SlideShare a Scribd company logo
Lesson 5 – Pre-Encounter
PREBELEHIYO NA MAKAPASOK
Heb 4:14 Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa
kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.
Heb 4:15 Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa
ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon
ma'y walang kasalanan.
Heb 4:16 Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y
magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa
panahon ng pangangailangan.
Mat 6:9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa
ang pangalan mo.
Mat 6:10 Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano
sa langit, gayon din naman sa lupa.
Mat 6:11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
Mat 6:12 At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na
nagpatawad sa mga may utang sa amin.
Mat 6:13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't
iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man.Siya
nawa.
Isang araw panahon ng civil war sa America, may isang malungkot na sundalo ang nakaupo sa bangko sa
labas ng White House. Isang maliit na batang lalaki ang dumating at nagtanong kung ano ang problema
niya. Sinabi ng sundalo na kailangang-kailangang makausap niya si President Lincoln, subalit ayaw siyang
papasukin ng mga guardia. Nang marinig niya ito, hinawakan ng bata ang kamay ng sundalo at inakay
niya ito lumampas sa mga guardiang sundalo deretso sa opisina ng presedente. “Daddy,” tawag niya,
“kailangang-kailangan kang makausap ka niya.” Ang batang iyon ay anak ng presedente at pwedeng
pumasok sa opisina ng tatay niya sa ano mang oras. Ang kasaysayang ito’y naglalarawan ng
pinakadakilang prebelehiyo meron ang tunay na mananampalataya ni Kristo. Lalaki man o babae sila ay
may daang makalapit sapinakamakapangyarihang persona sa buong sanlibutan. Totoo lang ito sa
pamamagitan HesuKristo, ang tanging daan tungo sa Diyos.
Layunin:
1. Matutunan na kay Hesus bilang Punong Secerdote natin, wala nang iba pang patron ditto sa
lupa upang maabot ang Diyos sa langit.
2. Ituro ang pangangailangang matutunan ang tamang paraaan ng paglapit sa Panginoon sa
panalangin, na may pagpapatawad at walang pangsariling hangarin sa kapangyarihan ng
Banal na Espirito.
3. Ituro ang modelong ACTS, na nagpapakita ng apat na mahahalagang element na dapat na
maging bahagi n gating mga panalangin.
Ang kaisipan sa pagkakaroon ng daan o paraan ng paglapit ay pamilyar sa mga Hudyo. Kailangan
ang mga secerdote sa Lumang Tipan ay kailangan upang makapasok. Sa temple kung saan ay
matatagpuan nila ang presensia ng Diyos sila ay makatutungtong lamang sa outer court yard na
tinatawag. Ang punong secerdote ang tanging tao na maaaring makapasok sa loob ng kabanalbanalang
lugar ng temple kung saan humaharap siya sa presensya ng Diyos misan isang taon. Kailangan niya itong
paghandaang mabuti, pagkat kung may mali siya tiyak na siya’y mamamatay. Ang kamatayan ni Kristo sa
krus, ang sumagot sa pangngailangan ng kautusan upang ang lahat na sumampalataya sa Kanya ay
magkaroon ng derektong daan sa Diyos. Ito ang tinitiyak ng talatang binasa natin sa Hebrews – Ngayon
si Kristo an gating Punong Secerdote sa langit upang tayo ay malayang makaabot sa Diyos sa
pamamagitan n gating mga panalangin.
Alam mob a ang dakilang prebelehiyong ito? Sino sa atin ang sinasamantala ang kalayaang ito na
lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Upang hindi natin masayang ang dakilang karapatang
ito, pagaralan natin ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa panalangin. Kahihiyan para sa isang
mananampalataya ang hindi makaalam ng katotohanang ito. Naniniwala ako na ito ang dahilan kung
bakit gumamit si Kristo ng mahabang oras sa pagtuturo sa Kanyang mga alagad tungkol sa pananalangin.
Nais Niya na samantalahin natin ang karapatang ito na ipinagkaloob sa atin.
Sino an gating dakilang punong secerdote? Ano ang ginagampanan Niya sa kalayaan nating lumapit sa
Diyos?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
I. BASIHAN
Sa modelong panalangin na itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad sa Matthew 6:9-13, nagpasimula
Siya ng mga salitang ito, “Ama naming sumasalangit ka.” Ang mga ito’y nagpapahiwatig ng relasyong
napasa atin ng tanggapin natin si Hesus bilang atin Panginoon at Tagapagligtas. Sinasabi sa John
1:12, na,“ Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila
ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga
nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:”
Madalas nating sabihin na ang panalangin ay, pakikipagusap sa Diyos, subalit meron pa sa
panalangin na higit pa sa dalawang taong naguusap. Ito’y pagniniig ng dalawang may
relasyon. Nakikipagniig tayo sa Diyos na ating Ama sa langit at ang pagibig na namamagitan
sa atin ang pinanghahawakan natin sa paglapit sa Kanya. Ang “Ama Namin” ay isang
modelong panalangin, subalit hindi dapat ulit-ulitin ang mga salita nito. Sinong magulang
ang may gusto na kung nakikipagusap sa kanila ang kanilang mga anak ay paulit-ulit na salita
ang kanilang gagamitin? Hindi ba ito makaiinis sa atin? Tingnan ninyo sa texto na ating
pinagaaralan, hindi sinabi ni Hesus na, “ganito ang inyong panalangin,” kundi “ganto ang
paraan ng inyong panalangin.” Maliwanag na binigyan sila ni Hesus ng isang modelo o
paraan na kung saan ibabase nila ang kanilang mga panalangin. Bago ditto binalaan sila ni
Hesus na huwag gagamit ng paulitulit na panalangin katulad ng ginagawa ng mga pagano.
Mat 6:7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang
paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang
maraming kasasalita ay didinggin sila.
Mat 6:8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang
mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.
Ang mga salitang paulitulit ay nagpapakita ng pagsasalita na hindi nanggagaling sa isip o
puso. Hindi nasisiyahan an gating Ama sa langit kung tayo ay lalapit sa Kanya na
makikipagusap gamit ay nasusulat o mga naisaulong mga salita. Ang pakikipagusap natin sa
Kanya ang siyang nagpapalalim n gating relasyon, at nais Niya na ito ay galling sa ationg mga
puso. Katulad ng nakagawian ng mga tao, kung nais mo ang isang bagay sa inyong
presedente dumaan ka muna sa inyong mayor o gobernador o congressman o senador.
Kailangan ko pa ba sila kung ang presedente ay tatay ko? Alam kong makadederetso ako sa
kanya pagkat bilang anak ito ay aking prebelehiyo.
2. Ano ang basihan ng prebelehiyo sa derektong daan tungo sa presensya ng Diyos?
____________________________________________________________________
3. Anong nadarama mo kung derekta kang makalapit sa luklukan ng biyaya?
____________________________________________________________________
II. ANG HADLANG
Isa pang mahalagang bagay sa modelong panalangin ay makikita natin ang mga salitang,
“sambahin ang ngalan mo,Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong
kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” Dito Makita natin ang dalawang
hadlang sa isang mabisang panalangin.
A. Makasalanang Buhay (sambahin ang ngalan mo)
Sambahin(hallowed be) ang pagsanba ay pagkilala ng kabanalan. Sa mga Hudyo ang
pangalan ay naglalarawan ng isang karakter. Ang pagsamba sa pangalan ng Diyos ay
isang mataas na paggalang sa karakter o katayuan ng Diyos. Hindi tayo maaring basta na
lamang lumapit sa Diyos na hindi natin pinaghandaan ang kabanalan ng Diyos na ating
kakaharapin. Kung ang Diyos ang siyang pinakamalinis at pinakabanal kailangang
siyasatin natin an gating mga puso kung may natatagong kasalanan o karumihan at
napapanatili natin ang malinis na relasyon natin sa Kanya. Pansinin ninyo ang ilang mga
talata:
Psa 66:18 If I regard iniquity in my heart, The Lord will not hear:
Isa 59:1 Behold, Jehovah's hand is not shortened, that it cannot save; neither his ear heavy,
that it cannot hear:
Isa 59:2 but your iniquities have separated between you and your God, and your sins have hid
his face from you, so that he will not hear.
Hindi natin maaasahan na sasagutin ng Diyos an gating mga panalangin kung tayo ay
may natatagong kasalanan sa ating mga puso. Dapat din nating tandaan na nasasakop
nito ang mga kasalanang “commission” at omission.” Ang kasalanang commission ay
nangyayari kung may mga bagay na iniutos na hindi natin dapat gawin na ginagawa
naman natin. Tulad halimbawa ng pagsisinungaling. Ang omission naman ay ang mga
iniutos sa atin na dapat nating gawin na lagi nating kinaliligtaan na gawin. Sinabi mismo
ni Hesus ang mga salitang ito tungkol sa panalangin.
Mar 11:25 At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo,
kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na
nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.
Sa medaling salita kung tayo ay may pusong ayaw magpatawad, ito ay tiyak na
makahahadlang sa pagsagot ng Diyos sa ating mga panalangin. Sa katunayan ginagawa ni
Satanas ang lahat upang manatili tayo sa ating mga kasalanan upang hindi masagot ng Diyos
an gating mga panalangin. Huwag natin itong pabayaan, lagi nating siyasatin an gating mga
buhay at pagsisihan natin at ihingi ng tawad ang lahat n gating mga kasalanan. Lagi tayong
magpatawad sa lahat ng nagkasala sa atin at pinakamabuti na isama natin sila sa ating mga
panalangin.
4. Bakit mahalaga na magpatawad tayo bago manalangin?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
B. Maramot na Buhay – “mapasaamin ang iyong kaharian, maganap ang iyong mga
kalooban ditto sa lupa katulad ng sa langit.”
Ang panalangin ay hindi paghingi ng mga bagay na nais nating gamitin ditto sa lupa. Ipinakita
ni Hesus nab ago tayo humingi ng mga bagay para ditto sa lupa, kailangang m,asentro an
gating mga kalooban sa layunin ng Diyos para sa lupa at sa langit. Paano ito?Ang layunin ng
kaharian ng Diyos ay malayong higit na mahalaga sa mga pansarili nating layunin. Tulad
halimbawa na ayaw ng Diyos sa 2Pe 3:9, “ na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak,
kundi ang lahat ay magsipagsisi.” Kung ang hinihingi mo ay makahahadlang sa katuparan
ng kaloobang ito ng Panginoon hindi ito papahintulutan ng Diyos, o Kaya’y ang hinihingi
m,o ay pansarili lamang kapakinabangan hindi ri ito diringgin ng Diyos. Ito ang tinutukoy ni
apostol Santiago, Jas 4:3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't
nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.
5. Paano natin mapananatili ang mabisa at hindi makasariling panalangin na tiyak na may
katugunan sa Panginoon?
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ipinaliwanag ni Hesus sa John 15:7Joh 15:7 Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga
salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa
inyo.
Ang pananatili ay ang lubos na pagtitiwala kay Hesus oras-oras – patuloy na nakikipagniig sa
Kanya at pagsuko ng iyong kalooban sa Kanya. Sa ganitong kalagayan hindi mo maiisipan na
gumawa at humingi ng mga bagay na hindi makapagbibigay kasiyahan sa Kanya. Tiyak na
ang Banal na Espirito ay lagi kang papatnubayan sa iyong mga panalangin upang ang lahat
na iyong mga kahilingan ay lagging pasok sa kalooban ng Panginoon. Sinabi ni Pablo na lagi
tayong aalalayan ng Banal na Espirito upang lagging tama ang hinihingi natin sa Diyos.
Rom 8:26 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi
tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa
atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;
Rom 8:27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu,
sapagka't siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.
6. Kapag tayo’y makasarili sa ating mga panalangin, ano ang ipinapakita nito sa ating buhay
spiritual?
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________
7. Ano ang papel ng Banal na Espirito sa ating pananalangin?
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________
_
8. Magbigay ng mga hadlang sa ating paglapit sa Diyos.
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________
_
III. PANGUNAHING ELEMENTO:
Matapos nating malaman ang pinagbabatayan at mga hadlang sa ating pananalangin,
kailangan din nating malaman ang mga sandigan ng pangunahing element ng
panalangin. Marami tayong naririnig na mga Kristiano na, “Hindi ako marunong
manalangin,” pero ang ibig nilang sabihin ay hindi nila kayang manalangin tulad ng
mga matatanda na mahahaba at mabulaklak kung manalangin. Ang mabuting
balita’y hindi natin kailangan ang ganoong uri ng panalangin. Ang hinihintay ng
Diyos sa atin ay, katapatan n gating mga puso at ang mga hinaing na bumubukal
ditto. Kung ating babalikan ang modelong iniwan sa atin ng Panginoong Hesus, may
apat na element na dapat ay lagging kasama tuwing tayo’y mananalangin. Madali
natin itong matatandaan sa pamamagitan ng “acronym” na ACTS.
Adoration (pagsamba)
Ang pagsamba ay ang pagtataas at pagpuri sa Diyos sa tunay Niyang kalagayan. Tulad ng, “Ama
naming sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo, mangyari ang kalooban mo ditto sa lupa
tulud ng sa langit.” Psa 22:3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri
ng Israel. Nais ng Panginoon ang pagsamba sa lahat Niyang nilalang.
Confession(paghahayag)
Dahil an gating mga kasalanan ay isa sa humahadlang upang tayo’y mapakinggan ng Panginoon
kailangan natin itong ihayag sa Kanya bilang pagtanggap n gating pagkakamali at pagsisisi
upang tayo ay Kanyang patawarin at linisin upang mawala ang hadlang.1Jn 1:9 Kung
ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa
ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
Thanksgiving(pagpapasalamat)
Sa pagsamba, tinatanggap natin Siya sa tama Niyang kalagayan bilang Diyos,
sa pagpapasalamat itinataas natin Siya sa lahat ng kabutihang ginawa Niya
sa atin. Sa panahong inaalaala natin ang mga pagpapalang ginawa Niya sa
atin ay lalong nagpapatibay n gating pananampalataya at pagtitiwala sa
Kanya.
Suplication(Paghingi)
Ito ang panahon na humihingi tayo o dumadaing sa Kanya para sa ating mga
buhay at ganon din para sa iba. Nang sabihin ni Hesus, “Bigyan po Ninyo
kami ng aming kakainin sa araw-araw,” ang ibig Niyang sabihin ay an gating
mga pangangailangan sa araw-araw at ang lahat na nakapagpapagulo n
gating mga pagiisip. Si Pablo ay tunay na naniniwala sa bagay na ito.
Php 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa
pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong
mga kahilingan sa Dios.
Php 4:7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga
puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
Bilang mga Kristiano, kailangang tayo ay maniwala na an gating Diyos ay kayang magbigay ng
lahat na ating ipinapanalangin. Ang mga bagay na ito ay para sa atin o sa mga taong ating
ipinapanalangin. Walang imposible sa Panginoon. Sa ganoon ang lahat ay possible sa
pamamagitan n gating mga panalangin, maliban doon s. Sa ganoon ang lahat ay possible sa
pamamagitan n gating mga panalangin, maliban doon sa labas sa kalooban ng Diyos. Jer
33:3 Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga
dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman. Sa mahabang panahon nakita ko
ang kapangyarihan ng Diyos sa pagsagot sa aking mga panalangin, kahit doon sa mga hindi
ko inaasahan at ako’y nagtitiwala na ito rin ay mangyayari sa bawat isa sa inyo kung
matutunan natin ang mga kalooban ng Panginoon sa atin at sa ating mga paglilingkod sa
Kanya.

More Related Content

What's hot

REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service
REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog ServiceREDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service
REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service
Faithworks Christian Church
 
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biegeDiscipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Danny Medina
 
Dalawang sanga ng relihiyon
Dalawang sanga ng relihiyonDalawang sanga ng relihiyon
Dalawang sanga ng relihiyonRogelio Gonia
 
Ang kristiyanong mithiin presentation
Ang kristiyanong mithiin presentationAng kristiyanong mithiin presentation
Ang kristiyanong mithiin presentation
Rodel Sinamban
 
I AM NEW - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
I AM NEW - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEI AM NEW - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
I AM NEW - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
Faithworks Christian Church
 
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilRitu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilEllen Maala
 
26 sunday missal (tagalog)
26 sunday missal (tagalog)26 sunday missal (tagalog)
26 sunday missal (tagalog)Angel Molina
 
JAMES 15 - CONCERNED PASTOR, CARING PEOPLE - PTR. ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY ...
JAMES 15 - CONCERNED PASTOR, CARING PEOPLE - PTR. ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY ...JAMES 15 - CONCERNED PASTOR, CARING PEOPLE - PTR. ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY ...
JAMES 15 - CONCERNED PASTOR, CARING PEOPLE - PTR. ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY ...
Faithworks Christian Church
 
Christian life program talk 5 2018
Christian life program talk 5 2018Christian life program talk 5 2018
Christian life program talk 5 2018
Rodel Sinamban
 
Bihilya
BihilyaBihilya
L esson 1 pre encounter
L esson 1  pre encounterL esson 1  pre encounter
L esson 1 pre encounterRogelio Gonia
 
PRAY 4 - PAANO KO MALALAMAN KUNG ANO YUNG PINAKAMAHALAGA - PTR ALAN ESPORAS -...
PRAY 4 - PAANO KO MALALAMAN KUNG ANO YUNG PINAKAMAHALAGA - PTR ALAN ESPORAS -...PRAY 4 - PAANO KO MALALAMAN KUNG ANO YUNG PINAKAMAHALAGA - PTR ALAN ESPORAS -...
PRAY 4 - PAANO KO MALALAMAN KUNG ANO YUNG PINAKAMAHALAGA - PTR ALAN ESPORAS -...
Faithworks Christian Church
 
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
Faithworks Christian Church
 
DOCTRINE 2 - ANG DIYOS AY NAGSASALITA - PS. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SER...
DOCTRINE 2 - ANG DIYOS AY NAGSASALITA - PS. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SER...DOCTRINE 2 - ANG DIYOS AY NAGSASALITA - PS. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SER...
DOCTRINE 2 - ANG DIYOS AY NAGSASALITA - PS. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SER...
Faithworks Christian Church
 
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
Faithworks Christian Church
 

What's hot (20)

REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service
REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog ServiceREDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service
REDEEMING RUTH 2 - Ptr. Alvin Gutierrez | 7:00AM Tagalog Service
 
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biegeDiscipleship manual 1 tagalog revised by biege
Discipleship manual 1 tagalog revised by biege
 
Dalawang sanga ng relihiyon
Dalawang sanga ng relihiyonDalawang sanga ng relihiyon
Dalawang sanga ng relihiyon
 
Ang kristiyanong mithiin presentation
Ang kristiyanong mithiin presentationAng kristiyanong mithiin presentation
Ang kristiyanong mithiin presentation
 
I AM NEW - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
I AM NEW - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEI AM NEW - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
I AM NEW - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
 
Cfc clp talk 9
Cfc clp talk 9Cfc clp talk 9
Cfc clp talk 9
 
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng KumpilRitu ng Sakramento ng Kumpil
Ritu ng Sakramento ng Kumpil
 
26 sunday missal (tagalog)
26 sunday missal (tagalog)26 sunday missal (tagalog)
26 sunday missal (tagalog)
 
Misang Cuyonon.July 31, 2016
Misang Cuyonon.July 31, 2016Misang Cuyonon.July 31, 2016
Misang Cuyonon.July 31, 2016
 
JAMES 15 - CONCERNED PASTOR, CARING PEOPLE - PTR. ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY ...
JAMES 15 - CONCERNED PASTOR, CARING PEOPLE - PTR. ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY ...JAMES 15 - CONCERNED PASTOR, CARING PEOPLE - PTR. ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY ...
JAMES 15 - CONCERNED PASTOR, CARING PEOPLE - PTR. ALAN ESPORAS - 7AM MABUHAY ...
 
Christian life program talk 5 2018
Christian life program talk 5 2018Christian life program talk 5 2018
Christian life program talk 5 2018
 
Cfc clp talk 8
Cfc clp talk 8Cfc clp talk 8
Cfc clp talk 8
 
Bihilya
BihilyaBihilya
Bihilya
 
L esson 1 pre encounter
L esson 1  pre encounterL esson 1  pre encounter
L esson 1 pre encounter
 
Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3Cfc clp talk 3
Cfc clp talk 3
 
PRAY 4 - PAANO KO MALALAMAN KUNG ANO YUNG PINAKAMAHALAGA - PTR ALAN ESPORAS -...
PRAY 4 - PAANO KO MALALAMAN KUNG ANO YUNG PINAKAMAHALAGA - PTR ALAN ESPORAS -...PRAY 4 - PAANO KO MALALAMAN KUNG ANO YUNG PINAKAMAHALAGA - PTR ALAN ESPORAS -...
PRAY 4 - PAANO KO MALALAMAN KUNG ANO YUNG PINAKAMAHALAGA - PTR ALAN ESPORAS -...
 
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
"I AM APPRECIATED" - PTRA. LUCY BANAL - 7AM TAGALOG SERVICE
 
DOCTRINE 2 - ANG DIYOS AY NAGSASALITA - PS. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SER...
DOCTRINE 2 - ANG DIYOS AY NAGSASALITA - PS. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SER...DOCTRINE 2 - ANG DIYOS AY NAGSASALITA - PS. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SER...
DOCTRINE 2 - ANG DIYOS AY NAGSASALITA - PS. VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SER...
 
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
 
Misang Cuyonon.August 28, 2016
Misang Cuyonon.August 28, 2016Misang Cuyonon.August 28, 2016
Misang Cuyonon.August 28, 2016
 

Similar to Lesson 5 pre encounter

PRE CANA MODULE
PRE CANA MODULEPRE CANA MODULE
PRE CANA MODULE
Joemer Aragon
 
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdfBest-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
JonathanRitchieCuvin
 
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Rodel Sinamban
 
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Rodel Sinamban
 
Love Someone Today (Tagalog vesion).pdf
Love Someone Today  (Tagalog vesion).pdfLove Someone Today  (Tagalog vesion).pdf
Love Someone Today (Tagalog vesion).pdf
RudyAbalos3
 
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptxPAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
Mei Miraflor
 
Cfc clp talk 10 growing in the spirit 2015
Cfc clp talk 10 growing in the spirit 2015Cfc clp talk 10 growing in the spirit 2015
Cfc clp talk 10 growing in the spirit 2015
Rodel Sinamban
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version
Melvin Angeles
 
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay KristianoAng Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
Ai V
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Truth
 
Puspos ng Banal na Espiritu
Puspos ng Banal na EspirituPuspos ng Banal na Espiritu
Puspos ng Banal na Espiritu
Albert B. Callo Jr.
 
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxHunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
DarellLanuza1
 
A Hundredfold Increase.pdf
A Hundredfold Increase.pdfA Hundredfold Increase.pdf
A Hundredfold Increase.pdf
ChristineJewel4
 
Clp sesyon 10
Clp sesyon 10Clp sesyon 10
Clp sesyon 10
Noel Villaluz
 
Lesson 4 pre encounter
Lesson 4  pre encounterLesson 4  pre encounter
Lesson 4 pre encounterRogelio Gonia
 
Tunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisiTunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisi
Maria Teresa Gimeno
 
Tuloy tuloy na pamumunga hanggang sa pagtanda 8.9.17
Tuloy tuloy na pamumunga hanggang sa pagtanda 8.9.17Tuloy tuloy na pamumunga hanggang sa pagtanda 8.9.17
Tuloy tuloy na pamumunga hanggang sa pagtanda 8.9.17
John Joshua Camat
 
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu SantoMga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Sheryl Coronel
 
Ang pagiging tunay na alagad February 25,2024.pptx
Ang pagiging tunay na alagad February 25,2024.pptxAng pagiging tunay na alagad February 25,2024.pptx
Ang pagiging tunay na alagad February 25,2024.pptx
EironAlmeron
 
Gpta prayer 2020
Gpta prayer 2020Gpta prayer 2020
Gpta prayer 2020
IanSantosSalinas1
 

Similar to Lesson 5 pre encounter (20)

PRE CANA MODULE
PRE CANA MODULEPRE CANA MODULE
PRE CANA MODULE
 
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdfBest-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
Best-Decision-Gospel-Tract-Tagalog.pdf
 
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
 
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
Clp talk 10 april 23, 2017 san carlos, mexico, pamp.
 
Love Someone Today (Tagalog vesion).pdf
Love Someone Today  (Tagalog vesion).pdfLove Someone Today  (Tagalog vesion).pdf
Love Someone Today (Tagalog vesion).pdf
 
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptxPAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
 
Cfc clp talk 10 growing in the spirit 2015
Cfc clp talk 10 growing in the spirit 2015Cfc clp talk 10 growing in the spirit 2015
Cfc clp talk 10 growing in the spirit 2015
 
Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version Presentation clss tagalog version
Presentation clss tagalog version
 
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay KristianoAng Panalangin ng Buhay Kristiano
Ang Panalangin ng Buhay Kristiano
 
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!Lesson 3 Naroroon pa Rin!
Lesson 3 Naroroon pa Rin!
 
Puspos ng Banal na Espiritu
Puspos ng Banal na EspirituPuspos ng Banal na Espiritu
Puspos ng Banal na Espiritu
 
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxHunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
 
A Hundredfold Increase.pdf
A Hundredfold Increase.pdfA Hundredfold Increase.pdf
A Hundredfold Increase.pdf
 
Clp sesyon 10
Clp sesyon 10Clp sesyon 10
Clp sesyon 10
 
Lesson 4 pre encounter
Lesson 4  pre encounterLesson 4  pre encounter
Lesson 4 pre encounter
 
Tunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisiTunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisi
 
Tuloy tuloy na pamumunga hanggang sa pagtanda 8.9.17
Tuloy tuloy na pamumunga hanggang sa pagtanda 8.9.17Tuloy tuloy na pamumunga hanggang sa pagtanda 8.9.17
Tuloy tuloy na pamumunga hanggang sa pagtanda 8.9.17
 
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu SantoMga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
Mga Handog at Bunga ng Espiritu Santo
 
Ang pagiging tunay na alagad February 25,2024.pptx
Ang pagiging tunay na alagad February 25,2024.pptxAng pagiging tunay na alagad February 25,2024.pptx
Ang pagiging tunay na alagad February 25,2024.pptx
 
Gpta prayer 2020
Gpta prayer 2020Gpta prayer 2020
Gpta prayer 2020
 

More from Rogelio Gonia

HERE IN MY LIFE.docx
HERE IN MY LIFE.docxHERE IN MY LIFE.docx
HERE IN MY LIFE.docx
Rogelio Gonia
 
Bakit Nagagalit ang Diyos?
Bakit Nagagalit ang Diyos?Bakit Nagagalit ang Diyos?
Bakit Nagagalit ang Diyos?
Rogelio Gonia
 
Performance task in 21st century 2022
Performance task in 21st century 2022Performance task in 21st century 2022
Performance task in 21st century 2022
Rogelio Gonia
 
Demonstration sa AP6
Demonstration sa AP6Demonstration sa AP6
Demonstration sa AP6
Rogelio Gonia
 
Flat and sharp chart
Flat and sharp chartFlat and sharp chart
Flat and sharp chart
Rogelio Gonia
 
Demonstration in music 6
Demonstration in music 6Demonstration in music 6
Demonstration in music 6
Rogelio Gonia
 
Colonialmentality 161119140903
Colonialmentality 161119140903Colonialmentality 161119140903
Colonialmentality 161119140903
Rogelio Gonia
 
Africa before the arrival of the europeans
Africa before the arrival of the europeansAfrica before the arrival of the europeans
Africa before the arrival of the europeans
Rogelio Gonia
 
What child is this
What child is thisWhat child is this
What child is this
Rogelio Gonia
 
The first noel
The first noelThe first noel
The first noel
Rogelio Gonia
 
O come
O comeO come
It came upon a midnight clear
It came upon a midnight clearIt came upon a midnight clear
It came upon a midnight clear
Rogelio Gonia
 
Angels we have heard on high
Angels we have heard on highAngels we have heard on high
Angels we have heard on high
Rogelio Gonia
 
266098526 filipino-educators
266098526 filipino-educators266098526 filipino-educators
266098526 filipino-educators
Rogelio Gonia
 
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
Rogelio Gonia
 
3. ict-lac-activity-cards-template
3. ict-lac-activity-cards-template3. ict-lac-activity-cards-template
3. ict-lac-activity-cards-template
Rogelio Gonia
 
3. ict-lac-activity-cards-template2
3. ict-lac-activity-cards-template23. ict-lac-activity-cards-template2
3. ict-lac-activity-cards-template2
Rogelio Gonia
 
3 types of proportion
3 types of proportion3 types of proportion
3 types of proportion
Rogelio Gonia
 
Week7 lecture10
Week7 lecture10Week7 lecture10
Week7 lecture10
Rogelio Gonia
 
Session 7 bridging among 14 domains
Session 7 bridging among 14 domainsSession 7 bridging among 14 domains
Session 7 bridging among 14 domains
Rogelio Gonia
 

More from Rogelio Gonia (20)

HERE IN MY LIFE.docx
HERE IN MY LIFE.docxHERE IN MY LIFE.docx
HERE IN MY LIFE.docx
 
Bakit Nagagalit ang Diyos?
Bakit Nagagalit ang Diyos?Bakit Nagagalit ang Diyos?
Bakit Nagagalit ang Diyos?
 
Performance task in 21st century 2022
Performance task in 21st century 2022Performance task in 21st century 2022
Performance task in 21st century 2022
 
Demonstration sa AP6
Demonstration sa AP6Demonstration sa AP6
Demonstration sa AP6
 
Flat and sharp chart
Flat and sharp chartFlat and sharp chart
Flat and sharp chart
 
Demonstration in music 6
Demonstration in music 6Demonstration in music 6
Demonstration in music 6
 
Colonialmentality 161119140903
Colonialmentality 161119140903Colonialmentality 161119140903
Colonialmentality 161119140903
 
Africa before the arrival of the europeans
Africa before the arrival of the europeansAfrica before the arrival of the europeans
Africa before the arrival of the europeans
 
What child is this
What child is thisWhat child is this
What child is this
 
The first noel
The first noelThe first noel
The first noel
 
O come
O comeO come
O come
 
It came upon a midnight clear
It came upon a midnight clearIt came upon a midnight clear
It came upon a midnight clear
 
Angels we have heard on high
Angels we have heard on highAngels we have heard on high
Angels we have heard on high
 
266098526 filipino-educators
266098526 filipino-educators266098526 filipino-educators
266098526 filipino-educators
 
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
257398180 filipino-education-philosophy-new-slide
 
3. ict-lac-activity-cards-template
3. ict-lac-activity-cards-template3. ict-lac-activity-cards-template
3. ict-lac-activity-cards-template
 
3. ict-lac-activity-cards-template2
3. ict-lac-activity-cards-template23. ict-lac-activity-cards-template2
3. ict-lac-activity-cards-template2
 
3 types of proportion
3 types of proportion3 types of proportion
3 types of proportion
 
Week7 lecture10
Week7 lecture10Week7 lecture10
Week7 lecture10
 
Session 7 bridging among 14 domains
Session 7 bridging among 14 domainsSession 7 bridging among 14 domains
Session 7 bridging among 14 domains
 

Lesson 5 pre encounter

  • 1. Lesson 5 – Pre-Encounter PREBELEHIYO NA MAKAPASOK Heb 4:14 Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala. Heb 4:15 Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. Heb 4:16 Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan. Mat 6:9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Mat 6:10 Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Mat 6:11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. Mat 6:12 At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. Mat 6:13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man.Siya nawa. Isang araw panahon ng civil war sa America, may isang malungkot na sundalo ang nakaupo sa bangko sa labas ng White House. Isang maliit na batang lalaki ang dumating at nagtanong kung ano ang problema niya. Sinabi ng sundalo na kailangang-kailangang makausap niya si President Lincoln, subalit ayaw siyang papasukin ng mga guardia. Nang marinig niya ito, hinawakan ng bata ang kamay ng sundalo at inakay niya ito lumampas sa mga guardiang sundalo deretso sa opisina ng presedente. “Daddy,” tawag niya, “kailangang-kailangan kang makausap ka niya.” Ang batang iyon ay anak ng presedente at pwedeng pumasok sa opisina ng tatay niya sa ano mang oras. Ang kasaysayang ito’y naglalarawan ng pinakadakilang prebelehiyo meron ang tunay na mananampalataya ni Kristo. Lalaki man o babae sila ay may daang makalapit sapinakamakapangyarihang persona sa buong sanlibutan. Totoo lang ito sa pamamagitan HesuKristo, ang tanging daan tungo sa Diyos. Layunin: 1. Matutunan na kay Hesus bilang Punong Secerdote natin, wala nang iba pang patron ditto sa lupa upang maabot ang Diyos sa langit. 2. Ituro ang pangangailangang matutunan ang tamang paraaan ng paglapit sa Panginoon sa panalangin, na may pagpapatawad at walang pangsariling hangarin sa kapangyarihan ng Banal na Espirito. 3. Ituro ang modelong ACTS, na nagpapakita ng apat na mahahalagang element na dapat na maging bahagi n gating mga panalangin.
  • 2. Ang kaisipan sa pagkakaroon ng daan o paraan ng paglapit ay pamilyar sa mga Hudyo. Kailangan ang mga secerdote sa Lumang Tipan ay kailangan upang makapasok. Sa temple kung saan ay matatagpuan nila ang presensia ng Diyos sila ay makatutungtong lamang sa outer court yard na tinatawag. Ang punong secerdote ang tanging tao na maaaring makapasok sa loob ng kabanalbanalang lugar ng temple kung saan humaharap siya sa presensya ng Diyos misan isang taon. Kailangan niya itong paghandaang mabuti, pagkat kung may mali siya tiyak na siya’y mamamatay. Ang kamatayan ni Kristo sa krus, ang sumagot sa pangngailangan ng kautusan upang ang lahat na sumampalataya sa Kanya ay magkaroon ng derektong daan sa Diyos. Ito ang tinitiyak ng talatang binasa natin sa Hebrews – Ngayon si Kristo an gating Punong Secerdote sa langit upang tayo ay malayang makaabot sa Diyos sa pamamagitan n gating mga panalangin. Alam mob a ang dakilang prebelehiyong ito? Sino sa atin ang sinasamantala ang kalayaang ito na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Upang hindi natin masayang ang dakilang karapatang ito, pagaralan natin ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa panalangin. Kahihiyan para sa isang mananampalataya ang hindi makaalam ng katotohanang ito. Naniniwala ako na ito ang dahilan kung bakit gumamit si Kristo ng mahabang oras sa pagtuturo sa Kanyang mga alagad tungkol sa pananalangin. Nais Niya na samantalahin natin ang karapatang ito na ipinagkaloob sa atin. Sino an gating dakilang punong secerdote? Ano ang ginagampanan Niya sa kalayaan nating lumapit sa Diyos? _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ I. BASIHAN Sa modelong panalangin na itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad sa Matthew 6:9-13, nagpasimula Siya ng mga salitang ito, “Ama naming sumasalangit ka.” Ang mga ito’y nagpapahiwatig ng relasyong napasa atin ng tanggapin natin si Hesus bilang atin Panginoon at Tagapagligtas. Sinasabi sa John 1:12, na,“ Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:” Madalas nating sabihin na ang panalangin ay, pakikipagusap sa Diyos, subalit meron pa sa panalangin na higit pa sa dalawang taong naguusap. Ito’y pagniniig ng dalawang may relasyon. Nakikipagniig tayo sa Diyos na ating Ama sa langit at ang pagibig na namamagitan sa atin ang pinanghahawakan natin sa paglapit sa Kanya. Ang “Ama Namin” ay isang modelong panalangin, subalit hindi dapat ulit-ulitin ang mga salita nito. Sinong magulang ang may gusto na kung nakikipagusap sa kanila ang kanilang mga anak ay paulit-ulit na salita ang kanilang gagamitin? Hindi ba ito makaiinis sa atin? Tingnan ninyo sa texto na ating pinagaaralan, hindi sinabi ni Hesus na, “ganito ang inyong panalangin,” kundi “ganto ang paraan ng inyong panalangin.” Maliwanag na binigyan sila ni Hesus ng isang modelo o paraan na kung saan ibabase nila ang kanilang mga panalangin. Bago ditto binalaan sila ni Hesus na huwag gagamit ng paulitulit na panalangin katulad ng ginagawa ng mga pagano.
  • 3. Mat 6:7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila. Mat 6:8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya. Ang mga salitang paulitulit ay nagpapakita ng pagsasalita na hindi nanggagaling sa isip o puso. Hindi nasisiyahan an gating Ama sa langit kung tayo ay lalapit sa Kanya na makikipagusap gamit ay nasusulat o mga naisaulong mga salita. Ang pakikipagusap natin sa Kanya ang siyang nagpapalalim n gating relasyon, at nais Niya na ito ay galling sa ationg mga puso. Katulad ng nakagawian ng mga tao, kung nais mo ang isang bagay sa inyong presedente dumaan ka muna sa inyong mayor o gobernador o congressman o senador. Kailangan ko pa ba sila kung ang presedente ay tatay ko? Alam kong makadederetso ako sa kanya pagkat bilang anak ito ay aking prebelehiyo. 2. Ano ang basihan ng prebelehiyo sa derektong daan tungo sa presensya ng Diyos? ____________________________________________________________________ 3. Anong nadarama mo kung derekta kang makalapit sa luklukan ng biyaya? ____________________________________________________________________ II. ANG HADLANG Isa pang mahalagang bagay sa modelong panalangin ay makikita natin ang mga salitang, “sambahin ang ngalan mo,Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” Dito Makita natin ang dalawang hadlang sa isang mabisang panalangin. A. Makasalanang Buhay (sambahin ang ngalan mo) Sambahin(hallowed be) ang pagsanba ay pagkilala ng kabanalan. Sa mga Hudyo ang pangalan ay naglalarawan ng isang karakter. Ang pagsamba sa pangalan ng Diyos ay isang mataas na paggalang sa karakter o katayuan ng Diyos. Hindi tayo maaring basta na lamang lumapit sa Diyos na hindi natin pinaghandaan ang kabanalan ng Diyos na ating kakaharapin. Kung ang Diyos ang siyang pinakamalinis at pinakabanal kailangang siyasatin natin an gating mga puso kung may natatagong kasalanan o karumihan at napapanatili natin ang malinis na relasyon natin sa Kanya. Pansinin ninyo ang ilang mga talata: Psa 66:18 If I regard iniquity in my heart, The Lord will not hear: Isa 59:1 Behold, Jehovah's hand is not shortened, that it cannot save; neither his ear heavy, that it cannot hear: Isa 59:2 but your iniquities have separated between you and your God, and your sins have hid his face from you, so that he will not hear. Hindi natin maaasahan na sasagutin ng Diyos an gating mga panalangin kung tayo ay may natatagong kasalanan sa ating mga puso. Dapat din nating tandaan na nasasakop nito ang mga kasalanang “commission” at omission.” Ang kasalanang commission ay nangyayari kung may mga bagay na iniutos na hindi natin dapat gawin na ginagawa
  • 4. naman natin. Tulad halimbawa ng pagsisinungaling. Ang omission naman ay ang mga iniutos sa atin na dapat nating gawin na lagi nating kinaliligtaan na gawin. Sinabi mismo ni Hesus ang mga salitang ito tungkol sa panalangin. Mar 11:25 At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan. Sa medaling salita kung tayo ay may pusong ayaw magpatawad, ito ay tiyak na makahahadlang sa pagsagot ng Diyos sa ating mga panalangin. Sa katunayan ginagawa ni Satanas ang lahat upang manatili tayo sa ating mga kasalanan upang hindi masagot ng Diyos an gating mga panalangin. Huwag natin itong pabayaan, lagi nating siyasatin an gating mga buhay at pagsisihan natin at ihingi ng tawad ang lahat n gating mga kasalanan. Lagi tayong magpatawad sa lahat ng nagkasala sa atin at pinakamabuti na isama natin sila sa ating mga panalangin. 4. Bakit mahalaga na magpatawad tayo bago manalangin? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ B. Maramot na Buhay – “mapasaamin ang iyong kaharian, maganap ang iyong mga kalooban ditto sa lupa katulad ng sa langit.” Ang panalangin ay hindi paghingi ng mga bagay na nais nating gamitin ditto sa lupa. Ipinakita ni Hesus nab ago tayo humingi ng mga bagay para ditto sa lupa, kailangang m,asentro an gating mga kalooban sa layunin ng Diyos para sa lupa at sa langit. Paano ito?Ang layunin ng kaharian ng Diyos ay malayong higit na mahalaga sa mga pansarili nating layunin. Tulad halimbawa na ayaw ng Diyos sa 2Pe 3:9, “ na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.” Kung ang hinihingi mo ay makahahadlang sa katuparan ng kaloobang ito ng Panginoon hindi ito papahintulutan ng Diyos, o Kaya’y ang hinihingi m,o ay pansarili lamang kapakinabangan hindi ri ito diringgin ng Diyos. Ito ang tinutukoy ni apostol Santiago, Jas 4:3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan. 5. Paano natin mapananatili ang mabisa at hindi makasariling panalangin na tiyak na may katugunan sa Panginoon? _________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Ipinaliwanag ni Hesus sa John 15:7Joh 15:7 Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo. Ang pananatili ay ang lubos na pagtitiwala kay Hesus oras-oras – patuloy na nakikipagniig sa Kanya at pagsuko ng iyong kalooban sa Kanya. Sa ganitong kalagayan hindi mo maiisipan na gumawa at humingi ng mga bagay na hindi makapagbibigay kasiyahan sa Kanya. Tiyak na ang Banal na Espirito ay lagi kang papatnubayan sa iyong mga panalangin upang ang lahat na iyong mga kahilingan ay lagging pasok sa kalooban ng Panginoon. Sinabi ni Pablo na lagi tayong aalalayan ng Banal na Espirito upang lagging tama ang hinihingi natin sa Diyos. Rom 8:26 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita; Rom 8:27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.
  • 5. 6. Kapag tayo’y makasarili sa ating mga panalangin, ano ang ipinapakita nito sa ating buhay spiritual? __________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 7. Ano ang papel ng Banal na Espirito sa ating pananalangin? __________________________________________________________________ _______________________________________________________________ _ 8. Magbigay ng mga hadlang sa ating paglapit sa Diyos. __________________________________________________________________ _______________________________________________________________ _ III. PANGUNAHING ELEMENTO: Matapos nating malaman ang pinagbabatayan at mga hadlang sa ating pananalangin, kailangan din nating malaman ang mga sandigan ng pangunahing element ng panalangin. Marami tayong naririnig na mga Kristiano na, “Hindi ako marunong manalangin,” pero ang ibig nilang sabihin ay hindi nila kayang manalangin tulad ng mga matatanda na mahahaba at mabulaklak kung manalangin. Ang mabuting balita’y hindi natin kailangan ang ganoong uri ng panalangin. Ang hinihintay ng Diyos sa atin ay, katapatan n gating mga puso at ang mga hinaing na bumubukal ditto. Kung ating babalikan ang modelong iniwan sa atin ng Panginoong Hesus, may apat na element na dapat ay lagging kasama tuwing tayo’y mananalangin. Madali natin itong matatandaan sa pamamagitan ng “acronym” na ACTS. Adoration (pagsamba) Ang pagsamba ay ang pagtataas at pagpuri sa Diyos sa tunay Niyang kalagayan. Tulad ng, “Ama naming sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo, mangyari ang kalooban mo ditto sa lupa tulud ng sa langit.” Psa 22:3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel. Nais ng Panginoon ang pagsamba sa lahat Niyang nilalang. Confession(paghahayag) Dahil an gating mga kasalanan ay isa sa humahadlang upang tayo’y mapakinggan ng Panginoon kailangan natin itong ihayag sa Kanya bilang pagtanggap n gating pagkakamali at pagsisisi upang tayo ay Kanyang patawarin at linisin upang mawala ang hadlang.1Jn 1:9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. Thanksgiving(pagpapasalamat) Sa pagsamba, tinatanggap natin Siya sa tama Niyang kalagayan bilang Diyos, sa pagpapasalamat itinataas natin Siya sa lahat ng kabutihang ginawa Niya sa atin. Sa panahong inaalaala natin ang mga pagpapalang ginawa Niya sa atin ay lalong nagpapatibay n gating pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya. Suplication(Paghingi) Ito ang panahon na humihingi tayo o dumadaing sa Kanya para sa ating mga buhay at ganon din para sa iba. Nang sabihin ni Hesus, “Bigyan po Ninyo kami ng aming kakainin sa araw-araw,” ang ibig Niyang sabihin ay an gating mga pangangailangan sa araw-araw at ang lahat na nakapagpapagulo n gating mga pagiisip. Si Pablo ay tunay na naniniwala sa bagay na ito. Php 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
  • 6. Php 4:7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus. Bilang mga Kristiano, kailangang tayo ay maniwala na an gating Diyos ay kayang magbigay ng lahat na ating ipinapanalangin. Ang mga bagay na ito ay para sa atin o sa mga taong ating ipinapanalangin. Walang imposible sa Panginoon. Sa ganoon ang lahat ay possible sa pamamagitan n gating mga panalangin, maliban doon s. Sa ganoon ang lahat ay possible sa pamamagitan n gating mga panalangin, maliban doon sa labas sa kalooban ng Diyos. Jer 33:3 Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman. Sa mahabang panahon nakita ko ang kapangyarihan ng Diyos sa pagsagot sa aking mga panalangin, kahit doon sa mga hindi ko inaasahan at ako’y nagtitiwala na ito rin ay mangyayari sa bawat isa sa inyo kung matutunan natin ang mga kalooban ng Panginoon sa atin at sa ating mga paglilingkod sa Kanya.