SlideShare a Scribd company logo
Alphonse B. Anunciacion, LPT
Teacher III, R. Soliman HS
Yunit 4: Mga Sektor Pang-Ekonomiya at
mga Patakarang Pang-Ekonomiya nito
Aralin 6: Ang Pilipinas
at ang Kalakalang Panlabas
Paksa: Pangunahing Konsepto ng
Kalakalang Panlabas
Balangkas ng Paksa
I. Kahulugan ng Kalakalang Panlabas
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
A. Absolute Advantage
ni Adam Smith
B. Comparative Advantage
ni David Ricardo
“No man is an island” ay isang tanyag na sipi na
nagpapaliwanag na kailangan ng tao ang kanyang
kapwa upang mabuhay ng masaya at may karamay sa
lahat ng pagkakataon. Ang tao bilang isang elemento ng
estado ay may malaking gampanin sa ating ekonomiya.
Ito ay nangangahulugan na ang bawat bansa sa
daigdig ay may ugnayang panlipunan, pampolitika at
higit sa lahat pang-ekonomiko sa tulong ng
pakikipagkalakan.
Ang pakikipagpalitan ng resources at mga
produkto’t serbisyo ng ating bansa sa ibang bukas na
ekonomiya ay tinatawag na kalakalang panlabas.
Maituturing na isang open economy, o isang ekono-
miyang may panlabas na sektor ang Pilipinas.
I. Kahulugan ng Kalakalang Panlabas
Kung babalikan ang iyong mga natutunan sa
paikot na daloy ng ekonomiya, ang panlabas na sektor
ang siyang nagluluwas (export) at nag-aangkat (import)
sa mga karatig nating bansa.
Pagluwas o export ang tawag sa pagbenta ng
ating bansa sa mga resources at produkto nito patungo
sa ibang bansa. Ang pag-angkat naman o import ay
nakatuon sa pagbili natin ng mga resources at produkto
mula sa iba pang mga bansa.
Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, mas
napabubuti ng bawat bansa ang ugnayan nito sa isa’t
isa sa kabila ng napakaming pagkakaiba. Karaniwang
nagluluwas tayo ng mga produktong agrikultural gaya
ng saging, mani, gulay, mga electronic parts, copper,
ginto at nickel.
I. Kahulugan ng Kalakalang Panlabas
Ayon sa datos ng Philippine
Statistics Authority, lumago ng 4.1% o
$598.72 million ang total external
trade ng bansa kumpara noong taong
2019. Ito ay nagpapakita na mas
naging aktibo ang ating ekonomiya sa
pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
Ang pagluluwas ng bansa ay
nagtamo rin ng 9.7% na pagtaas
($5,278.98 million - $5,788.77 million).
I. Kahulugan ng Kalakalang Panlabas
Bagamat lumago rin ang halaga ng mga produktong inaangkat ng bansa, ito ay
lumago lamang ng 1.0% ($9,199.08 million - $9,288.01 million). Ito ay may
magandang implikasyon sa bansa sapagkat ang balance of trade deficit ay lumiit ng
10.7% na nangangahulugan na mas tumaas ang halaga ng produktong ating
iniluwas kumpara sa inangkat noong nakaraang taon. Ang balance of trade ay ang
kaibahan ng halaga export sa import ng isang bukas na ekonomiya.
Ating matatandaan na ang pag-aaral ng Ekonomiks bilang
agham panlipunan ay nakatuon kung paano bibigyan ng katugunan
ang kakapusan. Ang mga sumusunod ay mga batayan sa pagsibol
at pag-iral ng kalakalang panlabas:
1. Hindi lahat ng mga bansa ay biniyayaan ng sagana at
iba’t ibang uri ng pinagkukunang yaman;
2. Walang hanggan ang needs at wants ng bawat bansa;
3. Pag-iral ng shortage at surplus sa lokal na pamilihan;
4. Magkakaiba ang halaga o presyo ng mga produkto ng
bawat ekonomiya dahil sa iba’t ibang mekanismo sa
produksyon nito.
5. Teorya ng absolute advantage ni Adam Smith; at
6. Teorya ng comparative advantage ni David Ricardo.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Adam Smith
David Ricardo
Hangad ng kalakalan na mapataas ang kabuuang produksyon ng mga
bansa sa pamamagitan ng episyenteng produksyon upang maibsan ang
negatibong epekto ng kakapusan.
Ang teorya ng absolute advantage ay nagpapaliwanag na may bentahe ang
isang bansa sa pagprodyus sa isang kalakal kung nakalilikha ito ng mas maraming
bilang ng produkto gamit ang mas kaunting salik ng produksyon kumpara sa ibang
bansa.
Ang isang bansa ay maaring magpokus sa paglikha o espesyalisasyon sa
produktong kinakitaan ng absolute advantage at bibili na lamang ng mga kalakal
kung saan nakararanas ito ng absolute disadvantage.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Talahanayan Blg. 1: Potensyal na Produksyon ng Saging at Baril
(Absolute Advantage)
Ipinapakita ng mga datos ang haypotetikal na dami ng saging at baril na
kayang gawin ng Pilipinas at Australia gamit ang lahat ng resources nito sa loob ng
isang taon. Kung ang Pilipinas ay magpopokus sa paglikha ng alinman sa dalawang
kalakal, ito ay makagagawa ng 9,000 kilo ng saging o 3,000 piraso ng baril.
Makagagawa naman ng 7,000 kilo ng saging o 6,000 na piraso na baril ang
bansang Australia. Kapansin-pansin na may absolute advantage ang Pilipinas sa
pagprodyus ng saging at paggawa ng baril naman ang sa Australia.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Bansa Saging Baril
Pilipinas 9,000 kilo 3,000 piraso
Australia 7,000 kilo 6,000 piraso
Kabuuan 16,000 kilo 9,000 piraso
Talahanayan Blg. 2: Dami ng Produksyon ng Saging at Baril
(Walang Kalakalan)
Batay sa Talahanayan Blg. 2, kung ang dalawang bansa ay maituturing na
closed economy o walang panlabas na sektor at hahatiin ng pantay ang kanilang
pinagkukunang yaman sa loob ng isang taon, ang dalawang ekonomiya ay
makalilikha lamang ng 8,000 kilo ng saging at 4,500 na piraso ng baril. Isang
katotohanan na hindi kayang maisakatuparan ng bawat bansa ang potensyal na
produksyon ng dalawang kalakal dahil sa konspeto ng trade-off at scarcity.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Bansa Saging Baril
Pilipinas 4,500 kilo 1,500 piraso
Australia 3,500 kilo 3,000 piraso
Kabuuan 8,000 kilo 4,500 piraso
Talahanayan Blg. 3: Dami ng Produksyon ng Saging at Baril
(May Kalakalan)
Sa tulong ng absolute advantage, kapansin-pansin ang naging paglago sa
kabuuang produksyon ng saging mula 8,000–9,000 kilo at 4,500-6,000 na piraso ng
baril dahil sa espesyalisasyon. Iluluwas ng Pilipinas ang sobra nitong saging
samantalang mag-aangkat naman ito ng baril mula sa Australia. Bagamat ang
bawat bansa ay may kanya-kanyang kasanayan at pamamaraan sa paglikha ng
kalakal, higit na napalago nito ang antas ng produksyon gamit ang parehong bilang
ng resources sa tulong ng kalakalan.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Bansa Saging Baril
Pilipinas 9,000 kilo -----
Australia ----- 6,000 piraso
Kabuuan 9,000 kilo 6,000 piraso
Ang konsepto ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay lalo pang
umunlad dahil sa pagsibol ng isa pang teorya sa kalakalan noong 18th century, ang
comparative advantage ng isang British economist na si David Ricardo. Ayon sa
kanya, hindi kailangang magkaroon ang isang bansa ng absolute advantage sa
pagprodyus ng isang produkto.
Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag na ang isang bansa ay may bentahe
kapag mas maliit ang opportunity cost nito sa paglikha ng isang kalakal. Ang
opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na isinakripisyo sa
bawat paggawa ng desisyon.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Talahanayan Blg. 4: Potensyal na Produksyon ng Saging at Baril
(Comparative Advantage)
Ipagpalagay natin na ang Pilipinas ang may absolute advantage sa paggawa
ng parehong produkto batay sa bagong datos. Magkakaroon pa ba ng kalakalan sa
pagitan ng dalawang bansa?
Bagamat nasa ating bansa ang bentahe, may basehan pa rin sa malayang
kalakalan sa pamamagitan ng pagkompyut sa opportunity cost sa bawat produkto
ng dalawang bansa.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Bansa Saging Baril
Pilipinas 9,000 kilo 6,400 piraso
Australia 7,000 kilo 6,000 piraso
Kabuuan 16,000 kilo 12,400 piraso
Talahanayan Blg. 5: Opportunity Cost sa Produksyon ng Saging at Baril
(Comparative Advantage)
Sa tulong ng pagkuha ng reciprocal sa dalawang produkto ng bawat bansa,
natukoy natin ang opportunity costs ng mga ito. Ang bansang nakakuha ng mas
maliit na puntos sa bawat produkto ay ang magiging batayan sa kung aling
produkto ang lilikhain.
Para sa produktong saging, ang Pilipinas ay may comparative advantage
kumpara sa Australia (0.71<0.86) samantalang sa paggawa naman ng baril ang
Australia ay may bentahe naman sa Pilipinas (1.17<1.41).
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Bansa Saging Baril
Pilipinas 6,400/9,000 = 0.71 9,000/6,400 = 1.41
Australia 6,000/7,000 = 0.86 7,000/6,000 = 1.17
Talahanayan Blg. 6: Dami ng Produksyon ng Saging at Baril
(Walang Kalakalan)
Batay sa mga datos, kung ang dalawang bansa ay mas nanaisin na hindi
makipagkalakalan sa isa’t isa. Gagamitin nila ang kanilang mga limitadong yaman
upang makalikha ng kanya-kanyang mga produkto. Ang dalawang bansa ay
makalilikha lamang ng kabuuang 8,000 kilo ng saging at 6,200 na piraso ng baril.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Bansa Saging Baril
Pilipinas 4,500 kilo 3,200 piraso
Australia 3,500 kilo 3,000 piraso
Kabuuan 8,000 kilo 6,200 piraso
Talahanayan Blg. 7: Dami ng Produksyon ng Saging at Baril
(May Kalakalan)
Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 7, naitala ang paglago sa antas ng
produksyon ng saging mula 8,000–9,000 kilo ngunit lumiit ng bahagya ang
produksyon ng baril mula 6,200-6,000 na piraso dahil sa espesyalisasyon. Sa
tulong ng comparative advantage, masasabing ang parehong bansa ay
matagumpay sa kalakalan sa kabila ng pagliit sa produksyon ng baril dahil mas
malaki pa rin ang bahagdan ng itinaas ng produksyon ng saging kumpara sa
ibinaba sa produksyon ng baril.
II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
Bansa Saging Baril
Pilipinas 9,000 kilo -----
Australia ----- 6,000 piraso
Kabuuan 9,000 kilo 6,000 piraso
“Ang pagkakaroon ng unawaan at tiwala sa
pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng
malayang kalakalan ay nakapagpapalago sa
antas ng produksyon tungo sa pagtatamo ng
pandaigdigang kaunlaran.”
Ngayong alam mo na ang konsepto ng kalakalan at
ang mga batayan kung bakit ito umiiral sa daigdig,
susubukan naman nating malaman ang mga posibleng
epekto nito sa ating bansa partikular sa mga prodyuser at
konsyumer na tulad mo.
Halina’t mas paunlarin pa ang iyong pagkatuto! Tara
na at maghanda sa susunod na paksa.
1. Ekonomiks 9 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral.
(2016)
2. Balitao, B. R. et al. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at
Aplikasyon. Quezon City. Vibal Publishing Inc.
3. Pugel, Thomas A. (2009). International Economics. 17th edition.
Boston. McGraw-Hill
4.www.psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import-
statistics-january-2020
Sanggunian:

More Related Content

What's hot

MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng PamahalaanMELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
Rivera Arnel
 
Aralin 25 kalakalang panlabas
Aralin 25 kalakalang panlabasAralin 25 kalakalang panlabas
Aralin 25 kalakalang panlabas
Rivera Arnel
 
Aralin 1 pagkompyut ng gnp
Aralin 1 pagkompyut ng gnpAralin 1 pagkompyut ng gnp
Aralin 1 pagkompyut ng gnp
Thelma Singson
 
Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand ...
Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand ...Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand ...
Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand ...
Victoria Superal
 
Supply
SupplySupply
Ang ating pambansang kaunlaran
Ang ating pambansang kaunlaranAng ating pambansang kaunlaran
Ang ating pambansang kaunlaran
Alice Bernardo
 
Aralin 3. UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Aralin 3. UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMOAralin 3. UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Aralin 3. UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
JENELOUH SIOCO
 
Session 6 day1 alokasyon
Session 6 day1 alokasyonSession 6 day1 alokasyon
Session 6 day1 alokasyon
Rhine Ayson, LPT
 
Impormal na-sektor-for-presentation-inset
Impormal na-sektor-for-presentation-insetImpormal na-sektor-for-presentation-inset
Impormal na-sektor-for-presentation-inset
LGH Marathon
 
Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at Tungkulin
Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at TungkulinAng Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at Tungkulin
Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at Tungkulin
Antonio Delgado
 
Aralin 5 - Pagkonsumo
Aralin 5 - PagkonsumoAralin 5 - Pagkonsumo
Aralin 5 - Pagkonsumo
Jaja Manalaysay-Cruz
 
Aralin 16 pagkalahatang kita, pagkonsumo at pag-iipon
Aralin 16 pagkalahatang kita, pagkonsumo at pag-iiponAralin 16 pagkalahatang kita, pagkonsumo at pag-iipon
Aralin 16 pagkalahatang kita, pagkonsumo at pag-iipon
Rivera Arnel
 
Elastisidad ng Demand
Elastisidad ng DemandElastisidad ng Demand
Elastisidad ng Demand
Paulene Gacusan
 
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - PagbubuwisPatakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
tinna_0605
 
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumoMga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumovhiemejia031095
 
Aralin 15 produksiyon at kita ng pambansang ekonomiya
Aralin 15 produksiyon at kita ng pambansang ekonomiyaAralin 15 produksiyon at kita ng pambansang ekonomiya
Aralin 15 produksiyon at kita ng pambansang ekonomiya
Rivera Arnel
 
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang KaunlaranMELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Rivera Arnel
 
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demandAralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Charles Banaag
 
Mga Patakarang Pang-Ekonomiya ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Mga Patakarang Pang-Ekonomiya ng Pilipinas sa Kalakalang PanlabasMga Patakarang Pang-Ekonomiya ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Mga Patakarang Pang-Ekonomiya ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
alphonseanunciacion
 
Pambansang kita By Group 1 (10-OHSP)
Pambansang kita By Group 1 (10-OHSP)Pambansang kita By Group 1 (10-OHSP)
Pambansang kita By Group 1 (10-OHSP)
Farah Mae Cristobal
 

What's hot (20)

MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng PamahalaanMELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
MELC_Aralin 11-Ugnayan ng Pamilihan at ng Pamahalaan
 
Aralin 25 kalakalang panlabas
Aralin 25 kalakalang panlabasAralin 25 kalakalang panlabas
Aralin 25 kalakalang panlabas
 
Aralin 1 pagkompyut ng gnp
Aralin 1 pagkompyut ng gnpAralin 1 pagkompyut ng gnp
Aralin 1 pagkompyut ng gnp
 
Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand ...
Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand ...Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand ...
Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand ...
 
Supply
SupplySupply
Supply
 
Ang ating pambansang kaunlaran
Ang ating pambansang kaunlaranAng ating pambansang kaunlaran
Ang ating pambansang kaunlaran
 
Aralin 3. UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Aralin 3. UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMOAralin 3. UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
Aralin 3. UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
 
Session 6 day1 alokasyon
Session 6 day1 alokasyonSession 6 day1 alokasyon
Session 6 day1 alokasyon
 
Impormal na-sektor-for-presentation-inset
Impormal na-sektor-for-presentation-insetImpormal na-sektor-for-presentation-inset
Impormal na-sektor-for-presentation-inset
 
Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at Tungkulin
Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at TungkulinAng Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at Tungkulin
Ang Konsyumer/Mamimili: Mga Katangian, Karapatan at Tungkulin
 
Aralin 5 - Pagkonsumo
Aralin 5 - PagkonsumoAralin 5 - Pagkonsumo
Aralin 5 - Pagkonsumo
 
Aralin 16 pagkalahatang kita, pagkonsumo at pag-iipon
Aralin 16 pagkalahatang kita, pagkonsumo at pag-iiponAralin 16 pagkalahatang kita, pagkonsumo at pag-iipon
Aralin 16 pagkalahatang kita, pagkonsumo at pag-iipon
 
Elastisidad ng Demand
Elastisidad ng DemandElastisidad ng Demand
Elastisidad ng Demand
 
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - PagbubuwisPatakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
 
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumoMga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
 
Aralin 15 produksiyon at kita ng pambansang ekonomiya
Aralin 15 produksiyon at kita ng pambansang ekonomiyaAralin 15 produksiyon at kita ng pambansang ekonomiya
Aralin 15 produksiyon at kita ng pambansang ekonomiya
 
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang KaunlaranMELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
 
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demandAralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
Aralin Panlipunan 9 - Price elasticity ng demand
 
Mga Patakarang Pang-Ekonomiya ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Mga Patakarang Pang-Ekonomiya ng Pilipinas sa Kalakalang PanlabasMga Patakarang Pang-Ekonomiya ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Mga Patakarang Pang-Ekonomiya ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
 
Pambansang kita By Group 1 (10-OHSP)
Pambansang kita By Group 1 (10-OHSP)Pambansang kita By Group 1 (10-OHSP)
Pambansang kita By Group 1 (10-OHSP)
 

More from alphonseanunciacion

M2 A1 Demand
M2 A1   DemandM2 A1   Demand
M2 A1 Demand
alphonseanunciacion
 
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Mga Salik na Nakaaapekto sa DemandMga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
alphonseanunciacion
 
M1 A5 pagkonsumo
M1 A5   pagkonsumoM1 A5   pagkonsumo
M1 A5 pagkonsumo
alphonseanunciacion
 
M1 A6 Produksyon
M1 A6   ProduksyonM1 A6   Produksyon
M1 A6 Produksyon
alphonseanunciacion
 
M1 A4 Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
M1 A4   Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaM1 A4   Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
M1 A4 Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
alphonseanunciacion
 
M1 A3 Pangangailangan at Kagustuhan
M1 A3   Pangangailangan at KagustuhanM1 A3   Pangangailangan at Kagustuhan
M1 A3 Pangangailangan at Kagustuhan
alphonseanunciacion
 
M1 A2 Ang Konsepto ng Kakapusan
M1 A2   Ang Konsepto ng KakapusanM1 A2   Ang Konsepto ng Kakapusan
M1 A2 Ang Konsepto ng Kakapusan
alphonseanunciacion
 
M1 A1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
M1 A1   Kahulugan at Kahalagahan ng EkonomiksM1 A1   Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
M1 A1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
alphonseanunciacion
 
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang PanlabasEpekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
alphonseanunciacion
 
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
kahulugan at kahalagahan ng ekonomikskahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
alphonseanunciacion
 

More from alphonseanunciacion (10)

M2 A1 Demand
M2 A1   DemandM2 A1   Demand
M2 A1 Demand
 
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Mga Salik na Nakaaapekto sa DemandMga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
 
M1 A5 pagkonsumo
M1 A5   pagkonsumoM1 A5   pagkonsumo
M1 A5 pagkonsumo
 
M1 A6 Produksyon
M1 A6   ProduksyonM1 A6   Produksyon
M1 A6 Produksyon
 
M1 A4 Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
M1 A4   Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaM1 A4   Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
M1 A4 Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
 
M1 A3 Pangangailangan at Kagustuhan
M1 A3   Pangangailangan at KagustuhanM1 A3   Pangangailangan at Kagustuhan
M1 A3 Pangangailangan at Kagustuhan
 
M1 A2 Ang Konsepto ng Kakapusan
M1 A2   Ang Konsepto ng KakapusanM1 A2   Ang Konsepto ng Kakapusan
M1 A2 Ang Konsepto ng Kakapusan
 
M1 A1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
M1 A1   Kahulugan at Kahalagahan ng EkonomiksM1 A1   Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
M1 A1 Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
 
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang PanlabasEpekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
 
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
kahulugan at kahalagahan ng ekonomikskahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
 

Pangunahing Konsepto ng Kalakalang Panlabas

  • 1. Alphonse B. Anunciacion, LPT Teacher III, R. Soliman HS Yunit 4: Mga Sektor Pang-Ekonomiya at mga Patakarang Pang-Ekonomiya nito Aralin 6: Ang Pilipinas at ang Kalakalang Panlabas Paksa: Pangunahing Konsepto ng Kalakalang Panlabas
  • 2. Balangkas ng Paksa I. Kahulugan ng Kalakalang Panlabas II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan A. Absolute Advantage ni Adam Smith B. Comparative Advantage ni David Ricardo
  • 3. “No man is an island” ay isang tanyag na sipi na nagpapaliwanag na kailangan ng tao ang kanyang kapwa upang mabuhay ng masaya at may karamay sa lahat ng pagkakataon. Ang tao bilang isang elemento ng estado ay may malaking gampanin sa ating ekonomiya. Ito ay nangangahulugan na ang bawat bansa sa daigdig ay may ugnayang panlipunan, pampolitika at higit sa lahat pang-ekonomiko sa tulong ng pakikipagkalakan. Ang pakikipagpalitan ng resources at mga produkto’t serbisyo ng ating bansa sa ibang bukas na ekonomiya ay tinatawag na kalakalang panlabas. Maituturing na isang open economy, o isang ekono- miyang may panlabas na sektor ang Pilipinas. I. Kahulugan ng Kalakalang Panlabas
  • 4. Kung babalikan ang iyong mga natutunan sa paikot na daloy ng ekonomiya, ang panlabas na sektor ang siyang nagluluwas (export) at nag-aangkat (import) sa mga karatig nating bansa. Pagluwas o export ang tawag sa pagbenta ng ating bansa sa mga resources at produkto nito patungo sa ibang bansa. Ang pag-angkat naman o import ay nakatuon sa pagbili natin ng mga resources at produkto mula sa iba pang mga bansa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, mas napabubuti ng bawat bansa ang ugnayan nito sa isa’t isa sa kabila ng napakaming pagkakaiba. Karaniwang nagluluwas tayo ng mga produktong agrikultural gaya ng saging, mani, gulay, mga electronic parts, copper, ginto at nickel. I. Kahulugan ng Kalakalang Panlabas
  • 5. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, lumago ng 4.1% o $598.72 million ang total external trade ng bansa kumpara noong taong 2019. Ito ay nagpapakita na mas naging aktibo ang ating ekonomiya sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Ang pagluluwas ng bansa ay nagtamo rin ng 9.7% na pagtaas ($5,278.98 million - $5,788.77 million). I. Kahulugan ng Kalakalang Panlabas Bagamat lumago rin ang halaga ng mga produktong inaangkat ng bansa, ito ay lumago lamang ng 1.0% ($9,199.08 million - $9,288.01 million). Ito ay may magandang implikasyon sa bansa sapagkat ang balance of trade deficit ay lumiit ng 10.7% na nangangahulugan na mas tumaas ang halaga ng produktong ating iniluwas kumpara sa inangkat noong nakaraang taon. Ang balance of trade ay ang kaibahan ng halaga export sa import ng isang bukas na ekonomiya.
  • 6. Ating matatandaan na ang pag-aaral ng Ekonomiks bilang agham panlipunan ay nakatuon kung paano bibigyan ng katugunan ang kakapusan. Ang mga sumusunod ay mga batayan sa pagsibol at pag-iral ng kalakalang panlabas: 1. Hindi lahat ng mga bansa ay biniyayaan ng sagana at iba’t ibang uri ng pinagkukunang yaman; 2. Walang hanggan ang needs at wants ng bawat bansa; 3. Pag-iral ng shortage at surplus sa lokal na pamilihan; 4. Magkakaiba ang halaga o presyo ng mga produkto ng bawat ekonomiya dahil sa iba’t ibang mekanismo sa produksyon nito. 5. Teorya ng absolute advantage ni Adam Smith; at 6. Teorya ng comparative advantage ni David Ricardo. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan Adam Smith David Ricardo
  • 7. Hangad ng kalakalan na mapataas ang kabuuang produksyon ng mga bansa sa pamamagitan ng episyenteng produksyon upang maibsan ang negatibong epekto ng kakapusan. Ang teorya ng absolute advantage ay nagpapaliwanag na may bentahe ang isang bansa sa pagprodyus sa isang kalakal kung nakalilikha ito ng mas maraming bilang ng produkto gamit ang mas kaunting salik ng produksyon kumpara sa ibang bansa. Ang isang bansa ay maaring magpokus sa paglikha o espesyalisasyon sa produktong kinakitaan ng absolute advantage at bibili na lamang ng mga kalakal kung saan nakararanas ito ng absolute disadvantage. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
  • 8. Talahanayan Blg. 1: Potensyal na Produksyon ng Saging at Baril (Absolute Advantage) Ipinapakita ng mga datos ang haypotetikal na dami ng saging at baril na kayang gawin ng Pilipinas at Australia gamit ang lahat ng resources nito sa loob ng isang taon. Kung ang Pilipinas ay magpopokus sa paglikha ng alinman sa dalawang kalakal, ito ay makagagawa ng 9,000 kilo ng saging o 3,000 piraso ng baril. Makagagawa naman ng 7,000 kilo ng saging o 6,000 na piraso na baril ang bansang Australia. Kapansin-pansin na may absolute advantage ang Pilipinas sa pagprodyus ng saging at paggawa ng baril naman ang sa Australia. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan Bansa Saging Baril Pilipinas 9,000 kilo 3,000 piraso Australia 7,000 kilo 6,000 piraso Kabuuan 16,000 kilo 9,000 piraso
  • 9. Talahanayan Blg. 2: Dami ng Produksyon ng Saging at Baril (Walang Kalakalan) Batay sa Talahanayan Blg. 2, kung ang dalawang bansa ay maituturing na closed economy o walang panlabas na sektor at hahatiin ng pantay ang kanilang pinagkukunang yaman sa loob ng isang taon, ang dalawang ekonomiya ay makalilikha lamang ng 8,000 kilo ng saging at 4,500 na piraso ng baril. Isang katotohanan na hindi kayang maisakatuparan ng bawat bansa ang potensyal na produksyon ng dalawang kalakal dahil sa konspeto ng trade-off at scarcity. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan Bansa Saging Baril Pilipinas 4,500 kilo 1,500 piraso Australia 3,500 kilo 3,000 piraso Kabuuan 8,000 kilo 4,500 piraso
  • 10. Talahanayan Blg. 3: Dami ng Produksyon ng Saging at Baril (May Kalakalan) Sa tulong ng absolute advantage, kapansin-pansin ang naging paglago sa kabuuang produksyon ng saging mula 8,000–9,000 kilo at 4,500-6,000 na piraso ng baril dahil sa espesyalisasyon. Iluluwas ng Pilipinas ang sobra nitong saging samantalang mag-aangkat naman ito ng baril mula sa Australia. Bagamat ang bawat bansa ay may kanya-kanyang kasanayan at pamamaraan sa paglikha ng kalakal, higit na napalago nito ang antas ng produksyon gamit ang parehong bilang ng resources sa tulong ng kalakalan. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan Bansa Saging Baril Pilipinas 9,000 kilo ----- Australia ----- 6,000 piraso Kabuuan 9,000 kilo 6,000 piraso
  • 11. Ang konsepto ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay lalo pang umunlad dahil sa pagsibol ng isa pang teorya sa kalakalan noong 18th century, ang comparative advantage ng isang British economist na si David Ricardo. Ayon sa kanya, hindi kailangang magkaroon ang isang bansa ng absolute advantage sa pagprodyus ng isang produkto. Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag na ang isang bansa ay may bentahe kapag mas maliit ang opportunity cost nito sa paglikha ng isang kalakal. Ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na isinakripisyo sa bawat paggawa ng desisyon. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan
  • 12. Talahanayan Blg. 4: Potensyal na Produksyon ng Saging at Baril (Comparative Advantage) Ipagpalagay natin na ang Pilipinas ang may absolute advantage sa paggawa ng parehong produkto batay sa bagong datos. Magkakaroon pa ba ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa? Bagamat nasa ating bansa ang bentahe, may basehan pa rin sa malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagkompyut sa opportunity cost sa bawat produkto ng dalawang bansa. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan Bansa Saging Baril Pilipinas 9,000 kilo 6,400 piraso Australia 7,000 kilo 6,000 piraso Kabuuan 16,000 kilo 12,400 piraso
  • 13. Talahanayan Blg. 5: Opportunity Cost sa Produksyon ng Saging at Baril (Comparative Advantage) Sa tulong ng pagkuha ng reciprocal sa dalawang produkto ng bawat bansa, natukoy natin ang opportunity costs ng mga ito. Ang bansang nakakuha ng mas maliit na puntos sa bawat produkto ay ang magiging batayan sa kung aling produkto ang lilikhain. Para sa produktong saging, ang Pilipinas ay may comparative advantage kumpara sa Australia (0.71<0.86) samantalang sa paggawa naman ng baril ang Australia ay may bentahe naman sa Pilipinas (1.17<1.41). II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan Bansa Saging Baril Pilipinas 6,400/9,000 = 0.71 9,000/6,400 = 1.41 Australia 6,000/7,000 = 0.86 7,000/6,000 = 1.17
  • 14. Talahanayan Blg. 6: Dami ng Produksyon ng Saging at Baril (Walang Kalakalan) Batay sa mga datos, kung ang dalawang bansa ay mas nanaisin na hindi makipagkalakalan sa isa’t isa. Gagamitin nila ang kanilang mga limitadong yaman upang makalikha ng kanya-kanyang mga produkto. Ang dalawang bansa ay makalilikha lamang ng kabuuang 8,000 kilo ng saging at 6,200 na piraso ng baril. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan Bansa Saging Baril Pilipinas 4,500 kilo 3,200 piraso Australia 3,500 kilo 3,000 piraso Kabuuan 8,000 kilo 6,200 piraso
  • 15. Talahanayan Blg. 7: Dami ng Produksyon ng Saging at Baril (May Kalakalan) Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 7, naitala ang paglago sa antas ng produksyon ng saging mula 8,000–9,000 kilo ngunit lumiit ng bahagya ang produksyon ng baril mula 6,200-6,000 na piraso dahil sa espesyalisasyon. Sa tulong ng comparative advantage, masasabing ang parehong bansa ay matagumpay sa kalakalan sa kabila ng pagliit sa produksyon ng baril dahil mas malaki pa rin ang bahagdan ng itinaas ng produksyon ng saging kumpara sa ibinaba sa produksyon ng baril. II. Mga Batayan sa Pakikipagkalakalan Bansa Saging Baril Pilipinas 9,000 kilo ----- Australia ----- 6,000 piraso Kabuuan 9,000 kilo 6,000 piraso
  • 16. “Ang pagkakaroon ng unawaan at tiwala sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng malayang kalakalan ay nakapagpapalago sa antas ng produksyon tungo sa pagtatamo ng pandaigdigang kaunlaran.” Ngayong alam mo na ang konsepto ng kalakalan at ang mga batayan kung bakit ito umiiral sa daigdig, susubukan naman nating malaman ang mga posibleng epekto nito sa ating bansa partikular sa mga prodyuser at konsyumer na tulad mo. Halina’t mas paunlarin pa ang iyong pagkatuto! Tara na at maghanda sa susunod na paksa.
  • 17. 1. Ekonomiks 9 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral. (2016) 2. Balitao, B. R. et al. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City. Vibal Publishing Inc. 3. Pugel, Thomas A. (2009). International Economics. 17th edition. Boston. McGraw-Hill 4.www.psa.gov.ph/content/highlights-philippine-export-and-import- statistics-january-2020 Sanggunian: