3. Mga Tauhan:
1. Kibuka na isang retiradong indibidwal na
nag-alaga ng isang biik na sa unang
pagkakataon ay hindi niya gusto subalit ng
naglaon ay napamahal na rin siya.
2. Apo ni Kibuka na siyang nagbigay ng biik
sakanya upang alagaan.
3. Nathaniel Kiggundu ang taong
nagmamaneho ng motorsiklo na nakabangga sa
dalawa
4. 4. Musisi – Hepe ng Ggogombola.
5. Mga Kapitbahay na siyang tumulong kay
Kibuka noong mga pagkakataong halos
wala na siyang kakayahan na pakainin ang
kanyang alaga.
6. Mga Pulis na rumesponde matapos
maganap ang isang aksidente.
7. Miriamu at Yosefu- Kaibigan ni kibuka
5. Sagutin:
Batay sa mga pangyayaring naganap
sa akda, paano pinahalagahan ang
isang alagang hayop?
6. Ang maikling kuwento ay
masining na akdang nilikha
upang mabisang maikintal sa isip
at damdamin ng mambabasa ang
isang pangyayari tungkol sa
buhay ng tauhan, lugar o
mahahalagang kaganapan.
7. Taglay nito ang pagkakaroon ng:
1. may iisang kakintalan;
2. may isang pangunahing tauhang
may mahalagang suliraning
kailangang bigyan ng solusyon;
8. 3. tumatalakay sa isang madulang
bahagi ng buhay;
4. may mahalagang tagpuan
5. may kawilihan hanggang sa
kasukdulan na agad susundan ng
wakas.
9. Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay
ang kuwento ng tauhan na ang
binibigyang diin ay ang ugali o
katangian ng tauhan. Ang maikling
kuwento na iyong binasa ay nakatuon
sa katangian ng tauhan. Ang tauhan
sa akda ay kumikilos ayon sa kaniyang
paligid.
10. Gawain 1: Makatotohanan ba o Di-
Makatotohanan? Panuto: Balikan ang
tekstong “Ang Alaga” at pumili ng
sampung (10) mga pangyayari mula
rito at tukuyin kung ang mga ito ay
makatotohanan o di-makatotohanan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
11. MGA PANGYAYARI SA AKDA MAKATOTOHANAN DI-MAKATOTOHANAN
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.