Modyul 7:Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao.pptxJun-Jun Borromeo
"Napaglilingkuran ko ang ating bayan." ito ang sagot ng isang sundalo sa isang pastor sa tanong nito kung bakit pinili niyang maging sundalo sa kabila ng panganib ng ganitong trabaho.
Ilan kaya ang kabataan tulad mo ang ganitong motibasyon sa pagpili ng trabaho sa hinaharap? Sa anumang gawaing naitakda mong gawin, isinasaalang alang mo ba ang kabutihang maidudulot nito sa iba - sa pamilya, paaralan, o pamayanan?
Inaasahang masasagot ng modyul na ito ang mga sumusunod na katanungan na: Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao? Ano ang mabuting maidudulot nito sa ating pagkatao?
Sa modyul na ito, Inaasahang maipapamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakikilala ang kakayahan ng paggawa bilang tagataguyod ng dignidad ng tao.
2. Nakakasusuri kung ang paggawa nasaksihan sa pamilya, paaralan o barangay /pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao.
3. Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
4. Nakakabuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam aa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan na nasa ibat ibang karera o trabahong teknikal-bokasyonal.
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018Edna Azarcon
Outline ng pagtalakay sa mga konsepto sa "Pagpapalalim" ng aralin para sa EsP Grade 9. Sa mga kokopya nito, mangyaring maglagay ng komento para sa higit na ikagaganda ng mga susunod pang presentasyon. Salamat.

Disclaimer:
All of the pictures and pieces of information on this site are the property of their respective owners. I do not hold any copyright in regards to these pictures and information. These pictures have been collected from different public sources including various websites, considered to be in the public domain. If anyone has any objection to display of any picture, image or information, it may be brought to my notice by sending an email (contact me) & the disputed media will be removed immediately, after verification of the claim.
Ako ay isang lingkod bayan.
Katungkulan ko ang maglingkod ng buong katapatan at kahusayan
at makatulong sa katatagan at kaunlaran ng aking bayan.
Sisikapin kong patuloy na maragdagan ang aking kaalaman.
Magiging bahagi ako ng kaayusan at kapayapaan sa pamahalaan.
Susunod at tutulong ako sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas
At alituntunin nang walang kinikilingan.
Isasaalang-alang ko ang interes ng nakararami bago ang pansarili kong kapakanan.
Isusulong ko ang mga programang mag-aangat sa antas ng kabuhayan ng mamamayan.
Aktibo akong makikibahagi sa mga dakilang layunin sa lipunan.
Hindi ako magiging bahagi, at isisiwalat ko ang anumang katiwaliang maka-aabot sa
aking kaalaman.
Gagawin kong kapaki-pakinabang ang bawat sandali.
Sa lahat ng panahon, sisikapin kong makatugon sa mga hamon sa lingkod bayan.
Ang lahat ng ito para sa ating Dakilang Lumikha, at sa ating bayan.
Kasihan nawa ako ng Maykapal.
2. Ang Konsepto ng Lipunang Sibil, Media at
Simbahan at ang mga Halimbawa Nito
3. Ang lipunan ay likas na napakaraming mga batas
na ginagawa o ipinapatupad upang susundin ng
mga tao nang sa gayon ay mapabuti at maging
matiwasay ang kanilang pamumuhay. Subalit sa
maraming pagkakataon, ito’y hindi rin nasusunod
o di kaya’y nagkukulang ang pamahalaan sa
pagganap ng kanilang mga tungkulin sa
napakarami ring kadahilanan at pagkakataon.
4. Bunga ng pagyayaring ito, ang mga mamamayan
ay nagkukusang loob na gumawa ng pansariling
paraan upang maisagawa ang isang adhikaing
naglalayong tugunan ang ilang suliraning hindi
agarang natutugunan ng ating pamahalaan,
dahil dito nabuo ang konsepto ng lipunang sibil
na may layuning isulong ang ikabubuti ng bawat
kasapi ng lipunan.
5. Magkusang loob tayong kumilos at tumulong
upang makapag-ambag para sa ikabubuti ng
lahat sa pamamagitan ng ating pinagsama-
samang lakas, talento, at kakayahan.
6. Ang Lipunang Sibil ay isang uri ng lipunan
na kusang loob na nag-oorganisa ng ating
mga sarili tungo sa samasamang pagtuwang
sa isa’t isa. Tayong lahat ay kabilang sa isang
lipunang sibil sapagkat tayo ay mayroong
pamilya at ang pamilya ang siyang pinaka
pangunahing unit ng isang lipunang sibil.
Ang layunin ng lipunang sibil ay mabigyang
pansin ang pagkukulang ng pamahalaan at
gabayan ang mga mamamayan.
7. Ang media ay tumutukoy sa anumang bagay na
nasa pagitan o namamagitan sa nagpadala at
pinadalhan. Sila ang naghahatid ng balita para sa
lahat ng mga mamamayan. Ito ay tinatawag na
medium kung marami. Ang mga halimbawa nito
ay ang facebook, twitter, at instagram
naglalayong maghatid ng sari-saring
impormasyon, balita, at iba pa.
8. Tungkulin nito ang pagsabi ng katotohanan at
ang pagtutuwid ng maling impormasyon na
maaring batayan sa pagpapasya ng aksyong
gagawin.
9. Sa pagpapalutang ng mahahalagang
impormasyon ay napanatili mo ang ikabubuti ng
iba pang kasapi ng lipunan. Ito ay pinaglalagakan
lamang ng mga katotohanang kailangan ng
lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito.
Hindi ikabubuti ninuman ang kasinungalingang
bunga ng pagdadagdag-bawas sa katotohanan.
10. Ang simbahan ay nagsisilbing gabay natin sa
espiritwal na kaganapan. Ito rin ay panrelihiyong
institusyon na siyang nagtataguyod sa ating
pagganap. Sa pananampalataya mo ay hindi
mawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa
katunayan, ang iyong pananampalataya ay
naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang
sa lipunan, at pagtugon sa pananawagan ng
lahat.
11. Ang Gabriella ay binuo at nagkaroon sila ng
kinatawan sa Kongreso. Dahil dito maraming mga
batas ang naisulong tulad ng mga sumusunod:
• Anti-Sexual Harassment Act (1995)
• Women in Development and Nation-Building
Act (1995)
• Anti-Rape Law (1997)
12. • Rape Victims Assistance and Protection Act
(1998)
• Anti- Trafficking of Persons Act (2003)
• Anti-Violence Against Women and Their
Children Act (2004)
13. Kumpletuhin Mo’to!
PANUTO: Punan ang patlang upang mabuo ang konseptong
ninanais na mabuo sa sitwasyong nasa ibaba.
SITWASYON:
Kung nabigo ang estado o bayan na maibigay sa mga tao
ang maayos at magandang buhay, kusang-loob
tayong________________________________________
_____________________________________________
upang ang kabutihang panlahat ay makamit.
14. Ayusin mo ‘to!
PANUTO: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga salita
upang makabuo ng isang pangungusap.
1. at tumulong upang makapag-ambag
2. sa pamamagitan ng ating pinagsama-samang lakas,
3. para sa ikabubuti ng lahat
4. talento, at kakayahan
5. magkusang loob tayong kumilos
15. KARAGDAGANG GAWAIN:
T-shirt Design
PANUTO: Magdesenyo ng t-shirt na may temang
“Tulong ko, Alay Ko sa Kapwa Mahal ko”. Isulat sa
kahon ang paliwanag tungkol sa mabubuong desinyo.
16. KARAGDAGANG GAWAIN:
PANUTO: Sumulat ng apat na pangalan ng lipunang
sibil (NGO) sa inyong komunidad at ang mga uri ng
kanilang paglilingkod.