2. WIKA- nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan
ay dila.
Ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan na
binubuo ng mga simbolo at panuntunan.
Ito’y paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa
pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao
(Panganiban).
Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
3. Artikulo XIV, Sek. 7 ng Saligang Batas
1987
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles”
4. 3. Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit
sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo.
Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na
binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas
ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo.
Ang wikang panturo naman ay opisyal na wikang ginagamit sa pormal
na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa
mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang
panturo sa mga silid-aralan.