2. Pakinabang sa Pagtatanim ng
Halamang Ornamental
(EPP4-AG-Oa-1)
Mga Layunin:
1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha
2. Nakakabawas sa polusyon sa hangin
3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
4. Napagkakakitaan
5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
4. Pagganyak
Sa inyong pagkakaintindi, ano ang halamang
ornamental? Magbigay ng mga halimbawa nito.
5. Pagtatalakay
Sa araling ito matututunan mo ang mga kahalagahan sa
pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya
at kapaligiran. May limang pakinabang ang pagtatanim
ng halamang ornamental. Tatalakayin natin ngayon
ang unang
pakinabang.
Tingnan ang dalawang set-ap. Mayroong tig-
dadalawang larawan ang bawat set-ap. Ang mga nasa
kanan na set-ap A at B ay larawan pagkatapos
bumuhos ang malakas na ulan.
6. Pagtatalakay
Ano ang napansin mong kaibahan sa dalawang set-ap?
Sa aling set-ap kaunti ang lupang gumuho?
Bakit kaya kaunti ang lupang gumuho?
Ano kaya sa tingin mo ang pumigil sa pagguho ng
lupa?
7. Pagtatalakay
Marami tayong nakikita at nababalitaan na pagbaha na
naging sanhi ng pagguho o kaya’y pagtangay sa lupa
o erosyon. Ano kaya ang sanhi nito? Ang pagtatanim
ng mga puno at
halaman ay kasiya-siya at may maidudulot na mabuti
sa ating kapaligiran. Isa na rito ang pagpigil sa pagguho ng
lupa at pagbaha, sa tulong ng mga ugat ng mga ha-
lamang ornamental at iba pang
halamang ornamental.
8. Pagtatalakay
Ang mga ugat ay kumakapit sa lupa kaya napapanatili
nitong buo at hindi ito madaling maanod. Tumutulong
din ang mga ugat sa pagsipsip ng tubig kung kaya
humihina ang pagdaloy nito kaya naiiwasan ang
pagbaha. Ang
mga dahon ng mga halamang ornamental ay t
umutulong din sa pagsalo ng malalaking patak ng
ulan kung kaya’t dahan-dahan itong
nahuhulog sa lupa at naiiwasan ang
pagguho ng lupa.
9. Pagtatalakay
Ang mga sumusunod na termino na may koneksyon sa
kasalukuyang aralin. Basahing mabuti ang mga salita at
ang mga kahulugan nito.
1. Polusyon sa hangin – ang pagdumi ng hangin dahil sa
paghalo ng maruming elemento sa malinis na hangin.
2. Carbon dioxide – ay isang bahagi ng hangin sa
atmospera na kadalasang nagmumula sa mga hayop,
pagsusunog, usok sa mga pabrika, o mga sasakyan. Ito ay
ginagamit ng mga halaman
sa pagbuo ng kanilang pagkain.
10. Pagtatalakay
3. Oxygen – bahagi ng hangin sa atmospera na nagmumula
sa mga halaman. Ito ay ginagamit ng mga hayop at tao
sa paghinga upang mabuhay. Dahil sa mga halaman at
punong ornamental,
ay nakakaiwas tayo sa polusyon sa hangin na dulot
ng nasunog na basura, usok ng sasakyan, mga
masangsang na amoy ng mga pabrika, at iba pa.
11. Pagtatalakay
Mahalaga ang pagtatanim ng halamang ornamental
dahil nagbibigay ito ng lilim kapag ito ay tumataas at
yumayabong habang tumatagal, puwede nating gawing
pahingahan ang mga lilim nito katulad ng kalachuchi,
ilang-ilang, pine tree, bougainnvillea, fire tree, adelfa at
marami pang iba. Maaring itanim ang
mga ito sa gilid ng kalsada, kan-
to ng isang lugar na puwedeng
masilungan ng mga tao, hayop
o mga sasakyan na lalo sa
panahon ng tag-init.
12. Pagtatalakay
May mga halamang ornamental din na nakapagbibigay
sa atin ng sariwang hangin tulad ng snake plant,
aglaonema, boston fern, peace lily, arica palms,
Dracaena “Janet Graig”, Flamingo Lily or Anthurium),at
marami pang iba. Sinasala ng mga tanim na ito ang
maruruming hangin sanhi ng usok ng tambutso,
pagsusunog
at napapalitan ng ma-
linis na oksiheno na si-
ya nating nilalanghap.
13. Pagtatalakay
May mga pamamaraan kung paano mapagkakitaan ang
mga halamang ornamental:
1. Pagtanim ng mga halaman sa paso o sa plastic bag at
ibenta ito.
2. Ang mga magaganda at makukulay na bulaklak tulad
ng rosas, orchids at Chrysanthemum ay mapagkakikitaan
lalo na kung may okasyon.
14. Pagtatalakay
3. Pagputol o ang cuttings ng mga bulaklak tulad ng
orchids ay maari mong ibenta.
4. May mga malalawak na taniman ng halamang
ornamental at ang iba ay nagpapabayad ng entrance
fee. Nagiging tampok ang mga ito bilang pook pasyalan o
tourist spot.
15. Pagtatalakay
Ang halamang ornamental ay nakapagpapaganda ng
kapaligiran.
Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang
halamang ornamental? Sa pamamagitan ng pagtatanim
ng halamang ornamental sa paligid ng :
A. Bahay - Kaaya-ayang tingnan at nagsisilbing palamuti sa
tahanan. Nagbibigay ito kasiyahan sa pamilya.
16. Pagtatalakay
B. Mall at Hotel – Nakakadagdag ganda sa paligid lalo na
pagpasok sa lobby makikita mo na ang mga halamang
ornamental.
C. Parke – Dinarayo ng mga tao kapag maganda at
maraming halaman ang pali-
gid nito.
17. Pagtatalakay
D. Paaralan - nakapagbibigay ganda sa palibot ng
paaralan at nabibighani ang mga bata at ganadong
pumasok dahil sa maganda at maaliwalas nitong paligid.
E. Resort - nakakamangha ang isang resort at dinadayo
rin ng mga tao kapag marami itong tanim na halaman
tulad ng halamang namumulaklak.
18. Paglalapat
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng kawastuhan at MALI kung hindi.
______1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay
nakapagpapaganda sa kapaligiran.
______2. Ang halamang ornamental ay walang naidudulot
na mabuti sa pamilya at ibang tao sa pamayanan.
______3. Ang halamang ornamental ay nakatatawag pansin
sa mga dumaang tao lalo na kung ang mga ito ay
namumulaklak at humahalimuyak.
19. Paglalapat
______4. Nakasisira sa kapaligiran ang pagtatanim ng
halamang ornamental.
______5. Nakabibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan
ang pagtatanim ng halamang ornamental.
20. Paglalahat
Limang (5) pakinabang sa pagtatanim ng halamamg
ornamental:
1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha
2. Naiiwasan ang polusyon
3. Nabibigay lilim at sariwang hangin
4. Napagkakakitaan
5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
21. Pagtataya
Bilugan lamang ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi pakibanang ng mga
halamang ornamental?
a. Lilim at sariwang hangin c. Laban sa landslide
b. Dagdag kita d. Wala sa nabanggit
2. Anong bahagi ng halamang ornamental ang
humahalimuyak?
a. Bulaklak b. Dahon c. Ugat d. Sanga
3. Ito ang nilalanghap ng mga tao upang mabuhay mula sa mga
halamang ornamental.
a. Carbon dioxide c. Usok ng tambutso
b. Oksiheno d. Usok ng nasusunog na plastic
22. Pagtataya
4. Alin sa mga sumusunod ang halamang ornamental na
may mayabong na sanga?
a. Cosmos b. Santan c. Pandakaki d. Ilang-ilang
5. Saan madalas makikita ang mga magagandang
halamang ornamental?
a. Sa sakahan b. Sa parke
c. Sa palengke d. Sa terminal
B. Sagutin ng TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap
ay tama at MALI kung hindi.
23. Pagtataya
1. Nakasasama sa katawan ang pagsilong sa lilim ng
isang firetree. ___________
2. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakasisira
sa kapaligiran. ____________
3. Ang halamang ornamental ay maaaring ipagbili.
__________
4. Ang halamang ornamental ay nakatutulong sa pagsalo
ng dumi sa hangin. ___________
5. Mainit ang kapaligiran kung maraming halamang
ornamental na nakatanim. __________
24. Takdang-Aralin
Gumuhit ng larawan na tumutugon sa pakinabang na
dulot ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa
kapaligiran. (20 puntos)