidwal o
grupo tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu.
Mahalagang bahagi rin nito ang mga
posisyon at katuwiran ng kataliwas o
katunggaliang panig.
Karaniwang maikli ito,isa o dalawang
pahina lamang ,upang mas madali itong
mabasa at maintindihan ng mga
mambabasa at mahikayat silang
pumanig sa paninindigan ng sumulat ng
posisyong papel.
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT
MAKABULUHANG
SUMULAT NG
POSISYONG
PAPEL
SA PANIG NG MAY
AKDA
 Nakakatulong ang
pagsulat ng posisyong
papel upang mapalalim
ang pagkaunawa niya
sa isang tiyak na isyu.
Naipapakilala niya
ang kanyang
kredibilidad sa
komunidad ng mga may
kinalaman sa nasabing
usapin.
PARA SA LIPUNAN
Tumutulong ito para
maging malay ang mga
tao sa magkakaibang
pananaw tungkol sa
isang usaping
panlipunan.
Nagagamit itong
batayan ng mga tao sa
kanilang sariling
pagtugon at pagsangkot
sa usapin.
MGA MUNGKAHING
HAKBANG SA PAGSULAT NG
POSISYONG PAPEL
1. Tiyakin ang paksa
May dalawang posibleng paraan
kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong
papel. Una, pwedeng reaksiyon ito sa isang
mainit na usaping kasalukuyang
pinagtatalunan. Pangalawa,pwedeng tugon
lamang ito sa isang suliraning panlipunan.
2. Gumawa ng panimulang saliksik
Matapos matiyak ang paksa
,gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung
napapanahon ang isyu ,maaaring magbasa ng
diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga
taong may awtoridad sa paksa para mapalalim
ang pagkaunawa sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa mga
inihanay na katwiran
Maglista ng mga argumento o katuwiran
ng magkabilang panig upang ang dalawang
posisyon.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
Sa yugtong ito,maaaring
pagtuunan na ang mga katuwiran para sa
panig na napiling panindigan. Maaaring
sumangguni sa mga aklat at akademikong
journal.
5. Bumuo ng balangkas
Matapos matipon ang mga datos, gumawa
ng balangkas para matiyak ang direksyon ng
pagsulat ng posisyong papel. Maaaring gamiting
gabay ang sumusunod na huwaran:
•INTRODUKSYON
Ipakilala ang paksa. Dito rin ipaliwanag ang
konteksto ng usapin. Maaari na ring banggitin dito ang
pangkalahatang paninindigan sa usapin.
•MGA KATUWIRAN NG KABILANG PANIG
Isa-isang ihanay dito ang mga katwiran ng kabilang
panig. Ipaliwanag ng bahagya ang bawat katuwiran.
•MGA SARILING KATUWIRAN
Isa-isa namang ihanay rito ang sariling mga
katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran ang bawat
isa sa kabilang panig. Bukod dito maaari ding magbigay
ng iba pang katuwiran kahit wala itong katapat.
• MGA PANSUPORTA SA SARILING KATUWIRAN
Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa
sariling katuwiran. Maaaring magbigay dito ng
karagdagang ebidensya para lalong maging kapani-
paniwala ang sariling mga katuwiran.
•HULING PALIWANAG KUNG BAKIT ANG
NAPILING PANININDIGAN ANG DAPAT
Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag
kung bakit ang sariling paninindigan ang pinakamabuti
at pinakakarapat-dapat.
•MULING PAGPAPAHAYAG NG PANININDIGAN
AT/O MUNGKAHING PAGKILOS
Sa isa o dalawang pangungusap na madaling
tandaan, muling ipahayag ang paninindigan. Maaaring
dito rin sabihin ang mungkahing pagkilos na
maghihikayat sa babasa ng posisyong papel.
6. Isulat ang posisyong papel
Kung may malinaw na balangkas ,madali ng
maisusulat ang posisyong papel. Kailangang buo
ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran.
7. Ibahagi ang posisyong papel
Maaaring magparami ng kopya at
ipamigay ito sa komunidad,ipaskil sa mga lugar na
mababasa ng mga tao,ipalathala sa mga
pahayagan,magpaabot ng kopya sa mga estasyon
ng telebisyon,radyo at iba pang daluyan. Maaari
ding gamitin ang social media upang maabot ang
mas maraming mambabasa.
Maraming
salamat
po..
REFERENCE:
FILIPINO SA PILING LARANGAN(AKADEMIK)
K-12 CURRICULUM TEACHERS MODULE

Posisyong papel

  • 1.
    Filipino sa Piling Larangan PosisyongPapel Welmar T. Arangues Victorias National High School Yap Quiña Street, Victorias City, Negros Occidental October 16, 2018
  • 3.
    Isang sulatin nanagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Mahalagang bahagi rin nito ang mga posisyon at katuwiran ng kataliwas o katunggaliang panig.
  • 4.
    Karaniwang maikli ito,isao dalawang pahina lamang ,upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.
  • 5.
  • 6.
    SA PANIG NGMAY AKDA  Nakakatulong ang pagsulat ng posisyong papel upang mapalalim ang pagkaunawa niya sa isang tiyak na isyu. Naipapakilala niya ang kanyang kredibilidad sa komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin.
  • 7.
    PARA SA LIPUNAN Tumutulongito para maging malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan. Nagagamit itong batayan ng mga tao sa kanilang sariling pagtugon at pagsangkot sa usapin.
  • 8.
    MGA MUNGKAHING HAKBANG SAPAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
  • 9.
    1. Tiyakin angpaksa May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong papel. Una, pwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa,pwedeng tugon lamang ito sa isang suliraning panlipunan.
  • 10.
    2. Gumawa ngpanimulang saliksik Matapos matiyak ang paksa ,gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon ang isyu ,maaaring magbasa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin.
  • 11.
    3. Bumuo ngposisyon o paninindigan batay sa mga inihanay na katwiran Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang ang dalawang posisyon.
  • 12.
    4. Gumawa ngmas malalim na saliksik Sa yugtong ito,maaaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na napiling panindigan. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal.
  • 13.
    5. Bumuo ngbalangkas Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksyon ng pagsulat ng posisyong papel. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na huwaran:
  • 14.
    •INTRODUKSYON Ipakilala ang paksa.Dito rin ipaliwanag ang konteksto ng usapin. Maaari na ring banggitin dito ang pangkalahatang paninindigan sa usapin. •MGA KATUWIRAN NG KABILANG PANIG Isa-isang ihanay dito ang mga katwiran ng kabilang panig. Ipaliwanag ng bahagya ang bawat katuwiran.
  • 15.
    •MGA SARILING KATUWIRAN Isa-isanamang ihanay rito ang sariling mga katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran ang bawat isa sa kabilang panig. Bukod dito maaari ding magbigay ng iba pang katuwiran kahit wala itong katapat. • MGA PANSUPORTA SA SARILING KATUWIRAN Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling katuwiran. Maaaring magbigay dito ng karagdagang ebidensya para lalong maging kapani- paniwala ang sariling mga katuwiran.
  • 16.
    •HULING PALIWANAG KUNGBAKIT ANG NAPILING PANININDIGAN ANG DAPAT Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at pinakakarapat-dapat. •MULING PAGPAPAHAYAG NG PANININDIGAN AT/O MUNGKAHING PAGKILOS Sa isa o dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag ang paninindigan. Maaaring dito rin sabihin ang mungkahing pagkilos na maghihikayat sa babasa ng posisyong papel.
  • 17.
    6. Isulat angposisyong papel Kung may malinaw na balangkas ,madali ng maisusulat ang posisyong papel. Kailangang buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran.
  • 18.
    7. Ibahagi angposisyong papel Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad,ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao,ipalathala sa mga pahayagan,magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon,radyo at iba pang daluyan. Maaari ding gamitin ang social media upang maabot ang mas maraming mambabasa.
  • 19.
  • 20.
    REFERENCE: FILIPINO SA PILINGLARANGAN(AKADEMIK) K-12 CURRICULUM TEACHERS MODULE