Filipino
11-01-22
Pagbasa ng kuwento.
Mga Elemento at
Bahagi ng isang
Kuwento
KWENTO
Ang kuwento ay isang salaysay
hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may
kakintalan o impresyon lamang.
Ang maikling kuwento ay isang
akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang-isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito
ay nababasa sa isang upuan lamang,
nakapupukaw ng damdamin, at
mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan.
Tinatalakay ang natatangi at
mahahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Ito ay nagpapakita ng
isang makabuluhang bahagi ng buhay ng
tao. Ang mga bahagi ng isang kuwento ay
simula, gitna at wakas. Kabilang naman sa
elemento nito ang tauhan, tagpuan,
suliranin, tunggalian, kasukdulan, at nag-
iiwan ng isang kakintalan o kaisipan.
ELEMENTO
NG
KWENTO
Tagpuan
Lugar na pinangyarihan
pinagganapan ng
kuwento.
Tauhan
Mga gumanap sa kuwento,
tinatawag din karakter.
Suliranin
Problema ng tauhan na
nilalapatan ng solusyon o
resolusyon.
Tunggalian
Labanan ng paniniwala,
paninindigan, pananaw
salungatan ng mga
tauhan.
Kasukdulan
Ito ang kapanapanabik
bahagi ng kwento.
Banghay
Simula, gitna at wakas o
ang pagkakasunod-sunod
ng pangyayari sa kwento.
Munting bata pa lamang si Pilandok ay
pinangarap na niyang maging sultan.
1.Anong elemento ng kuwento ang
nangibabaw sa pahayag?
A. tauhan B. tagpuan
C. suliranin D. tunggalian
2. Saan naganap ang kuwento?
A. Kaharian ni Abdul Jabar
B. Kaharian ni Sultan Junil
C.Kaharian ni Sultan Ali-Adab
D. Kaharian ni Sultan Akbar
3. Anong elemento ng kuwento ang
bahaging ito?
A. kasukdulan B. tagpuan
C. tauhan D. tunggalian
4. . Ano ang suliranin ni Pilandok sa
kuwento?
A. Gusto niyang gumandang lalaki.
B.Gusto niyang maging isang sultan.
C.Gusto niyang maging tanyag sa
kaharian.
D. Gusto niyang magkaroon ng
sariling pamilya.
5. Paano nagwakas ang kuwento?
A. Si Pilandok ay naglahong parang bula.
B. Si Pilandok ay naging isa nang sultan.
C.Si Pilandok ay nagkasakit at namatay.
D. Si Pilandok ay tuluyan nang nakapag-
asawa.
Gawain ELEMENTUKUYIN
Panuto: Tukuyin ang mga
ng kuwentong babasahin. Sa
sagutang papel, punan ang story
map na makikita sa ibaba.
Elemento ng Kuwento.pptx

Elemento ng Kuwento.pptx

Editor's Notes

  • #3 Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento? Ano-anong mga kuwento na ang nabasa mo? Anong bahagi ng kuwento ang gustong-gusto mo? Alam mo ba ang mga bahagi ng kuwento? Ipagpatuloy mo ang iyong pagbasa para lalong mahasa ang kasanayan. Halika! Tuklasin natin ang bagong kaalaman sa araw na it
  • #4 Naibigan mo ba ang iyong binasa? Ito ay isang kuwentong-bayan. Ang kuwentong bayan ay tulad din ng mga pabula, alamat, salaysay, at maikling kuwento na may mga sangkap at bahagi. Ang mga ito ang siyang nagbibigay-buhay sa isang kuwento o akda.
  • #5 Naibigan mo ba ang iyong binasa? Ito ay isang kuwentong-bayan. Ang kuwentong bayan ay tulad din ng mga pabula, alamat, salaysay, at maikling kuwento na may mga sangkap at bahagi. Ang mga ito ang siyang nagbibigay-buhay sa isang kuwento o akda.
  • #7 Ang kakintalan ng maikling kwento ay ang mensahe o aral na nais nitong iwan sa isip ng mga mambabasa. Ang bawat maikling kwento ay mayroong mensahe na nais iwan sa lahat ng mga bumabasa nito sa pamamagitan ng kilos na isinasagawa ng mga tauhan sa kwento. Kadalasan, ito ay ayon sa pananaw ng pangunahing tauhan. May mga pagkakataon na ang maikling kwento ay walang katapusan kaya't hindi nakukuha ng mambabasa ang mensaheng nais nitong iwan. Sa mga ganitong pagkakataon, ang mambabasa ang siyang dapat na magbigay ng katapusan sa kwento at siya ring bubuo ng kung ano ang dapat na ikintal niya sa kanyang isipan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad o nagpapakita ng mga tunay na nagaganap sa buhay ng isang tao.
  • #12 Dito nangyayari ang kwento nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
  • #13 Ang tauhan ay isang elemento ng sanaysay o maikling kwento na nagbibigay buhay at gumaganap sa mga pangyayari. Explanation:   Ang tauhan ay maaaring nasa anyo ng babae, lalake, bata, matanda, hayop(na nagsasalita), halaman(na nagsasalita). Maging tao man o gawa ng likhang pagiisip, ang tauhan ay marapat na magkaroon ng katangiang pantao upang ipahayag ang saloobin, kumikilos, may damdamin at nagbibigay buhay. Sila ang nagbibigay buhay isa isang sanaysay o maikling kwento.
  • #14 Problemang haharapin ng tauhan.
  • #15 May apat na uri - tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
  • #16 Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
  • #17 pangyayari sa kuwento.
  • #23 Group Activity