Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa buong mundo na pinalalakas ng teknolohiya at kalakalang panlabas. Kasama rito ang pagkakaroon ng mga transnational at multinational corporations, pati na rin ang mga uri ng outsourcing. Ang globalisasyon ay may iba't ibang aspekto tulad ng ekonomiya, teknolohiya, sosyo-kultural, at political na nakakaapekto sa ugnayan ng bansa.