Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba't ibang presyo sa takdang panahon. Ang batas ng demand ay nagpapakita ng inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded; tumataas ang demand kapag bumababa ang presyo at vice versa. May mga salik na nakakaapekto sa demand tulad ng panlasa, kita, presyo ng kaugnay na produkto, bilang ng mamimili, at inaasahan ng mga mamimili.