Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
1. Nasyonalismo – Ang damdamin ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa. Halimbawa, ang mga Junkers, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe. May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. Kabilang pa rito ay ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria. Marami rin sa mga estado ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon, at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso.
2. Imperyalismo – Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo. Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa. Halimbawa, sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo. Tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Aprika. Sa gitnang silangan, nabahala ang Inglatera sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway sapagkat ito'y panganib sa kaniyang lifeline patungong India. Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan ay tumawag ng pansin at mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Russia. Naging kalaban din ng Germany ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina. Hindi nasiyahan ang Germany at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang bahaging nakuha ng Inglatera at France.
3. Militarismo - Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.
4. Pagbuo ng mga Alyansa – Dahil sa mga inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang Triple Entente at ang Triple Alliance.
Ang Pagsisimula at Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig
Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War I. Noong Hunyo 28,1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary.

3. Isang pilosopong Ingles. Kilalala bilang
Ama ng Liberalismo. Naimpluwensiyahan ng
mga sulatin niya sina Voltaire at Rousseau.
4. Mga Paniniwala ni John Locke
Naniniwala siya na magkakaroon ng
pag-unlad, kung gagamitin ng tao ang
kritikikal na pag-iisip at paggamit ng
pangangatuwiran.
5. Ayon sa kanya, ang mga tao ay
ipinanganak nang malaya at pantay-
pantay.
6. Naniniwala siya na hindi likas na mabuti
at hindi rin likas na masama ang tao at
ang karanasan ang huhubog sa kanyang
katauhan.
7. Nakita niya na mahalaga ang papel na
gagampanan ng edukasyon sa wastomg
paghubog ng mga tao.
8. Naniniwala siya na likas sa tao ang mga
karapatan tulad ng karapatang mabuhay,
magkaroon ng ari-arian, at maging
malaya.
9. Naniniwala siya na ang tao at ang
pamahalaan ay pumapasok sa isang
pakikipag-kasunduan panlipunan na
dapat pag-ingatan.
10. Kung sakaling hindi mapapangalagaan
ng pamahalaan ang mga karapatan ng
mga tao, tao rin ang may tungkulin na
palitan o baguhin ito.
11. Tinuturing ng iba na ang paniniwalang
ito ay nagpapahiwatig na may karapatang
mag-alsa ang maga mamamayan laban sa
kanilang pamahalaan.
12. Naniniwala siya na ang lahat ng
kaalaman ay nagkamit sa pamamagitan
ng karanasan.
13. Ayon sa kanya, lahat ng kayamanan ay
produkto ng paggawa.
14.
15. Sa Social Contract ni John Locke, ipinapakita
ang mabuting lipunan at upang panindigan
ang mga likas na mga karapatan ng indibidwal.
16. Mga nagawa ni John Locke
An Essay Concerning Some Thoughts concerning
Education (1693) Human Understanding(1690)
17. Letter Concerning Two Treatises of Civil
Government (1690) Toleration (1689)