1. Ako’y matututo.
Sa klase’y mahuhuli ngunit hindi ako.
Gawain ay aayusin
Pagbubura’y di dapat gawin.
Bagkus isusulat nang maayos ang mga sulatin.
Lo Prometo
(Sa Klaseng Pagbasa ni Bb. Grace
Velasco)
2. Sa pagsasalita, itataas aking kamay.
Samahan ng tiyaga at paghihintay.
Pakikinig sa nagsasalita’y handang ibigay
Upang maintindihan lahat ng bagay
Lo Prometo
(Sa Klaseng Komunikasyon ni Bb.
Grace Velasco)
3. Mananatili ako sa aking upuan,
wala o may ginagawa man.
Pag-iingay ay dapat iwasan
upang lahat ay magkaintindihan.
Lo Prometo
(Sa Klaseng Komunikasyon ni Bb.
Grace Velasco)
4. Hinding-hindi rin ako magsasalita ng sabayan
lalo na’t di pinahihintulutan
Di makikipagkopyahan.
Bagkus ibibigay aking buong kakayanan.
Lo Prometo
(Sa Klaseng Komunikasyon ni Bb.
Grace Velasco)
5. Responsibilidad ko ang aking bawat kilos,
Nang aming klase’y maging maayos,
Ipinapangako ko, ako’y makikilahok.
Sisikaping matuto sa likod ng antok.
Lo Prometo
(Sa Klaseng Komunikasyon ni Bb.
Grace Velasco)