3. Ang Kagiliw-giliw na Ina at Guro
Ang angkin niyang kabaitan ang
nagbibigay pagkatao sa kanya. Para sa
kanya, mahalagang maging isang
magandang halimbawa upang tularan ng
iba pang mga guro at para na rin maibalik
ang respeto at paghangasakanila. Siya ang
guro na nag-aalay ng kanyang oras upang
ibahagi ang kanyang kaalaman sa mga
para sila ay matuto atmag-aaral
magkaroon ng magandang kinabukasan sa
darating na pahanon.
Ang hangarin niya lamang sa buhay ay ang makatulong sa mga
kabatan na makapagtapos sa kanilang pag-aaral. Sabi niya na ang
pagtuturo ay napakahalaga dahil nakakatulong daw siya sa maraming
kabataang nag-aaral.
Ang pinakamagandang karanasan niya bilang isang guro ay ang
panahon na ang mga estudyante ay naging interesado sa kanyang klase at
pinasasalamatan siya. Sa tatlong taon niyang pagtuturo sa pampublikong
paaralan ay hindi niya pa rin kinakaligtaan na bigyan ng oras ang kanyang
pamilya sa pamamagitan ng pag-aalaga, pakikipaglaro at pagbabantay sa
kanila nang buong araw kung walang siyang trabaho o pasok. Sinisigurado
niya na nasa kanila lang ang kanyang atensyon kung magkakasamasila.
4.
5. Ang Masipag na Guro
Siya ang guro na sadyang masipag sa
pagtuturo. Siya ay talagang nakakabilib.
Nagtuturo siya nang mabuti at marangal.
Tinuturuan niya ang kanyang mga estudyante
sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gabay
na aralin o Curriculum Guide.
Nagtapos siya ng cum laude sa kursong
Bachelor of Secondary Education, major in
English sa Sto. Tomas College at nagtapos
naman siya ng Master of Arts in Education,
major in English Teaching sa Cebu
Technological University Main Campus.
Sa totoo daw, ayaw niya sana maging isang guro pero ito lang ang isa sa
mga kursong pinagpipilian sa Sto. Tomas College sa pamamagitan ng Villaber
Scholarship Program at sa paaralan na ’yon ito lang ang may pinakamurang
tuition fee. Kahit ganun pa man, nagtatrabaho siya bilang isang guro upang
matulungan ang kanyang pamilya at siyempre para na rin sa kanyang sarili at
higit sa lahat matupad niya ang mga inaasam sa buhay.
Para sa kanya mahalaga ang pagtuturo dahil sa sahod na nakukuha niya at
para na rin matustusan niya ang mga pangangailangan nila. Pinaghirapan nya
ang makapagtapos ng pag-aaral at dapat lang na pahalagahan niya ito. Hindi
ito naging madali sa kanya lalo na ang makakuha ng lisensya sa pagtuturo at
maging pampublikong guro dahil para na rin siyang dumaan sa butas ng
karayom. Mahirap daw pero mabuti na lang kinaya niya dahil sa kanyang
pamilya at sa Diyos na gumagabay sa kanya.
6.
7. Ang Masayahing Guro
Siya ang isa sa mga gurong
tumutupad sa kanyang
propesyon at hangarin na
tulungang matuto ang kanyang
mga estudyante. Isa sa mga
pangunahing katangian niya ay
ang galing niya sa
pakikipagtalastasan. Siya ang
gurong naniniwala sa kanyang
kakayahan na magampanan niya
ang kanyang tungkulin.
Limang taon siyang
nagturo sa pampribadong
paaralan at dalawang taon sa
pampublikong paaralan. Parati
niyang binibigyan ng oras ang kanyang pamilya dahil hindi niya dinadala
ang kanyang trabaho sa bahay. Para sa kanya ang magandang karanasan
bilang isang guro ay ang pagkakaroon ng mga bata o estudyanteng may
pagpapahalaga sa pag-aaral at ang pagkakaroon ng mabuting mga
kaibigan sa trabaho.
Ang una niyang propesyon ay nars pero mas pinili niyaang pagtuturo
dahil dito siya masaya pero minsan nakaka-frustrate daw ang pagtuturo sa
mga batang walang pahalagasa kanilang pag-aaral. Ang kanyang hangarin
sa buhay ay simple lamang, una ay ang maibigay niya lahat ng
pangangailangan ng kanyang pamilya at pangalawa ay ang mabigyan ng
magandang kinabukasanang kanyang mgaanak.