Ang araling panlipunan ay isang katagang naglalarawan sa isang malawak na mga pag-aaral sa iba't ibang larangan na kinakasangkutan ng nakaraan at kasalukuyang pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao
2. Mga Pangkat-Etniko sa Asya
Ang malawak na lupain ng Asya ay pinaninirahan at
katatagpuan ng iba’t ibang pangkat-etniko. Ang mga pangkat-
etnikong ito ay may kanya-kanyang katangiang pisikal at
paraan ng pamumuhay. Sila ay gumawa ng mga angkop na
pakikibagay sa kani-kanilang kapaligirang kinaroroonan.
Nakayanan nilang mamuhay sa uri ng klima sa kanilang lugar.
Nakalikha sila ng mga bagay at paraan ng ikabubuhay na
nagbigay daan sa paglinang nila ng sariling kultura. Sa
pagdaraan ng panahon, naapektuhan ng mga pagbabago ang
kanilang pamumuhay dala ng pag-usbong ng mga bagong uri
ng kultura, paghina ng tradisyonal na kultura at pagsasanib ng
mga kultura. Sila ay bahagi ng yamang tao sa Asya.
3. Ano nga ba ang pangkat etniko? Bakit sila
itinuturing na yamang tao ng isang bansa?
Ang pangkat-etniko ay grupo ng mga tao na may kulturang kakaiba sa ibang
grupo ng mga tao. Nakabuo ito ng sariling wika at sariling mga kaugalian at
tradisyon. Sila ay nagmula sa iba’t ibang lahi- Caucasoid o puti, Mongoloid o
dilaw at Negroid o itim. May kanya-kanya silang pagkakakilanlan. Ang mga
pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay grupo ng mga mamamayang
naiiba sa nakalalaking bahagi ng populasyon ng bawat bansa. Naiiba sila sa
wika,uri ng pamumuhay,relihiyon,kaugalian,kasanayan at gawing
panlipunan. Ang mga ito ang bumubuo ng kanilang identidad o
pagkakakilanlan.
Sa ilang bansa sa Asya, may maliliit na pangkat na kakaiba ang kultura sa
karaniwang kultura ng nakararaming tao ng bansa. Sila ang itinuturing
minoryang kultural. Mas maliit ang kanilang bilang kung ihahambing sa
bilang ng mayoryang grupo, kung kaya ang pagturing sa kanila ng
nakararami ay mas mababa.
May Iba’t ibang pangkat-etniko sa mga rehiyon ng Asya. Tingnan sa
talahanayan ang mga pangkat etnikong ito sa susunod na pahina.
4. Ang Paglinang ng Wika Tungo sa
Paghubog ng Kultura ng mga Asyano.
Ang wika ay bahagi ng kultura ng tao. Ito ang isa sa malinaw na palatandaan
ng kultura ng isang bansa. Ang wika bilang kultura ay kolektibong yaman ng
karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kanyang kasaysayan. Sa
isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya
itong angkinin at ipagmalaki. Parang hininga ang wika. Sa bawat sandai ng
buhay ng mga tao ay hindi mawawala ang wika. Palatandaan na Malaki ang
pakakaiba ng mga tao sa hayop. Ito ang daan upang ang mga tao ay
magkaroon ng kakayahan umugnay sa kapwa. Sa bawat pangangailangan ng
mga tao, gumagamit ng wika upang makamtan ang pangangailangan: kung
nagugutom,humihingi ng pagkain ; kung nasusugatan, dumadaing upang
mabigyan ng panlunas. Sa pamamagitan ng wika, naipaaabot ng mga tao ang
kanilang damdamin,kagustuhan,asal, at tradisyon kanilang kapwa.
5. Karugtong:
Wika ang naging susi sa pakikitungo at pakikipagugnayan ng iba-ibang
grupo ng mga tao sa Asya sa isa’t isa . Sa pamamagitan ng wika, natutunan
ng mga Asyano ang mga Kwento, awit, dasal at iba-ibang kaalamang
nagpayaman sa kanilang buhay at kultura. Ang wika ay mahalaga sa buhay
ng Assyano Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, ang wika ay tulay ng
bawa’t isa sa kabihasnan at sa kanyang kaunlaran.
Ang wika siyang nagbibigay ng ugnayan o instrument ng mga Asyano sa
kanyang mga kalahi at kapatiran. Dahil ditto nabubuklod ang mga bansa sa
Asya. Walang pagpapalitan ng kaisipan at walang pagkakaisa ang mga
Asyano sa kanilang bansa at sa ibang bansa kung wala ang wika: pagsulat o
pagsalita man. Nabubuklod ang bayan at ang mga mamamayan dahil sa
wika. Maaaring gamitin ang wika sa pakikihamok,
pakikipaglaban,pagpapahalaga at pagtitipon.
Ang wika ng tao ay masistema dinamiko at maproseso. Ito ang instrumento
ng tao sa kanyang lipunan upang siya ay umunlad nang may karunungan.
6. Rehiyon sa Asya at Pangkat-Etniko nito.
Silangang Asya
Timog Asya
Timog-Silangang Asya
Kanlurang Asya
Hilagang Asya
HanTsino,Tibetan,Uyghur,Mongol,Manchu,Miao,C
huang,Tujia,Uzbeck,Hui,Yamato,Ainu,Ryukyuan,Bu
rakumin at madami pang iba…..
Daravidian,Bengali,Lepcha,Bhutia,Hindu,Parbatiya,
Newars,Bhutanese,Sinhalese,Tamil,Dhiveli,IndoAry
an,Indian,Arab,Malay,African,Lhotsampas.
Shan,Karen,Kachin,Burman,Achang,Padaung,Kaya
h,Miao,Man,Thai at marami pang iba….
Turk,Arab,Afghan,Jew,Farian,Kurd,Assyrian,Iraqi,T
urkmen,Persian,Baktiari,Lurs,Oashari,Shahsavan,K
uwaiti,Pashtun,Hazara,Aimak,BalochBahraini.
Turbic,Tajik,Uzbec,Kazakh,Kirgyz,Turkmeni,Karak
alpak,Azeri,Dagestani,Russian,Armenia
7. Karugtong :
Naniniwala si Gottfried Wilhelm Leibniz,isang pilosopong Aleman noong
ika-18 siglo, na nagmula ang lahat ng wika sa daigdig sa iisang sinaunang
wika. Ngunit maaring sabay-sabay na lumitaw ang ilang sinaunang wika. At
dahil sa pagpangkat-pangkat at paghiwalayhiwalay ng mga pangkat na iyon,
nagkaroon ng pagbabago ang kani-kanilang wika sa bikabularyo,tunog at
estruktura. At kapagnagkaroon na ng napakaramingpagbabago ang isang
wika, naging lubos nang ibang wika ito sa dating wikang pinagmulan. Ayon
sa mga eksperto,lumitaw ang unang wikang modern mga 40,000 hanggang
30,000 taon sa panahon ng mga modernong Homo sapiens, na may mas
malaking utak at bokadorang nababagay sa pagsalita.
8. Wakas
Created by: Carmela Cui
Leader: Kristine Vergara
Assistant L. : Carmela Cui
Member: Jannus Susi Arrianne Galang
Celine Ayo Michael
Beatriz Deloso Vithina Defeo