SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
Download to read offline
Ano ang Nakalarawang Sanaysay
Filipino sa Piling Larang (Angeles University Foundation)
Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university
Ano ang Nakalarawang Sanaysay
Filipino sa Piling Larang (Angeles University Foundation)
Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university
Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com)
lOMoARcPSD|22118094
Ano ang Nakalarawang Sanaysay?
- Koleksyon ng larawang maingat na inayos
upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari,magpaliwanag ng partikular na
konsepto, o magpahayag ng damdamin.
- Lahat ng larawan na iyong namasdan ay may
kani-kaniyang kuwento buhat ng kanilang
kasaysayan, kariktan at mga karanasang
maaapuhap sa mga lokasyong ito.
- Ito ang katuturuan ng Nakalarawang Sanaysay -
ang maglahad ng mga natatanging kwento sa
lipunan.
HALAGA NG PAGKUKUWENTO SA
NAKALARAWANG SANAYSAY
 Storytelling (Pagkukuwento sa isang bagay na
napapanahon, mahalaga o kontrobersyal sa
lipunan.
 Isaisip ang motibo at layunin
 Dapat may “drama” na nais ibahagi. Bagay na
dapat malaman ng sambayanan
 May suliranin o tunggalian gaya ng anomang
kwento
Proseso sa Paglikha ng Nakalarawang Sanaysay
1. Nagsimula ang lahat sa pagpili ng paksa.
Kadalasan, ang napipiling paksain ay iyong
malapit sa puso ng isang manlilikha gaya ng
tradisyon o kaugalian ng kanilang lugar.
2. Maaaring magsaliksik kaugnay sa mga
gaganaping pagdiriwang sa inyong lugar tulad
ng piyesta, beauty pageant, ritwal ng simbahan,
at mga gawaing pampaaralan.
3. Sinasabing mahalaga ang paglikha ng balangkas
sa isang nakalarawang sanaysay. Mahalaga na
kumuha muna ng maraming larawan (lalo na
kung digital) at saka na lamang isaayos ang
material. Tandaan lamang na dapat ay sari-
sari o may barayti ang mga larawan at dapat ay
may naratibo o kuwento ito.
4. Dapat ay may sapat na ilaw ang paligid. Sayang
naman ang imahen kung labis na madilim o
kaya’y labis na maliwanag (against the light).
Mahalaga ring tandaan ang tinatawag na rule of
thirds sa komposisyon ng mga retrato.
MGA LARAWAN NA GUMAMIT NG RULE OF
THIRDS
MGA LARAWAN NA HINDI GUMAMIT NG RULE
OF THIRDS
Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com)
lOMoARcPSD|22118094
MGA IBA'T IBANG URI NG ANGGULO UPANG
MAGING MALIKHAIN AT MAHUSAY ANG
PAGKAKAKUHA NG MGA LARAWAN
1. BIRD'S EYE VIEW/AERIAL SHOT
2. HIGH ANGLE SHOT
3. OVERHEAD SHOT (mas malapit sa
subject/focus)
4. EYE LEVEL/Straight Angle Shot
5. POINT OF VIEW (POV)
6. LOW ANGLE SHOT (mababa ang shot tapos
slanted)
7. WORM'S EYE (mas malawak ang view)
5. Pagkaraang kumuha ng maraming larawan,
mahalagang piliin ang mga angkop na imahen para sa
lilikhaing proyekto. Huwag basta magbura ng file. I-
save ang mga larawan kung sakaling kakailanganin pa
ang mga ito. Matutong mag-edit. Kahit maganda ang
kuha ng isang larawan, kung ito nama’y hindi kailangan
sa kwento, dapat na itong alisin.
6. Ang nakalarawang sanaysay ay tulad ng isang pelikula
– naratibo man o dokumentaryo. Hindi nga lamang ito
gumagalaw ngunit nagpapahiwatig ito ng pagkilos at ng
buhay. Dahil dito, mahalagang maisaayos ang mga piling
larawan hanggang sa maging pinal na ang mga
ilalahok. Bawal umulit ng mga imahen na
magkakaparehas. Ang nakalarawang sanaysay
ay hindi isang photo album.
7. Kapag maayos na ang line-up ng mga larawan, dapat
nang isulat ang teksto.
 Pamagat
 Maikling panimula
 Mga paglalarawan o caption.
 Maikling pagtatapos o kongklusyon.
8.Iwasan ang labis na pagsusulat. Hayaang mangusap
ang mga retrato. Mahalaga sa paglalarawan na matukoy
ang impormasyong hindi nakikita sa mga larawan gaya
ng pangalan, lugar, petsa at mga kultural na termino na
kag-ugnay sa paksa.
Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com)
lOMoARcPSD|22118094
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA
PICTORIAL ESSAY
Ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang Pictorial
Essay ay ang mga sumusunod:
1. MALINAW NA PAKSA. Kailangang pumili ng
paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo.
Hindi kailangang napakaengrande ng paksa.
Maraming maliit na bagay ang maaring paksain
ng isang mahusay na pictorial essay.
1. POKUS. Huwag na huwag lumihis sa paksa.
Ang iyong malalim na pag-unawa,
pagpapahalaga at matamang obserbasyon sa
paksa ay mahahalagang sangkap tungo sa
matagumpay na pictorial essay.
2. ORIHINALIDAD. Higit na mainam kung ikaw
mismo ang kukuha ng mga larawan. Maaari ring
gumamit ng mga software ng kompyuter tulad
ng Photoshop.
3. LOHIKAL NA ESTRUKTURA. Isaayos ang
mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-
sunod. Tulad ng iba pang teksto, kailangang may
kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng
katawan at kawili-wiling wakas.
4. KAWILIHAN. Ipahayag ang iyong kawilihan at
interes sa iyong paksa.
5. KOMPOSISYON. Piliin ang mga larawang
may kalidad ang komposisyon. Iyong artistik na
kuha. Huwag gumamit ng malalabo o madidilim
na larawan.
6. MAHUSAY NA PAGGAMIT NG
WIKA. Iorganisa nang maayos ang teksto.
Tiyaking ang teksto ay tumatalakay sa larawan.
Sikapin din ang kawastuhang gramatikal sa
pagsulat. Ang mga pagkakamali sa baybay,
bantas, gamit ng salita at iba pang tuntuning
pangwika ay kabawasan sa husay ng pictorial
essay.
MGA ELEMENTO NG NAKALARAWANG
SANAYSAY
´Collective Lens/Photography for Social Change
1.Kwento
2.Uri ng larawan
3.Pagkakaayos ng mga larawan
4.Impormasyon at Emosyon
5.Paglalarawan o caption
Mga Uri ng Larawan
1. Pangunahing larawan (lead
photo)- maihahalintulad sa mga unang
pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa
mahahalagang impormasyon na sino, saan,
kalian at bakit.
2. Eksena (scene)- pangalawang retratong
naglalarawan sa eksena ng isang nakalarawang
sanaysay. Epektibo, ayon sa mga potograpo, ang
paggamit ng wide angle lens sa larawan.
3. Larawan ng tao (portrait)- ipinapakita nito ang
tauhan sa isang kwento.
4. Detalyeng larawan (detail photo)- nakatutok sa
isang elemento gaya ng gusali, tahanan, mukha o
mahalagang bagay. Sinasabing ang mga
larawang ito ay pagkakataon upang kunan ng
larawan ang mga espisipikong bagay.
5. Larawang close-up- tumuon sa ilang bagay.
Pagkakataon din ito na maglaan ng
impormasyon sa paglalarawan o caption.
6. Signature photo- larawang magbubuod sa
sitwasyong inihapag sa nakalarawang sanaysay.
7. Panghuling larawan (clincher photo)- huling
larawan sa serye ng mga retrato. Mahalagang
piliin ang huling larawan na magbibigay sa mga
mambabasa ng emosyong nais mong iparating
tulad ng pakiramdam ng pag-asa, inspirasyon,
pagkilos o paglahok, at kaligayahan.
MGA BATANG NAKALIGTAS SA BAGYONG
YOLANDA,
NAGTAPOS NG PAG-AARAL
Malayang Salin ng Young Survivors Graduate from
School
after Typhoon Yolanda
Mula sa https://www.adb.org/news/photo-essays ng
Asian Development Bank
Hunyo 1, 2015
Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com)
lOMoARcPSD|22118094
(LEAD PHOTO)
Nagsimula ngayon ang bagong taong-aralan sa
Mababang Paaralan ng Bislig sa Lalawigan ng Leyte.
Matapos humagupit ang bagyong Yolanda noong 2013,
ang paaralan ay halos ganap nang nakabangon matapos
makapagtapos ng unang klase pagkaraan ng trahedya.
Ang kuwento ng batang si Honeylette Molina na
nakaligtas sa pananalasa ng bagyo at nagkamit ng
pinakamataas na karangalan sa klase ay nagpapakita na
ang mga likas na kalamidad ay maaaring bumawi ng
mga buhay, gumuho ng mga gusali at umagaw ng mga
kabuhayan, ngunit hindi ng pagnanais na magtagumpay.
(SCENE PHOTO)
Nagtipon ang mga guro, mag-aaral at kani-kanilang
pamilya sa nayon ng Bislig sa lalawigan ng Leyte para
sa ika-63 Pagtatapos ng lokal na mababang paaralan.
Ang mga tagpong tulad nito ay karaniwan na sa Pilipinas
sa panahon ng mga pagtatapos.
(SCENE PHOTO)
Sa lalawigan ng Leyte, ang seremonya ng pagtatapos sa
taong 2015 ay may natatanging kahalagahan. Ito ang
unang klaseng nagtapos pagkaraan ng napakalakas na
bagyong Yolanda na nanalasa sa gitnang Pilipinas noong
Nobyembre, 2013.
(PORTRAIT)
Si Honeylette Molina, labintatlong taong gulang, ay isa
sa mga batang nagtapos sa Bislig. Kasama ang kanyang
ama at ina nang manalasa ang bagyo noong 2013.
Muntik-muntikan na silang hindi nakaligtas.
(DETAIL PHOTO)
Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com)
lOMoARcPSD|22118094
Ang lokal na paaralan ay winasak ng bagyo. Ilang
buwang nagklase sina Honeylette at ang kanyang mga
kamag-aral sa mga pansamantalang silid-
aralang nabububungan ng tolda, gamit ang mga sira-
sirang silya at mesang naiwan ng bagyo, nang walang
hugasan o palikuran.
(CLOSE-UP PHOTO)
Si Honeylette ang nagtapos nang may pinakamataas na
karangalan. Napili siyang magtalumpati sa seremonya ng
pagtatapos. Ipinapalagay iyong isang malaking
karangalan.
(DETAIL PHOTO)
Dahil walang pasilidad ang paaralan na mapagdarausan
ng seremonya, isang lokal na simbahan ang nagsisilbing
lugar para sa okasyon. May animnapung bata,
dalawampu’t walong lalaki at tatlumpu’t dalawang
babae, ang nagtapos sa klase ng 2014-2015.
(SIGNATURE PHOTO)
Para sa paaralan, ang pagkakaroon ng konkreto at
malalawak na silid-aralan na ipinatayo mula sa Japan
Fund for PovertyReduction sa
pamamahala ng ADB ang naging isang bagong simula.
Para kina Honeylette at kanyang mga kaibigan, malaki
ang naitulong ng mga silid na iyon. Ang kanilang
tagumpay ngayon ay nagpapatunay lamang na ang isang
mahirap na sitwasyon ay maaaring baguhin.
(CLINCHER PHOTO)
Patuloy ang muling pagpapatayo ng Mababang Paaralan
ng Bisligat patuloy pa rin ang pagbangon ng lalawigan
ng Leyte. Ngunit, katulad ng ipinakikitang kuwento ni
Honeylette, ang landas tungo sa maaliwalas at
matagumpay na bukas ay nakalatag na.
Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com)
lOMoARcPSD|22118094

More Related Content

Featured

2024 State of Marketing Report – by Hubspot
2024 State of Marketing Report – by Hubspot2024 State of Marketing Report – by Hubspot
2024 State of Marketing Report – by HubspotMarius Sescu
 
Everything You Need To Know About ChatGPT
Everything You Need To Know About ChatGPTEverything You Need To Know About ChatGPT
Everything You Need To Know About ChatGPTExpeed Software
 
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsProduct Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsPixeldarts
 
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthThinkNow
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfmarketingartwork
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024Neil Kimberley
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)contently
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024Albert Qian
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsKurio // The Social Media Age(ncy)
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Search Engine Journal
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summarySpeakerHub
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Tessa Mero
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentLily Ray
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best PracticesVit Horky
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementMindGenius
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...RachelPearson36
 

Featured (20)

2024 State of Marketing Report – by Hubspot
2024 State of Marketing Report – by Hubspot2024 State of Marketing Report – by Hubspot
2024 State of Marketing Report – by Hubspot
 
Everything You Need To Know About ChatGPT
Everything You Need To Know About ChatGPTEverything You Need To Know About ChatGPT
Everything You Need To Know About ChatGPT
 
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsProduct Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
 
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
 
Skeleton Culture Code
Skeleton Culture CodeSkeleton Culture Code
Skeleton Culture Code
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
 

ano-ang-nakalarawang-sanaysay.pdf

  • 1. Ano ang Nakalarawang Sanaysay Filipino sa Piling Larang (Angeles University Foundation) Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Ano ang Nakalarawang Sanaysay Filipino sa Piling Larang (Angeles University Foundation) Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com) lOMoARcPSD|22118094
  • 2. Ano ang Nakalarawang Sanaysay? - Koleksyon ng larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari,magpaliwanag ng partikular na konsepto, o magpahayag ng damdamin. - Lahat ng larawan na iyong namasdan ay may kani-kaniyang kuwento buhat ng kanilang kasaysayan, kariktan at mga karanasang maaapuhap sa mga lokasyong ito. - Ito ang katuturuan ng Nakalarawang Sanaysay - ang maglahad ng mga natatanging kwento sa lipunan. HALAGA NG PAGKUKUWENTO SA NAKALARAWANG SANAYSAY  Storytelling (Pagkukuwento sa isang bagay na napapanahon, mahalaga o kontrobersyal sa lipunan.  Isaisip ang motibo at layunin  Dapat may “drama” na nais ibahagi. Bagay na dapat malaman ng sambayanan  May suliranin o tunggalian gaya ng anomang kwento Proseso sa Paglikha ng Nakalarawang Sanaysay 1. Nagsimula ang lahat sa pagpili ng paksa. Kadalasan, ang napipiling paksain ay iyong malapit sa puso ng isang manlilikha gaya ng tradisyon o kaugalian ng kanilang lugar. 2. Maaaring magsaliksik kaugnay sa mga gaganaping pagdiriwang sa inyong lugar tulad ng piyesta, beauty pageant, ritwal ng simbahan, at mga gawaing pampaaralan. 3. Sinasabing mahalaga ang paglikha ng balangkas sa isang nakalarawang sanaysay. Mahalaga na kumuha muna ng maraming larawan (lalo na kung digital) at saka na lamang isaayos ang material. Tandaan lamang na dapat ay sari- sari o may barayti ang mga larawan at dapat ay may naratibo o kuwento ito. 4. Dapat ay may sapat na ilaw ang paligid. Sayang naman ang imahen kung labis na madilim o kaya’y labis na maliwanag (against the light). Mahalaga ring tandaan ang tinatawag na rule of thirds sa komposisyon ng mga retrato. MGA LARAWAN NA GUMAMIT NG RULE OF THIRDS MGA LARAWAN NA HINDI GUMAMIT NG RULE OF THIRDS Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com) lOMoARcPSD|22118094
  • 3. MGA IBA'T IBANG URI NG ANGGULO UPANG MAGING MALIKHAIN AT MAHUSAY ANG PAGKAKAKUHA NG MGA LARAWAN 1. BIRD'S EYE VIEW/AERIAL SHOT 2. HIGH ANGLE SHOT 3. OVERHEAD SHOT (mas malapit sa subject/focus) 4. EYE LEVEL/Straight Angle Shot 5. POINT OF VIEW (POV) 6. LOW ANGLE SHOT (mababa ang shot tapos slanted) 7. WORM'S EYE (mas malawak ang view) 5. Pagkaraang kumuha ng maraming larawan, mahalagang piliin ang mga angkop na imahen para sa lilikhaing proyekto. Huwag basta magbura ng file. I- save ang mga larawan kung sakaling kakailanganin pa ang mga ito. Matutong mag-edit. Kahit maganda ang kuha ng isang larawan, kung ito nama’y hindi kailangan sa kwento, dapat na itong alisin. 6. Ang nakalarawang sanaysay ay tulad ng isang pelikula – naratibo man o dokumentaryo. Hindi nga lamang ito gumagalaw ngunit nagpapahiwatig ito ng pagkilos at ng buhay. Dahil dito, mahalagang maisaayos ang mga piling larawan hanggang sa maging pinal na ang mga ilalahok. Bawal umulit ng mga imahen na magkakaparehas. Ang nakalarawang sanaysay ay hindi isang photo album. 7. Kapag maayos na ang line-up ng mga larawan, dapat nang isulat ang teksto.  Pamagat  Maikling panimula  Mga paglalarawan o caption.  Maikling pagtatapos o kongklusyon. 8.Iwasan ang labis na pagsusulat. Hayaang mangusap ang mga retrato. Mahalaga sa paglalarawan na matukoy ang impormasyong hindi nakikita sa mga larawan gaya ng pangalan, lugar, petsa at mga kultural na termino na kag-ugnay sa paksa. Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com) lOMoARcPSD|22118094
  • 4. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY Ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang Pictorial Essay ay ang mga sumusunod: 1. MALINAW NA PAKSA. Kailangang pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo. Hindi kailangang napakaengrande ng paksa. Maraming maliit na bagay ang maaring paksain ng isang mahusay na pictorial essay. 1. POKUS. Huwag na huwag lumihis sa paksa. Ang iyong malalim na pag-unawa, pagpapahalaga at matamang obserbasyon sa paksa ay mahahalagang sangkap tungo sa matagumpay na pictorial essay. 2. ORIHINALIDAD. Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan. Maaari ring gumamit ng mga software ng kompyuter tulad ng Photoshop. 3. LOHIKAL NA ESTRUKTURA. Isaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod- sunod. Tulad ng iba pang teksto, kailangang may kawili-wiling simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas. 4. KAWILIHAN. Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong paksa. 5. KOMPOSISYON. Piliin ang mga larawang may kalidad ang komposisyon. Iyong artistik na kuha. Huwag gumamit ng malalabo o madidilim na larawan. 6. MAHUSAY NA PAGGAMIT NG WIKA. Iorganisa nang maayos ang teksto. Tiyaking ang teksto ay tumatalakay sa larawan. Sikapin din ang kawastuhang gramatikal sa pagsulat. Ang mga pagkakamali sa baybay, bantas, gamit ng salita at iba pang tuntuning pangwika ay kabawasan sa husay ng pictorial essay. MGA ELEMENTO NG NAKALARAWANG SANAYSAY ´Collective Lens/Photography for Social Change 1.Kwento 2.Uri ng larawan 3.Pagkakaayos ng mga larawan 4.Impormasyon at Emosyon 5.Paglalarawan o caption Mga Uri ng Larawan 1. Pangunahing larawan (lead photo)- maihahalintulad sa mga unang pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahahalagang impormasyon na sino, saan, kalian at bakit. 2. Eksena (scene)- pangalawang retratong naglalarawan sa eksena ng isang nakalarawang sanaysay. Epektibo, ayon sa mga potograpo, ang paggamit ng wide angle lens sa larawan. 3. Larawan ng tao (portrait)- ipinapakita nito ang tauhan sa isang kwento. 4. Detalyeng larawan (detail photo)- nakatutok sa isang elemento gaya ng gusali, tahanan, mukha o mahalagang bagay. Sinasabing ang mga larawang ito ay pagkakataon upang kunan ng larawan ang mga espisipikong bagay. 5. Larawang close-up- tumuon sa ilang bagay. Pagkakataon din ito na maglaan ng impormasyon sa paglalarawan o caption. 6. Signature photo- larawang magbubuod sa sitwasyong inihapag sa nakalarawang sanaysay. 7. Panghuling larawan (clincher photo)- huling larawan sa serye ng mga retrato. Mahalagang piliin ang huling larawan na magbibigay sa mga mambabasa ng emosyong nais mong iparating tulad ng pakiramdam ng pag-asa, inspirasyon, pagkilos o paglahok, at kaligayahan. MGA BATANG NAKALIGTAS SA BAGYONG YOLANDA, NAGTAPOS NG PAG-AARAL Malayang Salin ng Young Survivors Graduate from School after Typhoon Yolanda Mula sa https://www.adb.org/news/photo-essays ng Asian Development Bank Hunyo 1, 2015 Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com) lOMoARcPSD|22118094
  • 5. (LEAD PHOTO) Nagsimula ngayon ang bagong taong-aralan sa Mababang Paaralan ng Bislig sa Lalawigan ng Leyte. Matapos humagupit ang bagyong Yolanda noong 2013, ang paaralan ay halos ganap nang nakabangon matapos makapagtapos ng unang klase pagkaraan ng trahedya. Ang kuwento ng batang si Honeylette Molina na nakaligtas sa pananalasa ng bagyo at nagkamit ng pinakamataas na karangalan sa klase ay nagpapakita na ang mga likas na kalamidad ay maaaring bumawi ng mga buhay, gumuho ng mga gusali at umagaw ng mga kabuhayan, ngunit hindi ng pagnanais na magtagumpay. (SCENE PHOTO) Nagtipon ang mga guro, mag-aaral at kani-kanilang pamilya sa nayon ng Bislig sa lalawigan ng Leyte para sa ika-63 Pagtatapos ng lokal na mababang paaralan. Ang mga tagpong tulad nito ay karaniwan na sa Pilipinas sa panahon ng mga pagtatapos. (SCENE PHOTO) Sa lalawigan ng Leyte, ang seremonya ng pagtatapos sa taong 2015 ay may natatanging kahalagahan. Ito ang unang klaseng nagtapos pagkaraan ng napakalakas na bagyong Yolanda na nanalasa sa gitnang Pilipinas noong Nobyembre, 2013. (PORTRAIT) Si Honeylette Molina, labintatlong taong gulang, ay isa sa mga batang nagtapos sa Bislig. Kasama ang kanyang ama at ina nang manalasa ang bagyo noong 2013. Muntik-muntikan na silang hindi nakaligtas. (DETAIL PHOTO) Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com) lOMoARcPSD|22118094
  • 6. Ang lokal na paaralan ay winasak ng bagyo. Ilang buwang nagklase sina Honeylette at ang kanyang mga kamag-aral sa mga pansamantalang silid- aralang nabububungan ng tolda, gamit ang mga sira- sirang silya at mesang naiwan ng bagyo, nang walang hugasan o palikuran. (CLOSE-UP PHOTO) Si Honeylette ang nagtapos nang may pinakamataas na karangalan. Napili siyang magtalumpati sa seremonya ng pagtatapos. Ipinapalagay iyong isang malaking karangalan. (DETAIL PHOTO) Dahil walang pasilidad ang paaralan na mapagdarausan ng seremonya, isang lokal na simbahan ang nagsisilbing lugar para sa okasyon. May animnapung bata, dalawampu’t walong lalaki at tatlumpu’t dalawang babae, ang nagtapos sa klase ng 2014-2015. (SIGNATURE PHOTO) Para sa paaralan, ang pagkakaroon ng konkreto at malalawak na silid-aralan na ipinatayo mula sa Japan Fund for PovertyReduction sa pamamahala ng ADB ang naging isang bagong simula. Para kina Honeylette at kanyang mga kaibigan, malaki ang naitulong ng mga silid na iyon. Ang kanilang tagumpay ngayon ay nagpapatunay lamang na ang isang mahirap na sitwasyon ay maaaring baguhin. (CLINCHER PHOTO) Patuloy ang muling pagpapatayo ng Mababang Paaralan ng Bisligat patuloy pa rin ang pagbangon ng lalawigan ng Leyte. Ngunit, katulad ng ipinakikitang kuwento ni Honeylette, ang landas tungo sa maaliwalas at matagumpay na bukas ay nakalatag na. Downloaded by Mary Grace (badolesmarygrace9@gmail.com) lOMoARcPSD|22118094