Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Likas na Yaman ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Heograpiya ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga hangganan, paniniwala, rehiyon at klima ng Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Likas na Yaman ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Heograpiya ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga hangganan, paniniwala, rehiyon at klima ng Asya.
2. Hilagang Asya
• Ang teritoryong sinasaklaw ng Hilagang Asya
ay tinatakda ng dating Union Soviet Socialists
Republics (USSR) mula ng mabuo ito noong
1922 hanggang sa pagkabuwag nito noong
1991. Ang Hilagang Asya ay tinatawag ding
Soviet Asia. Ang mga bansang bumubuo nito
ay Uzbekistan, Tajikistan, Kyrgyzstan,
Kazakhstan, Turkmenistan at Siberia (rehiyon
ng Russia).
3. Uzbekistan
• Kabuuang sukat – 447 400 km kuwadrado
• Kabisera – Tashkent
• Yunit ng Salapi – Uzbek Som
• Ang bansang ito ay isang bansang landlocked.
• Binansagan itong “Land of White Gold” dahil kilala
ang bansang ito bilang ika-6 na pinakamalaking
prodyuser at ikalawang pinakamalaking
tagapagluwas ng bulak sa buong mundo.
• Ang Uzbekistan ay mabundok at bahagyang tigang
na damuhan.
4.
5. Turkmenistan
• Kabuuang sukat – 488 100 km kuwadrado
• Kabisera – Ashgabat
• Yunit ng Salapi – Turkmenistan manat
• Tinaguriang “Land of the Desert Horsemen”
dahil 80% ng kabuuang lupain ng bansang ito
ay nababalutan ng Kara Kum Desert
(Garagum) at tradisyonal na gumagamit ng
mga kabayo ang mga mamamayan bilang
pangunahing sistemang pantransportasyon.
6.
7. Kazakhstan
• Kabuuang sukat – 2 724 900 km kuwadrado
• Kabisera – Astana
• Yunit ng Salapi – Tenge
• Ika-9 na pinakamalaking bansa sa mundo.
• “Land of Free Wanderers”
• Ang pangalang Kazakhstan ay hango sa mga
nangungunang mamamayang etnikong Kazakh na
naninirahan sa bansa. Ang Kazakh ay hango sa
lumang terminong Turkic na nangangahulugang
“malaya” na tumutukoy sa kulturang
pangangabayong nomadiko sa mga sinaunang
mamamayan dito.
8.
9. Kyrgyzstan (Kyrgyz Republic)
• Kabuuang sukat – 199 951 km kuwadrado
• Kabisera – Bishkek
• Yunit ng Salapi – Som
• “Land of Celestial Mountains” dahil 10% lamang
mga mababang kabundukan sa kabuuan. Ang
bansang ito ay mabundok at 3% ng lupain ay
nababalutan ng permanenteng niyebe at glaciers.
• Nagmula ang pangalang Kyrgyzstan sa terminong
Turkic na Kyrgyz na nangangahulugang
“immortal”.
10.
11. Tajikistan
• Kabuuang sukat – 143 100 km kuwadrado
• Kabisera – Dushanbe
• Yunit ng Salapi – Somoni
• “Land of the Tajiks”
• Pinakamaliit na bansa sa Hilagang Asya. Ang
Tajikistan ay sumasaklaw sa halos 93% na
kabundukan ng kabuuang lupain nito.
• Ang bansang ito ay nasa Eurasian Tectonic Plate
at hindi malayo sa hilaga nito ay ang Indian
Tectonic Plate na nagbubunga ng paggalaw at
paglindol.
12.
13. Siberia
• Ito ay bahaging Asya ng Russia.
• Sinasaklaw ng Siberia ang 77% ng kabuuang lupain
ng Russia sa sukat na 13.1 M km kuwadrado (16 377
742 km kuwadrado – Russia).
• “Land of Ice and Tears” – mahaba at matinding
taglamig na karaniwang umaabot hanggang below
freezing point.
• Isa sa pinakamalamig na bahagi sa mundo. Tuwing
Hunyo, halos 19 oras sumisikat ang araw. Kapag
Disyembre, halos 5 oras lamang na liwanag ang
nararanasan.