Sinuri ng dokumento ang interaksyon sa lesbian community organization (lescom) sa pamamagitan ng mga post, like, comment, at share sa isang online social network mula Agosto 2013 hanggang Marso 2015. Tinianan kung aling uri ng interaksyon ang pinaka-maimpluwensya at pinagtuunan ng pansin ang proseso ng produksyon, pagkonsumo, at distribusyon ng mga post. Ipinakita ng pagsusuri ang koneksyon ng offline at online na identidad ng mga kalahok sa interaksyon.