SlideShare a Scribd company logo
IBA’T-IBANG
KALAMIDAD
SA BANSA
Layunin:
•1. Naipaliwanag mo ang
kahulugan ng kalamidad.
•2. Natalakay mo ang iba’t-ibang
uri ng kalamidad na nararanasan
sa ating bansa.
• 3. Nakapagsulat ka ng masusing
pagpapaliwanag ukol sa iba’t-
ibang uri ng kalamidad na
nararanasan sa ating bansa.
• Bagyo - ay ang namumuong sama ng panahon,
may marahas at malakas na hangin at may dalang
mabigat na ulan.
• Baha - ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng
tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-
ulan sa komunidad.
• El Niño - tumutukoy ito sa abnormal na pag-init
ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot
ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.
• Kalamidad - tumutukoy sa pangyayari o
kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan
at kabagabagan sa mga tao at komunidad na
tinatamaan nito.
• La Niña - tumutukoy ito sa abnormal na paglamig
ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot
ng maraming pag-ulan sa rehiyo
• Lindol - ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o
pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at
pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa.
• PAGASA – Philippine Atmospheric, Geophysical
and Astronomical Services Administration.
• Storm Surge - ang hindi pangkaraniwang pagtaas
ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang
bagyo sa baybayin.
• Tsunami - ay serye ng malalaking alon na
nililikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat.
• Volcanic Eruption - ay nagaganap kapag ang
magma (nagbabagang tunaw na mga bato at iba
pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa
ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan
dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa
ilalim ng lupa
• Kalamidad
•• Ang kalamidad ay tumutukoy sa
pangyayari o kaganapang
nagdudulot ng malaking
kapinsalaan at kabagabagan sa
mga tao at komunidad na
tinatamaan nito.
• • Ito ay bunga ng natural na
proseso ng kalikasan, subalit may
kinalaman din ang mga tao sa
madalas at sa hindi maipaliwanag
na pagtama nito.
• • Ang pagdagsa ng maraming
kalamidad ay maaring epekto ng
climate change o pagbabago ng klima. •
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
pagbagyo, pagbaha, storm surge,
paglindol, tsunami, pagputok ng
bulkan, La Nino, at La Nina. • Iba’t
ibang uri na ng kalamidad ang
tumama sa Pilipinas. Labis na
humahanga sa mga Pilipino ang ibang
lahi dahil sa kakayahan nitong
makabangon agad mula sa dagok ng
matitinding kalamidad.
•Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad
•Pagbagyo Ang Pilipinas ay
isang kapuluang nakaharap sa
Karagatang Pasipiko. Malaki
ang kinalaman ng lokasyon
nito sa nararanasan nitong
palagiang pagbagyo.
•
• • Ang bagyo ay ang namumuong sama ng
panahon, may isang pabilog o spiral na
sistema ng marahas at malakas na hangin at
maydalang mabigat na ulan, karaniwang
daan-daang kilometro o milya sa diyametro
ang laki.
• • Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng
karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit
at malamig na hangin. Ang mainit na hangin
ay pumapailanlang dahil sa init ng dagat at
habang ito ay umaakyat, nagkakaroon ng
Low Pressure Area (LPA) sa paligid. Dahil sa
low pressure na nabuo sa paligid, naaakit
nito ang iba pang malamig sa hangin sa
ibang lugar hanggang sa ang malamig na
• • Ang Pilipinas ay karaniwang
nakararanas ng humigit kumulang 20
bagyo kada taon. May apat na uri ng
pagbagyo depende sa bilis ng hangin.
Ang PAGASA ang tumututok at
nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at
mauulit kada tatlong taon.
• • Ilan sa mga bagyong hindi
malilimutan ng mga Pilipino ay ang
mga bagyong Ondoy (2009) at Yolanda
(2013) na nagdulot ng matinding
pinsala sa mga bayan at lalawigang
tinamaan nito
•Pagbaha Kaalinsabay ng
malakas na pagbagyo at ng
pag-iral ng hanging habagat ay
ang malawak at malubhang
pagbaha sa iba’t ibang bahagi
ng bansa.
•• Ang baha ay ang umaapaw at
tumataas na lebel ng tubig na
dulot ng malakas at walang
tigil na pag-ulan sa komunidad
•• Ang pagbaha sa Pilipinas ay
pinalalala ng mga baradong
daluyan ng tubig.
•• Sa mga panahong ito, kahit
kaunti o sandaling pag-ulan
lamang ay agad nang bumabaha.
Ordinaryo na itong nararanasan sa
Metro Manila at ilang malalaking
lungsod sa Pilipinas, gayundin sa
ilang mabababang lugar o sa mga
lugar na malapit sa anyong tubig
•• Labis ding nakapipinsala ang
pagbaha dahil sinisira nito ang
mga gamit at ari-arian.
Nagdudulot din ito ng mga
sakit gaya ng leptospirosis
(nakukuha kapag nababad ang
sugat sa maruming tubig na
may ihi ng daga).
• Pagdaluyong-bagyo o Storm Surge
Kahalubaybay pa rin ng malakas na
pagbagyo ay ang pagdaluyong-bagyo.
• • Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay
ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng
tubig sa dalampasigan habang
papalapit ang bagyo sa baybayin.
Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-
bagyo ang lalim at oryentasyon ng
katubigan na dinaraanan ng bagyo at
ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig
sa dagat).
• • Ang pagdaluyong-bagyo ay bago sa
pandinig. Hindi ito pamilyar hanggang
sa naminsala ito kasabay ng bagyong
Yolanda. Hindi ito napaghandaan ng
mga tao, kaya, maraming namatay.
• Mahirap iwasan ang pagdaluyong-
bagyo dahil hindi ito napipigilan. Ang
maaari lamang gawin para makaiwas
dito ay ang paglikas tungo sa mas
mataas na lugar kung may
nakaambang bagyo o pagtaas ng antas
ng tubig mula sa dagat.
• Paglindol Ang Pilipinas ay nasa
Pacific Ring of Fire, ang paikot na
hanay ng mga aktibong bulkan sa
Pasipiko. Ito ang dahilan kung bakit
nakararanas ang bansa ng mga
paglindol.
• • Ang lindol ay isang biglaan at mabilis
na pagyanig o pag-uga ng lupa na dulot
ng pagbibiyak at pagbabago ng mga
batong nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang puwersang
naipon sa mahabang panahon.
Kung ang malakas na paglindol ay
mangyayari sa lugar na maraming tao,
maaari itong kumitil ng maraming
buhay at magdulot ng malawakang
pagkasira ng mga ari-arian.
• Isang malakas na lindol ang tumama
sa Pilipinas noong 2013 kung saan ang
pinakanaapektuhan ay ang Gitnang
Visayas, partikular ang Bohol at ang
Cebu.
• Maraming bahay, gusali, kalsada,
tulay, at iba pang estruktura at ari -
arian ang nasira ng lindol na ito.
Pagtama ng Tsunami Kung minsan,
ang pagtama o paghampas ng tsunami
ay hindi maihihiwalay sa paglindol.
• Ang tsunami o mga seismic sea wave
ay serye ng malalaking alon na nililikha
ng pangyayari sa ilalim ng dagat tulad
ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog
ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na
bulalakaw. Ito ay maaaring kumilos ng
daan-daang milya kada oras sa
malawak na karagatan at humampas sa
lupa dala ang mga alon na umaabot ng
100 talampakan o higit pa.
• Ang paghampas ng tsunami ay
mapanganib din sa buhay, ariarian, at
kabuhayan ng mga nakatira sa malapit
sa dagat. • Naranasan ito sa Japan
noong 2011 at nagdulot ng malaking
pinsala. • Nangyari ang isang
mapaminsalang tsunami sa Pilipinas
noong 1994, sa pagitan ng Batangas at
Mindoro, kung saan umabot sa anim na
metro ang taas ng mga alon na dulot ng
7.1 magnitude na lindol sa ilalim ng
dagat.
Pagputok ng Bulkan
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of
Fire kaya nakararanas ang bansa ng
palagiang seismic and volcanic activities.
Nangyayari ang maraming mahihinang
paglindol dahil sa pagtatagpo ng mga
pangunahing tectonic plates sa rehiyon.
• Ang bulkan ay isang puwang o siwang
sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa
anyong bundok o burol. Ang puwang o
bunganga (crater) ay nagsisilbing
daanan ng iniluluwang materyales tulad
ng abo at lava na nagmumula sa ilalim
• Maaaring maging tahimik ang
bulkan sa mahabang panahon
ngunit hindi nangangahulugang
payapa ito. Sasabog ang bulkan
kapag nagsimula nang gumalaw
ang lupa malapit dito. Makaririnig
ng dumadagundong na ingay mula
sa ilalim ng lupa at makakikita ng
maitim na usok galing sa bunganga
ng bulkan.
• Ang pagputok ng bulkan ay
nagaganap kapag ang magma
(nagbabagang tunaw na mga bato
at iba pang materyales) na
nagmumula sa ilalim ng lupa ay
umaangat patungo sa bunganga ng
bulkan dahil na rin sa pagkapal
nito at sa pressure sa ilalim ng
lupa. • Ang pinakamalakas na
pagputok ng bulkan na naranasan
sa Pilipinas ay ang pagputok ng
Bulkang Pinatubo noong 1991.
Ang Bulkang Pinatubo ay isang
aktibong stratovolcano na
matatagpuan sa Kabundukang
Cabusilan sa Luzon, malapit sa
Zambales, Tarlac, at Pampanga. •
Naging labis na mapaminsala ang
pagputok ng bulkang ito. Nagbuga
ito ng sulfur dioxide, isang
nakalalasong kemikal. Nagdulot din
ito ng ash fall o pagulan ng abo na
umabot sa iba’t ibang parte ng
Pilipinas. Umagos din ang lahar
• Malawak ang inabot na
pinsala ng pagputok ng Bulkang
Pinatubo. Tinatayang umabot sa
800 ang namatay habang
100,000 katao naman ang
nawalan ng tirahan at
kabuhayan sa Gitnang Luzon
Pagtama ng El Niño at La Niña
Ang Pilipinas ay nakaharap sa
North Pacific Ocean. Ito ay nasa
hilagang bahagi ng ekwador.
Dahil sa lokasyon nito, isa ito sa
pinakanaaapektuhan ng El
Niño.
El Niño
• Ang El Niño ay ang hindi
pangkaraniwang penomenon sa
Gitna at Silangang Equatorial
Pacific.
• Tumutukoy ito sa abnormal na
pag-init ng temperatura sa
ibabaw ng dagat na nagdudulot
ng kakaunting pag-ulan sa
rehiyon.
• Ang pagtama ng El Niño sa
Pasipiko ay tuwing ikalawa
hanggang ikasiyam na taon.
Karaniwang nag-uumpisa ito sa
pagitan ng Disyembre hanggang
Pebrero. • Kapag tumama na,
tumatagal ito hanggang unang
hati ng kasunod na taon; may
pagkakataong mas tumatagal pa
ito.
La Niña • Ang La Niña ay
kabaliktaran ng sitwasyon o
kondisyon ng El Niño. • Tumutukoy
ito sa abnormal na paglamig ng
temperatura sa ibabaw ng dagat na
nagdudulot ng maraming pag-ulan
sa rehiyon. • Sa Pilipinas, laging
kakambal ng La Niña ang malalakas
na pagbagyo, pag-ulan, at pagbaha. •
Ang kondisyon ng La Niña ay
nagiging dahilan ng pagdami ng
bagyo (cyclone) sa Western Pacificic.
SANHI AT BUNGA
Itala ang sanhi at bunga ng
pagkakaroon ng ibat ibang
kalamidad.
KALAMIDAD SANHI BUNGA
1. BAGYO
2. LINDOL
3. PAGBAHA
4. PAGPUTOK NG
BULKAN
5. EL NINO

More Related Content

What's hot

GRADE 10 ARALIN 2 ANG KAPALIGIRAN AT ANG CLIMATE CHANGE
GRADE 10 ARALIN 2 ANG KAPALIGIRAN AT ANG CLIMATE CHANGEGRADE 10 ARALIN 2 ANG KAPALIGIRAN AT ANG CLIMATE CHANGE
GRADE 10 ARALIN 2 ANG KAPALIGIRAN AT ANG CLIMATE CHANGE
Lavinia Lyle Bautista
 
Mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng PandiwaMga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng Pandiwa
RitchenMadura
 
Mga likas na yaman
Mga likas na yamanMga likas na yaman
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOAralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
EDITHA HONRADEZ
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
jenncadmumar
 
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unladYUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
EDITHA HONRADEZ
 
Edukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaEdukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tula
CaesarDeGuzman
 
10 karapatan ng bawat batang pilipino
10 karapatan ng bawat batang pilipino10 karapatan ng bawat batang pilipino
10 karapatan ng bawat batang pilipinorajnulada
 
paghahanda sa kalamidad
paghahanda sa kalamidadpaghahanda sa kalamidad
paghahanda sa kalamidad
phillipeborde
 
Yamang Lupa sa Pilipinas
Yamang Lupa sa PilipinasYamang Lupa sa Pilipinas
Yamang Lupa sa Pilipinas
Princess Sarah
 
Mga suliraning pangkapaligiran
Mga suliraning pangkapaligiranMga suliraning pangkapaligiran
Mga suliraning pangkapaligiran
michelle sajonia
 
Kaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uriKaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uri
RitchenMadura
 
Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)
LadySpy18
 
Filipino 7pagsusulit.
Filipino 7pagsusulit.Filipino 7pagsusulit.
Filipino 7pagsusulit.
Rosalie Orito
 
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Miss Ivy
 
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoPagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Maica Ambida
 
Mga Suliranin sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
Mga Suliranin sa Kapaligiran ng Aking KomunidadMga Suliranin sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
Mga Suliranin sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
RitchenMadura
 
Elemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwentoElemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwento
eijrem
 
What's hot (20)

GRADE 10 ARALIN 2 ANG KAPALIGIRAN AT ANG CLIMATE CHANGE
GRADE 10 ARALIN 2 ANG KAPALIGIRAN AT ANG CLIMATE CHANGEGRADE 10 ARALIN 2 ANG KAPALIGIRAN AT ANG CLIMATE CHANGE
GRADE 10 ARALIN 2 ANG KAPALIGIRAN AT ANG CLIMATE CHANGE
 
Mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng PandiwaMga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng Pandiwa
 
Mga likas na yaman
Mga likas na yamanMga likas na yaman
Mga likas na yaman
 
Likas na yaman
Likas na yamanLikas na yaman
Likas na yaman
 
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOAralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
 
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unladYUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
YUNIT II ARALIN 11: Likas Kayang Pag-unlad
 
Edukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaEdukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tula
 
10 karapatan ng bawat batang pilipino
10 karapatan ng bawat batang pilipino10 karapatan ng bawat batang pilipino
10 karapatan ng bawat batang pilipino
 
paghahanda sa kalamidad
paghahanda sa kalamidadpaghahanda sa kalamidad
paghahanda sa kalamidad
 
Yamang Lupa sa Pilipinas
Yamang Lupa sa PilipinasYamang Lupa sa Pilipinas
Yamang Lupa sa Pilipinas
 
Mga suliraning pangkapaligiran
Mga suliraning pangkapaligiranMga suliraning pangkapaligiran
Mga suliraning pangkapaligiran
 
Kaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uriKaantasan ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uri
 
Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)
 
Filipino 7pagsusulit.
Filipino 7pagsusulit.Filipino 7pagsusulit.
Filipino 7pagsusulit.
 
Pangatnig
PangatnigPangatnig
Pangatnig
 
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
 
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoPagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
 
Mga Suliranin sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
Mga Suliranin sa Kapaligiran ng Aking KomunidadMga Suliranin sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
Mga Suliranin sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
 
Elemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwentoElemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwento
 
Similar to IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx

AP10 SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
AP10 SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxAP10 SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
AP10 SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
katrinajoyceloma01
 
- Lesson 5 (Panahon at Kalamidad na Nararanasan sa Sariling Komunidad).pptx
- Lesson 5 (Panahon at Kalamidad na Nararanasan sa Sariling Komunidad).pptx- Lesson 5 (Panahon at Kalamidad na Nararanasan sa Sariling Komunidad).pptx
- Lesson 5 (Panahon at Kalamidad na Nararanasan sa Sariling Komunidad).pptx
JoyTibayan
 
Ang kapaligiran, climate change at 2 approach sa drrmc lecture
Ang kapaligiran, climate change at 2 approach sa drrmc lectureAng kapaligiran, climate change at 2 approach sa drrmc lecture
Ang kapaligiran, climate change at 2 approach sa drrmc lecture
Binibini Cmg
 
Aralin 2-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong-pangkapaligiran
Aralin 2-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong-pangkapaligiranAralin 2-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong-pangkapaligiran
Aralin 2-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong-pangkapaligiran
edwin planas ada
 
Tsunami at bagyo
Tsunami at bagyoTsunami at bagyo
Tsunami at bagyoLyka Larita
 
AP4 Day 11.pptx
AP4 Day 11.pptxAP4 Day 11.pptx
AP4 Day 11.pptx
GerlieFedilosII
 
Paghahanda at Wastong Pagtugon sa mga Sakuna
Paghahanda at Wastong Pagtugon sa mga SakunaPaghahanda at Wastong Pagtugon sa mga Sakuna
Paghahanda at Wastong Pagtugon sa mga Sakuna
RitchenMadura
 
Disaster risk mitigation
Disaster risk mitigationDisaster risk mitigation
Disaster risk mitigation
cacaw10211993
 
AP10-W2-Q1.pdf
AP10-W2-Q1.pdfAP10-W2-Q1.pdf
AP10-W2-Q1.pdf
DavidUtah
 
AP QUARTER 1 WEEK 6.pptx
AP QUARTER 1 WEEK 6.pptxAP QUARTER 1 WEEK 6.pptx
AP QUARTER 1 WEEK 6.pptx
RaquelizaMolinaVilla
 
KONSTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran Module 2
KONSTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran Module 2KONSTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran Module 2
KONSTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran Module 2
SheehanDyneJohan
 
El Niño at La Niña: Ang dalawang penomeno ng kilma at ng panahon
El Niño at La Niña: Ang dalawang penomeno ng kilma at ng panahonEl Niño at La Niña: Ang dalawang penomeno ng kilma at ng panahon
El Niño at La Niña: Ang dalawang penomeno ng kilma at ng panahon
KokoStevan
 
Sa Harap ng Kalamidad.pptx
 Sa Harap ng Kalamidad.pptx Sa Harap ng Kalamidad.pptx
Sa Harap ng Kalamidad.pptx
KevinJosephMigo
 
Ap 4 week 7.pptx
Ap 4 week 7.pptxAp 4 week 7.pptx
Ap 4 week 7.pptx
KENNETHCYRYLLVJACINT
 
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at RehiyonAng Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
JessaMarieVeloria1
 
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at RehiyonAng Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
JessaMarieVeloria1
 
COT AP 2021-2022.pptx
COT AP 2021-2022.pptxCOT AP 2021-2022.pptx
COT AP 2021-2022.pptx
MarivicCastaneda
 
2. Disaster risk mitigation module.pptx
2. Disaster risk mitigation module.pptx2. Disaster risk mitigation module.pptx
2. Disaster risk mitigation module.pptx
Harold Catalan
 
disaster risk.pptx
disaster risk.pptxdisaster risk.pptx
disaster risk.pptx
GuilmarTerrenceBunag
 
GRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT
GRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENTGRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT
GRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT
Lavinia Lyle Bautista
 
Similar to IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx (20)

AP10 SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
AP10 SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxAP10 SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
AP10 SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
 
- Lesson 5 (Panahon at Kalamidad na Nararanasan sa Sariling Komunidad).pptx
- Lesson 5 (Panahon at Kalamidad na Nararanasan sa Sariling Komunidad).pptx- Lesson 5 (Panahon at Kalamidad na Nararanasan sa Sariling Komunidad).pptx
- Lesson 5 (Panahon at Kalamidad na Nararanasan sa Sariling Komunidad).pptx
 
Ang kapaligiran, climate change at 2 approach sa drrmc lecture
Ang kapaligiran, climate change at 2 approach sa drrmc lectureAng kapaligiran, climate change at 2 approach sa drrmc lecture
Ang kapaligiran, climate change at 2 approach sa drrmc lecture
 
Aralin 2-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong-pangkapaligiran
Aralin 2-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong-pangkapaligiranAralin 2-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong-pangkapaligiran
Aralin 2-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong-pangkapaligiran
 
Tsunami at bagyo
Tsunami at bagyoTsunami at bagyo
Tsunami at bagyo
 
AP4 Day 11.pptx
AP4 Day 11.pptxAP4 Day 11.pptx
AP4 Day 11.pptx
 
Paghahanda at Wastong Pagtugon sa mga Sakuna
Paghahanda at Wastong Pagtugon sa mga SakunaPaghahanda at Wastong Pagtugon sa mga Sakuna
Paghahanda at Wastong Pagtugon sa mga Sakuna
 
Disaster risk mitigation
Disaster risk mitigationDisaster risk mitigation
Disaster risk mitigation
 
AP10-W2-Q1.pdf
AP10-W2-Q1.pdfAP10-W2-Q1.pdf
AP10-W2-Q1.pdf
 
AP QUARTER 1 WEEK 6.pptx
AP QUARTER 1 WEEK 6.pptxAP QUARTER 1 WEEK 6.pptx
AP QUARTER 1 WEEK 6.pptx
 
KONSTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran Module 2
KONSTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran Module 2KONSTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran Module 2
KONSTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran Module 2
 
El Niño at La Niña: Ang dalawang penomeno ng kilma at ng panahon
El Niño at La Niña: Ang dalawang penomeno ng kilma at ng panahonEl Niño at La Niña: Ang dalawang penomeno ng kilma at ng panahon
El Niño at La Niña: Ang dalawang penomeno ng kilma at ng panahon
 
Sa Harap ng Kalamidad.pptx
 Sa Harap ng Kalamidad.pptx Sa Harap ng Kalamidad.pptx
Sa Harap ng Kalamidad.pptx
 
Ap 4 week 7.pptx
Ap 4 week 7.pptxAp 4 week 7.pptx
Ap 4 week 7.pptx
 
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at RehiyonAng Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
 
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at RehiyonAng Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
Ang Kapaligiran ng Aking Lalawigan at Rehiyon
 
COT AP 2021-2022.pptx
COT AP 2021-2022.pptxCOT AP 2021-2022.pptx
COT AP 2021-2022.pptx
 
2. Disaster risk mitigation module.pptx
2. Disaster risk mitigation module.pptx2. Disaster risk mitigation module.pptx
2. Disaster risk mitigation module.pptx
 
disaster risk.pptx
disaster risk.pptxdisaster risk.pptx
disaster risk.pptx
 
GRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT
GRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENTGRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT
GRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT
 
More from louieilo1

Teodoro-A.-Agoncillo-PPT-for-Discussion.pptx
Teodoro-A.-Agoncillo-PPT-for-Discussion.pptxTeodoro-A.-Agoncillo-PPT-for-Discussion.pptx
Teodoro-A.-Agoncillo-PPT-for-Discussion.pptx
louieilo1
 
NDEP ORIENTATION POWERPOINT FOR DIFFERENT AREAS OF LEARNING
NDEP ORIENTATION POWERPOINT FOR DIFFERENT AREAS OF LEARNINGNDEP ORIENTATION POWERPOINT FOR DIFFERENT AREAS OF LEARNING
NDEP ORIENTATION POWERPOINT FOR DIFFERENT AREAS OF LEARNING
louieilo1
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
louieilo1
 
Sample-Lessons-for-Project-RAISE-3D-ENGLISH-7Math-7-Filipino-7.pptx
Sample-Lessons-for-Project-RAISE-3D-ENGLISH-7Math-7-Filipino-7.pptxSample-Lessons-for-Project-RAISE-3D-ENGLISH-7Math-7-Filipino-7.pptx
Sample-Lessons-for-Project-RAISE-3D-ENGLISH-7Math-7-Filipino-7.pptx
louieilo1
 
Uses of Logical Connectors Lesson for Grade 7 English
Uses of Logical Connectors Lesson for Grade 7 EnglishUses of Logical Connectors Lesson for Grade 7 English
Uses of Logical Connectors Lesson for Grade 7 English
louieilo1
 
21st Century Literature in the Philippines
21st Century Literature in the Philippines21st Century Literature in the Philippines
21st Century Literature in the Philippines
louieilo1
 
More from louieilo1 (6)

  • 2. Layunin: •1. Naipaliwanag mo ang kahulugan ng kalamidad. •2. Natalakay mo ang iba’t-ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa ating bansa. • 3. Nakapagsulat ka ng masusing pagpapaliwanag ukol sa iba’t- ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa ating bansa.
  • 3. • Bagyo - ay ang namumuong sama ng panahon, may marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan. • Baha - ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag- ulan sa komunidad. • El Niño - tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon. • Kalamidad - tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito. • La Niña - tumutukoy ito sa abnormal na paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot ng maraming pag-ulan sa rehiyo
  • 4. • Lindol - ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa. • PAGASA – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. • Storm Surge - ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. • Tsunami - ay serye ng malalaking alon na nililikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat. • Volcanic Eruption - ay nagaganap kapag ang magma (nagbabagang tunaw na mga bato at iba pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa
  • 5. • Kalamidad •• Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito. • • Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
  • 6. • • Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima. • Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge, paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina. • Iba’t ibang uri na ng kalamidad ang tumama sa Pilipinas. Labis na humahanga sa mga Pilipino ang ibang lahi dahil sa kakayahan nitong makabangon agad mula sa dagok ng matitinding kalamidad.
  • 7. •Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad •Pagbagyo Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Malaki ang kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang pagbagyo. •
  • 8. • • Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin at maydalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro ang laki. • • Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin. Ang mainit na hangin ay pumapailanlang dahil sa init ng dagat at habang ito ay umaakyat, nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa paligid. Dahil sa low pressure na nabuo sa paligid, naaakit nito ang iba pang malamig sa hangin sa ibang lugar hanggang sa ang malamig na
  • 9. • • Ang Pilipinas ay karaniwang nakararanas ng humigit kumulang 20 bagyo kada taon. May apat na uri ng pagbagyo depende sa bilis ng hangin. Ang PAGASA ang tumututok at nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit kada tatlong taon. • • Ilan sa mga bagyong hindi malilimutan ng mga Pilipino ay ang mga bagyong Ondoy (2009) at Yolanda (2013) na nagdulot ng matinding pinsala sa mga bayan at lalawigang tinamaan nito
  • 10. •Pagbaha Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat ay ang malawak at malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa. •• Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad
  • 11. •• Ang pagbaha sa Pilipinas ay pinalalala ng mga baradong daluyan ng tubig. •• Sa mga panahong ito, kahit kaunti o sandaling pag-ulan lamang ay agad nang bumabaha. Ordinaryo na itong nararanasan sa Metro Manila at ilang malalaking lungsod sa Pilipinas, gayundin sa ilang mabababang lugar o sa mga lugar na malapit sa anyong tubig
  • 12. •• Labis ding nakapipinsala ang pagbaha dahil sinisira nito ang mga gamit at ari-arian. Nagdudulot din ito ng mga sakit gaya ng leptospirosis (nakukuha kapag nababad ang sugat sa maruming tubig na may ihi ng daga).
  • 13. • Pagdaluyong-bagyo o Storm Surge Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang pagdaluyong-bagyo. • • Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong- bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa dagat).
  • 14. • • Ang pagdaluyong-bagyo ay bago sa pandinig. Hindi ito pamilyar hanggang sa naminsala ito kasabay ng bagyong Yolanda. Hindi ito napaghandaan ng mga tao, kaya, maraming namatay. • Mahirap iwasan ang pagdaluyong- bagyo dahil hindi ito napipigilan. Ang maaari lamang gawin para makaiwas dito ay ang paglikas tungo sa mas mataas na lugar kung may nakaambang bagyo o pagtaas ng antas ng tubig mula sa dagat.
  • 15. • Paglindol Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, ang paikot na hanay ng mga aktibong bulkan sa Pasipiko. Ito ang dahilan kung bakit nakararanas ang bansa ng mga paglindol. • • Ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naipon sa mahabang panahon.
  • 16. Kung ang malakas na paglindol ay mangyayari sa lugar na maraming tao, maaari itong kumitil ng maraming buhay at magdulot ng malawakang pagkasira ng mga ari-arian. • Isang malakas na lindol ang tumama sa Pilipinas noong 2013 kung saan ang pinakanaapektuhan ay ang Gitnang Visayas, partikular ang Bohol at ang Cebu. • Maraming bahay, gusali, kalsada, tulay, at iba pang estruktura at ari - arian ang nasira ng lindol na ito.
  • 17. Pagtama ng Tsunami Kung minsan, ang pagtama o paghampas ng tsunami ay hindi maihihiwalay sa paglindol. • Ang tsunami o mga seismic sea wave ay serye ng malalaking alon na nililikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw. Ito ay maaaring kumilos ng daan-daang milya kada oras sa malawak na karagatan at humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa.
  • 18. • Ang paghampas ng tsunami ay mapanganib din sa buhay, ariarian, at kabuhayan ng mga nakatira sa malapit sa dagat. • Naranasan ito sa Japan noong 2011 at nagdulot ng malaking pinsala. • Nangyari ang isang mapaminsalang tsunami sa Pilipinas noong 1994, sa pagitan ng Batangas at Mindoro, kung saan umabot sa anim na metro ang taas ng mga alon na dulot ng 7.1 magnitude na lindol sa ilalim ng dagat.
  • 19. Pagputok ng Bulkan Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya nakararanas ang bansa ng palagiang seismic and volcanic activities. Nangyayari ang maraming mahihinang paglindol dahil sa pagtatagpo ng mga pangunahing tectonic plates sa rehiyon. • Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa anyong bundok o burol. Ang puwang o bunganga (crater) ay nagsisilbing daanan ng iniluluwang materyales tulad ng abo at lava na nagmumula sa ilalim
  • 20. • Maaaring maging tahimik ang bulkan sa mahabang panahon ngunit hindi nangangahulugang payapa ito. Sasabog ang bulkan kapag nagsimula nang gumalaw ang lupa malapit dito. Makaririnig ng dumadagundong na ingay mula sa ilalim ng lupa at makakikita ng maitim na usok galing sa bunganga ng bulkan.
  • 21. • Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma (nagbabagang tunaw na mga bato at iba pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa. • Ang pinakamalakas na pagputok ng bulkan na naranasan sa Pilipinas ay ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
  • 22. Ang Bulkang Pinatubo ay isang aktibong stratovolcano na matatagpuan sa Kabundukang Cabusilan sa Luzon, malapit sa Zambales, Tarlac, at Pampanga. • Naging labis na mapaminsala ang pagputok ng bulkang ito. Nagbuga ito ng sulfur dioxide, isang nakalalasong kemikal. Nagdulot din ito ng ash fall o pagulan ng abo na umabot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Umagos din ang lahar
  • 23. • Malawak ang inabot na pinsala ng pagputok ng Bulkang Pinatubo. Tinatayang umabot sa 800 ang namatay habang 100,000 katao naman ang nawalan ng tirahan at kabuhayan sa Gitnang Luzon
  • 24. Pagtama ng El Niño at La Niña Ang Pilipinas ay nakaharap sa North Pacific Ocean. Ito ay nasa hilagang bahagi ng ekwador. Dahil sa lokasyon nito, isa ito sa pinakanaaapektuhan ng El Niño.
  • 25. El Niño • Ang El Niño ay ang hindi pangkaraniwang penomenon sa Gitna at Silangang Equatorial Pacific. • Tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.
  • 26. • Ang pagtama ng El Niño sa Pasipiko ay tuwing ikalawa hanggang ikasiyam na taon. Karaniwang nag-uumpisa ito sa pagitan ng Disyembre hanggang Pebrero. • Kapag tumama na, tumatagal ito hanggang unang hati ng kasunod na taon; may pagkakataong mas tumatagal pa ito.
  • 27. La Niña • Ang La Niña ay kabaliktaran ng sitwasyon o kondisyon ng El Niño. • Tumutukoy ito sa abnormal na paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat na nagdudulot ng maraming pag-ulan sa rehiyon. • Sa Pilipinas, laging kakambal ng La Niña ang malalakas na pagbagyo, pag-ulan, at pagbaha. • Ang kondisyon ng La Niña ay nagiging dahilan ng pagdami ng bagyo (cyclone) sa Western Pacificic.
  • 28. SANHI AT BUNGA Itala ang sanhi at bunga ng pagkakaroon ng ibat ibang kalamidad. KALAMIDAD SANHI BUNGA 1. BAGYO 2. LINDOL 3. PAGBAHA 4. PAGPUTOK NG BULKAN 5. EL NINO