Paghahambing
Layunin:
 Nagagamit ang paghahambing sa
pagbuo ng alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan
(eupemistikong pahayag).
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. _________ng palay, naging mainam na
hanapbuhay ang pagtatanim ng mangga
sa Guimaras.
a. Kasing c.Katulad
b.Kapwa d.Higit
2. Sa pangungusap na “ Mayaman ang
kultura ng mga Pilipino na minana pa
nila sa kanilang mga ninuno.”, ano ang
salitang naglalarawan o pang-uri?
a. kultura c.Pilipino
b.mayaman d.minana
3. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng naglalarawang
pasahol?
a. kapwa maganda
b. mas maganda
c. di-gaanong maganda
d. parehong maganda
4. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng naglalarawang
palamang?
a. kapwa maganda
b. mas maganda
c. di-gaanong maganda
d. parehong maganda
5. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita kung ang
inilalarawan ay magkatulad?
a. higit
b. mas
c. di-gaano
d. pareho
PAGHAHAMBING
Ito ay paglalarawan ng antas o lebel
ng katangian ng tao, bagay, hayop,
ideya o pangyayari.
Pang-uring pahambing ang tawag sa
pang-uri na ginamit sa paglalarawan
2 Uri ng Paghahambing
Hambingang
Magkatulad
Hambingang
Di-
Magkatulad
1. Hambingang Magkatulad
Ito ay paghahambing ng
dalawang tao, bagay,
hayop, ideya o
pangyayari na may
magkatulad,pareho o
timbang na katangian.
Ginagamit ang salitang kapwa at pareho
Halimbawa: kapwa maganda, parehong
matalino
Ginagamit ang mga panlaping sing-,
kasing-, magsing-, magkasing-,ga-
Halimbawa: singhusay, kasingganda,
magsintaas, magkasingyaman,gamunggo
Tandaan na gagamitin ang sim, kasim,
magsim at magkasim sa unahan kapag
ang salitang ugat ay nag-uumpisa sa titik
p at b.
Halimbawa nito ay simputi,
kasimbango, magsimbait at
magkasimpait.
Samantala, gagamitin naman natin
ang sin, kasin, magsin at magkasin
kung ang salitang ugat ay nag-
uumpisa sa titik d, l, r, s, t.
Halimbawang salita ay
sindami, kasinlapad,
magsinsama at
magkasintalino.
Panghuli, gagamitin natin ang sing,
kasing, magsing at magkasing sa mga
salitang- ugat na nag- uumpisa sa mga
natitirang titik.
Tandaan lamang na kapag ang salitang-
ugat ay nag- uumpisa sa patinig (a, e, i,
o, u) gagamitan natin ng gitling.
Halimbawa ng salita ay singgaling,
kasing- alat, magsingganda at
magkasinghalimuyak.
2. Hambingang Di-Magkatulad
 Ang pinaghahambing na dalawang tao, bagay,
hayop, ideya o pangyayari ay di-
magkatulad,di-pareho o di-patas ang
katangian.
 May 2 uri:
1. Hambingang Palamang
2. Hambingang Pasahol
1. Hambingang Palamang
Kapag malaki o mataas ang uri/katangian
ng inihahambing sa pinaghahambingan
Ginagamit ang mga salitang mas o higit
Halimbawa: mas matalino, higit na
malaki
2. Hambingang Pasahol
Kapag maliit o mababa ang uri/katangian
ng inihahambing sa pinaghahambingan
Ginagamit ang mga salitang di-gasino,
di-gaano, di-lubha
Halimbawa: di gaanong malaki, di-
lubhang palakibo, di-gasinong makisig
Gamitin ang paghahambing sa pagbuo ng
alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan. Gumamit ng pahayag eupimistiko.
Halimbawa:
Tulad ng isang taong pantay na ang paa
Ang mga adhikaing hindi sinamahan ng sipag
at tiyaga.
Maraming
Salamat!

paghahambing.pptx

  • 1.
  • 2.
    Layunin:  Nagagamit angpaghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag).
  • 3.
    Piliin ang titikng tamang sagot. 1. _________ng palay, naging mainam na hanapbuhay ang pagtatanim ng mangga sa Guimaras. a. Kasing c.Katulad b.Kapwa d.Higit
  • 4.
    2. Sa pangungusapna “ Mayaman ang kultura ng mga Pilipino na minana pa nila sa kanilang mga ninuno.”, ano ang salitang naglalarawan o pang-uri? a. kultura c.Pilipino b.mayaman d.minana
  • 5.
    3. Alin samga sumusunod ang nagpapakita ng naglalarawang pasahol? a. kapwa maganda b. mas maganda c. di-gaanong maganda d. parehong maganda
  • 6.
    4. Alin samga sumusunod ang nagpapakita ng naglalarawang palamang? a. kapwa maganda b. mas maganda c. di-gaanong maganda d. parehong maganda
  • 7.
    5. Alin samga sumusunod ang nagpapakita kung ang inilalarawan ay magkatulad? a. higit b. mas c. di-gaano d. pareho
  • 9.
    PAGHAHAMBING Ito ay paglalarawanng antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, hayop, ideya o pangyayari. Pang-uring pahambing ang tawag sa pang-uri na ginamit sa paglalarawan
  • 10.
    2 Uri ngPaghahambing Hambingang Magkatulad Hambingang Di- Magkatulad
  • 11.
    1. Hambingang Magkatulad Itoay paghahambing ng dalawang tao, bagay, hayop, ideya o pangyayari na may magkatulad,pareho o timbang na katangian.
  • 12.
    Ginagamit ang salitangkapwa at pareho Halimbawa: kapwa maganda, parehong matalino Ginagamit ang mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, magkasing-,ga- Halimbawa: singhusay, kasingganda, magsintaas, magkasingyaman,gamunggo
  • 13.
    Tandaan na gagamitinang sim, kasim, magsim at magkasim sa unahan kapag ang salitang ugat ay nag-uumpisa sa titik p at b. Halimbawa nito ay simputi, kasimbango, magsimbait at magkasimpait.
  • 14.
    Samantala, gagamitin namannatin ang sin, kasin, magsin at magkasin kung ang salitang ugat ay nag- uumpisa sa titik d, l, r, s, t. Halimbawang salita ay sindami, kasinlapad, magsinsama at magkasintalino.
  • 15.
    Panghuli, gagamitin natinang sing, kasing, magsing at magkasing sa mga salitang- ugat na nag- uumpisa sa mga natitirang titik. Tandaan lamang na kapag ang salitang- ugat ay nag- uumpisa sa patinig (a, e, i, o, u) gagamitan natin ng gitling. Halimbawa ng salita ay singgaling, kasing- alat, magsingganda at magkasinghalimuyak.
  • 16.
    2. Hambingang Di-Magkatulad Ang pinaghahambing na dalawang tao, bagay, hayop, ideya o pangyayari ay di- magkatulad,di-pareho o di-patas ang katangian.  May 2 uri: 1. Hambingang Palamang 2. Hambingang Pasahol
  • 17.
    1. Hambingang Palamang Kapagmalaki o mataas ang uri/katangian ng inihahambing sa pinaghahambingan Ginagamit ang mga salitang mas o higit Halimbawa: mas matalino, higit na malaki
  • 18.
    2. Hambingang Pasahol Kapagmaliit o mababa ang uri/katangian ng inihahambing sa pinaghahambingan Ginagamit ang mga salitang di-gasino, di-gaano, di-lubha Halimbawa: di gaanong malaki, di- lubhang palakibo, di-gasinong makisig
  • 21.
    Gamitin ang paghahambingsa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan. Gumamit ng pahayag eupimistiko. Halimbawa: Tulad ng isang taong pantay na ang paa Ang mga adhikaing hindi sinamahan ng sipag at tiyaga.
  • 23.

Editor's Notes

  • #2 Magandang araw!Sa araw na ito ay may bago ka na namang matutuhan na tiyak na mapakikinabangan mo sa araw-araw. Ang paksa natin ngayon ay tungkol sa mga…..
  • #3 layunin natin sa araw na ito na sa pagtatapos ng ating aralin ay inaasahan na…...
  • #4 Bago simulan ang pagtalakay sa ating paksa, sagutin muna natin ang ilang mga katanungan. Isulat ito sa inyong papel.Pipiliin lamang ang titik……
  • #10 Simulan na natin ang pagtalakay sa ating paksa. Mahalaga ang paglalarawan bilang isang paraan upang ipahayag ang isang damdamin at saloobin . Isa ang paghahambing upang mas maging tiyak ang mga paglalarawan ng mga katangiang taglay ng isang indibiduwal. . Ano nga ba ang paghahambing?
  • #19 Para alamin kung talagang naunawaan ang aralin, sagutin ang mga pagsasanay.