2. Ang kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o
Department of Environment and Natural Resources (DENR)
ang pangunahing ahensiya na may tungkuling pamahalaan at
alagaan ang mga likas na yaman ng bansa. Pinamamahalaan
nito ang pag-aalaga at pag-iingat ng ating mga likas na yaman.
Narito ang mga tungkulin nito:
• Pagpapatupad ng programang pangkagubatan
• Pangangasiwa sa industriya ng pagmimina
• Pagpapatupad sa wastong pangangalaga ng mga isda at iba
pang yamang dagat
• Pagpapatupad ng mga batas preserbasyon ng mga likas na
3. Maliban sa DENR, may iba pang ahensiya ng pamahalaan na
tumutulong sa pangangalaga ng ating mga likas na yaman
tulad ng sumusunod:
1. Ang Philippine Coast Guard ang nagpapatupad ng mga
panuntunan sa kalinisan ng mga katubigan.
2. Ang Department of Public Works and Highways at mga
ahensiya nito ay naglaan ng mga pasilidad para sa maayos
at ligtas na pagtatapos ng sewage sa iba’t – ibang lugar.
3. Ang Department of Agriculture ang nagbubuo ng mga
panuntunan para sa paggamit muli ng tubig para sa patubig
ng mga sakahan at pagpigil ng polusyon na nagmumula sa
gawaing pang-akwakultura at pagsasaka.
4. 4. Ang Department of Health ang gumagawa at
nagpapatupad ng panuntunan sa tubig na iniinom.
5. Ang Department of Science and Technology ang nag-aaral
at nagpapalaganap ng kaalaman sa teknolohiya para sa
pagpigil ng polusyon.
5. Ang Department of Education, Commision on Higher
Education, Philippine Information Agency, at Department
Interior and Local Government ang naghahanda at
nagpapatupad ng komprehensibong programa para sa
kaalaman at eduksyon ng publiko.
5. SAGUTIN
1. Ano-anong ahensiya ng pamahalan ang tumitiyak
maayos na pangngsiwa ng mga likas na yaman ng
bansa?
2. Bakit may ibat’ ibang ahensiya ang pamahalaan na
tumutulong sa pangangasiwa ng mga likas na
yamang ng bansa?