Nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga naging pangulo ng Pilipinas. Emilio Aguinaldo, Manuel Luis Quezon y Molina, José Paciano Laurel y Garcia, Sergio Osmeña y Suico, Manuel Acuña Roxas, Elpidio Rivera Quirino, Ramon del Fierro Magsaysay, Carlos Polistico Garcia, Diosdado Pangan Macapagal hanggang Kay Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.
Nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga naging pangulo ng Pilipinas. Emilio Aguinaldo, Manuel Luis Quezon y Molina, José Paciano Laurel y Garcia, Sergio Osmeña y Suico, Manuel Acuña Roxas, Elpidio Rivera Quirino, Ramon del Fierro Magsaysay, Carlos Polistico Garcia, Diosdado Pangan Macapagal hanggang Kay Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.
Mga alamat na nahahati sa dalawa: piksyon at di-piksyon. Mga Piksyon: Ang Leon At Ang Daga, Ang Alamat ng Pinya, Ang Alamat ng Mangga, ALAMAT NG MAKOPA, ALAMAT NG LANSONES. Mga di-piksyon: Karera atbp.
Inilalahad ng powerpoint na ito ang mahahalagang impormasyon ukol sa panunungkulan ni Elpidio Quirino. Mababasa rin dito ang kanyang mga programa at patakarang ipinatupad sa panahon ng kanyang panunungkulan. Makikita rin dito ang mga naging hamon ng kanyang pamahalaan lalo na ang suliranin hinggil sa mga kasapi ng Hukbalahap.
1. Benigno "Ninoy" Aquino Jr. was the leading opposition figure to Philippine President Ferdinand Marcos. He returned to the Philippines in 1983 after years in exile and was assassinated upon arrival at the Manila International Airport.
2. His death caused a major political crisis in the country. The economy suffered as foreign investors withdrew from the Philippines. Protests against Marcos' rule intensified, with calls no longer just for reform but for Marcos to step down from the presidency.
3. Over 2 million mourners attended Aquino's funeral, reflecting the outpouring of grief across the nation after he was killed. His assassination deepened the country's turmoil and weakened Marcos
This document lists the names of various Philippine government departments and agencies, including: the Department of Tourism, Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industries, Department of Transportation and Communications, Social Security System, National Economic and Development Authority, Department of Finance, Department of Internal Revenue, Food and Nutrition Research Institute, Government Service Insurance System, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, National Commission for Culture and the Arts, Commission on Audit, Overseas Workers Welfare Administration, National Food Authority, Department of Budget and Management, Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Education, Department of Energy, Department of Environment and Natural Resources, Department of Foreign Affairs, Department of
Mga alamat na nahahati sa dalawa: piksyon at di-piksyon. Mga Piksyon: Ang Leon At Ang Daga, Ang Alamat ng Pinya, Ang Alamat ng Mangga, ALAMAT NG MAKOPA, ALAMAT NG LANSONES. Mga di-piksyon: Karera atbp.
Inilalahad ng powerpoint na ito ang mahahalagang impormasyon ukol sa panunungkulan ni Elpidio Quirino. Mababasa rin dito ang kanyang mga programa at patakarang ipinatupad sa panahon ng kanyang panunungkulan. Makikita rin dito ang mga naging hamon ng kanyang pamahalaan lalo na ang suliranin hinggil sa mga kasapi ng Hukbalahap.
1. Benigno "Ninoy" Aquino Jr. was the leading opposition figure to Philippine President Ferdinand Marcos. He returned to the Philippines in 1983 after years in exile and was assassinated upon arrival at the Manila International Airport.
2. His death caused a major political crisis in the country. The economy suffered as foreign investors withdrew from the Philippines. Protests against Marcos' rule intensified, with calls no longer just for reform but for Marcos to step down from the presidency.
3. Over 2 million mourners attended Aquino's funeral, reflecting the outpouring of grief across the nation after he was killed. His assassination deepened the country's turmoil and weakened Marcos
This document lists the names of various Philippine government departments and agencies, including: the Department of Tourism, Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industries, Department of Transportation and Communications, Social Security System, National Economic and Development Authority, Department of Finance, Department of Internal Revenue, Food and Nutrition Research Institute, Government Service Insurance System, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, National Commission for Culture and the Arts, Commission on Audit, Overseas Workers Welfare Administration, National Food Authority, Department of Budget and Management, Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Education, Department of Energy, Department of Environment and Natural Resources, Department of Foreign Affairs, Department of
Pagsibol at paglakas ng kabihasnang Greek, ang pagiging matagumpay ng Athens sa pagtatatag ng isang pamahalaang sumusulong sa ideolohiyang demokratiko/Pakakaiba ng Athens at Sparta/Ang mga digmaang nagpatatag sa mga polis ng Greece
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang anyo ng pamahalaan na umusbong sa Pilipinas.
ROD NAVARRO, SENATORIAL ASPIRANT/CANDIDATE, MAY 13 2019, NATIONAL AND LOCAL E...
Mga larawan
1. 1. SEN. ALAN PETER S. CAYETANO
Si Alan Peter Cayetano ay ipinanganak
noong Oktubre 28, 1970 sa Mandaluyong. Isa siyang
senador mula sa Pilipinas. Siya ay isang
congressional-representative mula sa distrito ng
Taguig-Pateros ng 9 na taon. Ang kanyang
pinagtuunan ng pansin ay ang edukasyon. Noong May
14, 2007 ay tumakbo siya bilang isang senador sa
ilalim ng Genuine Opposition and nanalo.
2. SEN. ANTONIO “SONNY” F. TRILLANES
Si Antonio Trillanes IV (ipinanganak Agosto
6, 1971) ay isang politiko sa Pilipinas. Nakilala siya
sa kanyang ginampanan sa hindi na matagumpay
na pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 nang
hinawakan niya kasama ang 321 mga sundalo ang
paupahang gusali sa Oakwood sa Lungsod ng
Makati. Naglagay sila ng mga bomba doon at
binalaan ng pababagsakin ang gusali. Nasampahan
sila ng kaso sa hukumang pangsundalo ng Pilipinas.
Noong halalan ng Mayo 2007 sa Pilipinas, nahalal siya bilang
isang Senador sa ilalim ng partidong Genuine Opposition, at naupo sa
puwesto noong Hunyo 30, 2007 habang nakadetine. Noong Nobyembre 29,
2007, lumabas siya sa kanyang sariling paglilitis at pumunta sa Manila
Peninsula sa Lungsod ng Makati at hinimok ang publiko na patalsikin
si PangulongGloria Macapagal-Arroyo. Dahil dito, kakasuhan ulit siya.[1]
3. SEN. AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III
Aquilino "Koko" Pimentel III (ipinanganak Enero
20, 1964) ay isang Pilipinong senador, isang
abogado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang
anak ng dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987-
1992, 1998-2010) at Lourdes Llana-Pimentel. Siya
ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11,
2011, ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate
Electoral Tribunal na siya ang tunay na nagwagi sa
2007 elections.Aquilino "Koko" Pimentel III
(ipinanganak Enero 20, 1964) ay isang Pilipinong
senador, isang abugado, at isang pampublikong lingkod. Siya ang anak ng
dating senador Aquilino Pimentel, Jr (1987-1992, 1998-2010) at Lourdes
Llana-Pimentel. Siya ay ipinahayag bilang senador noong Agosto 11, 2011,
ng pagsunod sa mga pagpapahayag ng Senate Electoral Tribunal na siya
ang tunay na nagwagi sa halalan 2007.
2. 4. PAOLO BENIGNO “BAM” AQUINO
Si Paolo Benigno "Bam" Aguirre Aquino IV (ipinanganak
Mayo 7, 1977) o mas kilala bilang Bam Aquino ay isang
politiko at negosyante mula sa Pilipinas at kasalukuyang
Senador sa Mataas na Kapulungan. Siya ay pinsan
ni Noynoy Aquino.
5. SEN. CYNTHIA A. VILLAR
Cynthia Aguilar Villar (ipinanganak Hulyo 29, 1950)
ay isang Pilipinongpolitiko na siyang miyembro
ng House of Representatives para sa Lone District ng
Las Piñas City 2001-2010 at kasalukuyang isang
senador.
Siya ay ang kapatid na babae ng Las Piñas City Mayor
Vergel Aguilar, [1] at Muntinlupa Barangay chairman
Elizabeth "Ate Bess" A. Masangkay at ang asawa ng Senator Manny Villar
6. SEN. FERDINAND “BONGBONG” R. MARCOS JR.
Ipinanganak si Marcos sa Maynila. Anak siya ng
ikasiyam na pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand
Marcos at ng asawa nitong si Imelda Romualdez
Marcos, ang pinakaunang Gobernador ng Metro
Manila at Ministro ng Human Settlements.
Nagtapos si Bongbong ng elementarya sa De la Salle
College at ng sekondarya sa Worth School sa Inglatera.
Noong 1978, nagtapos siya ng kursong political
science, philosophy at economics sa Oxford University.
Pagkatapos niyang mag-aral sa Oxford, nag-aral na
naman siya sa Wharton School of Business sa Estados Unidos upang
makakuha ng Masters in Business Administration (MBA). Noong 1980,
habang nasa proseso siya ng pagkukumpleto ng thesis sa MBA, naihalal
siyang Bise Gobernador ng Ilocos Norte kahit na wala siya noon sa
lalawigan.
Kasal si Marcos kay Louise Araneta at mayroon silang tatlong anak na
lalaki.
3. 7. SEN. FRANCIS JOSEPH “CHIZ” ESCUEDERO
Si Francis Joseph "Chiz" Guevara Escudero ay senador ng
Pilipinas mula pa man noong 2007. Isa siya sa pinakabatang
mambabatas na nagsilbi sa kongreso. Muli siyang tatakbo sa
senado sa Pangkalahatang Halalan ng Pilipinas, 2013 bilang
kandidatong indipindyente bagama't suportado siya ng
Partido Liberal (Liberal Party o LP) at United Nationalist
Alliance (UNA).
Nagtapos ng elementarya at sekundarya si Chiz sa University
of the Philippines Integrated School noong 1981 at 1985. Nakamit niya ang
Batsilyer sa Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod
Quezon noong 1988 at nagtapos siya ng abogasya sa UP College of Law
noong 1993. Nag-aral siya sa Georgetown University Law Center sa
Washington D.C. noong 1996 para sa kanyang master sa International at
Comparative Law.
Sa UP ay naging Pangkalahatang Kalihim din siya ng Association of Law
Students sa Pilipinas mula 1992-1993. Sumapi rin siya sa Alpha Phi Beta
Fraternity at miyembro rin siya ng Alpha Phi Beta Debating Team na naging
kampeonato noong 1991.
Isa rin siya sa pinakamahusay na mag-aaral sa magkakasunod na taon at
kasapi rin siya ng Order of the Purple Feather or the U.P. Law Honor Society
mula 1989–1993.
8. SEN. FRANKLIN DRILON
Ipinanganak si Drilon sa Baluarte, Molo, Lungsod
Iloilo kina Cesar Drilon, Sr. at Primitiva Drilon.
Nakapagtapos siya ng elementarya sa Mababang Paaralan
ng Baluarte noong 1957. Tinapos niya ang kanyang
sekondarya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Iloilo noong
1961. Nagtapos si Drilon ng kursong Bachelor of Arts in
Political Science noong 1965 sa Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman. Naging associate editor siya ng Philippine
Collegian ng UP at naging konsehal ng UP Student
Council. Nag-aral siya ng abogasya sa UP College of Law at natapos noong
1969. Naging kaklase niya ang kanyang dating asawa na si Violeta-Calvo
Drilon pati na sina senador Miriam Defensor-Santiago, Executive Secretary
Ronaldo Zamora, at ang negosyanteng si Loida Nicolas-Lewis. Naging
miyembro siya ng editorial board ng Philippine Law Journal, at ng Order of
the Purple Father, isang honor society ng abogasya sa UP. Nang kumuha
siya ng bar exams (pagsusulit sa abogasya), ikatlo siya sa may
pinakamataas na marka. Sa parehong taon, nagsilbi siyang associate
lawyer ng Sycip, Salazar, Luna, Manalo at Feliciano Law Offices
(kasalukayang Sycip Salazaar Hernandez & Gatmaitan). Sumapi siya sa
Angara, Abello, Conception, Regala & Cruz Law Offices (ACCRA) nong 1974
kung saan siya ay naging senior associate lawyer. Mula sa pagiging kasosyo
4. noong 1975, siya ay naging managing partner noong 1986. Naging bar
examiner din siya ng Labor at Social Legislation mula 1979 hanggang 1984.
Naging bise presidente at gobernador ng Employers Confederation of the
Philippines (ECOP), at bise presidente, board member at treasurer ng
Personnel Management Association ng Pilipinas (PMAP).
9. SEN. GRACE POE-LLAMANZARES
Si Mary Grace Sonora Poe
Llamanzares (ipinanganak 3 Setyembre 1968), kilala
bilang si Grace Poe-Llamanzares o sa mas
simpleng Grace Poe, ay isang politiko mula
sa Pilipinas na nagsilbi bilang Tagapangulo ngLupon
sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at
Telebisyon (MTRCB) mula 2010 hanggang 2012. Siya
ay tumatakbo para sa pagkapangulo ng Pilipinas sa
darating na halalan sa taong 2016.Isinilang
sa Iloilo subalit inabandona ng kanyang tunay na
nanay. Siya ang inangking anak ng Pambansang
Alagad ng Sining na si Fernando Poe, Jr., ang Hari ng Pelikulang Pilipino, at
ang kaniyang asawa na si Susan Roces, na nagpalaki sa kanya sa Maynila
bilang kanilang nag-iisang anak na babae. Nag-aral sa Pilipinas at sa
Estados Unidos, kung saan siya nakapagtapaos sa Boston College. Lumaki
siya sa Estados Unidos bago siya bumalik sa Pilipinas noong 2004, nang
pumanaw ang kanyang ama ilang buwan pagkatapos ng halalan ng 2004.
Noong 2010, itinalaga siya ni Pangulong Benigno Aquino III bilang
tagapangulo ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at
Telebisyon(MTRCB).[1]
10. SEN.GREGORIO B. HONASAN II
Si Gregorio Honasan mas kilala bilang Gringo
Honasan (Marso 14, 1948) ay isang politiko sa Pilipinas.
Siya ay gumanap ng papel na nagpatalsik kayFerdinand
Marcos noong Pebrero 1986. Kanyang pinamunuan ang
magkakasunod na mga pagtatangkang coup d'état laban
sa pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay
pinatawad ni Pangulong Fidel V. Ramosnoong 1992. Siya
ay nahalal na senador mula 1995-2004 at mula 2007-
kasalukuyan
5. 11. SEN. JINGGOY EJERCITO ESTRADA
Si Jose Pimintel Ejercito, na mas kilala sa
pangalang Jinggoy Estrada, ay isang artista
at senador sa Pilipinas. Siya ang panganay na anak ni
Pangulong Joseph Estrada kay Loi Ejercito.
Jose Pimentel Ejercito (ipinanganak noong Pebrero 17,
1963), na mas kilala bilang Jinggoy Estrada, ay isang
dating artista, at kasalukuyang senador sa Pilipinas.
Anak siya nina dating Pangulong Joseph Estrada at
dating senador Luisa Estrada.
Ipinanganak siya bilang Jose P. Ejercito sa Maynila.
Nagtapos siya nang kanyang elementarya at sekondarya sa Pamantasang
Ateneo de Manila, at nagkamit ng degree sa ekonomiya mula sa Unibersidad
ng Pilipinas. Siya ang Punong-bayan ng San
Juan mula 1992 hanggang 2001. Nahalal siya sa senado noong 2004 at
magtatapos ang termino sa 2010. Napangasawa niya si Presentacion "Precy"
Vitug-Ejercito noong 1989.
Hulyo 23, 2007, nang mahalal si Jinggoy Pro-Tempore ng Pangulo ng
Senado ng Pilipinas. Agosto 15, 2007, napagdesisyunan ng Kataas-taasang
Hukuman sa pamamagitan ng botong 13-0 na payagang magpiyanasa si
Jinggoy sa kanyang kasong Plunder.
Noong Setyembre 11, 2007, inihain niya ang Senate bill 1556, na naglalayon
na gawing mandatory para sa lahat ng lalaki at babae sa kolehiyo na
dumaan sa ROTC.
12. SEN. JOSEPH VICTOR “JV” G. EJERCITO
Ipinanganak si JV noong Disyembre 26, 1969
sa Lungsod Maynila, sa kasagsagan ng pagkapanalo ng
kanyang ama na si Joseph “Erap” Ejercito Estrada
matapos maghain ng electoral protest laban kay Braulio
Sto. Domingo bilang alkalde ng San Juan. Si JV ang
nag-iisang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa
aktres na si Guia Gomez.
Si JV ay kasal kay Maria Hyacinth Barbara “Cindy”
Lotuaco, isang flight stewardess at dating Mutya ng Pilipinas na may hawak
ng titulong Asya Pasipiko. Sila ay may anak na lalaki, si Julio Jose. Ang
mas nakatatanda niyang anak na si Jose Emilio ay anak niya sa kasintahan
na si Patty Betita na dating beauty queen at sikat na modelo.
Si JV ay kinomisyon bilang Reserbang Opisyal ng Philippine Marine Corps,
may ranggong Major. Siya rin ay pinagtibay bilang miyembro ngPhilippine
Military Academy Class '88 Maringal.
6. 13. SEN. JUAN PONCE ENRILE
Si Juan Ponce Enrile, ay isang Pilipinong politiko.
Ipinanganak si Ponce Enrile bilang Juanito
Furugganan[1] Gonzaga, Cagayan noong 14 Pebrero 1924.
Bilang protehido ni Pangulong Ferdinand Marcos,
naglingkod siya bilang Kalihim ng Katarungan at
bilang Ministro ng Tanggulang Pambansasa ilalim ng
rehimeng Marcos. Sa huli isa rin siya sa mga naging
pinuno (kasama na si Heneral Fidel V. Ramos) ng Kilusang
Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986 na nagpa-alis
kay Marcos sa kapangyarihan. Nagpatuloy si Enrile bilang isang
prominenteng politiko pagkatapos noon; at naging Pangulo ng Senado ng
Pilipinas simula noong Nobyembre 2008.
14. SEN. LOREN B. LEGARDA
Si Loren Legarda ay isang Pilipinong mamamahayag sa
telebisyon,ekolohista, at politiko na may lahing Bisaya, kilala
siya bilang ang katangi-tanging babaeng nanguna
sa dalawang halalan para sa senado (1998 at 2007). Noong
halalan nong 2004, tamakbo siya sa posisyong Pangalawang
Pangulo bilang isang Independyente kasama ni Fernando Poe,
Jr. bilang katambal. Sa kasalukuyan, siya ay tumatakbo muli
para sa posisyongPangalawang Pangulo kasama ni Manny
Villar. Si Legarda ay kilalang nagsusulong ng Kaalaman sa Pagbabago ng
Panahon at mayroon siyang maraming parangal sa mga
adhikaingpagpapabuti ng lipunan at pagsulong sa karapatang pantao;
kabilang ang mga ito sa mga nagawa niya bilang isang mamamahayag.
Bilang isang mamamahayag, nakakuha siya ng maraming parangal. Noong
2008, napili siyang "United Nations International Strategy for Disaster
Reduction AsiaPacific Regional Champion for Disaster Risk Reduction and
Climate Change Adaptation". Kasama siya sa delegasyon ng Pilipinas noong
2009 Copenhagen Summit.
Ang Maranao Sultanate League ay pinarangalan siya ng titulong "Bai Alabi",
o "Prinsesa". mayroon siyang lahing Karay-a at nakakapagsasalita siya ng
mga wikang Ingles, Filipino, Ilonggo, Tagalog, at ang katutubo
niyangKinaray-a, ng may katutubong husay. Maliban pa rito, isa rin siya
Tinyente Koronel sa Air Force Reserve Corps.
15. MANUEL “LITO” M. LAPID
Si Manuel Mercado Lapid na mas kilala sa pangalan na
Lito Lapid ay isang artista, politiko, at Senador ng
Republika ng Pilipinas.
Siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Oktubre taong 1955 sa
Porac, Pampanga, at ika-lima sa siyam na mga anak nina
7. Jose Lapid at Eleuteria Mercado. Natapos niya ang kanyang edukasyon sa
elementarya sa Porac Central School noong 1968. Natapos niya naman ang
kanyang edukasyon sa mataas na paaralan sa St. Catherine Academy of
Porac, Pampanga noong 1972. Hindi na siya pumasok upang mag-kolehiyo.
16. SEN. MARIA LOURDES SOMBILLO “NANCY” BINAY- ANGELES
Si Nancy Binay (may buong pangalan na Maria Lourdes
Nancy Angeles Binay) ay nagmula sa angkan ng mga
pulitiko. Si Nancy ang panganay na anak nina Bise
Presidente Jejomar Binay at dating alkalde Elenita Binay.
Kapatid niya ang alkalde ng Makati na si Jejomar Erwin
“Junjun” Binay Jr. at Kongresistang si Mar-Len Abigail
Binay-Campos ng Ikalawang Distrito ng Lungsod Makati.
Nagtapos ng B.S. Tourism sa Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman
Dating personal assistant si Nancy sa kanyang nanay na si Dr. Elenita
Binay noong pinuno pa ito ng Lungsod ng Makati. Matapos ay naging
Deputy Secretary-General siya ng United National Alliance, ang partidong
binuo ng kanyang ama at dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.
Nang maging Pangalawang Pangulo noong 2010 si Jejomar Binay, nagsilbi
si Nancy sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at tinutukan ang mga
problema sa pabahay at naging tagapamagitan sa kanyang ama sa iba pang
ahensya at tumatayong tagahalili sa tuwing hindi nakadadalo ang
Pangalawang Pangulo sa mga okasyon.
Kasalukuyan siyang Executive Director at Kasapi ng Board of Trustees ng
Bigay Pagmamahal Fooundation, Kasapi ng Board of Trustees ng Brighthalls
Children’s Foundation, STF Serbisyong Tunay Foundation, Inc., at JCB
Foundation.
17. SEN. MIRIAM DEFENSOR- SANTIAGO
Si Miriam Defensor Santiago (ipinanganak 15
Hunyo 1945), ay isang politiko at kasalukuyang
Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating
hukom, at guro ng saligatang batas at batas
internasyunal. Naglingkod siya bilang komisyonado
ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng
Pilipinas noong 1988 at naging kalihim
ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula
1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad
Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay
komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.[1]
Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago noong 1992;
nanguna siya sa pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw
ng bilangan, subalit natalo lamang ng ilang daang libong mga boto.
8. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan, lalo na ang
madalas na pagkawala ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa
siya ng protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang
muli bilang senador at nagwagi.[2]
Laging natatampok si Santiago sa pandaigdigang balitaan dahil sa kanyang
tahas sa pananalita. Noong 1997, pinangalanan siya ng Australian
Magazinebilang isa sa "The 100 Most Powerful Women in the World."
18. SEN. PIA S. CAYETANO
Si Pilar Juliana "Pia" Cayetano, mas kilala
bilang Compañera Pia o Pia(ipinanganak bilang Pilar
Juliana Schramm Cayetano noong Marso 22, 1966), ay
isang Pilipinong abogado, politiko, at
kasalukuyang Senador saRepublika ng Pilipinas.
19. SEN. RALPH G. RECTO
Si Ralph "KoRecto" Gonzalez Recto (ipinanganak
noong 11 Enero 1964) ay Pilipinong pulitiko. Dalawang
termino siyang nanilbihan bilang senador (2001
hanggang 2007). Tatlong termino naman siyang
nagsilbing kinatawan siya ng ikaapat na distrito ng
Batangas (1992 hanggang 2001).
Nakapag-aral si Recto sa iba't ibang prestihiyosong
unibersidad sa bansa. Nagtapos siya ng elementarya sa
Pamantasang Ateneo de Manila noong 1978 at ng
sekondarya sa De La Salle College noong 1982. Natapos
niya ang kursong Bachelor of Science in Business Administration
Pamantasang De La Salle-Maynila at nag-aral muli ng Masters in Public
Administration sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Nagtapos din siya sa
University of Asia and the Pacific sa kursong Strategic Business Economics.
Kumuha siya ng kurso sa panunungkulan at naging iskolar sa John F.
Kennedy School of Government at sa Harvard University sa Boston,
Massachusetts sa Estados Unidos.
Siya ang pinakabatang naihalal na miyembro ng Batasan noong siya ay
naging kongresista sa kanilang distrito sa Batangas.
20. SEN. RAMON “BONG” REVILLA JR.
Si Jose Marie Mortel
Bautista[1] (ipinanganak Setyembre 25, 1966), mas
kilala bilang Ramon "Bong" Revilla, Jr., o Bong
Revilla, ay isangPilipinong artista, politiko,
at Senador ng Pilipinas. Nakatapos si Revilla ng
elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd
sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong
1982 sa Fairfax High School, Los
9. Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla,
Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani Mercado(Jesusa
Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na artista rin: sina Bryan
Revilla at Jolo Revilla.
2 Nakatapos si Revilla ng elementarya noong 1979 sa Jesus Good Shepherd
sa Bayan ng Imus at sa mataas na paaralan noong 1982 sa Fairfax High
School, Los Angeles, California, USA.. Ama niya ang aktor rin na si Ramon
Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa naman niya si Lani
Mercado(Jesusa Victoria H. Bautista). Mayroon silang mga supling na
artista rin: sinaBryan Revilla at Jolo Revilla.
21. SEN. SERGIO R. OSMENA III
Si Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 –
Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio
Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng
Pilipinas (Agosto 1,1944 – Mayo 28, 1946). Siya ang ama
ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina
Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating
Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas
Osmena.
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay
nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng
sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya
sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya
si Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si
Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio
Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at
patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto.
Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at
ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Korte Suprema na
kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang
natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang
gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang
taon, naging gobernador siya ng lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag
ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng
ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang
posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya
mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore"
noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-
Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya
ang kasarinlan ngPilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo
ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
10. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel
L. Quezon saEstados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis
noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. sina dating
pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling
ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas
ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga
gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa
Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga
Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J.
Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang
Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni
pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula
ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinasnoong 1944 hanggang 1945 sa
pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya
na silang kalabanin ng mga Hapones.Padron:Fact Nagsilbi siya bilang
pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946.
Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos.
Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan
sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961..
22. SEN. JUAN EDGARDO “SONNY” M. ANGARA
Ipinanganak noong Hulyo 15, 1972, 41 taong gulang, si
Sonny Angara ay anak nina Senador Edgardo Angara at
Gloria Angara, isang datng guro at tumatayong Punong
Tagapangasiwa ng Cultural Center of the
Philippines (CCP). Si Sonny at ang kanyang maybahay
na si Elvira Echauz at biniyayaan ng tatlong anak.
Nagtapos si Sonny ng edukasyon sa mababa at mataas
na paaralan sa Xavier School sa Munisipalidad ng San
Juan, Kalakhang Maynila. Nagtapos naman siya ng
kanyang undergraduate studies sa London School of Economics and
Political Science sa Inglatera. Kumuha siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas, kung saan kasapi siya ng Editorial Board of the Philippine Law
Journal, the Debate Society, at the Order of the Purple Feather.
Taong 2000 nang matapos niya ang abogasya at sa parehong taon ay
naipasa niya ang pagsusulit sa Bar. Itinuloy ni Sonny ang kanyang post-
graduate legal studies at natapos niya ang Master of Laws (LL.M.) sa
Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts, USA taong 2003.
23. SEN.TEOFISTO L. GUINGONA III
Ipinanganak si Guingona sa Maynila. Nagtapos siya ng
elementarya, sekondarya at kolehiyo sa Pamantasang Ateneo
de Manila. Kumuha siya ng kursong economics at nagtapos
noong 1981. Kumuha siya ng kursong abogasya at nagtapos
noong 1985. Kasal siya sa kapwa niyang abogado na si Maria
11. Victoria G. Guingona at mayroon silang isang anak na lalaki, si Bobby.
Noong 1978, nang siya'y nag-aaral pa, natikman na niya ang buhay pulitika
nang sumali siya sa mga rali at demonstrasyon. Nagmartsa siya kasama ng
iba pang mag-aaral at kasapi ng student government ng Ateneo pati na ang
mga kasapi ng Lakas ng Bayan (LABAN) sa España Boulevard. Ang grupong
LABAN noon ay pinangunahan ni Benigno Aquino Jr. Sa edad na
labingsiyam, inaresto siya kasama ang kanyang mga kapwa lider sa
unibersidad, mga magulang, sina Aquilino Pimentel, Jr., Joker
Arroyo, Francisco Soc Rodrigo at si Lorenzo Tañada Sr.
24. SEN. VICENTE “TITO” C. SOTTO III
Si Vicente Sotto III o mas kilala sa pangalang Tito Sotto
ay ipinanganak sa Maynila noong Agosto 24, 1948. Isa
siyang artista sa telebisyon at dating senador sa
Republika ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang
tumatakbong senador para sa halalan sa taong 2010 sa
ilalim ng partido Nacionalista. Siya ang pangatlong
senador na nagmumula sa angkan ng mga Sotto.
Si Tito Sotto ay anak nina Marcelino Ojeda at ng asawa
nitong si Herminia Castelo Sotto na isang manggagamot
at dating aktibista na sumusulong sa karapatan ng mga kababaihan. Ang
kanyang ina ang pinakaunang Medical Commissioner ng Workmen's
Compensation Commission at President Emeritus ng samahang
Kababaihang Rizalista ng Pilipinas.
Nagtapos ng elementarya, sekondarya, at kolehiyo sa Colegio de San Juan
de Letran noong taong 1969. Noong taong 2000, nakumpleto niya ang
Executive Program for Leaders in Development sa John F. Kennedy School
of Government sa Harvard University.
Ikinasal siya kay Helen Gamboa na mula sa Pampanga, isang
napakagandang dilag na isang mang-aawit at aktres na may napakaraming
parangal. Sila ay mayroong apat na anak na sina Romina, Diorella, Gian, at
Ciara
12. PROYEKTO SA
HEKASI
(24 na Senador ng Pilipinas)
Ipinasa ni: Mhark Justine Solmayor
Ipapasa kay: Gng. Mary Joy Dafun