Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa kapaligiran at kabuhayan, tulad ng pag-iwas sa pagguho ng lupa at polusyon. Nakakatulong ito sa pagbibigay lilim at sariwang hangin, at maaari ring pagkakitaan ang mga halamang ito. Mahalaga ang mga halamang ornamental sa bawat pamilya at komunidad para sa kanilang kabutihan at kaayusan.