Sabello, Chaila Jane P. BEED 1
MODYUL 1
FILIPINO 1
Akademiko sa Wikang Filipino
Subukin Natin!
1. Bigyang kahulugan ang salitang “WIKA”
-Kasangkapan ng kumunikasyon o pakikipag talastasan.
-Agham at sining na kung saan bawat -Isang agham at sining kung
salita na bibigkasin ng tao ay may saat bawat salita na bibigka-
makulay na kahulugan. sin ng tao ay may makulay
-Tagapagdala ito ng mga ideya at naiim- WIKA na kahulugan.
pluwensyahan nito ang ugali ang -Sistema ng komunikasyon
isip at damdamin ng tao. sa pagitan ng tao
-Arbitaryong simbolo na sumusu- -Isang sistematikong balang
nod sa patakaran ng isang gra- kas ng mga tunog na pinipi
matika li at isinayos.
Ginagamit ng tao sa pakikipagtalas-
tasan sa pang araw-araw.
2. Bakit mahalaga Ang wika sa tao:
Tao- mahalaga Ang wika sa tao dahil naging instrumento ito sa mabisang komunikasyon sa
bawat isa at nagsisilbing tulay upang magkaroon ng pagkakaintindihan. Ang wika ang
nagsisilbing daan upang ang lahat ng tao ay masabi o maipahayag ang kanyang saloobin. Ang
wika ang dahilan ng pag-uusap at pagkakaintindihan ng bawat isa. Kung walang wika, walang
pagkakaunawaan ang bawat isa na maaring maging sanhi ng pag-aaway at kaguluhan.
Lipunan- mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat ito ang nagsisilbing kaluluwa n gating
kultura. Ang wika ang nagsisilbing daluyan ng kaunawaan ng bawat taong naninirahan sa isang
pamayanan at siyang ugat ng pagkakaisa ng mga ito.
Bansa- mahalaga Ang wika sa Bansa dahil ito ang paraan upang tayo ay magkakaisa. Ang wika
ang daan upang ang isang bansa ay manatiling nasa kapayapaan at pagkakaisa. Kahit may iba't-
ibang dayalekto ang bawat maliit na lipunan sa isang bansa, ang opisyal na wika ang nagbibigay
buhay sa isang bansa para sa pagkakaunawan at kaayusan. Ang wika ay natatanging simbolo ng
isang bansa upang magkaroon ng pagkakakilanlan .
3. Ano ang mga katangian na gusto mo sa isang tao. Bakit?
-Ang mga katangian na gusto ko sa isang tao ay magalang, may respeto, matulongin,
mapagbigay, mapagpatawad, mapagmahal sa kapwa, masiyahin, may takot sa Diyos, at
maunawain. Dahil sa mga katangiang ito, mapapagkatiwalaan ko Ang isang tao na may
mabuting puso at wala ibang hangad kundi ang kapayapaan at walang masamang intensyon sa
kapwa tao.
4.Sa tingin mo ba may katangian Ang wika? Bakit?
- Sa tingin ko ang katangian ng wika ay makapangyarihan, dahil nakakakontrol ito ng pag iisip
sa isang indibidwal. Masasabi kong ito ay makapangyarihan dahil sa pamamagitan ng wika,
naipapahiwatig natin ang nais nating iparating o ipaintindi sa ating kapwa tao at nagkakaroon ng
pagkakaisa ang bansa na ating pinagmulan.
Pasasanay
Gawain 1.
Ayon sa (1) Wikipedia ang wika ay espisipikong kapasidad ng (2) Tao sa pagkakamit at
paggamit ng mga komplikadong Sistema ng (3) Komunikasyon. Ayon naman kay Hill, ang
wika ang (4) Pasulat at (5) Pasalita na anyo ng simbolikong pantao. Ang wika ay ginagamit ng
tao sa (6) Pakikipagtalastasan araw-araw. Ito ay (7) Masistemang bansa. Mahalaga ang wika
dahil ito’y (8) Tunog at (9) Pinipli ng kaalaman.(10) Arbitaryo ang wika ito’y nagbabago
paglipas ng panahon.m
Gawain II.
_MALI_1. Makahulugan ang tunog ng wika kung ito ay hindi nagtataglay ng
mga kahulugan.-nagtataglay ng kahulugan
TAMA 2. Pinapagaan ng wika ang ating imahinasyon.
_MALI_3. Nagbabago ang wika habang ito y
‟ nababawasan ng mga bagong
bokabularyo.- nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo.
TAMA 4. Ang esensya ng wika ay panlipunan.
MALI_5. Sintaksis ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika - ito ay pag-aarl ng
mga pangungusap na makagham.
TAMA 6. Ang wika ay nagpapalaganap ng mga kaalaman.
_MALI 7. Ang tunog ay nanggagaling sa dila o hanging nanggagaling sa lakas at
nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at ang
resonador ang nagmomodify nito- baga
TAMA 8. Arbitraryo ang wika.
MALI_9. Kapag hindi ginagamit ang wika, mawawala ito at unti-unting mabubuhay.-
tuluyang mamamatay.
MALI_10. Hindi na kailangan pang isaayos ang wika kapag itoy ginagamit upang
maging epektibo ang pakikipagtalastasan o komunikasyon.- kailangan pang isaayos
Pagyamanin!
II. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
KAHALAGAHAN NG WIKA
Instrumento ng
komunikasyon
Ang wika pasalita man o
Pasulat, ito pa din ang
kasangkapan ng bawat tao
upang ang bawat isa ay
magkakaintindihan at
makapagpahayag ng
damdamin at kaisipan.
Nag-iingat at Nagpapalaganap
Ng kaalaman
Ang wika ay nagbibigay ng
mga kaalaman sa mga tao
upang mas maintindihan ang
iba’t ibang bagay sa mundo.
Maraming kaalaman ang
naisalin sa ibang saling-lahi at
napapakinabangan din ng
ibang lahi dahil sa wika.
Nagbubuklod ng bansa
Ano mang wika ay maaring
maging wika ng pang-aalipin,
ngunit maari din itong gamitin
upang pagbuklurin ang isang
bansa sa layuning pagpapalaya.
Ang wika din ay paraan upang
magkaisa ang bansa. Dahil sa
wika, nagkakaintindihan ang
bawat isa.
Takdang-aralin
1. Magsaliksik pa ng ibang kahulugan ng wika ayon sa iba’t
ibang manunulat.
 Ayon naman kay Thomas Carlyle. “Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan;
gayunman,mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalanman, ang mismong
katawan ng kasisipan.
 Ayon naman kay Edward Sapir, isang German anthropologist-linguist, “ang wika ay
isang likas at makataong pamamaraan sa paghatid ng mga kaisipan, damdamin at
mithiin”.
 Ayo naman kay Pamela Constantino at Galileo Zafra, “ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makapagkomunikeyt ang isang grupo ng mga tao”.
 Ayon naman kay Henry Gkleason, ang wika ay isang masistemang balangkas na
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga tao
sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.
 Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “ang wika ay kabuuan ng
kaisipan ng lipunang lumikha nito.”
2. Gumawa ng isang maikling tula tungkol sa wika. Dapat ito
ay may apat (4) na saknong at bawat saknong ay may apat
(4) na taludtod.
ANG WIKA
Maituturing itong yaman ng bansa
Na simula’t sapol ay hinahasa
Magmula noong tayo pa ay bata
At ito ang ating wika
Wikang kinagisnan
Nagagamit sa pakikipagtalatasan
Nararapat lamang pahalagahan
Sapagkat ito ay tunay na yaman
Nagmumula sa ating dila
Na punong-puno ng diwa
Hindi na maipagkakaila,
Na ito ay mahalaga
Huwag nating kalimutan
Ito ang tinig ng sambayanan
Ito ay makabuluhan
At Malaki ang ginagampanan
3. Isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko, magsaliksik ng dalawampung
(10) bagong salita na idinagdag sa Oxford Dictionary. Isulat ang kahulugan at gamitin ito
sa pangungusap
(1). Adobo (a-do-bo)
Kahulugan- Isang popular na putahe at paraan ng pagluto sa lutong pinoy o pilipinas. Sa
pagiging popular nito ay kung minsan ay naririnig ito bilang ang opisyal na pambansang ulam ng
Pilipinas.
Pangungusap: Ang aking ama ay napakasarap magluto ng Adobo.
(2). Baon (ba-on)
Kahulugan- pera, pagkain o iba pang probisyon na ginagamit o dinadala papuntang eskwelahan ,
sa trabaho, sa byahe at iba pa.
Pangungusap: Marami akong baon ngayon, kaya sumama ka sakin at ililibre kita.
(3). Barangay (ba-rang-gay)
Kahulugan- Sa Pilipinas ito ay ang tawag sa nayon, sa paligid-lungsod o sa iba pang hiwalay na
distrito.
Pangungusap: Sa Barangay na aking tinitirahan, ay may maraming mababait at masisipag na tao.
(4). Barong (ba-rong)
Kahulugan- maikli o matipid salita para sa barong tagalog.
Pangungusap: Bukas ay buwan ng wika, kaya susuutin ko ang aking barong bukas sa
eskwelahan.
(5). Barkada (bar-ka-da)
Kahulugan- grupo ng magkakaibigan
Pangungusap: Ako ay higit na masaya kapag, kasama ko ang aking mga barkada.
(6). Buko (bu-ko)
Kahulugan- ang malagulamang laman ng isang hindi pa hinog na niyog.
Pangungusap- kasama ko ang aking kapatid upang pumitas buko.
(7). Carnap (car-nap)
Kahulugan- pagnanakaw ng motor o kotse.
Pangungusap: ang aking kotse ay na carnap, kaya magtungo tayo sa pulis ngayon at humingi ng
tulong.
(8). Gimmick (gim-mick)
Kahulugan- isang gabi kasama ang barkada.
Pangungusap: sasama k aba sa gimmick mamayang gabi?
(9). Mabuhay (ma-bu-hai)
Kahulugan- nagsisimbolo ng “ kalayaan “ para sa mga Pilipino. Ginagamit din bilang bati.
Pangungusap: Mabuhay ang bagong mga bayani!
(10). Pandesal (pan-de-sal)
Kahulugan- tinapay na gawa sa harina, itlog, asukal at asin. Madalas kinakain pang-almusal.
Pangungusap: Mas masarap ang pandesal kapag sinamahan ito ng kape.
LEKSIYON 2: ANTAS AT BARAYTI NG WIKA
Subukin Natin!
1. pera
- ang pera ay ugat sa lahat ng kasamaan ngunit ito ay hindi totoo dahil ang
pagmamahal sa pera ang syang ugat sa lahat ng kasamaan.
2. bana-
-bana ang tawag ko sa lalaki na aking minamahal
3. mister
- Si mister ay isang magalang na tao at mapagmahal
4. buwaya
-Buwaya din ang tawag namin sa mga pulis sapagkat silay ay malalakas.
5. ilaw ng tahanan
-Ang Ina ang ilaw ng tahan
6. Baliw
-Ang sanhi ng kanyang pagka baliw ay dahil sa pagkawala ng anak nya.
7.ermat
-si ermat ang lagging nariyan sakin kapag akoy may problema kayat hindi
ko sya magawang ewan.
8. alagad ng batas
- nais ko din maging alagad ng batas upang maprotektahan ko ang aking
pamilya at kapwa tao.
9.inang
-si inang ay mapagmahal at maalaga.
10.praning
-naging praning kana simula nung iniwan ka ng asawa mo.
Pagsasanay!
Gawain 1.
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pormal at di-pormal na antas ng wika.
Pormal na Antas ng wika
-Mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggao at ginagamit ng karamihang
nakapag-aaral sa wika at kalimitang ginagamit sa paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang
intelektwal.
Di-pormal na Antas ng wika
-Ang mga salita o wikang impormal o di pormal naman ay ang mga salitang ginagamit ng
marami sa araw-araw na normal na talakayan at pag-uusap.
Gawain II
Tukuyin ang Barayti ng Wikang kinabibilangan ng sumusunod na sitwasyon/pahayag.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
___B__1. Holdap! Bigay all your things. Don t make galaw or I will tusok you.
‟
___A__2. Natutunan ni Mary ang salitang vakkul sa Ivatan nang namasyal siya sa
Batanes.
___C__3. Marami pa rin ang gumagaya sa pagsasalita ni Mark Logan sa TV Patrol.
___B__4. Sina Laura at Danilo ay nag-uusap ng mga salitang gaya ng charot
chaka at bigalocks.
___A__5. Pagkaganda-ganda pala ng anak ng mag-asawang are, ah.
___E__6. Buenas Noches Amigos!
___D__7. Pwede ako ligaw sayo?
__ B__8. Ryan Bang, I liliy lily like you.
__ B__9. Come on na. We will make pila pa. Baka its so haba and hot na.
__ D__10. Ikaw tipid pera para asenso buhay
Pagtataya!
I. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
nakalaang espasyo. (10 puntos bawat bilang).
1. Paano mo mapapahalagahan ang antas at barayti ng wika bilang isang kabataan?
-Bilang isang kabataan, mapapahalagahan ko ang antas at barayti ng wika sa pamamagitan ng,
pagpapayaman ng aking kaalaman ukol sa antas at barayti ng wika at patuloy na paggamit nito sa
aking pang araw-araw na pakikipagtalastasan upang manatiling buhay at kapaki-pakinabang sa
aking buhay at pagkatao. Ipagbibigay alam ko sa lahat na ang wika ay dapat pahalagahan,
pagkaingatan, gamitin naayon sa tama, upang respeto sa isat isa ay makamtam.
2. Paano nakakatulong ang antas ng wika sa iyo bilang isang mag-aaral?
-ang antas ng wika ay nakakatulong sa akin sa pamamagitan ng pagkatuto at pagkaintindi sa mga
leksyon sa paaralan, pagkatuto sa ibang lingguwahe, pagkakaroon ng magandang komunikasyon
sa aking mga kaklase at mga guro. Nakakatulong din ito sa pagpapahayag ng aking damdamin at
pagkakaroon ng respeto sa aking sarili at sa aking kapwa tao. Ang antas ng wika ang syang
nagbigay buhay at pag-asa sa akin upang mas pagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral at upang
sa pagdating ng panahon na ako na ay nakapagtapos na ng pag-aaral at may magandang trabaho
ay tutulongan ko ang aking pamilya, at sa mga bata na nangangailangan ng tulong at patuloy na
pagtangkilik ng wika at ibahagi din sa iba kung ano ang aking natutunan.
Takdang-aralin!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano mo maipakita ang pagmamahal at pagtangkilik sa wikang Filipino bilang isang
mag-aaral ng Negros Oriental State University?
-Maipapakita ko ang pagmahahal at pagtangkilik sa wikang Filipino sa paggamit nito sa
pakikipagkomunikasyon sa pang araw-araw. At ipalaganap ang kahalagahan ng wika sa lalo na
sa mga kabataan. Dahil sa wika, maipapakita mo ang panggalang sa iyong kapwa, tulad lamang
ng paggamit ng “po” at “opo” sa mas nakakatanda. Ang wika ay maaring pasulat o pasalita.
Bilang isang mag-aaral ng negros oriental state university, sa pamamagitan ng pasulat o pasalita
ay gagamitin koi to upang ipahayag ang aking damdamin at ipaalam sa aking kapwa Pilipino na
ang wika mahalin sapagkat ito ang nagsisilbing gabay para sa atin upang magkaroon ng
pagkakaisa at kapayapaan.
2. Ano ang ilan sa mga kawili-wiling natuklasan mo sa araling ito?
- Ang mga kawili-wiling natuklasan ko sa araling ito ang pagkatuto sa ibat ibang barayti ng wika
at antas ng wika at pagkamulat sa kahalagahan ng wika.
CHAILA JANE P. SABELLO-BEED 1
MODYUL 2
AKADEMIKO SA WIKANG FILIPINO
Leksiyon 1
MULANG BAYBAYIN HANGGANG ABAKADA
GAWIN ITO
Panuto: Pansinin at Suriin ang mga larawang nasa ibaba. Hulaan kung ano ito. Ito ba ay
may kaugnayan sa paraan ng pagsulat ng mga Pilipino noon? Bakit? (5 puntos)
Sagot:
Baybayin
- Oo, ito ay may kaugnayan sa paraan ng pagsulat ng mga Pilipino noon. Dahil iba ito sa
kasalukuyang paraan ng pagsulat ngayon. Isa ang mga baybayin sa mga aspekto ng sinaunang
kulturang Pilipino na matagumpay na napalitan ng dayuhang Sistema ng panulat.
PAGSASANAY
Gawain 1
A. VENN DIAGRAM
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa ibaba. Isulat ang mga sagot sa loob
ng venn diagram. (20 puntos)
1. Ano ang kaibahan ng baybayin sa abakada?
Ang baybayin ay ang
tawag sa sinaunang
alfabeto ng ating mga
ninuno. Ito ay may
labimpitong (17)
simbolo na
kumakatawan sa mga
titik. Ang labimpitong
simbolong ito ay
binubuo ng 14 na
katinig at 3 patinig
Ang abakada ay mula sa
labimpitong (17) titik sa
baybayin naging dalawampu
(20) ang mga titik ng alfabeto
sa kadahilanang pinaghiwalay
ang E at I, O at U, Da at Ra.
Kaya naging lima ang patinig
na A, E, I, O, U at dalawampu
(20) ang mga titik ng
lumaganap ang Wikang
Pambansa na Wikang Filipino.
Binibigkas ang mga katinig ng
may kasamang patinig na A.
2. Ano ang kaibahan ng abecedario sa abakada?
Gawain 2: PAGSUSULAT NG BAYBAYIN
A. PAGSUSULAT NG BAYBAYIN
Panuto: Gumawa ng liham pasasalamat at isalin ito gamit ang baybayin. Ibigay ang liham
pasasalamat sa taong nais mong pasalamatan. (50 puntos)
Ang abecedario ay
binubuo ng 31 na
titik at hango sa
Romanong paraan
ng pagbigkas at
pagsulat.
Ang abakada ay binubuo ng
dalawampung (20) mga titik ng
alfabeto sa kadahilanang
pinaghiwalay ang E at I, O at U,
Da at Ra. Kaya naging lima ang
patinig: A, E, I, O, U at
binibigkas ang mga katinig ng
may kasamang patinig na A.
PAGTATAYA
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang paggamit ng baybayin hanggang abakada?
Ipaliwanag.
- Mahalagang pag-aralan ang paggamit ng baybayin sapagkat ito ay nagbibigay daan upang
paigtingin o mapatibay ang pagkakilanlan ng mga Pilipino. Ito din ang magsisilbing tanda ng
muling pagkabuhay ng kultura’t kasarinlan ng bansa at gigising sa damdaming makabayan.
2. Nakatulong ba ang paksang ito sa pag-unawa mo sa kasaysayan ng alfabeto?
- Oo. dahil mas nauunawan ko ang kasaysayan ng alfabeto at kahalagahan nito.
TAKDANG ARALIN
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa kahong nasa ibaba. (20 puntos)
1. Bilang isang estudyante ng Negros Oriental State University, paano mo maiprepreserba
ang pagsusulat gamit ang baybayin? Ilahad ang sagot sa tatlo o limang pangungusap
lamang.
-Bilang isang estudyante ng Negros Oriental State University, maiprepreserba ko ang pagsulat
gamit ang baybayin sa pamamagitan ng pagtangkilik nito. Hihikayatin ko ang mga kabataan
upang pag-aralan ang baybayin at pagsulat gamit nito. Patuloy ko itong gagamitin upang mas
maging hasa pa ako sa pagsulat gamit ito.
2. Paano mo naman mapahahalagahan ang pagsusulat gamit ang baybayin? Ilahad ang
sagot sa tatlo o limang pangungusap lamang.
- Mapapahalagan ko ang pagsusulat gamit ang baybayin sa pamamagitan ng paggawa ng mga
tula at kwento gamit ito at sa patuloy na paggamit nito. Mapapahalagahan ko din ito sa
pamamagitan ng pag-alala at hindi makalimot sa kung ano ang aking natutunan tungkol dito at sa
pagbahagi ng aking natutunan sa ibang mga tao at sa aking kamag-aral. Patuloy ko itong
rerespetohin at tatangkilin upang hindi ko makalimutan at ng aking aking kapwa Pilipino ang
kahalagahan ng baybayin.
LEKSIYON 2
BAGONG ALFABETONG FILIPINO
GAWIN ITO
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa kanang kahon.
1. Ilan ang titik sa bagong alfabetong Filipino?
- Ang titik sa bagong Alfabetong Filipino ay binubuo ng dalawamput walong(28) titik.
2. Ano ang kaibahan ng bagong alfabetong Filipino sa Abakada?
- Ang bagong alfabetong Filipino ay binubuo ng dalawamput walong(28) titik dahil sa mga
pagbabagong naganap, tinawag na itong “pinasimpleng alfabeto”. Samantalang ang abakada na
ipinakilala ni Lope K. Santos (ama ng Balarila ng Wikang Filipino) noong 1940 ay may
dalawampu (20) na mga titik ng alfabeto sa kadahilanang pinaghiwalay ang E at I, O at U, Da at
Ra. Kaya naging lima ang patinig at ito ay A, E, I, O, U at dalawampu (20) ang mga titik ng
lumaganap ang Wikang Pambansa na Wikang Filipino.
3. Ano ang mas mainam gamitin, ang baybayin o ang bagong alfabeto? Bakit?
- Mas mainam gamitin ang bagong alfabeto, dahil mas madali itong isulat at gamitin kaysa
baybayin. Maganda ang baybayin sapagkat kung hindi mo ito pag-aaralan ay hindi mo ito
maiintindihan.
PAGSASANAY
Gawain 1
Panuto: Magbigay ng tatlong halimbawang salita sa bawat walong hiram na titik sa alfabeto at
gamitin sa pangungusap ang mga salitang ibinigay. (6 puntos bawat bilang)
1. C
 Champagne- Bibili ako ng Champagne mamaya.
 Cinema- Mamayang hapon ay isasama ko ang aking pamilya na manuod ng Cinema
 Chaperon- Hindi ko na kailangan ng Chaperon dahil kaya ko na ang sarili ko
2.Q
 Quartz- Isang online na retailer ang Laurine Watches ng mga pambabaeng analog na
relong quartz.
 Quote- Ang hindi ko makalimutang quote ay “ Nabubuhay tayo, hindi para bumitaw at
bumigay, kundi para lumaban at matuto.”
 Quiz- Kailagan kong mag-aral mamaya upang makapasa ako sa quiz namin bukas.
3.Ñ
 Señorita- Umaasta ang aking kapatid na parang señorita.
 Ñiño- Mahinahong inangat ni Juan ang imahe ng Santo Ñiño.
 España- Si Anna ay bumalik sa España at siya ay nag-aral ng mathematica at astronomia.
4.X
 Xylophone- Gusto kong matutunan kong paano gamitin ang Xylophone.
 Xenial- Xenial ang tawag sa isang panuri na ginagamit upang ilarawan ang isang
mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng isang host as kanilang mga bisita.
 Xerox- Gigising ako ng maaga bukas dahil magpapa Xerox pa ako para sa proyekto
namin.
5.F
 Frame- Bumili ako ng frame kanina para mas magandang tignan ang ating larawan na
nakadisplay.
 Flashlight- Mayroon akong na bili na flashlight at sobrang mahal nito.
 Fiesta- Bukas ay fiesta ng aming barangay kaya iniimbitahan ko ang lahat ng aking
kaklase na pumunta sa bahay dahil mayroon kaming malaking handaan.
6.J
 Jelly- Ang sarap ng jelly na kinain namin kanina.
 Jacket- Pinahiram ako ng jacket ng kaibigan ko kasi sobrang ginaw at ang lamig ng
hangin.
 Jesukristo- Kung patuloy tayong manalig at manampalataya kay Jesukristo, magkakaroon
tayo ng buhay na puno ng saya at pagmamahalan at iba pa.
7.V
 Volleyball- Gusto ko sanang maglaro ng volleyball kaya lang, hindi ako marunong.
 Violin- Ang ganda pakinggan pag nagtutugtug ang isang tao gamit ang violin.
 Vakul- Nais kong makasubok na magsuot ng vakul upang makanlungan ako laban sa
matinding init ng araw.
8.Z
 Zoo- Ako at ang aking pamilya ay masayang pumunta sa zoo at nakita ang iba’t ibang uri
ng hayop.
 Zoom- Nagalit ako nung nag zoom ang kaibigan ko ng isang litrato sa cellphone at
pinagtawanan nila ito at nakita ko na ang nasa litratong iyon ay ako.
 Zero- Sa tuwing hindi ako nakikinig sa aking guro, zero lagi ang nakukuha ko sa aming
exam
Gawain 2: TIMELINE
Panuto: Gumawa ng isang timeline tungkol sa kasaysayan ng Ortograpiyang
Filipino. Nasa ibaba ang pamantayan sa gagawing timeline. (20 puntos)
Ortograpiya
 Ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa simpleng
salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispelling na ginagamit sa isang wika. Bago pa
dumating ang kastila, mayroon ng sariling panitikan, sariling baybayin, o alpabeto na
tinatawag nilang Alibata. Nagging makabuluhan ang paggamit ng Wikang Pambansa
matapos ituro sa paaralan noon 1940. Sinimulan din ni Lope K. Santos ang bagong
alpabeto na nakilala sa tawag na abakada hango sa unang apat na titik nito na may
labinlimang katinig at limang patinig na kumakatawan sa isang mahalagang tunog
bawat isa.
1940
 Ang kasunod ng alfabetong Romano ay ang abakada na ipinakilala ni Lope K. Santos
(ama ng Balarila ng Wikang Filipino). Mula sa labimpitong (17) titik sa baybayin
nagging dalawampu (20) ang mga titik ng alfabeto sa kadahilanang pinaghiwalay ang
E at I, O at U, Da at Ra. Kaya naging lima ang patinig: A, E, I, O, U at dalawampu (20)
ang mga titik ng lumaganap ang Wikang Pambansa na Wikang Filipino. Binibigkas
ang mga katinig ngmay kasamang patinig na A.
 Ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos ng kaniyang sulatin
na pinamagatang Balarila (nalathala, 1940) ay ang sinulat ni Dr. Jose Rizal noong
nakadestino siya sa Dapitan na pinamagatang Estudios sobre la lengua tagala na
nalathala noong 1899.
1976
 Sinimulan ang pagbabago ng ating alfabeto sa mga Tuntunin ng Ortograpiyang
Filipino ng Surian ng Wikang Pambansa. Mula sa 20 titik ng abakada ng wikang
Tagalog, idinagdag ang 11 bagong letra – c, ch, f, j, ll, ň, q, rr, v, x, at z kaya naging
31 ang titik ng alfabeto. Dahil sa dami ng mga titik, binansagan itong “pinagyamang
alfabeto”. Subalit ito ay hindi naging matagumpay dahil nagpakita ito ng kunting
kahinaan at nagdulot ng maraming argumento. Ilan sa mga ito ay hindi malinaw kung
paano tatawagin ang mga titik at kung paano ito pagsusunod- sunurin. Hindi rin
maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alfabetong may digrapo.
Dahil sa iilang mga argumentong ito, muling binalak ng Surian na repormahin ang
alfabeto partikular na sa pagreporma ng palabaybayangFilipino. Ang Abakada pa rin a
ang ginamit ng taong-bayan, midya at maging sapaaralan hanggang sa kalagitnaan ng
taong 1987.
1987
 Sa taong ito, muling binago ang alfabeto nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa
Filipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987 na may
pamagat na Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Ito ay bilang
pagtugon sa tadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago, pag-
unlad at paglaganap ng Filipino bilang wikang Pambansa at pampamahalaang wika at
pagsang-ayon pa rin sa patakaran ng Edukasyong Bilingguwal ng 1987. Sa tulong ng
mga lingguwista, dalubwika, manunulat, propesor, guro at mga samahang pangwika,
ang pagreporma ay naisagawa. Nagsagawa ng mga simposyum ang noo’y Linangan ng
mga Wika sa Pilipinas (LWP) na dating Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na
nagging Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Napagkaisahan sa nabanggit na
simposyum na mula sa dating 31 titik, ang alfabetong Filipino ay bubuuin na lamang
ng 28 titik sapagkat tinanggal ang mga digrapo na ch, ll, rr dahil sa katwirang ang mga
letrang c, h, l, r ay bahagi na ng alfabeto na maaaring pagtambalin kung kailangan.
Dahil sa mga pagbabagong naganap, tinawag na itong “pinasimpleng alfabeto”. Ang
dalawampu’t walong titik sa alfabeto ay ang mga sumusunod:
Agosto 19, 1987
 pormal na inilunsad ng LWP noong ang “Ang Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino”.Sinasabi na nakapaloob sa binalangkas na alituntunin sa ispeling
ang gamit ng walong (8) dagdag na titik ng alfabeto. Gagamitin lamang ang mga
ito sa mga hiram na salita at ekspresyon na nabibilang sa mga sumusunod:
pangngalang pantangi, mga terminolohiyang panteknikal at sa mga salitang
nagtataglay ng etniko at kultural na kulay mula sa mga minoryang wika sa Filipinas.
Subalit dahil maraming pumuna sa umano’y napakahigpit at di- makatotohanang mga
tuntunin sa ispeling na ipinalabas, muling nirebisa ang ating alfabeto.
2001
 Ito ay tinawag na 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Komisyon sa Wikang Filipino. Ang alfabeto ay may 28 titik pa rin, walang bawas
at walang dagdag. Ang tanging binago lamang ay ang tuntunin sa paggamit ng
walong (8) dagdag na titik na naging sanhi ng maraming kalituhan.
II. Venn Diagram
Panuto: Gamit ang venn diagram, ilahad ang kaibahan ng alfabetong Filipino sa taong 1976 at
1987.(10 puntos)
TAKDANG ARALIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa 3 o 5 pangungusap lamang:
1. Ano ang KWF at gampanin nito?
- Ang KWF ay Komisyon sa Wikang Filipino at ang gampanin nito ay magbalangkas ng mga
patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad,
pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika ng Pilipinas. Ito
din ay nagpapalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan
ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito. Gampanan ang iba pang mga aktibidad na
Sa taong 1976 sinimulan ang
pagbabago ng ating alfabeto
sa mga Tuntunin ng
Ortograpiyang Filipino ng
Surian ng Wikang Pambansa.
Mula sa 20 titik ng abakada ng
wikang Tagalog, idinagdag ang
11 bagong letra – c, ch, f, j, ll,
ň, q, rr, v, x, at z kaya nagging
31 ang titik ng alfabeto. Dahil
sa dami ng mga titik,
binansagan itong
“pinagyamang alfabeto”.
Sa taong 1987, muling binago ang
alfabeto nang ipalabas ng Linangan
ng mga Wika sa Filipinas ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81
noong Agosto 6, 1987 na may
pamagat na Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino. Ito ay
bilang pagtugon sa tadhana ng
Konstitusyon ng 1986 hinggil sa
mabilis na pagbabago, pag-unlad at
paglaganap ng Filipino bilang wikang
Pambansa at pampamahalaang wika
at pagsang-ayon pa rin sa patakaran
ng Edukasyong Bilingguwal ng 1987.
kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa unahan ng mga makapangyarihan, mga
Gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.
2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa wika at sa ating alfabetong Filipino?
- Maipapakita ko ang pagmamahal sa wika at sa ating alfabetong Filipino sa papamagitan ng
pag-aaral nito. Paglikha ng mga nakakatuwang tula, kwento, o anumang artikulo gamit ang wika
at alfabetong Filipino. Pagpapayaman ng aking kaalaman ukol sa wika at alfabetong Filipino at
patuloy na paggamit nito.
Chaila Jane P. Sabello- BEED 1
MODYUL 3
LEKSIYON 1: SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
SubukinNatin!
I.Tukuyin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang tawag sa larawang ito?
- Ang tawag sa larawang ito ay radyo
2. Ano ang gamit ng kagamitang ito sa mga tao?
- Ang gamit nito sa mga tao ay nagbibigay ito ng ibat ibang mahahalagang impormasyon at
nalalaman ng mga tao ang ibat ibang kaganapan sa paligid sa pamamagitan ng pakikinig nito.
3. Sa inyong bahay may ganito pa ba kayong kagamitan? Magbigay ng larawan na
hinahawakan ito bilang patunay.
- Wala kaming ganitong kagamitan sa bahay
1. Ano naman ang tawag sa larawang ito?
- Ang larawang ito ay tinatawag na Telebisyon
2. Sa tingin mo nakakatulong ba ito sa tao na makakuha ng mga impormasyon o balita
gamit ang teknolohiyang ito?
- Oo, nakakatulong sa tao na makakuha ng mga impormasyon o balita gamit ang telebisyon.
Dahil, hindi lamang nila ito naririnig ngunit mas naiintindihan nila ito sapagkat nakikita din nila
ang mga pangyayari na nasa balita sa pamamagitan ng panonood nito.
1. Ano ang tawag sa larawang ito?
- Ang tawag sa larawang ito ay Diyaryo
2. Sa tingin mo tinatangkilik pa ba ito mga tao na gamitin bilang isa sa mga pangunahing
pagkukunan ng impormasyon o balita sa panahon natin ngayon?
- Para sa akin, hindi na tinatangkilik ang diyaryo bilang isa sa mga pangunahing pagkukunan ng
impormasyon o balita sa panahon natin ngayon. Dahil, sa panahon natin ngayon mas
nangingibabaw ang teknolohiya. Hindi mo na kakailanganin pang bumili ng diyaryo upang
makakuha ng impormasyon o balita dahil sa teknolohiya mas napapabilis ang lahat. Maari kang
makakuha ng balita sa telebisyon sa pamamagitan ng panood nito o kaya’y gamit ang cellphone
sa pagbabasa ng mga balita online o gamit ang mga sites.
Pagsasanay
Gawain I.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang itinuturing na pangunahing wika sa mass media? Bakit kaya ang wikang ito
ang pinipiling gamitin sa mga telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa?
- Ang itinuturing na pangunahing wika sa mass media ay Wikang Pilipino. Ang Wikang Pilipino
ang pinipiling gamitin sa mga telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa dahil, halos
lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino at dahil dito
mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa
wikang Filipino. Ito ay isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating
wikang Pambansa.
2. Nakatutulong ba sa paglaganap ng wikang Filipino ang paggamit nito sa mga telebisyon
at iba pang uri ng mass media sa bansa?
- Oo, dahil sa pamamagitan ng mga telebisyon at iba pang uri ng mass media mas nakakatulong
ito sa paglaganap ng wikang Pilipino sapagkat milyon-milyong tao ang nanonood nito at mas
naiintindihan ito ng mga nakakarami, kaya patuloy nila ito tinatangkilik at ginagamit. Malaki ang
tulong ng paggamit sa wikang Filipino, dahil marami ng mamamayan sa bansa ngayon ang
nakakapagsalita, nakakaunawa, at gumagamit ng wikang Filipino.
3. Bakit kaya Ingles ang ginagamit na pamagat ng karamihan sa mga pelikulang mga
diyalogo? Ano ang pananaw mo ukol dito?
- Ingles ang ginagamit na pamagat ng karamihan sa mga pelikulang mga diyalogo. Dahil, mas
maayos at maganda itong pakinggan kung ito ay ingles, at dahil narin sa impluwensya ng ibang
bansa.
4. Paano mo ilalarawan ang wika sa telebisyon? Masasabi mo bang ang paraan mo ng
pagsasalita o paraan ng pagsasalita ng ilang taong kakilala mo ay may kaugnayan sa
napapanood sa telebisyon? Sa paanong paraan?
- Ang wika sa telebisyon ay wikang Pilipino na halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Masasabi ko na ang paraan ko ng pagsasalita
o paraan ng pagsasalita ng ilang taong kakilala ko ay may ugnayan sa napapanood sa telebisyon.
Dahil sa panonood ng telebisyon lahat tayo ay merong natututunang mga salita at paraan ng
pananalita at tumatatak ito sa ating isipan at lahat din tayo ay gumagamit ng wikang Pilipino
tulad lamang ng nasa telebisyon kaya’t masasabi ko ang ating paraan ng pananalita at may
kaugnayan sa napapanood sa telebisyon.
Gawain II.
Gumawa ng isang bidyo. Pumili sa mga sumusunod na gawain. Ang bidyo ay hindi bababa
sa tatlong (2) minuto at hindi naman lalampas sa tatlong (3) minuto.
1. Pagbabalita
2. Monologue ng isang pelikula.
3. Maikling patalastas o adbertisment na narinig sa radyo o nakikita sa telibisyon.
Pagtataya
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wikang ginamit sa telebisyon, pelikula, radyo at
diyaryo.
- Mahalaga ang wikang ginagamit sa telebisyon, pelikula, radyo at diyaryo upang maintindihan
ito ng tagapanood, tagapakinig, at mambabasa.
2. Nakakatulong ba ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa pag-unlad ng ating wikang
Filipino? Ilahad ito sa paanong paraan.
- Oo, nakakatulong ang sitwasyong pangwika ng pilipinas sa pag-unlad ng ating wikang Filipino
sa papamagitan ng telebisyon, radyo, diyaryo at iba pang uri ng mass media na gumagamit ng
wikang Filipino at dahil dito mas mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang
nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa wikang Filipino at dahil dito mas lalong umunlad
at lumago ang ating wikang Filipino.
Takdang-aralin!
Magsaliksik sa kahulugan ng pahayagan o diyaryo at ibigay ang mga bahagi nito.
 Pahayagan- ang pahayagan, o diyaryo ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng
balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay
maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng
araw-araw o lingguhan.
Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng pahayagan o dyaryo:
 Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Naglalaman ito ng
pangalan ng pahayagan at headline ng mga balita. Makikita mo rin sa pahinang ito ang
petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.
 Balitang pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-
ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan sa labas ng
ating planeta.
 Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-
ibang lalawigan ng bansa.
 Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro-
kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.
 Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na may
kaugnayan sa industriya, kalakalan, at komersyo. Mababasa din dito ang kasalukuyang
estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.
 Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong naghahanap ng
trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga patalastas tungkol sa mga
bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at iba pang ari-arian.
 Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga
taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga namayapang
tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.
 Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw sa mga
mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga
tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay sa sining.
Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng mga mambabasa, tulad ng
sudoku at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang komiks at horoscope.
 Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa
pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspeto
ng buhay sa lipunan.
 Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro. Mababasa din
sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang isport sa loob at labas
ng bansa.
LEKSIYON 2: SITWASYONG PANGWIKA SA ANYONG KULTURANG
Subukin Natin!
Halina at sabayan mo akong suriin ang mga sumusunod na mga larawan. Pamilyar ka ba sa mga
ito? Sige nga tukuyin mo bawat isa at sagutin ang mga katanungan na nasa ibabang bahagi nito.
Isulat ito sa iyong sagutang papel
Tanong:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang iyong napansin sa mga pahayag o linya na mula sa ibang tao? Ilahad ang iyong
sagot.
- Ang napansin ko sa mga pahayag o linya na mula sa ibang tao ay sitwasyong pangwika sa
fliptop, hugot lines, pick-up-lines at text.
2. Sa iyong palagay, may kabuluhan kaya ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
- Para sa akin, meron itong kabuluhan sa ating pang araw araw na pamumuhay dahil maari natin
itong gamitin upang magpasaya ng ibang tao, o dika’y sa mga mabubuting paraan sapagkat
maraming tao ang makakaugnay nito.
3. Bakit mahalagang alamin ang sitwasyong pangwika sa bansa?
- Mahalagang alamin ang sitwasyong pangwika sa bansa sapagkat bilang isang Pilipino,
tungkulin natin na malaman, magamit ng tama at husto ang wika. Sa pamamagitan nito,
makakukuha tayo ng karunungan sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wika na makakatulong
sa ating pang araw-araw na buhay. Lubos din nating maiintindihan ang kultura ng Pilipinas at
mapagyayaman ang ating kakayahang komunikatibo para sa epektibong pakikipag-ugnayan sa
ating kapwa.
Pagsasanay
Gawain I!
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang fliptop?
- Ang fliptop ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil
ang mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang
malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay
siyang sasagutin ng kanyang katunggali.
2. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ang fliptop sa balagtasan?
- Ang fliptop ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil
ang mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang
malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay
siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Samantalang ang balagtasan ay balagtasan na
gumagamit ng pormal na wika sa pagtalo, sa fliptop ay walang nakasulat na skrip kaya
karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at mabibilang sa iba’t ibang wika at ang
kanilang pagkakapareho ay pareho silang mga sitwasyong pangwika
3. Alin-alin sa mga katangian ng fliptop ang dahilan kung bakit hindi pa rin ito
maituturing na isang uri ng modernong Balagtasan?
- Ang fliptop ay hindi pa rin ito maituturing na isang uri ng modernong Balagtasan sa dahilang
ang fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang
paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali ito din ay
walang nakasulat na skrip kaya karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at
mabibilang sa iba’t ibang wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para
makapuntos sa kalaban. Samantalang ang Balagtasan naman ay gumagamit ng pormal na wika sa
pagtalo. Kaya hindi parin maituturing ang fliptop na isang uri ng modernong balagtasan.
4. Ano ang pick-up lines?
- Ang pick-up-lines ay makabagong bugtong na kung saan may tanong na sinasagot ng isang
bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito
sa boladas ng mga binatang manliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti at
magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa
pick-up-line, masasabing ito’y nkatutuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, chessy, at
masasabi ring corny. Madalas itong marinig sa usapang ng mga kabataang magkakaibigan o
nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga facebook wall, sa twitter at sa iba pang social media
network.
5. Sa paanong paraan o kadahilanan na patuloy na lumalaganap ang pick-up lines at hugot
lines?
- Patuloy na lumalaganap ang pick-up lines at hugot lines sa paraan o kadahilanang gigamit parin
ito ng ibang tao sa iba’t ibang sitwasyon. Tulad ng pagpapapansin, pagpapakilig, at pagpapangiti
sa ibang tao. Dahil sa damdamin o karanasang pinagdadaraanan ng mga tao sa kasalukuyan, ay
nakakagawa rin sa ng sarili nilang hugot lines at pick-up lines. Kaya mas lumaganap ito dahil sa
dami ng patuloy na gumagamit nito.
6. Ano-ano ang mga katangian ng hugot lines na nagustuhan ng mga tao lalong lalo ng mga
kabataan?
- Ang mga katangian ng hugot lines na nagustuhan ng mga tao lalong lalo ng mga kabataan ay
ito ay nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakakainis at dahil dito nailalabas ng
mga tao lalong lalo na ang mga kabataan ang kanilang damdamin.
7. Bakit tinawag na “texting capital of the world” ang Pilipinas?
- Tinawag na “texting capital of the world” ang Pilipinas dahil, humigit- kumulang apat na
bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian
tayong “Texting Capital of the World”.
8. Sa paanong paraan napalalaganap ang wika sa pamamagitan ng pagpapadala at
pagtanggap ng text o SMS?
- Napapalaganap ang wika dahil paggamit ng mga tao ng wikang Filipino sa pakikipag-usap sa
kanilang kapwa tao at nagkakaroon ito pagkakaintidihan dahil ang ginagamit na wika ay wikang
Filipino. Kaya mas lumaganap wika, dahil sa patuloy na paggamit nito sa pamamagitan ng text o
SMS.
9. Bakit mas marami ang nagapapadala ng text kaysa sa tumatawag sa telepono. Anong
katangian ng text na madalas ay nagugustuhan ng mga tao kompara sa pagtawag sa
telepono?
- Mas marami ang nagpapadala ng text kaysa tumawag sa telepono dahil, bukod sa mas murang
mag-text kaysa tumawag sa telepono ay may mga pagkakataong mas komportable ang taong
magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa
pamamagitan ng tawag sa telepono. Ang katangian ng text na madalas ay nagugustuhan ng mga
tao kompara sa pagtawag sa telepono ay, ang text madalas ginagmit ang code switching o
pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas din binabago o pinapaikli ang baybay
ng salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo. Ito din ay walang sinusunod na tuntunin o
rule sa pagpapaikli ng salita gayundin kung sa Ingles o Filipino ba ang gamit basta’t maipadala
ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano’y naiintindahang paraan.
10. Sa iyong pananaw nakakabuti ba ang text o nakakasama.Ipaliwang ang iyong sagot.
- Sa aking pananaw ay nakakabuti ang text. Dahil sa text masasabi mo kung ano ang iyong nais
sabihin nang hindi nahihiya o kinakabahan dahil hindi mo kausap sa personal ang isang tao. Ito
din ay nakakabuti dahil maaari mo ring makausap ang mga mahal mo sa buhay na nasa malayo,
sa pamamagitan ng text. Ito ang daan upang makausap natin ang ating mga mahal sa buhay kahit
malayo kayo sa isa’t isa.
Pagtataya
Panuto: Sa lahat ng larangan na ating tinalakay magmula sa sitwasyong pangwika sa
Fliptop hanggang sa sitwasyong pang wika sa Text, masasabi mo bang maunlad at patuloy
na umuunlad ang ating wikang Filipino? Bakit? At sa paanong paraan? Isa-isahin ang mga
ito.
- Oo, masasabi ko na maunlad at patuloy na umuunlad ang ating wikang Filipin. Dahil sa patuloy
na paggamit nito sa iba’t ibang paraan, tulad ng mga sitwasyong pangwika sa fliptop, pick-up
lines, hugot lines at Text. Mas lalong umunlad ang wikang Filipino. Una ay fliptop, sa
pagsagawa ng mga kompetisyon na tinatawag na Battle League na isinasagawa sa wikang Ingles
subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino. Pangalawa, sa pamamagitan ng pick-up lines,
ginagamit din ang wikang Filipino. Pangatlo, ay hugot lines na karaniwang nagmula sa mga
linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood
Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subali madalas Taglish o pinaghalong Ingles at
Tagalog ang gamit na salita sa mga ito. Pangatlo, Sitwasyong Pangwika sa Text Ang
pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text
message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Sa pagbuo ng
mensahe sa text, madalas ginagmit ang code switching o pagpapaplit ng Ingles at Filipino sa
pagpapahayag. Lahat ng ito ay gumagamit ng wikang Filipino kaya naiimpluwensyahan ang mga
tao na patuloy na gamiton ito at dahil sa mga sitwasyong pangwika, ito ang naging paraan upang
mas lumaganap ang wikang Filipino.
Takdang-aralin!
Magsaliksik sa kahulugan, katangian at mga bahagi ng liham.
Liham
 Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao
patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
 Ang liham ay isang pahayag o mensahe s pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao
patungo sa isa pang tao, o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
Katangian ng Liham:
1. Malinaw (Clear)
2. Wasto (Correct)
3. Buo (Complete)
4. Magalang (Courteous)
5. Maikli (Concise)
6. Kumbersasyonal (Conversational)
7. Mapagsaalang-alang (Considerate)
Bahagi ng Liham
1. Ulong sulat -dito makikita ang pangalan,impormasyon, at lokasyon.
2. Petsa -kung kailan ito sinulat.
3. Patunguhan -nakalagay dito kung saan nais iparating ang liham.
4. Bating pambungad -maikling panimula o pagbati.
5. Katawan ng liham -nakalagay naman dito kung ano ang nais nitong iparating o sabihin.
6. Bating pangwakas -nakasaad ito ng pamamaalam.
7. Lagda -binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon
Chaila Jane P. Sabello – BEED 1
Modyul 4
FILIPINO 1
AKADEMIKO SA WIKANG FILIPINO
Lesson 1: Mga katangian, Anyo at bahagi ng liham
Panuto:
1. LIHAM
2. PORMAL NA LIHAM
3. PAMUHATAN
4. LAGDA
5. MALINAW
Pagsasanay
Sagutin ang sumusunod na tanong:
 Ibigay ang tatlong anyo ng liham? Ipaliwanag bawat isa. (3 puntos bawat bilang)
1. Ganap na blak (Full Block Style)- Ang ganap na blak ay mas madaling tandaan na anyo
ng liham. Lahat ay magsisimula sa pinaka-kaliwang bahagi ng liham.
2. Modifay blak (Modified Block Style)- Ito ay halos katulad ng ganap na blak, ang
kaibahan lamang ay ang pamuhatan at ang bating pangwakas at lagda ay nasa bandang
kanan ng liham.
3. Semi-blak ( Semi-block Style)- Ang mga semi-block na liham ay katulad ng Modified
Semi-Block. Ang unang mga salitang ay naka-indent o nakaurong ng konti sa kanan.
 Ano ang dalawang uri ng liham? Ipaliwang bawat isa. (2 puntos bawat bilang)
1. Liham di pormal- ito ay mga liham na isinusulat para sa mga kaibigan, kamag anak at
iba pang mga kakilala na ang mga salitang ginagamit at kadalasang nagpapahayag at
pagiging palakaibigan, magiliw, pagmamahal o pag-aalala. Ang mga porma nito ay mas
maluwag o di strikto
2. Liham na pormal- Ito ay isinulat na ang layunin ay seryoso, opisyal, at kadalasan ay
tungkol sa pangangalakal. Ito ay isang opisyal na liham na strikto ang porma at inilalahad
agad ang layunin ng sumulat na walang halong mga magigiliw na salitang pangkaibigian.
Kadalasan ito ay tinatawag na liham pangangalakal ngunit kahit hindi ukol sa kalakal,
kung ito ay striktong sinusunod ang porma at nilalaman ng liham, ito ay maaaring
tawaging pormal na liham.
 Ano-ano ang mga katangian ng isang maayos na liham.
1. Malinaw (clear)
2. Wasto (correct)
3. Buo (complete)
4. Magalang (courteous)
5. Maikli (concise)
6. Kumbersasyonal (conversational)
7. Mapagsaalang-alang (considerate)
Panuto: Ibigay ang mga bahagi ng liham
 PAMUHATAN
 PATUNGUHAN
 BATING PANIMULA
 KATAWAN
 BATING PANGWAKAS
 LAGDA
Pagtataya:
A. Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang liham?
- Mahalaga ang pagsulat ng isang liham dahil ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o
komunikasyon sa isang tiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o
nakatitik. Ito din ay katulad ding personal napakikipag-usap nababakasan ng tunay na
personalidad ng taong sumusulat. Mababatid don sa liham kung ang sumusulat ay matamang
nag-isip at malinaw na nakapagpapayahag ng kaniyang tunay na damdamin sa amamagitan sa
pamamagitan ng mapitagan at magalang na pananalita.
2. Ipaliwanag kung bakit sa pagsulat ng liham kailangang ito ay:
- Sa pagsulat ng liham kailangang ito ay maayos upang ito ay maiintindihan ng taong
pagbibigyan ng liham. Dapat ito ay wasto, buo, at magalang upang maihatid ang impormasyon
na tama, walang labis at walang kulang at dapat magalang din ito upang ang mambasasa ay hindi
mabibigla, o magagalit at ito’y masisiyahan sa liham na pinarating sa kanya. Ito din ay dapat na
maikli upang hindi mawalan ng interes ang tao bumabasa at kailangang iwasan ang mga bagay
na walang kabuluhan. Kailangan ito din ay kumbersasyonal at mapagsaalang-alang upang ang
liham na nais iparating ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan at upang maipadama
ang pagtitiwala at kabutihang loob.
B. Gumawa ng liham ng aplikasyon sa trabaho sa istilong full-block gamit ang wikang
Filipino.
6220, Tabuk Manalongon Sta.
Cat. Negros Oriental
December 04, 2022
Atty. Fredieric B. Landicho
CEO of Deloitte Philippines
Six/NEO 5th Avenue, corner 26th St, Taguig
1634 Metro Manila
Mahal na Atty. Landicho:
Ako ay sumusulat upang mag-aplay para sa posisyon ng junior accountant. Naniniwala ako na
ang aking atensyon sa maliliit na detalye, mga kasanayan sa organisasyon at karanasan sa
larangan ng accounting ay ginagawa akong isang karapat dapat sa tungkuling ito.
Bilang isang kamakailang nagtapos mula sa programa ng accounting ng Negros Oriental State
University, mayroon akong isang malakas na background sa accounting at matematika. Sa aking
pag-aaral, nag-aral ako ng accounting principles, business, finance and economics. Nagtrabaho
din ako bilang isang accounting intern sa huling tatlong tag-init. Nakatulong ito sa akin na
bumuo ng aking mga kasanayan sa software at analytical na pangangatwiran. Gusto ko ang
pagkakataong dalhin ang aking mga kasanayan sa accounting sa iyong organisasyon.
Ang aking karanasan, lakas at hilig sa accounting ay naghanda sa akin para sa isang karera
bilang isang junior accountant. Sabik akong matuto nang higit pa tungkol sa iyong kumpanya, at
umaasa akong makausap ka ng personal. Salamat sa iyong oras at konsiderasyon.
Lubos na gumagalang,
Chaila Jane P. Sabello
Takdang –Aralin
Isaliksik ang ibat’t ibang uri ng pormal at di-pormal na liham. Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.
LIHAM PORMAL LIHAM DI PORMAL
1. Liham pangkaibigan 1. Liham pangangalakal
2. Liham paanyaya 2. Aplikasyon
3. Liham panghingi ng payo 3. Pagtatanong
4. Liham pagbati 4. Paanyaya
5. Liham pangungumusta 6. Pagbati
6. Liham pasasalamat 7. Pagtanggap
7. Liham pakikiramay 8. Paumanhin
8. Liham panghingi ng
paumanhin
9. Liham patanggi
10. Liham pagtanggap

FILIPINO 11111111111111111111111111111111111111111111111111111111

  • 1.
    Sabello, Chaila JaneP. BEED 1 MODYUL 1 FILIPINO 1 Akademiko sa Wikang Filipino Subukin Natin! 1. Bigyang kahulugan ang salitang “WIKA” -Kasangkapan ng kumunikasyon o pakikipag talastasan. -Agham at sining na kung saan bawat -Isang agham at sining kung salita na bibigkasin ng tao ay may saat bawat salita na bibigka- makulay na kahulugan. sin ng tao ay may makulay -Tagapagdala ito ng mga ideya at naiim- WIKA na kahulugan. pluwensyahan nito ang ugali ang -Sistema ng komunikasyon isip at damdamin ng tao. sa pagitan ng tao -Arbitaryong simbolo na sumusu- -Isang sistematikong balang nod sa patakaran ng isang gra- kas ng mga tunog na pinipi matika li at isinayos. Ginagamit ng tao sa pakikipagtalas- tasan sa pang araw-araw. 2. Bakit mahalaga Ang wika sa tao: Tao- mahalaga Ang wika sa tao dahil naging instrumento ito sa mabisang komunikasyon sa bawat isa at nagsisilbing tulay upang magkaroon ng pagkakaintindihan. Ang wika ang nagsisilbing daan upang ang lahat ng tao ay masabi o maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang dahilan ng pag-uusap at pagkakaintindihan ng bawat isa. Kung walang wika, walang pagkakaunawaan ang bawat isa na maaring maging sanhi ng pag-aaway at kaguluhan. Lipunan- mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat ito ang nagsisilbing kaluluwa n gating kultura. Ang wika ang nagsisilbing daluyan ng kaunawaan ng bawat taong naninirahan sa isang pamayanan at siyang ugat ng pagkakaisa ng mga ito. Bansa- mahalaga Ang wika sa Bansa dahil ito ang paraan upang tayo ay magkakaisa. Ang wika ang daan upang ang isang bansa ay manatiling nasa kapayapaan at pagkakaisa. Kahit may iba't- ibang dayalekto ang bawat maliit na lipunan sa isang bansa, ang opisyal na wika ang nagbibigay buhay sa isang bansa para sa pagkakaunawan at kaayusan. Ang wika ay natatanging simbolo ng isang bansa upang magkaroon ng pagkakakilanlan . 3. Ano ang mga katangian na gusto mo sa isang tao. Bakit? -Ang mga katangian na gusto ko sa isang tao ay magalang, may respeto, matulongin, mapagbigay, mapagpatawad, mapagmahal sa kapwa, masiyahin, may takot sa Diyos, at maunawain. Dahil sa mga katangiang ito, mapapagkatiwalaan ko Ang isang tao na may mabuting puso at wala ibang hangad kundi ang kapayapaan at walang masamang intensyon sa kapwa tao. 4.Sa tingin mo ba may katangian Ang wika? Bakit? - Sa tingin ko ang katangian ng wika ay makapangyarihan, dahil nakakakontrol ito ng pag iisip sa isang indibidwal. Masasabi kong ito ay makapangyarihan dahil sa pamamagitan ng wika, naipapahiwatig natin ang nais nating iparating o ipaintindi sa ating kapwa tao at nagkakaroon ng pagkakaisa ang bansa na ating pinagmulan.
  • 2.
    Pasasanay Gawain 1. Ayon sa(1) Wikipedia ang wika ay espisipikong kapasidad ng (2) Tao sa pagkakamit at paggamit ng mga komplikadong Sistema ng (3) Komunikasyon. Ayon naman kay Hill, ang wika ang (4) Pasulat at (5) Pasalita na anyo ng simbolikong pantao. Ang wika ay ginagamit ng tao sa (6) Pakikipagtalastasan araw-araw. Ito ay (7) Masistemang bansa. Mahalaga ang wika dahil ito’y (8) Tunog at (9) Pinipli ng kaalaman.(10) Arbitaryo ang wika ito’y nagbabago paglipas ng panahon.m Gawain II. _MALI_1. Makahulugan ang tunog ng wika kung ito ay hindi nagtataglay ng mga kahulugan.-nagtataglay ng kahulugan TAMA 2. Pinapagaan ng wika ang ating imahinasyon. _MALI_3. Nagbabago ang wika habang ito y ‟ nababawasan ng mga bagong bokabularyo.- nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. TAMA 4. Ang esensya ng wika ay panlipunan. MALI_5. Sintaksis ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika - ito ay pag-aarl ng mga pangungusap na makagham. TAMA 6. Ang wika ay nagpapalaganap ng mga kaalaman. _MALI 7. Ang tunog ay nanggagaling sa dila o hanging nanggagaling sa lakas at nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at ang resonador ang nagmomodify nito- baga TAMA 8. Arbitraryo ang wika. MALI_9. Kapag hindi ginagamit ang wika, mawawala ito at unti-unting mabubuhay.- tuluyang mamamatay. MALI_10. Hindi na kailangan pang isaayos ang wika kapag itoy ginagamit upang maging epektibo ang pakikipagtalastasan o komunikasyon.- kailangan pang isaayos Pagyamanin! II. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. KAHALAGAHAN NG WIKA Instrumento ng komunikasyon Ang wika pasalita man o Pasulat, ito pa din ang kasangkapan ng bawat tao upang ang bawat isa ay magkakaintindihan at makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Nag-iingat at Nagpapalaganap Ng kaalaman Ang wika ay nagbibigay ng mga kaalaman sa mga tao upang mas maintindihan ang iba’t ibang bagay sa mundo. Maraming kaalaman ang naisalin sa ibang saling-lahi at napapakinabangan din ng ibang lahi dahil sa wika. Nagbubuklod ng bansa Ano mang wika ay maaring maging wika ng pang-aalipin, ngunit maari din itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya. Ang wika din ay paraan upang magkaisa ang bansa. Dahil sa wika, nagkakaintindihan ang bawat isa.
  • 3.
    Takdang-aralin 1. Magsaliksik pang ibang kahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang manunulat.  Ayon naman kay Thomas Carlyle. “Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman,mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalanman, ang mismong katawan ng kasisipan.  Ayon naman kay Edward Sapir, isang German anthropologist-linguist, “ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan sa paghatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin”.  Ayo naman kay Pamela Constantino at Galileo Zafra, “ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapagkomunikeyt ang isang grupo ng mga tao”.  Ayon naman kay Henry Gkleason, ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.  Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.” 2. Gumawa ng isang maikling tula tungkol sa wika. Dapat ito ay may apat (4) na saknong at bawat saknong ay may apat (4) na taludtod. ANG WIKA Maituturing itong yaman ng bansa Na simula’t sapol ay hinahasa Magmula noong tayo pa ay bata At ito ang ating wika Wikang kinagisnan Nagagamit sa pakikipagtalatasan Nararapat lamang pahalagahan Sapagkat ito ay tunay na yaman Nagmumula sa ating dila Na punong-puno ng diwa Hindi na maipagkakaila, Na ito ay mahalaga Huwag nating kalimutan Ito ang tinig ng sambayanan Ito ay makabuluhan At Malaki ang ginagampanan
  • 4.
    3. Isa samga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko, magsaliksik ng dalawampung (10) bagong salita na idinagdag sa Oxford Dictionary. Isulat ang kahulugan at gamitin ito sa pangungusap (1). Adobo (a-do-bo) Kahulugan- Isang popular na putahe at paraan ng pagluto sa lutong pinoy o pilipinas. Sa pagiging popular nito ay kung minsan ay naririnig ito bilang ang opisyal na pambansang ulam ng Pilipinas. Pangungusap: Ang aking ama ay napakasarap magluto ng Adobo. (2). Baon (ba-on) Kahulugan- pera, pagkain o iba pang probisyon na ginagamit o dinadala papuntang eskwelahan , sa trabaho, sa byahe at iba pa. Pangungusap: Marami akong baon ngayon, kaya sumama ka sakin at ililibre kita. (3). Barangay (ba-rang-gay) Kahulugan- Sa Pilipinas ito ay ang tawag sa nayon, sa paligid-lungsod o sa iba pang hiwalay na distrito. Pangungusap: Sa Barangay na aking tinitirahan, ay may maraming mababait at masisipag na tao. (4). Barong (ba-rong) Kahulugan- maikli o matipid salita para sa barong tagalog. Pangungusap: Bukas ay buwan ng wika, kaya susuutin ko ang aking barong bukas sa eskwelahan. (5). Barkada (bar-ka-da) Kahulugan- grupo ng magkakaibigan Pangungusap: Ako ay higit na masaya kapag, kasama ko ang aking mga barkada. (6). Buko (bu-ko) Kahulugan- ang malagulamang laman ng isang hindi pa hinog na niyog. Pangungusap- kasama ko ang aking kapatid upang pumitas buko. (7). Carnap (car-nap) Kahulugan- pagnanakaw ng motor o kotse. Pangungusap: ang aking kotse ay na carnap, kaya magtungo tayo sa pulis ngayon at humingi ng tulong. (8). Gimmick (gim-mick) Kahulugan- isang gabi kasama ang barkada. Pangungusap: sasama k aba sa gimmick mamayang gabi? (9). Mabuhay (ma-bu-hai) Kahulugan- nagsisimbolo ng “ kalayaan “ para sa mga Pilipino. Ginagamit din bilang bati. Pangungusap: Mabuhay ang bagong mga bayani! (10). Pandesal (pan-de-sal) Kahulugan- tinapay na gawa sa harina, itlog, asukal at asin. Madalas kinakain pang-almusal. Pangungusap: Mas masarap ang pandesal kapag sinamahan ito ng kape.
  • 5.
    LEKSIYON 2: ANTASAT BARAYTI NG WIKA Subukin Natin! 1. pera - ang pera ay ugat sa lahat ng kasamaan ngunit ito ay hindi totoo dahil ang pagmamahal sa pera ang syang ugat sa lahat ng kasamaan. 2. bana- -bana ang tawag ko sa lalaki na aking minamahal 3. mister - Si mister ay isang magalang na tao at mapagmahal 4. buwaya -Buwaya din ang tawag namin sa mga pulis sapagkat silay ay malalakas. 5. ilaw ng tahanan -Ang Ina ang ilaw ng tahan 6. Baliw -Ang sanhi ng kanyang pagka baliw ay dahil sa pagkawala ng anak nya. 7.ermat -si ermat ang lagging nariyan sakin kapag akoy may problema kayat hindi ko sya magawang ewan.
  • 6.
    8. alagad ngbatas - nais ko din maging alagad ng batas upang maprotektahan ko ang aking pamilya at kapwa tao. 9.inang -si inang ay mapagmahal at maalaga. 10.praning -naging praning kana simula nung iniwan ka ng asawa mo. Pagsasanay! Gawain 1. 1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pormal at di-pormal na antas ng wika. Pormal na Antas ng wika -Mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggao at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika at kalimitang ginagamit sa paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal. Di-pormal na Antas ng wika -Ang mga salita o wikang impormal o di pormal naman ay ang mga salitang ginagamit ng marami sa araw-araw na normal na talakayan at pag-uusap. Gawain II Tukuyin ang Barayti ng Wikang kinabibilangan ng sumusunod na sitwasyon/pahayag. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. ___B__1. Holdap! Bigay all your things. Don t make galaw or I will tusok you. ‟ ___A__2. Natutunan ni Mary ang salitang vakkul sa Ivatan nang namasyal siya sa Batanes. ___C__3. Marami pa rin ang gumagaya sa pagsasalita ni Mark Logan sa TV Patrol. ___B__4. Sina Laura at Danilo ay nag-uusap ng mga salitang gaya ng charot chaka at bigalocks. ___A__5. Pagkaganda-ganda pala ng anak ng mag-asawang are, ah. ___E__6. Buenas Noches Amigos!
  • 7.
    ___D__7. Pwede akoligaw sayo? __ B__8. Ryan Bang, I liliy lily like you. __ B__9. Come on na. We will make pila pa. Baka its so haba and hot na. __ D__10. Ikaw tipid pera para asenso buhay Pagtataya! I. PAGPAPALIWANAG Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo. (10 puntos bawat bilang). 1. Paano mo mapapahalagahan ang antas at barayti ng wika bilang isang kabataan? -Bilang isang kabataan, mapapahalagahan ko ang antas at barayti ng wika sa pamamagitan ng, pagpapayaman ng aking kaalaman ukol sa antas at barayti ng wika at patuloy na paggamit nito sa aking pang araw-araw na pakikipagtalastasan upang manatiling buhay at kapaki-pakinabang sa aking buhay at pagkatao. Ipagbibigay alam ko sa lahat na ang wika ay dapat pahalagahan, pagkaingatan, gamitin naayon sa tama, upang respeto sa isat isa ay makamtam. 2. Paano nakakatulong ang antas ng wika sa iyo bilang isang mag-aaral? -ang antas ng wika ay nakakatulong sa akin sa pamamagitan ng pagkatuto at pagkaintindi sa mga leksyon sa paaralan, pagkatuto sa ibang lingguwahe, pagkakaroon ng magandang komunikasyon sa aking mga kaklase at mga guro. Nakakatulong din ito sa pagpapahayag ng aking damdamin at pagkakaroon ng respeto sa aking sarili at sa aking kapwa tao. Ang antas ng wika ang syang nagbigay buhay at pag-asa sa akin upang mas pagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral at upang sa pagdating ng panahon na ako na ay nakapagtapos na ng pag-aaral at may magandang trabaho ay tutulongan ko ang aking pamilya, at sa mga bata na nangangailangan ng tulong at patuloy na pagtangkilik ng wika at ibahagi din sa iba kung ano ang aking natutunan. Takdang-aralin! Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Paano mo maipakita ang pagmamahal at pagtangkilik sa wikang Filipino bilang isang mag-aaral ng Negros Oriental State University? -Maipapakita ko ang pagmahahal at pagtangkilik sa wikang Filipino sa paggamit nito sa pakikipagkomunikasyon sa pang araw-araw. At ipalaganap ang kahalagahan ng wika sa lalo na sa mga kabataan. Dahil sa wika, maipapakita mo ang panggalang sa iyong kapwa, tulad lamang ng paggamit ng “po” at “opo” sa mas nakakatanda. Ang wika ay maaring pasulat o pasalita. Bilang isang mag-aaral ng negros oriental state university, sa pamamagitan ng pasulat o pasalita ay gagamitin koi to upang ipahayag ang aking damdamin at ipaalam sa aking kapwa Pilipino na ang wika mahalin sapagkat ito ang nagsisilbing gabay para sa atin upang magkaroon ng pagkakaisa at kapayapaan. 2. Ano ang ilan sa mga kawili-wiling natuklasan mo sa araling ito? - Ang mga kawili-wiling natuklasan ko sa araling ito ang pagkatuto sa ibat ibang barayti ng wika at antas ng wika at pagkamulat sa kahalagahan ng wika.
  • 8.
    CHAILA JANE P.SABELLO-BEED 1 MODYUL 2 AKADEMIKO SA WIKANG FILIPINO Leksiyon 1 MULANG BAYBAYIN HANGGANG ABAKADA GAWIN ITO Panuto: Pansinin at Suriin ang mga larawang nasa ibaba. Hulaan kung ano ito. Ito ba ay may kaugnayan sa paraan ng pagsulat ng mga Pilipino noon? Bakit? (5 puntos) Sagot: Baybayin - Oo, ito ay may kaugnayan sa paraan ng pagsulat ng mga Pilipino noon. Dahil iba ito sa kasalukuyang paraan ng pagsulat ngayon. Isa ang mga baybayin sa mga aspekto ng sinaunang kulturang Pilipino na matagumpay na napalitan ng dayuhang Sistema ng panulat. PAGSASANAY Gawain 1 A. VENN DIAGRAM Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa ibaba. Isulat ang mga sagot sa loob ng venn diagram. (20 puntos) 1. Ano ang kaibahan ng baybayin sa abakada? Ang baybayin ay ang tawag sa sinaunang alfabeto ng ating mga ninuno. Ito ay may labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik. Ang labimpitong simbolong ito ay binubuo ng 14 na katinig at 3 patinig Ang abakada ay mula sa labimpitong (17) titik sa baybayin naging dalawampu (20) ang mga titik ng alfabeto sa kadahilanang pinaghiwalay ang E at I, O at U, Da at Ra. Kaya naging lima ang patinig na A, E, I, O, U at dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap ang Wikang Pambansa na Wikang Filipino. Binibigkas ang mga katinig ng may kasamang patinig na A.
  • 9.
    2. Ano angkaibahan ng abecedario sa abakada? Gawain 2: PAGSUSULAT NG BAYBAYIN A. PAGSUSULAT NG BAYBAYIN Panuto: Gumawa ng liham pasasalamat at isalin ito gamit ang baybayin. Ibigay ang liham pasasalamat sa taong nais mong pasalamatan. (50 puntos) Ang abecedario ay binubuo ng 31 na titik at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat. Ang abakada ay binubuo ng dalawampung (20) mga titik ng alfabeto sa kadahilanang pinaghiwalay ang E at I, O at U, Da at Ra. Kaya naging lima ang patinig: A, E, I, O, U at binibigkas ang mga katinig ng may kasamang patinig na A.
  • 10.
    PAGTATAYA B. Sagutin angmga sumusunod na tanong. 1. Bakit mahalagang pag-aralan ang paggamit ng baybayin hanggang abakada? Ipaliwanag.
  • 11.
    - Mahalagang pag-aralanang paggamit ng baybayin sapagkat ito ay nagbibigay daan upang paigtingin o mapatibay ang pagkakilanlan ng mga Pilipino. Ito din ang magsisilbing tanda ng muling pagkabuhay ng kultura’t kasarinlan ng bansa at gigising sa damdaming makabayan. 2. Nakatulong ba ang paksang ito sa pag-unawa mo sa kasaysayan ng alfabeto? - Oo. dahil mas nauunawan ko ang kasaysayan ng alfabeto at kahalagahan nito. TAKDANG ARALIN Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa kahong nasa ibaba. (20 puntos) 1. Bilang isang estudyante ng Negros Oriental State University, paano mo maiprepreserba ang pagsusulat gamit ang baybayin? Ilahad ang sagot sa tatlo o limang pangungusap lamang. -Bilang isang estudyante ng Negros Oriental State University, maiprepreserba ko ang pagsulat gamit ang baybayin sa pamamagitan ng pagtangkilik nito. Hihikayatin ko ang mga kabataan upang pag-aralan ang baybayin at pagsulat gamit nito. Patuloy ko itong gagamitin upang mas maging hasa pa ako sa pagsulat gamit ito. 2. Paano mo naman mapahahalagahan ang pagsusulat gamit ang baybayin? Ilahad ang sagot sa tatlo o limang pangungusap lamang. - Mapapahalagan ko ang pagsusulat gamit ang baybayin sa pamamagitan ng paggawa ng mga tula at kwento gamit ito at sa patuloy na paggamit nito. Mapapahalagahan ko din ito sa pamamagitan ng pag-alala at hindi makalimot sa kung ano ang aking natutunan tungkol dito at sa pagbahagi ng aking natutunan sa ibang mga tao at sa aking kamag-aral. Patuloy ko itong rerespetohin at tatangkilin upang hindi ko makalimutan at ng aking aking kapwa Pilipino ang kahalagahan ng baybayin. LEKSIYON 2 BAGONG ALFABETONG FILIPINO GAWIN ITO Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa kanang kahon. 1. Ilan ang titik sa bagong alfabetong Filipino? - Ang titik sa bagong Alfabetong Filipino ay binubuo ng dalawamput walong(28) titik. 2. Ano ang kaibahan ng bagong alfabetong Filipino sa Abakada? - Ang bagong alfabetong Filipino ay binubuo ng dalawamput walong(28) titik dahil sa mga pagbabagong naganap, tinawag na itong “pinasimpleng alfabeto”. Samantalang ang abakada na ipinakilala ni Lope K. Santos (ama ng Balarila ng Wikang Filipino) noong 1940 ay may dalawampu (20) na mga titik ng alfabeto sa kadahilanang pinaghiwalay ang E at I, O at U, Da at Ra. Kaya naging lima ang patinig at ito ay A, E, I, O, U at dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap ang Wikang Pambansa na Wikang Filipino. 3. Ano ang mas mainam gamitin, ang baybayin o ang bagong alfabeto? Bakit? - Mas mainam gamitin ang bagong alfabeto, dahil mas madali itong isulat at gamitin kaysa baybayin. Maganda ang baybayin sapagkat kung hindi mo ito pag-aaralan ay hindi mo ito maiintindihan.
  • 12.
    PAGSASANAY Gawain 1 Panuto: Magbigayng tatlong halimbawang salita sa bawat walong hiram na titik sa alfabeto at gamitin sa pangungusap ang mga salitang ibinigay. (6 puntos bawat bilang) 1. C  Champagne- Bibili ako ng Champagne mamaya.  Cinema- Mamayang hapon ay isasama ko ang aking pamilya na manuod ng Cinema  Chaperon- Hindi ko na kailangan ng Chaperon dahil kaya ko na ang sarili ko 2.Q  Quartz- Isang online na retailer ang Laurine Watches ng mga pambabaeng analog na relong quartz.  Quote- Ang hindi ko makalimutang quote ay “ Nabubuhay tayo, hindi para bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto.”  Quiz- Kailagan kong mag-aral mamaya upang makapasa ako sa quiz namin bukas. 3.Ñ  Señorita- Umaasta ang aking kapatid na parang señorita.  Ñiño- Mahinahong inangat ni Juan ang imahe ng Santo Ñiño.  España- Si Anna ay bumalik sa España at siya ay nag-aral ng mathematica at astronomia. 4.X  Xylophone- Gusto kong matutunan kong paano gamitin ang Xylophone.  Xenial- Xenial ang tawag sa isang panuri na ginagamit upang ilarawan ang isang mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng isang host as kanilang mga bisita.  Xerox- Gigising ako ng maaga bukas dahil magpapa Xerox pa ako para sa proyekto namin. 5.F  Frame- Bumili ako ng frame kanina para mas magandang tignan ang ating larawan na nakadisplay.  Flashlight- Mayroon akong na bili na flashlight at sobrang mahal nito.  Fiesta- Bukas ay fiesta ng aming barangay kaya iniimbitahan ko ang lahat ng aking kaklase na pumunta sa bahay dahil mayroon kaming malaking handaan. 6.J  Jelly- Ang sarap ng jelly na kinain namin kanina.  Jacket- Pinahiram ako ng jacket ng kaibigan ko kasi sobrang ginaw at ang lamig ng hangin.  Jesukristo- Kung patuloy tayong manalig at manampalataya kay Jesukristo, magkakaroon tayo ng buhay na puno ng saya at pagmamahalan at iba pa. 7.V  Volleyball- Gusto ko sanang maglaro ng volleyball kaya lang, hindi ako marunong.  Violin- Ang ganda pakinggan pag nagtutugtug ang isang tao gamit ang violin.  Vakul- Nais kong makasubok na magsuot ng vakul upang makanlungan ako laban sa matinding init ng araw. 8.Z  Zoo- Ako at ang aking pamilya ay masayang pumunta sa zoo at nakita ang iba’t ibang uri ng hayop.  Zoom- Nagalit ako nung nag zoom ang kaibigan ko ng isang litrato sa cellphone at pinagtawanan nila ito at nakita ko na ang nasa litratong iyon ay ako.
  • 13.
     Zero- Satuwing hindi ako nakikinig sa aking guro, zero lagi ang nakukuha ko sa aming exam Gawain 2: TIMELINE Panuto: Gumawa ng isang timeline tungkol sa kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino. Nasa ibaba ang pamantayan sa gagawing timeline. (20 puntos) Ortograpiya  Ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa simpleng salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispelling na ginagamit sa isang wika. Bago pa dumating ang kastila, mayroon ng sariling panitikan, sariling baybayin, o alpabeto na tinatawag nilang Alibata. Nagging makabuluhan ang paggamit ng Wikang Pambansa matapos ituro sa paaralan noon 1940. Sinimulan din ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na abakada hango sa unang apat na titik nito na may labinlimang katinig at limang patinig na kumakatawan sa isang mahalagang tunog bawat isa. 1940  Ang kasunod ng alfabetong Romano ay ang abakada na ipinakilala ni Lope K. Santos (ama ng Balarila ng Wikang Filipino). Mula sa labimpitong (17) titik sa baybayin nagging dalawampu (20) ang mga titik ng alfabeto sa kadahilanang pinaghiwalay ang E at I, O at U, Da at Ra. Kaya naging lima ang patinig: A, E, I, O, U at dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap ang Wikang Pambansa na Wikang Filipino. Binibigkas ang mga katinig ngmay kasamang patinig na A.  Ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos ng kaniyang sulatin na pinamagatang Balarila (nalathala, 1940) ay ang sinulat ni Dr. Jose Rizal noong nakadestino siya sa Dapitan na pinamagatang Estudios sobre la lengua tagala na nalathala noong 1899. 1976  Sinimulan ang pagbabago ng ating alfabeto sa mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino ng Surian ng Wikang Pambansa. Mula sa 20 titik ng abakada ng wikang Tagalog, idinagdag ang 11 bagong letra – c, ch, f, j, ll, ň, q, rr, v, x, at z kaya naging 31 ang titik ng alfabeto. Dahil sa dami ng mga titik, binansagan itong “pinagyamang alfabeto”. Subalit ito ay hindi naging matagumpay dahil nagpakita ito ng kunting kahinaan at nagdulot ng maraming argumento. Ilan sa mga ito ay hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga titik at kung paano ito pagsusunod- sunurin. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alfabetong may digrapo. Dahil sa iilang mga argumentong ito, muling binalak ng Surian na repormahin ang alfabeto partikular na sa pagreporma ng palabaybayangFilipino. Ang Abakada pa rin a ang ginamit ng taong-bayan, midya at maging sapaaralan hanggang sa kalagitnaan ng taong 1987. 1987  Sa taong ito, muling binago ang alfabeto nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Filipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987 na may pamagat na Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago, pag- unlad at paglaganap ng Filipino bilang wikang Pambansa at pampamahalaang wika at pagsang-ayon pa rin sa patakaran ng Edukasyong Bilingguwal ng 1987. Sa tulong ng mga lingguwista, dalubwika, manunulat, propesor, guro at mga samahang pangwika, ang pagreporma ay naisagawa. Nagsagawa ng mga simposyum ang noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na dating Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na nagging Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Napagkaisahan sa nabanggit na simposyum na mula sa dating 31 titik, ang alfabetong Filipino ay bubuuin na lamang ng 28 titik sapagkat tinanggal ang mga digrapo na ch, ll, rr dahil sa katwirang ang mga letrang c, h, l, r ay bahagi na ng alfabeto na maaaring pagtambalin kung kailangan. Dahil sa mga pagbabagong naganap, tinawag na itong “pinasimpleng alfabeto”. Ang dalawampu’t walong titik sa alfabeto ay ang mga sumusunod: Agosto 19, 1987  pormal na inilunsad ng LWP noong ang “Ang Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng
  • 14.
    Wikang Filipino”.Sinasabi nanakapaloob sa binalangkas na alituntunin sa ispeling ang gamit ng walong (8) dagdag na titik ng alfabeto. Gagamitin lamang ang mga ito sa mga hiram na salita at ekspresyon na nabibilang sa mga sumusunod: pangngalang pantangi, mga terminolohiyang panteknikal at sa mga salitang nagtataglay ng etniko at kultural na kulay mula sa mga minoryang wika sa Filipinas. Subalit dahil maraming pumuna sa umano’y napakahigpit at di- makatotohanang mga tuntunin sa ispeling na ipinalabas, muling nirebisa ang ating alfabeto. 2001  Ito ay tinawag na 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang alfabeto ay may 28 titik pa rin, walang bawas at walang dagdag. Ang tanging binago lamang ay ang tuntunin sa paggamit ng walong (8) dagdag na titik na naging sanhi ng maraming kalituhan. II. Venn Diagram Panuto: Gamit ang venn diagram, ilahad ang kaibahan ng alfabetong Filipino sa taong 1976 at 1987.(10 puntos) TAKDANG ARALIN Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa 3 o 5 pangungusap lamang: 1. Ano ang KWF at gampanin nito? - Ang KWF ay Komisyon sa Wikang Filipino at ang gampanin nito ay magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika ng Pilipinas. Ito din ay nagpapalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito. Gampanan ang iba pang mga aktibidad na Sa taong 1976 sinimulan ang pagbabago ng ating alfabeto sa mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino ng Surian ng Wikang Pambansa. Mula sa 20 titik ng abakada ng wikang Tagalog, idinagdag ang 11 bagong letra – c, ch, f, j, ll, ň, q, rr, v, x, at z kaya nagging 31 ang titik ng alfabeto. Dahil sa dami ng mga titik, binansagan itong “pinagyamang alfabeto”. Sa taong 1987, muling binago ang alfabeto nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Filipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987 na may pamagat na Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng Filipino bilang wikang Pambansa at pampamahalaang wika at pagsang-ayon pa rin sa patakaran ng Edukasyong Bilingguwal ng 1987.
  • 15.
    kinakailangan sa epektibongpaggamit ng naturan sa unahan ng mga makapangyarihan, mga Gawain, mga tungkulin at mga pananagutan. 2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa wika at sa ating alfabetong Filipino? - Maipapakita ko ang pagmamahal sa wika at sa ating alfabetong Filipino sa papamagitan ng pag-aaral nito. Paglikha ng mga nakakatuwang tula, kwento, o anumang artikulo gamit ang wika at alfabetong Filipino. Pagpapayaman ng aking kaalaman ukol sa wika at alfabetong Filipino at patuloy na paggamit nito. Chaila Jane P. Sabello- BEED 1 MODYUL 3 LEKSIYON 1: SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS SubukinNatin! I.Tukuyin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
  • 16.
    1. Ano angtawag sa larawang ito? - Ang tawag sa larawang ito ay radyo 2. Ano ang gamit ng kagamitang ito sa mga tao? - Ang gamit nito sa mga tao ay nagbibigay ito ng ibat ibang mahahalagang impormasyon at nalalaman ng mga tao ang ibat ibang kaganapan sa paligid sa pamamagitan ng pakikinig nito. 3. Sa inyong bahay may ganito pa ba kayong kagamitan? Magbigay ng larawan na hinahawakan ito bilang patunay. - Wala kaming ganitong kagamitan sa bahay 1. Ano naman ang tawag sa larawang ito? - Ang larawang ito ay tinatawag na Telebisyon 2. Sa tingin mo nakakatulong ba ito sa tao na makakuha ng mga impormasyon o balita gamit ang teknolohiyang ito? - Oo, nakakatulong sa tao na makakuha ng mga impormasyon o balita gamit ang telebisyon. Dahil, hindi lamang nila ito naririnig ngunit mas naiintindihan nila ito sapagkat nakikita din nila ang mga pangyayari na nasa balita sa pamamagitan ng panonood nito. 1. Ano ang tawag sa larawang ito? - Ang tawag sa larawang ito ay Diyaryo 2. Sa tingin mo tinatangkilik pa ba ito mga tao na gamitin bilang isa sa mga pangunahing pagkukunan ng impormasyon o balita sa panahon natin ngayon? - Para sa akin, hindi na tinatangkilik ang diyaryo bilang isa sa mga pangunahing pagkukunan ng impormasyon o balita sa panahon natin ngayon. Dahil, sa panahon natin ngayon mas nangingibabaw ang teknolohiya. Hindi mo na kakailanganin pang bumili ng diyaryo upang makakuha ng impormasyon o balita dahil sa teknolohiya mas napapabilis ang lahat. Maari kang makakuha ng balita sa telebisyon sa pamamagitan ng panood nito o kaya’y gamit ang cellphone sa pagbabasa ng mga balita online o gamit ang mga sites. Pagsasanay Gawain I. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Ano ang itinuturing na pangunahing wika sa mass media? Bakit kaya ang wikang ito ang pinipiling gamitin sa mga telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa? - Ang itinuturing na pangunahing wika sa mass media ay Wikang Pilipino. Ang Wikang Pilipino ang pinipiling gamitin sa mga telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa dahil, halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino at dahil dito mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa wikang Filipino. Ito ay isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang Pambansa. 2. Nakatutulong ba sa paglaganap ng wikang Filipino ang paggamit nito sa mga telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa? - Oo, dahil sa pamamagitan ng mga telebisyon at iba pang uri ng mass media mas nakakatulong ito sa paglaganap ng wikang Pilipino sapagkat milyon-milyong tao ang nanonood nito at mas naiintindihan ito ng mga nakakarami, kaya patuloy nila ito tinatangkilik at ginagamit. Malaki ang tulong ng paggamit sa wikang Filipino, dahil marami ng mamamayan sa bansa ngayon ang nakakapagsalita, nakakaunawa, at gumagamit ng wikang Filipino.
  • 17.
    3. Bakit kayaIngles ang ginagamit na pamagat ng karamihan sa mga pelikulang mga diyalogo? Ano ang pananaw mo ukol dito? - Ingles ang ginagamit na pamagat ng karamihan sa mga pelikulang mga diyalogo. Dahil, mas maayos at maganda itong pakinggan kung ito ay ingles, at dahil narin sa impluwensya ng ibang bansa. 4. Paano mo ilalarawan ang wika sa telebisyon? Masasabi mo bang ang paraan mo ng pagsasalita o paraan ng pagsasalita ng ilang taong kakilala mo ay may kaugnayan sa napapanood sa telebisyon? Sa paanong paraan? - Ang wika sa telebisyon ay wikang Pilipino na halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Masasabi ko na ang paraan ko ng pagsasalita o paraan ng pagsasalita ng ilang taong kakilala ko ay may ugnayan sa napapanood sa telebisyon. Dahil sa panonood ng telebisyon lahat tayo ay merong natututunang mga salita at paraan ng pananalita at tumatatak ito sa ating isipan at lahat din tayo ay gumagamit ng wikang Pilipino tulad lamang ng nasa telebisyon kaya’t masasabi ko ang ating paraan ng pananalita at may kaugnayan sa napapanood sa telebisyon. Gawain II. Gumawa ng isang bidyo. Pumili sa mga sumusunod na gawain. Ang bidyo ay hindi bababa sa tatlong (2) minuto at hindi naman lalampas sa tatlong (3) minuto. 1. Pagbabalita 2. Monologue ng isang pelikula. 3. Maikling patalastas o adbertisment na narinig sa radyo o nakikita sa telibisyon. Pagtataya Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wikang ginamit sa telebisyon, pelikula, radyo at diyaryo. - Mahalaga ang wikang ginagamit sa telebisyon, pelikula, radyo at diyaryo upang maintindihan ito ng tagapanood, tagapakinig, at mambabasa. 2. Nakakatulong ba ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa pag-unlad ng ating wikang Filipino? Ilahad ito sa paanong paraan. - Oo, nakakatulong ang sitwasyong pangwika ng pilipinas sa pag-unlad ng ating wikang Filipino sa papamagitan ng telebisyon, radyo, diyaryo at iba pang uri ng mass media na gumagamit ng wikang Filipino at dahil dito mas mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit sa wikang Filipino at dahil dito mas lalong umunlad at lumago ang ating wikang Filipino. Takdang-aralin! Magsaliksik sa kahulugan ng pahayagan o diyaryo at ibigay ang mga bahagi nito.  Pahayagan- ang pahayagan, o diyaryo ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan. Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng pahayagan o dyaryo:
  • 18.
     Mukha ngPahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Naglalaman ito ng pangalan ng pahayagan at headline ng mga balita. Makikita mo rin sa pahinang ito ang petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.  Balitang pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t- ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan sa labas ng ating planeta.  Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t- ibang lalawigan ng bansa.  Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro- kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.  Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na may kaugnayan sa industriya, kalakalan, at komersyo. Mababasa din dito ang kasalukuyang estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.  Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga patalastas tungkol sa mga bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at iba pang ari-arian.  Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga namayapang tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.  Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw sa mga mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay sa sining. Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng mga mambabasa, tulad ng sudoku at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang komiks at horoscope.  Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.  Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro. Mababasa din sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang isport sa loob at labas ng bansa. LEKSIYON 2: SITWASYONG PANGWIKA SA ANYONG KULTURANG Subukin Natin! Halina at sabayan mo akong suriin ang mga sumusunod na mga larawan. Pamilyar ka ba sa mga ito? Sige nga tukuyin mo bawat isa at sagutin ang mga katanungan na nasa ibabang bahagi nito. Isulat ito sa iyong sagutang papel Tanong:
  • 19.
    Sagutin ang mgasumusunod na tanong. 1. Ano ang iyong napansin sa mga pahayag o linya na mula sa ibang tao? Ilahad ang iyong sagot. - Ang napansin ko sa mga pahayag o linya na mula sa ibang tao ay sitwasyong pangwika sa fliptop, hugot lines, pick-up-lines at text. 2. Sa iyong palagay, may kabuluhan kaya ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay? - Para sa akin, meron itong kabuluhan sa ating pang araw araw na pamumuhay dahil maari natin itong gamitin upang magpasaya ng ibang tao, o dika’y sa mga mabubuting paraan sapagkat maraming tao ang makakaugnay nito. 3. Bakit mahalagang alamin ang sitwasyong pangwika sa bansa? - Mahalagang alamin ang sitwasyong pangwika sa bansa sapagkat bilang isang Pilipino, tungkulin natin na malaman, magamit ng tama at husto ang wika. Sa pamamagitan nito, makakukuha tayo ng karunungan sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wika na makakatulong sa ating pang araw-araw na buhay. Lubos din nating maiintindihan ang kultura ng Pilipinas at mapagyayaman ang ating kakayahang komunikatibo para sa epektibong pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Pagsasanay Gawain I! Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Ano ang fliptop? - Ang fliptop ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. 2. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ang fliptop sa balagtasan? - Ang fliptop ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Samantalang ang balagtasan ay balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtalo, sa fliptop ay walang nakasulat na skrip kaya karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at mabibilang sa iba’t ibang wika at ang kanilang pagkakapareho ay pareho silang mga sitwasyong pangwika 3. Alin-alin sa mga katangian ng fliptop ang dahilan kung bakit hindi pa rin ito maituturing na isang uri ng modernong Balagtasan? - Ang fliptop ay hindi pa rin ito maituturing na isang uri ng modernong Balagtasan sa dahilang ang fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali ito din ay walang nakasulat na skrip kaya karaniwang ang mga salitang binabato ay di pormal at mabibilang sa iba’t ibang wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para makapuntos sa kalaban. Samantalang ang Balagtasan naman ay gumagamit ng pormal na wika sa pagtalo. Kaya hindi parin maituturing ang fliptop na isang uri ng modernong balagtasan. 4. Ano ang pick-up lines? - Ang pick-up-lines ay makabagong bugtong na kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang manliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti at
  • 20.
    magpa-ibig sa dalagangnililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up-line, masasabing ito’y nkatutuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, chessy, at masasabi ring corny. Madalas itong marinig sa usapang ng mga kabataang magkakaibigan o nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga facebook wall, sa twitter at sa iba pang social media network. 5. Sa paanong paraan o kadahilanan na patuloy na lumalaganap ang pick-up lines at hugot lines? - Patuloy na lumalaganap ang pick-up lines at hugot lines sa paraan o kadahilanang gigamit parin ito ng ibang tao sa iba’t ibang sitwasyon. Tulad ng pagpapapansin, pagpapakilig, at pagpapangiti sa ibang tao. Dahil sa damdamin o karanasang pinagdadaraanan ng mga tao sa kasalukuyan, ay nakakagawa rin sa ng sarili nilang hugot lines at pick-up lines. Kaya mas lumaganap ito dahil sa dami ng patuloy na gumagamit nito. 6. Ano-ano ang mga katangian ng hugot lines na nagustuhan ng mga tao lalong lalo ng mga kabataan? - Ang mga katangian ng hugot lines na nagustuhan ng mga tao lalong lalo ng mga kabataan ay ito ay nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakakainis at dahil dito nailalabas ng mga tao lalong lalo na ang mga kabataan ang kanilang damdamin. 7. Bakit tinawag na “texting capital of the world” ang Pilipinas? - Tinawag na “texting capital of the world” ang Pilipinas dahil, humigit- kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian tayong “Texting Capital of the World”. 8. Sa paanong paraan napalalaganap ang wika sa pamamagitan ng pagpapadala at pagtanggap ng text o SMS? - Napapalaganap ang wika dahil paggamit ng mga tao ng wikang Filipino sa pakikipag-usap sa kanilang kapwa tao at nagkakaroon ito pagkakaintidihan dahil ang ginagamit na wika ay wikang Filipino. Kaya mas lumaganap wika, dahil sa patuloy na paggamit nito sa pamamagitan ng text o SMS. 9. Bakit mas marami ang nagapapadala ng text kaysa sa tumatawag sa telepono. Anong katangian ng text na madalas ay nagugustuhan ng mga tao kompara sa pagtawag sa telepono? - Mas marami ang nagpapadala ng text kaysa tumawag sa telepono dahil, bukod sa mas murang mag-text kaysa tumawag sa telepono ay may mga pagkakataong mas komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa pamamagitan ng tawag sa telepono. Ang katangian ng text na madalas ay nagugustuhan ng mga tao kompara sa pagtawag sa telepono ay, ang text madalas ginagmit ang code switching o pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas din binabago o pinapaikli ang baybay ng salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo. Ito din ay walang sinusunod na tuntunin o rule sa pagpapaikli ng salita gayundin kung sa Ingles o Filipino ba ang gamit basta’t maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali at kahit paano’y naiintindahang paraan. 10. Sa iyong pananaw nakakabuti ba ang text o nakakasama.Ipaliwang ang iyong sagot. - Sa aking pananaw ay nakakabuti ang text. Dahil sa text masasabi mo kung ano ang iyong nais sabihin nang hindi nahihiya o kinakabahan dahil hindi mo kausap sa personal ang isang tao. Ito din ay nakakabuti dahil maaari mo ring makausap ang mga mahal mo sa buhay na nasa malayo, sa pamamagitan ng text. Ito ang daan upang makausap natin ang ating mga mahal sa buhay kahit malayo kayo sa isa’t isa.
  • 21.
    Pagtataya Panuto: Sa lahatng larangan na ating tinalakay magmula sa sitwasyong pangwika sa Fliptop hanggang sa sitwasyong pang wika sa Text, masasabi mo bang maunlad at patuloy na umuunlad ang ating wikang Filipino? Bakit? At sa paanong paraan? Isa-isahin ang mga ito. - Oo, masasabi ko na maunlad at patuloy na umuunlad ang ating wikang Filipin. Dahil sa patuloy na paggamit nito sa iba’t ibang paraan, tulad ng mga sitwasyong pangwika sa fliptop, pick-up lines, hugot lines at Text. Mas lalong umunlad ang wikang Filipino. Una ay fliptop, sa pagsagawa ng mga kompetisyon na tinatawag na Battle League na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino. Pangalawa, sa pamamagitan ng pick-up lines, ginagamit din ang wikang Filipino. Pangatlo, ay hugot lines na karaniwang nagmula sa mga linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subali madalas Taglish o pinaghalong Ingles at Tagalog ang gamit na salita sa mga ito. Pangatlo, Sitwasyong Pangwika sa Text Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas ginagmit ang code switching o pagpapaplit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Lahat ng ito ay gumagamit ng wikang Filipino kaya naiimpluwensyahan ang mga tao na patuloy na gamiton ito at dahil sa mga sitwasyong pangwika, ito ang naging paraan upang mas lumaganap ang wikang Filipino. Takdang-aralin! Magsaliksik sa kahulugan, katangian at mga bahagi ng liham. Liham  Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.  Ang liham ay isang pahayag o mensahe s pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao, o grupo, kadalasan sa ibang lugar. Katangian ng Liham: 1. Malinaw (Clear) 2. Wasto (Correct) 3. Buo (Complete) 4. Magalang (Courteous) 5. Maikli (Concise) 6. Kumbersasyonal (Conversational) 7. Mapagsaalang-alang (Considerate) Bahagi ng Liham 1. Ulong sulat -dito makikita ang pangalan,impormasyon, at lokasyon. 2. Petsa -kung kailan ito sinulat. 3. Patunguhan -nakalagay dito kung saan nais iparating ang liham. 4. Bating pambungad -maikling panimula o pagbati. 5. Katawan ng liham -nakalagay naman dito kung ano ang nais nitong iparating o sabihin. 6. Bating pangwakas -nakasaad ito ng pamamaalam. 7. Lagda -binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon
  • 22.
    Chaila Jane P.Sabello – BEED 1 Modyul 4 FILIPINO 1 AKADEMIKO SA WIKANG FILIPINO Lesson 1: Mga katangian, Anyo at bahagi ng liham Panuto:
  • 23.
    1. LIHAM 2. PORMALNA LIHAM 3. PAMUHATAN 4. LAGDA 5. MALINAW Pagsasanay Sagutin ang sumusunod na tanong:  Ibigay ang tatlong anyo ng liham? Ipaliwanag bawat isa. (3 puntos bawat bilang) 1. Ganap na blak (Full Block Style)- Ang ganap na blak ay mas madaling tandaan na anyo ng liham. Lahat ay magsisimula sa pinaka-kaliwang bahagi ng liham. 2. Modifay blak (Modified Block Style)- Ito ay halos katulad ng ganap na blak, ang kaibahan lamang ay ang pamuhatan at ang bating pangwakas at lagda ay nasa bandang kanan ng liham. 3. Semi-blak ( Semi-block Style)- Ang mga semi-block na liham ay katulad ng Modified Semi-Block. Ang unang mga salitang ay naka-indent o nakaurong ng konti sa kanan.  Ano ang dalawang uri ng liham? Ipaliwang bawat isa. (2 puntos bawat bilang) 1. Liham di pormal- ito ay mga liham na isinusulat para sa mga kaibigan, kamag anak at iba pang mga kakilala na ang mga salitang ginagamit at kadalasang nagpapahayag at pagiging palakaibigan, magiliw, pagmamahal o pag-aalala. Ang mga porma nito ay mas maluwag o di strikto 2. Liham na pormal- Ito ay isinulat na ang layunin ay seryoso, opisyal, at kadalasan ay tungkol sa pangangalakal. Ito ay isang opisyal na liham na strikto ang porma at inilalahad agad ang layunin ng sumulat na walang halong mga magigiliw na salitang pangkaibigian. Kadalasan ito ay tinatawag na liham pangangalakal ngunit kahit hindi ukol sa kalakal, kung ito ay striktong sinusunod ang porma at nilalaman ng liham, ito ay maaaring tawaging pormal na liham.  Ano-ano ang mga katangian ng isang maayos na liham. 1. Malinaw (clear) 2. Wasto (correct) 3. Buo (complete) 4. Magalang (courteous) 5. Maikli (concise) 6. Kumbersasyonal (conversational) 7. Mapagsaalang-alang (considerate) Panuto: Ibigay ang mga bahagi ng liham  PAMUHATAN  PATUNGUHAN  BATING PANIMULA  KATAWAN  BATING PANGWAKAS  LAGDA Pagtataya:
  • 24.
    A. Panuto: Ipaliwanagang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang liham? - Mahalaga ang pagsulat ng isang liham dahil ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa isang tiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o nakatitik. Ito din ay katulad ding personal napakikipag-usap nababakasan ng tunay na personalidad ng taong sumusulat. Mababatid don sa liham kung ang sumusulat ay matamang nag-isip at malinaw na nakapagpapayahag ng kaniyang tunay na damdamin sa amamagitan sa pamamagitan ng mapitagan at magalang na pananalita. 2. Ipaliwanag kung bakit sa pagsulat ng liham kailangang ito ay: - Sa pagsulat ng liham kailangang ito ay maayos upang ito ay maiintindihan ng taong pagbibigyan ng liham. Dapat ito ay wasto, buo, at magalang upang maihatid ang impormasyon na tama, walang labis at walang kulang at dapat magalang din ito upang ang mambasasa ay hindi mabibigla, o magagalit at ito’y masisiyahan sa liham na pinarating sa kanya. Ito din ay dapat na maikli upang hindi mawalan ng interes ang tao bumabasa at kailangang iwasan ang mga bagay na walang kabuluhan. Kailangan ito din ay kumbersasyonal at mapagsaalang-alang upang ang liham na nais iparating ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan at upang maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob. B. Gumawa ng liham ng aplikasyon sa trabaho sa istilong full-block gamit ang wikang Filipino. 6220, Tabuk Manalongon Sta. Cat. Negros Oriental December 04, 2022 Atty. Fredieric B. Landicho CEO of Deloitte Philippines Six/NEO 5th Avenue, corner 26th St, Taguig
  • 25.
    1634 Metro Manila Mahalna Atty. Landicho: Ako ay sumusulat upang mag-aplay para sa posisyon ng junior accountant. Naniniwala ako na ang aking atensyon sa maliliit na detalye, mga kasanayan sa organisasyon at karanasan sa larangan ng accounting ay ginagawa akong isang karapat dapat sa tungkuling ito. Bilang isang kamakailang nagtapos mula sa programa ng accounting ng Negros Oriental State University, mayroon akong isang malakas na background sa accounting at matematika. Sa aking pag-aaral, nag-aral ako ng accounting principles, business, finance and economics. Nagtrabaho din ako bilang isang accounting intern sa huling tatlong tag-init. Nakatulong ito sa akin na bumuo ng aking mga kasanayan sa software at analytical na pangangatwiran. Gusto ko ang pagkakataong dalhin ang aking mga kasanayan sa accounting sa iyong organisasyon. Ang aking karanasan, lakas at hilig sa accounting ay naghanda sa akin para sa isang karera bilang isang junior accountant. Sabik akong matuto nang higit pa tungkol sa iyong kumpanya, at umaasa akong makausap ka ng personal. Salamat sa iyong oras at konsiderasyon. Lubos na gumagalang, Chaila Jane P. Sabello Takdang –Aralin Isaliksik ang ibat’t ibang uri ng pormal at di-pormal na liham. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno. LIHAM PORMAL LIHAM DI PORMAL 1. Liham pangkaibigan 1. Liham pangangalakal 2. Liham paanyaya 2. Aplikasyon 3. Liham panghingi ng payo 3. Pagtatanong 4. Liham pagbati 4. Paanyaya 5. Liham pangungumusta 6. Pagbati
  • 26.
    6. Liham pasasalamat7. Pagtanggap 7. Liham pakikiramay 8. Paumanhin 8. Liham panghingi ng paumanhin 9. Liham patanggi 10. Liham pagtanggap