2. Ano ang Tekstong Argumentatibo?
Ang tekstong argumentatibo
ay nakatuon sa layuning
manghikayat sa
pamamagitan ng
pangangatwiran batay sa
katotohanan o lohika.
3. Mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit
ng tekstong argumentatibo:
>Tesis
> Posisyong Papel
> Papel na Pananaliksik
> Editoryal
> Petisyon
4. Naiiba ang tekstong argumentatibo sa
tekstong nanghihikayat dahil, batay ito sa
lohikal na pangangatwiran at suportado ng
mga impormasyong hango sa pananaliksik
upang mapatunayan ang punto para manaig
ang posisyon.
5. Uri ng Lihis na Pangangatwiran:
1. Argumentum ‘ad Hominem (Argumento laban
sa karakter)
- Lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran sapagkat
nawawalan ng katotohanan ang argumento dahil ang
pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang
kredibilidad ng taong kausap.
Halimbawa:
> Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong
iyan dahil iba ang kaniyang relihiyon at mukha siyang
terorista.
6. 2. Argumentum ad Baculum (Paggamit
ng puwersa o pananakot)
Halimbawa:
> Sumanib ka sa aming relihiyon kung
hindi ay hindi ka maliligtas at masusunog sa
dagat-dagatang apoy.
7. 3. Argumentum ad Misericordiam (Paghingi
ng awa o simpatya)
- Ang pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan
ng argumento kundi sa awa at simpatya ng kausap.
4. Argumentum ad Numeran (Batay sa dami ng
naniniwala sa argumento)
- Ang paninindigan sa katotohanan ng isang
argumento ay batay sa dami ng naniniwala rito.
8. 5. Argumentum ad Igonarantiam (Batay sa
kawalan ng sapat na ebidensiya)
- Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil
hindi pa napapatunayan ang kamalian nito at walang
sapat na patunay kung mali o tama ba ang pahayag.
6. Cum Hoc ergo propter Hoc ( Batay sa
pagkakaugnay ng dalawang pangyayari)
- Ang pangangatwiran ay batay sa sabay na pangyayari;
ang isa ay dapat dahilan ng isa o may ugnayang sanhi
at bunga agad ang dalawang pangyayaring ito.
9. 7. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa
pagkakasunod ng mga pangyayari)
- Ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-
sunod na pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay
pinaniniwalaang dahilan ng kasunod na pangyayari.
8. Non Sequitur (Walang Kaugnayan)
- Ang kongklusiyon ay walang lohikal na kaugnayan sa
naunang pahayag.
10. 9. Paikot-ikot na pangangatwiran (Circular
Reasoning) –Paulit-ulit ang pahayag at walang
malinaw na punto.
10. Padalos-dalos na paglalahat (Hasty
Generalization)
- Paggawa ng panlahatang pahayag o kongklusyon
batay lamang sa iilang patunay o katibayang may
kinikilingan. Bumubuo ang argumento nang walang
gaanong batayan.