Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna...
ponema.doc
1. Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino
Ika-9 na Baitang
Ikalawang markahan
Ikalimang araw
I. Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang mga uri ng ponemang suprasegmental
B. Nabibigkas nang may wastong antala/hinto, diin/haba, at tono/intonasyon ang mga
salita o pahayag
C. Naisasapuso ang pagiging matulungin sa kapwa at responsible sa buhay
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Ponemang Suprasegmental (Haba/Diin, Tono/Intonasyon, at Hinto/Antala)
B. Kagamitan: Bolang Papel, Musika, Task Card, Talahanayan
C. Sanggunian: Gabay ng Guro mp46-47, Modyul ng Mag-aaral mp98-101
D. Balyu: Pagpapahalaga sa abyong tula ng bansang Hapon
III. Pamamaraan:
A. Balik-aral
Pagkilala ng mga mag-aaral sa mga katangian ng tula na ibibigay kung ito ay Tanka,
Haiku o pwede sa Tanka at Haiku.
-May 31 pantig
-Pumapaksa sa Pagbabago
-5,7,5 ang sukat
-Mula sa bansang Hapon
-Nagpapahayag ng masidhing damdamin at kaisipan
(ANOTASYON: MATH)
(ANOTASYON: AP)
B. Pagganyak:
Paglalaro ng “Bola Ko Saluin Mo!” Ang makasalo ng bola ang siyang bibigkas ng
pahayag na may tamang tono, hinto, at diin upang maipahayag ang tamang damdamin,
saloobin, at kaisipan nito.
1. Hindi, Puti!
2. Ikaw ang buhay ko, mananatiling buhay sa puso ko.
3. Talaga? Mapagkakatiwalaan kita?
4. Aaaaa! Ang haba ng tubong ito.(ANOTASYON: CONSTRUCTIVISM)
C. Pangkatang Gawain:
Pangkat-I (Pumili ng dalawang kasapi ng pangkat na magdadayalogo sa gitna na may
wastong diin sa mga salita na magkapareho ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
at kahulugan upang maipahayag ang tamang kaisipan o diwa ng pahayag.)
Dondon : Ano ba ‘yang dala-dala mo?
Putrel: Ano pa, di ang minana ko kay itay, pala.
Dondon: ‘Yon lang naman pala parang ang bigat na ng mukha mo, at teka bakit
karga-karga mo iyan? Magbabasketbol pa tayo.
Putrel: Kabilin-bilinan kasi ng nanay kailangang matapos ko ang trabaho sa saka
ngayong araw.
Dondon: Kung ganon tayo na, tutulungan kita saka na tayo maglasog-lasog.
Putrel: Tunay ka talagang kaibigan, maraming salamat.
2. Pangkat-II (Pumili ng tatlong kasapi ng pangkat na bibikas sa gitna ng salitang nasa
ilalim gamit ang angkop na tono batay sa kahulugang ibinigay.
1. Kahapon - nagtatanong
2. Kahapon - nagpapatibay
3. Kahapon - nag-aalinlangan
Pangkat-III (Pumili ng mga kasapi sa pangkat na magsasagawa ng sitwasyon na
nasa ilalim gamit ang pahayag na ibinigay.)
Sitwasyon 1 - Ipinapakilala ng isang babae sa isang pari na si Francis ang
kanyang ama.
“Padre Jomarie, Francis ang tatay ko.
Sitwasyon 2 – Ipinakilala ng babae sa isang pari at isang lalaki na si Francis
ang kanyang ama.
ama.
“Padre, Joemarie, Francis ang tatay ko”
Sitwasyon 3 –Ipinakilala ng isang babae sa isang pari at dalawang lalaki ang
kanyang ama.
“Padre, Joemarie, Francis, ang tatay ko.”
D. Talakayan:
Balikan ang mga ginawa ng bawat pangkat at ipabigkas nang tama.
Ipakilala ang uri ng ponemang suprasegmental.
Ipaliwanag ang kahulugan ng bawat isa
E. Pagsasagawa:
Pangkat-I Bigkasin at ibigay ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang
baybay subalit magkaiba ang bigkas.
1. /BA:sa/ ______________ /ba:SA/ ______________
2. /LA:bi/ ______________ /la:BI/ ______________
3. /BA:ga/ ______________ /ba:GA/ ______________
Pangkat-II Bigkasin ang sumusunod na salita nang may wastong tono ayon sa
kahulugan nito.
1. (Magaling-pagpupuri) (Magaling-pag-aalinlangan)
2. (Ayaw mo-paghamon) (Ayaw mo-pagtatanong)
3. (Mayaman-pagpapahayag) (Mayaman-pagtatanong)
Pangkat-III Basahin ang sumusunod na pahayag na may wastong hinto/antala at
ibigay ang kahulugan nito.
1. Hindi, ako ang pumatay.
2. Hindi ako ang pumatay!
3. Major General ang asawa ko.
4. Major General, ang asawa ko.
5. Major, General, ang asawa ko.
3. PAMANATAYAN SA PAGWAWASTO
A. Wastong bigkas-----------------------------------40%
B. Malinaw na pagbasa at interpretasyon---------40%
C. May damdamin------------------------------------20%
Kabuuan------------------------------------------------100%
ANOTAYSYON: CONSTRUCTIVISM and COLLABORATIVE
LEARNING)
IV. Ebalwasyon:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita o pahayag at tukuyin kung anong
uri ng ponemang suprasegmental ang ginamit. Gamitin ang talahanayan sa ilalim.
KAHULUGAN URI NG
PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
NA GINAMIT
1. /ba:BA/
2. /BA:ba/
3.
ga(3)
la (2)
ta (1)
4. la (3)
ta (2)
(1)ga
5. Hindi siya ang kaibgan
ko.
6. Hindi, siya ang kaibigan
ko.
V. Takdang Aralin:
Pangkatan ( limang kasapi bawat pangkat)
4. Panuto: Sumulat ng isang Haiku at itanghal sa klase pagkatapos ng bakasyon. Sundin
ang sumusunod na mga pamantayan sa gawing pagtatanghal.
D. Wastong bigkas-----------------------------------40%
E. Malinaw na pagbasa at interpretasyon---------40%
F. May damdamin------------------------------------20%
Kabuuan------------------------------------------------100%
Inihanda ni:
ROSANA T. DELOS SANTOS