2. NILALAMAN
Mahalaga na matutunan mo bilang mag-aaral ang
mga barayti ng wika. Makakatulong ito sa iyo
upang madagdagan ang iyong karanasan,
kaalaman at kamulatan sa mga kaalamang
pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito
ng iyong komunidad at lipunan.
3. MGA LAYUNIN
a. Nagagamit ang kaalaman sa modernong
teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-
unawa sa mga koseptong pangwika
b. Nabibigyang kahulugan ang mga
komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
4. ANG
HETERO
G-
ENOUS
AT
HOMOG
E-NOUS
NA WIKA
Isang wika ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng iisang porma o
estandard na anyo nito o kaya ay
pagkakaroon ng iba’t ibang porma
or barayti.
HOMOGENOUS NA WIKA
BARAYTI NG WIKA
5. Tagalog ang pangunahing wika ng timog katagalugan ngunit bawat lugar
dito ay may iba’t ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas,
Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.
HALIMBAWA:
Heterogenous na Wika
Isang uri ng salita. Salitang heterous
(magkaiba) at genos (uri/lahi). Dahil sa
pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao,
ayon sa lipunan na kanyang ginagalawan, antas
ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na
natamasa at interes sa buhay, nagkaroon ng
iba’t ibang barayti ng wika.
6. Panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at pagbibigay ng sariling
kahulugan dito. Halibawa nito ay kung paanong ang salitang “gimmick” na
nasa wikang Ingles ay may kahulugang “pakulo o paraan ng pagpukaw ng
atensyon.” Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na “pamamasyal
kasama ng mga kaibigan.”
HALIMBAWA:
Homogenous na Wika
Pagkakatulad ng salita, ngunit dahil sa
paraan ng pagbabaybay at intonasyon o
aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon
ng ibang kahulugan .
7. Ang wika ay midyum ng
pakikipagtalastasan. Ginagamit ito
upang epektibong makapagpahayag
ng damdamin at kaisipan. Kakambal
ng wika ang kulturang pinagmulan
nito, kung kaya mahalaga rin ang
papel na ginagampanan ng wika sa
pagpapalaganap at pagpapayabong
ng kulturang pinanggalingan nito.
8. IDYOLEK
Walang dalawang taong nagsasalita ng isang
wika ang bumibigkas nito nangmagkaparehong-
magkapareho.
HALIMBAWA:
“ Magandang gabi, bayan” ni kabayan Noli De
Castro
9. SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o
dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng
wika.
HALIMBAWA:
Gay Linggo – “ Hay naku ka gurl, nakakajines ka”
10. ETNOLEK
Mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang
salitang etnolek ay nagmula sa mga salitang etniko
at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pang etniko.
HALIMBAWA:
Panghihiram ng salita- Ang paghiram ng salitang
credit card mula sa mga banyaga
11. PIDGIN
Umusbong na bagong wika o tinatawag sa ingles
na ‘nobody’s native language’ o katutubong
wikang pag-aari ninuman.
HALIMBAWA:
Chinese Filipino “ Suki ikaw bili saakin ako bigay
diskawnt”, ( Suki, bumili ka na ng paninda ko,
bibigyan kita ng diskawnt.)
12. CREOLE
Wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas
na wika o unang wika na ng batangisinilang sa
komunidad ng pidgin.
HALIMBAWA:
Buenas dias (chavacano) (magandang umaga)
13. REGISTER
Wikang ginagamit sa isang partikular na domeyn
na may tiyak na pagpapakahulugan
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor or
discourse)
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse)
c. Paraan o paano nag-uusap (mode of
14. ANG WIKA AY MAHALAGA SA ISANG PAMAYANAN
SA SUMUSUNOD NA KADAHILANAN;
ANG WIKA AY MAHALAGA SA ISANG
PAMAYANAN SA SUMUSUNOD NA
KADAHILANAN;
1. Ito ay gamit sa pakikipagtalastasan
2. Ito ay gamit upang maipahayag ang sarili
3. Ito ay gamit upang magkaroon ng
pagkakaunawaan
4. Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran ang
isang lipunan
16. Matapos ang aralin inaasahang
maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
Nailalahad ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang
pambansa
Natatalakay ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog
bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas;
Nakabuo ngsariling opinyon tunkol sa pagpili sa
Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng
Pilipinas at;
Nakapagsasagawa ng saliksik sa mga kasalukuyang
isyung pangwika
17. Kasaysayan ng Pagkakabuo ng
Pamabansang Wika
Sa panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang
opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
Sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas,
dalawang wika ang ginamit ng bagong mananakop ng
mga kautusang at proklamasyon, Ingles at Espanyol
Napalitang ng Ingles ang Espanyol bilang Wikang
opisyal
Ang tanging Wikang panturo batay sa rekomendasyon
sa komisyong Schurman noong Marso 4, 1899
18. Noong 1935, “halos lahat ng kautusan,
proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang
Ingles na.” (Boras-Vega 2010)
Simula pa lamang ng pakikipagbaka para sa
kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang
wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa
Konstitusyon Probinsyal ng Biak-na-Bato noong
1987, itinidhanang Tagalog ang opisyal na Wika.
19. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-Mcduffie na
nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taonng pag-iral ng pamahalaang
Komonwelt.
Seksiyon 3, Artikulo XIII: “ Pambansang Asemblea ay gagawa
ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hsngga’t walang ibang itinadhana
ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga
20. Ang nanguna sa pag gawa ng resolusyon tungkol
sa wikang pambansa ay si Wenceslao Q. Vinzons,
kinatawan mula sa Camarines Norte.
Ayon sa orihinal na resolusyon:
“Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang
Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
Wika”
21. Noong Oktubre 27, 1936, ipinahiwatig ni
Panggulong Quezon ang kaniyang plano na
magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
Noong Novembre 13, 1936, pinatibay ng
Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na
nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.
22. Ang mga kapangyarihan at tungkulin
ng Surian ay ang mga Sumusunod:
1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang
wika sa Pilipinas;
2. Magpaunlad at Magpatibay ng isang wikang
panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika; at
3. Bigyang halaga ang wikang pinakamaunlad
ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikang
tinatanggap.
23. Noong Enero 12, 1937, hinirang ng Pangulo ang
mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon
1, Batas Komonwelt 185. Ang mga kagawad ng
unang Surian ng wikang pambansa ay sina:
24. Jaime De Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) Pangulo
Santiago A. Fonacier (Ilocano) Kagawad
Filemon Sotto (Cebuano) Kagawad
Casimiro Perfecto (Bicolano) Kagawad
Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) Kagawad
Hadji Butu (Mindanao) Kagawad
Cecilio Lopez Kagawad
25. Noong Nobyembre 7, 1937, inilabas ng Surian ang
resolusyon na tagalog ang gawaing batayan ng
pambansang wika. Ipinahayag ng Surian na ang
wikang Tagalog ang halos tumugon sa hinihingi ng
Batas Komonwelt Blg. 184
Noong anibersaryo ng kamatayan ni DR. Jose Rizal,
Disyembre 30, 1937, lumabas ang kautusang
Tagapagtanggap Blg. 134 na nagpapatibay sa
Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika
ng Pilipinas.
26. Noong Abril 1, 1940, inilabas ang Kautusang
Tagapagtanggap Blg. 26. Ipinag-utos nito ang:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English
Vocabulary at ng isang aklat sa gramatikang
pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa: at
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo
19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado
sa buong kapuluan.
27. Ang mga hapon noong 1942, nabuo ang isang
grupong tinatawag na “purista.” Nagnanais na
gawing Tagalog na mismo ang Wikang
Pambansa at hindi batayan lamang.
Noong panahon na iyon, Niponggo at Tagalog
ang naging opisyal na mga wika.
28. Sa Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng
1943, nakasaad na. “ Ang Pamahalaan ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog
bilang pambansang wika”
29. Noong Hunyo 4, 1946 – ng matapos ang digmaan
-Noong Marso 6, 1954- nilagdaan bi Pangulong Ramon Magsaysay
-Marso 29-Abril 4 taon taon- Linggo ng Wikang Pambansa
Noong Setyembre 1955-sinusugan ang prolamasyon Blg. 186
-Agosto 13-19- paglilipat sa linggo ng wika, paggunita sa kaarawan ng
“Ama ng Wikang Pambansa” na si Pangulong Manuel Quezon
Noong 1959-inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ang Kagawaran ng
pagtuturo
Noong Oktubre 24, 1967-nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos
ang Kautusang Tagapagtanggap Blg. 96
-Noong Marso 27, 1968-inilabas ang memorandum Sirkular Blg. 96
30. Noong 1970- naging wikang panturon ang Pilipino
Noong 1974- sinimulang ipanatupad ang
patakarang edukasyong bilingguwal sa bansa.
Noon namang 1978- iniatas ang pangministri ng
Kagarawan ng Edukasyon.
Noong Marso 12, 1987- sa isang order
Pangkagawaran Blg. 22s. 1987.
31. Tagalog bilang Batayan ng
Pambansang Wika
Si Francisco “Balagtas” Baltazar, ang itinuturing na “Ama ng
Panulaang Tagalog.”
- Florante at Laura
Noong Nobyembre 13, 1936, pinadalhan si Pangulong Quezon
ni Norberto Romualdez ng Memorandum Sobre La Lengua
Nacional.
Ang tagalog ang may pinakamaunlad na katangiang panloob:
estraktura, mekanismo, at panitikan at bukas sa pagyayaman at
pagdaragdag ng bokabularyo.
Noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni Pangulong Manuel
Quezon ang pagpapatibay sa adapsiyon ng Tagalog at
idinagdag “and hereby declare and proclaim the national
32. Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino
Tagalog- katutubong wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng pilipinas (1935)
Pilipino- unang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas (1959)
Filipino- kasalukuyang tawag sa pambansang
wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at
isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas kasaman
ng Ingles (1987)
33. Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng
Konstitusyon ng 1987, and wikang
Filipino ay:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas
Dapat payabugin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika at;
Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
panhalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang
1. Midyum ng opisyal na komunikasyon; at
2. Wika ng pagtuturo sa sistema ng Edukasyon